Every Beat of Heart (Agravant...

By jhelly_star

32.4K 861 45

[COMPLETED] Michelle Agravante, the softest and the kindest girl of all the Agravantes is deeply in pain afte... More

AUTHOR'S NOTE
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
WAKAS

KABANATA 13

589 16 2
By jhelly_star

Kabanata 13

Hurt

--

Lee and I stayed at their school again until five in the afternoon. Kahit pa nakita ko si Janelle Rodriguez kanina na masama ang tingin sa akin ay masaya pa rin akong nakasama ko ulit si Lee. Lalo na dahil sinabi niyang wala siyang girlfriend at hindi niya girlfriend si Janelle. For me that was enough.

I lay down on my bed and thought about what happened earlier. Hindi ko alam kung bakit masama ang tingin sa akin ni Janelle kanina pero may palagay na ako kung bakit. That's not hard to guess. Obviously, she likes Leandros. Magkasama sila kahapon ni Lee tapos ngayon naman nakita niyang kami naman ang magkasama at masama ang tingin niya. Hindi na mahirap sabihin kung bakit siya ganon.

She's beautiful. Also sexy and with good fashion. That was obvious in her dress and in the way she walks. Even though she was only wearing their uniform, malakas pa rin ang dating niya. Naka ayos rin ng sobrang ayos ang buhok niya. Ultimo pagma-make up halatang marunong na marunong siya. Sakto lang sa kanya ang make up na nasa kanyang mukha, hindi pangit at hindi rin sobrang ganda.

Bumuntong hininga ako at ngumuso. Daig niya pa si ate kung mag ayos. Siguro sikat na sikat siya sa school nila at maraming nagkakagusto sa kanya. Nakaramdam tuloy ako ng inggit.

Hindi ako gaanong nag aayos dahil para sa akin ayos na ang simple. Hindi na rin kailangan ng maraming make up dahil ayos na ang natural lang. At sigurado akong sa liit kong ito, our uniform doesn't suit me. Maybe I look manang or baduy.

Bumangon ako at tinignan ang katawan. Noon hindi ko naman pinagtutuunan ng pansin ang pag aayos sa sarili dahil para sa akin maganda naman na ako. But now as I think about how beautiful, white, tall and attractive Janelle is, parang gusto ko na ring ayusin ang sarili ko.

I got out of bed and went out of my room. I peeked into the other room just next to mine where my sister's room was and bit my lower lip. Nagdalawang isip pa ako kung kakatukin ba siya o bukas nalang. Pero baka kasi tanghali na siya gumising bukas! Hindi na niya ako maaayusan!

I shook my head and decided to just knock. Sana nandyan siya. Minsan kasi gabi nang umuuwi iyon dahil sa pinupuntahan niya.

She's the only one who can help me. Pwede rin namang si Eli pero mas malapit si ate kaya dito nalang. Tsaka magaling siya! Simple lang siyang mag ayos pero napaka ganda.

"Ate!" pabulong kong sigaw dahil baka magising sina Mommy at Daddy na nasa kabilang kwarto lang.

Naka ilang katok pa ako bago niya ako pinagbuksan. Her hair is messy and her lights are off. Dilat ang isang mata niya at magkakasalubong ang kilay. Mukhang naistorbo ko siya sa pagtulog.

"Ano?" halos iritado niyang tanong.

Ngumuso ako. "Pwede ba kitang makausap?"

"Mina, bukas nalang. Natutulog na ako, oh!"

"Saglit lang naman! May request lang ako..."

She tsked and opened the door more to let me in. She walked back to her bed with heavy feet. I smiled and entered her room. I turned on the light.

Mas lalong kumunot ang kanyang noo nang nasinagan ng mga ilaw habang nakaupo siya sa kama niya. Nakangiti akong lumapit sa kanya at tinabihan siya sa kama.

"What do you want?" masungit niyang tanong habang nakapikit pa rin at naghihikab.

"Can you do me a favor?"

"What favor?"

"Make up-an mo ako bukas."

She raised an eyebrow and slowly opened her eyes. She looked at me. I smiled sweetly at her. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at sa tingin niyang iyon ay parang hindi ako ang nakaupo sa tabi niya ngayon.

"At kailan ka pa naging interesado sa pagma-make up?"

Ngumuso ako. "Interesado agad? Hindi ba pwedeng... gusto ko lang mag ayos bukas?" palusot ko.

"Tapos magsusunod sunod na iyon. Aaraw arawin mo na hanggang sa matuto ka na ring mag make up sa sarili mo?"

Nanlaki ang mga mata ko roon. "I'm not going to be like that!"

"Sus. Ganyan rin ako noon kaya alam na alam ko na yan. Para kanino ka magma-make up, huh?" her eyes narrowed at me.

Mas lalo pang nanlaki ang mga mata ko at kinabahan dahil alam niya agad kung bakit gusto ko itong gawin! Paano niya nalalaman ang mga ganon? Dahil naranasan niya na? Ganito rin siya sa lalaking nagugustuhan niya noon kaya siya natutong mag make up sa sarili niya?

"Alam ko na iyan. Wag ka nang maglihim sa akin. Sino yan, huh?" she brought her face closer to mine as her eyes narrowed.

Napa atras naman ako. "W-Wala! Gusto ko lang mag ayos ng sarili, ate."

Umirap siya at humalukipkip. "Baka gustong mag ayos para sa isang lalaki..." bulong bulong niya.

Ngumuso ako. She really knows things like this. But I have no intention of telling her that it’s because of Lee! Baka pa matakot siya kapag nakita niya si Lee. Sigurado kasi akong magpupumilit siyang makita ang kung sino mang lalaking dahilan ng pagiging ganito ko.

Nilingon ako ni ate Johan pagkatapos ng ilang sandali. "Are you okay now?"

I was stunned by her question. Nag angat ako ng tingin sa kanya. Nakatitig siya sa akin habang nakataas ang isang kilay pero alam kong seryoso siya sa tanong niyang iyon. And I also know what she means by that.

"Have you moved on from what happened to Sebastian Hidalgo?" she asked without hesitation.

Nag iwas ako ng tingin. Of course, I still can't forget what happened to Seb. I still can't move on. It still hurts me that he is no longer by my side. It still hurts me that he’s gone. Hindi naman agad agad nawawala ang sakit lalo na dahil mahal na mahal ko ang taong iyon. Ilang buwan palang ang nakakalipas at... mahal na mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. Sobra.

"You haven't moved on yet, don't you?" ate said.

Hindi ako sumagot. I just stared at my hands on my thighs. She sighed.

"I'm sorry for asking. Fine! Ma-make up-an kita bukas."

Nag angat ako ng tingin sa kanya at agad sumilay ang matamis na ngiti sa labi ko. Kahit nabanggit niya ang pinaka masakit na nakaraan ko ay napangiti pa rin ako dahil sa pagpayag niya. Mabilis ko siyang niyakap at nakita ko agad ang pag irap niya.

"Thank you!"

"Basta sabihin mo sa akin kung sino yang--"

"Wala nga, ate!" mabilis akong humiwalay sa kanya.

"Ang daya mo! Kapag ako sinasabi ko..."

Namilog ang mga mata ko. "Kailan ka nagsabi sakin?"

"Palagi mo akong nakikitang may boyfriend! Hindi ko tinatago sayo! Oh!" tinuro niya pa ako.

"Eh, yung ngayon? Sige nga, sino iyong lalaking pinupuntahan mo ngayon?"

Napakurap kurap siya.

"See!"

"Wala akong pinupuntahan na lalaki!"

"Sus..." ngumisi ako.

Kinabukasan inayusan nga ako ni ate. I went to her room and saw her just waiting for me, sitting on the bed and typing something on her phone. She was already dressed for school and so was I. Napagkasunduan talaga naming maagang gumising para maayusan niya ako. At ngayon, nagluluto palang ang mga kasambahay namin para sa breakfast.

"Para saan talaga ito, huh?" hindi pa rin matigil sa pagtatanong si ate Johan tungkol sa pag aayos kong ito.

Akala ko ba naman natigil na siya kagabi! Ngumuso ako.

I am now sitting in front of her mirror. There was so much makeup in front of me habang si ate Johan ay tinitignan ang mukha ko. Hinahawakan niya na para bang sinusukat o ano.

"Wala nga, ate. Gusto ko lang mag ayos. Bawal ba iyon? Eh, sa gusto kong maging katulad mo na maganda... maayos sa sarili at... malakas ang dating..."

"Malakas naman ang dating mo at maganda ka. Maraming nakatingin sayo kapag naglalakad ka sa hallway. Bakit kailangan mo pang mag ayos?" nagtaas siya ng isang kilay.

Mukhang hindi talaga ako makakatakas sa kanya.

"Maybe it's just because I am an Agravante? Kaya sila palaging nakatingin?"

Umirap siya at kumuha ng isang make up na hindi ko alam. Blush on yata iyon. Sinimulan niya na akong ayusan.

"Mina... wag ka nang magtago sa akin. Akala mo ba makakatakas ka? I already know you. Just spill it out..." she smirked.

I sighed. Hindi talaga siya titigil. Pero kung makulit siya, mas makulit ako. Hinding hindi ko sasabihin sa kanya ang tungkol kay Leandros.

"I'm still hurting because of what happened months ago, ate. Sa tingin mo ba makakahanap agad ako ng iba..." sabi ko.

Totoo iyon. Every time I think of Seb and our happy memories, I get hurt because I know they will never happen again because he's already gone. He's no longer beside me and I can no longer be with him. Maybe we'll meet again one day but the question is... when will that be? Gaano pa katagal? Gaano pa ako katagal maghihintay hanggang sa makita ko siya ulit?

Ngumuso si ate at nagpatuloy sa pag aayos sa akin. Natahimik na siya, hindi na nagtanong pa. Bumuntong hininga ako at nagbaba ng tingin sa mga make ups niya.

Kaya ayokong iniisip si Seb dahil nalulungkot lang ako. Nawawalan ako ng gana at pakiramdam ko wala na akong dapat na gawin. I feel like I have no purpose to act and do things.

I am still lost... and hurt.

"Wow! Nag make up ka?" si Lorie nang lunch.

Maliit akong ngumiti sa kanya. My other cousins ​​also looked at me because of that. Uminit ang pisngi ko. Bigla akong nahiya. Ayos lang bang nag ayos ako?

"Ganda, noh? Ako nag make up nyan!" mayabang na sinabi ni ate Johan.

"You look beautiful," Issa said and smiled.

"Thanks..." sabi ko.

"Anong meron at bakit ka nagpa make up kay Johanna? May nang away na naman ba sayo? Sinabihan ka ng pangit?" si Lorie at nagtaas ng isang kilay.

Umirap si Issa at ate sa sinabi niya. Bahagya naman akong natawa.

"Wala, noh. Naisipan ko lang..." nagkibit ako ng balikat.

Kinakabahan nga ako dahil baka kapag nakita ako ni Lee mamaya tuksuhin niya ako. Nakakahiya! Idagdag mo pa si Luna na siguradong mahuhulaan na agad na dahil ito kay Lee!

"Bagay sayo ang simple lang," si Eli.

"Diba? Kaya nga simple lang ang ginawa ko sa kanya. Ang ganda mo, sis!" si ate sa akin.

"Salamat..." nakangiti kong sinabi.

The result of my sister Johan's make-up on me went well and I was very happy. But of course I'm still a little nervous because I'm going to Lee's school like this!

Makikita niyang nag ayos ako! Ano kayang masasabi niya? Baka pangit, hindi niya magustuhan!

Oo, maganda naman daw sabi ng nga pinsan ko pero baka siya hindi niya magustuhan! Kahit papaano naman iba iba ang opinyon ng mga tao, diba?

Kinakabahan ako!

"Aba! Ano yan?" Luna put her index finger under my chin and lifted my face a little.

Inalis ko ang kamay niya at tumawa. "Nag ayos lang ng kaunti..."

"Naks naman! Para yan kay Lee, noh?" bulong niya.

Sinasabi ko na nga ba, eh! Malalaman niya agad! Wala talaga akong maililihim sa isang ito.

Ngumuso ako.

"Ang ganda mo! Siguradong magagandahan siya sayo!" anya.

"Talaga?" bahagya akong nabuhayan sa sinabi ni Luna.

"Oo! Sino bang hindi magagandahan? You're an Agravante and you don't even have to put on make-up just to look beautiful!"

Napangiti ako roon.

"Ikaw lang ba ang nag make up nyan?"

"Si ate. Kinakabahan nga ako, eh..."

"Sus! Why are you nervous? You're beautiful! Siguradong magagandahan si Lee sayo!"

"Shh! Wag ka naman masyadong maingay..." bawal ko sa kanya.

Kilala si Lee rito kaya kapag may nakarinig sa amin na pinag uusapan siya, baka kung ano pa ang sabihin.

Pumasok kaming dalawa ni Luna sa loob ng school at nagtungo ulit sa bench para hintayin si Lee. Kaya lang may tumawag kay Luna at mukhang parents niya iyon.

"Naku! Pinapauwi na ako ng parents ko. Alam mo na... dinner," anya.

Tumango ako. "Sige. Ako nalang dito. Take care!"

"Take care! Bye!"

I waved at her until ahe was out of the gate. I took a deep breath. Now that Luna is gone I'm a little nervous. Kaya lang malakas ang loob ko ngayon dahil nandito si Luna kanina at ngayong wala na siya... parang gusto ko nalang umatras!

Nakakahiya! Baka kapag nakita ako ni Lee rito at napansin niya ang ayos ko, sabihin niya nagpaganda ako para sa kanya!

Pero hindi naman siguro, diba? Hindi naman siguro! He probably wouldn't think that!

Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili. Masyado akong kinakabahan. Bakit ba ako kinakabahan? Nag ayos lang naman ako kasi... feeling ko ang pangit ko na. Si Janelle ang ganda ganda at malakas ang dating kaya naisip kong mag ayos na rin. Hindi naman masama ang ganon.

Pero kinakabahan pa rin ako! Bakit ba ako kinakabahan? Magkikita lang naman kami ni Lee gaya ng dati naming ginagawa kaya bakit ako kinakabahan? Hindi ba dapat sanay na ako rito? Ang pinagkaiba lang naman ay nag ayos ako ng kaunti ngayon! Hindi niya naman na siguro mapapansin ito dahil simple lang ang ginawa ni ate!

Yes, that's right. He won't notice it. Simple lang ang make up ko kaya dapat lang akong kumalma. Wala lang ito sa kanya, Mina. Calm down.

Kaya lang habang pinapakalma ko ang sarili ko may biglang dumating. Napatayo agad ako nang nakita si Janelle at ang dalawa niyang kaibigan sa likod niya. Nakahalukipkip siya habang nakatingin sa akin, nakataas ang isang kilay at ang pangmamaliit ay kitang kita ko sa kanyang mga mata.

Kinabahan ako. Anong ginagawa niya rito?

"Michelle Agravante, right?" she said.

Hindi ako nakasagot sa kaba. Sa tingin niya palang ay para na siyang nanggigigil sa akin.

"I saw you with Lee yesterday. Bakit kayo magkasama?" tanong niya.

"Uh..." hindi agad ako nakasagot. "Sabay lang naming ginagawa ang homeworks namin at--"

"Bakit sabay niyong ginagawa? Ano ka ba niya? Girlfriend?"

Hindi ako nakasagot.

"Hindi ka naman yata niya girlfriend kaya bakit sabay kayong gumagawa ng homeworks?" muli niyang tanong.

"F-Friends lang kami--"

She laughed so I stopped. Her two friends in the back reacted the same way, laughing as if something was funny at my answer.

"Friends? Really? Or maybe you're using your power as an Agravante to be with him?"

What? Kumunot ang noo ko.

"Tinatakot mo siya?"

"H-Hindi ganon--"

"Then what? Imposible naman na girlfriend ka niya dahil ang balita ko... ikaw ang dahilan ng pagkamatay ng kakambal niya..."

My eyes widened at what she said. I didn’t expect that. It wasn't a secret and some people really knew that Sebastian's death was my fault but no one dared to say that in front of me. Maybe because I am an Agravante. Takot sila na magsumbong ako sa oras na may sabihin sila sa akin.

Pero kaunti lang ang nakaka alam noon! Paano niya nalaman iyon?

Janelle grinned when she saw the shock in my eyes. "Ang sabi ng Daddy ko malaki ang kasalanan niyo sa mga Hidalgo dahil sa ginawa mo. Mabuti hindi ka pinakulong?"

Hindi ako nakasagot. My lips trembled because of fear and nervousness.

"The Hidalgos are too kind to let you go. But I'm sure... Lee is mad at you. Kakambal ba naman niya ang pinatay mo," tumawa sila.

"I didn't kill Seb..." my voice trembled.

"Pero ikaw pa rin ang may kasalanan. So basically, ikaw ang pumatay."

Umiling ako at gusto ko siyang sagutin pero wala akong makalap na mga salita. My heart was hurting and tears were barely welling up in my eyes.

"So don't force yourself on Lee. Alam naman naming lahat na ginagamit mo lang ang pagiging Agravante mo para matali mo siya sa leeg. The Hidalgos are more powerful than you but maybe Lee is just too kind to give in to you..."

Kinuyom ko ang kamao ko. Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko. Wala akong masabi. Kahit pa hindi totoo ang mga sinasabi niya. Hindi totoong ginagamit ko ang pagiging Agravante ko para matali sa leeg si Lee. I would never do that!

At kung gagawin ko man iyon, siguradong hindi papayag si Lee.

"He doesn't like you. And he will never like you.  May iba na siyang gusto kaya wag ka nang umasa..." ngumiti si Janelle.

Ibang gusto? Sino? Siya... ba?

"Hindi ko na sasabihin sayo kung sino. Siguro naman alam mo na ang sagot roon..." nanunuyang sinabi ni Janelle at mas lalo pang ngumiti.

Mas lalo kong naikuyom ang mga kamao ko at hindi ko na napigilan ang sarili ko. Lumapit ako sa kanya at nakita ko ang pagkakagulat niya sa biglaan kong pagkilos. Napa atras siya pero huli na ang lahat, malakas ko na siyang naitulak dahilan ng pagtili at pagbagsak niya sa sahig. She cried in pain and her friends immediately helped her.

"Aww!" she cried.

"Mina!" I heard a familiar voice.

Agad akong napalingon sa kaliwa at nakita ko ang tumatakbong si Lee dala dala ang kanyang bag sa isang balikat. Maraming nakakita sa nangyari at bahagya na kaming pinagkakaguluhan.

But I don’t care about that anymore. The only thing I'm feeling right now is nervousness and fear because I'm sure Lee saw what I did to Janelle!

Mabilis na tinulungan ni Lee si Janelle para makatayo. Umiiyak si Janelle at mukhang nasaktan talaga siya sa pagtulak ko. I backed away and was immediately guilty of what I did. A tear dripped from my eyes.

"Bakit mo ako tinulak? Wala akong ginagawa sayo!" Janelle said.

Hindi ako nakapag salita at sunod sunod lang na pumatak ang mga luha ko. I wanted to say sorry but I stopped when I heard what she said. Walang ginagawa? Kung ano ano ang sinabi niya sa akin! Anong walang ginagawa?

And I was hurt too...

Pinagmasdan ko kung paano tumingin sa akin ng masama si Janelle at ang mga kaibigan niya. Ganon na rin ang mga tao sa paligid ko na siyang nakakita sa ginawa ko. They all looked at me like I'm such an outcast, like I did something very bad and they should stay away from me or they should hate me.

And then I realized... there's really someone who will come to your life like a villain. Yung guguluhin ka at sasaktan ka na para bang mga kontrabida lang sa isang kwento. Yung wala ka namang ginagawa pero pilit kang hihilahin pababa. Mga taong magagalit sayo kahit wala ka namang ginagawang masama. Wala ka namang kasalanan pero pilit kang hihilahin pababa. At ikaw na ang magdedesisyon kung magpapahila ka ba pababa... o lalaban ka.

Continue Reading

You'll Also Like

Loving Heart By MC

Teen Fiction

15.1K 358 63
[COMPLETED] Very hurt and sad, Victoria Elisha Villanueva chose to let go of the man she loves just for her sister, Vallerie Elise Villanueva. Pero h...
3M 184K 60
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
9K 412 45
[COMPLETED] Loreleil Agravante is a very well-known girl that's why everybody is very interested with her. But she hates it. She hates being asked ab...
1.2M 44.4K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...