The Fame Game

By UnidentifiedBlueStar

8.4K 330 125

[On-going] Kyra, a highschool student who fell inlove with her English Teacher and his Twitter Crush. Who wil... More

Prologue - Start
Level Two - Burst
Level Three - Former's Comeback
Level Four - First Day
Level Five - Substitute
Level Six - Smile
Level Seven - 5ever
Level Eight - Spell Badtrip
Level Nine - "Wag muna, please.."
Level Ten - Her Teacher's Confession
Level Eleven - Dark Clinic
Level Twelve - Nabugbog na Saging
Level Thirteen - Ingenuous
Level Fourteen - Acceptance
Level Fifteen - Triangulum
Level Sixteen - Impenetrability
Level Seventeen - Hope vs. Wish
Level Eighteen - Spelling Contest
Level Nineteen - Friendzoned
Level Twenty - His thoughts
Level Twenty One - Lalaine
Level Twenty Two - Byul
Level Twenty Three - Why now?
Level Twenty Four - All I wanted
Level Twenty Five - Beles beles

Level One - Final

540 21 7
By UnidentifiedBlueStar

- L E V E L  O N E - 

"Alam mo, kung naging camera lang yang mata mo, full memory na, pictures pa lang niya." sabi ni Lalaine ang kaklase ko na pag nagsalita, kailangan mo muna humukay bago maintindihan yung sinasabi niya.

"Kai, hindi ka ba sasama sa amin?" tanong naman sa akin ng kaklase kong si Nica.

Ngumiti lang ako.

"Ahh. O sige. Basta pag napagod ka diyan, andito lang kami ah?" pagkatapos nun ay umalis na sila.

Napapagod? Sana nga napapagod na lang ako eh. Sana marunong ako nun.

Sana kahit konting pagkapagod maramdaman ko.

Umuwi na ang lahat ng kasama ko. Ako nalang siguro ang natitirang estudyante dito.

Buti na nga lang close kami ni kuya Guard at kuya Janitor eh, at hindi pa ako nakakaranas na matulog dito.

Tinignan ko yung relo ko.

5:14 p.m.

Halos apat na oras at labing-apat na minuto na akong nakatingin sa kanya.

Wala eh, eto lang ang magawa ko.

Tumingin mula sa malayo at... 

Apat na buwan ko na rin ‘tong ginagawa.

Napapansin kaya niya yon? O, sadyang nagpapakatanga ako dito, na hindi naman niya alam ang ginagawa ko?

Habang nakatingin sa kanya, naramdaman ko nalang na nag-vibrate ang cellphone ko.

Si mama pala, pinapauwi na ako.

Nireply-an ko nalang at nilagay ulit yung cellphone ko sa bulsa ko.

"Six minutes, pag hindi siya lumingon, hindi na... hindi na talaga.."  bulong ko sa sarili.

Ilang beses ko na sinabi yan, pero eto, sisiguraduhin kong last na. Last na.. sana.

Tumingin ako sa relo ko, Four minutes pa..

Kung tutuusin, ang bilis ng oras.. Bukas simula na ng semestral break namin.

Ilang linggo ko rin siyang hindi makikita..

Kaya siguro nga magiging last na talaga 'to..

Pagkatapos ng semestral break, wala na..

60 seconds nalang ang natitira..

Nandoon pa rin siya.. Nakikipag-usap kay.. Hayyyy.

Hindi na ba talaga? Kailangan ko na siguro talagang kalimutan.

30..

20..

10..

9..

8..

7..

6..

5..

4..

3..

2..

"Putsnokol ka, Presincula!" sigaw ko kay Althea, sabay tanggal ng maliit niyang kamay sa mata ko.

Tinignan ko kung nasaan siya kanina..

Wala na siya..

Ang ganda ng timing. Napakaganda..

"Ano ba yan, makapagbuntong hininga naman akala mo may nasira akong moment."

"Sana nga wala eh."

 

"Huh?"

"Wala, sabi ko, tara na."

Nagsabay kaming maglakad sa Hallway, kaso noong bandang gate, sabi ko mauna na siya dahil may nakalimutan pa akong isauli na libro sa library.

Hindi naman talaga ako pupuntang library.

Pagsilip ko sa room, wala pa siya doon. Siguro nag-CR.

Nilagay ko agad sa desk niya, at umalis na.

Last na rin yon..

- -

8pm na, pero nakatunganga lang ako sa harap ng laptop.

Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung bakit nakaopen ang Facebook ko kanina pa.

At kanina pa pa-ulit ulit ang kantang My heart ng Paramore sa Youtube.

Pipindutin ko na sana ang Log-out button ng biglang mag pop-out ang message galing kay...

Cyrille?

Wala lang. Nakakagulat lang. Ang tagal na ng nakapag-usap ulit kami rito sa Facebook. Haha!

Cyrille John Martin: Kai!

Kyra Alexis Ona: Hi Cy! Bakit? :)

Cyrille John Martin: Kilala mo 'to? http://www.facebook.com/xxxxxxxxxx?ref=tn_tnmn

Kyra Alexis Ona: Hindi eh.. Sino ba siya? Pogi ba yan? Charaught! haha.

Cyrille John Martin: Oo kaya. Open mo na. Sige bye!

Ang baliw talaga non. In-open ko yung link na binigay niya, yung una nga nagdoubt pa ako eh, mamaya prank pa 'to.

At oo, hindi nagkakamali si Cyrille. Pogi nga. haha! Bagong idol na naman niya siguro. Kung hindi ko lang ex yan, siguro napagkamalan ko na 'tong beki. Pero don't get me wrong, walang anoman nangyari. Sa totoo lang, si Cyrille ang pinakauna na naging boyfriend ko. Well, that's another story.

I-add ko sana kaso full na yung account niya, kaya nag-subscribe nalang ako. Tinignan ko yung mga posts niya. Halos lahat pictures niya. Yung iba naman, kung tama ako, eh nasa Chinese characters kaya hindi ko na maintindihan.

Noong nakita ko naman yung link ng Twitter niya, ni-follow ko rin.

Cosplayer siya. Alam ko na bakit pinakita 'to sa akin ni Cy, si Cy kasi maporma. Yung pang mga koreano at japanese ba? Eh ako medyo fan ako ng Anime at fan talaga ako ng mga Koreano. Kaya nga kahit medyo hindi maganda yung nagawa ko sakanya dati, magkasundo pa rin kami.

Hindi ako makakalma. Kaya ni-tweet  ko siya. Oo na, malandi na. hahahaha.

Nakita kong 1k na ang followers niya, kaya siguro hindi na 'to nag-rereply sa mga tweets ng fans.

@hyunsulau Hi~! Why so cuteeee? >////<

Yan, wala akong maisip na masabi, mamaya masabihan pa ako ng feeling close eh.

Pagkatapos eh lumipat naman ako sa Facebook. Asa pa akong magrereply yun ano.

Pumunta muna ako ng Facebook niya. Napa-wow ako eh. Ang dami niyang vanity pictures. hahaha! Daig pa ako, ako once a week lang maglabas ng picture eh, minsan nga once a month pa.

Naisipan kong i-save ung iba niyang mga picture. May pinabasa kasi sa akin yung kaklase ko na Fifteen Days ata yung title. I-try ko kaya? Sabi kasi ng mga kaklase ko totoo daw yun. 

Tinitignan ko yung itsura niya, ang perfect niya. Kahit bare face lang walang eye-liner, cream at kung ano ano pa. Sorry, I'm not a fan of make up kaya hindi ko alam ang mga tawag sa kanila ano.

Tapos napansin ko pa, ang payat niya na matangkad, Bamboo? haha. May iba rin siya videos, in-open ko lahat, pero halos lahat run, hindi siya nagsasalita. Gusto ko pa naman marinig yung boses niya. Nabasa ko pa naman na kumanta daw siya sa isang event.

Pagkatapos ko mailagay ung mga pictures sa tablet at cellphone ko. Tumambay muna ako sa home at nagbasa ng mga status at tumingin ng mga kalokohan ng mga pages.

Nakakatamad.

Pare-pareha lang ang mga nakalagay. Kaya naisipan ko nalang mag-out sa Facebook. Tinignan ko  rin ung sa Twitter ko at..

OMAYPAKINGASH...

Finavorite niya yung tweet ko sakanya. O//////////////O

Napansin niya ako..

Minsan mas maganda talaga pag hindi ka naga-assume sa mga bagay-bagay. 

Mas nakakaexcite.. 

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...