One Thing Led To Another

By AknedMars

94K 5.6K 1.9K

(Mature Content) Midnight With The Enemy - Book One Liz considered Drew her nemesis, but then things started... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34

Chapter 5

2.3K 129 29
By AknedMars

ONE THING LED TO ANOTHER

Chapter 5

Ang sabi ko, ako ang ngingiti ng tagumpay pero si Charli ang matamis ang pagkakangiti at nakatayo sa may tapat ng building.

Napakunot ang noo ko. Sa pagkakatanda ko ay mas mabilis sa bus lane kaysa sa kalsada kung saan dumadaan ang mga taxi at pribadong sasakyan.

“Good morning, Von Andrew.” Bati ni Charli.

Pinaningkitan ko siya at humalukipkip ako. Duda ako kung anong ginawa niya.

“Kita na lang tayo sa bahay mamaya. I’m sure mauuna ako ulit.” Confident na sabi niya bago tumalikod at naglakad papunta sa building nila. Napasimangot naman ako dahil expected kong mananalo ako.

-

Naisuklay ko ang daliri sa buhok ko.

Anak ng ketchup, may shortcut pala kung naka private vehicle ka mula sa apartment hanggang dito sa opisina. Bakit hindi ko ba naisipang mag search kanina ng ibang daan?

Mamayang hapon ay hindi ako papayag na maunahan ako ni Charli pauwi. Mag t-taxi na rin ako.

Binilisan ko ang trabaho at halos hindi na lumabas ng silid. Tinapos ko kaagad ang mga dapat kong gawin.

Maigi na lang din at mukhang good mood yung boss ko, kasama yung dalawa niyang anak sa opisina at mukhang hindi rin naman siya yung tipo na nag uutos palagi.

Nang makita kong sampung minuto na lamang at alas sinco na ng hapon ay nagligpit na ako kaagad ng gamit. Saktong alas sinco ay uuwi na ako para maunahan si Charli.

-

“What the …” Mabilis kong kinusot ang mga mata ko dahil tama bang nakita si Charli na nasa harap na ng café at kausap si Sammy.

“Papaanong narito ka na kaagad?” Tanong ko kay Charli na tsaka lamang ako napansin nang magsalita ako.

“Ah, magandang hapon sa’yo, Von Andrew.”

“Papaanong narito ka na? Alas sinco ang out natin pareho, nag taxi rin ako at doon dumaan sa shortcut. Papaano ka nauna sa akin?”

“Sumabay ako kay Sammy. Baka mas mabilis lang talaga ang naging byahe ko kaysa sa’yo.” Ngumiti siya sa akin at alam kong may kasamang yabang ang ngiti niya.

“Wait, nag r-race kayo papasok at pauwi sa trabaho?” Tanong ni Sam.

“Yes, at so far talo siya sa parehong pagkakataon.” Proud na sabi ni Charli.

Damn. Napaka smug ng itsura ni Charli. Ngayon ay alam ko na kung ano ang tingin niya sa akin sa tuwing natatalo ko siya. Double damn, this is petty, I feel petty for feeling revengeful for this silly race. Triple damn if I let her beat me again.

Hindi na ako papatalo kay Charlizard.

“Namnamin mo na ang tagumpay mo ngayon, Charlizard dahil hindi na yan mauulit pa.” Sabi ko at humalukipkip.

“We’ll see.” Sagot lang niya at ngumiti sa akin.

“Hey, may naisip akong rule. Hindi tayo aalis ng bahay before seven thirty. Hindi ako para gumising ng sobrang aga para rito, same sa walang mag a-undertime sa atin sa trabaho. That would be cheating.”

Tumaas ang kilay ni Charli. Sigurado akong naisip niyang agahan ang alis sa bahay kaya ngayon pa lang ay dapat malinaw na.

“Fine. Walang aalis before seven thirty ng umaga at walang mag a-undertime sa work. Okay, hindi ko rin naman para pabayaan ang trabaho ko para rito.”

“Good. Ngayon ay aakyat na ako sa itaas para sa dinner nating dalawa. Umakyat ka na rin mamaya.” Bilin ko sa kanya bago nagsimulang humakbang paakyat sa hagdan. Inirapan naman ako ni Charli pero tumango siya habang si Sammy naman ay nakangiti lang na pabalik -balik ang tingin sa aming dalawa.

-

“Balita ko pinatikim ka raw ng pagkatalo ni Liz ngayong araw?” Si Spencer na pumasok sa apartment habang nagsisimula akong magluto.

“Yes. Kaya nag iisip na ako kung papaano ko siya uunahang pumasok nang hindi ko kinakailangang gumising ng maaga.” Sagot ko.

“Nag taxi ka na ba? May short cut kasi na daan.”

“Ginawa ko na yan pauwi dahil iyan ang ginawa ni Charli kaninang umaga at naunahan niya ako. Pero pagkarating ko rito sa apartment ay naunahan na niya ako. Ang sabi niya ay sumabay raw siya kay Sammy.”

“Ah, kaskasera kasi iyong si Samantha. Wala sa hitsura pero matindi ang driving skills n’on.” Sagot lang ni Spencer at pumunta sa ref upang kumuha ng tubig. “Subukan mong sumabay minsan kay Sam, kakapit ka talaga at siguradong mananalo ka sa bago niyong contest ni Liz.”

“May palagay akong nakakontrata na siya kay Charli at hindi na ako isasabay n’on kahit makiusap ako.” Sabi ko pa. Bukod sa bago lang din naman akong kakilala nina Sam, at tsaka tiyak akong nakay Charli ang loyalty nila.

“Well, good luck na lang sa’yo. Mananalo ka rin. Anyway, anong niluluto mo? Ang bango.”

“Ah, sweet and sour fish.”

“Nice. Tirhan niyo ako ni Liz, gusto ko niyan.” Sabi niya at pumasok na sa sarili niyang kwarto.

Naiwan naman ako sa kusina na nag iisip pa rin kung papaano ko tatalunin si Charli sa paunahan pag-pasok at pag-uwi. Ganoon din kung ano ba ang hihingin kong kapalit kapag nanalo na ako.

-

I’m pissed.

Isang linggo na at tatlong akong talunan sa paunahan sa pagpasok at pag uwi sa trabaho. Hindi ko na alam kung anong ginagawa ni Charli pero palagi siyang nauuna sa akin. Iba ang diskarte niya sa pag c-commute.

“You okay?” Tanong sa akin ni Boss Devlin habang kumukuha ako ng kape sa pantry.

“Oo, boss. I’m okay.” Sagot ko at tipid na ngumiti.

“Seems like something is bothering you.”

“Ah, iniisip ko lang boss kung papaano ako makakapasok at makakauwi ng mabilis at hindi naiipit sa traffic.”

“Easy. Get yourself a motorcycle. Makakasingit ka ng makakasingit kahit traffic.” Sabi ni Boss.

I blinked. He’s right. Pwede nga akong bumili ng motorcycle, may motor na ako noon na binenta ko lang din dahil umalis na ako sa amin. Hindi pa rin naman expired ng lisensya ko. Kung k-kwentahin ang gas sa pamasahe ko ay mas makakatipid ako in the long run, may parking area rin naman sa apartment.

Damn, pwede.

Nag search agad ako ng motorbikes online. Napasipol ako sa mga nakikita ko. What a beauty. Na -miss ko bigla ang mag road trip.

Yup, bibili na ako ulit ng motorbike.

Kapag naman naunahan pa ako ni Charli ay hindi ko na talaga alam.

-

I let Charli celebrate her win for the rest of the week. Sisiguraduhin ko naman na ako na ang mananalo sa mga susunod na araw.

“Hey, Spence.” Approach ko kay Spencer nang dumating ako galing trabaho at inabutan ko siyang nagsusulat sa café.

“’Sup?” Sagot niya sa akin.

“May itatanong sana ako sa’yo.” Sagot ko at hinila ang upuan sa harap niya.

“Sure, ano ‘yon?”

“Okay lang bang makipark sa parking area mo?” Tanong ko.

“Oo naman. Apat naman ang kasya doon, sasakyan ko at kay Sammy lang naman ang naroon. Bibili ka bang auto?” Tanong niya.

“Plano pa lang.” Sabi ko lang at hindi ko sinabi sa kanya na motorbike ang bibilhin ko dahil baka masabi niya kay Charlizard, eh gusto ko pa namang gulatin siya.

“Nice, pero sige lang. Wala namang problema.” Sagot ni Spencer.

“Thanks.”

“Anytime.”

Iniwan ko na siya sa ginagawa niya at umakyat na ako sa itaas para naman ipagluto ng dinner yung Pokémon. Tapos na talaga yung one week dinner niya kasama ako pero parang kinasanayan na lang din namin na kumain ng sabay.

-

Broom broom.

Ini-rebolusyon ko ang motor sa harap ng café nang makita kong naglalakad na si Charlizard pauwi galing sa opisina. Hindi ko pa inaalis ang helmet ko at hindi pa ako nakikita kaya palagay ko ay hindi niya ako pinapansin.

“Good afternoon, Charlizard.” Sabi ko at nang mapatigil siya sa harap ko ay tsaka ko lamang inalis ang helmet ko.

Nanlaki ang mga mata niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

“Wow, ang gwapo naman ni Drew sa motorbike niya.” Narinig kong sabi ni Claude. Pababa siya ng hagdan papuntang café. “Suit and tie plus motorbike? Nice.”

“You bought a motorbike?” Tanong ni Charli at nananatiling pinandidilatan ako. Ang cute, baka maging Charmander ‘to bigla.

“Hindi mo na ako matatalo ngayon sa paunahan.” Sabi ko.

“Bumili ka niyan para sa paunahan niyo? Wow, talk about taking things very seriously.” Singit ulit ni Claude sa amin.

“True. I never expected that you’ll go this far.” Si Charli.

“What? I take everything seriously. Lalo na kung involve ka. Hindi naman ako papayag na basta mo na lang matatalo nang hindi binibigay ang best ko.”

“So you decided to buy yourself a motorbike.” Humalukipkip na si Charli.

“Yes. You’ll never beat me now.”

Tumaas ang kilay ni Charli.

“We’ll see.” Sagot lang niya at iniwan na kami ni Claude. Nauna na siyang pumanhik sa itaas at pinanuod ko naman siya hanggang makapasok siya sa apartment nila.

“In all honesty, you look good in your motorbike, Drew. Ang lakas ng dating mo r’yan.” Sabi ni Claude bago rin siya pumasok sa café at tinawag si Spencer para ipakita ang motorcycle ko.

“Spencer! Halika rito, Drew bought a motorbike and he really looks great with it!”

Damn, Claude sounded like a big sister boasting about her little brother.

-

Masama ang tingin sa akin ni Charli nang dumating siya sa may tapat ng building namin at naroon na ako’t nakasandal sa motorbike ko. Nakahalukipkip ako at talagang hinihintay ko siya.

“Good morning, Charlizard.” Bati ko sa kanya.

“You’re annoying. Para kang sira na naka display r’yan. ” Sagot niya at humalakhak lang ako.

“Iangkas kita mamaya kung gusto mong mabilis din makauwi.”

“No thanks.” Sagot niya ulit at naglakad na papunta sa building nila. Ganoon na rin naman ang ginawa ko nang makasiguro akong nakapasok na siya.

-

Nang dumating ang hapon ay muli akong nauna kay Charli pero mukhang hindi naman siyang naiinis sa akin ngayon. Mukha pa nga siyang masaya at mas nakakapagtaka na late siyang umuwi ngayon. Late ng tatlong oras. Tinatawagan ko siya kanina pero hindi siya sumasagot. Nang si Claude ang patawagin ko sa kanya ay tsaka lamang siya sumagot at nagsabing  pauwi na rin daw siya.

“Nag OT ka?” Tanong ko sa kanya habang nakapamulsa sa hoodie ko. Bumaba ako sa apartment nila nang matanaw ko siya na bumaba sa bus stop.

“Yes.” Sabi lang niya.

“Kung nag overtime ka, ibig sabihin ay hindi valid ang pagkapanalo ko ngayong araw.” Sabi ko at hindi naman ako pinansin ni Charli. “Tatlong oras kang nag OT?” Taas kilay kong tanong na lamang at inalis pa ang kamay ko sa bulsa ng hoodie para tumingin sa wrist watch ko.

“Hindi, mga one hour lang.” Sagot niya.

“Pero three hours kang late. Saan ka ba galing? Lumamig na ‘yung pagkain dahil matagal ka.” Sabi ko at sumandal sa kitchen counter. Si Claude ay nakaharap sa laptop habang si Sammy naman ay may binabasang libro pero nanunuod rin ng TV at the same time. Si Spencer naman ay nasa café pa rin sa ibaba.

“Kaya nga may microwave tayo.” Sabi niya at nginitian ako ng peke tapos biglang umirap din sa akin. Hindi niya sinagot ang tanong ko kung saan siya nanggaling.

“Smartass.” Bulong ko.

Kinuha naman niya iyong pagkain at inilagay iyon sa loob ng microwave.

“Kumain na ba kayo?” Tanong niya kina Claude at Sam.

“Yes. Iyang si Drew ang hindi pa kumakain. He’s waiting for you, baka hindi ka pa raw kasi kumakain, sasabayan ka na niya.” Sagot ni Claude.

“That’s sweet.” Sabi ni Sam. Tinaasan lang naman ako ng kilay ni Charli at nagkibit balikat lang ako. Kumuha na lamang ako ng pinggan at naghayin para sa aming dalawa.

“Hinintay mo ako?” Tanong ni Charli sa akin.

“Oo. Para may makasabay ka naman. Baka kasi mawalan ka ng gana kapag wala kang kasabay, lalo ka ng hindi lumaki.” Sabi ko at parehong natawa si Sam at Claude.

“Ugh! Doon ka na nga kumain sa apartment niyo!”

“Hindi na, sasabayan nga kita, eh.”

Kumha na ako ng plato at naghayin para sa aming dalawa. Inilabas ko na rin mula sa microwave iyong iniinit niya.

“Halika ka na. Mamaya mo na ako simangutan at kumain na muna tayo. Gutom na ako.” Dagdag ko pa at ipinaghila siya ng upuan.

“Thanks.” Bulong niya habang nanghahaba ang nguso. Maalam din namang mag pasalamat maski naiinis.

“Anyway, hindi pa natin napag uusapan kung ano ang price ng mananalo sa paunahan natin.” Sabi ko.

“Mamaya na natin pag usapan, kumain na muna tayo, gutom na ako.” Si Charli.

Naupo na siya sa hinila kong upuan at nagsimula na kaming kumain na dalawa. Hindi ko na muna inasar habang kumakain dahil baka biglang nag walk out. Baka nga lalong hindi na lumaki, isa pa ay mukhang pagod na rin siya.

-

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...