Helaina

By peritwinklexx

6.5K 195 19

Hindi naging maganda ang unang pagkikita ni Helaina at Valentine. One is committed, and the other is kinda pl... More

Helaina
Simula
Kabanata 1
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30

Kabanata 2

350 10 2
By peritwinklexx

"Laine!" tawag sa akin ng kaibigan kong si Charmaine. Nagmamadali siyang tumawid ng kalsada at tumakbo papunta sa akin at dinamba ako ng yakap. Muntik ko pang mabitawan ang bag ko.

"I miss you too, Charm." sabi ko habang niyayakap siya pabalik. Napangiti ako nang marinig ko ang nanunuyang halakhak niya.

"I miss you too ka dyan? Hindi kita namiss, noh!" aniya. Kita mo tong babaeng 'to. In denial pa. Napailing na lang ako sa sinabi niya.

Isa si Charmaine sa mga naging kaibigan ko dito sa school. Magkaklase kami noong 2nd year. Siya 'yong unang nag-approach sa akin noon. Transferee kasi ako dito sa school. Napili ko ang school na ito dahil sa uniform nila. Kulay pink kasi ang palda tapos may kulay pink din na neck tie. Kikay na kikay lang ang dating. Maganda din naman ang kalidad ng pagtuturo nila dito sabi ng mga kakilala kong nag-aaral din dito.

"Ba't ang haggard mong tingnan? Namumutla ka pa." ani Charmaine.

"Talaga?" tanong ko. "Nag-Hybrid kami kagabi. Tapos late na kong nakauwi."

"Kaya pala. Buti hindi ka pinagalitan ni tita." aniya.

Tss, kung alam mo lang Charm.

"Alam mo namang wala akong pakialam kung magalit man sa akin si mommy."

Nagkibit balikat na lang siya sa sinabi ko. Alam din kasi ni Charmaine na hindi kami magkasundo ni mommy. Minsan kasi pumupunta siya sa bahay namin para mag group study. Nasaksihan niya 'yong pagtatalo namin ni mommy. Panay ang tanong niya kung bakit ganoon na lang daw ako sumagot sagot kay mommy. Kaya yun, napilitan akong magkuwento sa kanya.

Nakita ko kaagad si Gael pagpasok namin sa gate. Mag isa lang siyang nakatayo sa gilid ng guard house. Sinalubong niya agad ako ng yakap nang makita niya ako.

"Ang laki ng eyebags mo, babe." naka-ngising sabi niya. Napanguso ako at kinurot ko siya sa braso. "May hang-over ka ba?"

Tumango ako bilang sagot sa tanong niya. Isiniksik ko ang mukha ko sa leeg niya. Ang bango-bango talaga ng lalaking 'to.

"Medyo masakit nga ang ulo ko." sabi ko.

Kumalas siya sa pagkakayakap niya sa'ken at hinalikan ang noo ko. Nakita kong may kinuha siya sa bulsa niya. Kinuha niya ang kamay ko at inilagay niya ang isang maliit na plastic na may naglalaman ng mga tabletas.

"Nagbreakfast ka ba?" tanong niya. "Inumin mo 'yan. Para mawala na 'yang hang-over mo."

Napangiti ako sa sinabi niya. Isa ito sa mga bagay na nagustuhan ko kay Gael. Napakama-alaga niya kasi. Hindi niya rin ako pinagbabawalan sa mga bagay na gusto kong gawin. Tulad na lang ng pagsama ko sa mga gimik ng barkada. Kilala niya rin naman kasi 'yong mga kasama ko sa tuwing gumigimik ako. Pero may limitasyon ako.

Tumikhim si Charmaine sa gilid ko. Napalingon kami ni Gael sa kanya.

"Ang sweet niyo naman. Huwag kayong masyadong PDA, noh. Tapos na ang Valentine's Day at nasa school po kayong dalawa." halakhak ni Charmaine. "Infairness, nakaka-bitter kayong dalawa, ha."

Lumapit si Gael ng naka-ngisi sa kanya at inakbayan siya.

"Huwag kang maging bitter, Charm. Makakahanap ka rin ng kapalit doon sa gago mong ex." sabi ni Gael. "Gusto mo bang ipakilala kita sa mga teammates ko?"

Kaka-break lang kasi ni Charmaine at nung boyfriend niyang si Michael. Nahuli niya kasing may kalandiang iba 'yong gago na 'yon. Sayang lang kasi loyal pa naman si Charmaine sa kanya. Ba't ba kasi may mga lalaki pang nangangaliwa kahit na committed na sila? Ba't ba hindi nila magawang makunteto sa karelasyon nila?

"Huwag na, noh. Salamat na lang." ani Charmaine at inalis ang braso ni Gael sa pagkakaakbay sa kanya. "Pahinga muna ako sa lovelife lovelife na 'yan."

Dumagsa na ang mga estudyante papasok ng campus. Napagpasyahan ni Gael na ihatid kami ni Charmaine sa classroom namin. Magka-holding hands kaming naglalakad sa pathway. Medyo sikat si Gael dito sa school. Varsity player kasi siya. Kaya madami ang bumabati sa kanya sa tuwing may nakakasalubong siya. Tulad ngayon, panay ang tapik niya sa balikat ng mga bumabati sa kanya. Nginingtian niya naman iyong mga babaeng bumabati din sa kanya. Lapitin rin ng babae ang isang 'to. Napaka-friendly niya din kasi. Buti na lang talaga kasi hindi niya ako binibigyan ng rason para magduda. Kahit na may mga oras na nakakadama ako ng selos sa mga babaeng umaaligid sa kanya.

Naunang pumasok si Charmaine sa loob ng classroom. Buti na lang at wala pang prof. Humarap si Gael sa akin.

"Huwag mong kalimutang inumin 'yong gamot, ha." niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi. "I love you, babe. Kita tayo sa canteen mamaya."

"Okay, babe. I love you too." hinalikan ko rin siya sa pisngi niya. Sinundan ko siya ng tingin nang magsimula na siyang maglakad paalis.

First day pa lang ay nagkaroon na agad kami ng quiz sa klase ni Mr. Galado. Panay nga ang reklamo ng mga kaklase ko pero wala naman silang magawa. Buti na lang at short quiz lang ang ibinigay niya.

"Okay, I guess that's for today." tumayo si Mr. Galado at umalis na. Maaga niya kaming dinismiss dahil may aasikasuhin daw siya sa faculty room.

Siniko ako ni Charmaine.

"May 30 minutes pa bago ang next class natin." aniya habang nakatingin sa wrist watch niya. "Punta muna tayong canteen. Nandoon sila Cyril at Nes."

Tumango ako bilang sagot sa sinabi niya.

"Okay, sige. Bibili na rin ako ng mineral water para mainom ko na 'tong gamot." sabi ko.

Tumikhim si Charmaine sa sinabi ko. Lumingon ako sa kanya at nakita ko ang mga nanunukso niyang tingin.

"What?" nakakunot noo kong tanong sa kanya.

"Ang swerte mo talaga kay Gael. Ilang years na nga kayo? 3 years ba?" hagikhik niya. "Kailan ang kasal?"

"Tigilan mo 'ko Charm, ah. Masakit ang ulo ko. Kasal kasal ka diyan." irap ko sa kanya.

"O, anong connect nun sa sinabi ko?" natatawang tanong niya.

Hindi ko na lang siya pinansin. Nauna na akong naglakad sa kanya. Nagmamadali naman siyang sumunod sa akin. Buti na lang at hindi na siya humirit. Medyo nawala kasi ako sa mood para makipagbiruan sa kanya. Para na kasing tinutusok ang ulo ko sa sobrang sakit. Medyo umiikot pa ang paningin ko.

Namataan ko agad sina Cyril at Nes pagkapasok ko ng canteen. Nakaupo silang dalawa sa may gilid ng bintana malapit sa counter. Kumakain ng spaghetti si Cyril at ngumunguya naman ng chewing gum si Nes. Nagmadali akong naglakad papunta sa kanila.

"Shit na hang-over!" mura ko sabay hampas sa mesa pagkaupo ko. Napatalon pa si Cyril sa ginawa ko.

"Ano ba naman, Laine! Nakakagulat ka!" reklamo ni Cyril. Matalim ko lang siyang tiningnan.

"Gumimik ka kagabi, ano?" tanong ni Nes.

"Malamang teh! Kaya nga 'shit na hang-over' daw," sarkastikong sagot ni Cyril.

Hindi ko na sila pinansin. Ang sakit sakit na talaga ng ulo ko. Parang gusto kong sumuka. Ipinikit ko ng mariin ang aking mga mata. Hindi naman ito ganito kanina. Tolerable pa ang sakit pero ngayon hindi na. Minamasahe ko na lang ang sentido ko habang nakikinig sa usapan nila Cyril at Nes.

"Grabe, Laine! Ang bilis mong maglakad!" hinihingal na sabi ni Charmaine, hawak hawak niya pa ang dibdib niya habang hinahabol ang hininga niya.

Napasinghap si Cyril nang makita siya. Lumingon ako kay Charmaine. Gusto kong matawa sa hitsura niya ngayon. Medyo nagulo kasi ang buhok niya at pinagpapawisan pa siya. Pero di ko magawang tumawa dahil sa sakit ng ulo ko.

"Para kang ginahasa, Charm. Ayusin mo nga iyang buhok mo." maarteng sabi ni Cyril. Tumawa naman si Nes sa sinabi ni Cyril.

Napanguso na lang si Charmaine at sinuklay niya ang buhok niya gamit ang kamay.

"Charm, bilhan mo 'ko ng mineral water please." nanghihina kong suyo sa kanya.

"Hay, Laine! Kung di lang talaga kita mahal. Naku!" nakasimangot na sabi ni Charmaine. Tumayo siya at naglakad papunta sa may counter para bumili ng mineral water. Buti na lang at kaunti lang ang bumibili sa oras na ito.

"Nasan ba kasi ang boyfriend mo?" nakakunot noong tanong ni Cyril.

"May klase siya ngayon. Binigyan niya naman ako ng gamot kanina." sabi ko.

Nakita ko ang pagpapalitan ng makahulugang tingin ni Cyril at Nes. Ano kayang meron? Minsan talaga parang others ang dalawang 'to. May mga ginagawa sila na sila lang dalawa ang nagkakaintindihan. Nagtagampo nga minsan si Charmaine sa kanilang dalawa dahil parang silang dalawa lang daw ang magkakaibigan. Hindi naman big deal sa akin 'yon. I'm cool with it. As long as they're not stabbing us behind our backs.

"You know what Laine.. Parang napaka-ideal ni Gael. I mean, he's too damn good to be true. Parang walang flaws. You know.." maarteng sabi ni Cyril. Pinaglalaruan na niya ngayon ang spaghetti na nasa harap niya.

Nag-angat ako ng tingin kay Cyril. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Bakit, Cyril? May alam ka bang hindi ko alam tungkol kay Gael?" Naiinis ako sa inaasta nila ngayon. Wala naman kasing ginagawang masama sa kanila si Gael para pagdudahan nila ito ng ganito.

Nag-iwas ng tingin si Cyril sa akin. Tinutusok tusok niya iyong hotdog na nasa spaghetti na kinakain niya.

"Wala naman. Nagtataka lang ako." aniya, saka sinubo iyong hotdog.

I just rolled my eyes on him. Nakita kong pabalik na si Charmaine sa mesa namin. Dala-dala na niya iyong mineral water na pinabili ko sa kanya. May dala rin siyang chips at fruit soda. Inabot niya agad sa akin 'yong mineral water. Binuksan ko naman iyong plastic na bigay ni Gael kanina. Kumuha ako ng isang tabletas at ininom agad iyon. Humugot ako ng isang malalim na hininga bago nagsalita.

"Hindi ko alam kung bakit niyo naitanong 'yon sa akin. At hindi ko rin alam kung saan kayo humuhugot ng pagdududa kay Gael. He's not perfect, guys. Nag-aaway din kami minsan pero hindi namin ipinapaikita o pinapahalata sa inyo. It's not something na kailangan pang i-broadcast.."

"Anong meron?" bulong ni Charmaine. Palipat lipat niya pa kaming tiningnan habang isinusubo sa bibig niya 'yong chips na binili niya.

"If he's too good to be true, then I don't care. I mean, as long as hindi niya ako niloloko, it's fine with me. He's just doing his part as a good boyfriend. Pwede bang hayaan niyo na lang kami? Masaya ako sa kanya. Masaya kaming dalawa. Pwede rin bang maging masaya na lang kayo sa amin?"

Yumuko si Cyril sa sinabi ko. Malungkot namang ngumiti si Nes sa akin. Napailing na lang ako.

"I know something about him that you don't, Laine." makahulugan na sabi ni Cyril at tumayo siya para umalis. Hindi pa nga naubos itong kinakain niyang spaghetti. Sinundan namin siya ng tingin. What? May alam ba siyang hindi ko alam tungkol kay Gael? Ano naman kaya 'yon?

"Anyare don?" naguguluhang tanong ni Charmaine.

Nakakunot ang noo kong tumingin kay Nes. Itinaas niya agad ang dalawang kamay niya at umaktong sumusuko.

"Labas ako diyan, Laine." sabi niya.

Gusto kong sundan para kumprontahin si Cyril tungkol doon sa sinabi niya. Pero masakit ang ulo ko ngayon at wala ako sa mood. Baka awayin ko lang 'yon. Ano kaya ang problema niya kay Gael? Hindi naman siya ganito sa amin dati. Buong buo pa nga ang suporta niya sa aming dalawa. Tapos ngayon, bibigyan niya ako ng palaisipan tungkol kay Gael?

Marahan ipinilig ni Nes ang ulo niya. Tumagos ang tingin niya sa likod ko. "Nandito na pala ang pinsan ko. Ipapakilala ko kayo."

Hindi na ako nag-abala pang lumingon sa likod ko. Ginugulo kasi ni Cyril ang utak ko. Ano ba kasing gusto niyang sabihin? Sana sinabi niya na lang iyon kaagad at ng hindi na ako maguguluhan ng ganito. Ah, ewan! Sumasakit tuloy lalo ang ulo ko.

Narinig ko ang mga yapak ng pinsan niya sa likuran ko. Napansin ko ang panlalaki ng mga mata ni Charmaine.

"What the.." bulong niya. Nakita kong pumula ang mga pisngi niya.

"Ang tagal mo naman. Naligaw ka ba?" pabirong tanong ni Nes sa pinsan niya na nakatayo sa likuran ko.

Then I heard someone chuckled behind my back.

"Hindi. May dinaanan lang ako." sagot ng pinsan ni Nes.

"Oh, okay." tango ni Nes. "By the way, these are my friends. This is Charmaine." tinuro ni Nes si Charmaine. "Charmaine, this is Valentine."

Inabot ni Charmaine ang kamay niya kay Valentine para makipag-shake hands. Tinanggap naman iyon ng lalaki.

"Just call me Charm." pa-cute na sabi ng kaibigan ko. Muntanga 'tong si Charmaine. Base sa kanyang reaksyon, siguro gwapo itong pinsan ni Nes. Inilagay niya pa iyong mga takas ng buhok sa likod ng tainga niya.

Valentine.. Valentine.. Valentine.

Wait. Parang narinig ko na ang pangalan na 'yon, ah. Saan ko nga ba iyon narinig? O, eh ano ngayon? Ang dami daming tao na may pangalang Valentine. Yumuko ako nang maramdaman kong umupo sa tabi ko ang pinsan ni Nes.

"And this is Elaine." ani Nes. Nakita ko sa gilid ng aking mga mata na ibinaling ni Valentine ang tingin niya sa akin. "Wala na dito si Cyril. Naunang umalis. Naipakilala ko na 'yon sa'yo kanina."

Nag-angat ako ng tingin sa pinsan ni Nes. Nanlaki ang mga mata ko. Oh, my.. Shit! Siya?!

And then the last night's incident played like a short movie on my mind. So siya nga iyong tinutukoy nung mga babae sa CR kagabi? Siya yung may kahalikan sa dance floor. Fuck! Siya rin yung walang hiyang kumaladkad at nangahas na hawakan ako 'doon'.

"Ang sarap tingnan ni Valentine.."

"Are you seducing me?"

"My, what do we have here.."

"Babe.."

And then I saw him smirked. That familiar playful smirk. I bet he know's what I'm thinking right now. Sa dinami dami pa ng tao na pwedeng maging pinsan ni Nes, itong manyak na kupal na 'to pa?!

"Oh, we meet again." aniya, sabay kagat sa kanyang pang-ibabang labi.

Continue Reading

You'll Also Like

894K 24.2K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...