He Who Conceive |โœ”

By AmorevolousEncres

1.3M 51.9K 7.2K

[BxB, MPREG] An ordinary night but turned out to be the nightmare of Makaio when unexpected thing happened. H... More

HE WHO CONCEIVE
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER 1
SPECIAL CHAPTER 2
Thank You!
Characters

CHAPTER 14

28.2K 1.3K 99
By AmorevolousEncres

Chapter 14


Kai Pov

Hindi ko masalubong ang mga mata ni papa. Natatakot ako. Kinakabahan ako kung ano ang maaaring sabihin ni papa. Kilala niya si Priam... kilalang-kilala niya ang taong nasa tabi ko ngayon. Magkatabi kami ni Priam at si papa Gino naman ay nakakupo sa isang upuan sa gilid namin ni Priam.


Panay ang lunok ko at pahid ko sa palad ko sa aking suot na cotton shorts. Hindi na nauubusan ng pawis ang mga palad ko sa kaba. Simula kasi nung umupo si Priam sa tabi ko ay walang imik si papa. Kinakabahan ako sa katahimikan ni papa.

Tinanong ako ni papa noon kung sino ang ama ng dinadala ko pero hindi ko iyon sinabi sa kanya. Wala akong sinabi sa kanya. Ayaw kung sabihin kasi nahihiya ako kay papa, nahihiya ako sa sarili ko. At ayaw kong sabihin dahil alam ni papa kung ano ang galit ko kay Priam tapos siya pa ang ama ng dinadala ko.


"Did you eat your lunch already?" bulong sa akin ni Priam mayamaya.

Tumingin ako sa kanya at bumulong din. "W-wala pa."

Narinig ko naman ang mahinang daing niya dahil sa naging sagot ko.


"Tito," si Priam ang unang nagsalita. Ako ay nanatiling tahimik sa tabi ni Priam na hindi makatingin kay papa. Siguro hindi talaga kinakabahan si Priam dahil buo pa rin ang boses niya nang nagwika siya. Kinakabahan ako, hindi ako makapagsalita kay papa.


Para akong kinuhaan ng kakayahang makapagsalita. Dumapo ang isang kamay ni Priam sa kamay ko na nasa hita ko. Napatingin ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin. Napahawak din ako sa kamay niya. Tingin ko kasi mawawala ang kaba ko dahil doon.


"Makaio, nagsasama kayo nitong si Priam sa iisang bahay? Dito?" seryosong tanong ni papa. Naiyuko ko na naman ang ulo ko.


"Oo, tito. Dito-"

"Hindi ikaw ang tinatanong ko Priam." pagputol ni papa kay Priam. "Sagot Makaio." pag-utos ni papa sa akin.

Humigpit ang pagkakapit ko sa kamay ni Priam. "P-papa..." tumingin ako kay papa na parang baril ang mata na nakatutok sa akin.

"Hmm." si papa.


"Oo, pa... m-magkasama po kami dito." sagot ko kay papa sa mababang boses.


"Is he the father?" wala talagang paligoy-ligoy pag si papa na ang magtatanong. Kagaya lang nung tinanong niya ako kung buntis ba ako.


Now, papa Gino is throwing me missile-like look.


I obediently nod my head before answering him. "Oo, pa."

Isang mahabang katahimikan ang pumagitna sa amin matapos kong sagutin si papa. Wala siyang imik pati kaming dalawa ni Priam ay wala rin. Parang naghihintay din si Priam sa magiging reaksyon ni papa.


"Ikaw ang girlfriend ng anak ko, diba, Priam?" sa wakas ay wika ni papa matapos ng mahabang katahimikan.

Napatingin ako sa kamay namin ni Priam na magkahawak. Ako na ang bumitiw sa pagkakahawak ni Priam sa kamay ko. Shit! Bakit ko ba hinawakan ang kamay niya? Nababaliw na talaga ako habang tumatagal.


"Hindi ko na po girlfriend ang stepdaughter niyo, tito." pagtatama ni Priam kay papa.

Ang lakas ng loob.

"Hijo... Priam... kung hindi ako nagkakamali ay pumunta ka pa noong nakaraang buwan sa bahay ko," binigyang diin ni papa ang huling sinabi niya. "Hindi ba kayo nagkabalikan nun ni Jia?"


"Sorry, sir... siguro nga po ay mali po ang ginawa ko na gawing daan si Jia para makita ko po ang anak ninyo," tumingin sa akin si Priam. Kinunutan ko naman siya ng noo ko. Binalik ni Priam ang mata niya kay papa, "mali nga po na ginawa kong daan si Jia upang makita lang si Kai. Pero wala na po akong ibang paraan na maisip makita lang siya pagkatapos ng may mangyari sa amin. But I assure you tito... nung may nangyari sa amin ni Kai... wala na po kami ni Jia nun."


"Alam mo na ba nung una pa lang na hindi ordinaryong lalaki ang anak ko, Priam? Alam mo ba noon pa man na pwedeng mabuntis ang anak ko?"


"No tito... hindi ko po alam. Honestly, nalaman ko lang po iyon nung makita ko po ang sonogram at nasaksihan ko rin po ang morning sickness ni Kai but before that tito. If i'm not mistaken, I also witness kung paano siya dumuwal nung naamoy niya ang pasta noon sa restaurant na pinagtatrabahuan niya pero hindi ko pa po alam noon na buntis siya until nung napadpad po ako dito last month lang din." kampanteng sagot ni Priam.

Oo nga pala si Priam Lacsamana pala ang unang naka-witness nung una kong maramdaman ang sintomas ng pagbubuntis ko.


"At ngayon ay nandidito ka dahil..."

"Dahil gusto ko pong alagaan si Kai at ang magiging baby namin. I will take responsibility of what I've done tito. I want to look after him. Besides, I like your son from the very beginning, tito." walang kagatol-gatul na pagsabad ni Priam kay papa.

Napaubo naman ng wala sa oras dahil sa huling inamin ni Priam kay papa. Narinig ko rin nag pagsinghap ni papa. Ang kapal din ng mukha ng lalaking ito. Binubola niya rin siguro si papa. Tae mo Lacsamana!


"Priam... alam mo ba ang sitwasyon ng anak ko? Alam mo ba ang repustasyon ng mga bearer sa mata ng lipuanan? Nilayo ko ang anak ko sa mata ng mga tao Priam dahil delikado, pati sina Jia at Jade, Priam hindi nila alam na buntis si Kai dahil baka kung ano ang maaaring mangyari sa anak ko... wala akong tiwala sa kanila at maraming naghahabol na mga doctor sa mga kagaya ng anak ko. Makakaasa ba ako na mababantayan mo ang anak ko, Priam? Kung totoo iyang mga pinagsasabi mo maakakaasa ba ako na hindi mapapahamak ang anak ko habang wala ako Priam? At makakaasa ba ako na hindi mo ito ipagkakalat?" napatingin ako kay papa. Kinagat ko ang labi ko dahil sa nagbabadyang mga luha sa mata ko.


"I know that tito. That's why I am here. I promise... I promise you tito that I will take good care of Kai and our unborn  baby. You can count on me, tito. As much as I want the world to know that I'm gonna be a father tito, but i know Kai's situation."


Ngumiti si papa kay Priam saka tinapik ang balikat. "Aasahan ko iyan, Lacsamana."

"Thank you tito."

Napangiti rin ako doon sa di malamang kadahilanan.


"Pero Priam... ikaw pa rin ang bukam-bibig ni Jia hanggang ngayon. Talaga bang klinaro mo na ang namamagitan sa inyo?"


Tumikhim si Priam. "Yes, tito I made it clear to her."

"Hmm," si papa.


Pagkatapos naming mag-usap, ang ibig kong sabihin ay matapos mag-usap ni papa at ni Priam ay kumain ako... pinakain ako ni Priam. Yes, ni Priam dahil ako muntik ko na ring makalimutan na wala pala akong tanghalian. Tssk! Napakapabaya ko talagang buntis. Si papa ay sinabayan din ako sa pagkain ko. Si Priam naman ay tapos na daw siyang kumain sa dun sa resort. Umuwi lang naman daw siya nang makabakante siya sa oras niya para malaman kung kumain ba daw ako.


"Pa... salamat po. Salamat po dahil hindi po kayo nagalit. At saka po... sorry kung hindi ko po sinabi sa inyo ang totoo. Natakot ako pa... natakot akong sabihin sa inyo ang totoo at nahihiya rin po ako. Kasi... kasi alam niyo naman po kung gaano ko kinamumuhian si Priam tapos siya po ang nakabuntis sa akin at isa pa ex-boyfriend din po siya ni Jia. Sorry talaga pa."

Niyakap ako ni papa. Nandito kami ngayon sa dalampasigan dahil uuwi na si papa. Sabi ko naman sa kanya na pwede siyang matulog doon sa bahay pero hindi daw siya nakapagpaalam kay tita Jade at baka daw magduda iyon. Saka iyong bangka na inarkila ni papa ay hinihintay sa kanya.


"Wag mo nang isipin iyon anak. Naiintindihan kita pero sana wag ka nang maglihim at magsinungaling sa akin. At masaya akong nakikita na inaalagaan ka ni Priam. Na nandidito si Priam upang alalayan ka sa pagbubuntis mo. Alam kong mahirap anak pero alam ko rin na kaya mo lalo na't nandyan si Priam."

Iniwas ko ang tingin ko kay papa dahil uminit ang mukha ko sa sinabi niya.


"Sige na anak aalis na ako. Mag-iingat kayo dito at kumain ka." si papa at muli akong niyakap.

"Ingat po sa byahe tito." napalingon ako kay Priam na nasa tabi ko. Dumating siya at kinapa sa akin ang isang makapal at malaking towel.

Si Priam ay hindi na bumalik sa resort ng pinsan niya dahil maggagabi na rin at sabi niya wala na naman daw siyang masyadong aasikasuhin doon.

Ngayon ay nakahiga na ako sa kama at nalagyan ko na rin ng oil iyong binti ko dahil sumasakit iyon saka pinupulikat din kasi ako. Napabaling-baling ako sa kinahihigaan hindi ako makatulog. Hindi ko alam kung anong oras na basta matagal na akong nakahiga pero hindi talaga ko makatulog.

Gustong-gusto ko ng matulog pero ayaw ng katawan ko. Nakaka-irita na! Bumangon ako at pinisil ko ang binti ko. Nang mapagod ako kay bumaba ako ng kama saka naisipan kong uminom ng tubig. Pagod akong naglakad patungo sa pintuan at pagkalabas ko ay tamang-tama naman na kalalabas lang din ni Priam sa Cr. Nagulat siya ng makita ako.

"Oh, where you going?" tanong niya.

"Iinom ng tubig, nauuhaw ako saka hindi rin ako makatulog. " sagot ko sa kaniya.

"Ako na ang kukuha bumalik ka na sa kwarto mo." ngumiwi ako sa kanya pero sinunod ko naman ang utos niya. Hindi ko na sinara ang pintuan.

Ilang sandali pa ay bumalik na si Priam at dala ang tubig... saka gatas! Tubig lang naman ang sinabi ko, ah.


"Here," aniya saka binigay ang tubig sa akin saka nilagay niya ang baso ng gatas sa bedside table katabi ng lampshade na siyang nagsisilbing ilaw lang namin.

Umupo ako upang inumin iyong tubig pero ng nasa kamay ko siya ay ayaw ko na namang inumin iyon. Nilagay ko nalang iyon sa table sa tabi ng gatas. Umupo si Priam sa kama, sa tabi ko. Parang gusto ko tuloy siya itulak.


"I thought your thirsty." si Priam.


"Iwan ko ayaw ko na e, nawala na ang uhaw ko." ako mismo ay naguguluhan na sa sarili ko.

"You want the milk?" tanong niya sabay abot sa gatas pero mabilis ko siyang pinigilan.


"Ayaw ko niyan!" agad kong wika.

"Then go back sto sleep babantayan kita hanggang makatulog ka."

"Psh! Anong akala mo sa akin bata? Umalis ka na kung gusto mo ng matulog." pagtaboy ko sa kanya.

"Not until you can sleep." pagmamatigas niya rin.

"Eh, hindi nga ako makatulog!" inis kong saad. Oo, gusto kong matulog pero hindi ako makatulog, shit! Gusto ko na ngang dukutin itong mata ko.

Hindi umimik sa akin si Priam saka humarap siya sa akin at inakyat niya ang buong katawan niya sa kama. Walang ano-ano'y hinuli niya ang katawan ko saka ako hiniga sa kama. Sobrang bilis ng pangyayari. Kinumutan niya ako bago niya ako pinataligod sa kanya at naramdaman ko nalang ang katawan niya sa likod ko tapos sinaklaw niya ang katawan ko gamit ang dalawang kamay niya.

Nasiko ko siya pero mabilis niyang nasangga ang kamay ko na parang alam niya na gagawin ko iyon.

"Priam anong ginagawa mo?!" pabulong kong sigaw sa kanya pero humigpit lang ang pagkakayakap ng kamay niya sa akin saka mas idiniin niya ang katawan niya sa akin. Jesus! Nararamdaman ko na ang init niya sa likod ko! Shit! Naghubad ba siya? Sa pagkaka-alala ko ay naka-tshirt pa siya ng pumasok siya dito sa kwarto ko!

"They say that pregnant bearer can experience uneasiness especially when sleeping and the best remedy of it is a warmth embrace. So don't mind me. Just sleep."

Iwan ko kung niloloko ba ako ni Priam pero nagpaloko naman ako. Hinayaan ko nalang siya dahil... URGHHH ayaw ko mang aminin pero naging komportable ako sa yakap niya, sa... sa bango niya. Parang... parang gusto ko na siyang harapin at amoyin siya! Lacsamana! Mas lalo akong hindi makakatulog nito!

___________
Ang sarap lang sa pakiramdam na may naghihintay pala sa mga ud ko sa story na ito.🥺😘❤ Maraming salamat po. Labyo, keep safe kayong lahat.

Continue Reading

You'll Also Like

861K 23.7K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...
280K 7.6K 35
ใ€Žโ€ขโ€ขโœŽโ€ขโ€ขใ€Disclaimer: All publicly recognizable characters, settings, etc. are the property of their respective owners. The original characters and plot...
211K 9.3K 27
BxB | Mpreg | R18 Zyrho and Arth's story... WARNING: Contains strong language and mature scenes. DISCLAIMER: This is written in Taglish. Book Cover...
396K 14.2K 25
Connection sometimes define relationships. So as, Relation must have a connection. But.....is our connection enough? Are we really compatible? Does c...