ISLAND AFFAIR

By the_virgonian

120K 1.8K 96

What will happen if two completely stranger married people trapped together in a total stranger island and be... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 17
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44 (UNEDITED)
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
FINAL CHAPTER

CHAPTER 53

1K 19 1
By the_virgonian


Anu? N-nandyan siya?” Ito ang gulat na wika ni Lexid nung tawagan siya ni Amanda.

Yes and guess what? Naalala mo nung nasa Morocco tayo during our training nung sinabon niya ako ng walang banlawan? Ganun ang ginawa niya sa akin at mas malala pa dahil hindi niya lang ako sinabon, binanlawan niya pa ako kasama bleaching!” Ito ang inis na inis na balita niya sa kaibigan habang siya ay nasa medical personnel quarters area ng mansion kinagabihan para sana gumamit ng computer.

“Bakit, ano na naman bang ginawa mo, baka pumalpak kana naman. Eh alam mo naman yan, mas istrikto pa sa istrikto pagdating sa medical related stuff.”

“Eh yun na nga, naiintidihan ko naman siya kasi nagkamali nga naman ako at muntikan ng makapatay per—“ hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nung biglang may humablot sa cellphone niya sa kanyang kamay at laking gulat niya nung mapagsino niya iyun.

“Pero anu?Hmm?!” Ito ang seryosong wika ni Vierre na hawak hawak ang kanyang cellphone sa kaliwa nitong kamay at nakataas pa ang isa nitong kilay.

“I-Ikaw? K-kanina ka pa nanjan?” Ito naman ang gulat na saad niya na nanlalaki parin ang mga mata habang nakatingin sa cellphone niya na nasa mga kamay ni Vierre.

“Sa lakas ng boses ng isang babaeng walang delikadesa na kung makapag-sumbong sa kaibigan niya tungkol isang bagay na kasalanan naman niya, abay talagang makakatawag ito ng pansin.” Vierre said sarcastically with his compressed eyebrows. “S-so na-narinig mo nga?!”

“Of course! Who wouldn’t, how freak!” Ito ang sagot ni Vierre at akmang aalis na sana ngunit sinigawan siya ni Amanda.

“Hoy! Saan ka pupunta?!” Natigilan si Vierre dahil dito kaya naman lumingon siya. “Why? Ayaw mo akong umalis?” Pilyo niyang tanong na siya namang paglapit ni Amanda sa kanya.

Feeling ka, yung cellphone ko, hawak mo lang naman!” Ito naman ang sarkastikong wika nito at akmang kukuhanin  na sana ang cellphone ngunit itinaas ni Vierre ang kanyang kamay na may hawak nun. “Ah ito ba ang kailangan mo? Kunin mo!” Pilyo niya pang wika bago iwinagay-way ang kanyang kamay sa hangin holding the phone na pilit namang inaabot ni Amanda.

“Ano ba Vierre, akin na nga yan! Anu ba!”

“You want it? Then reach for it.” Pang-aasar namang sagot ni Vierre na nang-iinsulto pa din.

“Vierre anu ba, ibibigay mo yan o—“

“Oh anu? Sasampalin mo ako? Susuntukin? Anu- galit ka sa akin diba? What are you planning to do?” Pilyo niyang muling wika dahilan para mainis lalo si Amanda.

“Isa pa Vierre, sasampalin na talaga kita, back to back pa, gusto mo?”

“Oh di sige, gawin mo, oh, here’s my face. Sampalin mo na!” Pang-aasar muli ni Vierre na bahagya pang yumuko para ilapit ang mukha niya kay Amanda ngunit sa halip na kamay ang tumama sa kanya ay ang mga mata ni Amanda na agad nitong binawi.

“Anu, hindi mo kaya?” Pang-aasar niyang muling wika matapos umiwas ng tingin si Amanda na bahagya na ring umatras para lumayo sa kanya ngunit disidido siyang asarin ito kaya naman ay kung gaano kalaki ang bawat hakbang ni Amanda paatras mula sa kanya ay ganun din kalaki ang hakbang niya papalapit dito hanggang sa bumangga ang likod ni Amanda sa computer table na nasa likod nito.

Kahit doon ay sinundan parin siya ng paghakbang ni Vierre so she has no choice but to lean backward ngunit sadyang pilyo si Vierre dahil yumuko ito to leaning towards her with his arms leaning towards the edges of the table with her between them. In short, she was locked in between Vierres arms kaya wala siyang magawa kundi ang sumandal pa patalikod bending her back the best and the hardest way she can habang umiiwas parin sa mga mabalasik na mga mata ni Vierre.
 

“Anu? Hindi mo pa ba ako sasampalin? Hmm?” Pilyo muling saad ni Vierre dahilan para tingnan niya ito ng deretso habang kunot ang noo.

“Anu ba, tumigil kana nga jan!” Sa wakas ay nagawa niyang bigkasin ngunit ngumisi lamang si Vierre.

“Bakit, hindi mo ako kayang sampalin o natatakot ka na baka halikan kita, hmm?” sagot nito dahilan para manlaki ang mata niya.

“Anu? Anu bang sinasabi mo, bakit naman ako matatakot eh hindi mo din naman kayang gaw--“ Hindi na niya naituloy ang sasabihin nung biglang ibaba pa ni Vierre ang mukha nito papalapit sa mukha niya kaya napapikit siya ngunit napadilat din siya agad nung marinig niya ang pilyong pagtawa ni Vierre.

Pagmulat niya ng kanyang mata ay nagulat siya dahil gahibla parin ang lapit ng mukha ni Vierre sa mukha niya kaya ramdam at amoy niya ang mabangong hininga nito habang nagsasalita.

Afraid? Bakit, takot ka na baka halikan kita? Don’t worry, hindi ko gagawin yun. I have no plan to commit the same mistake I’ve committed before.” Pilyong saad nito bago inilayo ang mukha mula sa kanya. “Sige na, answer him, kanina pa tumatawag, naka-silent lang yung phone mo.” Ito pa ang pilyong wika nito bago tuluyan ng tumalikod habang nakapamulsa ang mga kamay sa kanyang army uniform.

Samantala ay naiwan naman siyang gulat at naka-lean backward parin na tila hindi pa nakakabalik sa ulirat dahil sa nangyari. Ilang segundo pa ang nakalipas bago siya umayos ng pagkakatayo at napatingin sa cellphone niyang ipinatong ni Vierre sa lamesa at natigilan siya nung makitang si Franko ang tumatawag.

                Nasapo na lamang niya ang kanyang noo nung makita iyun at magsink-in sa kanyang isipan ang mga huling sinabi ni Vierre tsaka umiling-iling at napilitan naring sagutin ang tawag.

                  Lingid sa kaalaman niya ay naroon parin pala si Vierre. Nakasandal lamang ito sa labas ng pinto habang nakapamulsa at nag-desisyon  na ring umalis after hearing her answered the call from Franko.

                 Kinagabihan habang papalabas si Amanda mula sa medicube after her last round bago magpahinga ay nahagip ng mata niya ang kararating lamang na kotse galing sa labas ng gate at mula sa driver side ay  lumabas ang isang sundalo na agad niyang namukhaan.  Isa iyun sa mga sundalong laging nakasunod kay Vierre, si Marcos.

Dahil sa pagtataka niya ay hindi niya ito nilubayan ng tingin hanggang sa magulat siya sa mga sumunod na nangyari. Mula sa passenger’s seat ay inilabas ni Marcos ang tila wala sa katinuang lalaki na agad niyang nakilala dahil sa built  nito.

V-Vierre?” Wala sa sarili niyang naibulalas na tila nabahala din dahil halatang lasing na lasing ito dahil hindi halos maalalayan ni Marcos habang sila ay naglalakad papalapit sa kinaroroonan niya kung saan malapit sa medicube.

            Bago pa man siya makita ng mga ito ay dali-dali na siyang naglakad pabalik sana sa medicube nung matigilan siya dahil sa pagtawag sa kanya ni Marcos na ikinagulat niya.
 

“A-anu? Se-seryoso ka?”

“Opo Doktora, pasensya na po, pero kailangan ko na pong umalis para dalhin sa main-post ang isang mahalagang dokumento. Nakaligtaan ho ni Sir kaya kailangan kung dalhin yun doon ngayun din po.” Paliwanag ni Marcos na pinakikiusapan siyang siya muna ang tumingin kay Vierre lalo na at malapit na lamang naman sila sa tent-house nito.

“O-oh okay, si-sige.” Ito na lamang ang napilitan niyang sagot at agad nang inalalayan si Vierre mula kaya Marcos na mas mabilis pa kay flash tumalilis ng takbo.

              Kahit hirap na hirap at bigat na bigat kay Vierre ay dahan dahan niya itong inalalayan papunta sa tent nito. Pagkarating nila doon ay hinayaan na lamang siya nitong pabagsak na humiga sa kama. “Ang bigat mo, anu ba kasing nakain mo at lasing na lasing ka. Yan ba ang una mong gagawin pagdating mo dito, ang maglasing?” Inis niyang panenermon dito na walang response dahil sa kalasingan nito.

Bahala ka na nga jan!” Saad niya pa at akmang aalis na sana ngunit bago pa man siya makalabas ng pinto ay napalingon siyang muli dito na nakatihaya lamang kaya naman binalikan niya ito para iayos sa pagkakahiga at para bigyan ng kumot. “Hay naku Vierre, ano ba kasing nakain mo.” saad niya pa habang kinukumutan ito nung matigilan siya dahil nag-vibrate ang cellphone nito sa bulsa.

         She hesitantly took it out para sana tignan baka importante yun ngunit lalo siyang nacurious nung rumihestro sa screen ng cellphone ang pangalan ni Suzanne.

“Bubuksan ko ba? Nako hindi Amanda, you shouldn’t do that. Pero wala namang masama, titingnan mo lang naman. Sige na nga.” Sunod sunod niyang wika na tila nakikipagtalo sa sarili habang palakad lakad hawak hawak ang cellphone ni Vierre.
 
.........
Vierre, thank you for the gift. Nagustuhan siya ni Zion.”

“Sure, basta para sa bata.”

“Well anyways, I’ve heard that you went to Batanes for some sort of mission, please take care.”

“Thanks. Take care as well, lalo na si Zion, huwag mong pababayaan.”

“Of course, I’ll take care of him, don’t worry.”
..........

Ito ang unang conversation na tumambad sa mga mata niya that unintentionally wrecked her to some extent. “Omy… it can’t be, is Zion their child? W-wait,  t-they have a child? “ Tila wala sa sarili niyang bulalas ngunit gayon pa man ay patuloy parin siya sa pag-scroll kahit na tila namamanhid ang kanyang katawan sa mga nababasa niya.

Alam niyang maling pakialaman niya ang cellphone ni Vierre at magbasa ng messages ngunit hindi niya mapigilang gawin iyun.

Marami-rami pa siyang nabasang convo hanggang sa marating niya ang isa pang convo ng dalawa.

.......
How’s Zion?”

“He’s fine.”

“And the Mom?”

“Hmm… I’m fine but not too fine, guess what, Zion’s Dad just called today.”

“And?”

“He wants Zion and me back. What should I do Vierre?”

“Well, maybe you should give him a chance for Zion. He’s a good man after all, sadyang self-centered lang.”

“Vierre naman! Anu na nga?”

“I’ve said it already. Go and make up with him. That man loves you and Zion. Stop being childish Suzanne and stop asking me also, matanda ka na kaya mo na yan. I’m enjoying my vacation so don't bother me, kekeke.”

“Okay fine, enjoy then. Thank you. By the way, yung birthday ng inaanak mo next month, huwag mong kalilimutan, magtatampo si Zion sige ka. Babush!”
.......
 
Kung kanina ay mabigat ang loob niya, ngayun ay natagpuan na lamang niya ang sarili niyang tila isang baliw na ngumingiti mag-isa habang  nagbabasa ng mga messages na siya namang paggalaw ni Vierre sa kama kaya agad niyang inilapag ang cellphone sa lamesa sa pag-aakalang nagising ito ngunit hindi pala at umayos lamang ito ng pagkakahiga kaya naman ay lumabas na siya wearing a shimmering   smile on her face.

🎀🎀🎀
Thanks for reading again. Don't forget to comment/vote/follow. Kamsahabnida 🧡

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...