Hello everyone...a few months had passed at ngayon lang ako nagkaroon ulit ng pagkakataon para tapusin ang kwentong ito, salamat sa mga VOTES and COMMENTS sa kwentong ito. Mahal na mahal ko kayo❤️
*********
Nakahawak ako sa aking ulo nang bumangon ako mula sa kama. Kinapa ko ang katawan ko bago tiningnan kong may nawala ba sakin o wala. Suot ko parin ang suot ko kagabi, teka, teka? pano? paano ako nakauwi? Bakit wala akong matandaan? jusko naman, sabi ko na nga ba dapat hindi na ako uminom ng madaming whisky.
"Ahhhhhh" sigaw ko bago sinubsob ang mukha sa unan at sumigaw ng malakas. Think self! think. Teka, bakit iba ang amoy ng unan na'to? Sobrang pamilyar neto sakin, naamoy ko na ito pero di'ko matandaan kung kailan yun. I sniffed the scent of the pillow, twice, thrice but damn wala akong maalalang posibleng gumamit ng scent na ito pero sobrang pamilyar sakin, hindi to sakin! iba ang amoy ng buhok ko!
"Where am I?" tanong ko bago nilibot ang paningin sa paligid. Ma! bakit ganito ang design ng kwartong to? sindikato ba may-ari niyo? demonyo? bakit puro painting na Picasso ang nasa paligid ko? H-in-i-hypnotized ba ako ng taong may-ari nito?
Jusko naman, may pangarap pa ako. Mag-aasawa pa ako tsaka magpapakasal pa, Lord gabayan niyo po ako. Magpapakabait na ako, wag namang ganito Lord. Gusto ko pang malaman kung anong nakasulat ng papel na iyon. Mahal ko pa ang buhay ko, mahal ko pa siya. Hindi pa dito nagtatapos ang kwentong ito, maawa kayo, Lord.
Nakatalikod ako sa pintuan dahil nakaharap ako sa may kurtina. Dahil sa pag-o-overthink ko nawala medyo ang sakit ng ulo ko kaya tumayo ako para pumasok sa banyo. Tiningnan ko ang mukha ko, ang eyeliner ko sa kabilang mata ay nabura na habang ang isa naman buo pa. Wala na akong lipstick sa pang ibabang labi, ang buhok ko ay nasa ayos pa rin nito pero medyo magulo sa left side.
Inayos ko ang sarili ko, nanghilamos at binura ang make up gamit ang cotton pad na may cleanser. Nakita ko kasing naka-display dun sa counter top ng sink. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay bago tinali ulit at nagmugmug ng tubig.
Kinakabahan man ay pinihit ko ang doorknob ng kwarto bago lumabas. Naglakad ako ng walang anumang ingay, mabuti nalang at nakapaa ako. Nakita kong may taong nakatalikod sa kitchen, broad shoulder, wet hair, those biceps. Jusko, pinagpapantasyahan ko ang taong ito nang hindi ko nalalaman kung sino.
Agad akong nagtago sa may wall nang humarap siya sa pwesto ko. "Hoy, sino ka?" matapang kong sabi bago lumabas sa pinagtataguan ko. "Bakit ako nandito? where am I?! hoy alam mo bang pwede kitang makasuhan dahil sa ginawa mo? bakit wala akong maalalang nagyari kagabi?" hinihingal ako dahil sa sunod-sunod na tanong.
"You should eat this soup, Isla" malamig na boses ni Colt?!
"Colt?" tanong ko at humarap siya sakin ng walang emosyon. "Anong ginagawa ko dito? don't tell me?"
"It's not what you think, Isla" sabi niya bago nilapag sa table ang isang bowl ng soup. "Sobrang lasing mo kagabi, I was on the bar with my friends last night and nakita kong sobrang lasing mo na so I ask Shenna, she sent Marie and Yumi home. Mas lalong pa siyang mahihirapan kung pati ikaw ay ihahatid niya pa dahil malayo daw yung condo mo at nakainom na siya"
This seems like a deja vu, I remember a scene like this. Nung first time kong matulog sa condo niya, I'm drunk that time. That was the night were he grab a kiss on me, actually dahil yun sa dare.
Tumango ako ng marahan sa kanya. Hindi ako pwedeng magtagal dito dahil may trabaho pa ako at lalo na siya. Hindi na ako umupo sa upuan at nanatiling nakatayo."Thanks for preparing this, naabala pa talaga kita. Don't worry I'm going home na din naman, salamat talaga" ngumiti ako sa kanya. "May trabaho pa ako at ikaw din, I really need to go"
"Wala pang laman ang tiyan mo, you should eat first. Sobrang payat mo na, siguro hindi ka na kumakain no?" tanong niya sakin sa boses na parang nag-aalala habang nagsasalin ng tubig sa baso. Ano bang pakealam niya kung payat ako? di ba pwedeng slim lang?
"Anong payat? for your information, it's what we call slim. And also, kumakain naman ako" sumbat ko sa kanya. Umangat ang tingin niya sakin at sobrang seryoso ng mukha. "Oh bakit?"
"Fat cheeks suits on you, Isla. You better eat my special soup" tumalikod siya sakin at nilagay sa ref ang pitsel ng tubig. "I made that for you cause your....." hindi ko na narinig ang huli niyang sinabi dahil mahina na yung boses niya. Sinadya niya ba yon?
Dahil maawain ako, umupo ako sa chair at tahimik na kinain ang hinanda niyang soup. Wala sana akong balak na magtagal pa dito pero nakakahiya naman na hinandaan niya ako pero hindi ko kakainin kaya kalimutan na natin yung sinabi kong ayokong magtagal dito.
Naramdaman kong nakatitig lang siya sakin kaya hindi ako umangat ng tingin at nagfocus lang sa soup. Ilang saglit lang ay bigla siyang umalis sa harapan ko, sinundan ko siya ng tingin at pumasok siya sa kwarto niya kung saan ako lumabas kanina. So it means?...doon ako natulog sa kwarto niya? What the heck did you do, Isla? Are you out of your mind?
Umiling nalang ako at tinapos ang soup. This soup is really delicious, naalala ko pala he's a GC! (genius cook). Uminom ako ng tubig pagkatapos kumain ng kanyang ss, sakto namang lumabas na siya galing sa kanyang kwarto. May kausap siya sa cellphone niya kaya medyo malayo ang distansiya niya sakin.
Hinintay ko muna siyang matapos sa ginagawa niya bago ako magpapaalam para umuwi na kaya nanatili lang akong nakupo sa pwesto ko. Kinakalikot ko ang kamay ko habang nililibot ang paningin ko sa kabuuan ng condo niya. A mixture of gray and white, sa sala ay color white ang walls habang sa kitchen naman ay kulay gray. Couches were color black as well as the kitchen tables and chairs, vase were also color black pero ang mas nakakakuha ng pansin ay ang nakapatong sa coffee table sa harap ng couch na may mga plastic whites roses na nakalagay.
Hindi mawawala ang mga Picasso paintings na dumadagdag sa kagandahan ng condo. Hindi parin tapos si Colt sa pakikipag-usap sa kung sino man ang nasa kabilang linya kaya tumayo nalang ako at tiningnan ang mga picture frames na nakasabit sa dingding. Napatigil ako sa isang photo ng mapaggtanto kong ako ang kumuha ng picture na iyon. His wearing a gray sweater, maong jeans tapos nakangiting humarap sa camera, roses are the background, nandoon kami sa Cebu ng panahon na yon.
Ngumiti nalang ako, I remembered na dalawang picture lang ang nakuha ko dahil dalawang pose lang din naman yung ginawa niya. Lumipat ako sa iba pang frames pero napapansin ko na parang ako ang kumuha ng mga pictures na iyon. Yung isa ay tumatawa siya habang bitbit ang stick ng isaw, palihim akong ng click sa button ng camera sa panahon na yun. Napatigil ako dahil nagsalita siya bigla.
"Missing those days, that photos reminds me of you, Isla. Yan nalang ang tanging mababalikan ko, wala nang iba" palihim na ngumiti ako ng mapait at nilingon siya. "Memories are like calendars, we can always look back but we can never go back"
Natamaan ako sa huli niyang sinabi, memories are like calendars, we can always look back but we can never go back. Indeed, kasi ang memories ay mananatili lamang sa kung saan ito, hindi maaalis at kailanma'y hindi na maaaring balikan. We can only treasure and keep memories but we can never go back at the time we were building that memories.
"Always, Colt. Always" sagot ko sa kanya. Alam nating lahat na hanggang doon lang ang magagawa natin, isipin na lamang pero hindi maaaring balikan. "Pero.....maaari mo paring balikan ang taong kasama mong bumuo ng alaalang iyon" ngumiti ako sa kanya. Sana hindi pa huli ang lahat kasi labis akong nagsisisi, ika nga nila nasa huli lagi ang pagsisisi at ganoon na nga ang nangyari sakin. I regret everything pero hindi ako nagsising binitiwan ko siya. Naniniwala ako na dahil sa pagbitiw ko mas natutuunan niya ng pansin ang sarili niya, mas na punan niya ang kulang sa sarili niya at sana na ngayon ay handa na akong tanggapin siya ulit at patunayan na mali pala ang pagtataboy ko sa kanya.
Parang kinirot ang puso ko ng nakita ko siyang umiling. "Hindi na maaari....hindi na kasi ang taong kasama kong bumuo niyan ay siya mismong pumigil sakin na bumalik pa. She throw me away like what she did a few years ago. She broke my heart into pieces again like what she did a long time ago. Hindi siya nagtiwala sakin, hindi niya ako pinagkatiwalaan at ang pag-asang maaayos pa sana pero hindi ko naman siya masisisi dahil sinaktan ko siya na kailan may hindi niya inisip na magagawa ko pala sa kanya. Mas labis akong nasaktan noong nangako siyang mananatili siya pero nawala iyon lahat, nasira lang ang lahat"
"Babalik na naman ba tayo jan sa phase na yan? magtatalo na naman ba tayo tapos ano? magtatabuyan ang bawat isa, masasaktan ang bawat isa? ganon ba? kasi kung ganon pagod na pagod na ako" sabi ko at umiwas ng tingin para pigilan ang pagtulo ng aking mga luha.
"You promise, Isla. Nangako tayo sa isa't isa na tayo lang. Nangako tayo na mananatili tayo sa tabi ng isa't isa kahit na anong mangyari" sabi niya sakin. "I'm sorry, nadala lang ako sa emosyon ko. Sorry"
"Oo, Colt. Nangako ako sayo but promises are meant to be broken. Ikaw mismo ang sumira sa pangakong binitawan ko at hindi ako, ikaw mismo ang sumira sa pangakong binitiwan na diyang pinanghawakan mo, ikaw mismo ang sumira. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba...sana" sagot ko sa mga sinabi niya sakin. Kasalanan ko bang nasaktan ako kaya bumitaw ako? Kasalanan ko bang nasira ang pangakong binitiwan ko?. "Pero sana, pareho na nating makalimutan ang nakaraan at magsimula ng panibago na naman....."
Katahimikan ang bumalot sa amin pagkatapos ng pagpapalitan ng mga salitang kay tagal ng kinikimkim ng bawat isa. "But how could I do that kung hindi ikaw ang nasa tabi ko?" tanong niya sakin. "Can you-"
Pinutol ko siya at ako ang nagsalita. "Give another chance?" patanong kung sagot sa kanya. "Minahal natin ang isa't isa, sinaktan natin ang isa't isa, iniwan natin ang isa't isa at hinanap ang nawawalang bahagi ng sarili ng ilang taon. We became successful without each other, naging matagumpay tayo. We moved on at binura ang lahat ng magpapaalala sa isa't isa but the time comes at natagpuan natin ang daan na hindi natin alam na muli pala tayong pagtatagpuin ng tadhana at magbabatuhan ng hinanakit sa isa't isa" mahaba kong litanya sa kanya, nanatili lamang siyang nakikinig sa akin.
"Bumalik ka para manghingi ng isa pang chance pero natakot ako sa posibleng mangyari, natakot akong masaktan ulit, natakot ako na baka pagsumugal na naman ako ganon parin ang mangyari kaya kahit na masakit tinaboy kita sa ikalawang pagkakataon" pagpapatuloy ko at umupo sa couch dahil nangangawit na ang binti ko. Nanatili siyang nakatayo at nakatitig lang sakin ng may sakit sa mga mata. I could see pain in his eyes, I could sense that he barely want to hugged me right now. I want to hug you and just forget that the world is rotating.
"Sinabi ko sa sarili ko na ayoko na, ayoko nang sumugal pa. Nilibang ko ang sarili ko sa ibang bagay at pinilit na limutin ka but my heart betrayed me, Colt. Each passing day ay mas lalong lumalala dahil alam kong andyan ka lang. I tried everything but every step I take was a way to finally go back in your arms. Kahit anong hakbang natatagpuan ko nalang ang sarili ko sayo at doon ko napagtantong wala namang masama kung pagbibigyan kita ulit. Sana sa pagbigay ko ng isa pang pagkakataon ay hindi pa huli ang lahat. Colt Francis?" ngumiti ako sa kanya.
Inakala ko na hinding- hindi na ako susugal pa ulit sa parehong tao pero sa huli, natagpuan ko ang sarili ko na kayakap ang taong tinitibok ng puso ko, ang taong iniwan at sinaktan ko. Ipapangako ko sa kanya na magmula ngayon, handa na akong sumugal ng paulit-ulit basta para sa kanya kasi mahal ko siya, mahal na mahal.
"It would always be you even if it's not me anymore, Isla. I will always be your Colt Francis Guenther and please let me prove my love again, will you let me? Engr. Isobelle Laura Verdana?" tanong niya at agad naman akong tumango ng walang pag-aalinlangan.
Sa kanya parin babalik sigaw ng damdamin
Sa kanya parin sasaya bulong ng puso ko
Kung buhay pa ang alaala ng ating nakaraan
Ang pagmamahal at panahon
Alay parin sa kanya.....
Kahit na anong mangyari alam ko sa sarili ko na sa kanya parin ako babalik. Kahit na anong pilit ko na lumihis ng daan, tumutuwid ito papunta sa mahihigpit niyang yakap. Kahit na anong gawin ko para lang makalimutan siya ay tila ang mga bagay sa paligid ko ay nagpapaalala ito sa kanya. Kahit na sabihin kong hindi kami pwede sa isa't isa, gumagawa parin siya ng paraan na sa huli sa kanyang mainit na yakap parin ang bagsak ko.
"Mahal kita, mahal na mahal" sabi niya at niyakap ako ng mahigpit. May tumakas na luha sa mata ko pero hinayaan ko nalang. Those tears symbolize the last drop of my pain. My heart already breath after everything, nakahinga na nang maluwag dahil sa nangyari. He embraced the whole me with his warm hug, miss those hugs.
I felt like the hand of the clock just stop from ticking and all we heard is nothing but silence. I could feel his broad shoulder around me, his warm breath on my neck and the softness of his hair that gently touching my skin. This man with the eyes like an ocean blue that could freeze my world in a moment using his damn stare is now hugging me tightly. Wala na akong hihilingin pa kundi ang titigan lamang ang mga mata niyang parang asul na kalangitan na tumutunaw sa puso kong wala tigil sa pagkabog.
He kiss the top of my head and whispered something that I couldn't hear. I just laughed and giggled a bit kasi mas lalong humihigpit ang yakap niya. "I have work, I need to go to Quezon to check the site. Inaasahan ako ni Architect Perez doon, you should go to the hospital too. Masyado na akong abala sayo, go prepare yourself, I'll straight head to my condo" mas lalo pa niyang hinigpitan ang yakap niya at mas dinidiin ang mukha sa leeg ko.
Jusko ang lagkit pa nang suot ko dahil kagabi pa iyon, how can he even handle hugging me right now? Nakakahiya naman sa kanya na ang fresh niya tapos ako mukhang yagit sa posisyon ko. "Colt, bitiw na. Baka ma overdose ka ng wala sa oras" finally kumalas na siya sa pagkakayakap sakin at tumawa. Nawawala pa ang mata dahil sa pagtawa, ngayon ko lang napansin na medyo singkit pala ang mata niya. Singkit na electric blue eyes.
"Hindi ba pwedeng dito ka nalang sa tabi ko buong magdamag?" tanong niya bago tumawa na naman. "Hugging each other like there's no tomorrow. Marami tayong na missed na araw para yakapin ang isa't isa kaya kailangan nating bumawi"
Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. "Man and their words" bulong ko.
Nakangiting bumati ako sa mga constructions na nadadaanan ko. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kay Architect Perez kung bakit tanghali na ako dumating. Dumeretso ako sa office ko at nagsuot ng hard hat bago pumunta sa construction site. Binati ako ng ilang construction worker na nakakasalubong ko, they were putting tiles on the floor dahil natapos nang lagyan ng glass ang ground floor kahapon. Siguro kung matatapos itong lagyan ng mga cw ng tiles ang ground floor sa second floor naman ang sunod pero matagal-tagal din bago matapos na lagyan ng tiles ang buong ground floor.
I saw Architect Perez busy talking with the workers, maybe his explaining some about the work dahil nakikita kung tinuturo niya ang bawat anggulo ng building. Agad akong lumapit doon para batiin siya at para ipaalam na rin na nandito na ako, hindi ko siya na inform na tanghali na ako papasok.
Napatingin sila sakin na maingat na naglalakad papunta sa kanila. "Engineer Verdana! finally your here" mapang-asar na ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Architect Perez. "Tila iba ang ngiti natin ngayon? Engineer"
"Architect Perez! Good afternoon" ngumiti ako sa kanya ng hilaw dahil kinakabahan ako. "May ano po kasi.....emergency"
"Emergency? pero ang mukha mo ay parang hindi emergency ang dahilan" sagot niya sakin bago tumawa nang mahina. Inaasar na naman ako ng taong madaling mapikon. "Mr. Guivarra came here, he wanted to check the whole site pero nang mapansin niyang wala ka, he went home. Babalik nalang daw siya bukas, may pagtingin ata sayo, Engineer"
"Was that a joke, Architect?" I laughed sarcastically. "He really did say that to you, huh"
Marami pa kaming napag-usapan ni Architect ukol sa ongoing project namin sa Quezon. Ang first project ko ay si Architect Perez kaagad ang kasama ko pati narin si Engineer Nuevas. My first project was a house in Laguna, silang dalawa ang kasama ko doon and my latest project is this, sa Quezon. Silang dalawa rin ang kasama ko at maraming bagay akong natutunan kasama silang dalawa.
Never pa kami nagkasama ni Engineer Arellano sa isang project at sana isang araw makasama ko siya. She's my best friend my Mariesol Jaydee Arellano.
Umuwi ako sa condo nang maaga dahil napagod ako sa trabaho. Matutulog na sana ako kaso tinawag ako ni Clarisse, magbe-bake daw kami ng cookies. Wala naman akong alam masyado sa pagbe-bake pero tumayo parin ako at tinulungan siya.
"Ate, thank you for helping me. Naistorbo ko pa tuloy ang tulog mo" she smiled at me bago nilagay sa tray ang mga na form na na heart cookies. Medyo marami rin ang nagawa namin so baka papuntahin ko si Marie dito para samahan kaming kumain ng cookies.
I already told her about what happened last night, about our conversation between me and Colt and she's happy for me."Basta Ate, ako yung maid of honor ha?" she hugged me tightly. "I would be the happiest na makita kitang naglalakad sa aisle, bringing flowers while your man is waiting for you till you reach the last step and finally hold his hand as you walk together to the altar"
"Malayo pa yan, Clarisse but I promise you will be my maid of honor sa oras na ikasal na ako" I hugged her tightly and kissed her cheeks at ganon din ang ginawa niya sakin.
________________
-clint
A/N
hello mooncakes, sorry for the late updates...a lot of changes happened and maraming problema ang patuloy na bumabagsak sa buhay ko...
i need to find my lost self, i need to rest myself cause i'm drowned dahil sa sobrang stress both physical and emotional plus nagkaroon din ng problema ang gadget na ginagamit ko para magsulat ng nobela. Maraming buwan ang lumipas at heto na, nagkaroon ulit ako ng tyansang tapusin ang nobelang ito kaya maraming salamat sa lahat-lahat lalo na sa Panginoong Diyos dahil sa gabay at chance na binagay niya sakin.
Malapit na matapos ang nobelang ito kaya samahan niyo ko hanggang sa huli...