Montenegro #2: The Way She Ch...

By inkedbykisses

5.2K 229 18

Montenegro Series #2 Nickolas & Snow More

moodboard
prologue
chapter 1
chapter 2
chapter 3
chapter 4
chapter 5
chapter 6
chapter 7
chapter 9
chapter 10
chapter 11
chapter 12
chapter 13
chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22

chapter 8

141 11 0
By inkedbykisses

Kinabukasan ay maaga akong nagising kaya naman maaga rin akong nakapaghanda para mamaya.

"Ang aga mo ma'am Snow.." Ani ate Marlyn. "Hindi pa po kami nakakaluto ng almusal."

"Good morning po." Bati ko. "Okay lang po, sa labas lang po ako."

Hinayaan naman nila akong lumabas, naglakad lakad muna ako kasi sobrang lamig ng hangin.. hindi kagaya ng sa City ka nakatira, puro usok nalang tapos sobrang init pa.

Naalala ko nung mga panahon na umuwi ako sa probinsya namin.. noong pinili kong umuwi na muna pansamantala.. na isa sa mga kaibigan sa metro ay hindi ko man lang nasabihan kung ano ba talaga ang naging problema.

Pero malaki pa rin ang pasasalamat ko na hindi ko sila nahila pababa.. natutuwa akong makita na kung anong pinangarap nila noon ay unti unti nilang natupad.

"Ate ganda." Napalingon ako sa batang humihila sa damit ko. "Bago ka po rito? Doctor po kayo?"

"Hmm, oo." Ani ko at tinitigan siya. "May problema ba?"

"Tulungan niyo po kapatid ko.." Aniya. ".. nagmamakaawa po ako.. hindi po niya ako pwedeng iwanan."

Napakunot noo ako, "Anong problema? Nasaan siya?"

"Nandoon po."

May tinuro siyang maliit na barong barong. Mas lalo akong napakunot noo, bakit nandoon silang magkapatid?

Hinayaan kong hilahin ako ng bata, halos madurog ang puso ko noong makita ko kung anong hitsura ng tinitirhan nilang magkapatid.

"Nasaan magulang ninyo?" Tanong ko habang tinitingnan iyong kapatid niya.

"Hindi ko po alam.." Aniya. ".. iniwanan po kami rito."

Noong mahawakan ko ang kapatid niya ay sobrang init nito.. hindi na ako nagdalawang isip at binuhat na ito.

"Samahan mo ako sa covered court." Ani ko.

Wala pang ilang minuto ay nakarating na kami doon sa covered court, mabuti nalang ay may iilan ng tao roon para tulungan ako sa pagbubuhat.

Mabilis kong sinuri iyong bata, hindi ko na namalayan 'yung oras dahil naging busy ako sa pagsusuri sa bata.

Hindi ko na hinayaan na magtagal pa rito ang bata kaya tinawagan ko na si Rare para magpadala ng ambulansya rito.. hindi maganda ang lagay ng bata, I'm suspecting her to have dengue.

Pero naalala ko na nagpalit nga pala kami ng telepono ni Nickolas kagabi. Sasagutin naman siguro ni Rare ang tawag ko? Pero bakit may number sa personal phone ni Nickolas si Rare?

"Good morning, Nickolas." Bati ni Rare sa kanilang linya.

"Rare, this is Snow." Ani ko noong sinagot niya ang tawag. "Can you please send ambulance here?"

"Oh, hi. Good morning, doctora Snow." Aniya. "I will."

"She has fever for days now. May skin rashes din, and mild bleeding of gums." Ani ko. "Please run some test, tapos update me."

"I will, doctora." Ani Rare. "Please, take care there, okay?"

"I will, you too."

Pagkababa ko ng telepono ko ay agad kong binalikan sina Mira at Kira. Kita ko kung paano alagaan ni Mira si Kira, at hindi kaya ng puso ko na makita na nahihirapan silang pareho.

"Doctora, magiging okay po ba ang kapatid ko?" Inosenteng tanong ni Mira.

"Oo naman." Ani ko at tinabihan si Mira.

"Hindi ko po kasi kakayanin kapag nawala sa akin si Kira, doctora."

"Hindi mangyayari 'yun, Mira." Ani ko at hinaplos ang buhok niya. "Malakas si Kira, kasi nakikita kong kahit nahihirapan siya'y lumalaban pa rin."

"Thank you po." Aniya.

"Pero kailangan dalhin sa hospital si Kira ha?" Ani ko dahilan para mapalingon sa akin si Mira.

"Wala po kami pambayad, doctora.." Naluluha niyang sabi.

"Huwag mo na alalahanin 'yun." Ani ko. "Ang mahalaga ay masuri ng mabuti si Kira."

Iniwanan ko muna si Mira para matawagan si Sheen, mabuti nalang din at kabisado ko ang numero niya.

"Sino ba 'tong tangang tumatawag ng ganitong kaaga?" Naiiritang sagot ni Sheen, matapos ng tatlong ring.

"Filmina." Ani ko.

"Potangina mo." Aniya.

Natatawa ako habang iniisip kung ano ang mukha ni Sheen ngayon.

"Si Snow 'to." Natatawa kong sabi.

"Alam mo, ikaw, panira ka ng tulog." Aniya. "Nagpalit ka ng number?"

"Hindi." Ani ko. "Nakipagpalit ng phone kagabi si Nickolas."

"HA?" Bigla niyang sigaw. "BAKIT?"

Nailayo ko bigla sa tenga ko 'yung telepono ni Nickolas.

"Narinig kasi niya na kausap ko si Hail." Ani ko. "Kaya ayun."

"Nagseselos, mare?" Usisa ni Sheen. "Ayii, ang kaibigan kong marupokpok."

"Gaga, hindi." Ani ko. "Tsaka tumawag nga pala ako para humingi ng pabor."

"Ang user mo." Aniya.

"Gago." Ani ko. "May pasyente ako dito.."

"Ganito kaaga?!" Eksahera niyang tanong.

"Patapusin mo muna ako pwede?"

"Okay."

"There's these two kids here, magkapatid.. iniwan raw ng magulang nila.." Ani ko. "Suspected dengue case ang kapatid niya, dadalhin sa Montenegro Hosp.. can you cover for it?"

"Nadala na ba?" Tanong niya.

"Inaantay pa namin ambulansya." Ani ko.

"Ako na bahala." Aniya. "Name?"

"Kira.." Ani ko. "Kira San Diego."

"Huwag ka na mag-alala diyan, ako na bahala." Ani Sheen.

"Thanks, Sheen."

"Got you always, mare." Aniya. "Pero, oo nga pala, tawagan mo si Hail mamaya pati si kuya Storm, tinatanong ka kagabi."

"I will. Thanks, Sheen." Ani ko. "Tulog ka muna ulit, Filmina Sheena."

"Potangina mo talaga. Bye."

Natatawa kong tinago sa bulsa ko ang telepono ni Nickolas.. gustuhin ko man tawagan si Hail ay hindi pwede.. malalaman ni Nickolas dahil naka-line ang phone niya.

Noong dumating na ang ambulansya ay sinamahan ko na si Mira na sumakay doon.

"Antayin mo si ate Sheen doon, Mira.. tutulungan niya kayo, okay?"

Sunod sunod na tango ang naging sagot niya.

"Salamat po, doctora." Aniya.

Noong sinarado ko ang pinto ay mabilis na silang umalis. Nagpasya din ako na umuwi muna at magpalit ng damit.

Pagdating ko sa bahay ni Kapitan ay isang galit na Nickolas ang sumalubong sa akin. Napakunot noo ako noong walang sabi sabi niya akong hinila palabas ulit.

"Saan ka ba nagpupunta?!" Naiinis niyang tanong. "Bakit ba umaalis ka ng walang paalam?!"

"Naglakad lakad lang ako." Mahinahon kong wika.

"Naglakad lakad?! Apat na oras?!" Aniya. "Saka sino 'yung katawagan mo?? Wag mo i-deny, kasi nagnonotify sa e-mail ko."

Kinuha ko sa bulsa ko 'yung telepono niya at inabot sakanya, "Tawagan mo, para malaman mo kung sino."

Nilagpasan ko na siya at nagdiretso na sa loob ng bahay. Hindi nakatakas sa akin ang tingin ni Zid, hindi ko alam kung may ideya na ba siya o wala pa rin.

Noong nakapagbihis na ako ay bumaba na ako ulit, inaya akong mag-almusal nila kapitan pero wala akong gana kumain kaya naman nauna na ako lumabas ulit.

"Bakit hindi ka kumain?" Tanong ni Kaden sa akin habang naghihintay sa iba.

"Wala akong gana." Ani ko.

"Nag-away nanaman kayo?"

Nagkibit balikat lang ako.

Noong kumpleto na kami ay nagpunta na kami sa covered court pero bago pa mag-umpisa ang medical mission ay nag-usap usap muna kami nina Kaden, Zid at Nickolas dahil tumawag si Rare kay Nickolas.

"Kasama mo si doctora Snow, doc?"

Napakunot noo ako, bakit doc na ang tawga ni Rare kay Nickolas ngayon?

"Oo." Ani Nickolas. "Bakit? Naka-loudspeaker naman."

"Okay." Aniya. "Doctora Snow, mabuti nalang po naidala kaagad si Kira rito.. lumabas na lab results niya, pinamadali ko and it's severe dengue case."

Hindi na ako nagulat, dahil sa estado ni Kira kanina ay alam kong hindi maganda ang magiging results nito.

"Kamusta naman siya ngayon?" Tanong ko. "May hinabilin na ako sa nurse na nag-assist kanina."

"Nagrerespond naman ang katawan niya, doc." Ani Rare. "Pero masyadong mahina ang katawan ni Kira."

"Do everything, Doctora Saavedra." Ani ko. ".. if you need anything, please call me or someone will go there to fill up the forms para tumayo munang guardian nila."

"Yes, doctora." Ani Rare.

Ibinaba na ni Nickolas ang tawag. Nakatingin silang tatlo sa akin.

"Bakit?"

"Kaya ka ba nawala kaninang umaga?" Tanong ni Kaden.

"Naglakad lakad ako, nilapitan lang ako nung kapatid ng pasyente."

Iyon lang ang sinabi ko at lumabas na ng tent. Paglabas namin ay may iilan na nakakilala sa akin at naririnig namin ang bulungan nila.

"Hindi ba't siya iyong walang arte na bumuhat kay Kira?" Ani nung matandang babae.

"Siya nga iyon." Ani ng isa pa. "Ang ganda ganda niya, pero hindi siya nagdalawang isip na buhatin si Kira kahit walang ligo 'yung bata na 'yon."

Gusto ko sila sawayin pero nahihiya ako kaya naman dumiretso na ako sa tent kung saan ako naka-assign.

"Good morning." Bati ko doon sa bata na kakapasok lang. "Kamusta ka?"

"Kayo po ba nagdala kay Kira sa hospital?" Tanong nung bata sa akin.

"Ako nga." Nakangiti kong wika. "Kaibigan mo?"

Tinatanong ko siya para hindi niya maramdaman ang pagi-inject sakanya. Ang Montenegro Hospital ay isa sa mga provider ng Tinajero ng flu vaccine para sa mga bata.

"Opo." Aniya. "Aray po."

Gusto ko matawa sa reaksyon niya pero pinigilan ko.

"Huwag ka na masyado mag-alala, magiging okay rin siya."

Tumango naman ito, "Ay, hello po kuya doc."

Napalingon ako sa binati niya, si Nickolas, may dalang pagkain at nilapag sa table.

"Kamusta ka, Abel?" Ani Nickolas.

"Okay lang po, kuya Doc." Anito. "Huwag niyo po pabayaan si Kira, ha?"

Ginulo ni Nickolas ang buhok ni Abel. Pinahinto muna ni Nickolas ang pag-iinject ko para makakain.

"Sorry." Aniya bigla.

Nakakunot akong lumingon sakanya, "Bakit?"

"Doon sa pang-aaway ko kanina."

"Wala 'yun." Ani ko.

"Natakot lang ako.." Mahina niyang wika.

"Naiintindihan ko." Ani ko.

"Here," Aniya at binigay ang phone ko. "Susubukan kong magtiwala ulit, susubukan kong hindi makaramdam ng selos.."

Doon ko narealize kung anong takot ang naibigay ko kay Nickolas noong bigla akong nawala sa buhay niya.

Continue Reading

You'll Also Like

863K 23.7K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...