The Accused Mistress

By LadyClarita

1M 31.2K 4.4K

(Delilah Series # 2) "Is it true that you were your own stepfather's mistress?" Alam ko na kailangan kong dep... More

The Accused Mistress
Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40

Wakas

38K 1.1K 215
By LadyClarita

A/N: Hello po! Maraming salamat at binasa niyo rin ang ikalawang series na ito. Nawa'y maliban sa pagmamahal, marami rin kayong natutunan mula sa kuwentong ito. Kita po tayo sa third series!

"Just a piece of advice. Don't ever let anyone step on you." - Jean Caitlyn Villarejas 2021

Wakas

"I-I don't believe you!" I shouted. "H-Hindi ako naniniwalang patay na siya!" Muntik ko ng suntukin sa galit ang pulis na nakaharang sa harapan ko.

"Attorney Mendez, please calm down," alu naman ni Attorney Pelaez na nasa gilid ko.

Even for a second I did not want to believe what they were saying. It didn't make any sense. How could Jean end up dying when it was just yesterday that we talked? How could...

Muli akong napatingin sa paligid. There were police everywhere. I could see hopelessness on their faces as they evaluate the scene. How could they give up so easily like this?

Napatingin ako kay Attorney Pelaez upang humingi ng suporta mula sa kanya. Nadismaya lang ako nang makitang ganoong mukha rin ang nakikita ko sa kanyang hitsura. Hopelessness. He bowed his head as his shoulders sagged.

"No," matigas na paninindigan ko.

No. Isang salita na madalas kong ginagamit noon. How ironic that after all the years, this is how I ended up?

"Do you have a girlfriend, Sir?" anang isa na namang university student isang hapon sa akin.

"No, I don't have." I continued checking out the papers without looking at her.

"Can I be your girlfriend, Sir?" hiling niya sa maliit na boses.

Huminto sa pagma-marka ang ballpen ko. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kanya. She was blushing profusely. I did not even blink for a second as I continued intently looking at her.

"No,"malamig kong sinabi.

That was my third 'No' on that particular day. Hindi ko maintindihan kung paano nila nasasabi na gusto nila ako. Hindi nila ako kilala. I only give them lectures. And I only give them grades. That's the only thing I do. How could they fall for that?

Dahil nasanay na ay wala na akong nararamdaman sa tuwing may babaeng nagpapahayag ng paghanga niya sa akin. It is okay to admire. Ayaw ko lang na umasa pa sila mula sa akin ng isang bagay na hindi ko kayang ibigay.

Ang buong akala ko ay kontrolado ko na ang lahat. Na kailanman ay hindi ako tatablan. All of their confessions were nothing to me. And then she gave me hers.

"Kaya naman, Sir, mahalin mo na ako para tumagal ang buhay mo..." was her closing sentence. It was a confession but at the same time a threat. It also sounded as if she's lecturing me. I could not helped it but grinned. Ang bold niya. Ang lakas ng loob.

Tumigas ang ngisi sa mga labi ko nang mapagtanto ang isang bagay. How could I let this confession affect me? Affect what I've always stood for. My mouth went back into its thin hard line as I close the folder.

Jean Caitlyn Villarejas is pretty. Maliit ang mukha at sobrang puti. She is smart too. Ngunit hindi lang naman siya ang nag-iisang maganda at matalinong umamin ng pagkakagusto sa akin. Pero bakit nararamdaman ko na naiiba siya sa kanila? I closed that thought and continued doing my job.

Hindi nakatulong sa akin ang mukhang pagiging pursigido niyang pagpaparating sa akin ng kanyang nararamdaman. Tinutulan ko ito. I coldly rejected her feelings. Nagdasal ako na sana sumuko na siya bago ako tuluyang bumigay para sa kanya. But damn I was dead wrong.

The next days, she gave me unending sticky notes with love quotes on them. Lahat ng iyon ay binasa ko na kadalasang hindi ko naman ginagawa dati. Her quotes sort of became entertaining. Ngunit nanindigan ang desisyon ko. I continued rejecting her.

Ang mas nakakatawa pa sa sitwasyon ay magkapitbahay lang pala kami. Kung alam ko lang eh hindi sana lumipat na ako palayo sa kanya. Tinitigan ko ang cake na bigay niya. Kinuha ko ito mula sa mesa at inilagay sa refrigerator maski hindi naman talaga ako kumakain nito. Ngunit nagulat na lamang ako kinaumagahan nang nawala ito mula sa loob ng refrigerator.

Kumunot ang noo ko sa pagtataka at nasagot din ito nang makita ko ang pagdating ni Nanay Celia.

"Nakita niyo po 'yong cake sa ref?"

Tumango siya. At dahil sa kapansanan na pagiging pipi ay ikinumpas niya ang mga kamay at nagsimulang mag sign language.

"Tinapon ko sa labas dahil hindi ka naman kumakain no'n. May lahing diabetic ang pamilya mo at simula pagkabata mo, iniiwasan mo na talaga ang mga matatamis na pagkain. At saka, nasiguro ko rin na baka galing na naman iyon sa isa sa mga makukulit na babaeng nagkakagusto sa'yo. Hindi ba ay kabilin-bilinan mo na ayaw mong nakikita ang mga bigay nila?"

"Right," tanging nasabi ko. Nagpaalam ako sa kanya at lumabas ng apartment. Pinagmasdan ko ang cake sa loob ng basurahan. That was the very first time I felt guilty.

Because of feeling guilty, I did not want to face her the next day. Lalong-lalo na nang bumisita siya sa faculty room at naglahad ng cookies na gawa niya.

"Please make it quick. I still have class to attend," was my alibi. Ang totoo, sa pagkakataong iyon ay wala naman talaga akong pasok sa law classes na ina-attend-an ko. Gusto ko lang na iwasan siya.

"S-Sa law school niyo po ba?" pangungulit niya.

Dumapo ang tingin ko sa kanyang paperbag na dala. Ano na naman kaya ang pakay niya?

"Ibibigay ko nga po pala to-"

"Hindi ako kumakain ng cake," agap ko.

"It's not cake po! Cookies na po 'to!"

Gusto kong matawa. Paano ko sasabihin sa kanya na hindi lang cake ang ayaw ko? I wanted to flatly refuse her again but I can see delight on her face. How could I ever hurt her feelings this time? Kaya naman sa huli, tinanggap ko na ito. At doon na nagsimula ang unti-unting pagguho ng paninindigan ko.

Tinitigan ko ang hugis pusong case na may nakalagay na cookies sa loob. She was very transparent. Masyadong napaghahalataan o baka naman sinasadya niya talaga para ipagdiinan ang feelings niya para sa akin. I silently chuckled. She was cute...in a way.

"Galing na naman ba 'yan sa mga batang admirers mo?" biglang puna ni Miss Ramones na hindi ko namamalayan ay nakatayo na pala sa gilid ng mesa ko.

Tumikhim ako at inayos ang sarili.

"Anong laman niyan?" pagpapatuloy niya. I believed she had plans of staying for a chat.

"Just...cookies."

" 'Di ba ayaw mo sa matatamis? You refuse every time I offer you sweets..."

Hindi ako umimik at sinimulan na lamang ang pagpapatuloy sa pagche-check ng mga output.

"I love cookies! Puwede bang sa'kin na lang?"she pouted and gave me a flirtatious smile. Mariin na sana akong tatanggi pero nahinto ako sa sunod niyang sinabi. "If you start accepting gifts from them, they will also expect something from you in return."

Mabigat akong napalunok. Tinitigan ko ang heart shape case. In the end, I became a coward. I gave the cookies to her.

Bawat nagagawa kong pagkakamali ay ipinapakita sa akin ni Jean. As I said, she was very transparent. Pati pagkadismaya at inis niya ay harap-harapan niyang sinasabi sa akin. It made me admire her even more. My feelings for her started to dig deeper.

Little by little, I learned to know her better as a person. I learned to know about her strengths. I learned to be aware of her weaknesses. At higit sa lahat, mas naunawaan ko kung gaano siya ka mapagmahal na tao.

"Gusto mo siya," kumpas ng mga kamay ni Nanay Celia matapos kong maihatid sa labas si Jean.

Bumuntonghininga ako at nakapamulsang hinarap si Nanay.

"Masyado po bang halata?"

Tumango siya. Sumenyas siya ulit.

"Nababawasan ang lamig mo sa tuwing nariyan siya. Hindi ka na nagiging masyadong seryoso. Mabuti siya para sa'yo..."

"Estudyante ko siya dati. Baka nga magiging estudyante ko siya ulit sa susunod na nga semester," pagdadahilan ko.

Nagkibit lang ng kanyang balikat si Nanay Celia at tinalikuran na ako.

"I like her." I licked on my lower lip as I finally admitted. "Anong... Anong gagawin ko?"

Sumilay ang ngiti sa mga labi ni Nanay. Sumenyas ulit siya. "Kung gustong-gusto mo talaga siya, putolin mo ang nagiging sagabal sa inyong dalawa."

Natibag na ang paninidigan ko. Hindi ko na kaya pang ipagkaila ang nararamdaman para sa kanya. Kinalaban ko na ang sarili upang hayaan lang na mahalin siya. Hindi niya ikinahiya ang tunay na nararamdaman niya para sa akin kaya bakit ako magpapakaduwag at magpapadala sa takot na harapin ang tunay na nararamdaman ko para sa kanya? It was then and there that I decided to quit my job as a teacher.

Niligawan ko na siya dahil wala ng balakid sa aming dalawa. Puwede na. I was too grateful that she's really into me. Hindi nagtagal at sinagot niya rin ako. We started dating. As I spent most of my days with her I came to know her even more. Ang akala kong lumalalim na pagmamahal ko sa kanya ay may mas isasagad pa pala.

And just like all of the relationships, ours was also tested through times. At inaamin ko, mas malaki ang naging pagkukulang ko. I failed the bar twice. I fucking failed it because of my damn pride.

My conflict started within me. I doubted myselt that's why I started doubting Jean as well. Ang daming external pressures ang kumain sa kumpiyansa ko. Pressure from my parents. Pressure from hers as well. I even started losing focus on my job. I failed myself. I failed her.

"Ano na bang nangyayari sa'yo, Lake?" mahina niyang tanong.

Nasa presinto kami dahil sa gulong nasalihan ko. Nakipagsuntukan ako dahil sa sobrang panliliit sa sarili. Pride na lang ang natitira sa akin kaya pilit ko itong ipinaglaban nang nakatanggap ako ng pang-iinsulto mula sa katrabaho sa banda.

Sa huli, kahit ba para akong pinatay sa sakit, hinayaan ko siya nang ginusto na niya ang maging malaya mula sa akin. Hindi niya na raw kaya. Sino naman ako para pigilan siya?

I drank myself to sleep the entire month after our breakup. Tangina, sobrang sakit pala kapag alam mong wala na talaga. I reflected on all the mistakes I've done. Tinanong ko rin ang sarili ko kung saan ba talaga ako patungo. Ano ba talaga iyong pumipigil sa akin? And then it hit me. It slapped me on the face. Pride. My goddamn pride.

Nagpasya akong lunukin na muna ang pride ko. I went home and asked my parents for help. Thankfully, they did. I reviewed again. Took the bar. Finally passed it. Took some cases. And then left for the States. Binuo ko muna ang sarili ko para naman may maiharap na kay Jean. Binigyan ko na muna ng deriksiyon ang sarili ko para hindi na siya mabigo pa.

Hindi ko na mabilang kung ilang kaso ang naipasa ko. I took cases from ordinary people. I took cases from famous ones which earned me media popularity. I was very successful but I still went home alone.

Bumalik ako ng Pilipinas. And then I saw her again. Sa isang club ng matalik niyang kaibigan. She looked different. More sophisticated than before. Sa suot at sa lugar kung nasaan siya sa tingin ko ay naging out going din ang personalidad niya.

She's still beautiful though. I could stare at her all night but it was not possible to happen since she suddenly fainted. Awtomatiko akong napatayo ngunit nahinto rin nang makita ang mga lalaking nagkandarapang tulungan siya. Napagtanto kong hindi na pala ako parte ng buhay niya.

Fate played an evil trick on us. Dumating ang pinakamalaking pader na humarang at namagitan sa aming dalawa. Her stepfather died. Her mother was accused of murdering him. Bilang abogado, ginawa ko ang trabaho ko. Halos naging personal na nga ito dahil sangkot dito ang babaeng mahal ko.

I double triple checked the facts. Wala akong ipinaiwan na detalye. Mr. Apollo Villarejas was never murdered. He committed suicide. Napakadali lang nitong patunayan at ipanalo sa korte. Pero sa parte ni Jean ay alam kong talong-talo na ako. Especially when she found it so hard to accept the truth.

I did everything by the book as a lawyer. I used the tricks I learned in a trial. Ito ang naging pinakamahirap na trial sa buong buhay ko bilang isang abogado. I became ruthless to the woman I love. Nagpanggap akong walang emosyon para maprotektahan lang siya mula sa galit na bumubulag sa mga mata niya.

"How dare you come here?!" nagpupuyos sa galit na sigaw niya nang dumalaw ako sa burol ng kanyang lolo. Halos patay na ang kaloob-looban ko sa mga nangyayari.

"J-Jean... I... I'm sorry... Nakikiramay ako," sabi ko sa miserableng boses.

"Kasalanan mo kung bakit nawala si Lolo! Kung 'di mo sana tinulungan si Mommy na makatakas sa kasalan niya hindi sana... hindi sana siya nakalapit pa kay Lolo! You both killed him!"

Tila ba pinako na ako sa krus sa mga paratang niya. Sinubukan kong hawakan ang siko niya ngunit nanatili siyang nagpupumiglas.

Ginawa ko ang lahat upang magpaliwanag sa kanya. Sinubukan kong ipaintindi sa kanya ang lahat ngunit masyado siyang kinakain ng galit at panunumbat.

Para akong sinaksak ng paulit-ulit sa sakit, galit, at paghihinagpis na nakikita ko sa mukha niya. Iyon ang huli naming pagkikita bago siya tumalon at kalaunan ay idineklarang patay na.

Ni isang segundo ay hindi ako naniwalang patay na siya. Sumuko na ang mga pulis, coastguard, at lahat lahat pero nanatili pa rin akong positibo. I stubbornly insisted my belief that she was still alive. They did not find a body so why the hell shoud I believe them?

I did everything I could just to find her. Nagsuspetsa ako dahil sa tuwing nagpo-post ako sa online tungkol sa pagkawala niya ay para bang may humaharang dito. And because of it, my belief strengthen even more.

"Do you have any plans about that land you bought in San Luis?" Jasper, my accountant asked through a phone call.

"I'm busy. Hayaan mo na muna 'yon."

Dinig ko ang pagod na pagbuntonghininga niya sa kabilang linya.

"Is this about her again? Any news?"

Humigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone at tumalim ang tingin ko sa labas ng glass wall ng opisina.

"Wala pa. Hindi ako susuko."

"I heard 'di ka na raw masyadong tumatanggap ng cases. Some even filed complaints against you. You've been consuming all your time looking for her..."

"I need to find her," matigas na paninindigan ko.

"Alright." He gave up. Alam kong alam niya na hindi niya ako makukumbinsi pagdating kay Jean. "Just visit the land if you get some time. And then you can decide if you want to sell it or not since you're not using it but you're still paying its tax. 'Di praktikal sa finances mo.."

Sumang-ayon ako para lang matapos na ang usapan. Ibinaba niya na ang tawag. Tulala kong tinanaw ang mga papel na nasa ibabaw ng mesa ko. All of these papers were reports about Jean's disappearance. My thoughts went back to the land. The land I bought because of wanting to build a family there. A family with Jean. Hindi nag-umaga kinabukasan, pumunta ako ng San Luis.

It was like fate did its magic. Doon ay nakita ko siya. Ipagkaila man niya ang katauhan ay alam kong hindi ako nagkakamali gaya ng paniniwala kong buhay siya. She has built her new life now. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang makisali sa bagong buhay na ito para lang manatili sa tabi niya. Kahit gustuhin ko man siyang yakapin at ibalik muli sa buhay ko ay wala akong lakas na gawin. She looked genuinely happy. I did not want to destroy it for her. Kaya maski nagmumukha ng tanga ay naghintay ako sa café niya at pinagmamasdan siya mula sa malayo.

Days passed by, I became greedy. Hindi na naging sapat ang tanawin lang siya mula sa malayo. I wanted to be near her again. I wanted to be part of this new life of hers. Ginawa ko ang lahat ng paraan maisakatuparan lang ito.

The most painful part of loving someone is when she tells you she hates you. Pero lahat ng iyon tinanggap ko. I told her that I would make my love enough for the both of us. Hindi lakas ng loob ang nagbigay sa'kin para masabi ito sa kanya kundi ang kasiguraduhan. Siguradong-sigurado na ako sa pagmamahal ko sa kanya maski nagdadalawang-isip pa siya.

"I want you to stop now, Lake," she softly whispered. Sa sobrang dahan maski masakit ay hindi na sumusugat. "Go home. Go back to Manila. Go back to your life, your career. Everything."

How could I go back when you are my life, Jean?

"I have everything here," tugon ko.

Matalim niya akong tiningnan. "You don't. This is not your home. Not your life. You don't have a career here."

But you are here, Jean.

"I have you. You are here. My everything is here." Nagmatigas ako. Buo na ang pasya ko. Sa pagkakataong ito, ipaglalaban ko ang nararamdaman ko.

Dinala ko siya sa kanyang ina. Inasikaso ko lahat para sa Mommy niya noong nawala siya. And everywhere she goes, I made sure that I would be there. Ang sabi ko nga, gusto kong maging parte ulit ng buhay niya.

Ngunit nang maramdaman kong parang nahihirapan na siyang makahinga ay nagpasya akong pansamantalang lumayo na muna. I gave her space when we went back to Manila. Dalawang araw lang naman iyon kasi kapag sumobra na baka ako naman ang hindi makahinga.

Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya ay halos magwala na ako nang isipin niyang may namamagitan sa amin ni Hope. Tangina. Hindi niya ba nakikita na sobrang baliw ko sa kanya? I went out for a drink. Ipinaramdam ko sa kanyang nagtatampo ako. At dahil nga sobrang rupok ko naman pagdating sa kanya, ang tampo sana ay nauwi rin sa pag-amin ko ng pagmamahal. Thus, my first proposal happened. Lantaran niya namang tinanggihan.

I proposed to her again. And again.

"May sign daw kasi siyang hinihintay," si Hope na tinawagan ko para humingi ng tulong. I was desperate.

"What sign?" tanong ko kaagad. I was willing to do everything.

"I don't know. She did not tell me."

Buong gabi ko itong pinag-isipan. Anong sign naman kaya iyon? Pumikit ako at naalala ang drawing niya noon sa Bukidnon na pinagselosan ko. That cowboy!

I proposed again. And finally, she said yes. Hindi na tumigil ang pagdagsa ng kasiyahan lalo na nang malaman naming buntis siya. I was at my happiest.

Tragedies hit us hard when we least expected. Maayos na dapat ang lahat pero naaksidente si Hope at ang anak niya. Binalot ulit ng dilim ang buhay namin.

I know Jean. She is not selfish. Kaya nang hingin niya sa akin ang panahon para kay Hope ay pinagbigyan ko siya maski gusto ko sanang maging makasarili. As always, Jean makes me a better person that I could be.

Nasa opisina ako at nagbabasa ng file cases nang biglang pumasok ang sekretarya ko. She was holding a phone on her hand. Nawalan ng kulay ang kanyang mukha kaya mabilis akong kinabahan.

"My fiancee..."sambit ko kaagad at tumayo na.

Marahan siyang tumango at dali-dali akong nilapitan. Sa nanginginig na kamay ay iniabot niya ang telepono sa akin.

I clenched my jaw as I accepted the telephone. Mamamatay ako kapag may nangyaring masama kay Jean. Inilapit ko ang telepono sa tainga at naghintay.

I could hear labored breathing on her end. Humigpit ang pagkakahawak ko sa telepono.

"Hello?"

"Bakit hindi ka sumasagot sa private phone mo?!" sigaw ni Jean sa kabilang linya na nagpawala sa kaba ko.

Mahina akong natawa. I chuckled because of happiness. She is fine. She and our baby are both fine.

"Kanina pa ako tumatawag sa'yo!" singhal niya. Her moods kicked in. Buntis eh. I only chuckled in return.

"I'm sorry, baby. I forgot to charge the battery," nakangising tugon ko.

Natigilan ako nang marinig ko ang biglaang paghikbi niya.

"What's wrong? Are you hurt?" Umalerto kaagad ako.

"Magpakasal na tayo bukas!" she cried out. "I almost died earlier! Muntik na kaming mabangga mabuti na lang nakapreno si Hope! Pakasalan mo na ako bukas na bukas din!" Dahil sa mga bosina ng mga sasakyan sa kanyang linya ay hindi ko siya masyadong narinig.

The only thing that made sense to me was her wanting us to marry. Isa sa mga bagay na pinakahihintay ko.

Mas lumapad lang ang ngisi ko. "I'll make some arrangements. Tomorrow it is."

The long wait was finally over. Habang pinagmamasdan siyang suot ang kanyang puting wedding dress habang naglalakad papunta sa akin ay alam kong ito na. Hindi lang siya ang hinihintay ko kundi pati na rin ang anak namin na nasa sinapupunan niya. We were surrounded by the people we love. Her mother. Both of my parents. Our friends.

I thought that love was only for people who had the luxury of time. But because of her, I have realized that love paves way for every bit of time to become precious. I could not wait to spend my everyday with her and to our child. Our family. And this time, the start of our promise of forever begins.

Continue Reading

You'll Also Like

7M 235K 50
Erityian Tribes Series, Book #4 || Taking spying to an extraordinary level.
67.1K 2.9K 31
Highest Rank - #3 - nakakakilig One breezy night. Two drunk strangers to each other. One prison cell?
7.6M 219K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
14.7M 753K 72
He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young...