Gone with the Wind (Diary Ser...

By lovekirstenshiella

217K 2.9K 132

Alyanna Esguerra loves to chase everything She wants. She believe that what she want is what she will get and... More

Author's Note
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Epilogue

Chapter 08

4.8K 88 5
By lovekirstenshiella


Nag punta ako sa staff room kaagad dahil kailangan ko munang huminga, kailangan kong mag isip isip. Hindi ko pa kayang pagka tiwalaan ang mga salita ni harvin dahil alam ko kung sino ako sa buhay niya.


Bago ako dumating ay nariyan na si kendra at hinihintay niya lang itong bumalik, hindi porket gustong gusto ko siya ay ibaba kona ang sarili ko. hindi ako ganon, hindi ko kailangang mag bago para lang sa lalake.


"Bes usap usapan dito ang pagbabalik ni maam Kendra ah!" Hinihingal na sabi ni Kathleen sa akin at tumango ako.


"Hah ano yon susuko ka nalang?? eh kani kanina lang ay parang patay na patay na sayo si sir Harvin ah! anong nangyare!?" Tanong niya sa akin at natawa nalang ako.


"At naniwala ka naman?" Mapakla kong sabi sa kaniya.


"Pero parang kasing tutuo talaga eh!" Sabi niya at tumango ako.


Okay lang ako, 23 years akong nabuhay ng wala siya kaya okay lang sakin to! Ang goal ko dito ay ang mapansin niya ako, hindi ang magustuhan niya.


"Alam mo mag linis na tayo at palit na muna tayo ng floor medyo iritado pa ako sa higad na yon at baka maitulak ko siya katulad ng pag tulak niya sa akin!" Sabi ko at natawa si Kathleen sa akin.


"Nag aalala pa naman ako sayo tapos kering keri mo lang pala sila!" natatawa niyang sabi at nakitawa din ako.


Umakyat na ako sa 15th floor para roon na mag mop.


"Grabe bumalik na pala si ma'am Kendra noh! Pag tapos niyang iwan si sir ng ganon ganon lang!" Bulong ng isang empleyado.


"Kawawa naman yung isang janitress na may gusto kay sir, mukhang nawawalan na ng pag asa!" 


"Pero hindi ako maka paniwala na babalik pa talaga si miss possessive matapos niyang ipagpalit sa iba si sir tapos mag no sa proposal!"


"Dahil talaga kay miss Kendra kaya palaging high blood si sir eh!"


Hindi ko alam pero nakikinig kinig lang ako sa usapan nila para may malaman din akong informations sa kanila.


"Kung ako doon sa janitress wag na siyang umasa dahil baliw na baliw si sir Harvin kay maam Kendra naku isang halik lang noon baka mawala na ang galit niya!" Sabi nung isa at nakaramdam ako ng kirot.


"Kawawa naman siya, balita ko pa naman ay nagiging mabait sa kaniya si sir."


"Ediba ka apelido niya si maam Kendra edi parang fall back lang non!" Hindi ko na kinaya ang masasakit na salitang narinig ko kaya naman tumigil na ako sa paglilinis at bumaba na.


"Inay Helen puwede ho bang manghingi ako ng isang araw na day off , bukas po sana. gusto ko lang mag isip isip , medyo nawala po ako sa tamang pag iisip eh!" Sabi ko at tumango siya.


"Kailangan mo muna sabihin kay sir Harvin, baka hanapin ka niya sa akin eh!" Sabi niya at tumango ako


Umakyat na ako para mag paalam sa kaniya sa leave ko.


Kakatok na sana ako pero napa tigil ako noong sumilip ako sa bintana.


Imahe iyon na hinalikan ni maam Kendra si Harvin, wow ah ang gandang view! Sarap naman mabuhay dito!


Alis na ako baka maistorbo kopa ang momol nila sa office, eww.


Sinasabi ko sayo harvin kapag ako napagod luluha ka ng ilog....


Bumaba na ako at natatawa parin sa naiisip ko. umasa pala talaga ako sakaniya? Eh puro kilig lang naman yon ah! Ginawa niya lang akong panakip butas!! Nakakatawa talaga, ang saya ng buhay.


Hindi na ako nag paalam na aalis dahil wala rin namang use, baka maka istorbo lang ako sa kanila. 


Kailangan konang gastusin ang mga pera ko!!!!


Nilabas ko ang credit card ko at nag withdraw ng bente ka libo dahil gusto ko lang mag shopping, mura na nga yon eh!


Nag rent muna ako ng kotse dahil gusto kong mag out of town! gusto ko munang patayin ang cellphone ko at i pamper ang sarili ko. Hindi ko deserve lahat ng nangyayare sa akin.


Tinawagan ko agad sina mommy dahil baka tumawag sila at hindi ko masagot.


"Hello po mommy! I miss you po!! Miss ko na kayo ni daddy!" Sabi ko pa.


"Miss kana namin anak! Balik kana agad!" Boses iyon ni daddy.


"Opo daddy saglit nalang naman po ako, by the way napa tawag po ako para sabihin na papatayin kopo ang cellphone ko hanggang bukas!" Sabi ko.


"Anak may problema ka ba?" Nag aalalang tanong sa akin ni mommy.


"Wala naman po masyado, medyo naninibago lang po ako sa sarili ko kaya kailangan kopong mag refresh ng konte!" Sabi ko pero bakas parin ang lungkot doon.


"Anak umuwi kana dito, bayaran nalang natin yung kontrata mo sa trabaho na yan! ayaw namin na malungkot ang prinsesa namin!" Sabi niya pa at tumango tango ako.


"Okay lang po, bye napo mommy and daddy i love you two po!" Sabi ko. 


"Mag iingat ka anak ah, mahal ka namin!" Sabay nilang sabi at pinatay kona ang cellphone ko.


Pag punta ako ng mall para bumili ng mga damit ko, kahit isang araw lang naman kailangan ko parin i spoil ang sarili ko. 


DUH I AM ALYANNA ESGUERRA , I AM THE LITTLE PRINCESS OF COSTA GRACIA. HINDI AKO MAWAWASAK NG DAHIL LANG SA LALAKE. 


On the way ako to batangas dahil wala gusto kolang doon, mag re-rent nalang ako ng villa doon.


Noong naka rating na ako crusoe cabins ay nag renta na ako kaagad ng villa roon.


Habang nasa kama ay napa isip ako.


Bakit kailangang masaktan ako? Akala ko ba crush ko lang siya? Alam ko na kapag nasaktan na ako ay ibig sabihin non ay malalim na ang nararamdaman ko. Sobrang hibang ko na ba para umasa sa lalakeng hindi pa tapos mag mahal ng iba?


Natatawa talaga ako na sineryoso ko ang mga sinabi niya. Isang halik lang ay nanlambot na ako eh yung halik pala na yon ay nakukuha niya rin kaagad sa iba.


Hindi ko naman kailangan ng awa niya kung naaawa man siya sa akin, kayang kaya ko humanap ng iba.


Masakit, inaamin ko na sobrang sakit! anim na taon ko siyang gusto tapos binigyan niya ako ng katiting na pag asa ay nabaliw na ako??? Hindi ako toh!



Binuksan ko ang cellphone ko saglit para tawagan si Kathleen dahil baka mag alala na siya sa akin.


Nakita kong marami siyang tawag. 


Wow ang daming load ni kath ngayon ah pero kapag niloloko ko siya na kumain kami sa mamahalin na restaurant ayaw niya dahil tipid.


"Oh hello! bakit ba tawag ka ng tawag!" Natatawa kong sabi sa kaniya


"Kasi naman, nababaliw na si sir Harvin kakahanap sayo!"


"Hayaan mo siyang mabaliw! Baka naman dahil yon sa halik ni maam Kendra kaya siya nabaliw!" Mapakla kong sabi.


"Hindi ko alam pero nag wawala siya dito kanina at pinahiya niya pa si maam kendra!! hinahanap ka niya pero hindi ko rin naman alam kung nasaan ka kaya wala rin siyang makukuha na information sa akin!" Sabi niya at natawa ako.


Wow, ngayon hahanapin ako? Galing naman, kulang pa ata sa kaniya ang isa.


"Hayaan mo siya , pakitang tao niya lang naman yan. kay kendra parin yan , baka nga nagpapa init na sila!" sabi ko 


"AHHHHHH" narinig kong sigaw ni kathleen dahil parang may nabasag sa back ground ng tawag



"Bes okay ka lang?" Tanong ko.


"ALYANNA WHERE ARE YOU!! PLEASE TELL ME," Nagulat ako sa sawing sawi na boses ni sir Harvin at tila ba nagmamakaawa.


Pinatay ko ang tawag at hindi pinansin ang narinig sa kaniya.


Bahala ka, don kana sa Kendra mo.

Continue Reading

You'll Also Like

7.1K 197 19
WildStyle ran off to master the dark powers she was given. Wishing she could see her beloved Smokescreen. But fate brings them together. This time is...
196K 2K 45
This story "Chasing Your Love" is about two people, Samantha and Ezekiel, who have had tough times in the past but find comfort and motivation in eac...
114K 2.5K 9
This story is about you and your sister Elizabeth sneaking out of the capital and finding the Seven deadly sins. You and your sister fit into a suit...
8K 177 7
you're a child around 11 going on to 12 and have been intrigued with pirates for as long as you've remembered. One day an opportunity rises that you...