Pure blood Series 4: Adopted...

By Misa_Crayola

404K 3.1K 407

Her parents died when she was four. She doesn't have any relatives that's why she became one of the children... More

ADOPTED BY THE VAMPIRE KING
Prologue
ABTVK: 2
ABTVK:3
ABTVK: 4
ABTVK: 5

ATVK: 1

18.5K 450 53
By Misa_Crayola

Misa_Crayola's 

                                                         

                                  "     ADOPTED BY THE VAMPIRE KING I  "

                                                                          

" Magandang Araw po! " Masiglang sabi ng mga batang nasa tatlo hanggang sampung taon sa mag-asawang naghahanap ng aampunin sakanila. Tumingin ang babae sa asawang lalaki ng may ngiti dahil napakasigla ng mga ito, kung maari lang umampon ng marami. Si Nicole na anim na taong gulang naman ay di nakibati sa mga ito, naroon lang siya sa isang swing. Gusto niyang maging isang madre katulad ng mga sisters sa Saint Rose of Lima.

" Sigurado ka ba na ayaw mong magkaroon ng bagong pamilya? " Mabilis na napalingon si Nicole sa boses ni Sister Jenny at ngumiti ng walang pilit.

" Opo, salamat sister dahil hindi niyo na po ako pinipilit. " ngiti pa niya muli rito,

" Osiya sige, halika at tulungan mo akong maghanda ng Lunch ninyo " si Sister Jenny na hinawakan siya sa kamay, nagkukuwentuhan pa sila bago makarating sa loob at nagtungo sa malaking kusina.

" Sister, gusto ko na talagang magsuot ng ganyan " si  Nicole na ngiting-ngiti na  itinuro ang belo ni Sister Jenny na ikinangiti nito.

" Nicole, bata ka pa marami pang pwedeng mangyari, kung gusto mo ngayon na maging katulad ko maaring sa paglaki mo hindi mo na gusto kaya wag kang magmadali " ngiti ni Sister Jenny na naglalagay ng mga pinggan kapantay ng mga upuan ng mga bata.

" Sigurado na ako sister, promise! " ngiti pa ni Nicole na siya namang naglalagay ng kubyertos sa gilid ng bawat plato.

" Sister Jenny " Isang sister pa na biglang lumitaw sa pintuan ng hapagkainan.

" Magandang umaga po Sister Jing! " masiglang bati ni Nicole.

" Magandang umaga pretty girl " ngiti ni Sister Jing, pero may kaibang kislap ng kalungkutan sa mata nito, saglit na naiwan si Nicole sa hapagkainan dahil lumabas ang dalawang madre.

" Mahal na mahal ko ang lugar na'to, totoo na nakakalungkot na nawawalan ako ng mga kaybigan ilang beses na pero okay lang kung nakikita ko naman na sobrang saya nila na sa wakas may magpapalaki na sakanila. " si Nicole na nakangiti habang kinakausap ang isang ibong maya.

        Sa edad niyang anim ilang pamilya na ang gustong ampunin siya, hindi maikakaila na napakaganda nitong bata. Si Nicole ay naulila noong apat na taon siya, namatay sa aksidente ang mga magulang niya, nasa iisang sasakyan sila ng mabunggo sila ng malaking truck na nakapagpahagis sa  nang malayo sa  sasakyan nila. Himalang nakaligtas siya at gasgas lang ang tinamo, ang papa niya ang humarang sakanya kaya ito ang tinamaan ng bakal na lumusot pa sa katawan nito, maging ang Ina na nagdadrive ay dead on arrival nadin lalo pa at madaling araw naganap ang aksidente wala agad nakasaklolo sakanila.

  Makalipas ang limang araw tuluyan ng napuno ng iyakan ang Saint Rose of Lima, kailangan na nilang lisanin ang lugar at pumunta sa panibagong ampunan na pagdadalhan sakanila, marami ang mga bata sa Saint Rose of Lima kaya naman kailangan paghiwa-hiwalayin ang mga ito.

" Darating na yung huling bisita natin na mag aampon " si Kyla sa mga kasamahan sa malking kuwarto na may tatlumpung doubledeck na higaan. Naglalaro sa apat hanggang sampu ang edad ng mga bata, agad namang bumaba sa taas na higaan ang mga bata at nagtipon-tipon sa baba.

"Mamiss kita" si Mia sa kaybigang si Nicole, magkakahiwa-hiwalay na silang lahat. Nakakalungkot kaya hindi niya napigil maiyak na naging dahilan para mag-iyakan ang mga ito. Ang SRoL ang tahanan nila, kung maampon sila dito sila babalik pagdating ng araw, ngunit paano na mangyayari yun kung ang ampunan na iyon ay nalalapit nang tayuan ng ibang gusali.

" Mga bata, halina kayo " si Sister Jenny na bumungad sa bukas na pintuan, namamaga rin ang mata nito at halatang umiyak ng husto.

Nicole's POV

Isang buwan nalang ang palugit namin, umaasa na sana sa isang buwan na iyon may maampon na samin para magkaroon na ng pamilya bago pa man kami magkahiwa-hiwalay. Isang magarang sasakyan ang huminto, lahat kami nakahanay para abangan kung sino ba ang aampunin nito.  

Pumayag na'kong pagpilian sa mga aampunin, si Mother Superior nakangiti siya sa bisita namin na ikinamangha namin. Tila siya isang prinsipe na nagniningning, may kasama siyang dalawa pang lalaki at nakatitig lang ako sakanya. Nagkatitigan kaming dalawa at bigla nginitian niya ko, kaya sinuklian ko rin siya ng ngiti.

" Siya ang gusto ko " turo niya sakin na ikinagulat ko, 

" Magmamadre po ako! " mabilis kong sagot na ikinangiti niya lalo.

" As I said kung may mapipili ako sakanila handa akong tumulong Mother Superior , yun lang hindi ako gusto ng napili ko " ngiti niya, tinignan ako ni Mother Superior na parang nakikiusap, kaya ngumiti nalang ako kung para sa di pagkakahiwa-hiwalay naming magkakaybigan at tuluyang pagkawala ng ampunan na nagsilbing tahanan ko sa loob ng tatlong taon.

Lumakad ako palapit sa lalaking iyon , isa siyang pinagpalang nilalang sa pisikal na anyo. " Salamat sa pagpili , makakaasa kayo na hindi ako magiging pasaway. " tumungo ako sakanya.

"Hindi kita dadalhin , kapag pinapasundo kita kailangan lang na pumunta ka ng walang kahit anong dahilan. May tamang oras, panahon sa pagsasama natin " ngiti niya, hindi ko siya maintindihan pero kinatuwa ko ng husto na hindi ako aalis sa loo ng ampunan.

" Kayo ng bahala sakanya, ako na ang bahala sa lahat. " ngiti niya, bago tuluyang umalis.

        Sa sinabi niya natuwa ako, hindi niya ko balak isama. Napakabuti niya, sana lahat ng tao ay katulad niya. Hindi ko siya tinatawag na Ama, masyado siyang bata para doon. Pinag-aral niya ko sa isang sikat na eskwelahan at sinuportahan lahat ng pangangailangan ko, hindi naman siya nagpapakita sakin.

 Nicole Shine POV 

" Crush na crush ko talaga siya bhe! " kinikilig na naman tong si Kaye at ang siste! naupo pa talaga sa ibabaw ng desk ko! nagpapacute na naman siya sa loner na si Shin, infairness naman ang guwapo niya talaga. Highschool na kami at magkaklase padin, umm since elementary were classmate na but we never had the chance to talk, medyo aloof kasi siya. Break time, Lunch break hindi ko siya nakikita sa room lang talaga. 

" Hindi ka papansinin niyan " niligpit ko na yung mga libro ko, hinihintay nalang namin yung adviser namin na madalas may mga last words bago kami pauwiin.

" Magkaklase na kayo pero di ka niya pinapansin ang ganda mo naman!  "siya na tila nagtaka, natawa naman ako ang kulit talaga nitong bestfriend ko.

" Gagraduate ka ng di man lang nakakausap ang crush mo ng matagalan! naku bessy kawawa naman ang beauty mo! " ang kulit niya, nagsisi na tuloy akong nasabi ko sakanya na magboboyfriend lang ako kung si Shin, pero joke lang yun dahil magmamadre ako nuh, pero crush ko siya slight. *u*

" Tumigil ka nga marinig ka ng mga kaklase natin! " saway ko sakanya, ang ingay talaga ng klase namin pag mag-uuwian na, kanya-kanyang topic at chismisan. Hindi ko naman sinasadya napatingin nalang ako basta kay Shin, nakakalumbaba siya at nakatingin sa labas, ang guwapo niyang tignan sa last chair ng row 1.

Maraming nagkakagusto sakanya, yung tipong mala-artista siya kapag nandiyan at nagkakagulo ang mga babae. Kahit yata di siya namamansin okay lang sa mga babae, hindi naman masama ang ugali niya para lang siyang may sariling mundo kahit noon but then, matalino siya top 1 nga namin siya and candidate na siya for Valedictorian, balita ko sa ibang school na siya magaaral ng senior high, ako naman hindi ko alam kung magtutuloy pa'ko still kasi wala padin sinasabi ang tagasilbi ko na ipinadala ng umampon sakin, ganoon padin kaya siya kumikinang parin sa kaguwapuhan? *u*

Tumahimik, kaya umayos ako ng upo at tumingin sa unahan. Nandoon na si Mrs. Chanyeol. May hawak siyang pulang box hanggang makarating siya sa desk niya.

" Okay, listen dahil sakto naman kayo sa bilang, twenty  boys and twenty girls ang mga girls nalang ang bubunot kung sino ang magiging partner nila. So, nasa loob ng box na'to " tinaas niya yung red box " ang pangalan ng mga lalaki niyong classmate " si Mam, inilagay niya sa row 1 ang box para ipasa hanggang makarating sa dulo " sabay-sabay ang pagbubukas " nakabunot na sila hanggang makarating sakin at sa pinakadulo, nahahati kami sa three rows.

Alam ko marami sakanila yung gustong makapartner si Shin, ako? *u* bakit hindi!

" Okay, buksan niyo na " si Mam, sabay-sabay naman namin binukas yung naka roll na maliit na color blue na papel at halos mamula ako ng husto ng makita ko kung sino "  Shin Crescent " siniko ako ni Kaye na ikinabigla ko,

" huist ! sino daw yan loka! " si Kaye sa tabi ko, napatingin ako sa paligid, lahat sila nakatingin sakin maliban kay Shin. Lalo akong kinabahan.

" Miss Heartfilia? " untag ni Mam, kinuha naman sakin ni Kaye yung papel ko at siya na ang nagbasa, gusto ko siyang sabunutan sa ginawa niya nakakahiya.

" Shin Crescent! " ani Kaye na tila gulat pa, narinig ko yung pagkainggit nila na sana sila nalang, oh sige sila nalang ayoko ng ganito.>< 

"Shin? " si Mam, napatingin tuloy ako kay Shin na nakatitig nadin sakin at ngumiti , ang unang beses na nginitian niya ko hala siya! >< kinikilig ba'ko, diba magmamadre ako. erase, erase!

"  I don't know how to approach him, nahihiya ako sakanya. Hindi naman ako komportable makipagusap sa lalaki, nahihiya ako " Naglalakad kami palabas ng school ni Kaye,

" Ang arte! chance mo na yun para di ka mamatay na virgin! " siya, ang lakas ng boses to talagang si Kaye. ><

" Ano ka ba! ang layo naman ng narating mo! " saway ko sakanya, pakiramdam ko tuloy pulang-pula ako. May huminto na sasakyan sa harapan namin, nginitian ko si Kaye at siniko " Uy! sige na babye " boyfriend niya kasi yun from another school.

 " Bye Bessy! " masayang bineso niya ko bago sumakay sa kulay puting sasakyan. Naglakad na ko pauwi, tinignan ko yung relo ko maaga pa pala.

" Hi "

" Ay! " mabilis kong hinawakan yung dibdib ko, grabe nagulat ako! nilingon ko kung sino yun pero mas mabilis pa yung pagtahip ng tibok ng puso ko ng makilala ko kung sino yun, he was smiling at me? Oh God, is it true?

" Nics, your my partner right? " aniya, Nics? siya lang yung tumawag sakin nun, kilala pala niya ko, akala ko di ako nag eexist sa paningin niya.

" O- oo, pauwi ka naba? " ako, wala akong matanong nahihiya ako, tapos ang sasama pa ng tingin sakin nung mga babae! Mother Superior help me!

" You like mind chatting? " siya na naglakad na at iniwan ako ng ngiti, akala ko aalis na siya pero nilingon niya ulit ako " Take a step, let's talk " ngiti niya waaa! bakit siya ganito, nginingitian niya talaga ko seriously?

Sabay kaming naglalakad, ang tahimik. Sana naging kasing daldal nalang ako ni Kaye, hiyang-hiya ako. Gusto ko siyang kasama maglakad pero may part padin na gusto ko na makarating na agad sa SRoL.

" We were classmate ever since, but I never had the chance to talk to you, yet your still quiet. " siya, bakit siya ngiti ng ngiti! ><

"Ha?" gulay naman! narinig ko naman bakit para kong ewan,

" Sabi ko saan ka, ihahatid na kita " natatawa na siya kaya natawa nadin ako,

" Wait! hihinga lang ako " inhale, exhale

" Okay na? " siya na nakaplaster talaga yung smile.

" Okay na! Kinakabahan ako sayo e" amin ko sakanya,

" Rapist lang? " siya, anu ba yan ang kulit niya palang kausap.

" Akala ko kasi masungit ka! Wala kasi akong nakikitang kaybigan mo, hindi din kita nakikita pag break time " 

" So you care where I am " siya na ikinatigil ko paglalakad, nahahalata na yata ako, naman kasi!

"I'm joking, seryoso masyado " ginulo niya yung buhok ko, lalo lang nagwawala yung puso ko Shin isa kang hadlang sa pagiging Madre ko!

Hinatid niya ko sa malaking gate ng St. Rose of Lima na kinauuwian ko.

"Thank you" ngiti ko sakanya,

" Hindi naman kita hinatid, malapit din ako dito " siya na ikinangiti ko lalo, ginulo niya pa yung buhok ko bago naglakad padiretso, paano naman siya naging taga dito? Nagkamali ako ng pagkilala sakanya for the past years na kaklase ko siya, ang kulit niya rin pala mukha lang siyang bad boy.*u*

Pumasok na ko sa loob, nakasalubong ko si Sister Jenny na inuugoy sa swing si Mika, three years old lang siya at kadarating lang sa orphanage.

" Good afternoon po Sister " ngiti ko sakanya,

" Oh, Nicole pumunta ka kay Mother Superior pinatatawag ka niya, tungkol yata kay Mr. Zordick " sa pagkakarinig ko ng apelyido ng lalaking sa tingin ko pinakamabait natuwa ako, matagal ko na siyang di nakikita but I feel happy and excited kahit yung mga letters niya na tila dalawa lang sa isang taon.

Pumunta agad ako kay Mother Superior, inabutan ko siyang nakatayo at may hawak na isang folder.

"Mother Superior" di ko naitago yung excitement ko.

" Nicole " masayang bati ni Mother Superior, inilapag niya yung folder at may kinuha sa ilalim ng mesa niya na isang magandang  green na kahon na may laso pang kulay apple green, alam ko na agad kung kanino yun galing. Siya lang naman ang kilala kong may Emerald green na mga mata.

" Ipinabibigay niya sayo, sa tingin ko para yan sa party mo " si Mother Superior, kinuha ko naman yung box.

" Thankyou Mother Superior! sayang hindi ko kasi alam kung paano ko siya susulatan, hindi ko rin alam kung paano siya pupuntahan kaya di ko masabi sakanya yung pasasalamat ko " totoo yun, wala akong alam about him, kahit naman sila Mother Superior, may nagdadala lang ng mga iyon pero walang makikitang address or contact number.

 Tinignan ko yung nakadikit na dedication paper na ikinabilog ng mata ko " We will surely meet soon " ayun yung nakasulat.

"Mother! magkikita na kami!" tuwang talon ko, tapos sabay " Sorry po, masaya lang " bawal nga pala yung masyadong maingay.*u*

"Ikaw talaga, osiya sige na magpalit ka na at malapit na ang hapunan" siya na tinapik ako sa balikat.

Masaya ako. Imagined ngayon ko nalang makikita yung lalaking nag adopt sakin, kahit nandito ako sa SRoL walang palya ang suporta niya sakin, minsan din sobra-sobra at may mga support pa siya sa orphanage, he's so good and kind. I'm excited to meet him ,to thank him personally, whatever it takes kahit anong gusto niya gagawin ko, even yung course na gusto niyang ite-take ko, feeling ko kasi sakanya ko nakita yung isang parent, bigbrother and ideal prince charming. *u*

" May asawa na siguro siya, masyado akong bata nung nakilala ko siya. " Almost nine years, " I will surely meet you, My Prince Charming! "  *u*

  

                        READ.VOTE.COMMENT! *u*

 Hope you like my new story, *u* ! To my new readers, may mga tauhan na mababanggit dito na naisulat ko na kung gusto niyo basahin niyo rin para mas maunawaan niyo, but it's okay naman kahit di niyo basahin,nasa first account ko siya na MisaCrayola *u*

 VOTE.COMMENT! para sipagin naman ako magudate hahaha *u*

Dedicated saking first account , naka moveon nako sayo no! hahaha! *u* 

Continue Reading

You'll Also Like

539K 5.7K 21
I oath to my job. To protect people, to keep them safe, to swear to the constitution and obey the laws and orders of our state, is my top priority ab...
71.7K 2.1K 15
Meet the P5NTA Brothers! THE five 'hawt' guys, with old name, old fame, and old money. Introducing: CLINT MONTEVERRO - The Campus Sweetheart/Cold-Hea...
6.2M 67.8K 71
[ Highest Rank Achieved #1 in Gangster ] LIXIEN: Ano ba?! Why are you acting like a jealous boyfriend?! CLYDE: Damn it Lixien! Beacause I'am! Don't e...
57.3K 2K 14
Sa isang madalim na gubat nangyayari ang isang kakabalaghan na kung saan ay pag sapit ng umaga ay isang taong walang buhay ang madadatnan. Sino ang m...