Probinsyana Series: BOOK 2...

By MERAALLEN

45.2K 1.8K 552

Lumipas ang pitong taon ng paninirahan ko sa ibang bansa ay babalik ako sa aking lupang sinilangan para bawii... More

KABANATA I
KABANATA II
KABANATA III
KABANATA IV
KABANATA V
KABANATA VI
KABANATA VII
KABANATA VIII
KABANATA IX
KABANATA X
KABANATA XI
KABANATA XII
KABANATA XIII
KABANATA XIV
KABANATA XV
KABANATA XVI
KABANATA XVII
Kabanata XVIII
KABANATA XIX
KABANATA XX
KABANATA XXI
KABANATA XXII
KABANATA XXIII
KABANATA XXIV
KABANATA XXV
Kabanata XXVI
KABANATA 27
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
CHAPTER 36
Chapter 37
Kabanata XXXVIII
Kabanata XXXIX
KABANATA XL
KABANATA XLI
KABANATA XLII
KABANATA XLIII
Untitled Part 44
Untitled Part 45

KABANATA 28

680 29 8
By MERAALLEN

Madali akong bumalik sa mga pinsan ko at sobra nalang ang ngiti ko sa kanila dahil nakalaya na ako sa mga kamay ni Celine.

Habang naglalakad ako papunta kila Fernando at Franco ay palinga-linga ako sa paligid upang masipat ko kung nasaan si Gianna ngunit hindi ko siya makita kahit saan.

"Kamusta?" tanong ni Fernando sa akin.

"Ok na," nakangiting tugon ko sa kanya.

"Ganun lang? Ganun lang kabilis matapos ang pag uusap niyo ni Celine?" nagtatakang tanong ni Franco sa akin.

"Ayaw niyang pumayag na iwan ko siya pero kailangan kong gawin ito para itama ang mali ko sa asawa ko," tugon ko sa kanya.

"Tapos anong nangyari pagkatapos niyong mag usap na dalawa?" tanong ni Fernando sa akin.

"Syempre wala namang bago mag wawala talaga 'yung babaeng 'yun pero bahala siya kung anong gawin niya dahil wala akong pake sa kanya," seryosong sambit ko sa kanila.

"Ikaw na nga talaga 'yan Lucio." nakangiting sambit ni Franco sa akin.

 Agad akong inabutan ng alak ni Fernando at kinuha ko ito agad at ininom. Habang nag kakasiyahan kaming tatlo ay dumating na ang dalawa pa naming kaibigan na sina Henry at Marco.

"Happy birthday!" masayang bati ng dalawa sa akin.

Agad namin silang sinalubong at inaya sa pwesto namin.

"Kamusta na Mayor Henry?" nakangiting bati ko kay Henry. , "Buti nalang nakadating ka din Inspector Marco," nakangiting sambit ko.

"Pwede ba naming ipagpaliban ang kaarawan ng pinaka mabuting kaibigan namin?" pang aasar ni Henry sa akin.

"Tama yang sinabi mo sa akin dahil mabuting tao na ako ngayon," natatawang sambit ko sa kanya.

"Mukang nawala na ang tinik sa buhay mo aah?" natatawang tanong sa akin ni Marco.

"Oo nawala na siya," nakangiting tugon ko sa kanya.

"Mabuti naman kung ganun. Kamusta na ang asawa mo ngayon at wala na ang problema sa buhay niyo?" tanong ni Henry sa akin.

"Hindi ko pa nasasabi sa kanya kasi ngayon ko palang hiniwalayan si Celine. Mamaya i-aannounce ko ito kapag patapos na ang party," nakangiting sambit ko sa kanya.

"Sige," nakangiting tugon niya sa akin.

"Puro pa kayo ganyan bakit hindi nalang tayo mag pakalasing ngayon at magsaya buong gabi!" sigaw ni Franco sa amin.

Napangiti ako sa kanya at nilagyan ko ng alak ang kani-kanilang mga baso para ipagpatuloy ang aming kasiyahan.

"Para sa pagbabago at sa aking kaarawan!" masayang sigaw ko sa kanila.

Itinaas nila ang kani-kanilang mga baso at nag toast kaming lahat para sa kasiyahan ko ngayon. Medyo madilim na ang kapaligiran at magulo at maingay na din ang lugar dahil sa kanya-kanyang kasiyahan ng mga grupo.

Lumipas na ang ilang oras at nag sisimula na akong malasing dahil sa dami ng nainom ko ngunit hindi ko pa din makita si Gianna kaya umalis ako sa umupukan naming mag kakaibigan at hinanap ko si Gianna sa lugar. Habang naglalakad ako ay nakita ko si Gianna na papalapit sa akin kaya agad akong tumakbo papalapit sa kanya at hinalikan ko ng madiin ang labi niya.

"Huy! Anong ginagawa mo? Ang daming tao ooh?" nahihiyang sambit niya sa akin.

"Ano ka ba? Wala silang pake kung halikan ko ang asawa ko sa harapan nila," inis na sambit ko sa kanya.

"Lasing ka na ba?" tanong niya sa akin habang inaamoy-amoy ako.

"Hindi pa po ako lasing Love," nakangiting sambit ko sa kanya.

"Sabi ko sayo wag kang masyadong mag lalasing at madami ang bisita mo," asar na sambit niya sa akin.

"Yes Ma'am hindi ako maglalasing para sayo," nakangiting sambit ko sa kanya.

"Can I have Lucio for awhile?" biglang singit ni Celine sa aming dalawa ni Gianna.

Agad namang pumayag si Gianna kay Celine kaya hinila ako ni Celine papalayo kay Gianna at idinala niya akong muli kila Fernando.

Wala na akong nagawa pa kay Celine dahil umalis na din agad sa harapan ko si Gianna. Pagbalik namin sa pwesto namin ay tinagayan ako agad nila Franco dahil sa ilang minuto din akong nawala sa pwesto ko para hanapin si Gianna.

Hindi ko na pinansin si Celine sa tabi ko dahil nakatutok ang atensyon ko sa mga kaibigan ko ngunit ng ininom ko ang huling shot sa akin ay bigla nalang akong nakaramdam ng matinding pagkahilo at nanlabo ang mga mata ko.

"Lasing na ata ako," sambit ko sa kanila.

"Patay tayo diyan," nakangising sambit ni Henry sa akin.

"Wag ka munang aalis." pamimigil sa akin ni Franco.

Tumigil pa ako ng bahagya sa kanila ngunit hindi na talaga kaya ng mata ko kaya unti-unti na akong nakatulog sa tabi nila.

Pagkatapos nito ay wala na akong maalala pa. Hindi ko na alam ang mga sumunod na pangyayari ngunit nagising nalang ako sa isang malakas na tunog. Tunog ng alingawngaw ng Ambulansya at bumbero.

"Anong ingay ito?" tanong ko sa sarili ko.

Hipo-hipo ang ulo ko na dahan-dahan akong tumayo sa kinahihigahan ko ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.

"Nasusunog ang resort!" sigaw ni Celine.

"Ano!" gulat na tugon ko sa kanya.

Nahihilo at umiikot pa ang mundo ko ng mga oras na ito ngunit pinilit ko pa ring makalabas ng resort para sa kaligtasan ko.

Pag labas ko ng resort ay nakita ko silang lahat na alalang-alala na nakatingin sa akin nilapitan ko sila agad at hinanap si Gianna.

"Si Gianna?" tanong ko agad kay Manang Pasing.

"Wala dito. Hindi mo ba kasama?" nagtatakang tanong niya sa akin.

"Wala si Gianna sa tabi ko!" sigaw ko sa kanila.

Kinabahan ako dahil sa sinabi ni Manang kaya nag madali akong halughugin ang buong kasama namin ngunit wala si Gianna doon.

"Si Gianna?" tanong ko kay Dimple.

"Si G-gia-anna?" utal na tanong niya sa akin.

"Oo! Asan si Gianna! Hindi mo ba kasama?" tanong ko sa kanya.

"W-wala hindi ko siya kasama. Kanina pa siya umalis sa tabi ko." tugon niya sa akin.

Nahihilo pa talaga ako ngunit kailangan kong makita ang asawa ko para mapanatag ako. 

"Gianna!" sigaw ko.

"Gianna!" sigaw ko muli.

Sigaw ako ng sigaw at tinatawag ko ang pangalan ni Gianna ngunit hindi siya sumasagot sa akin kaya sinubukan kong tumakbo sa loob ngunit pinigilan ako ng mga bumbero.

"Hindi po kayo pwedeng pumasok sa loob masyado na pong malakas ang apoy!" pamimigil niya sa akin.

"Nasa loob pa ang asawa ko! Gianna! Gianna!" sigaw ko ng malakas.

"Gagawin po namin ang lahat para masalba namin ang asawa niyo dahil may mga bumbero na po sa loob." paliwanag sa akin ng isang bumbero.

Hinawakan ako ng mga kaibigan ko upang pigilan ako sa gagawin ko. Lumipas ang kalahating minuto ay nasugpo na ng mga bumbero ang malaking sunog sa resort.

Hindi pa kami pwedeng pumasok sa loob dahil sa usok na dala ng sunog ngunit dali-daling lumapit ang isang bumbero na galing sa loob ng resort at malungkot na nagbalita sa kasamahan nila.

Pailing-iling yung bumbero habang pinapakinggan ang sinasabi ng kasamahan niya at bigla itong lumapit sa akin.

"Ikinalulungkot ko ngunit may isang labi sa loob ng resort na nadamay sa sunog. Hindi pa namin matukoy kung ito ba ang asawa niyo o ibang tao dahil sa sunog na sunog ang buong katawan nito at hindi na makilala pa," malungkot na sambit niya sa akin.

"Ano!" gulat na sambit ko sa kanya.

Nanlambot ang buong katawan ko ng marinig ko ang sinabi ng bumbero alam kong hindi pa ito si Gianna at naniniwala ako na buhay siya ngunit bakit parang iba ang nararamdaman ko ngayon. 

Mabilis na pumatak ang mga luha ko sa mata ko at nag init ang mata ko.

"Gianna!" sigaw ko.

Nag pumiglas ako sa mga kaibigan ko at pumasok ako sa loob ng resort. Sa pagtakbo ko ay lumabas ang apat na lalaki na buhat-buhat ang isang stretcher na may puting tela sa itaas.

Dali-dali ko itong pinuntahan at tiningnan ang laman nito.

"Hindi ikaw si Gianna. Hindi ikaw si Gianna." sambit ko habang papalapit sa mga lalaki.

Kinakabahan ako habang papalapit ako dito at dahan-dahan kong tinanggal ang takip nito at nakita ko ang isang hindi makilalang labi ng tao dahil sa sobrang sunog na sunog ito.

Hindi ko alam kung paano ko ito makikilalang si Gianna ngunit bigla kong napansin ang kanyang singsing sa daliri

Tinitigan ko ito at napansin kong singsing ito ni Lola na pinamana pa niya sa kay Mama at ibinigay naman ito ni Mama sa akin.

"Gianna!" sigaw ko habang umiiyak.

Niyakap ko ang bangkay ng mahigpit habang umiiyak ako dahil sa kapighatian.

"Si Gianna!" sigaw ko habang umiiyak.

Naglapitan ang mga kaibigan ko sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Nag pupumiglas ako sa kanila at pinag sasapak ko ang sahig dahil sa galit ko.

"Bakit si Gianna! Bakit!" galit na sigaw ko.

Nag iyakan ang mga kasama ko sa tabi ko bilang simpantsa nila sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko ng mga oras na ito dahil kay Gianna. Halos mabaliw ako ngayon dahil hindi ko matanggap ang nangyari sa kanya.

"Anong nangyari? Bakit? Bakit? Bakit!" paulit-ulit na sigaw ko sa kanilang lahat.

Walang sinuman ang nagtangka na sumagot sa akin dahil sa nangyari. Inakay ako ni Fernando sa upuan at inabutan ako ng malamig na tubig doon upang mahimasmasan ng kaunti.

Ngunit hindi ako mapalagay sa upuan ko kaya tumakbo ako muli sa bangkay at tiningnan muli ito. Hinawakan ko ang kamay nito at kinuha ko ang singsing sa mga kamay ni Gianna.

Humagulgol muli ako sa pag-iyak. Tumingin ako sa relo ko at nakita kong saktong alas dose ng umaga na kung saan ay kaarawan ko na.

"Sumama po kayo sa amin sa pulisya." biglang sambit ng isang lalaki sa akin.

Sumama ako sa kanila dahil hindi ko alam kung anong nangyayari ngayon kung bakit biglang nagkasunog sa resort.

Pagdating namin sa pulisya ay agad akong dinala sa isang silid doon at tinanong kung anong nangyari sa resort.

Lutang at hindi ako makausap ng maayos dahil ang isip ko ngayon ay na kay Gianna lang.

"Sabi ko gusto ko ng lumagay sa tahimik na buhay pero hindi ko naman sinabing ganito Gianna." humagulgol kong sambit habang nakatingin sa kawalan. , "Bakit kung kailan malaya na ako sa galamay ni Celine bakit naging ganito pa Gianna? Bakit kailangang ikaw pa ang mapahamak at hindi nalang si Celine." sambit ko muli.

 Lumipas ang mga oras at sumugod dito sa pulisya ang buong kaibigan ko upang makipanayam sa mga nangyari. 

Ako ang person of interest ngayon dahil sa pagkamatay ng asawa ko ngunit sinalo ako ng mga kaibigan ko at ni Celine dahil siya ang kasama ko ng mga oras na nangyari ang insidente.

Continue Reading

You'll Also Like

202K 247 108
This story is not mine credits to the real owner. 🔞
7.3M 231K 12
Special chapters/AUs that are written during my Write with Me session in KUMU! Join me for spoilers, polls, and prizes! Kumu: @gwy.saludes
387K 6K 23
Sa pagpasok ni Jude sa mansyon ng mga Velasco ay mabubuksan ang mga panibagong sikreto ng nakaraan. Mga hindi pa rin mapigilan na kataksilan at ang p...
1.1M 46.6K 39
Head shall bow, knees shall kneel, look into eyes, you shall die! ABSOLUTE adjective ab·so·lute \ˈab-sə-ˌlüt, ˌab-sə-ˈ\ : complete and total : not li...