Their Chasing Souls

By issawandablue

14K 898 151

"I love how my life works, that is, until you chased me." Normality is her thing. She's dreaming of a simple... More

Their Chasing Souls
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 03 - 1
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 8: New friend
Chapter 9: After Party
Chapter 10: Midnight
Chapter 11: Birthday Party
Chapter 12: Catfight
Chapter 13: Tryout
Chapter 14: Test of Patience
Chapter 15: Luna
Authors Note
Chapter 16
Chapter 17: Glimpse of the past
Chapter 18: Proyekto
Chapter 19: Tadhana
Chapter 20: Naked
Chapter 21: The Return
Chapter 22: True friend?
Chapter 23: The meeting
Extra chapter: Meeting the Perez
Chapter 24: Unknown past
Chapter 25: Unexpected Reunion
Chapter 26: Photos
Chapter 27: Freshmen trip - Part One
Chapter 28: Freshmen trip - Part Two
Chapter 29: Freshmen trip - Part Three
Chapter 30: Freshmen trip - Part Four
Chapter 31: Freshmen Trip - Part Five
Chapter 32: Last day
Chapter 33: Encounter
Chapter 34: Another ecounter
Chapter 35: The Shadow
Chapter 36: The Visit
Chapter 38: Courage
Chapter 39: An Almost
Chapter 40: Misinterpret
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Extra Chapter
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Author's Note (01)

Chapter 37: Unexpected Gift

125 11 0
By issawandablue

Yna's POV

"Thank you po." Agad kong kinuha ang box na iniabot ng delivery man.

Akala ko naman kasi may bisita talaga nang bumalik si Gabby sa dining. Ang OA rin naman kasi nitong si Gabby. May nagdeliver lang pala.

"Buksan mo na!" Pagpupumilit ni Luna.

Tinignan ko muna kung para sa'kin talaga kaya hinalughog ko ang bawat sulok ng box. Paano'y walang pangalang nakalagay o nakasulat man lang.

Agad kong binuksan ang may kalakihang box. Noong una ay puro papel lang ang nakukuha ko. Iba't ibang pambalot at mga papel ang naroon na akala mo ay mala-confetti.

"Wow." Halos nanlaki ang mata ko nang makita na mga designer sling bags ang naroon.

Namangha rin sila Luna at Gabby na parehong napanganga.

"P-Para ba sakin talaga 'to?"

"Girl, sayo nga idineliver. Malamang sa'yo 'yan." wika ni Gabby habang tinitignan ang iba pang laman ng box. "Wow! This is one of the most expensive chocolates in the world. Ang alam ko ay hindi 'to basta basta natutunaw. Alam mo bang ten thousand ang bawat piraso nito sa market?!" tukoy niya sa box of chocolates.

"Oy ibenta natin!" sigaw ni Luna.

"Ano'ng ibebenta niyo?" singit ni Kuya na kakatapos lang mag-shower. "Ano 'yan?" Usisa niya tungkol sa malaking kahon.

"Kuya, may nagpadeliver lang sa bahay eh. Hindi ko kilala." Naupo si Kuya sa tabi ko habang pinupunasan ang buhok.

Nakita ko namang nakanganga si Gabby na pasulyap ang panonood kay Kuya.

"Patingin nga." Mabilis niyang kinuha ang malaking box. "Paano ka nakasisigurong para sa'yo to? Oh wait. There's a mini envelope."

Agad naming binasa ang likod ng sobre at nakumpirma naming para nga talaga sa'kin ang regalo dahil buong pangalan ko ang nakalagay.

Agad namang binasa ni Kuya ang laman ng maliit na sobre.


"I hope you'll love these."

- K.G.


"K.G.? May kilala ka bang K.G.?" Tanong ni Kuya. Umiling naman ako. "Mas mabuti pang wag mo na munang galawin ang mga 'yan. We're not sure kung kanino ba talaga nanggaling ang mga regalo na 'yan."

"Baka naman galing kasi sa secret admirer mo girl." sabi ni Gabby.

Biglang napabuntong-hininga si Kuya. "That's even worse. Those gifts are too much to receive from an admirer. It's kinda creepy lalo na we don't have the slightest idea about the person."

Nakita ko naming kunwaring i-zinipper ni Gabby ang bibig niya.

Ilang oras rin ang lumipas bago umalis sila Luna at Gabby sa bahay.

Tinulungan pa nga nila akong hanapin 'yung keychain ni Matcha pero hindi rin namin nakita.

Nahiga ako sa sofa at patuloy na iniisip kung kanino ba talaga nanggaling yung mga regalo.

Pakiramdam ko andami na nang nangyari simula nung nag freshmen trip kami.

Maya-maya pa ay biglang may bumusina sa labas ng bahay. "Yna! Charles!" Tawag ni Manang. "Andiyan na ang mommy at daddy niyo."

Agad naming sinalubong ni Kuya sila mommy. Kahit nagulat ako sa biglaang pag-uwi nila salungat sa sinabi ni mommy na bukas nang gabi pa, ay masaya akong nakabalik sila nang mas maaga.

"How are you two?" Tanong ni mommy.

"Okay naman mom." Sagot ni Kuya. "Bakit ang aga niyo pong nakabalik?"

Biglang natigilan si mommy at napalingon sa'kin. "Are you okay baby? I heard you received gifts from someone you don't know."

Nagulat ako at agad kaming nagkatinginan ni Kuya. "I told mom about it." paliwanag niya saka lumingon kay mommy. "Pero mom, masyado naman po kayong nag-aalala. We don't even know yet kung sino ang nagbigay no'n."

"Kaya mas kailangan niyong mag-ingat. Where are those?"

"Po?"

"The gifts. Nasaan?"

Mabilis kong kinuha ang mga regalo at bumalik sa sala. Nakita kong balisa si mommy at panay naman ang buntong-hininga ni daddy.

"Ito na po." Agad kinuha ni mom ang kahon at hinalungkat iyon. "Mom may kilala po ba kayong K.G. ang pangalan o kaya K.G. ang initials?" natigilan si mom sa ginagawa niya nang tanungin ko siya.

"No. Wala akong kilala."

Nagkatinginan kami ni Kuya. Sa mga sandaling 'yon ay mukhang pareho kami ng iniisip.

Bakit nagkakaganyan ngayon si Mommy? She looks tense at masyado naman yatang naging issue sa kanya ito para lang umuwi sila agad from Cebu.

"I'll keep these with me habang hindi pa natin alam kung kanino ito nanggaling. Okay?"


PAGKATAPOS naming magdinner ay agad akong bumalik sa kwarto ko.

Kung noon ay puro acads lang ang iniisip ko. Ngayon ay iba-iba na. Nakakamiss tuloy maging high school stident.

No problem. Just fun.

Habang nakahiga sa kama ay bigla nalang nag ring ang phone ko. It was Rigel.

"Oh?" Masungit kong bungad.

"Wow. What a greeting."

"Bakit ka tumawag?"

"May gagawin ka sa Linggo?" Napa-isip naman ako.

Maliban sa family day namin pero sa umaga lang naman kami nagsasama ng family ko, ay wala na akong gagawin buong maghapon.

"Parang wala naman."

"Nice. Block your schedule in the afternoon."

"Hah?"

"You wan't me to remind you of our–"

"Tch. Oo na naalala ko na. Wag mo na ulit-ulitin."

Napagkasunduan kasi namin last week na tutulungan niyang makapasok si Luna sa Coffee Avenue. Ang kapalit naman ng pabor na 'yon ay sasamahan ko raw siyang gumala.

Oo gala lang. Ayokong isiping date 'yon. Hindi naman niya ako nililigawan at mas lalo namang hindi kami.

"Okay. Good night. Sleep tight sleepyhead." napangiwi ako nang agad niyang ibinaba ang telepono.

"Loko 'yon ah."

Ilang sandali pa ay nakaramdam ako ng gutom. Palagi nalang akong gutom.

Bababa na sana ako nang bigla kong marinig ang usapan nila mommy sa office ni daddy. Nakalimutan yata nilang magsara ng pinto.

"Paano naman ako kakalma? Tell me Kris?"

"Calm down. Baka marinig ka ng mga bata."

"I have to talk to them."

"No. Wag mo'ng gagawin 'yan. They gave us ample time. We just have to make the most out of it."

"What?! Are tou telling me to just give out my child?" Naiiyak na sabi ni mommy.

Child? Eh sino ba sa amin ni Kuya ang tinutukoy niya?

Palihim akong sumilip at kita ko ang pag-alo ni daddy kay mom.

"Relax hon. We'll think of a way."

"No Kris. No." biglang napahagulgol si mommy. "Inihanda ko ang sarili ko nang ilang taon pero hindi ko pa rin kayang gawin 'to Kris."

Makikinig pa sana ako sa usapan nila nang mapansin ni dad ang nakabukas na pinto.

Agad akong nagtago sa may malalaking halaman sa loob ng bahay na malapit sa mini office ni dad.

Nakita ko si dad na lumilinga sa paligid bago isara ang pinto. Mabuti nalang at hindi niya ako napansin.


BUONG GABI ay mas lumalim ang mga ideya sa utak ko. Maraming tanong pero wala akong maisagot.

Tingin ko ay kailangan ko lang mag-antay sa perfect timing. Malalaman ko rin lahat sa tamang panahon.


LINGGO at maaga kaming nagsimba.  Naupo kami sa may pangalawang row sa harapan.

Hindi pa man nagsisimula ang misa ay agad kong nakita si Kiko. Nasa harapan siya at nakasuot ng pang- altar boy.

Akalain mo nga namang may miyembro ang kumag ang friends na prayerful.

Buong misa ay inalis ko ang atensyon kay Kiko. Kasi naman hindi ko maintindihan ano ang magiging reaksiyon ko.

Mukha talaga siyang anghel lalo na sa suot nitong puting roba. Ang lakas rin ng dating niya at mukha siyang tunay na relehiyoso.

Pero king iisipin rin kasi ay naaala ko yung pilyo at makulit na Kiko. Hindi kapani-paniwalang may ganoo'ng side rin siya.

Natapos ang misa at agad kaming lumabas ng simbahan.

"I'll just have to talk with my kumare. You guys may go ahead." wika ni mommy.

Imbes na bumalik sa sasakyan ay nahagip ng paningin ko si Kiko. Panay ang hikab nito at pinagsisipa ang mga bato.

Mabilis akong lumapit sa kanya nang hindi niya napapansin.

"Huy!"

"Ay anak ng tokwa ka!" Halos matumba siya sa pader sa gulat.

Agad siyang nag sign of the cross at may kung anong ibinulong habang nakapikit saka ito tumingala sa langit.

"Papatayin mo ba ako sa gulat?" Asik niya

"Masyado ka namang seryoso." Puna ko at napakunot-noo naman siya. "By the way, nagseserve ka pala dito?"

"Ay hindi. Costume lang 'to. May cosplay talaga eh." nakangusong biro niya.

"Loko. Akalain mong mabait ka rin pala?"

Bigla namang nagsalubong ang kilay niya. "Bakit? Hindi ba ako mabait. Excuse me? Mabait ako."

Natawa naman ako. "Oo na." Kunyaring pagsang-ayon ko saka tumingala sa langit. "Mabait po talaga siya. Sa sobrang bait pinagtripan niya lang naman po ang mukha ko ng pintura noon."

Nagulat ako nang bigla niyang takpan ang bibig ko. "Shh. Wag ka ngang magsinungaling. Masama 'yan."

Agad kong tinanggal ang kamay niya sa bibig ko saka nakangusong tinignan siya. "Hindi ako sinungaling. Totoo naman ang sinabi ko."

"Iba ang prank sa pang-bubully."

"Pareho lang 'yon!"

"Aish. Napakakulit!"

Agad niya akong hinila sa may cart ng fishball. "Oh ayan. Bayad na'ko. Bumili ka na." Sabi niya pa.

Agad naman akong kumuha ng stick at naglagay ng fishball sa plastic cup.

"Wag mo na ulit gagawin 'yon." Utos niya na nakaturo ang stick na haeak sa'kim.

"Ang ano?"

"Yung ginawa mo kanina."

"Aaah yung pagsusumbong ko sa langit? Narinig kaya ako ni Papa God?"

"Hindi siya nakikinig sa mga madaldal." Agad niyang nilagay ang tatlong fishball sa bibig ko. "Kumain ka nalang." Aniya at gusto kong matawa sa kanya sa mga oras na 'yon. Para akong nakikipag-usap sa batang five years old.

Imbes na magpatuloy na kumain ay kamuntikan ko pang mailuwa ang nginunguya ko nang makta ko si mommy na may kasamang babaeng naka-itim.

Papunta sila direksiyon ng playground. Katabi lang kasi nito ang simbahan.

Agad kong hinila si Kiko para sundan sila mommy. Nahulog pa nga yung plastic cup na hawak niya pero hindi ko pa rin siya binitawan.

"Uy saan tayo pupunta?" Tanong niya habang sinisimot ang natitirang fishball sa stick.

Hindi ko alam paano niya nagagawang isubo 'yon habang hila-hila ko ang kamay niyang may hawak ng stick.

"Basta."

Nang nakarating sa playground ay sinubukan naming mas lumapit para marinig ang usapan nila pero hindi na namin kayang lumapit pa sa pinagtataguan namin.

Nahihirapan tuloy kami na pakinggan ang usapan nila.

"Uy masama 'yan. Nakikinig ka sa usapan ng iba." Suway ni Kiko.

"Kiko, baka hindi 'yon ibang tao talaga? Mommy ko 'yon."

Nanlaki ang mata niya nang marinig ang sinabi ko.

"Mommy mo 'yun?"

"Oo bakit?"

"Gangster ba ang mommy mo? Gangster ka rin?" Inosente niyang tanong.

"Anong bang pinagsasabi mo– ah." Binatukan ko siya. "Loko, yung naka-dress 'yung mommy ko!"

"Aah."

Bumalik ako sa pagmamanman ngunit natapos ang usapan nila ay wala man lang akong narinig at nakuhslang impormasyon.

Agad kong inaya si Kiko na bumalik sa simbahan.

"Mommy mo talaga 'yon? Ang ganda. Hindi mo kamukha." Sabi ni Kiko at sinamaan ko naman siya ng tingin. "Joke lang. Pero seryoso, sino ba 'yung kausap niya? Hindi kaya masamang tao 'yon o kaya miyembro? Lakas maka-gangster ng suot eh. Ay hindi mas mukha siyang spy. Luh! Baka nangunguha 'yon ng bata. O di kaya.."

"Ang OA mo. Isa pa, tingin mo susundan ko 'yon kung alam ko ang sagot diyan sa mga tanong mo?" Natahimik nanan siya napakamot nalng sa ulo.

Nagpatuliy kami sa paglalalad pero tahimik pa rin si Kiko. "May tanong ako." Binasag ko ang katahimikan.

"Oh?"

"Nagseserve ka pa rin sa church bilang altar boy, pwede ba 'yun?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Mga bata lang naman di ba usually ang nagseserve bilang altar boy?"

"Bakit naman? May pinipiling edad ba ang paglilingkod kay God?" natahimik naman ako sa tanong niya. "Walang pinipiling edad, estado o katauhan ang paglilingkod sa Diyos. Marami naman akong ka-edad na naglilingkod pa rin sa simbahan. Mas marami lang talaga ang mga bata." Paliwang niya.

"Okay po." Maikling sagot ko nalang kasi hindi ko rin naman na alam ang sasabihin. "Sorry."

"Para saan?"

"Jinudge kita."

Natawa naman siya. "Tch. Ang drama mo. Wala 'yon . Lika ka na nga baka hinahanap na'ko ro'n."

Mabilis kaming nakabalik ng simbahan at agad naming nakasalubong ang mga kasamahan niyang nagseserve rin sa simbahan.

"Uy Kiko!" Tawag sa kaniya nung isa. "Siya na ba si pretty sungit slash mystery girl?" Tanong nito.

"Oo nga, siya na ba 'yon?" Usisa rin ng isa.

Nilingon ko si Kiko saka ako nagsalita "Pretty sungit? Mystery girl?"

"W-Wala yon." Aniya at nilingon ang mga kasama. "Oy. Tumigil nga kayo." Suway niya sa mga ito.

Agad namang may lumapit sa kaniyang mas nakakabata sa kanila.

"Kuya Kiko, siya ba yung girlfriend mo?" Tanong ng bata. Natigilan naman si Kiko habang nakatingin rito.

"Ah hindi ah. Kaibigan at choolmate ko nga pala, si Yna." Pakilala niya sa akin sa mga kaibigan niya.

Magiliw naman akong binati ng mga ito.

Meron pang iniabot ang kamay para magpakilala pero agad iyon tonapik ni Kiko. "Wag niyo takutin."

"Hindi ba talaga ikaw si pretty sungit?" Tanong ulit ng lalake. Binatukan naman siya ni Kiko.

"Eh sino ba 'yung pretty sungit?" Inosenteng tanong ko.

Malay ko ba kasi kung sino 'yun.

"Yung–" hindi naituloy ng lalake ang sasabihin niya nang biglang takpan ni Kiko ang bibig nito.

Agad niya akong hinarap pagkatapos niyang bumulong sa kasama. "Ihahatid na kita."

"Yown!" Rinig  kong hirit ng katabi ni Kiko.

"Naku hindi na. Andiyan lang 'yung sasakyan namin."

"Wala pre, basted ka na!" Nagsitawanan naman sila.

Nilingon naman ni Kiko ang mga ito. "Tumigil na nga kayo. Mapagpaniwala 'yan mamaya maniwala pa'yan sa inyo. Tara na ng sa loob." Yaya ni Kiko sa mga kasama. Hinarap niya ako saka nagpaalam. "Mauna na kami. Ingat ka."

Nagpaalam rin ako saka ko naramdamang tumutunog ang phone ko.

It's Rigel.

Agad kog sinagot ang tawag niya. "Where are you?" Agad na tanong niya.

"Nasa church."

"I know. I'm here. But where exsctly are you?"

"What? Nasa church ka?"

"Anong nakakagulat?"

"W-Wala naman."

"Where are you?" Tanong niya ulit.

"Sa may mga fish ball stand."

"Okay. Wait for me." Aniya at agad ibinaba ang tawag.



A/N: Hi Chummies! Anytime soon ay magcoconduct ako ng Q&A. May mga nagtatanong kasi about sa story so mas magandang sagutin nalang for all.

You may pm me on wattpad account or put your questions on twitter with a hashtag #TheirChasingSouls. Baka kumuha rin ako ng mga tanong sa comments.

For the dedications. Some of you may not see it through mobile. Minsan kasi sa web siya.

Maraming salamat sa support!

Mahal ko kayo Chummies 💖

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...