Sweetest Downfall (#1)

By Imbaaaaah

1.1M 3.6K 129

Miguel Sebastian Arevalo will never fall in love. That's for sure. Sigurado siya na hindi iikot ang kanyang b... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4

Chapter 3

31.3K 612 13
By Imbaaaaah

"Anong oras ka umuwi kagabi?" Tanong ni mama sa akin kinaumagahan. Inilapag nya ang gatas na itinimpla para sa akin pati na din ang fried rice at ham. Kinuha ko gatas. Ininom muna ito ng kaunti bago sumagot.

"Alas onse na po." Sagot ko. Ibinaba ko na ang baso ng gatas sa mesa.

Umupo sa tapat ko si mama. Ang mapanuri nyang tingin ay hindi pa rin natatanggal. Gusto kong mag iwas ng tingin kaso ay hindi ko naman yun magawa. Natatakot ako sa kanya. "Masyado ng gabi, ah. Sinong kasama mo? Si Mia ba?"

Umiling ako. "Si Jed po."

"Ahh." Medyo nawala ng kaunti ang tingin nyang mapanuri. "Dito na ulit sila titira?"

"Hindi po. Bakasyon lang ata."

Tumango sya sa sinabi ko. Ang kamay ko na nakapatong sa mesa ay inabot nya. Marahan nya itong hinaplos bago ako bigyan ng isang tipid na ngiti. "Wag ka sanang magagalit anak kung mahigpit ako sayo." Umpisa nya. "Ayaw ko lang na matulad ka sa akin."

"Ayos lang po, ma. Tsaka naiintindihan ko naman po kayo."

"Basta sabihin mo lang lahat sa akin." Sabi nya. "May nanliligaw ba sayo ngayon?"

Bigla akong natigilan sa tanong ni mama. Pakiramdam ko ay namula ako sa kanyang tanong. Naalala ko tuloy ang text sa akin ni Mggy kagabi.

Marahan akong umiling. "Wala po.."

"Kung may manligaw man sayo, dalhin mo sa bahay. Wag na wag kang sasama sa kanya kung saan ka man nya dadalhin. Kailangan ay makilala ko muna sya ng husto."

"Opo.."

"Oh sige. Tapusin mo na yang almusal mo. Aalis ako na ako. May meeting pa kami sa opisina."

"Sige po. Ingat, ma." Paalam ko. Tumango sya at lumapit sa akin, hinalikan ang aking pisngi.

Pag alis ni mama, tanging ang mga sinabi lang nya ang nasa utak ko.

Gusto kong makilala nya si Miggy. Ngunit alam ko naman na hindi si Miggy yung tipo ng lalaki na magugustuhan ang ganun. Baka kasi isipin nya ay itinatali ko na agad sya. Kaso kasi, tama naman si mama, eh. Mas mabuti sana kung alam at kilala nya kung sino nga ba talaga si Miggy.

Pero ano nga ba talaga ang estado naming dalawa? Yun ang malaking tanong.

Pagkatapos kong kumain ay naligo na ako at agad ng pumasok sa school. Inagahan ko talaga ang pagpasok ngayong araw para makita ko kaagad si Miggy. Alam ko kasi, maaga yun pag maaga ang pasok ng mga pinsan nya. Sana lang ay maisipan nyang pumasok ngayon.

Kahit na kaunti pa lang ang mga estudyante, naririnig ko na ang iba't ibang bulungan at tsismisan nila sa kung anu anong bagay.

Hanggang sa narinig ko na lang na...

"Si Bea naman ngayon ang bagong flavor ni Miggy?" Sabi ng isang babaeng medyo makapal ang make up, pero maganda naman. Tumango ang kanyang kausap.

Malapit sila sa may hagdan. Kaya naman tumigil ako at nagkunwaring may hinihintay. Umupo ako sa hagdan at kumuha ng isang libro sa bag para kunwari'y babasahin ko.

"Sya na nga siguro. I saw them making out yesterday. Sa likod ng tourism building." Halakhak naman ng isa.

Pinilit kong ituon ang atensyon ko sa librong hawak ko. Ngunit sa narinig ko, tila nanlalabo ang paningin ko dahil sa nagbabadyang luha.

"Pero sa tingin ko, iiwan din nyan ni Miggy pag nkuha na nya ang virginity nito. Alam mo naman yun.." pareho silang nagtawanan. Natigilan na lang sila ng may dalawang tao ang umakyat. Nilingon nila ang mga ito. Maging ako ay lumingon.

Si Miggy at Bea. Magkahawak kamay. Nagtagpo ang mg mata namin ni Miggy. Ang tingin na ibinibigay nya sa akin ay masyadong malamig. Walang lambing. Nanghina ako sa mata nyang mas malamig pa sa yelo kung tumingin.

"Tabi." Taboy ni Bea sa akin. Natauhan ako. Bumaling kay Bea. Inis na inis ang tingin sa akin.

Tumikhim ako at tumayo. "Sorry." Sabi ko.

Wala akong narinig na kahit ano sa kanila. Nilagpasan na nila ako na parang hindi man lang ako nag e exist sa paningin nila.

Huminga ako ng malalim. Kailangan kong magtiis. Ginusto ko ito. Kailangan mapatunayan ko kay Miggy na gusto ko talaga sya at hindi ako susuko sa kanya.

Binalik ko na ang libro ko sa bag para masundan na sila sa sa classroom. Pagpasok ko pa lang, ang mga labi nilang naghahalikan ang bumungad sa akin. Umiwas ako ng tingin at umupo na lang sa dulo. Malayo sa kanila. Kaunti pa lang kami ngayon dito kaya siguro nagagawa nilang maghalikan ng matagal.

Kaya mo yan, Iyah. Kayang kaya mo yan. Kunwari'y wala kang nakikita. Isipin mo na lang na ibang tao ang naghahalikan. Hindi si Bea at Miggy.

Para may pagka abalahan ako, kinuha ko na lang ang cellphone ko. Tinignan ang pictures ni Miggy. Puro stolen shots. Ang kanyang mga mata na kung tumingin ay suplado ngunit nakakaakit. Ang manipis at mapulang labi nyang malambot. Lahat ata sa kanyang mukha ay perpekto, kahit anong anggulo.

Hindi ko na namalayan na napapangiti na pala ako. Natigilan lang ako ng tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Jed. Agad ko itong sinagot.

"Jed, hello?" Bungad ko.

"Iyah! Goodmorning. Anong oras matatapos ang klase nyo?" Namamaos na tanong nya. Siguro ay kakagising lang nya.

"Goodmorning din, Jed. Bagong gising lang ba?" Tawa ko. Nag ayos ako ng upo. Nasulyapan ko si Miggy na nakatingin sa akin. Tapos na pala silang maghalikan ni Bea. "Uhm, mamayang four tapos na."

"Alright. Bye." Aniya. Hindi na ako nakasagot dahil ibinaba na nya ang tawag.

Ilang sandali pa ang lumipas ay isa isa ng pumapasok ang mga kaklase namin. Hinihintay ko si Mia, ngunit wala pa sya. Kaya naman naisipan ko ng itext sya.

Ako:
Papasok ka ba?

Binalik ko na sa bag ang aking cellphone. Kasabay nun ang pagdating ng Prof namin. Tumahimik ang lahat. Medyo strikto kasi ito.

Hindi talaga dumating si Mia hanggang matapos ang klase namin. Ang sabi nya sa kanyang reply kanina, may sakit ito. Kaya naman pagdating ng lunch break ay mag isa ako.

Kumain akong mag isa. Sanay naman ako. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na wala akong kasabay. Si Miggy ay kasama nya si Bea at ang kanyang mga pinsan.

Ngayon, tinatanong ko na ang sarili ko kung kaya ko ba talaga ang ganito. May namamagitan nga ba talaga sa amin? O masyado lang akong umaasa na baka sakaling bigyan din nya ako ng kahit na konting atensyon man lang.

Pagkatapos kong kumain, pumunta na lang ako ng library. Kalahating oras pa kasi bago ulit ang susunod na subject ko.

Habang nagbabasa ako ng paborito kong libro, biglang nagvibrate ang cellphone ko. Si Jed na naman pala. Isinara ko na ang librong binabasa ko bago sagutin ang tawag.

"Iyah." Ani Jed sa kabilang linya.

"Oh, napatawag ka ulit?" Tanong ko.

"Uhm, nandito ako sa harapan ng school nyo. Labas ka naman." Sagot nya. Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi. Mabuti na lang ay napigilan ko ang sarili ko na lakasan ang boses.

"Anong ginagawa mo dyan?" Tanong ko. Pinasok na sa bag ang libro at isinuot na ang bag ko.

"I want to see you." Malambing na sabi nya.

Napangiti ako. "Ikaw talaga. Sige, labas na ako." Sagot ko, pagkatapos ay ibinaba na ang tawag.

Agad ko syang nakita sa labas ng school. Malaki ang ngisi nya ng makita nya ako. Lumitaw na naman tuloy ang dimples nya. Inayos nya ang kanyang puting v neck shirt.

"Hi!" Bati nya paglapit ko. Hinalikan pa nya ako sa pisngi. Hindi ako nailang sa ginawa nya. Sanay kasi ako na malambing talaga si Jed sa amin ni Mia, kahit noon pa.

"Bakit nandito ka na? Mamaya pa ang labasan namin."

"Bored ako sa bahay." Tawa niya. "Saan nga pala si Mia?"

"Absent. May sakit."

"Hanggang ngayon sakitin pa rin talaga yun." Umakbay sya sa akin. "Tara, kain!"

"May pasok pa ako mamaya. Thirty minutes lang vacant ko." Sabi ko naman.

Inalis nya ang pagkaka akbay sa akin. Pumunta sya sa harapan ko, pinisil ng marahang ang pisngi ko. "Okay, then. Hihintayin nalang kita. Pagkatapos ay pupunta tayo sa amin. Gusto na kayong makita ni mommy. Sayang lang, wala si Mia ngayon."

"May next time a naman." Ngiti ko. "Hintayin mo na lang bang matapos ang klase ko?

Tumango sya. "Hintayin na lang kita sa coffee shop." Sabay turo sa coffee shop na nasa harapan ng school namin. Tumango ako sa kanyang sinabi bago magpaalam na babalik na sa loob.

Tumuloy na ako sa next subject namin. Five minutes na lang kasi ay mag uumpisa na ito. Mabuti na lang at isang oras lang ang subject na ito, kaya hindi na ganun katagal ang hihintayin ni Jed.

Pagpasok ko sa classroom, nandun si Miggy at Bea. Nakaupo pa si Bea sa kandungan ni Miggy. Nag iwas agad ako bg tingin.

"Uy, Iyah!" Tawag sa akin ni Nadine. Kumunot ang noo ko, nilingon ko sya. Malaki ang ngisi nya sa akin.

"Bakit?" Tanong ko. Nakakapagtaka, bakit nya ako kinakausap?

Umupo ako, umupo naman sya sa bakanteng upuan sa tabi ko. "Sino yung kausap mo kanina? Boyfriend mo?" Mausisang tanong nya.

Si Jed?

Umiling agad ako sa tanong nya. "Hindi. Kaibigan ko lang."

"Bakit naka akbay sya sayo? Hinalikan ka pa sa pisngi."

Napalingon ako kay Miggy. Matalim ang tingin nya sa akin, kahit na nakaupo pa rin si Bea sa kandungan nya. Mukhang hindi nila napapansin ang pagtitig nito sa akin.

Yumuko na lang ako. "Wala lang yun."

Tumawa si Nadine sa sinabi ko. "Hindi mo naman kailangan itago. Ang cute nyo kayang tignan." Hagikgik nya. Nag angat ako ng tingin, ngumiti na lang ng tipid.

Naging mabilis ang isang oras na klase namin. Agad kong iniligpit ang mga gamit ko. Inayos ko muna ang uniform ko bago suotin ang bag. Handa na akong maglakad kaso ay bigla na lang may sumipa sa isang upuan. Hindi ko ito napansin kaya napatid ako. Kasabay ko ang upuan sa pagbagsak. Tumama ang tuhod ko sa sahig.

Ang sakit!

Agad na dumalo sa akin ang mga kaklase ko. "Iyah!" Inalalayan nila ako sa pag tayo.

"Dude, bat mo sinipa yung upuan?" Tanong ni Charles. Inaalalayan ako da pagtayo. Nilingon ko kung sino ang sinabihan nya nun, halos manlamig ako ng malaman ko na si Miggy pala.

Bakit nya ginawa yun?

"Nakaharang, eh." Kibit balikat na sagot lang nya. Kinuha ang bag nya at nagmamadaling umalis. Tinawag pa sya ni Bea ngunit hindi nya ito pinansin.

"I'm sorry, Iyah. Kanina pa badtrip yang si Miggy." Sabi ni Charles habang inaabot sa akin ang bag ko.

"Okay lang." Sinubukan kong humakbang ngunit ang sakit ng tuhod ko.

"Kaya mo bang maglakad?" Tanong naman ni Wendy. Tumango na lang ako. Nagsimula na akong maglakad, tiniis ko na lang ang sakit ng tuhod ko.

"Iyah, sigurado ka bang-" tanong ulit ni Wendy.

Bumaling ulit ako sa kanila. "Oo." Sabi ko.

Pinilit kong ayusin ang paglalakad ko kahit na nahihirapan ako. Iniisip ko kung ano ba ang ginawa ko bakit sinipa ni Miggy ang upuan. Hindi yun aksidente, sinadya nya talaga para madapa ako.

Hirap na hirap ako habang bumababa sa hagdan. Ang sakit sakit talaga. Napilay ata ako. Hindi ko na talaga kaya, kaya umupo muna ako sa hagdan at tinignan ang tuhod ko. Meron na itong pasa.

Hinaplos ko ito, kaso ay napapadaing ako sa tuwing dinidiinan ko ang pagpisil dito. Napilay ata talaga ako. Tiniis ko ang sakit, kailangan maging maayos ang paglakad ko bago kami magkita ni Jed.

"Aaliyah." Tila nanlamig ako ng marinig ko ang pamilyar na boses.

"Miggy." Sambit ko ng mag angat ako ng tingin. Natigilan ako sa paghaplos sa tuhod ko.

Malamig lang ang titig nya sa akin. Ang ibang estudyante ay tinitignan kami habang bumababa at umaakyat sa hagdan. "Let's go." Aniya lang bago ako buhatin na tila bagong kasal kami. Napahawak agad ako sa leeg nya.

"Miggy.." nahihiyang sabi ko. "Ibaba mo ako. Kaya kong maglakad."

"I know. Pero kaya din kitang buhatin." Malamig na sabi nya, tuwid ang tingin sa dinadaanan namin.

Nahihiya ako ngayon. Bakit nya ito ginagawa? Ang akala ko ba ay hindi kami pwedeng makita ng iba na magkasama. Tsaka, ano na lang ang iisipin ni Bea?

"Maraming nakatingin, Miggy. Ibaba mo na ko." Bulong ko. Kitang kita ko kasi kung paano nila kami tignan at magbulungan. Hindi sya sumagot.

Nakarating kami sa sasakyan nya. Ibinaba nya ako. Binuksan nya ang pintuan, inalalayan nya ako sa pagpasok ngunit pinigilan ko sya. "Saan tayo pupunta? Ano kasi, eh. Magkikita pa kami ng kaibigan ko."

Lumingon sya sa akin gamit ang matalim na tingin. "Sino? Yung kasama mo kanina? Tss.."

"Oo. Si Jed yun. Pupunta kami sa kanila." Sagot ko. Hinawakan ko ng mahigpit ang bag ko.

"Then, pupunta din tayo sa amin."

Nanlaki ang mga maga ko sa sinabi nya. "Ano?" Nagtatakang tankng ko. Tama ba ang narinig ko?

"Ang sabi ko, pupunta din tayo sa amin." Matigas na sabi nya. Inalalayan na nya ako sa pagpasok sa kanyang sasakyan. Para naman akong sunud sunuran. Nakalimutan ko bigla ang usapan namin ni Jed. Nakalimutan ko na din na sya ang dahilan kung bakit masakit pa rin ang tuhod ko.

Isinara nya ang pintuan at sya naman ang pumasok. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. "Anong gagawin natin sa inyo?" Basag ko sa katahimikan.

"Gagamutin natin ang tuhod mo. Ako ang gumawa nyan. You're my responsibility." Tugon nya bago paandarin ang kanyang sasakyan.

**
-Kerbs

Continue Reading

You'll Also Like

14.4M 82.6K 90
PUBLISHED UNDER LIB Printing Corp. Buy the book to read the full story @ P 129.25 pesos each book (there are four books). Check out their page for mo...
601K 10.5K 38
"I fell in love with you the first time I saw you. Kahit na suplado ka, self-centered, selfish, and conceited. I thought deep down inside you, mabait...
348K 9.4K 18
Mahinhin, inosente, walang alam sa mga boys. Yan si Anne. Sopistikada, moderna, street-wise. Yan naman si Gabby. Magkaiba man ang personalidad pareho...
164K 5.2K 98
My wedding day came. I wore an expensive dress, inside a beautiful venue with a lot of guests among them are my family and his wives. On that day, my...