Knight Academy

By Banshee_Jinx

263K 8.6K 751

Knight Academy. Isang paaralan na nagtuturo sa mga nilalang na nabiyayaan ng kakaibang kakayahan. Mga ability... More

Prologue
Chapter 1 - Mysterious
Chapter 2 - Illusion
Chapter 3 - The Start
Chapter 4 - Sisters
Chapter 5 - Encounter
Chapter 6 - The Attact
Chapter 7 - Friends
Chapter 8 - Class
Need Help
Chapter 9 - The Group
Chapter 10 - Punishment or Blessing?
Chapter 12 - New Prince?!
Chapter 13 - Crystal Molding
Chapter 14 - Peace?
Chapter 15 - The meeting
Chapter 16 - The Dodge Ball Game (Part 1)
Chapter 17 - The Dodge Ball Game (Part 2)
Chapter 18 - Our Story
Chapter 19 - Last Glimpse
Chapter 20 - Girls' Day
Chapter 21 - Assasins
Chapter 22 - The Chase (Part 1)
Chapter 23 - The Chase (Part 2)
Chapter 24 - Story Behind
Chapter 25 - Sh*t Happens
Chapter 26 - El's Fools
Chapter 27 - Kururu
Chapter 28 - Silly Feelings
Chapter 29 - Cloak Guy
Chapter 30 - Him
Chapter 31 -

Chapter 11 - Breakfast

7.2K 290 6
By Banshee_Jinx

Shin's P.O.V

Pagkalabas ko ng pinto, nakita ko si ate na nag-aayos ng bag.

"Good morning ate." Bati ko sa kanya.

"Good morning din Shi-- " bigla siyang natigilan pagkalingon niya sa akin. Dali-dali siyang lumapit sa may pwesto ko at saka hinawakan ang mukha ko gamit ang kanyang mga kamay at saka tiningnan nang mabuti na parang may sinusuri.

"Sabihin mo sa akin Shin, nagda-drugs ka ba?" Seryoso niyang sabi habang hawak pa din ang aking mukha at nakatingin ng diretso sa mata. Tinanggal ko naman dahan-dahan ang hawak niya sa akin.

"Ate naman. Hindi naman ako adik 'no." Pagkamalan ba naman akong adik.

"Eh kasi naman Shin, tumingin ka nga sa salamin. Para kang zombie na panda. Ang laki ng eyebags mo." Nanlaki naman ang mata ko.

"Halatang-halata ba ate?" Tanong ko habang nakahawak sa mukha ko.

"Oo. Kitang-kita. Dinaig mo pa nga 'yung nag overtime." Dahil sa sinabi ni ate ay dali-dali akong pumasok sa kwarto ko para magsalamin. Nakita ko na para nga akong adik.

Waaah! Anong gagawin ko?! Baka maturn-off sa akin si sir Micael dahil sa laki ng eye bags ko. Paano ba naman eh! Hindi ako nakatulog ng maayos kakaisip sa kung anong mangyayari mamaya. Akalain mo 'yun, magiging apprentice ako ng isa sa mga pinakagwapong teacher dito sa Knight Academy! Aba, malaking bagay sa akin 'yun. Makakasama ko buong araw ang crush ko! Haaay... sa tuwing maiisip ko 'yun, nanlalambot ang mga tuhod ko sa kilig. Ehhh! >///////

"Dalian mo Shin! Baka malate ka na naman!" Sigaw ni ate sa labas.

Dali-dali akong naligo. Pero syempre hindi ko naman masyadong minadali. Syempre naghilod pa ako. Baka mamaya maturn-off si sir kapag libagin ako.

Pagkatapos kong gawin ang mga dapat gawin ay nagbihis na ako. Syempre merong panty. Baka mamaya matanong na naman ako ni Mira. Ang kulit pa naman 'yun. Nagsuot din ako ng sports bra para kumportable. Ang isinuot ko ay short shorts na pinatungan ng itim na palda at t-shirt. Hindi na naman 'yan kita kasi nakasuot ako ng cloak. Nagsuot din ako ngayon ng telang mask na bibig hanggang ilong ang natatakpan. Pinuyod ko naman ang buhok ko sa magkabilang gilid.

Tumingin ako sa salamin. 'Yan, pwede na!

Kinuha ko na ang bag ko at saka lumabas.

"Shin, mauuna na ako. Mag-iingat ka ha? Baka mamaya may kung ano na namang mangyari sa iyo. Lapitin ka pa naman ng gulo. Baka maging tirahan mo na 'yang medical department." Pagpapaalala sa akin ni ate.

"Sige ate, mag-iingat po ako. Ikaw din po, mag-iingat ka." Sabi ko sa kanya.

Umalis na siya para pumasok. Lumabas na din ako para pumuntang cafeteria. Bakit hindi kami sabay? 'Di ba sabi ko sa inyo mas maaga ang klase nila. Kaya hindi kami magkakasabay pumasok at kumain maliban na lang kung magpapalate siya o kaya ay aaga ako.

"My loves!" Habang naglalakad ako ay may biglang dumamba sa likod ko. Buti na lang hindi kami natumba. Ang bigat pa naman niya. Kahit hindi ako lumingon, kilala ko na kung sino itong dumamba sa akin. Isa lang naman tumatawag sa akin ng ganyan eh-.-

"'Wag ka ngang sumakay sa likod ni Shin, Joanne. Baka makuba 'yan. Ang bigat mo pa naman." Napatingin ako sa nagsalita. Tsk. 'Yung tukmol pala. Bumaba naman sa likod ko si Joanne at nakapamay-awang na humarapkay tukmol.

"Hoy Red. Anong mabigat ang pinagsasasabi mo diyan? Ang gaan ko kaya. Ang sabihin mo masyado ka lang mahina kaya nabibigatan ka sa akin." 'Yan Joanne. Awayin mo 'yang tukmol na 'yan!

"Anong mahina? Aminin mo na lang kasi na mabigat ka. Sino ba naman ang hindi bibigat kung kasing takaw mo kumain?" Pang-aasar naman ni tukmol. Magsasalita na sana si Joanne nang biglang sumulpot si El.

"Oh, tama na muna ang bangayan ninyo. Bumaba ka na Joanne sa likod ni Shin. Totoo namang mabigat ka kaya baka makuba nga si Shin. Ikaw naman Red, 'wag mo nang asarin si Joanne." Sabi sa kanila ni El.

Bumaba naman sa likod ko si Joanne habang nakapout. Si tukmol naman ay dinilaan si Joanne kaya dinilaan din siya ni Joanne. Hay, para naman silang mga bata. Mas bata ako sa kanila pero mas bata pa silang kumilos sa akin.-.-

"Magandang umaga Shin!" Nakangiting bati sa akin ni El kaya binati ko din siya.

"Hindi ninyo ata kasama 'yung dalawa." Ang tinutukoy ko ay si Ella at Alex.

"Nauna na sila sa cafeteria." Paliwanag naman ni El. Tumango naman ako.

"Sabay na tayong pumunta sa cafeteria Shin." Akit naman sa akin ni El. Tumango ulit ako.

"Ano ba 'yan. Puro tango lang ang ginagawa mo. Sige ka. Baka mapanis 'yang laway mo." Singit naman ni tukmol. Napairap ako sa kanya. Hinila ko na ang kamay ni El atsaka naglakad papuntang cafeteria.

"Oy! Hintayin mo kami my loves!" Nadinig kong sigaw ni Joanne pero hindi ako tumigil. Sorry Joanne. Nabibwisit lang ako jan sa nakabuntot.

"S-salamat *hinga* n-naman *hinga* t-tumigil ka *hinga* na." Hinihingal na sabi ni El habang sapo ang kanyang dibdib pagkadating namin sa cafeteria. Sumulpot naman si Ella kasama si Alex. Nagbulong-bulungan naman 'yung mga tao sa paligid kung bakit ko daw kasama si El at nilapitan ng dalawang 'to. Inismidan ko sila. Ano bang paki nila? Mga insecure lang kasi hindi sila makalapit sa mga 'to. Paki ko ba sa kanila?

"Shin, anong nangyari diyan kay El? Bakit hingal na hingal?" Tanong ni Ella habang si Alex naman ay hinahagod ang likod ni El habang pinapainom ng tubig. Nagkibit-balikat ako.

"Hindi ko alam. Hinila ko lang naman siya kasi nagugutom na ako." Totoo naman eh. Bukod sa naiinis ako sa tumol na 'yun ay nagugutom na din ako.

"Ayos ka lang ba El?" Nag-aalalang tanong ni Alex kay El habang pinapaypayan. Naks naman. Parang magkasintahan umasta ah. Hindi na ako magtataka kung may isiping iba ang mga tao sa paligid. Sobrang close nila eh.

"A-ayos lang naman ako Alex. Medyo napagod lang ako kasi ang bilis maglakad ni Shin. Ah, mali. Ang bilis niya palang tumakbo. Para kaming hinahabol ng kabayp eh. Naiwan tuliy sila Joanne." Sabi ni El. Naku, El. Kung alam mo lanh. Hindi kabayo ang humahabol sa atin. Mas tamang sabihin na may humahabol sa atin na tukmol na mukhang kabayo. Hahaha...hard ba? Wala eh. Nabibwisit talaga ako sa tukmol na 'yun.

"Aba. Si Joanne, naiwan? Eh parang kabayo tumakbo 'yun eh. Hahaha-- Aray ko naman El! Bakit mo ako binatukan?" Sabi ni Alex habang hinihimas ang parte na sinapok ni El.

"Kung ano-ano kasi ang pumapasok sa utak mo eh. Mamaya madinig ka ni Joanne. Kaya kayo nag-aaway eh." Pangangaral ni El.

"Opo nanay. Hindi na mauulit. Aray! Oo na titigil na!" Dalawa na 'yun ah. Baka mamaya may bukol na si Alex.

"Kayo talaga. Kaya nagseselos sa inyo si Joanne eh." Sabi ni Ella pero pabilong lang 'yung huling parte na siguradong hindi nila madidinig pero nadinig ko dahil magkalapit lang naman kami.

"Ano 'yung huli mong sinabi Ella? Ang hina eh. Hindi ko madinig." Sabi ni Alex na mukhang interesado sa sinabi ni Ella.

"Wala. Chismoso ka masyado. Para kang bakla. Kung hindi ka babaero, papagkamalan talaga kitang bakla. O sha. Tama na 'yan. Pumila na tayo para kumuha ng pagkain. Shin, sa amin ka na sumabay ng pagkain ha?" Sabi ni Ella. Hmm... wala naman sigurong masama kung sasabay ako sa kanila. Wala naman dito ngayon sila Mira. Kaya tumango ako.

Nagningning naman ang mata niya.

"Yes! Akala ko ay tatanggi ka na naman. Magtatampo na sana ako eh. Hindi ka sumama sa amin noong nakaraan. Pero ayos lang. Alam ko naman ang dahilan mo." Sabi niya. Nagtaka naman ako doon. Paano niya nalaman?

"Hindi ako mind-reader ha. Hmm... sabihin na natin na wild guess lang. Sino ba naman ang hindi mahihirapan mamili sa pagitan ng iyong mga bagong kaibigan at bagong kaklase. Pareho mo na kaming kaibigan kaya siguradong magtatampo ang hindi mo sinamahan. Nagpapasalamat ako dahil wala kang pinili. Ang sama kasi ng tinginan nila Mira at El eh. Kung may pinila ka, siguradong magiging trophy ka na pag-aagawan ng dalawa. Magkakaroon na naman sila ng pag-aagawan bukod sa rank. Kaya nagpapasalamat ako kasi pinigilan mo ang isang gyera na mangyayari sa pagitan ng dalawang 'yun." Napatawa naman kami sa sinabi niya habang si El ay napanguso.

Pumila na kami para kumuha ng pagkain. Ako ang nasa unahan nila. Syempre, magpapahuli ba ako kung pagkain ang usapan? Naku! Basta tungkol sa pagkain, hindi ako magpapahuli.

Nang ako na ang nasa kaunahan ay ibinigay ko na ang tray na kinuha ko. Sa ate Nina pa rin ang nakatokang magbigay ng pagkain sa pila ko. Mayroon kasing sampung pila dito sa cafeteria. Ibig sabihin, sampu rin ang nagbibigay ng pagkain.

Ngumiyi siya sa akin kaya ngumiti din ako.

"Good morning! Ano ang sa iyo?"

Sinabi ko sa kanya 'yung mga pagkain na binili ko kahapon. Katulad kahapon ay naghintay ako hanggang sa dumating siya dala-dala ang isang tray na kayamanan ko. Hinihingal na inilapag niya ang pagkain.

"E-enjoy *hinga* your *malalim na hinga* Enjoy your meal!"

"Salamat po." Bati ko sa kanya pabalik at saka binuhat 'yung isang tray. Natulala naman siyang tiningnan ako.

"Hindi ka ba nabibigatan diyan sa dala mo?" Nagtatakang tanong niya sa akin.

Tiningnan ko siya at saka sa tray at sa kanya ulit. Hindi naman mabigat ah?

"Hindi naman po." Napatulala pa rin siya sa akin. Nakaramdam naman ako ng pagiging kumportable sa paraan niya ng pagtitig.

"Uhm..sige po. Aalis na ako. Salamat po ulit." Sabi ko at saka umalis sa pila. Hinintay ko lang na makakuha na sila El ng pagkain at saka kami pumunta sa lamesa na inupuan nila kahapon. Sa tingin ko ay may kanya-kanyang lamesa ang mga estudyante dito. Teritoryo kung baga.

Pagkaupo ko ay biglang nagsalita si Alex.

"Whoa Shin. Ang dami niyan ah. Hindi naman halatang gutom ka. Mauubos mo ba lahat 'yang isang bundok na 'yan?" Tanong niya. Ang o.a naman ata niya. Para namang konti 'yung kinuha niya eh konti lang ang dami ng kinuha ko sa kinuha niya.

"Sobra ka naman. Ikaw nga rin eh, ang daming kinuha. At saka hindi lang naman ang mga lalaki ang may karapatang kumain ng madami." Pagdadahilan ko sa kanya.

"Oo nga naman Alex. Hindi mo ba alam na mas malakas kumain ang babae kaysa sa lalaki?" Singit naman ni El.

"Hindi naman sa ganoon. Kaunti lang kasi ang mga babae na madami kumain kaya nabigla ako. Pero sa bagay, halata naman sa'yo na malakas ka kumain kaya hindi na dapat ako magtaka na may babae na malakas kumain." Tumawa kami sa sinabi ni Alex habang si El naman ay ngumuso.

Patuloy lang sila sa pag-aasaran habang ako ay nagsimula nang kumain.

"Shin!" Napapasarap na ang kain ko nang tinawag ako ni Joanne. Hindi ko namalayan na dumating na sila ni tukmol.

"*pout* Shin naman eh. Kanina pa kita kinakausap pero kahit isang salita wala ka pang sinasabi. Sa tingin ko nfa ay hindi mo alam na dumating na kami *pout*", nagtatampong sabi ni Joanne. Napakamot ako sa ulo ko.

"Pasensya ka na Joanne. Napasarap ang kain ko kaya hindi ko na namalayang dumating ka na pala." Paghingi ko sa kanya ng paumanhin.

"Hmm...sige na nga. Basta hintayin mo ako ha? Sabay na tayong pumasok." Sabi niya sa akin.

Tulad nga ng sinabi niya ay hinintay ko silang matapos dahil ako ang kaunahang matapos.

Nang natapos na sila ay tumayo na sila sa kanilang upuan.

"Tayo na baby loves." Aya sa akin ni Joanne.

"Saglit lang." Sabi ko. Inimis ko na muna ang pinagkainan ko. Itinapon ang mga basura sa tamang basurahan. Binuhat ko ang tray na may lamang pinagkainan ko at saka naglakad papalapit sa isang lamesa at saka inilagay ang mga pinagkainan. Nagulat ako dahil paglingon ko ay nasa may likuran ko si tukmol.

"Tabi." Sabi niya at saka inilagay ang mga pinagkainan niya. Tss. Gaya-gaya.

"Excuse me Shin." Sabi ni El at saka inilagay ang pinagkainan sa lamesa. Sumunod si Joanne, Ella at Alex. Anonh nangyari sa mga 'to? Bakit sinipag ata? Samantalang kahapon iniwan lang ang pinagkainan nila sa lamesa.

"Anyare sa inyo?" Tanong ko.

"Kyaa~~! Baby loves. Nakakainlove ka talaga. Dagdag love points na naman. Ang sipag-sipag mo. Ikaw ang nag-iimis ng pinagkainan mo. Pwede na tayong magpakasal." Sabi niya na tumitili pa.

"Ano bang pinagsasasabi mo diyan Joanne? Hindi kayo pwedeng magpakasal kasi kami ang ikakasal!" Singit naman ni El. Ano ba 'yan. Dumagdag pa si El sa kalokohan ni Joanne. Pero dapat na nolang itigil 'yan. Ang sama ng tingin sa akin ng mga lalaki bukod kay Alex at tukmol eh. Akala ata nila lalaki ako tapos pinag-aagawan ako nitong dalawa. Ano ba 'yan. Dagdag na naman sa mga haters ko. Pero paki ko ba sa kanila? Isipin na nila ang gusto nila. Hindi ko na kasalanan na isipin nila na lalaki ako. Hindi naman ako ang mapapahiya eh.

"Tama na nga 'yan. Pumasok na tayo." Awat ko sa kanila. Baka magpatayan na eh.

Lumingon sa akin si Joanne.

"Magandang ediya 'yan. Ihahatid ka na namin sa room mo ha, Shin." Sabi niya sa akin. Umiling naman ako kaya napanguso siya. Napatawa naman ako sa reaksyon niya.

"'Wag ka nga ngumuso. Nagiging magkamukha na kayo ni El eh. Hindi ninyo na ako kailangan ihatid kasi sasama ako sa room ninyo." Sabi ko. Nagtaka naman sila.

"Anong gagawin mo sa room namin Shin?" Tanong ni Ella.

"'Di ba adviser ninyo si sir Micael?" Tango sila.

Nagsalita si Alex." Teka lang Shin, sir Micael ang tawag mo kay sir Ed?" Tumango ako. "Aba, may hindi sinasabi si sir Ed ah. Wala namang pinapayagang kahit sino si sir Ed na tawagin siyang Micael ah. Pero bakit ka niya pinayagan?" Mukhang nagkainteres din 'yung iba sa tanong ni Alex kaya tiningnan nila ako. Tsk. Iba naman silang makatingin. Para akong isang specimen.

"'Wag ninyo nga akong tingnan ng ganyan. Pumayag siya kasi pumayag din akong tawagin niyang Shirly." Sabi ko sa kanila.

"Eh ano namang gagawin mo doon?" Tanong ni Ella.

"Magiging appretice niya ako bilang parusa doon sa nangyari kahapon." Napa 'ahh' naman sila.

"Ah wait. Kailangan ko na muna palang ibigay itong slip kay teacher Lory."

Naglakad na kami papunyang class ay nakasalubong namin si teacher Lory sa daan kaya doon ko na ibinigay ang slip kaya ngayon ay naglalakad na kami papuntang classroom nila.

Kumatok muna kami pumasok. Sumalubong sa amin ang isang nakakaaliw na pangyayari.

~~~

Chiaki's note:

Decision making: 99+

Creativity: 13

Hahaha! Lols ang result ng NCAE. Share lang!

Hello po! Pasensya na po dahil ang tagal na walang update. Boring din at maikli ang update na ito. Humihingi po ako ng pasensya dahil doon.

Pero may good news po. Tapos na ang final exam! Yehey! Tapos na ang HELLxamination. Ibig sabihin baka mapadalas ang update!

Salamat po sa lahat ng magbabasa, nagvovote at nagcocomment sa story na 'to! Kahit po na boring pinagtatyagaan ninyo! Sige po puputulin ko na 'to. Nagiging nobela na.^-^

'Till next update! Vote and Comment po! LOL. Lots of love. ~~Chiaki.

Continue Reading

You'll Also Like

175K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...