11

94 7 14
                                    

XIMENA RAE

Nagising akong mabilis ang pag hinga ko. Para ba akong hinahabol.


It's a bad dream again, wala naman bago do'n.  Ever since I remember lagi na lang ako may nightmares. Siguro dahil nakakalimutan ko mag dasal bago mag sleep?


Minsan nga natatakot ako na baka one day hindi na lang ako magising dahil sa bangungot. 


Intrams namin ngayon kaya wala masyadong mga class. Nakakainggit nga si kuya eh lagi niya kasama si Heart. Gusto ko rin sana mag move in kasama sila kaso ayaw naman ni kuya and nila Mommy. 


Finally natapos na rin 'yung project ko na si Heart ang model. Next naman is for male models. Sabi ni Ma'am siya ang pipili ng model namin this time para naman makaalis kami sa comfort zone namin. 


We're just waiting for Ma'am to arrive, ang sabi niya ngayon daw niya ipapakilala sa 'min ang mga magiging model namin. Buti na lang napapayag ni Ma'am na ma excuse sila sa subjects nila. 


For sure may plus points sila kaya pumayag sila sumali dito. 


Fr: Khalil

Moba mamaya? 


Napailing na lang ako sa nabasa ko, ilang araw na niya ako kinukulit mag laro. Ang sabi ko sa kanya, ayoko talaga kasi mabilis ako ma stress sa mga ganyan laro. Lalo na't pag may sigawan. 


Sabi naman ni Khalil, willing daw siya mag hintay hanggang sa ready na 'ko mag laro pero hindi niya ako tinititgilan. 


"Class be ready, I a-announce ko na ang magiging partner niyo" Sabi ni Ma'am ng dumating siya. Tumingin naman siya sa relo "Pag natapos ng maaga pwede niyo na makilala ang model niyo" 


I am carefully listening sa sinasabi ni Ma'am. Ayoko ma missed out ang pangalan ko. Hinayaan ko lang sila Mandy na mag daldalan sa tabi ko. 


"Ximena" Agad kong tinaas ang kamay ko" You're model is Justine.. Reyes" Bumagsak ang balkat ko sa narinig ko. 


Tama ba ang naririnig ko? Nang hihina ako. Nakita ko ang pag tingin nila sa 'kin nila Mandy. Of course they knew. Buong campus may alam. 


I don't have a choice but to accept it. Hindi ako pwede tumanggi because of personal reasons. 


"Mandy, sa 'yo naman si Jonas Manansala" I heard gasps. 


May ginawa ba akong masama kaya nangyayari 'to sa 'kin? 


"Ma'am, may I ask a question?" Nick said. He's a close friend dito sa class, sila ni Mandy. 


"Yes, go ahead" 


"How did you choose po the models?" He asked. 


"Well, pina announce ko sa lahat ng prof dito sa University then sila ang kumausap sa mga students nila. This is voluntary" Ma'am explained. 

Anchored Heart (Heart Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon