Every 17th

By jaem-ii

83.3K 3.1K 765

WATTYS 2021 WINNER (YOUNG ADULT CATEGORY) Country girl Yngrid Bartolome only wanted two simple things: 1. To... More

Every 17th
Mixtape (January 17, 2008)
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Mixtape (February 17, 2008)
Kabanata 6
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Mixtape (March 17, 2008)
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Mixtape (April 17, 2008)
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Mixtape (May 17, 2008)
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Mixtape (June 17, 2008)
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Mixtape (September 17, 2008)
Kabanata 32
Kabanata 33
Para Kay Yngrid (Side A)
Para kay Yngrid (Side B)
Note

Kabanata 7

1.2K 78 27
By jaem-ii

Every 17th

•••

ILANG ARAW ANG LUMIPAS nang hindi kami nag-usap o nagkita man lang ni Rafael. Iniwasan ko na bumisita sa kubo o bukid nila dahil sa napag-usapan namin noong nakaraang araw ni Manang Jo. Kaya naman ginawa ko na lang abala ang sarili ko sa bukid namin.

Ngayong hapon ay tumulong ako sa pag-aani ng mga kamatis. Wala naman kasi akong assignment, o school activity na kailangang gawin kaya ito na lang ang ginawa kong pampalipas oras. Bukod naman kasi kay Ian, at sa ibang helper sa bahay ay wala na ‘kong makausap pa at magugulo. Hindi pa naman ako sanay kapag lumilipas lang ang araw ng walang ganap.

Katulad lang ng palaging gawi, namimigay kami sa mga kapit-bahay namin ng ani. Sa isang bilao ay nilagay ko ang personal na mga pinitas ko na kamatis na ibibigay ko kay Manang Tinay, ito na rin ang thank you gift ko sa kan'ya dahil lagi akong nanghihingi rito ng mga bulaklak.

Dahil tapos na rin naman ang pag-aani ay naisipan kong tumungo kina Manang Tinay para ibigay ang bilao ng kamatis. Imbis na dalhin ko pa ang bisikleta ko papunta sa kanila ay naglakad na lang ako, sasaglit lang naman ako para na rin magpahangin. 

Patungo roon, tahimik lang ang daan maliban sa pagaspas ng hangin na kasama ko. 

Nagitla na lang ako nang may sumitsit sa likuran ko. Nahinto ako sa paglalakad at inisip kung lilingon ba ‘ko. 

“Huy!” gulat sa’kin ni Paeng na nakasakay sa bisikleta n’ya. Napahawak ako sa dibdib ko at pasalamat ko na lang na hindi ko nabitawan ang bilao na hawak ko.

Agad-agad akong nag-iwas ng tingin dito at nagpatuloy na lang na lumakad. Naalala ko bigla na ang gulo-gulo ng itsura ko. Ilang buhok na ang nakatakas mula sa pagkakapusod ng abot siko kong buhok. 

“Oh, ba’t di ka namamansin?” pangungulit pa rin nito mula sa likod ko. Dumaplis ang mga mata ko sa direksyon n’ya kaya nakita kong umalis na ‘to sa bisikleta n'ya at tinulak na lang iyon habang nakasunod na lumalakad sa tabi ko.

Naglagay ako ng sapat na distansya sa’min kahit ‘di naman kailangan. “Huh? Wala lang…” tanggi ko sa boses na malapit na atang matalo ng hangin sa hina nang pagkakasabi ko. 

“Weh? ‘Di nga?” 

Binilisan ko ang paglalakad dahil naaasiwaan ako. Dapat naman ay ‘di ako magalit o magtampo sa kan’ya, pero hindi ko mapigilan. 

“Ano nga? Galit ka ba?” habol pa rin n’ya. 

“Hindi nga sabi!” Tinapunan ko na ‘to nang mga matang singkit dala ng inis. 

Natawa si Paeng dahil sa reaksyon ko. Oo na, alam ko naman na hindi ako madalas mainis, ni hindi ko kaya na magalit nang matagal.

“Sabi mo ‘di ka galit, pero ba’t gan’yan ‘yang mukha mo?” pang-aasar pa lalo nito habang may malaking ngisi sa mga labi n’ya. 

“Ewan ko sa’yo…” pabulong kong balik at tuluyan na ‘tong iniwanan. Mabuti na lang ay natatanaw ko na ang kubo nila Manang Tinay kaya dumiretso na ‘ko ng takbo papunta roon. 

“Dayang, sandali!” pahabol nito habang papalayo naman ako.

🎵🎶🎵

PAGKARATING SA BAHAY NI MANANG TINAY ay nakipagkwentuhan lang ako rito tungkol sa kung ano-ano para maiwasan ng husto si Rafael. Akala ko ay aalis na rin s’ya, pero naisipan n’yang maki-epal at sumali sa usapan namin ni Manang Tinay. Kahit gano’n pa man ay ‘di ko s’ya pinapansin kahit sabat s'ya nang sabat.

Nang mapansin ni Manang Tinay na malapit nang magdilim ay sinabihan ako nito na umuwi na rin kaagad. 

“Salamat pala rito, Dayang,” tukoy n’ya sa bilao ng kamatis. “Paeng, ikaw na ang maghatid d’yan,” bilin nito. 

“Sige po, Manang, una na po kami,” sagot ni Rafael.

Nakahalukipkip akong lumakad paalis at hindi na hinintay si Rafael. Kaya kong umuwi mag-isa, atsaka ayoko na rin abalahin pa s’ya dahil taga rito lang naman s'ya. 

“Huy! Halika na, umangkas ka na,” aya nito sa’kin habang nakasakay sa bisikleta n'ya. Tinuro nito ang angkasan sa likod ng bisikleta gamit ang nguso n'ya.

“‘Wag na, maglalakad na lang ako pauwi,” mabilis na tanggi ko rito. 

Narinig kong pumalatak ‘to. Pinadyak n’ya ang bisikleta n’ya papunta sa harapan ko para humarang sa daraannan ko. Sinalubong n’ya ‘ko nang isang kilay na nakataas.

“Aangkas ka, o ikaw ang papadyak at ako ang aangkas?” tanong nito sa tono na malalim. Nagsasabi na seryoso s’ya at kaunting pitik ko na lang ay maiinis na talaga s’ya.

Pero sa ilang taon ko na s’yang kilala, sino ba s’ya para matakot ako sa kan’ya. Natatawa pa nga ‘ko dahil sa sinambit n’ya. 

“Alam mo, may dalawa akong mga paa at dalawang mga mata para makauwi. Pagbuhulin ko pa kayo ng bisikleta mo…” nakawala na naman ang inis sa pamamagitan ng tono kong tila tumaas.

Lumamlam ang ekspresyon ni Paeng. “Bakit ka ba kasi nagagalit? Ano bang kinagagalit mo?”

Paano ko ba kasi sasabihin na s’ya nga ang dahilan kung bakit ako galit? 

“Ang kulit-kulit mo kasi! Hindi nga ‘ko galit!” patuloy ang pagtaas ng boses ko.

“Kung ‘di ka galit, ba’t ka sumisigaw?”

“Kasi… kasi nga—ah!” hindi ko mapigilan ang gigil sa bawat salita ko. 

Ipinatong ni Rafael ang dalawang kamay n’ya sa manibela ng bisikleta n’ya. Yumuko ito bago ako bigyan ng mga matang naghihintay sa sagot ko.

Pero hindi… hindi ko sasabihin kung bakit ako galit sa kan’ya. Kaya para matigil na ‘to ay sumuko na lang ako umangkas sa likuran ng bisikleta n’ya.

“Halika na, iuwi mo na ‘ko.”

Kinuha nito ang kamay ko, pero dali-dali ko 'yon hinugot pabalik. Naramdaman at narinig ko ang pagpapakawala n'ya ng malalim na buntong-hininga, ang nagpahaba ng pasensya n'ya.

Mapilit si Rafael kaya muli nitong kinuha ang isang kamay ko para ilagay iyon sa beywang n’ya. 

“Kumapit ka,” utos n’ya bago tuluyang pumadyak para maihatid na n’ya ‘ko pauwi.

🎵🎶🎵

NAGMAMADALI akong tumayo mula sa pagkaka-angkas sa bisikleta ni Rafael nang huminto ito sa tapat ng gate namin. Pinigilan ako nito na makaalis nang hulihin na naman n'ya ang isang kamay ko.

“Ano ba kasing problema? Bakit ka ba nagagalit?” tanong n’ya na hindi pa rin sumusuko. 

Sa tono ng malalim na boses ni Paeng ay alam kong may halo iyong lungkot. Hinarap ko ito kahit na nahihiya akong tapatin ang mga mata n'yang wala na ang sigla.

Bakit ba kasi ako nagtatampo sa maliit na bagay? Hindi naman ako sanay na magalit, lalo na kung patungkol pa sa kan’ya.

Lumunok ako bago magsalita, kailangan ko na rin sigurong lunukin ang pride ko. “‘Yung mixtape,” putol kong sabi dahil nahihiya pa ‘kong aminin kung sa’n nanggagaling ang pagtatampo ko sa kan’ya. “‘Di ba napagkasunduan natin ‘yung pagpapalitan ng mixtape?” 

Binitawan nito ang kamay ko na hawak-hawak n’ya at napasuklay sa buhok n’ya gamit ang mga daliri n‘ya. “‘Yon lang ba ‘yon?”

Bumilog ang mga mata ko sa sinabi nito. Lang? Maliit na bagay lang ‘yon para sa kan’ya.

“Ano pa bang ilalagay ko sa mixtapes? ‘Yong mga kantang gusto mo naman, may kopya ka na no’n,” dagdag niya na lalong nagpaliit sa halaga ng mga mixtapes na ginawa ko sa kan’ya.

“Hindi naman ‘yon ‘yong point, Paeng! Kahit pa paulit-ulit ‘yung mga kanta, at least, ‘di ba, nag-effort ka man lang gumawa ng mixtape?” may diin kong sabi. 

Napangiwi si Rafael na parang narindi sa sinabi ko. Imbis na sumagot s’ya ay hinayaan na lang n'yang itikom ang bibig n'ya na lalong nagpadismaya sa’kin.

“Pinakinggan mo man lang ba ‘yong dalawang mixtape na binigay ko sa’yo?” diretsong tanong ko rito.

Napadiretso si Rafael ng pagkakaupo sa bisikleta n'ya. Umawang ang bibig nito na mukhang naghahanap ng isasagot sa tanong ko. Pero hindi na n’ya kailangan pang sumagot, halata na naman sa kilos n’ya na hindi n’ya pinakinggan iyon pareho.

Napayuko ako dala ng hiya. Gustong bumalik ng galit at inis na pinakawalan ko na kanina, pero imbis na ‘yon ang maramdaman ko, lungkot lang ang nangibabaw sa’kin. Pinaghirapan ko rin gawin ang mixtapes na iyon, pinag-isipan ko ang bawat kanta, at hinintay ko pang tumugtog sa radyo ang iba para lang ma-i-record, pero hindi naman pala n’ya pakikinggan.

Mabilis kong tinalikuran si Rafael para iwasan s'ya. 

“Dayang!” tawag nito para pigilan akong pumasok sa gate namin, pero bilang ganti ay ‘di ko s’ya pinakinggan.

Ayoko muna s’yang makita.

•••

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 76.9K 44
(Garnet Boys Series #2) Aurelia turns out to be the daughter of a big time criminal. And she lost everything because of it... Yaman, mga kaibigan, at...
106K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
62.6K 2.5K 72
Masaya lang pero wala kayong label. Kayanin mo kaya? [Roma & Kaile's Story] NOTE: This is an epistolary novel. Date Started: May 17, 2020 Date Ended:...
22.5K 673 35
SHADE series #2 Wandering around in the middle of the night, where the moon was the only light. A cool breeze aroused her skin. Giving her goosebumps...