Loving a Disaster

By BitterNini

1.1K 183 68

"Kita mo 'yan?" tiningnan ko kung saan nakaturo ang daliri niya. I smiled when I saw the beautiful sky. She s... More

Loving A Disaster
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Last Chapter
Epilogue

Chapter 12

22 5 1
By BitterNini

"Sa palengke naman tayo!" Masiglang sabi niya ng makalabas kami sa isang store. Bitbit ko ang mga pinamili namin na hindi naman kabigatan. Ayaw niya pa ibigay sa'kin kanina dahil nakakahiya daw. Ano ang nakakahiya don? Hindi ba mas nakakahiya na siya ang nagbibitbit samantalang pwede namang ako. Napaka un gentleman ko naman kung hahayaan kong siya ang magbitbit nito.

"Palengke?" Ano 'yon? Never heard of that. She looked at me with brows creased.

"Huwag mong sabihing hindi mo alam 'yon?" She said with disbelief. Hindi ako sumagot. Napaawang na ang bibig nito.

"Hindi mo alam?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Dalawang beses akong tumango. Mas lalong umawang ang bibig niya.

"Jusko ka, Gab! Maintindihan ko kung hindi ka pa nakakarating don pero 'yung hindi mo alam 'yung palengke?! Grabe! Mga rich kid nga naman." Tamad itong napabuntong hininga.

"Iwan na lang muna natin 'yan sa kotse," turo niya sa mga pinamili namin. "Tara!"

Sumunod ako sa kanya. Pagkatapos ilagay sa backseat ang mga pinamili ay nagpunta na kami sa palengkeng sinasabi niya.

Magulo, maraming tao at maingay sa palengke. Magkakadikit ang mga tindahan at masikip ang daan. Napatingin ako sa kamay niya ng kumapit siya sa braso ko.

"Maraming tao. Baka mawala ka." Agad na sabi niya ng makita ang reaksyon ko. Tumango na lang ako at hinayaan na siya. Nagsimula kaming maglakad at kada daan ay tinatawag kami ng mga tindera.

"Suki bili na!"

"Pogi, bili na kayo!" Kinalabit pa ako ng babaeng mukhang kaedaran ko lang at itinuro ang mga tinda niyang isda. Narinig ko pa ang impit na tili nito ng magtama ang mata namin. Saglit lang naman 'yon dahil hinawakan ni Sky ang pisngi ko at iniharap sa daan. Mahina rin itong natawa.

"Ang cute mo. Hindi ka talaga pwedeng mawala sa paningin ko. Baka mahila ka na lang ng kung sino diyan," natatawang sabi niya. Napailing pa ito.

"What? Cute?"

"Oo! Mukhang first time mo lang! Sabagay first time mo naman talaga 'to. Ang inosente mong tingnan! Ang cute!" Sabi nito at tumawa ng malakas. Humigpit ang kapit nito sa'kin ng may makasalubong kaming maraming tao.

"Ganito ba talaga dito sa palengke?" Tanong ko ng makalagpas kami sa kumpol ng mga tao.

"Oo ganito talaga dito. Masanay ka na."

Tumigil kami sa tindahan ng mga isda at manok. Mayroon doong babae na may kaedaran na.

"Oh! Saskia anong bibilhin mo?" Tanong nito at ngumiti ng malawak.

"Isang kilong manok po, Tita." Sagot ni Saskia habang dumudukot ng pera sa wallet. Nawala ang kamay nito sa braso ko dahil doon.

"Boyfriend mo, hija?" Sabay kaming napatingin sa tindera ng sabihin niya 'yon. Malawak ang ngiti nito ng magtama ang mata namin. Tipid ko siyang nginitian pabalik.

"Soon po, Tita!" Sagot ni Sky dahilan para mapalingon ako sa kanya. Sabay silang tumawa ng tindera samantalang naistatwa na ako sa tawa niya. There is something in it that I can't name.

"Charot lang po! Si Gab po, kaibigan ko!" Kumapit itong muli sa braso ko. "Gab, si Tita Sabel! Kakilala ni tatay at suki na niya ako."

"Sus! Diyan nagsisimula 'yon eh! Sa kaibi-kaibigan na 'yan! Naku kayong mga bata talaga! Gab, hijo, kung may gusto ka sa batang ito ay huwag mo ng pakawalan. Tingnan mo naman. Masipag, mabait, at maganda pa! Bibihira ang ganyang babae sa panahon ngayon!" Sabi nito at tinapik pa ako sa balikat.

"Tita, hindi naman po ako ang mga tinda niyo pero bakit ako ang ibinebenta niyo?" Natatawang sabi naman ni Sky.

Habang nagbibiruan sila ay nakikinig lang ako at nakatingin lang sa kanila. Sa paraan ng pagsasalita nila sa isa't-isa ay mukhang close silang dalawa. Hindi na nakakagulat. Sky seems so friendly. Madaldal ito at maingay. Madali siyang makasundo at nakakagaan siya ng loob kasama. It's impossible na kakaunti lang ang nakakakilala sa kanya. Sa lugar pa nga lang nila ay halos lahat doon ay kilala siya.

Natapos na silang dalawa sa pagkekwentuhan at nagbayad na si Sky ng binili niyang manok. May paraan na isang kariton na may lamang mga kamatis. Pinapatabi nito ang mga tao. Hindi iyon napansin ni Sky dahil busy ito sa wallet niya. Malapit ng mabangga ng kariton si Sky pero hindi niya pa rin iyon napapansin. Naging mabilis ang kilos ko. Kinuha ko ang kamay niya at malakas siyang hinila papalapit sa'kin. Nanlaki ang mata niya ng mapasubsob siya sa dibdib ko. Lalayo na sana siya pero pinigilan siya ng mga braso kong nakayakap sa bewang niya. Iniangat ko siya sa ere at humarap sa tindahan ni Aling Sabel, patalikod sa dadaanan ng kariton.

Nang makalampas ang kariton ay doon ko lang siya binitawan. Nanlalaki pa rin ang mata nito habang nakatingin sa dibdib ko.

"Are you okay?" Tanong ko pero hindi niya sinagot. Hinawakan ko ang baba niya at iniangat ko ang ulo niya para magtama ang mata namin.

"Are you okay? Hindi ka ba nasaktan?" Tanong kong muli. Ilang beses siyang napakurap, napaiwas siya ng tingin at nakita kong ilang beses na napalunok.

"O-okay lang naman." Sagot niya at humarap na sa tindahan.

"T-tita aalis na po kami!" Aligagang sabi nito at kinuha ang biniling manok. Hindi na sumagot si Aling Sabel dahil may nakakalokong ngiti na ito sa labi. Hinawakan ni Sky ang kamay ko at hinila na ako palayo. Naririnig ko siyang pabulong-bulong pero hindi ko naman maintindihan. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya para maintindihan ko siya. Hindi niya iyon napansin dahil nauuna siyang maglakad sa'kin.

" Jusko puso kumalma ka. Kumalma ka," naririnig kong bulong niya. Inilayo ko na ang mukha ko ng lumingon siya sa'kin.

"Uwi na tayo," sabi niya habang hindi makatingin ng diretso sa'kin.

"Sige,"

Nang makarating kami sa kanila ay ibinagsak ko ang mga pinamili namin sa lamesa. Pumasok siya sa kwarto ng tatay niya na sinundan ko naman. Nagmano siya at ganon din ang ginawa ko.

"Nakauwi na po kami, tay." Sabi niya at ngumiti. Tipid na ngumiti ang tatay niya.

"K-kaawaan k-kayo ng D-diyos m-mga a-a-anak." Nahihirapang sabi nito.

"Magluluto na po ako ng tanghalian. Gutom na po ba kayo?" Tanong niya. Kaiba ang paraan ng pagsasalita niya sa tatay niya kumpara sa pagsasalita niya sa lahat. It was tender, full of care and love. Kakaiba din siya tumingin dito. I can't blame her. He was her only family. She never experience having a mother beside her. She loves her father so much. Napangiti ako sa isiping iyon.

Nahuli na naman niyang ngumiti ako kaya mas lumawak ang ngiti niya.

"Dito ka na mananghalian, Gab. Magluluto na ako. Diyan na muna kayo." Sabi ni Sky bago nagmamadaling umalis ng kwarto. Naiwan kami ng tatay niya.

"I-iyang a-anak.. k-ko.. m-mabait.. m-masipag. H-hindi.. n-naging s-sakit s-sa u-ulo." Nahihirapan man ay pilit niyang inaayos ang pagsasalita niya. "L-lagi y-yan n-nakangiti pero s-sa g-gabi n-naririnig k-ko u-umiiyak s-siya. G-gusto n-niya m-mag aral pero h-hindi n-niya magawa d-dahil nagkasakit a-ako. W-wala a-akong k-kwenta."

"Hindi po 'yan totoo. Mahal po kayo ni Sky at proud po siya sa inyo. Hindi niya iisiping wala kayong kwenta." Tipid kong nakita ang ngiti niya.

"I-ikaw ang u-unang la-lalaking dinala n-niya dito. K-kapag nawala a-ako, a-alagaan mo s-siya at a-araw a-araw mong s-sabihing mahal.. na m-mahal s-siya ng tatay at.. nanay niya." Hinihingal ito habang nagsasalita. Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon. Wala akong maisagot sa kanya. Hindi ko kayang magbitaw ng pangakong.. baka hindi ko naman matupad.

"Luto na ang ulam! Kakain na!" Sabay kaming napalingon ng pumasok si Sky sa kwarto. Kinuha niya sa gilid ang isang wheelchair. Nang magtama ang mata namin ay nakuha ko agad ang gusto niyang sabihin. Binuhat ko ang tatay niya at iniupo sa wheelchair.  Siya na ang nagtulak noon papunta sa kusina.

"Nasaan ba si Gio? Bakit umalis pa rin ang batang 'yon. Sinabi ng kakain na eh." Iniayos niya muna ang pwesto ng tatay niya bago lumabas ng kusina. Sinundan ko pa siya ng tingin.

Inayos ko ang mga plato habang naghihintay sa kanila. Nang bumalik si Sky ay may kasama na itong batang lalaki na sa tingin ko ay nasa labingtatlong taong gulang.

"Ate anong ulam?" Tanong nito ng makaupo sa tabi ko. Lumingon siya sa'kin at nangunot ang noo.

"Sino ka?" Tanong niya.

"Hoy 'wag kang ganyan sa bisita! Mas matanda 'yan sa'yo! Gumalang ka!" Sabi ni Sky sa kanya. Ngumuso ito.

"Sino ka po?" Napaaray ito ng hilahin ni Sky ang tainga niya.

"Siya si Kuya Gab mo. Gumalang ka ha. Mas matanda 'yan." Pinakawalan nito ang tainga niya.

"Boyfriend mo ate?" Tanong nito habang hinihimas ang taingang namula sa paghila ni Sky.

"Jusko! Halos lahat na lang 'yan ang tanong! Word of the day ba? Kakaloka! Kumain ka na lang!"

Naging maingay ang lamesa dahil sa kanilang dalawa. Tango at iling lang ang madalas na sagot ko sa tuwing tinatanong ako ni Gio. Sinusubuan ni Sky ang tatay niya dahil nahihirapan itong igalaw ang kaliwang kamay. Paralyzed naman ang kanan.

"Ate sarap mo talaga magluto. Mag-asawa ka na kaya," kumento ni Gio habang punong puno ng pagkain ang bibig. Sa unang sinabi niya ay mapapatango ako dahil masarap talagang magluto si Sky. Pero sa pangalawa? Nah. She's still young. Enjoy-in niya muna ang pagiging dalaga. Makakapaghintay naman ang pag-aasawa.

"Ready na ang wedding gown ko, groom na lang ang kulang." Pakikisabay ni Sky sa bata. Tumawa pa ito.

"Si Kuya Gab ang groom." Halos masamid kaming dalawa ni Sky dahil sa sinabi ni Gio. Inosente naman itong nakatingin samin.

"Alam mo ikaw, kumain ka na lang ng kumain! Dami mong alam." Pabirong umirap si Sky dito. Pero maya maya ay nakakalokong ngumisi ito sa'kin.

"Pero kung payag naman siya, why not?" Sabi nito at tumawa. Ako naman ay napapailing na lang habang nangingisi. Crazy girl.

Lumapit ako kay Sky habang naghuhugas ito ng pinggan. Hindi niya ako napapansin dahil nakatalikod siya. Nang nasa likuran na niya ako ay huminto ako.

"Sky.." mahinang tawag ko.

"Ay anak ng tipaklong!" Napaigtad pa ito at napahawak sa tapat ng puso niya. Lumingon ito sa'kin nang hindi inaalis ang kamay sa dibdib.

"Gab naman! Jusko ka!"

Akma siyang aalis nang ipatong ko ang kamay ko sa magkabilang tagiliran niya. Pilit kong sinasalubong ang mata niya pero sobrang ilap nito.

"A-anong ginagawa mo?" Kinakabahang tanong niya.

"What are you doing?"

"Ano?"

"Look at me," hindi niya ako sinunod. Hinawakan ko ang baba niya at iniharap siya sa'kin. "I said look at me."

"Oh ayan nakatingin na!" Matapang man ang pagkakasabi niya pero hindi maitatanggi ng mga mata niyang kabado siya.

"Di'ba sabi mo 'wag akong pa-fall. Then what are you doing?"

"Bakit? Nahuhulog ka na ba?" Naging matapang na rin ang mga mata niya. Lumapit pa siya sa'kin, naghahamon. Mas lumapit din ako sa kanya.

"What if I am. What will you do?" Sobrang lapit na namin sa isa't-isa. I can feel her nose with mine. I can also feel the fast beating of my heart. I gulped twice ng bumaba ang mata ko sa labi niya. She gulped too ng mapansin niya iyon.

"A-ano.. edi s-sasaluhin.. kita. Pinahulog kita tapos iiwan lang? Hindi naman.. pwede 'yon." Nakaiwas na ang tingin niya sa'kin. Lumayo ako para makahinga. This girl..

Ngumisi ako.

"So.. sino ang pa-fall sa ating dalawa?"

****

-EGD

Continue Reading

You'll Also Like

260K 7.2K 53
Sydney is a futsal player. Her friend, Reeva, was always there to support her in everything. Everyone knows that she has a huge crush for Sky, an Eng...
19.9K 1.1K 29
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
136M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
540K 28K 45
[Politico 1] All eyes are on Serena. Molded into politics since she was young, there was no room for disappointment. She only has one way to go on an...