Anchored Heart (Heart Series...

Da naddiexjaye

4.1K 218 161

HEART SERIES # 3 Despite of being a good fashion student, Ximena Rae is still unsuccessful in finding love... Altro

WARNING
PROLOGUE
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26

14

88 9 1
Da naddiexjaye

XIMENA RAE

Akala ko maiilang ako once na niligawan ako ni Khalil, pero kabaligtaran ang nangyari, mas naging comfortable kami sa isa't isa. 


It's like having a suitor and a bestfriend at the same time. 


As usual, hinatid nanaman niya ako. And nakasanayan na rin namin na do'n siya tumatambay hanggang gabi. Medyo naging close na siya kay Mommy. Kay Daddy naman medyo takot pa siya.

Nag lalakad kami ngayon ni Khalil papunta sa bahay namin. 


"Uy, bakit may problema ba?" Nag aalalang tanong ko sa kanya. He's kinda different now. Parang ang sad niya, ta's parang wala siya sa mood makipag kulitan sa 'kin.


Tinignan niya ako ng matagal at bumuntong hininga siya "Mukang hindi pa ako makakasay. Wala pa rin tawag eh" Napatigil ako sa pag lalakad ng marinig ko 'yun.


I know how important to him na makasakay na siya. Para maka help na siya sa parents niya and makapag ipon na siya agad for his future. He doesn't have a plan to stay long as a seaman. Mag iipon lang siya para makapagpa tayo siya ng business.


"Are you sure? Baka naman na delay lang ng konti"


He shakes his head "Sigurado. Sinabihan na rin ako ni Daddy na baka nga matagalan pa" I can see a disappointment in his voice. Paniguradong wala 'to sa plan niya.


"Okay lang 'yan, malay mo naman diba matawagan ka na rin. Hindi naman tayo sure, basta 'yung name mo nasa kanila na" I tried to comfort him.


Ngumisi naman siya "Siguro tuwang tuwa ka no" Agad ko siyang tinignan ng masama dahil sa sinabi niya.


"Joke lang madam!" Ngumiti na rin siya at ginulo ang buhok ko. Agad ko naman 'yun inayos kasi ang panget ko mag messy ang hair ko.


"Yun nga lang madam, pinapauwi ako ni Mommy sa 'min, sayang kasi ang allowance" He said. I felt kinda sad when he said that. Pero naiintidihan ko naman. It is not something that we can control.


"Baka may opening sa inyo madam" He joked.


"Tarantado"


"Wag ka na mag isip diyan, gagawan ko ng paraan" Napa kunot ang noo ko sa sinabi niya.


"Paraan?"


"Wag ka na mag isip, baka ika panget mo" Iniripan ko siya at inunahan na siyang maglakad.


"Hoy! Madam! Joke lang eh! Ganda mo kaya!" Sigaw niya sa 'kin habang hinahabol ako. Ako naman parang tangang naka ngiti. 


Pag dating namin sa bahay, nag ayos muna ako saka siya binalikan sa living room namin. Mamaya pa 'to uuwi, pinaka late na niyang uwi ay mga 10 PM. 


"Bobo mo naman" Pang aasar ko sa kanya.


Nag lalaro kami ngayon ng mobile legends. Finally, bumigay na 'ko.  Pero magic chess lang. Hindi gano'n ka stress eh.


"Wow, ikaw na" Tinawanan ko lang siya.


Kanina pa kami nag lalaro ng 1v1 sa magic chess, pero kanina pa siya natatalo. Niyabangan niya pa ako kanina na magaling daw siya. Asa."Madam mag lalaro pala kami ng dota mamaya ah, okay lang?" Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Khalil. 


"Bakit ka nag papaalam?" Nag tatakang tanong ko sa kanya. 


"Eh kasi... baka ayaw mo?.. baka hindi tayo makapag usap?" 


I chuckled "Pake ko sa 'yo" Pang aasar ko sa kanya. "Joke lang. Pero syempre bakit naman hindi? Personal time mo 'yan, hindi naman sa 'kin lang umiikot ang buhay mo" 


Parang hindi naman siya makapaniwala sa sinabi ko "Totoo ba?..." 


"Bakit? Ano ba gusto mo kumanta ako ng dota o ako?" I joked. Kaya tumawa na rin siya. 


I'm really not the type of person na strict. Kasi personally ako gusto ko ng me time ko. Kaya kung gusto rin nila, bakit ko naman sila pipigilan. 


Around 9 PM na umalis si Khalil. Sinabayan din niya kami nila Mommy kumain. Nahihiya na nga siya minsan eh kaso mapilit 'tong si Mommy. 


After our dinner agad na 'kong nag ayos para makapag pahinga, tutal naman busy mamaya si Khalil sa dota, it's my time naman to rest. 


"Xi! Dating gawi ah! Sa inyo tayo mag shoot!" Mandy said. Oo nga pala, we need to shoot na mamaya.  Bigla naman ako napaisip sa sinabi niya. 


"Don't tell me a-ayaw ka dahil sa model ko" Nakataas na kilay na sabi ni Mandy. 

"Hindi ah, wala naman na 'ko pake sa kanya, nag aalala lang ako sa mararamdaman ni Khalil" I truthfully said. 


"Eh hindi mo naman naging ex 'yong tarantadong model ko! Wag mo na lang siya pansinin ako bahala do'n.  Atsaka muka naman understanding  si soon to be jowa mo" I just sighed dahil sa sinabi ni Mandy.


"Wow! Soon to be jowa talaga?! Siguro ka ba diyan Mandy?!" Nick said. 


"Oo gurl! I can feel it si Khalil ang para sa Ximena natin!" Napailing na lang ako sa pinag sasabi nila. 


Ayoko umasa do'n, maraming possibilities na pwede mangyari. Pero syempre I am still hoping na sana siya na nga. 


"Guys, I can't hang out mamaya, need namin ng mga ka block ko mag shoot sa house." I told my friends when lunch came.  


Ngayon lang kasi ang free time namin lahat dahil halos lahat ng friends ko ay busy sa trainings nila. Next week na rin kasi ang intrams. 


"Eh di do'n na lang kami sa inyo! Sama kami" Kade said. 


"Mga ka block mo? Sila Mandy ba 'yan?" Heart asked. I nodded, habang sinusubo ang pagkain ko. 


"Eh di ando'n si Justin? At si Jonas din!" Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Kade. Ayoko gawing big deal ang lahat. 


Nakita ko naman si Link na agad kinuha ang phone niya at nagmadaling may I -text. Sino kay 'yon? Baka some girl na pinopormahan niya. 


"Heart.... sa tingin mo mag paalam or sabihin ko kay Khalil ang about do'n?" Mahinang tanong ko kay Heart. Ayoko kasi marinig ng iba. 


"Ikaw bahala, ano ba sa tingin mo?" 


I shrugged my shoulders "Hindi ko rin alam, I feel obligated kasi" 


"Wala pa naman kayo para ma obliga ka, pero kung nirerespeto mo siya, eh di sabihin mo" Naliwanagan ako sa sinabi ni Heart. Buti na lang talaga andiyan siya to guide me, kung wala siya baka mabaliw ako kakaisip. 


I texted Khalil about mamaya. Pero duamating ang uwian wala pa rin siyan reply. Baka tulog parin siya? Napuyat kasi siya sa dota kagabi. 


I texted my block mates na sumunod na lang sa house, dahil makikipag kita pa sila sa mga models nila. Si Justin naman he knows na how to go in our house. 


Sumabay na 'ko sa mag friends ko pauwi sa 'min. Wala si Khalil eh. Napansin ko naman si Link na may kanina pang tinatawagan. 


Pag dating namin sa house, agad akong nag ayos ng set-up namin, while 'yung friends ko pa chill, chill lang. Si Cass at Heart nga lang ang tumutulong sa 'kin. 


Hindi nag tagal, dumating na rin sila Mandy... kasama ang mga models nila. 


"Nakakamiss naman dito!" Agad na sigaw ni Mandy. Binati naman niya ang friends ko. Medyo naging close na rin sila dahil sa 'kin. 


Nakita ko rin ang model ni Nick at si Jonas. Tahimik lang si Jonas. Nakita kong tinanguan lang siya ni Kade. Mukang hindi sila okay because of me. 


"Sino mauuna?" Nick asked. 


"Kayo muna, wala pa si Justin eh" Sagot ko sa kanila. They just nodded at nag start na mag ayos. Ako naman tumabi sa mga kaibigan ko at tinitigan ang phone ko. 


"Sino hinihintay mo?" Nabigla ako ng biglang nag salita si Link at tumabi sa 'kin.


"Pake mo" Naiiritang sagot ko sa kanya. Hindi ko alam pero bigla na lang ako nairita. 


"Wag mong anuhin 'yan, kanina pa ata hindi nag tetext bebe niya kaya ganyan 'yan" Pang aasar sa 'kin ni Kuya. 


"Ay! Kaya naman pala, kanina pa tingin ng tingin sa phone si ate gurl, hindi nakikinig kanina sa class himala!" Dagdag pa ni Nick. 


Inirapan ko sila "Ang ingay niyo" 


"Oh andito ka na pala Justin!" Napatingin kami sa bagong dumating. Kaya tumayo na 'ko at lumapit sa kanya. 


"Eto na 'yung damit mo, wait na lang natin sila matapos" Sabi ko sa kanya, he just nodded at humanap na ng mauupuan. 


Tumabi na lang ulit ako kay Heart, at tumunganga.


Bakit hindi ba siya nag re-reply? May problema ba? 


Na bored na 'ko kaya tumayo na 'ko para kumuha ng yakult sa kitchen. I was drinking my yakult ng biglang pumasok si Jonas sa kitchen. Hindi ko na lang siya pinansin. 


Aalis na sana ako kaso, hinawakan nanaman niya ang braso ko. 


"Ano ba! Ba't ka ba hawak ng hawak?!" Iritableng sigaw ko sa kanya, kaya napa bitaw naman siya. 


"Siya na ba? Siya na ba bago mo?" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. 


"Ano bang pinag sasabi mo diyan?!" 


"Xi-" 


"May problema ba?" Natigilan si Jonas ng biglang sumipot si Justin. 


"Wala, bakit may problema ba?" Napataas ang kilay ko sa sagot ni Jonas. Antipatikong 'to!


Napailing na lang si Justin, at tinigan ako. "May bisita ka" My heart skipped a beat nung sinabi niya 'yun. "Sige na puntahan mo na" Agad akong tumakbo papuntang living room. 


Hindi ako nabigo sa nakita ko. 


"Khalil!" Sigaw ko at agad na lumapit sa kanya. Napatingin naman ako sa hawak niya. Isa 'tong malaking tupperware. 


"A-no 'yan?" 


"Spaghetti,di ba favorite mo 'to?" Parang may humaplos sa puso ko ng sabihin niya 'yun. 


"Taray naman ng manliligaw mo Xi! Akin na 'yan!" Sigaw ni Link at inagaw ang tupperware kay Khalil.


"Sorry Xi ah di ako agad nakapag reply" Khalil said habang nakahawak sa batok niya "Nung nalaman ko agad na may shoot ka, nag luto agad ako ng spaghetti kaya di agad ako nakapag reply. " Explain niya. 


"Okay lang 'yun ano ka ba. " Nakangiting sagot ko sa kanya. "Teka pa-no mo nalaman na 'yun ang favorite ko?" 


He softly smiled at me "Syempre ako pa ba,  ikaw 'yan eh aalamin ko talaga ang lahat lahat." He said then winked at me. 


Shit. I'm in trouble. 

Continua a leggere

Ti piacerĂ  anche

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...