My Daughter's Pediatrician (M...

By KayeEinstein

60.3K 2.1K 558

"Mommy, pagod na po ako" my four year old daughter told me. I knelt down on front of her. "Sorry anak, I'll j... More

Panimula
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4

Chapter 2

8.2K 368 120
By KayeEinstein

Sabrina's POV.

"Excuse me po Dr. Takano, nagpadala po ng breakfast si Ms. Elaine Sevilla para sa inyo"

Kusa akong napayuko ng may lumapit sa amin isang hospital staff, carrying a paper bag na sigurado akong masarap at mamahaling pagkain ang laman.

And did I hear her right? Elaine Sevilla? Hindi ba isa iyong sikat na modelo sa bansa? Boyfriend nya ata itong gwapong doktor na ito.

Muli akong simpleng tumingin dito, busy ito sa pag fill up ng form, saglit nga lang nitong sinilip yung staff.

May kahabaan ang buhok nya, naka bun ito ng bahagya, hindi ko alam kung anong meron sa kanya, pero hindi ko kahit kailanman nagustuhan ang mga lalaking long hair, pakiramdam ko kasi ay hindi sila neat pero ibahin mo yung doktor na to.

He is neat looking, maputi, matangos na ilong, singkit na mata and his jaw is well defined.

"Doc Happy, girlfriend mo ba si Ms. Elaine?" tanong nung staff.

I bit my lip secretly dahil how can they ask him like that?

"Hindi no, she is just a good friend of mine"

"Lahat naman po ng nagpapadala sayo, ganyan po sinasabi nyo, wala pa ba kayong balak mag girlfriend or baka may secret girlfriend kayo doc ha"

"Anna, ikaw talaga, sige na, pakihatid na lang yan sa office ko, may pasyente pa kasi ako"

"Okay, sige po doc" sabi nung Anna na ngiting ngiti na umalis.

Nakangiting bumaling sakin si Dr. Takano.

"Let's go na po" he asked. I smiled and nodded.

Habang papasok kami sa ER kung nasaan mismo si Misha ay naglilingunan ang mga tao na akala mo ay ngayon lang nakakita ng ganito kagwapo.

Nagpauna na akong lumapit sa anak ko.

"Hi anak, kamusta ka? Are you feeling a little better?"

"Opo mama" Misha answered me, nag angat ito ng tingin kay Dr. Takano na nagsasalit salitan ang tingin sa chart at kay Misha.

"Hi Misha, ako pala si Dr. Happy, ayos lang ba na i check kita?"

"Opo"

Mabilis na lumapit si Dr. Takano but instead yung regular na stethoscope na hawak nya ay may kinuha syang color blue-pink na stethoscope, sa unang tingin ay mukhang laruan ito.

"Wow ang ganda po" may sigla man ay halata mo ang hingal sa boses ng anak ko, she is wearing an oxygen mask now.

"Really? I'll get you one as soon as gumaling ka" nag start na itong ilapat ang sthethoscope sa iba't ibang parte ng katawan ni Misha, he was asking her to do inhale and exhale.

Nang matapos check-up-in ay may mga sinulat ito sa chart.

"Hi Mrs, she might-

"My mom is not Mrs"

Nako confused na nilingon ni Dr. Takano ang anak ko.

"Sorry, ano yun Misha?" he asked. Palihim ko namang pinandilatan ang anak ko.

"My mom po is just a miss kasi hindi naman po sya kasal, my dad died a long time ago" Misha said all smiling, kinakabitan na sya ng mga nurse ng ilang gamot.

Dr. Takano chuckled.

"I see, my bad Misha, uhm Miss-"

"Sabrina- Sabrina na lang"

"Yeah, Ms. Sabrina, can we speak in private, medyo mas ayos siguro if" hininaan nito ang boses nya. "if hindi maririnig ni Misha ito"

I nodded, nauna itong maglakad pero magpapaalam sana ako sa anak ko pero mukhang masaya itong nakikipaglaro sa nurse na naka assign sa kanya.

Grabe, kaya pala sikat ang ospital na ito, dahil sa ER pa lang may sarili ka ng nurse na mag aasikaso sayo, bigla akong kinabahan sa possibility ng bill namin ng anak ko.

Pinagbuksan nya ako ng pintuan sa sigurado kong opisina nya dahil nakasulat iyon sa pinto.

"Maraming salamat" I told him, he just nodded and smiled. Sinenyasan nya akong maupo sa upuan sa harap ng mesa nya bago sya naupo.

Umikot ang paningin ko sa loob ng opisina nya, makulay ito, akala mo mga nursery sya dahil sa mga nakakabit at naka drawing sa pader, may mga laruan din.

"So Ms. Sabrina, I must say Misha is a very active kid for somebody who has bronchial asthma" he told me, nakatingin pa din ito sa chart kaya ng bigla itong tumingin at magtama ang paningin namin ay halos lumundag ako.

"Ah oo, bibo kasing bata yan"

"I see, I'll be prescribing some medicines pero sa estado nya sa totoo lang mas mabuti kung isasailalim mo sya sa isa sa mga plan namin"

"Anong plan?"

"Oh, it is what we call ACPK or Asthma Control Plan for Kids, sa ganyan kasing asthma kapag hindi na control at naagapan mas lumalala as she grows older, so mas ayos kung mata track namin how severe yung asthma, anong reaksyon sa gamot and how often yung atake, bukod pa doon kapag naging successful tayo sa pag control, we can do the stepwise procedure or pag lower down sa dosage ng gamot na kinakailangan ni Misha"

Nanatili akong nakatitig sa kanya, nararamdaman ko ang pagbigat ng loob ko dahil sa katotohanang hindi pa aabot ng tatlong libo ang perang meron ako. Nasisigurado kong mahal ang treatment at plan na sinasabi nya.

I've heard of this plan before, epektibo iyon at yung iba na sumailalim dito ay tuluyan ng nawala ang asthma. I want that to happen to Misha, I want her to live a normal life pero dahil sa kawalan ko ng pera-

"Ms. Sabrina, ayos lang naman kung hindi mo-

"Hindi, gusto ko po na magpatuloy ang anak ko sa plan na yan, gagawin ko ang lahat para matustusan yan, so please, please help my daughter get better"

Saglit syang natigilan ng kusang bumagsak ang luha ko na mabilis ko rin namang pinunasan.

"Wag kang umiyak, hindi ko pababayaan si Misha, I'll do my best to help her get better"

"Maraming-maraming salamat"

"Let's get her settled in, she will need to stay here for the plan, mas okay siguro na kausapin mo na lang ang admin staff namin for that"

"Salamat po Dr. Takano"

"No worries" he smiled at me bago naunang tumayo, he opened up the door for me and it felt like, ilang taon na nung huling may gumawa sakin noon. "I'll see Misha in a bit, magra rounds lang ako"

I nodded tapos ay sinundan ko sya ng tingin, binabati sya ng mga taong nadadaanan nya, ginagantihan nya naman ito ng ngiti at pagbati.

He is all friendly, pero alam mo yung friendly na hindi nagmumukhang malandi, he still looks professional and all.

Why am I admiring him?

Umiling na lang ako at naglakad papunta sa admin, hindi mo kailangang maghintay ng ilang oras dito dahil nga pribado ay may nag a assist agad sa akin.

In less than half an hour ay nakabagsak ang balikat ko na lumabas ng admin office nila, hawak ang puting sobre.

I sat down in their prestige waiting area na kung saan may libreng vending machine. They have escalators and tight security in the hospital.

Kailangan ko ng 150,000 pesos, hindi pa kasama doon yung bayad sa pag i stay-an na kwarto ni Misha.

Napahilamos ako sa mukha ko, I wanted to cry dahil pakiramdam ko wala akong kwentang ina, wala akong magawa para masiguradong magiging maayos ang anak ko.

Natigil ang pag iisip ko ng mag ring ang cellphone ko, i felt bad when I saw that the call is coming from my manager, sya yung manager ng agency na pinapasukan ko para sa mga raket ko.

Sinagot ko ang tawag at katulad ng normal ay galit na galit ito dahil hindi ako nakapunta sa isa sa mga in assign nyang raket.

I work several side job - madalas ay extra sa mga palabas or extrang model, I can't be successful in the industry I'm in dahil nga may anak na ako. Hindi rin ganoon kalaki ang kita ko dahil bibihira iyon, kaya naman minsan ay nagagawa kong pumasok bilang taga linis ng mga bahay o opisina, mababa ang sweldo pero ang gusto ko lang ay ang mga kasamahan ko doon na minsan ay nagsasalitan para i-look after si Misha.

Pwede naman ako mag call center pero I just can't afford to leave Misha alone.

I stood up at saktong nailipat na si Misha sa room nya, it was big with a big couch enough for me to sleep on it.

Misha is seating down, watching cartoons on the television.

"Hi mama!" she greeted me. I sat down and brushed her hair.

"Hi baby, mas okay na ba ang pakiramdam mo?"

"Opo mama! Ang galing ng nurses at ni dok"

"Mabuti naman"

"Gagaling ba ako dito mama?"

"Yes anak, kaya gagawin ni mama lahat para sayo"

"Salamat mama"

I kissed her head and stayed with her until she fell asleep dahil 6pm pa naman yung next raket na papasukan ko.

Tahimik akong lumabas ng kwarto nya, naglalakad ako ng tahimik sa maaliwalas na ospital na ito.

Napahinto ako ng makita ko ang isang nurse na tila hirap sa pag alalay sa isang pasyente.

"Nurse Ayda, ako na" napatingin ako sa kakarating lang na si Dr. Takano, he immediately carried the old lady na patient kanina ng walang kahirap hirap.

The nurse in front of me is just simply amazed na nakatitig kay Dr. Takano na busy naman sa paghihintay na bumukas ang elevator.

"Salamat doc hijo, lagi mo na akong binubuhat baka napapagod ka"

He just chuckled.

"Ako po? Hindi po no! Sa laki ng muscles ko kahit po tatlo pa kayo" sagot nito.

"Ikaw talagang bata ka"

Nanatili akong nakatayo hanggang sa makasakay sila

What's really weird right now is when the door was about to close he looked at me straight in the eyes and smiled at me.

He smiled at me.
He freaking smiled at me!

Pero normal yun dahil pala-kaibigan sya at mabait sya sa lahat, why would I feel anything special about that?

I shook my head and immediately went downstairs na lang, baka ma late na naman ako.

Luckily I was on time for the shoot, extra ako sa isang TV commercial ng dishwashing, isa ako sa mga labinlimang naghuhugas ng plato.

Dishwashing lang yun but it ended past 10 PM na dahil na late pa yung mismong artista na sya talagang nag e endorse.

I decided to just walk para mas makatipid. I need to save up money, I need to para kay Misha.

Tahimik ang gabi kaya naman nagpatuloy ako sa paglalakad, wala halos sasakyan ang nagagawi dito, ang alam ko kasi ay may malapit na sikat na condo ng mga artista ang nandito and as a VIP people ng bansa, they don't wanna be disturbed by the noise of the city traffic kaya may ilang mga sinaradong daanan.

Natigil ang pag iisip ko ng may biglang umakbay sakin, mabilis akong lumayo pero mabilis ako nitong hinila.

"Hi miss" masiglang bati nito sakin, amoy na amoy ang alak sa bibig nya at mahigpit ang pagkamahawak nya sakin.

"B-bitawan mo ko, hindi kita kilala" I tried to sound firm kahit nakakatakot sya.

"Ito naman, parang magpapasama lang naman ako, naliligaw kasi ako" sabi nito bago tumawa ng nakakakaba.

Mabilis akong pumiglas at mabilis na tinulak sya para makatakbo.

Nagmamadali akong tumakbo pero ilang saglit lang ay mabilis nitong nahatak ang mahaba kong buhok.

"Tsk tsk, ayoko talaga ng maaarteng babae"

"Please!"

"Mamaya ka na magmakaawa sakin, dadalhin kita sa mga kaibigan ko"

"Ayoko" nagpupumilit akong pumiglas pero malakas sya.

"Anong magagawa mo? Sinong tutulong sayo?" tumawa pa ito bago ako hatakin, dahil dito nag start na kong mag hysterical pero may mga dumadaan na sasakyan at hindi nila ako inaabalang hintuan dahil baka inaakala nilang simpleng away ito.

"Parang awa mo na, may anak akong nasa ospital"

"Anong pake ko doon? Anak ko ba yun?" tumawa pa ito ulit. "Wag ka ng-

Nahinto kami ng may mabilis na sasakyan na nag stir papunta sa direksyon namin at akala ko ay babangga samin kaya napatigil kaming parehas.

Pero mabilis itong huminto, nanatiling bukas ang ilaw ng sasakyan kaya ng bumaba ang sakay nito ay hindi ko pa halos maaninag.

"Geez, this is why I told them to make sure we have patrols on this area"

Hindi ko alam pero boses palang ang narinig ko ay may kakaibang pintig sa puso ko ang nangyari.

"Hoy sino ka?" inis na sabi ng lalaki.

In a split of second ay mas lumapit sya samin.

Sa dilim ng paligid, sa lamig at sa takot na nararamdaman ko, hindi ko alam na sa isang tingin ko sa kanya ay magiging sapat para pakalmahin ako.

Dr. Harper Lennox Takano

I just met him today pero hindi ko alam pano ko nakabisado ang perpekto nitong facial feature and I hate how much I am appreciating his not so long hair pero bagay na bagay sa kanya, yung para syang si Huaze Lei ng Meteor Garden.

"Bitaw" yun lang ang sinabi nya.

"Aba ang angas mo ha, baka gusto mong lumpuhin kita"

Bahagya pang natawa si Dr. Takano sa sinabi nito.

"Bibitawan mo sya o babalian kita ng kamay"

Mas naramdaman ko ang mas mahigpit na paghawak ng lalaking ito sakin marahil sa inis, I stop myself from screaming because of the pain.

Pero binitiwan ako nito bago mabilis na sumugod kay Dr. Takano.

I wanted to run away and leave the scene pero hindi ko alam, hindi ko magawa, tinulungan lang nya ako at kung mapapahamak sya ay totoong kasalanan ko.

Patuloy nyang sinasalag ang pag atake nung lalaki at laking gulat ko ng maglabas ito bigla ng patalim, kaya napasigaw ako.

Lalo akong mas kinabahan ng bahagya nyang masugatan ang isang braso ni Dr. Takano, tila nagulat din yung lalaki kasi ngayon lang sya nakatama pero Dr. Takano took that opportunity to immediately kick him on the face kaya mabilis itong tumilapon sa lapag.

In one look, akala ko patay na ito pero Dr. Takano immediately check on him, nakahinga ito ng maluwag ng tila maramdaman nito ang pulso sa lalaki.

"Bakit kasi ang kulit nya?" umiiling iling nitong sabi.

Nung bumaling ito ng tingin sakin ay tila nagulat pa ako.

"Kamusta ka?"

Hindi ko alam pero hindi ako nakapagsalita agad, marahil dahil sa kaba at takot.

"I guess you're in shock, pero kung ayos lang sayo, just stay inside the car, tatawag lang ako ng pulis"

He guided me to his car at hindi ko magets bakit ako sumusunod sa kanya, maybe because nagtitiwala na agad ako? Dahil mabait sya?

Pinaupo nya ako sa passenger seat. Nanatili syang nasa labas habang may tila tinatawagan.

In 10-15 minutes ay may dumating na kotse ng pulis, nanatili akong nanonood sa kanila habang nakikipag usap sya dito.

Dinampot nila yung lalaki at laking gulat ko pa ng lumapit ang isang pulis at kinatok ako sa bintana, dahan-dahan ko pang binaba ang bintana ng sasakyan.

"Miss, iimbitahan ka na lang namin sa police station pag may kailangan kaming additional statement, nasabi naman na ni Dr. Takano ang lahat samin"

I just nodded.

"Next time mag iingat ka at lagi ng magpapahatid sa boyfriend mo"

"Po?"

"Kilala dito si Dr. Takano, mabait na tao yan, masaya akong sa wakas ay may nakadali na rin ng puso nya"

"Ano po?" mas nako confused kong sagot.

Ngumiti lang ito dahil lumapit na si Dr. Takano samin.

"Ako ng bahala dito, mag iingat kayo pauwi, mabuti na lang at naligtas mo itong nobya mo" sabi nung pulis and Dr. Takano looked at him weirdly pero ti-nap lang nito ang balikat ng huli bago iwan sya.

Bumaling ng tingin sakin si Dr. Takano before he gave me a small awkward smile.

Sumakay na ito sa driver's seat.

"Ibabalik na kita sa ospital, need mong macheck-

"Wag na, ayos lang ako" tila nagulat sya sa pag cut ko. I was just simply avoiding another gastos. "Salamat nga pala"

"It was nothing, pauwi din sana ako just to get some clothes, I live in a condo nearby"

"Mabuti na lang dumaan ka"

He inserted his key kaya naman doon ko napansin yung dugo sa light blue polo nya.

"Wait, dumudugo yung braso mo" hindi ko alam anong nangyari pero mabilis kong hinawakan ang kamay nya to stop him from steering the wheel.

I felt electrocuted because of that at hindi ko alam kung naramdaman nya din iyon.

"Ayos lang naman, I just need to clean it and check it pagdaan ko sa bahay"

Saglit akong tumitig sa kanya, nag iisip ako dahil 15-20 minutes away pa dito ang ospital and if sinabi nyang malapit lang ang condo nya dito then mas advisable na umuwi na muna sya.

"Alam mo, dumaan ka na muna sa condo mo, pwede mo siguro akong i drop na lang sa may sakayan"

"No! Paano if mapahamak ka ulit?"

I was amazed by his tone, he sounds so caring and kind.

"Well, sige, mabilis ka lang naman siguro, I can wait dito sa car"

He nodded.

"Okay fine"

Finally, nagkasundo din kami.

Mabilis kong kinuha ang panyo ko sa bag.

Hindi ko alam pero halos lumabas ang puso ko sa kaba.

"Saglit lang" I told him, mabilis ko namang tinali sa may sugat nya yung panyo, hoping it will help to stop it from bleeding and infection.

"Thank you" he said before he started the engine.

Hindi nga ako nagkamali dahil in less than 5 minutes ay nakapag park na kami sa parking ng condo nya.

Bumaba ito at umikot bago kumatok sa bintana.

"You sure you wanna stay here? May sala naman sa condo ko and I am not the prey type of guy" he smiled at me.

At hindi ko alam anong meron sa kanya at napakadali kong maniwala at magtiwala.

I just nodded and went out of the car to follow him.

Nasa elevator na kami ng mag start sya magsalita.

"Si Misha, is a very hyper kid, I really want to make sure na gagaling sya"

"Ah oo, nalulungkot nga din ako kapag pinagbabawalan ko syang makipaglaro sa iba dahil sa sakit nya, madalas nasa bahay lang sya"

"So you're working? Nasaan ang husband and father ni Misha if you don't mind me asking"

"Ah oo, nagsa sideline ako, ako na lang ang meron si Misha, matagal ng wala ang daddy nya"

"It must be so hard, I cannot imagine losing my parents, kaya naman I see na you are strong woman, Sabrina"

Napalingon ako sa kanya pero busy ang mata nito sa elevator sign na nasa taas namin.

Natandaan nya ang pangalan ko, natandaan nya ako.

Bumukas ang elevator kaya naman sumunod ako sa kanya.

Elegante ang condo building na ito, maayos ang security at alam mong mamahalin.

Naglakad lang kami ng ilang saglit before he stopped to open his condo using yung a keypad lock.

"I'll just fix myself and get some clothes, kaya naman you can-

Nanatili syang nakatingin sakin kaya naman ng lumingon sya to see his condo ay parehas kaming nagulat.

Nagkalat ang rose petals and iilang kandila doon.

"What the hell?"

I felt a weird unfamiliar pang on my chest, is he living with someone in here?

At ano bang pake ko doon?

"Harper, dumating ka na ba?" in a split of second ay lumabas ang isang babae.

She looks like a goddess, her skin is so white and perfect, maganda syang totoo, and she is wearing a white nighties, hindi naman iyon see through but it is a satin.

And she is Elaine Sevilla. Country's top model, the goddess of all!

Her smile automatically faded away ng magtama ang paningin namin.

"Elaine, what are you doing here and what is all of this?"

Why am I here? Bakit sumama pa ako dito, bakit ako nandito? This is so awkward!

"I prepared a surprise for you"

"Well, I am really surprised kasi paano ka nakapasok?"

Nilapag ni Elaine yung hawak nyang baso na naglalaman ng alak.

"Is that so important?"

"It is" seryosong sagot ni Dr. Takano sa kanya.

"Harper naman"

"I guess it is my mom who gave you the key code?"

Hindi nakapagsalita si Elaine, I can feel na napapahiya sya pero sa tono kasi ni Dr. Takano parang hindi talaga sya dapat nandito.

"I'll call my mom and tell her to stop pushing us together, we are friends"

"Friends?" bahagyang humalakhak si Elaine. "Kaibigan lang talaga ako sayo? Did you know how much I ate my pride, how much I am willing to give myself to you tonight and now sasabihin mong hanggang kaibigan lang ako?!"

"Elaine naman"

I am hardly breathing. She is on the verge of crying.

"Alam mo naman sigurong mahal at matagal na kitang gusto Harper!"

"Elaine, I see us as a close friend, like a sister"

"I don't wanna be your sister!" matalim akong tiningnan nito. "and who's this?" unti-unti itong lumapit sakin.

"Uhm-

Hindi ako makapagsalita.

"Isa ka din ba sa umaasang pagtutuunan ka ng pansin nya? He is so busy achieving a lot of things, he is so busy being the Top Pediatrician in the country, he has no-

"Stop it Elaine"

"Why?!"

"You shouldn't talk to my girlfriend like that"

Mabilis akong napabaling ng lingon sa kanya.

What?!

Girlfriend?!

Sinong girlfriend nya ulit?!

----------
To be continued.

Continue Reading

You'll Also Like

189K 4.4K 54
What will you do if you end up in someone else body?
382K 20K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
62K 4K 11
Sta. Maria Series (Herrer Girls- 3rd Generation) ON-GOING
1.7M 47.4K 73
Si Pheobe Tadea ay isang babae na mahinhin at ang kanyang hangarin lamang ay makatulong sa kanyang pamilya. Siya ay pumasok bilang isang katulong sa...