Royal Blood University 1: The...

By HellLockheartII

43.4K 1.7K 165

Royal Blood University is full of mystery so when Kianna received an invitation, inviting her to transfer to... More

Royal Blood University: The Vampire's Beloved
Royal Blood University 1: Meet the Trouble Maker
Royal Blood University 2: Swaddling Clothes
Royal Blood University 3: Invitation
Royal Blood University 4: The Makeover
Royal Blood University 5: Universidad de Sangre Real
Royal Blood University 6: Royal ID
Royal Blood University 7: Her Revenge
Royal Blood University 8: Armors
Royal Blood University 9: Start of Royal Class
Royal Blood University 10: The Schatten
Royal Blood University 11: The Comeback
Royal Blood University 12: Mysterious Dormmates
Royal Blood University 13: Taste of Death
Royal Blood University 14: Scary Kianna
Royal Blood University 15: The Secret
Royal Blood University 16: Finding Answers
Royal Blood University 17: Vampire's Den
Royal Blood University 19: Vamp-Angels
Royal Blood University 20: Dissaperó
Royal Blood University 21: Nightwoods
Royal Blood University 22: Midnighters
Royal Blood University 23: The First Move
Royal Blood University 24: El Rey
Royal Blood University 25: Visions
Royal Blood University 26: Awakening the Queen
Royal Blood University 27: Reign Elizabeth
Royal Blood University 28: Elections of Queen
Royal Blood University 29: The Demon Inside Her
Royal Blood University 30: The Beloved
Royal Blood University 31: The Headmistress
Royal Blood University 32: Cousin
Royal Blood University 33: Thirst

Royal Blood University 18: Frostwolfe

1K 49 3
By HellLockheartII

Kianna Marie

***

In decades of existence in this planet ngayon lang ako nagkaroon ng pakiramdam sa paligid. Naranasan niyo na ba na bawat kilos niyo ay parang may mga matang nagmamasid sayo? Pakiramdam mo palaging may mga espiritong nakapalibot sayo kahit alam mong wala naman? Ganyan na ganyan ang nararamdaman ko ngayon.

I am now wearing a black hoodie as I made my in to the library. There must be something about the book of vampires. There must be. Hindi ako naniniwalang puro physics ang libro nila at wala man lang kaunting history mula sa pinanggalingan nila.

Nang marating ko na ang loob ng library, napatingin ako sa mga librong nakahilera na sobrang dami. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Nagsimula akong maglakad patungo sa pinakahuling aisle at pinakasulok na shelf. Marami akong novels na nabasa na kapag may hinahanap ang main lead sa library laging nasa pinakasulok kaya sana meron din rito. I don't wanna waste so much time.

I started to search some vampire related books pero ni isa wala man lang akong nahanap. All books are related to our subjects. Na halos lahat ng sagot sa quiz andirito na. Walang gana akong naupo sa upuan.

“Mawalang galang po, maari po ba kitang tulungan? Kanina ko pa po kasi napapansin na parang may hinahanap ka. ”

Mabilis na bumaling ang walang buhay kong mga mata sa nagsalita at kita ko kung paano nanlaki ang mga mata niya at napaatras. Isang binatang lalaki, maputla, may katamtamang laki ng pangangatawan.

Tumango ako at dahan-dahang tumayo. Hanggang sa may taenga ko lang siya ng tumayo ako at mabilis naman siyang dumistansiya.

“Hmm. I'm looking for vampire related books.” pagkabigkas ko n'on nakita ko kung paano siya napahinto sa paglakad. Dahan-dahan niya akong liningon mula sa pangunguna ng lakad.

“I'm sorry, but there's no vampire related books in this library.” sagot niya sa magalang paring tono.

Maiigi ko siyang tinitigan at sinuklian naman niya ang mga titig ko sakanya. Pero halata parin ang pagkailang.

“Then where could I find it?” imbes na sagutin ako yumukod lamang ito at nagpaalam na aalis na.

I formed a fist in frustration. Fuck. Kung kanina pa pala ako pinapanood n'on sana linapitan nalang ako para sabihing wala sa malaking library nato ang hinahanap ko. Fuck.

“How shocking. Someone got interested into vampires,” mabilis na napalingon ako sa nagsalita. Nakatalikod siya sa akin pero alam kong ako ang kinakausap niya.

Hindi na ako nagsalita at nagsimula ng maglakad ng bumitaw uli siya ng mga kataga. “I know where you can find it perder,

I stopped and did not hesitate to answer. “Where?”

May bumato saakin kaya mabilis akong napalingon kasabay noon at pagpansin ko sa isang nakatuping papel sa sahig. Mabilis ko itong pinulot at binuksan.

Hinanap ko rin ang lalaking nakausap ko kanina pero wala na siya. Bigla akong kinilabutan. Fuck.

SINUNOD ko ang nakasulat sa papel. Nag-excuse ako sa klase namin at exactly 12 am para magpunta ng arena. When I got there, sobrang dilim. Ang tanging nagbibigay liwanag lang sa arena ay ang buwan.

Naglakad ako sa gitna ng may nakita akong mga pulang guhit. Isang guhit ng orasan na nakasakto sa alas dose ng umaga, isang krus na may nakalagay na letrang R.C at ang kasagutan na hinahanap ko. Ang mga libro.

Kumunot ang noo ko at lumuhod para haplusin ang larawan. Bigla akong nangilabot ng makitang dugo ang ginamit na panulat nito. Napakalansa.

Mabilis na napatayo ako ng may magsalita sa likod ko.

“What are you doing here Kianna?” nilingon ko ang nagsalita at doon kong napagtanto na si Headmistress pala ang nagsalita. Nakangiti siya pero halatang pinaghihinalaan niya ang mga kilos ko.

I composed myself at sinuklian ang peke niyang ngiti. “I am looking for my ring headmistress. I lost it.”

She seems pretty satisfied by my answer kaya naman lihim akong napairap. Andali mo namang utuin headmistress.

“Look for it when the sun rise, for now let me escort you back to your room.” wala na akong nagawa at ng hinatid niya ako pabalik sa room ko. Kaya naman ng matapos ng alas cuatro ng madaling araw ang klase ay mabilis akong nakipunta sa dorm nina Kennedy.

When she saw me she immediately run towards me and hugged me afterwards.

“K! I missed you so much! We missed you so much!” she sobbed and that's when I noticed that she's crying. I stilled, may mga nilalang rin pala na umiiyak kapag namimiss 'yung kaibigan nila? Are they for real? Kasi sa pagkakaalam ko sa panahong ito wala ng totoong kaibigan. Once na talikuran mo sila, hindi ka na nila kilalanin na parang wala kayong pinagsamahang mga kalokohan.

“S-stop crying.” that's all that I can say. Lester is my only friend and take note, he's gay. Maarte yun pero hindi naman iyakin. Kaya this is so odd.

Nang humiwalay naman siya sakin kaagad na pumalit naman ng yakap si Emma saakin na halos sakalin na ako sa higpit ng yakap and this time siya na 'yung ngumawa.

“Uwaahh, uwaahhh,huhu! Kkkkk!” mabilis na nasapok siya ni Blue dahil sa kagagahan niya.

“Shut the fuck up Ems, hindi na makahinga si Kianna dahil sayo!” agad na pinakalas ni Blue ng kayap si Emma saakin at kaagad rin namang bumalik sa pwesto niya.

“What brings you here K?” Liam asked in a serious tone.

“Cut the crap Liam. Kianna is always welcome here,” nginitian ako ni Theo kaya naman wala na akong nagawa kungdi tumango na lamang sakanya.

Naghanda sila ng pagkain at mukhang masayang-masaya sila na nakita nila ako.

“K, come here.” kaagad na hinila ako ni Kennedy papunta sa mesa kung saan mukhang andoon ata lahat ang mga gusto kong mga pagkain.

Kaagad na nagsimula ang kainan at wala akong nagawa kungdi ang tahimik na kumain. Kasi hindi naman ako madaldal kumain hindi katulad ni Emma na halos sa kanya lahat ng topic.

It's already six in the morning when I checked the time. Kaya naman kaagad na nagtanong na ako.

“Ken?” kaagad na lumingon si Kennedy ng sambitin ko ang pangalan niya.

“What is it?” mukhang may lahing mga tsismoso rin pala ang mga bampira kasi si Kennedy lang tinawag ko pero lumingon silang lahat samin.

“May alam ka bang lugar rito na may acronym na RC?” tinitigan ko ng maigi ang reaksiyon niya at nakita ko kung paano nagsalubong ang kilay niya na tila may matinding iniisip.

“Sure ka bang RC? Baka naman cr lang yan ha. HAHAHA” humalagapak ng tawa si Blue kaya walang gana ko siyang tiningnan at sinagot.

“Nice joke.”

Kaya naman napahinto siya at kinalma ang sarili.

“There's really no other RC acronym here than the Royal Cemetery. Pero ano naman sasadyain mo doon diba? It must be the other RC.” sagot ni Kennedy.

Napahinto ako at kinilabutan. “What's inside that cemetery? Why it seems so scary?”

“Malamang mga patay, kaya nakakatakot.” bulong na naman ni Blue and this time hindi ko na siya pinansin.

“Papasin ang puta, kadiri.” parinig ni Emma.

“Inside the Royal Cemetery is where El Rey’s great grandparents were buried. It was only opened during their death anniversaries and it was surrounded by thousands of Royal guards. That cemetery was so secure because El Rey made sure that no one would try to steal the precious thing inside it.” she paused for a bit and added her conclusion.

“Though I wasn't really sure kung ang labi ba talaga ang pinoprotektahan nila or may iba pa. But who knows diba? Baka gamitin ang mga labi nila sa mga ritualistic practices.” 

Baka pinoprotektahan nila ang libro na kasama sa labi ng mga ninuno ng El Rey. Pero kung andoon nga naman ang libro, hindi na ako mag-aabala pa na hukayin pa ang mga kinalalagyan nila.

“Bakit natanong mo pala?” kunot-noong tanong nito saakin kaya naman umiling nalang ako.

Pakunwaring humikab ako at kaagad na tumayo na. “I'll go home now. Inaantok na ako,”

Bago pa ako makalabas ng pintuan ay may bumukas nito para saakin. “Hatid na kita.” wala gana ko siyang tiningnan.

“Andiyan lang 'yung dorm ko oh.” turo ko sa pintuan na nasa harapan. Kaya napakamot naman siya sa ulo niya. Nagpatuloy nalang ako ng lakad at mabilis na pumasok sa dorm ko.

Mabilis na naghubad ako ng unipormi at mabilis na ibinagsak ang sarili ko sa kama. Sa totoo lang, hindi pa naman talaga ako inaantok. Gusto ko pa talagang humanap ng kasagutan.

Pinikit ko ang mga mata ko at talagang hindi talaga ako makatulog. Inis na bumangon ako at nagbihis. Pupuntahan ko nalang ang Royal Cemetery. Baka sakaling makapasok pa ako.

Saktong makalabas ako ng dorm ay wala sa sariling napatampal ako sa noo ko. Gaga, baka nasa labas ng Royal Blood yung sementeryo. Paano ako makakalabas?

Your ID K has the access of all departments in Royal including the gate so keep it safely so no one would try to steal it away from you.

Mabilis akong bumalik sa loob at kinuha ang ID ko ng malaman kong pwede pala ang ID ko. Mabilis rin akong kumuha ng kapa dahil baka matunugan nila na may papalabas at makilala pa ako.

Nang marating ko ang gate, mabilis kong sinwipe ang ID ko at bumukas ang maliit na pintuan ng gate at doon ako lumabas.

Mabilis akong tumakbo papalayo sa paaralan at mahinang bumubulong.

“Please, will someone show me the way,”

“Show me the way, show me.”

But in my disappointment wala, there's no sign at all. Kaya naman huminto ako at sumandal nalang sa puno para habulin ang hininga ko.

“Ineng, mukhang sa maling lugar ka yata napadpad.” isang nakakakilabot na boses at mukha ang tumumbad sa harapan ko dahilan para mapatayo ako sa gulat.

May kakaibang ngiti ang labi niya na tila ginagamit niya itong panakot. At isa sa nakakuha ng atensiyon ko ay ang librong hawak niya.

“Ano yang hawak mo?” tanong ko habang nanatili paring nakatitig sa librong hawak niya.

“Oh,” humalakhak siya.

“Ang pangalawang kopya ng banal na libro. Ang librong hinahanap ng mga kalaban. Ang librong matagal ko ng pinoprotektahan.” mahina niyang hinaplos ang libro at binalingan ako ng tingin.

“Ikaw? Anong sadya mo rito? Hindi mo ba alam na sa oras na matunugan ka ng mga kawal ay baka wala ka ng hininga anumang oras ineng, kaya kung ako sayo umalis kana.”

Umiling ako. “Hindi ako aalis rito hanggat hindi ko nakukuha ang sadya ko rito.”

“Ang mga libro ba ang iyong sadya kaya't ikay naparito?” tumango ako at mabilis na hinubad ang kapa ko dahil sadyang naiinitan na ako.

Kita ko kung paano napaatras ang matanda kasabay sa pag-ilaw ng kanyang mga mata.

“la princesa de las tinieblas ha llegado.”

“Hey, are you okay?” winagayway ko ang kamay ko sa harapan niya hanggang sa nawalan na siya ng malay.

Mabilis ko siyang binuhat at tumingala at doon ko napansing may tree house pala sa punong pinagpapahingahan ko kanina. Dito siguro siya nakatira.

Nang makaakyat at maipasok ko na siya roon ay mabilis na sinindihan ko ang kandilang nasa tabi at pinaypayan siya at inantay na magising siya.

Hindi naman nagtagal ay narinig ko siyang umungol hanggang sa unti-unting bumukas na ang kanyang mga mata.

“Andito ka pa rin.” aniya sa paos na boses. Hindi ako umimik.

“A-ang libro ko kanina. Asan na 'yun?” segunda niya pa.

“Nasa gilid mo.” malumanay kong sagot.

Kinuha niya ito at hinaplos ulit. Hanggang sa dahan-dahan niyang ibinigay saakin. “A-ang librong ‘yan ay ang pangawalang kopya ng banal na libro na nakalibing kasama ang dating hari. Ngunit sa pagbigay ko sayo nito ay kapalit narin ng buhay ko.” aniya at nahihirapan ng huminga.

“Just tell me what's written in that book. So you can live longer.” mahina kong saad. Ngumiti ang matanda at umiling.

“Kung pwede lang, pero nakadestino na ang buhay ko iha. Sa oras na makita ng libro ang nagmamay-ari sakanya. Ang pansamantalang nangangalaga sa libro ay mamaalam na. Ang kailangan mong gawin para mabasa mo iyan ay patakan mo ng dugo ang pinakaunang pahina ng libro. Sana hindi ka magsisi iha..” tuluyan na siyang nawala ng tuluyan sa harapan ko.

Ewan ko ba kung bakit tumulo nalang bigla ang luha ko na kung tutuusin ay kakilala ko palang sakanya. Dahil siguro nakita ko kung paano siya nabawian ng buhay sa harapan ko.

Mabilis kong pinahiran ang mga luha ko at ng makapansin ako ng kutsilyo sa may mesa ay mabilis kong kinuha ito at sinugatan ang daliri ko.

At ng mapatakan na ng dugo ko ang pinakaunang pahina ng libro ay kita ko kung paano nagkaroon ng sulat ang bawat pahina nito.

Hindi makapaniwalang nakatitig lang ako sa libro. Talagang may mahika sa mundong 'to ha.

Kaagad na pumunta ako sa ikalawang pahina at binasa ang naunang pamagat.

FROSTWOLFE

A clan of calm yet dangerous vampires ruled by Kalix Safiro Laire. The clan that has been destroyed by its mortal enemy and has forgotten. None survives during the war but it was believe that the only son of Safiro escaped. The only Laire left.

Ability: has the ability to communicate with animals and can sense danger.

There's only one member of Laire left? Does that mean that it's Frost Laire?

Continue Reading

You'll Also Like

15M 483K 51
He is cursed. He is in heat and he wants you. *** Sampung taon lamang si Perisha nang kupkupin siya ni Kaden, ang misteryosong lalaki na kulay berde...
1.9M 151K 54
Anna Merliz Callista is a wizard from Fevia Attero. To be born into a prominent wizarding clan should have made her happy, but as someone who was bor...
4.8M 139K 66
"Another school year starts in Sinclaire Academy, do you dare to enter again?" - I suggest you read Sinclaire Academy before reading this. Just so yo...
5M 342K 54
Jewella Leticia is not just the Goddess of the Moon, but the new Queen of Parsua Sartorias. *** For Leticia, being honored as the queen and goddess o...