CHAPTER 54

1K 21 1
                                    


 

                       Kinabukasan ay maganda ang gising ni Amanda kaya masigla niyang ginagawa ang round niya. Matapos ang morning round niya ay tinungo naman niya ang kanyang pasyente na si Edwin, yung inoperahan nila ni Vierre para kunsultahin.

“Naku, maraming salamat Doktora hah sa pagligtas sa anak ko. Baka wala na siya sa amin kapag hindi niyo kami tinulungan.” Ito ang nakangiting wika ni Aling Edita sa kanya habang inaayos niya ang IV ni Edwin.

“Wala ho yun Aling Edita, tsaka hindi po kayo sa akin dapat magpasalamat. Kay Colonel Clavio po.”

“Ah yung mister mo?”

“H-ho? M-Mister ho?” Gulat niyang tugon sa tinuran ni ALing Edita.

“Ah, pasensya na.  Narinig ko kasi kayong nagtatalo nung susundan ko sana kayo matapos yung operasyon ng anak ko. Tsaka, n-nakita ko kayong magkasama kagabi.” Nahihiyang wika nung matanda dahilan para makaramdam siya ng hiya at hindi agad nagsalita.

“Mukhang lasing na lasing siya kagabi ano? Alam mo anak, ganyan talaga kapag bago palang na nagsasama ang mga mag-asawa, madalas maraming pagdadaanang problema at pagtatalo pero kung mahal niyo naman ang isat isa eh malalampasan niyo din yan. Kaya nga ako nagpapasalamat ako kay Franko--”

“F-Franko ho?” Agad niyang sabat pagkarinig palang ng pangalang Franko.

“Oo anak, siya ang asawa ko kaya lamang ay lumabas para bumili ng pagkain. Mabait at mabuting tao yun. Ni minsan, hindi niya ako binigyan ng sakit ng ulo kaya talagang napakaswerte ko at natagpuan ko ang Franko ng buhay ko.” Nakangiting wika nung matanda.

Sana po yung ganoong klaseng Franko din ang meron ako noon.” Malungkot na lamang niyang saad na agad namang napansin ni Aling Edita.

“Oh anak, bakit parang malungkot ka, may nasabi ba ako na hindi mo nagustuhan?”

“Ah, naku hindi ho. Ang totoo ho niyan, yung Doctor pong umupera dito kay Edwin, hindi ko ho siya asawa. Pero may asawa ho ako, p-pero dati yun, Franko ho ang pangalan niya ngunit naghiwalay na ho kami ilang taon na din. Hindi ho kami ang itinadhana kaya po siguro hindi nag-work out yung marriage namin.”

“Ah g-ganun ba, naku pasensya na, hindi ko alam--”

“Okay lang ho yun, wala na din naman pong kasu yun sa akin. Pareho na ho kaming may ibang buhay na tinatahak ngayun, at least for me.” Ito ang nakangiting wika niya dahilan para ngumiti din si Aling Edita.

                Ito ang eksenang nasaksehan ni Vierre na noon ay katatapos lamang maligo at mag-ayos. Bibistahin niya sana si Edwin ngunit natigilan siya nung mabungaran si Amanda at Aling Edita na nagkukwentuhan at nakinig na lamang.
 

             Nung magpapaalam na si Amanda kay Aling Edita ay nagmadali na ring kumalas si Vierre sa dingding kung saan siya tahimik na nakasandal at agad na nilisan ang medicube na may ngiti sa kanyang mga labi.
 .......

 

                                Kinangtanghalian, dala ang letter of request for approval ay nagtungo si Amanda sa office ni Vierre para sana hingiin ang approval nito dahil kani-kanina lamang ay nakatanggap siya ng tawag mula sa isang malapit niyang kaibigang doctor na nasa Basco, Batan Island, the second largest island in Batanes which is miles away from Isla Dait kung nasaan sila. Bukod sa matagal silang hindi nagkita ng kaibigan, kailangan niya itong kitain dahil naatasan itong makipag-usap sa kanya dahil sa isang confidential na bagay, it’s hospital related matter.

Pagdating niya sa opisina ay wala si Vierre doon at si Marcos ang naabutan niya.

“Ah Marcos, si Vierre?”

ISLAND AFFAIR Where stories live. Discover now