Learn To Love Again (Boyxboy)

By jwayland

332K 9.1K 903

After bumalik sa Canada two years ago ni Dustin ay kinailangan niyang bumalik sa Pilipinas kahit labag sa kal... More

After Two Years
The Wedding
Can't Wait to Go Back
Home Sweet Home
Responsibilidad
Rebelde
I Lost My Virginity.....
Failed to Be a Goodboy
A Complication
What The F?!
Fly Like A Bird
Revenge is Sometime Salty
Pag-amin
Missing Him
Siya Ulit!
New Home
Meeting Alexander Villanueva
Game Over
New Guy
Hindi Pa Tamang Panahon
Time to Find My True Love
Are You In Drugs?!
Stranded
Restraint
This Is The End
You Get What You Want
The Right Choice
Living With Andrei Montevista
Three Days
Unexpected Meeting
Walk A Tight Rope
The Escaped
The Brawl
A Promise Of Forever
Special Chapter

My Abductor

7.7K 231 11
By jwayland

Hi guys rest day ulit I know hindi ako nakapag-update ng sobrang tagal dahil kasi masama pakiramdam ko tapos kailangan ko pang mag 1 is to 1 kaya sobrang busy sa work pero ito draft na ako malapit na din ito dahil balak ko hanggang chapter 30 lang pero tignan natin hehehe

Picture of Dustin Wills on the right=====>>>>>>

Song is Stranded by Plumb

===============================================================================

CHAPTER TWENTY THREE

Dustin's POV

"Arggghhh!" sobrang sakit nang ulo ko nang magising ako nang mga oras na iyon, hindi ko alam kung bakit parang minamartilyo ata ang sintido ko sa nararamdaman ko nang mga oras na iyon.

Kahit masakit ay pinilit kong alalahanin ang mga nangyari at bigla naman akong napadilat at napabangaon sa kama nang maalala ko ang nangyari.

May tumakip nang bibig ko at nagpaamoy sa akin ng kung ano kaya ako nakatulog, biglang nabuo ang galit sa dibdib ko nang dahil kay Francis, I'm pretty sure na siya ang may kagagawan kung bakit ako nandito ngayon, sandali kong nilibot ang mga mata ko sa paligid at mas lalo akong nagulat nang makita ko ang labas nang kuwartong tinutuluyan ko dahil imbes na mga nagtataasan building ang makikita ko ay punong puno nang mga puno at kung anu anong halaman ang natatanaw ko which mean na wala ako sa Makati kung hindi maaring nasa probinsya, hindi ako makapaniwala na ang stalker kong si Francis ay magagawa ang ganitong mga bagay at imbes na matakot ay mas nanaig ang galit na nararamdaman ko para dito.

I tried to remain calm dahil kailangan ko munang i-analyze ang sitwasyon na kinahaharap ko, hindi ko kilala kung anong ugali meron si Francis at kailangan ko pag-isipan ang magiging desisyon kung hindi ay baka mas lalo akong mapahamak, ang mga katulad kasi ni Francis ay mas delikado kumpara sa ibang mga tao.

Nasa ganoon akong pag-iisip nang marinig ko ang pagpihit nang pinto at agad kong hinanda ang sarili ko sa paghaharap namin ni Francis.

"Relax Dustin kailangan mong sakyan si Francis." pangungumbinsi ko sa sarili ko habang wala pa akong konkretong plano na gagawin.

Parang sasabog sa bilis nang kabog ang dibdib ko habang hinihintay ko ang tuluyang pagpasok ni Francis ngunit laking gulat ko nang makita ko kung sino ang taong pumasok sa pinto kasabay nang paggaan nang dibdib ko.

"Jonathan?" ang namutawi sa bibig ko nang tuluyan kong makita ang binata kasabay non ay ang pagtalon ng dibdib ko sa muling pagkikita ko sa taong pinakamamahal ko.

Hindi ako makapaniwala na niligtas na naman ako nito mula sa panganib at ayoko man ay hindi ko maiwasang hindi makaramdam nang gratitude dito.

"Kamusta ka na ang pakiramdam mo Dustin?" kalmadong tanong nito, ngunit wala na kaming panahon kailangan na namin makaalis at baka may magawa sa aming masama si Francis.

"Listen Jonathan we need to go at baka kung ano pang magawa sa atin si Francis." nagmamadali kong sinabi dito at hindi ko na hinintay ang sagot nito at nauna na akong naglakad papunta sa pinto ngunit nagtaka ako nang hindi man lang ito natinag.

"Hindi tayo guguluhin ni Francis." walang kaemosyon emosyon na sinabi nito na nagpagulo nang isip ko.

"Why dinakip ba si Francis nang mga pulis?" tanong ko at agad akong dumungaw sa bintana expecting to see policemen escorting Francis to their mobile ngunit wala naman akong nakitang kahit na ano sa labas kaya naman paanong nakakasigurado si Jonathan na hindi kami guguluhin ni Francis.

"How sure are you that Francis will not bother us?" nanantiya kong tanong dito, hindi ko gusto ang pumapasok sa isip ko nang mga oras na iyon dahil imposible.

"I'm one hundred percent sure dahil............." at talagang pinutol pa nito ang sinasabi kasabay nang paglapit nito sa akin, pinigil ko ang sarili kong mapaurong dahil ayokong isipin nito na natatakot ako dito.

"Dahil?" tanong ko dito dahil parang sasabog ang dibdib ko sa pambibitin nito kahit na nga ba nahuhulan ko na ang dahilan pero gusto ko pa din makasigurado.

"Dahil hindi siya ang nagdala sayo sa lugar na ito kung hindi....... kung hindi ako." seryosong seryoso nitong sinabi ni wala itong kakurap kurap habang nakatingin sa magiging reaksyon ko at sa totoo lang hindi ko alam kung anong iisipin ko nang mga oras na iyon.

"Wha......why........?" sa totoo lang hindi ko alam ang iisipin o sasabihin nang mga oras na iyon samantalang ito ay kalmado lang habang nakatingin sa akin.

Jonathan's POV

Kitang-kita kong naguguluhan ito sa mga nangyayari dahil ang taong inaakala niyang tumulong sa kanya at nagligtas sa kanya sa inaakala nitong abductor niya ay ang mismong taong nag-abduct sa kanya.

Sa totoo lang wala talaga sa plano ko ang gawin ito kay Dustin ngunit nang makita kong may kasama itong ibang lalaki at kitang kita ko ang pagkagusto nang lalaking iyon kay Dustin ay napuno ako nang labis na pagseselos at sa una nga ay hindi ko alam kung paano ko iyon ihahandle lalo na't ngayon ko lang naramdaman iyon hanggang makausap ko ang kapatid nito na si Marvin at sabihin sa akin ang plano nito.

Hindi ko maiwasan nang makita ko itong kasama nang lalaking hindi ko kilala at kahit anong pilit kong huwag makaramdam nang pagkaselos ay hindi ko iyon napigilan.

Mahigit isang linggo na din akong nagsusubaybay kay Dustin simula nang malaman ko kung saan ito tumutuloy at pakiramdam ko napakapathetic ko sa ginagawa ko para akong stalker sa mga pinaggagawa ko, well ganoon talaga siguro kapag mahal mo ang isang tao, at labis ang pagmamahal ko kay Dustin at sobrang pagsisisi ang nararamdaman ko sa nagawa kong pananakit sa damdamin nito dahil talagang pinilit kong patayin ang nararamdaman ko ngunit kahit anong gawin ko ay hindi nawala ang damdamin ko dito mas lalo pa nga atang lumalim sa paglipas nang panahon at ngayon nga ay handa na akong ipaglaban ang pag-iibigan namin.

Maaga akong gumising nang araw na iyon para puntahan ang tinutuluyan ni Dustin nakapagdecide na akong makipagkita dito dahil gusto na din magkaayos kaming dalawa, sinigurado kong maayos ang itsura ko kapag nagkaharap na kami ni Dustin at umaasa na lang ako na makikinig ito at bibigyan ako nang isa pang pagkakataon.

Agad akong sumakay sa kotse ko na nakapark sa labas nang bahay at ilang sandali lang ay nasa kahabaan na ako nang EDSA patungo sa Makati kung saan tumutuloy si Dustin.

"You can do this Jonathan." pagpapalakas ko sa sarili habang nakatingin sa salamin sa ibabawa nang kotse ko.

Mga bandang siyete nang umaga nang makarating ako sa building kung saan naroon ang condo unit ni Dustin, sumakay ako nang elevator na buong buo ang loob ngunit nang nasa mismong floor na ako ay bigla na namang binalot nang kaba ang dibdib ko at nagdalawang isip tuloy ako kung tutuloy pa ba ako nang nasa tapat na ako nang pinto ng unit ng binata.

Nasa ganoon akong kaisipan nang marinig ko ang pagtatanggal ng lock sa loob kaya naman dali dali akong nagtago at hinintay ang paglabas nito.

Tuluyan nang nawala ang lakas nang loob ko na lapitan ito kaya naman hinayaan ko na lang na makasakay ito nang elevator sakto naman na may bumaba sa floor na iyon kaya agad akong sumakay, pagkababa sa ground floor ay nakita ko pa ang likuran nang binata at agad itong sinundan.

For some reason ay napapansin kong parang balisa si Dustin at patuloy ito sa pagtingin tingin sa paligid na para bang may hinahanap ito.

"Napapansin na ba niya na may sumusunod sa kanya?" sa loob loob ko kaya kailangan kong maging maingat para hindi ako nito mahuli.

Nabitin sa lalamunan ko ang gagawin kong pagsigaw sana nang mapansin kong wala ang atensyon nito sa paglalakad at bumangga sa isang lalaki mabuti na nga lang at naging maagap ang estrangerong iyon sa pagsalo kay Dustin kaya naiwasan nito ang masaktan.

Imbes na magpasalamat ay narinig ko pag ang galit na boses nito kaya naman nagtaka ako sa kinilos ni Dustin, ngunit ang mas pinagtaka ko ay ang sabay nilang pagpasok sa loob ng Starbucks na para bang magkakilala talaga sila, hindi ko gusot ang nararamdaman ko nang mga oras na iyon.

Nagtangis ang mga ngipin ko nang makita kong seryosong seryoso sila habang nag-uusap, pigil na pigil akong puntahan ang mga ito at hatakin si Dustin palayo dito at mas lalong nabuo ang hinala ko nang makita kong batukan ni Dustin ang naturang binata.

Agad akong kumilos nang makita kong papaalis na sila ngunit nagkakamali pala ako lalo na't dumiretso sila pabalik sa condo unit ni Dustin at parang sasabog sa labis na selos ang dibdib ko nang pumasok sila sa loob, kung ano anong mga bagay ang pumapasok sa isip ko habang nasa labas nang pinto.

The rage is too much for me to handle kaya naman minabuti ko na lang na bumalik sa kotse ko at ibunton ko ang galit na nararamdaman ko sa pagdadrive, kahit anong pangungumbinsi ko sa sarili ko na hindi magagawa ni Dustin na makipag sex sa lalaking iyon ay hindi ko pa din maiwasang hindi mangamba.

Nagulat na lang ako nang marealized kong nasa may seaside pala ako malapit sa MOA, nakatanaw lang ako sa dagat na para bang makukuha ko doon ang dapat kong gawin at para namang sinagot nang langit ang tanong ko nang biglang tumunog ang phone na nasa bulsa nang pantalon ko at hindi ko naiwasang hindi mapangiti nang makita ko ang pangalan na nagregister.

"Hi Marvin." agad kong bati dito nasa ibang bansa pa din kasi ito naextend ang honeymoon nila ni Xavier.

"Hi Jonathan kamusta na kayo diyan?" tanong nito at base sa boses nito ay halatang halatang masaya ito sa piling ng taong pinakamamahal sana ganoon din ako.

"Everything is good." I tried to sound cheerful but failed miserably, and Marvin seems to detect it as well.

"Tell me Jonathan tungkol ba ito kay Dustin?" tanong nito.

"No of course not, what made you think na siya ang dahilan?" patuloy kong pagkakaila dito.

"Jonathan alam kong may nararamdaman ka para kay Dustin noong kasal pa lang ay nakita ko na kung paano mo siya tignan." hindi ako makapaniwala na ganoon ako kaobvious kaya naman wala na akong nagawa kung hindi ipagtapat dito ang totoong nararamdaman ko para sa kapatid nito.

"And now may iba na siya." malungkot kong sinabi dito mukhang kailangan ko na talagang tanggapin na hindi na ako mabibigyan nang pagkakataon na mahalin si Dustin.

"Nonesense Jonathan maari mo pang mabawi si Dustin." inis na sinabi ni Marvin.

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina Marvin?" naiiling na lang ako sa sinasabi nito.

"Narinig kita pero hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina din? Bawiin mo si Dustin at tingin ko alam ko kung ano ang dapat mong gawin." napukaw nito ang buong atensyon ko dahil hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

"Kailangan mo siyang kidnapin at pilitin na pumayag na bigyan ka nang pagkakataon." seryoso nitong sinabi.

Tahimik na lang akong nakinig dito at hindi ako makapaniwalang maririnig ko ang ganitong bagay kay Marvin akala ko pa naman kilalang kilala ko talaga ito kahit na nga ba bestfriend ito nang kakambal ko.

"Pero saan ko naman siya dadalhin kung saka-sakali?" tanong ko dito.

"I have the perfect place wait lang sandali....." sandali itong nawala at nadinig kong nakikipag-usap ito sa asawa.

"Meet Xavier's assistant at siya na mismo ang magsasabi sayo kung saan mo maaring dalhin si Dustin but please Jonathan take care of my brother." seryoso nitong sinabi.

"I will Marvin, don't worry." pangako ko dito at matapos nga noon ay nakipagkita ako sa assistant ni Xavier at kinuha dito ang susi nang tutuluyan namin ni Dustin hindi nga ako makapaniwala na ipapahiram sa amin ang lugar na iyon lalo na't napakalaking parte nang love story nang mag-asawa ang nabuo doon.

Agad akong umuwi para maghanda nang mga dadalhin namin at nang gumabi na ay bumalik ako sa condo unit sakto naman na palabas si Dustin na dala ang mga gamit nito at gamit ang panyong may kemikal ay nadala ko si Dustin dito nang wala itong kalaban laban.

Naputol ang pagbabaliktanaw kong iyon nang muling magsalita ito.

"Bakit mo to nagawa Jonathan?" naguguluhang tanong nito sa akin.

"Dahil sa pagmamahal ko sayo." ang tanging nasabi ko dito at umaasa ako na sana maging succesful ang ginawa kong ito dahil kung hindi magtagumpay ito ay hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko.

Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 148K 51
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
297K 7.8K 30
About the "nakakakilig" and "nakakaiyak" na story of Sam Chua and how he fell in love with a super fafable chinito guy. Rollercoaster of emotions? We...
659K 23.5K 33
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...