"π‘΄π’š 𝑭𝒂𝒃𝒍𝒆𝒔" 3 (π™²πš˜πš–...

By air-styper

3.5K 523 34

πšƒπš‘πš’πšœ πš’πšœ πš–πš’ πšπš‘πš’πš›πš πšπšŠπš‹πš•πšŽ πš‹πš˜πš˜πš” πšŠπš—πš πš’πš πš’πšœ πšŽπš—πšπš’πšπš•πšŽπš "π™Όπš’ π™΅πšŠπš‹πš•πšŽπšœ" 3. πšƒ... More

π™Έπ™½πšƒπšπ™Ύπ™³πš„π™²πšƒπ™Έπ™Ύπ™½
21πš‚πšƒ 𝙡𝙰𝙱𝙻𝙴: πšƒπ™°π™Άπ™°π™»π™Ύπ™Ά
21πš‚πšƒ 𝙡𝙰𝙱𝙻𝙴: π™΄π™½π™Άπ™»π™Έπš‚π™·
22𝙽𝙳 𝙡𝙰𝙱𝙻𝙴: πšƒπ™°π™Άπ™°π™»π™Ύπ™Ά
22𝙽𝙳 𝙡𝙰𝙱𝙻𝙴: π™΄π™½π™Άπ™»π™Έπš‚π™·
23πšπ™³ 𝙡𝙰𝙱𝙻𝙴: πšƒπ™°π™Άπ™°π™»π™Ύπ™Ά
23πšπ™³ 𝙡𝙰𝙱𝙻𝙴: π™΄π™½π™Άπ™»π™Έπš‚π™·
24πšƒπ™· 𝙡𝙰𝙱𝙻𝙴: πšƒπ™°π™Άπ™°π™»π™Ύπ™Ά
24πšƒπ™· 𝙡𝙰𝙱𝙻𝙴: π™΄π™½π™Άπ™»π™Έπš‚π™·
25πšƒπ™· 𝙡𝙰𝙱𝙻𝙴: πšƒπ™°π™Άπ™°π™»π™Ύπ™Ά
25πšƒπ™· 𝙡𝙰𝙱𝙻𝙴: π™΄π™½π™Άπ™»π™Έπš‚π™·
26πšƒπ™· 𝙡𝙰𝙱𝙻𝙴: πšƒπ™°π™Άπ™°π™»π™Ύπ™Ά
26πšƒπ™· 𝙡𝙰𝙱𝙻𝙴: π™΄π™½π™Άπ™»π™Έπš‚π™·
27πšƒπ™· 𝙡𝙰𝙱𝙻𝙴: πšƒπ™°π™Άπ™°π™»π™Ύπ™Ά
27πšƒπ™· 𝙡𝙰𝙱𝙻𝙴: π™΄π™½π™Άπ™»π™Έπš‚π™·
28πšƒπ™· 𝙡𝙰𝙱𝙻𝙴: π™΄π™½π™Άπ™»π™Έπš‚π™·
29πšƒπ™· 𝙡𝙰𝙱𝙻𝙴: πšƒπ™°π™Άπ™°π™»π™Ύπ™Ά
29πšƒπ™· 𝙡𝙰𝙱𝙻𝙴: π™΄π™½π™Άπ™»π™Έπš‚π™·
30πšƒπ™· 𝙡𝙰𝙱𝙻𝙴: πšƒπ™°π™Άπ™°π™»π™Ύπ™Ά
30πšƒπ™· 𝙡𝙰𝙱𝙻𝙴: π™΄π™½π™Άπ™»π™Έπš‚π™·
𝙴𝙽𝙳 𝙾𝙡 πšƒπ™·π™Έπšπ™³ 𝙱𝙾𝙾𝙺
π™°πš„πšƒπ™·π™Ύπš'πš‚ π™½π™Ύπšƒπ™΄

28πšƒπ™· 𝙡𝙰𝙱𝙻𝙴: πšƒπ™°π™Άπ™°π™»π™Ύπ™Ά

71 16 0
By air-styper

"Ang Walang Katulad na Kwento ni Natoy sa Panabon ng Tag-ulan"

Isang araw, may isang batang babaeng naliligaw sa kagubatan ng Hiwaga.

Siya ay si Claire na galing sa mayamang pamilya.

Takot na takot si Claire sa loob ng kagubatang iyon na hawak-hawak ang kanyang laruan.

Siya ay kinakabahang naglalakad kung saan-saan para hanapin ang labasan sa kagubatang iyon.

Hanggang sa may nagpakita sa kanyang isang kapre, isang tikbalang at isang unano.

Dahil doon, sobrang natakot si Claire dahil dito.

Dahil sa kanyang pagkatakot ay ibinato niya sa kanila ang kanyang laruan na si Natoy na isang plastic na laruan. Ang laruan niya ay isang prinsipe.

Pagkatapos niyang ibinato, agad niyang pinagsisihan na ibinato niya ang paborito niyang laruan sa kagubatan.

Dahil sa takot ay hindi na niya ito binalikan at tumakbo na ito kung saan-saan.

Hanggang sa nakalabas ito sa loob ng kagubatan.

Dahil doon ay naiwan ang laruan ni Claire na si Natoy sa kagubatan ng Hiwaga.

Sa araw na iyon ay hindi na niya binalikan pa ang kanyang laruan.

Dahil sa hiwaga ng kagubatan, bigla nalang siyang pinalibutan ng mga gamo-gamo at pagkatapos nilang pinalibutan ay nangyari ang hindi inaasahan.

Bigla nalang itong gumalaw na parang nagkaroon ng buhay pero isa pa rin siyang plastik na laruan. Siya rin ay nakapagsalita sa loob ng kagubatang iyon.

"Buhay ako! Pero paano ito nangyari! Sapagkat laruan lang ako!" sabi ni Natoy sa kanyang sarili.

Bigla naman siyang pinuntahan ng isang kapre, tikbalang at unano.

Dahil dito ay nakita ni Natoy ang mga ito at bigla itong natakot.

Pero agad naman siyang kinausap ng kapre.

"Kalma ka lang bro."

Pati rin ang unano.

"Tama, kalma ka lang dahil hindi ka namin sasaktan."

May sinabi rin sa kanya ang tikbalang.

"Tama. Dahil nandito ka ngayon sa kagubatan ng hiwaga, laruan. Welcome ka dito kaibigan. Basta huwag mong sasaktan ang kagubatan!"

Biglang kumalma si Natoy at naisip niyang kahit parang nakakatakot ang kanilang anyo ay parang wala naman silang balak na saktan siya.

Sumang-ayon nalang si Natoy na hindi niya sasaktan ang kagubatan.

Pero may isang katanungan si Natoy kung bakit siya nabuhay.

"Mga bro, bakit ako nabuhay, isa man lang akong laruan?"

Sinagot naman agad siya ni Tikbalang.

"Hihihi, dahil sa hiwaga ng kagubatang ito ay binuhay ka ng kagubatan kahit isa kalang laruan."

Dahil dito ay nalaman ni Natoy ang sagot kung bakit siya nabuhay. Naliwanagan na ang kanyang isipan kung bakit siya nabuhay noong araw na iyon.

Mas lalo pa siyang naliwanagan noong sinabi nila sa kanyang iniwan siya ng may-ari sa kanya dahil sa sobrang takot niya sa kanilang tatlo.

"Ganon pala ang nangyari kung bakit nandito ako ngayon."

"Oo, laruan, ganon nga kung bakit ka ngayon nandito."

"Oh sige. Pero simula ngayon, tawagin niyo nalang akong Natoy."

Simula noon ay tinawag na nila itong Natoy.

Habang sila'y naglalakad sa kagubatan ay may mga taong nagtangkang putulin ang puno ng Narra.

Dahil dito ay mabilis na tinakot ng mga tikbalang, kapre at unano ang mga taong iyon para takutin sila at mapangalagaan ang kagubatan.

Dito ay nalaman ni Natoy na silang tatlo pa la ang isa sa mga nangangalaga sa kagubatan.

Matapos nilang matakot ang mga taong iyon ay biglang umulan ng malakas.

Dahil sa panahong ito ay panahon na ng tag-ulan.

Dahil sa lakas ng ulan ay umapaw ang batis sa kagubatang iyon.

"Halina kayo! Delekado na rito! Baka maanod tayo ng tubig," sigaw ng unano.

Habang sila ay tumatakbo palayo sa batis ay nakita ni Natoy ang mga naputol na puno sa kagubatan.

"Alam mo ba kung bakit namin tinatakot ang mga tao?" tanong ni tikbalang kay Natoy.

"Bakit?"

"Dahil sa kanilang pamumutol ng mga puno sa kagubatan. Dahil sa ginagawang ito ng mga tao ay unti-unti nilang sinisira ang kagubatan."

Habang unti-unti silang nakalalayo sa mga naputol na puno ay lumambot nga ang lupa ang nagkaroon ng landslide.

Kaya naman, napasigaw na lamang si Natoy sa kanyang nakita.

"Tignan niyo!"

"Iyan ang epekto ng kanilang pamumutol ng mga puno. Maaaring masira ang kagubatan dahil sa pagguho ng lupa!" sigaw ng kapre.

Sumigaw rin ang unano.

"Naku! Papunta ito sa daanan ng mga sasakyan ng mga tao!"

Totoo nga ang sinabi ng unano.

Pero mabuti, dahil walang mga dumadaang mga sasakyan sa mga oras na iyon.

Ipinagpatuloy nga nila ang pagtakbo habang umuulan ng malakas.

Hanggang sa nakapunta sila sa kanilang tirahan.

"Dito ang aking tirahan, sa madamong bahaging ito," sabi ng tikbalang

"Dito naman sa akin, sa taas ng puno ng Acacia," sabi ng kapre.

"Dito naman sa akin, sa loob ng punso," sabi naman ni unano.

Gusto niyang makitira muna sa bahay nilang tatlo pero pinili ni Natoy na makitira kay tikbalang sa kanyang damuhan.

Sa oras na rin iyon ay tumigil na rin ang malakas na ulan.

Dito ay nakipag-usap si Natoy kay tikbalang habang nakahiga sa damuhan.

"Natoy, alam mo na siguro kung bakit namin ginagawa ito. Hindi namin gustong manakot ng mga tao pero ginagawa namin ito dahil sa pagsira ng mga tao sa kagubatang ito. Prinoprotektahan lang naman ang aming tirahan at pati na rin ang kagubatan."

"Oo, kanina ko pa nalaman iyan kaibigan. Pero bakit kasi pinuputol ng mga tao ang mga puno dito sa kagubatan?"

"Dahil para sa kanila, marami ang naitutulong sa kanila ng mga kahoy, gaya ng pagpapatayo ng kanilang bahay, paggawa ng mga bagay na magbibigay sa kanila ng benepisyo at pagtitinda rin ng mga kahoy para maging hanapbuhay."

"Ganon pala kahalaga ng puno sa kanila."

"Oo Natoy pero, dahil diyan kaya nasisira rin ang kagubatan. Dahil sa sobrang pagpuputol ng mga puno sa kagubatan ay nagkaroon ng negatibong epekto gaya kanina."

"Oo nga. Gumuho ang lupa. Hindi lang ang kagubatan ang maaapektuhan, pati rin ang mga tao dahil sa napunta ito sa kanilang daanan."

"Kaya nga ginagawa namin ito para sa kagubatan at pati na rin sa ikabubuti ng mga tao."

Dahil dito ay naisip na ring sumali ni Natoy sa kanilang ginagawa para maprotektahan ang kagubatan.

Naisip rin ni Natoy na dahil binuhay siya ng kagubatang ng hiwaga para suportahan rin niya ang mga ito para protektahan ang mga puno.

Dahil dito ay inumpisahan na nilang prinotektahan ang kagubatan kasama si Natoy.

Ibig sabihin silang apat na ang magkakasama para protektahan ang kagubatan.

Maraming araw nilang ginawa iyon kahit na umulan ng malakas ay pinipigilan nila ang mga ito.

Napipigilan naman nila ang mga tao sa pamumutol ng mga puno para maprotektahan ang mga puno at ang kagubatan.

Lumipas nga ulit ang araw ay may nakita silang mga taong gustong putulin ang malaking puno ng Acacia.

"Mga kaibigan, pigilan natin sila!" sigaw nga ni Natoy sa kanila para maprotektahan ang kagubatan.

Mabilis nilang tinakot ang mga taong gustong pumutol sa punong iyon.

Sa oras na iyon ay nandoon rin si Claire.

Nandoon si Claire dahil gusto niyang tignan ang kahoy na magagamit para magpatayo ng sarili niyang kwarto.

Dahil tinakot sila ng mga tikbalang, kapre at unano ay natakot ang mga taong puputol sana sa puno kaya naman agad-agad na sumakay ang mga ito sa kanilang mga sasakyan maliban kay Claire.

Nakita kasi ni Claire si Natoy na kanyang naiwang laruan sa kagubatang iyon. Kaya naman, isinigaw ni Claire ang kanyang pangalan.

"Natoy!"

Dito ay nagulat si Natoy kung bakit niya alam ang kanyang pangalan.

Pagkatapos non ay binuhat siya ng kanyang tatay para ipasok sa kanilang sasakyan.

Pagkatapos nilang umalis ay biglang umulan ng malakas.

Dito sa oras na ito ay nagtaka ng sobra si Natoy kung bakit alam ng babae ang kanyang pangalan.

"Nice, napigilan na naman natin sila," sabi ng kapre.

"Psst, Natoy, iniisip mo ba kung bakit niya alam ang iyong pangalan?" tanong naman ng tikbalang.

"Oo eh. Hindi ko alam kung bakit niya nalaman ang aking pangalan.

"Ah! Natatandaan ko ang babaeng iyon, siya ang babaeng nakaiwan sa iyo dito sa kagubatan, Natoy," sabi naman ni unano.

"Ibig sabihin, siya ang may-ari sa akin?"

"Oo," sabi ulit niya.

Dahil dito ay nalaman na ni Natoy kung sino ang may-ari sa kanya.

Makalipas ang araw na iyon ay bumalik nanaman sina Claire sa kagubatang iyon ng maagang-maaga at saka umuulan.

Wala nga ang mga tikbalang, kapre, unano at si Natoy sa oras na iyon dahil natutulog pa sila.

Matagumpay nga nilang naputol ang puno ng Acacia at agad na pinutol-putol ng taong gumagamit ng chainsaw ang malaking kahoy na iyon.

Pagkatapos non ay mahirapan silang ilagay ito sa kanilang sasakyan.

Dahil dito ay agad na ipinaalam ng mga hayop at mga puno sa kanilang apat gamit ang kanilang telepatiya na naputol na nila ang malaking puno ng Acacia.

Dahil dito ay nagising sila at pumunta agad sila doon para takutin sila at naisip na rin nilang pagsabihan sila.

Habang inilalagay nila ito sa kanilang sasakyan ay nandoon na ang mga tikbalang, kapre, unano at pati na rin si Natoy.

Unang ngang nagsalita ang kapre.

"Sa susunod, huwag na kayong magpuputol ng puno dito!"

"Dahil nasisira ang kagubatan," sabi ni unano.

"Hindi naming gustong takutin kayo! Ginagawa lang namin ito para maprotektahan ang kagubatan!" sabi naman ni tikbalang.

"Tama, dahil din sa pamumutol niyo ng mga puno ay nadadamay rin kayo dahil sa pagguho ng lupa dito. Naapektuhan ang inyong mga daanan," sabi ni Natoy.

Biglang ngang sumang-ayon si Claire.

"Tama nga siya, itay. Dapat nating mapangalagaan ang ating kagubatan. Pero, pasensiya na dahil kailangan namin ang puno para magpatayo sila ng aking kwarto."

Agad na linapitan ni Claire si Natoy kahit na ito ay himalang nakakagalaw at nakakapagsalita.

Sa paglapit niya ay hindi na siya natakot kina tikbalang, kapre, at unano dahil nakita ulit niya ang kanyang laruan na si Natoy.

Umiyak si Claire sa kanyang harapan at yinakap.

"Pasensiya na Natoy, kung nakagawa kami ng kasalanan dito sa kagubatan. Kailangan lang kasi namin eh."

"Sino ka at ano ang pangalan mo?"

"Ako si Claire, ang may-ari sa iyo. Sobrang namimiss na kita ng sobra."

"Sa susunod, huwag na kayong puputol ng puno dito sa kagubatan dahil unti-unti na itong nasisira."

"Oo, pangako Natoy. Papalitan nalang namin ng halamang puno ng Acacia bilang kapalit ng aming pinutol."

Sumang-ayon naman sina tikbalang, kapre at ng unano sa sinabi ni Claire.

Itinanim nga ni Claire ang halamang Acacia katabi ng naputol ng Acacia pero medyo malayo ang distansiya nila.

"Iyan, itinanim ko na ang aming binuhay na halaman ng Acacia bilang pamalit."

"Mabuti kung ganon."

Pagkatapos non ay kinausap ni Claire ang mga tikbalang, kapre at unano kung pwede na niyang kunin si Natoy.

Sumang-ayon naman silang tatlo dahil siya ang may-ari ng laruan.

Sinabi na rin nila na nakakapagsalita at nakakakilos si Natoy dahil sa mahiwagang kagubatan ng hiwaga.

Pagkatapos non ay nagpaalam na sa kanila si Natoy dahil kinuha na nito ni Claire.

Masayang nagpaalam si Natoy sa kanilang tatlo at sinabi niyang sobrang mamimiss niya ang kanyang mga kaibigan.

Nangako rin si Claire na gagamitin nila ang kanilang yaman para wala ng taong makakaperwisyo pa sa kagubatang iyon.

Umuwi nga si Claire ng masayang-masaya dahil kasama na niya ang kanyang paboritong laruan na si Natoy.

Nang nakabalik na si Claire sa kanyang tahanan ay bumalik na sa dating tahimik na laruan si Natoy.

Inumpisahan na rin nilang itayo ang bagong kwarto ni Claire sa kanilang bahay hanggang ito ay natapos.

Naging masaya si Claire dahil mayroon na siyang bagong kwarto at kasama pa niya si Natoy.

Tungkol naman sa kagubatan ng Hiwaga, binili na ng pamilya ni Claire ang buong sakop ng kagubatang iyon para wala ng taong gustong pumutol ng mga puno doon.

Naisipan ng pamilyang ito na taniman ang mga parteng naputulan ng puno para palitan.

Pumunta nga sila ulit sa kagubatang ng Hiwaga na ngayon ay ari ng pamilya ni Claire para umpisahan ang pagtanim.

Kinuha nga lahat nila ang mga halamang puno ng Manga para itanim doon.

Nang nakapunta na sila doon ay nakita ng mga tikbalang, kapre at unano ang babae na si Claire at ng kanyang pamilya na nagtatanim ng mga halamang puno sa bandang naputulan ng mga puno.

Bigla namang nagkaroon ng buhay ulit si Natoy at nakita niyang nagtatanim si Claire kasama ang kanyang pamilya ng mga halamang puno.

Dahil dito, naging masaya si Natoy sa kanyang nakita at tumulong na rin siya sa pagtatanim.

Dumating rin ang mga kapre, tikbalang at unano para tumulong na magtanim.

Mas lalo pa ngang sumaya si Natoy dahil tumulong na rin ang kaniyang mga kaibigan.

Pagkatapos nilang magtanim ay naguusap-usap sila at hindi na natakot si Claire at ng kanyang pamilya sa kanila dahil naging kaibigan na rin nila ang mga ito.

Sinabi ng pamilya ni Claire na huwag na silang mag-alala sa mga namumutol ng puno dahil wala ng pwedeng magtangkang mamutol pa dito.

Dahil, binili na nila ang buong lupa ng kagubatan ng Hiwaga.

Isa pa, lalagyan na rin nila nito ng harang ang buong kagubatan. Kaya naman wala na talagang sinuman pa ang maglalakas loob na mamutol dito.

Kaya naman wala ng dapat pang ipag-alala pa ang tikbalang, kapre at unano at mamuhay na sila ng payapa dito.

Pagkatapos nga nilang magtanim ay umuwi na sila sa kanilang bahay kaya naman nagpaalam na ang mga ito.

Makalipas ang isang buwan ay binisita nila ang kanilang itinanim at nakita nilang lumaki na ang mga ito.

Dahil sa kanilang itinanim ay hindi na rin bumigay ang lupa dito kahit na malakas ang ulan dahil mayroon nang nakakapit dito.

Ang nakakapit dito ay ang ugat ng puno mula sa lupa kaya naman hindi na ulit guguho ang lupa doon.

Dahil dito ay hindi na namoblema ang mga kapre, tikbalang at unano at sila ay namuhay ng payapa.

Makalipas ang maraming taon ay namunga na ang manggang kanilang itinanim kaya naman namitas sila dito at kumain ng masayang-masaya habang tinitignan nila ang kagandahan sa kagubatan ng Hiwaga.

Wakas...

Petsang Inumpisahan at Tinapos:
June 14, 2021

Kaunting Kaalaman:

Hiwaga: misteryo.

Tikbalang: Ito ay isang matangkad, buto na humanoid na nilalang na may ulo at kuko ng isang kabayo at hindi pantay na haba ng mga paa't kamay, hanggang sa maabot ang mga tuhod nito sa itaas ng ulo nito kapag ito ay lumuhod.

Kapre: ang mga ito ay mayroong napakalakas na amoy sa katawan at umupo sa mga sanga ng puno upang manigarilyo.

Unano: tinatawag ring nuno sa punso na pinaniniwalaang nakatira sa isang anthill o punso.


Continue Reading

You'll Also Like

Luna By anya jayvyn

Teen Fiction

8.1M 348K 47
A bullied girl meets the popular new student. ***** "Still saying that you're perfectly okay?" Max whispers. I'm surprised to hear that his voice is...
1.1K 136 22
Nakakalungkot pag umaasa tayo na magkakatuloyan yung mga taong gusto natin pero sa huli hindi pala. Isang istorya lamang ito pero para kay Julia it's...
4.2K 125 14
"At first, there was an unknown guy who I thought I liked, but I then realized Charles was the one I really can not let go of. Am I really attached t...
57.8K 484 19
( Editing right now) Synopsis When Malenia, a betrayed middle-aged woman, is transported to a magical world, she becomes the Dungeon Mistress of a pe...