God is always there for us (D...

Від Peyyyytttt_82

489K 4.4K 450

This book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with n... Більше

1. Temptations
2. Loving your enemies
3. Nothing is Impossible with God
4. You are the Only Way
5. Be Humble
6. Love the Unlovable
7. He will never leave you nor forsake you
8. Prayer
9. Guard your heart
10. BE an EXAMPLE
***Writer's note!
11. TRUST
12. Be thankful
13. LOVE from GOD
14. NOTHING can separate US from the LOVE of God
***Christmas is Forever
15. The SEEN and UNSEEN things
16. The FAITH we have
17. We have limitation, but God's words are FOREVER
18. You live or die for a reason
19. God's acceptance
20. Live by God's will
21. Life and Death
22. Stay in Faith
23. Doubt
24. God or Money?
25. Do to others that you want them do to you
26. All Scriptures are inspired by God
27. Continually Seek the Lord
***Lenten Special
***Lenten Special 2
***Lenten Special 3
28. First and last
29. God's Words
30. OBEY your PARENTS
31. God FIRST before anything else
32. Judgment
33. Sinu-sino ang tunay na sa Kanya
34. To see is to BELIEVE?
35. Manatiling TAPAT
36. Afterward, You will understand
37. Way of righteous
38. MAGALAK lagi kay LORD
39. Kasama ang Paghihirap sa Pagkatawag sa atin ng Diyos
***Writer's Note (Pabasa)
40. Bitter in life? No more...
41. God's Perfect Timing
42. "Rest" that is given by the Lord
#Achievements101
#PLANofGODandSATAN
#Envy || Insecurities || Comparison
#PleasingMen
#Forgiveness
#Gadgets #TimefortheLORD
#FirstTimeInFaith
#ShareKoLang
#TRUTH #REAL
#FAMOUS VS. FAITHFUL #HUMILITY
#KumapitKaLang
#PlanoMOatPlanoNgDIYOS
#Pasko #Problema
#RealMeaningofCHRISTmas
#WALANGKAYO
#God'sWill
#Feb14
#Success
***Quote 1: Being Christian
***One Thousand Peso (One shot)
***How to Experience the Power of Prayer
***Must be Read
***Quote 2: One Night Stand
***Quote 3: Tunay na lalaki at babae
***Letter from the "Devil"
43. Charms and Beauty
44. How to Show Your Love at God
45. Lukewarm Christian
46. In this "World"
47. Don't give the devil a chance
48. Faith, Hope and Love
49. Overcoming Temptations
50. Ang Habag ng Diyos
#PrayWithoutCeasing
***"Pagtanggap" - tula
***Sulat na Para sa Iyo- Spoken Word Poetry
#Insecurities
51. Paghatol sa kapwa
52. Magpapakatatag
53. "Panginoon, Panginoon!"
54. When we repent...
55. Victory!
***May Problema ka?
***Buhay is Life
***Reverse Poetry #1
***GOD LOVES YOU! (reminder)
***Reverse Poetry #2
***Reverse Poetry #3
***Reverse Poetry #4
***COMEBACK (one shot)
***note
56. Be strong!
57. Child of God
58. There is always a way out!!
59. Always be Ready
60. Bakit ni-a-alow ng Lord ang mga pagsubok sa buhay natin?
61. Sino ang makapagliligtas?
62. Pray First
63. Wake Up!
64. Pag-ibigan
65. Bakit may negatives pa?
66. By Faith
67. No Condemnation
68. Don't stop praying and praising!
69. His Love Endures Forever
70. Karapatan bilang Panganay
71. God sees us
72. Don't loose hope and always pray
73. God will fight for you
74. Quiet time with God
75. By God's Work
76. Be Still
77. If you fall SEVEN times, rise up EIGHT times
78. God's promises
79. The Throne of Grace
81. Forgetting the Past and Looking Forward
82. Make effort
83. The Prodigal Son and Jealous Brother
84. Do you love me?
85. All Things Work Together for Good
86. What is Love?

80. Start Again

3K 22 7
Від Peyyyytttt_82

Kaya nga, magsisi kayo at magbalik-loob sa Diyos upang patawarin kayo sa inyong mga kasalanan, at nang sa gayon ay sumapit na ang panahon ng kapahingahang mula sa Panginoon. Susuguin niya si Jesus, ang Cristong hinirang mula pa noong una para sa inyo.
Mga Gawa 3:19‭-‬20 

_____

Bakit "start again" ang pamagat nito? Sa pag-reflect sa buhay ng nagsusulat nito, sa kabila ng nagawa niyang mga kasalanan, pagkakamali, at mga pagkabigo, hindi solusyon ang lumayo sa Diyos. (Hindi ko sinasabi na hindi Niya hate ang sin pero hindi rin na we have to sinless para makapagpatuloy tayo sa Kanya. Kailangan ay hindi namumuhay sa kasalanan kasi there is a difference between living in sin and struggling with sin.) Ang mahalaga, hindi tayo lumalayo sa Kanya. Magkaroon tayo ng banal na pagkatakot sa Kanya. Palagi lang tayo magsimula muli sa mga umagang binibigay sa 'tin ng Lord anuman ang nangyari sa nakaraan.

If ever na lumayo— habang lumalayo tayo sa Kanya, may mga bagay na nawawala sa 'tin na hindi namamalayan (the thief come to steal, kill, and destroy) mas nagiging hindi tayo okay, lumalala lamang ang doubts, fears, condemnation, etc. sa isip. May mga bagay na kakayanin natin na mawala pero hindi ang mawala Siya sa 'tin. Tayo mismo lamang ang mahihirapan kapag iyon ang ginawa. Sa Kanya lang matatagpuan ang kapahingahan o refreshment, e. His presence will give us peace and it will heal our wounds spiritually. Sinugo ng Diyos si Jesus alang-alang sa pag-ibig Niya sa sangkatauhan. Lumapit tayo sa Lord kahit gaano pa nakakahiya. Oo nakakahiya talaga kasi nasaktan na naman natin Siya, gumawa ulit ng against sa will Niya— sobrang nakakahiya man ang pagkakasalang nagawa, pero mas lalala lamang kapag pinili nating lumayo sa Kanya. Ang tulad no'n ay ang isang taong may sakit na ayaw uminom ng gamot at ayaw pumunta sa doktor. Kapag ganoon ang nangyari, hindi ba lalala lamang ang sakit? Magsimula lamang ulit kasama Siya. His mercies are new every morning. Like 'yong sa chapter before this, lumapit lamang sa Throne of Grace. We can come boldly because of Jesus Christ!

Subalit kung ipinapahayag natin sa Diyos ang ating mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat siya'y tapat at matuwid.
1 Juan 1:9

Dahil sinabi iyan sa Bible, na kapag ni-confess ang sins mo sa Kanya, He will surely forgive you kasi faithful Siya. Wala man tayong confidence sa ating mga sarili pero meron sa Salita ng Diyos dahil Siya'y nananatiling tapat.

Nagsawa na ba kayong mabasa nang paulit-ulit ang "magsisi at tumalikod sa kasalanan"? Sana, huwag. Napaka-importante nito kahit na napaka-common na. Ito kasi ang pinaka-basic sa pagiging Kristiyano. Alam ninyo kung gaano kahalaga ang basic? Isipin n'yo kung hindi n'yo alam ang mag-add, subtract, multiply, at divide— babalakin n'yo pa sa mas mataas na math subject at ano ang mangyayari? Babalik at babalik sa basic kasi hindi makakausad kung hindi alam ang basic.

Nasa Gospel ang repentance. Sabi nga, "repent and believe in the Gospel of Jesus Christ!" Actually, hindi isang beses mo gagawin 'yan kundi sa pang-araw-araw na buhay.

Hindi ibig sabihin na matagal ka ng Kristiyano ay hindi mo na kailangan mag-repent. Actually, everyday— we still sin. Kadalasan kahit iniisip pa lang natin ay kasalanan na like magalit nang matindi sa tao—para na siyang papatayin sa isip. Kahit ilapag sa 'tin ang laws ng Diyos upang ma-please natin Siya, masaulo, makabisado ang bawat detalye subalit kahit isa lamang sa mga 'yon ang hindi masunod, guilty na sa lahat ng 'yon. We can't really follow it all by our own but by God's grace, unti-unti nating magagawa ang will Niya para sa 'tin— to live in holiness.

Hindi tayo gumagawa ng good works dahil obligation kundi sa love natin sa Lord. We are accepted, so we obey; hindi kabaliktaran. Number one commandment ng Lord ang ibigin Siya. T'saka ang good works ay bunga ng buhay na pananampalataya, hindi iyan ang dahilan ng iyong kaligtasan dahil tinapos na iyon ni Jesus. We shall work out our own salvation with fear and trembling, dahil ang Lord ang kumikilos sa 'tin kaya natin magagawa lamang ang kalooban Niya. It's true na nag-decide tayo na sundin Siya subalit Siya ang pumili sa 'tin. Hindi natin Siya hinanap; Siya ang humanap sa 'tin. Siya ang kumilos upang mag-decide ka na sumunod sa Kanya. Kasi kung sa sarili lang natin, wala 'yon. Kaya all in all, wala talaga tayong maipagmamalaki kundi ang finished work ng Lord. 

Nararanasan mo ba ngayon ang pakiramdam na tila tumalikod o lumayo ka sa Panginoon? Kapatid, hindi pa naman huli ang lahat. Dahil nababasa mo pa 'to, buhay na buhay ka pa at may pag-asa ka pang makabalik! Hinihintay ka Niya, balik ka na kagaya ng prodigal son. Hindi ka susumbatan ng Diyos sa iyong mga kasalanan kasi ang mahalaga, bumalik ka! Kahit gaano pa katindi ang naging kasalanan, huwag na huwag tayong lalayo sa Kanya! Oo, He is just and He hates sin pero huwag nating kalilimutan na by His grace through faith, we are forgiven and una Niya tayong minahal. Balance lamang talaga ang love at holiness Niya.

Naramdaman mo na ba 'yong sobrang wasak ka dahil lumayo ka sa Kanya? Manalig ka lamang sa Lord, magtiwala ka sa Kanya. Hindi nabibigo ang nagtitiwala sa Kanya. People may disappoint and hurt you, but God will not do it. We shall put our confidence in God, not in men. Huwag tayong tumigil manalig sa Kanya.

Ang kapangyarihan ng pangalan ni Jesus ang nagpagaling sa lalaking ito; nangyari ito dahil sa pananalig sa kanyang pangalan. Ang pananalig kay Jesus ang lubusang nagpagaling sa kanya, tulad ng inyong nakikita.
Mga Gawa 3:16 

Ang pagbabalik-loob sa Diyos at pananalig sa pangalan ni Jesus ang siyang makakapagpagaling sa 'tin. Makakabalik lang tayo sa Kanya kung tayo'y magsisisi at tatalikod sa kasalanan. Only Jesus can save us from the wrath of God in sin. We have all sinned, fall short in the glory of God. Pero sa lahat ng pagkakataon, mag-focus lang tayo sa Kanya at huwag sa sarili natin dahil wala tayong magagawang pleasing sa Lord without His help.

Iba talaga ang nagagawa ng pananalig sa Kanya. Na-pi-please mo Siya. Kapag nagtitiwala ka sa Kanya, lalo na kung ang kaligtasan mo ay naka-depend sa Kanya, hindi ka mapapahiya sapagkat sa Kanya ka sumampalataya. 

Paano makabalik at makapagsimulang muli?

Actually, to answer this question, 'yong pinaka-basic sa Christianity ang ginagawa.

*Remind ourselves about the Gospel

This is essential, mga kapatid. Iyan ang source ng ating pananampalataya! Hindi ka magiging Christian kundi dahil diyan. Iyan ang way ng Diyos upang makabalik ang tao sa Kanya. Pinakita ng Diyos ang pag-ibig Niya sa kabila ng lahat ng nangyari. Ginawa ng Diyos ang hindi kayang gawin ng tao dahil sa ating likas na kahinaan. Iyan ang dahilan kung bakit natin natatanggap ang mga bagay na hindi tayo deserving.

*Makinig ng Christian songs and meditate it

Ang Christian songs, lalo na kung 'yong lyrics ay based in Bible, talagang ma-re-remind ka nito. Kung lumuha ka man kapag nakikinig ng kantang ito, ang presence ng Lord ang kumikilos. Kung hindi ka man umiyak or wala ka man nararamdaman, God is still there. God is still working, ramdam man natin o hindi. Hindi naman basehan ang emotion para masabi natin kung nandiyan ba Siya or wala. God is faithful nga, hindi ba? Iba talaga kasi ang influence ng kanta sa tao tapos God is working in it, talagang ma-re-remind ka.

*Magpakumbaba sa Kanya

God is pleased sa humble pero opposes the proud. God will surely help you na makapagsimula ulit basta magpakumbaba ka lang sa Kanya.

*Magsisi at tumalikod sa kasalanan

Eto, hindi lang natin isang beses ginagawa kasi in our everyday life, nagkakasala tayo. It doesn't mean we have license to sin dahil ang tunay na kabilang sa Kanya ay hindi namumuhay sa kasalanan. We can't achieve perfect repentance but God is working in our lives. Siya nga ang nag-aakay sa tao upang ma-lead into repentance— ang kabutihan Niya mismo! Kaya kung makaka-commit ka ng kasalanan, humingi ka agad ng tawad sa Diyos dahil baka 'yan ang maging way para lumayo ka sa Diyos kung hindi mo agad i-co-confess sa Kanya. Nothing can separate us with His love kaya nga gumawa Siya ng way to redeem us pero ang sin— lumalayo na tayo sa Panginoon na hindi natin namamalayan. Kaya this is important.

*Mag-pray

Napaka-essential nito mga kapatid! Ito 'yong communication natin sa Kanya. 'Yan ang nag-a-align sa 'tin sa will Niya. Diyan tayo nagpapakumbaba sa Kanya. Iyan ang way para makausap natin Siya, mailapit ang ating pangangailangan, mapurihan Siya, mapasalamatan Siya, humingi ng tawad, at mas maging deep pa ang relationship sa Kanya. If ma-neglect ang prayer, kahit gaano ka pa karaming ginagawa para sa Lord kung wala ka nang oras para sa Kanya o bagsak ang prayer life, manghihina ka. Para bang pinigilan mong huminga kapag hindi ka na nag-pe-pray.

*Magbasa ng Bible

Kung gaano kahalaga manalangin, mahalaga rin ang pagbabasa ng Bible! Dito nanggagaling ang faith natin— sa Salita Niya! Ito ang nag-re-remind sa 'tin about sa Kanya at sa mga sinabi Niya. Dito pa natin Siya lubos na makikilala at malalaman ang Kanyang mga kahanga-hangang ginawa. Eto rin ang way ng Diyos sa pakikipag-usap sa tao. Makikita mo ang kadakilaan at pagiging Diyos Niya. Higit sa lahat, ang pag-ibig ng Diyos sa tao ay iyong masasaksihan. Malalaman mo rin dito ang pinagdaanan ng mga Godly or mga pinili Niya. Basta, all about Him! If you want to hear God, read your Bible. 

Anuman ang nangyari, hindi magsasawa ang Diyos sa 'yo. Kung isa ka man sa tumalikod o lumayo, may pag-asa pa at hinihintay ka na Niya pabalik sa Kanya. Kung ang ama ng nasa prodigal son ay hindi galit ang sinalubong sa pagbalik, paano pa kaya ang Ama nating nasa langit?

God will surely forgive us basta totoo ang ating pagsisisi. Sinabi naman Niya sa Word 'yon— hindi Niya tatakbuhan ang Salita Niya. Huwag lang talaga tayo magsasawang lumapit sa Kanya. Siya lang ang makakapag-heal sa 'tin. Siya ang lumikha sa 'tin kaya Siya ang makakaayos sa 'tin. Walang ibang way pabalik sa Diyos kundi kay Jesus lamang. Walang ibang way to be whole again from brokenness kundi sa Kanya lamang. Kaya we really need to remind ourselves about the Gospel everyday. We may fail. We still sin. But we are called to sin less, to holiness, hindi totally na walang kasalanan kasi we are still in this flesh. Ang pinagkaibahan, you hate the sin now, lumalaban ka, hindi gaya noon na walang pakialam at tuloy lang sa kasalanan. God is working in our lives, huwag lang tayong susuko. Huwag na natin lingunin ang comfort ng pagkaalipin sa nakaraan, na kung saan mas pinili na lang natin na magpatalo kaysa ang lumaban at manalig na ipaglalaban ka Niya at tutulungan ka Niya sa lahat ng haharapin mo sa simulang lumakad ka sa pagsampalataya sa Kanya.

". . . huwag natin lingunin ang comfort ng pagkaalipin sa nakaraan."

Ano ba ang tinutukoy rito?

Hindi ba't bago tayo umalis, sinabi na namin sa iyo na ganito nga ang aming sasapitin? Sinabi na namin sa iyo na huwag mo kaming pakialaman, at pabayaan na lamang kaming manatiling alipin ng mga Egipcio sapagkat mas gusto pa naming maging alipin kaysa mamatay dito sa ilang.” Sumagot si Moises, “Lakasan ninyo ang inyong loob; huwag kayong matakot. Tingnan na lang ninyo kung paano kayo ililigtas ngayon ni Yahweh. Hindi na ninyo muling makikita ang mga Egipciong iyan. Ipagtatanggol kayo ni Yahweh, pumanatag lamang kayo.”
Exodo 14:12‭-‬14 

Naging comfort na natin ang pagkaalipin sa kasalanan dahil naturally, we are dead because of sin. Minsan takot tayong mag-take risk sa pag-alis ng comfort sa pagkakaalipin. Para bang mas piliin na lang magpatalo kaysa ang lumaban upang hindi na magpaalipin. Naiisip na lang na sumuko at huwag nang magpatuloy sa laban.

Ipinaglalaban naman tayo ng Lord. Sabi nga ni Lord Jesus 'di ba, "It is finished!" His Spirit helps us in our weaknesses at Siya ang assurance natin na belong tayo sa Kanya. By His grace, magtatagumpay tayo. Magkaroon man tayong pangamba, takot, pag-aalinlangan subalit He's always there, He's faithful, and He will fight for us. He will help us in our journey with Him. "God will provide." Ang sarap pakinggan, 'no? Maging ang kailangan natin sa Godly life, He will provide!

Hindi dapat tayo manatili na lang sa comfort ng pagkakaalipin. Mahirap man ang lumaban at umabante, pero kasama natin Siya. Mas mahirap din 'yong malayo tayo sa Kanya dahil sa kasalanan or comfort ng offers ng mundo. Mukhang malakas ang kalaban sa battles and struggles, pero mas malakas Siya at mas dakila. Piliin lang natin magpatuloy. Mapipili lang natin 'yon by His grace. 

Why we shall not choose to stay in slavery?

*Sayang ang lahat kasi alam ang truth pero nagpatangay sa comfort ng pagkakaalipin.

*Tayo lamang ang magdurusa sa ganoon. God has given us chance to reconcile with Him.

*Walang maiidulot sa buhay natin ang pag-stay roon. Kailangan lang natin talaga magtiwala at manampalataya kahit hindi nauunawaan ang mga pangyayari gaya ng pagdurusa at paghihirap.

Maaari ka pang makapagsimula ulit. Hindi pa huli.

What we shall remind ourselves so that we can continue in walk with God and not look back in comfort of slavery?

*God has redeemed you. 
*God has chosen you.
*God is faithful

To make this short, remind yourself about Him kung naiisip mo nang sumuko. It's all about Him— sa lahat ng nagawa Niya.

Alam ninyo kung ano ang imposible? Ang magbago ang character ng Diyos at baguhin ang Kanyang isip sa mga pangako Niya. Kaya kung sinabi Niya na pinatawad ka na Niya, have faith to believe it. Kapag sinabi Niya na belong ka sa Kanya by Jesus Christ, hindi na natin kailangan pang pahirapan ang sarili sa pakikinig sa lies ng enemy. There is no condemnation para sa mga sumampalataya kay Jesus!

Kaya hindi pa talaga huli ang magsimula muli kung isa ka man sa lumayo— magsisi at tumalikod sa kasalanan! Focus in Jesus, the author and perfecter of our faith. God bless you!

__

07.02.21

Продовжити читання

Вам також сподобається

PURPOSE (Book 1 - Completed) Від aybisidii

Філософія та духовні розповіді

9.5K 184 60
Compilation of My Preaching, Devotion, Manuscript and Poem. And my online journal and prayer request to God.
Faith Academy (Completed) Від Deleesha Faith

Філософія та духовні розповіді

48.6K 2K 64
Are you a God's child? Would you like to enroll in a school where you could make friends with Christians? What are you waiting for? Be with them, le...
The Blueprints Of My Shameful Past Від cxndicethenovelista

Філософія та духовні розповіді

641 4 8
This book is essentially a story of the spiritual growth a young lady Cambria Q. Enriquez experienced over her life. A specific occurrence that alter...
God's Word and Lecture Від JAIZEL MAE

Філософія та духовні розповіді

108K 2.4K 73
Highest rating: #1 Hi guys~ must read this for your spiritual life. Must know the Word of God. :) This is really important, and must treasure. :) And...