Embracing the Sea

By gvmuxxeervi

620 66 6

This story is full of flaws and also imperfect characters, so if you don't want that kind of characters, just... More

Disclaimer
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
Epilogue
NOTE!

20

12 2 0
By gvmuxxeervi

A/N: Sorry for grammatical errors.

Alam kong kung anong address ng bar ni Liv, dahil minsan na rin akong nakapunta dito,, pero isang beses lang.

Hanggang ngayon talaga ay hindi pa rin ako makapaniwala na ang bahay ni Liv ay nasa loob  ng bar niya mismo, kakaiba talaga mag-isip ang babaeng iyon.

Huminga muna ako ng malalim ng makita ko ang pintuan o gate ng bar ni Liv, inayos ko din ang mukha ko upang magmukha akong presentable sa harapan niya.

Kinatok ko ng tatlong boses ang gate niya at buti nalang ay binuksan niya rin naman agad.

Namilog ang mata niya pero pinatuloy niya pa rin ako.

"Pumasok ka na, hindi mo man lang ako tinext na nakadating ka na. Hindi ako nakatulog sayo." Sabi niya at napangiwi naman ako.

"Totoo ba yan?" Nag-aalangan kong tanong.

Nakakapagtaka kasing hindi siya nakatulog, ito pa hindi matutulog. Unbelievable!

"Tignan mo mata ko atsaka mo sabihing nagsisinungaling ako, kailan ka pa nagkaron ng aso?" Sabi niya habang tinuturo ang mga mata niya.

Kita ko nga ang mga itim sa ilalim ng mata niya, sign na hindi talaga siya natulog. Nakonsensya naman ako don, dahil sakin hindi siya natulog.

Napatingin naman ako kay Glaish na tinutukoy niya, hawak hawak ko pa rin ang tali nito habang si Liv naman ang may hawak ng mga bag ko.

"Si Glaish, bigay sakin ni Toff. Anim na buwan na ata siya, di ko naman nabibilang basta ang alam ko ang birthday niya ay May 25." Sagot ko.

"Wow, remembrance. Upo ka muna dyan aakyat ko na to sa kwarto mo sa taas." Dumiretso agad siya sa may hagdan at kita kong hawak niya na ang tali ni Glaish.

Habang nakaupo ay napadako naman ang tingin ko sa paligid namin, kakaiba ang ganda ng bar niya.

"Grabe, ikaw lang nakita kong ginawang bahay ang bar." Sambit ko.

Tinitignan pa rin ang bawat sulok ng bar, namamangha ako dahil mukhang nasa taas ang kwarto niya.

Secret room?

Umikot  naman ang mata niya. "Duh. Alam kong matalino ko wag mo ng iparinig." Sabi niya at tuluyan ng nawala sa paningin ko.

Napabuntong hininga nalang ako ng matandaan kong kailangan kong gumawa ng panibagong buhay dito.

Bagong buhay, bagong lugar, bagong mga tao na  makikilala at makakasama ko. Nakakatakot na mag tiwala ulit pero kailangan kong gawin.

Bumaba na si Liv at umupo sa kaharap kong upuan. Tumingin siya sakin ng seryoso, punong puno ng katanungan ang mga mata niya kaya napahinga nalang ulit ako ng malalim.

"So anong totoong nangyari?" Punong puno ng kuryosidad niyang tanong sakin.

Napalabi ako, nangangapa sa dapat kong sabihin. "Hinintay ko siya sa tapat ng simbahan kasi akala ko pupunta siya, tas tinignan ko kung na saan ba siya. Nakita ko nalang na pinapakilala silang dalawa na ikakasal." Sabi ko. Ramdam ko ang bawat sakit ng mga salitang binitawan ko.

Isang luha ang nagbabadyang tumulo galing sa mata ko pero mabilis ko iyong pinunasan, ayokong makita ako ni Liv na umiiyak.

"Gago talaga yun no? Sabi ko na nga ba at wala akong tiwala dyan, unang kita ko palang sa mga magulang niya alam kong walang madudulot na saya yan sayo e." Galit niyang saad at napayuko nalang ulit ako. Hindi alam anong sasabihin.

"Ang tanga tanga ko kasi e. Dapat nung una pa lang na kung ano ano na ang sinasabi sakin dapat doon pa lang hiniwalayan ko na siya, pero di ko ginawa. Mas sinunod ko pa itong putang puso na ito." Napangiti ako ng mapait.

Kasalanan ko naman talaga, dapat nag-iisip muna ako.

"Ano ba kasing problema sakin? May ginawa ba ako sa kanila? Hindi ko naman sila pinag salitaan ng masama e." Nagtatakha kong tanong sa kanya.

Tumingin ako sa mga mata ni Liv, naghahanap ng kasagutan mula doon.

Nanlambot naman ang ekspresyon ng mata ni Liv, she doesn't seem to pity but I think she wants to help me.

"It's not your fault, okay? Mabait ka sa kanila, sila ang umagrabyado sayo kaya ikaw dapat ang magalit. Ibalik mo sa kanila kung anong ginawa nila sayo." Pagpapalakas niya ng loob sakin.

"Paano ko magagawa iyon? Mahina ako, tama sila. Wala ako ni isang maipagmamalaki. Hindi ako santo, Liv para hayaan silang gawin iyon sakin, pero sa twing natatandaan kong mahal sila ni T-Toff hindi ko kinakaya." Sabi ko.

"Why don't you learn to accept yourself first?" Tanong niya sakin at napangiti ulit ako ng mapait.

"Ang dali sa pandinig pero ang hirap gawin. Hindi ko alam paano magsisimula, sa twing may gagawin ako natatandaan ko siya." Sambit ko.

Wala na akong pag-asa. Nawawalan na ako ng pag-asa.

"Una mong gawin. Hayaan mo yung sarili mong maramdaman yung sakit, kasi pagtagal nasasanay ka."  Payo niya sakin.

"Paano kung hindi ako masanay? Paano kung kahit ilang taon na masakit pa rin?" Natatakot kong saad.

Ayoko ng mabigo ulit, nakakatakot, nakaka panghina.

"Edi masaktan ka, at least ikaw hindi mo gagawing hadlang yung sakit. Kahit maging mahina ka dahil sa sakit, ayos lang. No one succeed at first, no one succeed at second nor third, even if it will take you forever. Then so be it." Sabi niya kaya napatingin ako sa mga mata niya. It's full of sincerity and care.

"Sa mundong ito, it's just normal to be weak, to cry, to feel the pain. Basta ang mahalaga, you never stop reaching your dreams, you never stop walking on your chosen path." She said at me again and that makes me smile.

She's really full of wisdom, kaya siya ang gusto kong tawagan kapag may problema ako. She knows what to say in every situation.

"Thank you for being here with me." I sincerely said.

"Susme! Kahit anong kailangan mo ibibigay ko." Pabiro niyang sagot kaya natawa  naman ako.

"Need ko alak." I said dismissively.

"Yan ang hindi ko maibibigay." Sagot niya at sabay naman kaming tumawa.

Hindi rin nagtagal ay binigyan ako ni Liv ng alak, uminom kami at nagkwentuhan sa kung anong ginawa namin sa mga buhay  namin nang mag hiwalay kami ng landas.

Kung saan saan na pumunta ang kwentuhan namin pero kahit magulo na ay nagkakatuwaan pa rin kami. Ganito ata talaga kapag matagal ng hindi nagkasama.

Lasing na lasing na si Liv dahil madami siyang iniinom habang ako isang bote pa lang ang iniinom, hindi pa rin ubos hanggang ngayon.

Nakadukwang na siya sa lamesa pero ako nililibot ulit ang tingin sa paligid.

Tumingin ako sa stage, napansin ko na ito kanina pero hindi ko lang masyadong tinuon doon ang atensyon ko. I see an instruments and it consists of piano, drums, bass guitar, electric guitar and an acoustic guitar.

Tinignan ko naman si Liv, parang hindi niya ko nakikita dahil inom lang siya ng inom. I just shrugged and walk towards the stage.

May upuan sa center kaya umupo ako at kinuha ang acoustic guitar.

Tinawag ko naman si Liv para magtanong.

"Liv." Pagtawag ko sa kanya. Hindi ako nilingon.

"Liv." Tawag ko ulit at sumagot naman na siya.

"Oh?" Sabi niya. Nakadukwang pa rin sa lamesa.

"Kanino yung mga instruments?" Tanong ko habang inaayos ang gitara.

"Sa akin yang mga yan, pero may tumutugtog dito, every Tuesday, Thursday, Friday and Sunday lang naman, minsan Sabado." Sabi nito sakin na ngayon ay nakatingin na pero nakadukwang pa rin.

"Pwede ba kong sumali, may vocalist  ba sila?" Agad agad kong sagot. Ito agad ang naisip  kong paraan para kumita.

"Yung drummer ang vocalist, pero di ko lang sure  kung kailangan nila. Libre lang naman sila dito tumugtog e, pero kung gusto mong sumali ako nalang magbabayad sayo." Paliwanag niya.

"Pwede ba iyon?" Kunot noo kong tanong sa kanya.

"Bukas nalang natin pag-usapan, basta kapag pumayag sila ako ang magbabayad sayo." Sabi niya at napangiti naman ako, makakabayad pa rin ako sa kanya.

"Pwede akong tumugtog?" Tanong ko.

"Oo, sige lang. Maganda naman boses mo kaya ayos lang." Sabi niya sabay 'thumbs up'.

Umayos ako ng upo at kumanta ng 'Till my heartaches end'.

"I recall when you said that you would never leave me. You told me more,so much more like when the time you whispered in my ear,there was heaven in my heart. I remember when you said that you'd be here forever ..." I sing it sadly while strumming the guitar. My eyes are close and memories started flashing back.

"Then you left without even saying that you're leaving. I was hurt and it really won't be easy to forget yesterday and I pray that you would stay, but then you're gone and, oh, so far away ..." I continue.

"I was afraid this time would come, I wasn't prepared to face this kind of hurtin' from within. I have learned to live my life beside you, maybe I'll just dream of you tonight and if into my dream you'll come and touch me once again ... I'll just keep on dreaming till my heartaches end ..." Hindi ko natapos ang kanta ng maramdaman kong tumulo ang isang butil ng luha sa mata ko.

"I'll just keep on dreaming till my heartaches end." Kanta ko sa huling linya at mahinang tumawa ng peke.

Ang hirap namang kalimutan ka, ang unfair.



Nagising ako at nakita ko ang sarili ko sa bagong kwarto na tinuturing ko, nakita kong wala sa tabi ko si Glaish. Tumayo na ako at pumunta  sa banyo, tinignan ko ang mga mata kong mugtong mugto.

Ang isang butil ng luha ay naging sandamakmak ng makaakyat ako dito.

I finished cleaning and fixing myself, so I go downstairs and see Glaish playing with Liv. Naging close agad sila.

Napailing nalang ako, may bago na namang kalaro si Glaish.

Liv stop from playing and look at me.

"Gising ka na pala. Halika kain na tayo sa kusina." Sabi niya at napaangat ang kilay ko.

"May kusina ka din? Iba ka talaga." Namamangha kong sagot at tinawanan niya lang naman ako.

Sumunod ako sa kanya at magandang kusina ang bumungad sakin, hindi ito ang inaasahan ko dahil ang kulay ay hindi pula kundi kulay asul at puti. Magandang tignan sa mata.

May ibang tao bukod saming dalawa at hindi ko malaman kung nagtratrabaho ba sila dito o kaibigan ni Liv.

Umupo ako sa katabing upuan ni Liv, walang salitaan kaming nagsimulang kumain.

Si Liv din naman ang bumasag ng katahimikan.

"Nga pala, Aishen. Sila yung members  ng band na sinasabi ko sayong tumutugtog dito. Hoy! Mga bugok! Mag pakilala kayo isa isa." Sigaw ni Liv sa mga kalalakihan na abalang kumakain.

Unang nagpakilala ang isang lalaking mayroong napaka gandang ngiti. His eyes are cobalt that makes him look majestic and gorgeous. He also have a quiff hairstyle.

"Hi! Ako nga pala si Mine, I can be yours." Nakangiti nitong sabi, I'm amaze by how beautiful his smile is. I bet every girls would love that smile.

"Tang ina ang laswa naman non pare. Hahahaha! Hi miss! Ako nga pala si Reiji, wag mo nalang pansinin yung sinabi nung una, napilitan lang kaming isali yan e." Sabi naman ng isang lalaki.

I almost gulp when I see how handsome he is, he has a broad shoulders, tantalizing lazy brown eyes and an arched brow. Sa tatlong kalalakihan ay siya lang ang mahaba ang buhok, his style in man bun that makes him more handsome.

Napangiti nalang ako sa kanila.

Lord, binibiyayaan niyo po ko ng gwapo ngayon.

Nakipagkamay ako sa kanila.

"Hoy! Green, magpakilala ka nga kay ... Ano nga pala pangalan mo?" Tanong naman sakin ni Mine na nakangiti na naman as usual.

Parehas sila ng ngiti ni— ipinilig ko ang ulo ko ng mahina. Hindi ko dapat siya matandaan, sinabi ko sa sarili ko kagabi na hindi ko na bibigkasin ang pangalan niya. Baka maiyak na naman ako.

"Aishen, yun nalang itawag niyo sakin." Nakangiti kong saad sa kanila at ngumiti naman silang dalawa. Kakain na sana ako ng matandaan kong kanina  ko pa naubos ang ulam ko.

"Oh! Aishen. Magpakilala ka nga kay Aishen." Sabi ni Mine sa lalaking tahimik lang na nakaupo sa gilid. Nakasuot ito ng headset.

Katulad sa naunang dalawa ay masasabi ko ring gwapo siya. His eyes is Emerald green, parehas sa pangalan niya, he also have a degined body, his skin is white but not that pale looking, kita mo ang Adam's apple niya his lips are pink and he have a pastel blue hair.

"I'm Green, I'm the pianist." He said and his voice stop me. Napaka lalim ng boses nito, it's not cold but it's full of sincerity.

Kahit na hindi niya ako tinignan ay ngumiti pa rin ako. Pinakilala nila ang sarili nila sakin. Magandang simula na iyon.

Nagtagal pa ang kwentuhan namin, kulang pa daw sila. Na late daw ang leader nila  kaya nag-usap muna kami.

Habang nagtatawanan ay may narinig naman akong tumatakbo kaya napatingin ako sa pinto at niluwa non ang isa pang gwapong lalaki.

The man has a broad shoulders and have a tempting blue eyes.

"Oh! Ayan na pala ang leader namin eh." Masayang sigaw ni Reiji. Siya daw ang pinaka tamad sa kanila.

"Sorry na late ako, ano bang pag-uusapan natin?" Sagot ni Leif. Yon daw ang pangalan nito sabi nila Mine.

"Isali niyo to si Aishen, maganda boses niyan." Agad na sabi ni Liv at tinignan naman ako ni Leif kaya nginitian ko ito.

"Kailangan munang marinig kung totoong maganda, iba pa naman ibig mong sabihin sa maganda." Sagot ni Green sa kanya and that words hurt me.

Alam kong gusto niya lang naman sabihin na kailangan nilang makasiguro pero kakaiba talaga ang dating sakin. Hinayaan ko nalang.

"Wag mong kakainin yang sinasabi mo, berde ah." Inis na sagot ni Liv. Hinawakan ko naman ang binti niya.

"Sige, pagtapos niyong kumain. Pakinggan muna namin boses mo ah." Nakangiting sagod ni Leif.

Mukhang si Green lang ata ang hindi ngumingiti.

"Ayos lang, thank you." Sabi ko.

Natapos na ang pagkain nila at nandito na kami ngayon sa harap ng stage, nahihiya akong umakyat dahil ito ang unang beses na may manood sakin. Ang tagal ko ng hindi kumakanta sa harap ng madaming tao kaya kinakabahan ako.

Minabuti kong umupo sa upuan dahil nga nanginginig ang paa ko.

"I'd never gone with the wind, just let it flow. Let it take me where it wants to go 'til you opened the door and there's so much more I'd never seen it before. I was trying to fly, but I couldn't find wings, but you came along and you changed everything ..." Kanta ko at nakapikit lang ako.

"You lift my feet off the ground, spin me around. You make me crazier, crazier. Feels like I'm falling and I am lost in your eyes, you make me crazier, crazier, crazier ..." I continue.

I finished the song and I open my eyes. Wala ni isang nag salita sa kanila kaya natakot ako, hindi ata nila nagustuhan ang kanta ko.

I look at Liv but she's just looking at me, pinanghihinaan na ako ng loob ng bigla naman akong may narinig na pumalakpak.

Nakita ko si Green na nakangiti sakin at sumunod naman si Mine at biglang sumipol si Reiji.

"Tangina! Kaibigan ko yan!" Sigaw ni Liv ng nakangiti.

Napatingin naman ako kay Leif na nakangiti rin. "Do we really need to tell you already if you're accepted?" Tanong niya at naiyak naman ako.

This people make me smile and cry at the same time. Kakaiba ang iyak ko ngayon, hindi puno ng lungkot kundi puno ng saya.

*****

Continue Reading

You'll Also Like

173K 682 16
WARNING!! (SPG AHEAD) This is for matured content only young reader is not suitable here. #ONGOING.
2.3M 58.7K 55
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
38M 1.1M 68
Deadly assassins Allegra and Ace have been trying in vain to kill each other for years. With a mutual enemy threatening their mafias, they find thems...