Make You Stay (Book 2 of You...

By coralunaa

30.8K 1.2K 230

Kasabay ng pag-usad ng panahon ay ang pagkatuto ni Claudine. Kasabay ng pagyabong ng mga puno ay ang kanyang... More

Make You Stay
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas

Kabanata 28

573 25 7
By coralunaa

"Miss oh," ani Vince, sabay lahad ng panyo. 

Napapansin ko talagang 'Miss' ang tawag niya sa'kin kapag hindi siya galit. Claudine lang kapag galit siya o hindi naman kaya'y tinutukoy niya ako sa ibang tao.

So, hindi na siya galit sa'kin? Nagui-guilty siguro siya dahil sa mga sinabi ko. Nakakainis. Nainsulto talaga ako!

At dahil wala akong choice, paismid kong tinanggap ang panyo. Pinanatili ko ang diretsong tingin sa harapan at siniguro kong wala siyang makikitang emosyon doon.

"Galit ka parin ba?" malumanay niyang tanong.

Binato ko siya ng isang matalim na tingin nang hindi makatiis. Napailag naman siya ng bahagya.

Don't fucking talk to me.

Hindi nalang ako nagsalita. Sa takot na baka kung ano na namang masabi ko. Pasalamat siya at kahit papaano, naalala kong sa kanila ako nakikituloy. Kahit papaano ay tumatanaw naman ako ng utang na loob.

And heck. I seriously need to get back to my senses. In other words, kailangan ko nang umuwi. Siguro sapat na iyong panahong iginugol ko rito. Sapat na iyong pamemerwisyo ko sa kanila.

I need to go back home. Aside from the need to face the reality, I miss having my friends by my side. I miss Bench. Hindi ko naman siguro kailangang harapin to ng mag-isa dahil umpisa palang, I have them. Masyado lang talaga akong nagfocus sa kung anong wala ako kaya hindi ko na naisip ang mga taong nandyan para sa'kin. 

Maybe the plan of going here to search for myself is absurd in the first place. At oo. Ang tanga-tanga ko talaga para ngayon lang marealize ang lahat ng ito. Kung hindi pa siguro ako nainsulto kanina ay hindi ko maiisip ang lahat ng ito.

"Miss, magsalita ka naman." 

Bumalik ako sa ulirat nang marinig ang pagsusumamo niya. Kagat-kagat niya ang labi habang nakatingin sa'king animo'y takot.

"Ano bang problema mo, Vince? Narito na nga ako, oh. Hindi na nga ako gumagalaw o nagsasalita para hindi na magkamali. Ano pa bang gusto mo? Huwag kang mag-alala dahil aalis na ako-"

"Ayokong nagagalit ka. Ayokong galit ka sa'kin." umiling-iling pa siya.

Dinamba ako ng pagtataka. Ano yan? Anong drama yan? 

"Bakit? Eh parang natutuwa ka pa nga kanina, eh! Di ba? Alam mo? Ang gulo mo!"

Lumunok siya ng dalawang beses. Nakakapagtaka ang inaasta niya. Para siyang takot na hindi ko maintindihan. Ano bang ikinakatakot niya? 

"Namangha lang akong marunong ka nang magbisaya,"

"Oh, tapos?" 

Kahit masama ang ibig sabihin, namangha parin siya? 

"I just..  I just really don't want you mad, Miss..." 

"Eh sino ba kaseng hindi magagalit? Ininsulto mo ako! Mababa ang tingin mo sa'kin-"

"Hindi ganoon ang ibig kong sabihin!"

"Eh ano?!"

"Ang punto ko lang naman, sana nakinig ka sa'kin. Kase tama naman ako, hindi ba? Masama ang pakiramdam mo. Hindi ako nalasing kagabi pero alam ko ang pakiramdam ng may hangover. Kaya sana nagpahinga ka nalang. At hindi mababa ang tingin ko sa'yo. Alam ko lang talaga na hindi mo kinalakihan ang gawaing bahay kaya hindi ka maalam tungkol doon. Hindi ko gustong insultuhin ka. Gusto ko lang talagang sabihin sa'yong alam kong hindi ka magaling sa bagay na iyon dahil hindi ka sanay at okay lang. Ayos lang at naiintindihan kita. Naiintindihan kong hindi porke't kaya ng iba ay kaya mo rin. You have your own strengths anyway, so it's okay. It's okay to deal with the fact that you're not good with certain things, Claudine. But it doesn't mean that you will never be good at it. Alam ko namang matututunan mo rin, hindi nga lang ngayon ang tamang oras dahil nga hindi pa naman maganda ang pakiramdam mo." mahaba-habang litanya niya.

Natameme ako at kinailangan ko pa ng karagdagang oras para iproseso ang mga sinabi niya.

"I don't know your reasons but I just want you to know that you don't have to try so hard. You just have to be yourself. Kung pakiramdam mo pabigat ka sa'min ng kapatid ko, nagkakamali ka. Bisita ang turing namin sa'yo at sa totoo lang, nag-iba ang bahay na 'to simula noong dumating ka. Sa madaling salita, gusto naming manatili ka rito, Claudine. At hindi ka pabigat sa'min."

Kusang tumulo ang luha ko. Parang may kamay na humaplos sa puso ko. Bakit... ganito? Bakit niya... sinasabi ang lahat ng 'to? Totoo ba? 

"Sorry kung nasigawan kita kanina. Nag-alala lang talaga ako nang makitang nadulas ka. I'm at fault too, I'm sorry."

Napayuko ako at parang tangang humikbi. Pinakiramdaman ko ang aking sarili at ni katiting na inis para sa kaniya, hindi ko na naramdaman. Vince really has his own way of saying the right words at the right time.

Paano niya nagagawang pagaanin ang loob ko parati? 

At paano niya nababaliktad ang emosyon ko nang ganun-ganon na lang?

"Sorry rin." mahina kong sinabi bago pa siya makaalis.

Nag-angat ako ng tingin matapos punasan ng panyo ang aking luha. Umayos ako ng upo at napangiwi nang maramdaman ang pagkirot ng aking pwetan. Itinago ko nga lang ang sakit dahil baka mag-aya na naman si Vince na pumuntang ospital.

"Sorry kung nagpadala ako sa emosyon ko."

Parang ang daling mag-sorry sa kanya sa pagkakataong 'to. Bagay na hindi ko akalaing magagawa ko nang kay-dali. I admit, mahal ang sorry ko. Nauunahan ako ng pride parati... at parati... akala ko, ako ang tama. 

Ngayon, matapos marinig si Vince, napagtanto kong hindi palaging tama ang paniniwala ko. At hindi ko malalamang mali ito kung hindi ako makikinig. Kung isasarado ko parati ang utak ko para sa ibang perspektibo.

Ah, this is getting so dramatic! 

"Magpahinga ka muna, Miss." 

"Eh, ikaw? Where you going?" 

"Magluluto ako para sa tanghalian natin." 

Tumango-tango ako at pinunasang muli ang aking mukha upang tuyuing tuluyan ang aking luha. Sinenyasan ko siyang hintayin ako.

"Pwede mo ba akong alalayan papunta sa kusina? Manonood ako," 

I don't think I can sleep right now. Boring din masyado kung sa kuwarto lang ako. Mabuti sana kung narito si Esmeralda.

Imbes na makipagtalo, tahimik niya akong nilapitan at inilahad ang kamay sa'kin. Hinawakan ko iyon at nang makatayo ay hinayaan kong pumulupot ang kanyang braso sa aking bewang. 

"Ano bang lulutuin mo?" tanong ko nang maupo sa wooden chair doon sa dirty kitchen.

"Ginataang alimango."

Pinanood ko siyang lutuin iyon. Tahimik lang kaming pareho, siya sa pagluluto habang ako nama'y sa pagmamasid. At aaminin kong narelax ako roon. Nakakaaliw panoorin si Vince na  magluto, the way his muscle reflexes as he burn the firewoods effortlessly. Sa kilos niya, hindi mo aakalaing may sinasabi sa buhay. Walang kaarte-arte at pwedeng-pwede sa survival show.

"Masarap ka pala," 

Kumunot ang noo niya at napalingon sa'kin.

Ay boba, ano ba ang nasabi ko?!

"M-Masarap ka pala magluto." 

Isinubo ko kaagad ang kutsarang puno ng pagkain para itago ang hiya. I swear, I didn't mean it that way!

"Salamat,"

Yumuko siya matapos tumikhim at nagpatuloy na sa paghihimay ng alimango. Tinuturuan niya lang ako kanina pero eto ngayon at hindi na siya halos makakain para ipaghimay ako. Oh well, hindi rin naman kase talaga ako marunong.

"Tss. Huwag mo 'kong tingnan." aniya at ibinalik ang mata sa pinagkakaabalahan.

Kanina pa ako nakatingin, ngayon mo pa yan sinabi.

"Why? Distracted ka sa kagandahan ko?" I smirked.

Umangat ang sulok ng labi niya. Akala ko hindi siya sasagot kaya nagulat ako nang sagutin niya nang nakakaloko!

"Oo,"

Kamuntikan ko nang maibuga ang nginunguyang pagkain nang marinig siya. Umubo ako ng ilang beses kaya may mangingilang butil ng kaning tumalon mula sa bibig ko. 

Natataranta naman akong inabutan ng tubig ni Vince. 

"Dahan-dahan naman," 

Tiningnan ko siya ng masama matapos pinangalahatian ang baso.

"Ikaw kase, eh!"

Kumunot ang noo niya.

"Ako? Bakit ako?" itinuro niya ang sarili.

Bumuntonghininga ako at nakaramdam ng hiya. Bakit nga ulit ako nasamid?

"Kumain ka na rin," pag-iiba ko nalang sa usapan.

Bago niya sinunod ang sinabi ko, dinagdagan niya muna ng laman ng alimango ang pinggan ko. Gumagamit ako ng kutsara habang siya'y naka-kamay. 

"Mamaya pa ba si Esme?" I asked.

Mag-aalas dos na. Nauna nalang kaming kumain ni Vince dahil pareho na kaming gutom. Wala parin si Esmeralda.

"She'll be here in a few. T-in-ext ko na,"

Ang tagal ng bruha. Enjoy na enjoy siguro sila sa palengke date nila ni Richard. Panigurado, marami na namang pasalubong na kuwento iyon mamaya.

"Vince,"

"Hmm?" hindi niya na ako tinapunan ng tingin.

"May crush ka ba?" I asked for the sake of conversation.

Nakita kong nagka-gitla ang noo niya sa tanong ko. Sumubo siya at nginuya iyong mabuti bago ako sinagot.

"Crush? Ano ako? Bata?"

"Ay, oo nga pala. Matanda ka na." humagalpak ako.

Sinamaan niya ako ng tingin pero natatawa narin.

Ayos, ah? Parang hindi kami nagkaroon ng pagtatalo kanina, ah? 

"Wala kang girlfriend. Wala ka ring crush. Hmm, are you gay?" 

Uminom ako ng tubig kasabay niya. Ibinaba ko ang kubyertos dahil busog na ako.

Alam ko namang hindi bakla si Vince. Gusto ko lang talaga siyang asarin kaya....

"You know what, if you are, you can tell me. My brother is also a member of LGBTQ+ community and-"

"Sinong may sabing wala?" he cut me off.

Bumaba ang tingin niya sa aking pinggan at nakita kong nagtagal ang titig niya roon nang makitang may laman pa.

"Busog na ako," I said defensively. "So, meron kang crush?"

Sumubo na naman siya nang naka-kamay at tumango-tango.

"Narito sa isla?" pang-uusisa ko.

Ano kayang type nitong si Vince? Ah oo nga pala. Sabi ni Esme sa'kin noon, type niya iyong mga conservative na babae. Kaya siguro balot na balot si Rissa.

"Oo. Kumain ka pa." 

Lalo akong na-curious. Sino kaya ang natitipuhan niya rito?

"Busog na nga ako. So... may crush ka nga? Really? Then why don't you court her?"

"Why are you asking?" pagsusuplado niya na naman.

Ngumisi ako. Nakakatuwa talaga siyang asarin. Gumaguwapo lalo. Oops.

"Wala lang. Masama ba?"

Napatitig siya sa'kin at bumuntonghininga. 

"She doesn't like me back. May iba siyang gusto," 

My mouth formed 'o'. Natameme ako saglit sa naging sagot niya. Nang makabawi ay kinulit ko siya ulit.

"May boyfriend na?"

"Wala na."

"Yun naman pala! Bakit hindi mo subukan?"

"She's not yet ready." he gave me a small smile.

Bakit kaya?

Oh well, ramdam kong naiilang si Vince pag-usapan kaya huminto na ako sa pagtatanong.

"Wala rin akong boyfriend ngayon, Vince. Hindi lang ikaw ang single kaya wag ka nang malungkot." I shared.

Tamad niya akong sinulyapan.

"Alam ko."

What?!

"Paano mo naman alam?"

Natigilan siya saglit na mukhang may inaalala. May nasabi ba ako sa kanya? 

"Alam ko lang."

Okay? 

"Ah. Wala narin akong balak mag-boyfriend." 

Uminom siya ng tubig at isinandal ang likod sa upuan habang nakatitig sa'kin.

"Bakit naman?"

"Parang... parang ang hirap nang magtiwala ulit, eh." pilit akong ngumiti.

Akala ko'y magugulat siya pero hindi. Sa halip ay tumango siya na tila ba naiintindihan niya ako.

Kinagat ko ang aking labi, pinipigilan ang sariling magsabi ng kung ano. Nakita ko namang bumuka ang labi ni Vince na tila may sasabihin pero sa huli'y pinili nalang ding manahimik.

Natapos kaming mananghalian nang matiwasay, buti na lang. Natulog din ako ilang minuto ang nakalipas upang ipahinga ang aking katawan, lalo na ang aking mga mata.

I woke up, feeling way better. Mabuti nalang at hindi na masakit ang pwetan ko. Siguro kinailangan lang talagang ipahinga. 

"What the heck," naibulalas ko nang masulyapan ang wall clock at nakitang ala-una na ng madaling-araw.

Hapon pa ako natulog, ah? Ang haba naman pala ng tulog ko. 

I am already hungry so I decided to go to the kitchen to check for food pero natigil ako paglabas na paglabas ng kuwarto nang marinig ang pag-iyak ni Esmeralda.

I went to living room only to find out that she is indeed crying! Nakaupo sa sofa habang nakatakip ang dalawang palad sa mukha, panay ang hikbi. 

"Esme! Anong nangyari?" nag-aalala kong tanong.

Dinaluhan ko siya at nang mag-angat siya ng tingin, nakita ko kung papaano umagos ng walang humpay ang luha niya. Anong nangyari rito?

"Si kuya," 

Nanlaki ang mata ko at agad na nakaramdam ng kaba. 

"Ha? What about Vince, Esmeralda?" 

Naupo ako sa tabi niya at niyakap siya ng mahigpit. Patagilid ko siyang niyakap at hinayaan kong umatungal siya sa aking balikat. 

"Kase..."

"Kase ano?" I am dying out of curiousity and frustration!

Bakit ganyan siya makaiyak? At nasaan si Vince?

"N-Nag-away k-kami... ngayon lang k-kase ako nakauwi...."

Napalayo ako ng kaunti sa kanya upang gulat na tignan ang kanyang mukha.

"Ngayon? As in..."

Kanina pa siyang umaga umalis, ah? 

"Oo... lampas alas dose na ako nakauwi..." 

Hindi ako makapaniwalang napatitig sa kanya.

Malamang ay magagalit iyong si Vince! Anong oras na siya umuwi, eh! 

"Bakit ngayon lang?"

Umiling siya at mas naiyak. Kinabahan ako lalo. 

"H-Hindi ko nakita ang texts ni kuya, eh! Pati tawag niya, hindi ko nasagot. N-Nakatulog kase ako..."

"S-Saan ka ba kase talaga nagpunta?"

"Kina Jasmin. Kaibigan ko rito... birthday niya kase. Nagsinungaling ako kay kuya kase natakot akong baka hindi siya pumayag. Akala ko naman uuwi kami ng maaga kaso... nagkalasingan, eh. Tapos..." napalunok siya.

"Tapos?"

"A-Ano... may... may nangyari..." hindi niya matuloy-tuloy ang sasabihin.

Nasapo ko ang aking noo nang may naisip. Richard was there too, right? Posible bang...

"May nangyari s-samin ni C-Chard... p-pareho kaming l-lasing...." humagulhol siya.

Nalaglag ang panga ko. What the fuck?! 

"Did Vince know?" nanghihina kong tanong.

Umiling si Esme.

"H-Hindi niya alam na may nangyari. P-Pero inamin ko sa kanyang nagsinungaling ako at kina Jasmin talaga nanggaling. N-Nagalit si kuya... kase alalang-alala raw siya at balak na sana kaming hanapin. D-Dindin, natatakot ako. Mahal ko si Chard pero n-nagsisisi akong g-ginawa namin yun. N-Ni hindi pa nga alam ni k-kuya na kami na, eh! Nagi-guilty ako... sobra. N-Nagtiwala si kuya s-sakin pero... eto ang isinukli ko..."

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Gusto kong pagsabihan si Esme dahil klarong-klaro ang pagkakamali niya pero ayoko namang lalong pasamain ang kanyang loob.

"Anong gagawin k-ko?" 

Kinagat ko ang aking labi at sinagot siya ng isang mahigpit na yakap. Hinaplos ko ang kanyang likod.

"Kausapin mo ulit siya bukas. Tell him everything he needs to know, Esme. Not necessarily the love-making part, at least tell him you're in a relationship with Richard already." payo ko.

Naramdaman ko ang kanyang pagtango.

"Gusto mo bang kausapin ko siya?" parang tanga kong tanong.

Alam kong wala akong magagawa pero... pwede ko naman sigurong pag-ayusin sila? I don't know! I just... want to help.

"Yun nga, Dindin eh. W-Wala si kuya..."

"Huh?"

"Umalis siya matapos naming magsagutan. Nag-aalala nga ako dahil anong oras na. Baka maglasing iyon-"

"What the hell?"

He went out at this freaking hour? Seriously? 

"Hindi ko siya masundan kase baka magkasagutan na naman kami...."

Bumuga ako ng hininga at pilit kinalma si Esmeralda. 

"Vince will be okay, Esme. Malaki naman na iyon tsaka safe naman siguro rito sa isla-"

"Eh baka kase puntahan si Richard!"

"Your brother is not violent. Hindi niya naman siguro sasapakin ang jowa mo." pampalubag loob ko.

"Pero paano kung masabi ni Richard na may nangyari sa'min? Lagot ako kay kuya Dindin!" she's almost hysterical.

I looked at her, completely helpless. Tumango-tango ako habang nakatungo at napapabuntonghininga.

"Pwede mo bang sundan si kuya?" 

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Huh? Pinapasunod niya ako? Eh anong oras na, ah! 

"He'll be fine-"

"Please, Dindin."

Oh shit.

"Fine."

Pinahiram niya ako ng isang pink oversize jacket. Ipinatong ko iyon sa suot-suot na NASA shirt at umalis na. Binigyan rin ako ni Esme ng flashlight.

Hindi paman ako nakakailang hakbang mula sa bahay, biglang kumislap ang kalangitan. Sinundan ito ng pagdagundong ng kulog. 

"Mukhang uulan pa ata," bulong ko sa aking sarili.

I hugged myself as the cold breeze of the wind brushed my exposed skin.

Kahit na nakakaramdam ng kaunting takot, tumuloy parin ako sa paglalakad. I'm now heading to where their cottages are located, baka raw kase naroon si Vince, ani Esmeralda.

"Bakit kase nagdrama ka pa!" Psh.

Pwede namang mag-alone-time sa kuwarto di ba? Bakit kailangang umalis pa ng bahay? 

"Ayy!" tili ko nang kumulog na naman ng pagkalakas-lakas. I covered my ears and shut my eyes off. 

Kapag talaga ako nakidlatan at namatay dito, mumultuhin kita si Vince!

Nasaan ka na ba kase?

Yakap-yakap ang sarili, binilisan ko lalo ang paglalakad. Habang dumaraan sa tahimik at bakanteng dalampasigan, rinig ko ang marahas na paghampas ng alon. Nanginig pa ako saglit dahil sa lakas ng hangin.

Walang ilaw ang mga cottages na natanaw ko, maliban sa isa na nasa pinakadulo. I'm pretty sure Vince is there right now.

True enough, natanaw ko nga siya roon. Pero taliwas sa inakala kong mag-isa siya, naabutan ko si Vince na may kayakapan. The girl hugged her tight while he was gently tapping the girl's back. Hindi ko makita ang mga mukha nila pero sigurado ako kung sino ang kayakapan niya. Si Rissa.

Now, this is great. Eto lang pala ang pinuntahan ko!

Parang tanga ko silang pinagmasdan habang napapalunok. Hindi ko alam kung bakit tila may nagbara sa lalamunan ko at lalong hindi ko alam kung para saan ang mabilis na pagtibok ng aking puso. Nakakabingi.

"Tangina," naiusal ko nang maramdamang basang-basa na ako.

Sa tagal ng pagkakatitig ko sa kanila, hindi ko namalayang bumagsak na pala ang ulan! 

Siguro naramdaman ni Vince ang presensya ko kaya bigla niyang itinulak si Rissa at napalingon sa'kin. I saw how shock registered in his face like I was a fucking horror. Nakita ko namang nakatitig na rin ngayon sa'kin si Rissa at nagulat ako nang makitang tagaktak ang luha niya.

Why's the girl crying? Ah, that should not be my problem now.

Nasa tapat ako ng cottage na kinaroroonan nila kaya malamang ay klarong-klaro ako. And I don't know what to freaking do! Sasamahan ko ba sila sa cottage o aalis na ako?! Malamang Claudine, nakakaistorbo ka! They were having their moment, nakikisingit ka! You should go! 

Alam kong dapat na nga akong umalis pero bakit ganoon? Bakit natuod ata ako sa aking kinaroroonan? Bakit hindi ako magalaw?

Nabalik ako sa ulirat nang makitang nagmartsa si Vince papalapit sa'kin nang walang pag-aalinlangan. Sinuong niya ang ulan upang hilahin ako papunta sa cottage.

"What are you doing?! Bakit ka nagpapaulan!?" 

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila ng babae niya. Hindi ko gusto ang nararamdaman ko.

"Uh, sorry kung naistorbo ko kayo... pinapunta kase ako ni Esmeralda. Nag-alala siya sa'yo Vince kaya..." hindi na ako nakakapa ng salita.

What the heck. Kailangan ko ata ng sapak ngayon para matauhan ako. Ano ang nangyayari? Bakit nanginginig ng tuhod ko? This must only be because of the cold wind, right? Right??

"Sana hindi ka nalang tumuloy, Claudine! Alam mo namang masama ang panahon! Nagpaulan ka pa. Baka magkasakit ka!" napahilot pa si Vince sa kanyang sentido habang pinapasadahan ako ng tingin. 

I gulped real hard. Sana nga hindi nalang ako tumuloy, Vince. Tuloy ngayon hindi ko na maintindihan ang sarili ko.

"Chand, okay lang naman siya..." untag ni Rissa.

Kumunot lang ang noo ni Vince at hindi siya pinansin. Nagtama ang mata namin ni Rissa at masama na ang tingin niya sa'kin. Gets ko na agad kung ano ang ibig sabihin ng titig niya. She wants me out here!

"U-Uh, I'm really sorry. Sasabihin ko nalang kay Esme na okay ka lang."

My heart was beating faster than I could ever imagine. Nanginginig ang tuhod ko pero pinilit ko talagang talikuran sila. Madaling-madali ako sa pag-alis sa cottage. Ni hindi ko na nasulyapan pa ulit si Vince at Rissa.

Hindi ko na inalintana ang ulan dahil basa narin naman ako-

"Claudine! Fuck! Ano ba? Bakit ka nagpapaulan, ha? Gusto mo ba talagang magkasakit?!" sabay hila ni Vince sa'kin.

Sa gulat ay nawalan na ako ng lakas at napasubsob sa dibdib niya. I tried glancing at Rissa's reaction but Vince's chest blocked my vision.

"Hindi ako madaling magkasakit. Tsaka basa narin naman ako." wala sa sarili kong sagot habang nasa dibdib niya.

Both my hands were down. My face was pressed against his chest so despite the loud sound of the rain, I can clearly hear his booming heart.

Para saan ang napakalakas na tibok ng puso niya? Na kasinglakas ng akin?

At higit sa lahat, ano itong nararamdaman ko? Ah, shit.

Bakit ganito? Bakit ako nagkakaganito?!? Pilit kong kinapa ang nararamdaman para kay Blue pero tangina talaga, nablangko ako!! What the fuck?!

Nanghihinang kumalas ako sa yakap ni Vince at pilit na ibinalik sa ulirat ang aking sarili. Akala ko ay babalikan niya si Rissa, hindi pala. Inakbayan niya ako bigla at itinakip ang kaliwang kamay sa aking ulo. 

"Shit. Ang tigas talaga ng ulo mo." angil niya pero tinakbo rin naman ang kahabaan ng dalampasigan.

Para akong nakalutang habang tumatakbo kasama siya. Mahihimatay yata ako sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko!

Continue Reading

You'll Also Like

3.8M 109K 53
Shanaia Ciel, the "coldest" Fortalejo, doesn't like trouble. She always craves peace and calmness. An introvert who rarely smiles and who always appe...
5.4M 347K 75
[To Be PUBLISHED Under LIB] #4. "If I fall for you, will you catch me, attorney?"
7.4M 202K 42
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
9.2M 283K 37
OLD SUMMER TRILOGY #1 Estella and Yori have always been rivals ever since high school because of debate competitions. They would always switch places...