Every Beat of Heart (Agravant...

By jhelly_star

32.4K 861 45

[COMPLETED] Michelle Agravante, the softest and the kindest girl of all the Agravantes is deeply in pain afte... More

AUTHOR'S NOTE
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
WAKAS

KABANATA 9

674 16 2
By jhelly_star

Kabanata 9

Assignments

--

"Kumusta yung cupcakes ko? Masarap daw?" nakangisi kong tanong kay ate.

Inirapan niya ako at umupo sa tabi ko. Nandito kami sa cafeteria at kasama namin ang iba pa naming pinsan. Sa itsura niya parang hindi naging maganda ang kinalabasan ng pagbibigay niya ng cupcakes.

"Hindi yata masarap ang bake mo," anya sabay irap.

"Masarap kaya ako magbake!" nakanguso kong sinabi dahil kailanman hindi naging pangit ang lasa ng mga cupcakes na ginagawa ko.

"He didn't like it?" nakangising tanong ni Lorie.

"Maybe it's too sweet," Issa said.

"Hindi ganon katamis iyon!" pagtatanggol ko pa rin sa sarili ko.

"Hindi ko natikman dahil para sa kanya lang naman talaga iyon. Hindi na ako humingi kahit gustong gusto ko nang tikman para malaman kung masarap ba o hindi yung ginawa mo."

"Masarap iyon! Kinain niya ba?"

"Hindi!" ngumuso siya.

"Huh? Eh, sino ang kumain?" kunot noo kong tanong.

"Basta! He didn't eat it, baka hindi masarap!"

"Hindi pala kinain, paano niya nalamang hindi masarap?" Lorie said and I immediately agreed with her. Tumango tango ako.

"Basta hindi niya kinain! Nakakainis..." sumimangot si ate Johan.

"Maybe he doesn't like cupcakes?" si Eli na busy sa kanyang phone pero nakikinig pala sa amin.

"Hayy ewan ko!" humalukipkip si ate at kunot noong nag isip.

Nagkatinginan kami ni Lorie at mukhang pareho kami ng iniisip. Napatingin rin kami kay Issa tapos kay Eli. Pare pareho yata kami ng iniisip kaya hindi agad kami nakapag salita. Napansin iyon ni ate kaya tinignan niya kaming lahat at napa ahon sa pagkakasandal.

"Anong iniisip niyo?"

"Tss. Ngayon ka lang namin nakitang nagkaganyan sa isang lalaki. Who's that man?" tanong ni Issa.

"W-Wala, ah! And who says it's a man? Babaeng kaibigan ko ang pinupuntahan ko!"

"Sus..." si Lorie sabay ngisi.

"Bakit bothered na bothered ka? Ano naman kung hindi kinain ng babaeng kaibigan mo yung cupcakes?" diniinan talaga ni Eli ang pagkakasabi roon.

"W-Wala! Wag na nga kayong magtanong! Sa akin nalang iyon!" umirap si ate at sumandal ulit sa kanyang upuan.

Humalakhak kami at hindi na siya tinanong pa. Sabay sabay kaming kumain hanggang sa natapos at pumunta sa kanya kanya naming classroom. Medyo maraming ginawa ngayon kaya sumakit ang ulo ko. May mga homeworks pa kaya siguradong mas sasakit ang ulo ko sa bahay.

Uwian nang nagdesisyon pa rin akong pumunta sa school nila Luna. Ayoko munang umuwi. Tsaka medyo nagkakapalagayan na kami ng loob ni Leandros. Hindi ko dapat iyon sayangin! Lalo na dahil gusto ko talagang maging magkaibigan kami.

"Mina! I'm just about to text you!" tumakbo sa akin si Luna na papalabas ng gate nila kasama sina Gabrielle.

They smiled and waved at me. I also smiled a little at them and turned to Luna.

"Why?"

"We're going out. Come!"

Hindi agad ako nakasagot. Napatingin ako kina Gabrielle na nagtatawanan sa hindi kalayuan, naghihintay kay Luna. I know they don't want to be with me. I don't know why they are like that to me but I also don't want to be with them. I'm not that comfortable with them at gusto ko mang pumayag sa gusto ni Luna ngayon na sumama ako, apart from the fact that I don't want to be with Gabrielle and her friends, I also want to be with Leandros. Sa susunod nalang siguro ako sasama kay Luna.

"Ah, hindi na. Kayo nalang. You know what I'm going to do here..." I said and smiled a little.

"Oh..." ngumuso siya. "Okay. Sa susunod sumama ka, ah! Hindi na kita nakakasama!"

"Of course. Sa ngayon dito muna ako."

Tumango siya.

"Ito na ang cinnamon roll mo. Pinaghirapan ko yan kagabi, ah," sabay abot sa kanya ng box na naglalaman ng cinnamon rolls.

Kagabi ko lang iyon ginawa. Nagpaturo ako kay Mommy tutal hindi naman siya busy kagabi. Magpapahinga na dapat sila ni Daddy dahil galing sa trabaho pero tinulungan niya pa rin ako. At syempre, naging maayos na ang pagba-bake ko. Thanks to my Mom.

"Wow! Oh my gosh! Thank you!" agad agad akong niyakap ni Luna.

Nagulat at natawa ako.

"Favorite ko ito! Thank you talaga!"

"You're welcome..."

"I'll take it home, I'll eat it later," she smiled. "Thank you very much, Mina!"

Hindi matapos tapos ang pagpapasalamat niya kaya natawa ako. Minsan ko lang siya ipag bake kaya naman tuwang tuwa siya kapag ginagawan ko siya ng mga gusto niya. Medyo guilty naman ako dahil ngayon ko nalang ulit siya napag bake.

"Luna, let's go!" anyaya ni Gabrielle kay Luna.

"Tinatawag ka na..." sabi ko.

"Oh! Oo nga pala," she laughed. "Muntik ko nang makalimutan na nandyan sila dahil sa sobrang tuwa ko rito!"

Natawa ako roon.

"Sige. Mauna na kami. Thanks ulit rito!"

I nodded and waved at her. "Bye!"

Nginitian ko rin sila Gabrielle bago sila umalis. Napabuntong hininga ako nang nawala na sila. I don’t care if they don’t like me. Ayos na sa akin si Luna bilang kaibigan ko. One is better than many. But I couldn’t help but wonder what was wrong with me. Is there something wrong with me that they don't want to be with me? That they don't want to be friends with me?

I sighed. Bigla akong napalingon sa mga students na nasa may gate, grupo sila ng mga babae at nang tumingin ako, agad silang kumaway at nagtilian. Sunod sunod agad ang bati nila sa akin.

Madalas akong nakayuko kapag naglalakad ako kaya hindi ako madalas nakakapag eye contact sa mga students. Kaya siguro tuwang tuwa sila ngayong tumingin ako sa kanila.

Napangiti ako. I realized that there are still so many students that want to be friends with me. And I know there are also people out there that wants to be friends with me not because of my name, but because of who I am.

And then I realized... I don't need Gabrielle, Rena, Kleah and Kaira to be my friends. It's fine for me if we became friends but since they don't want me as their friend, I don't want them as my friends either. I hate plastic people. So maybe, it's just better for us to not be friends. I don't need them. Marami pang students ang gustong makipag kaibigan sa akin. I shouldn't be sad just because they don't like me.

If they don't want me, I don't want them either.

Nakita ko ulit si Leandros na papalabas na ng gate. Napangiti ako. Pero bago ko pa man siya matawag, nagulat nalang ako nang bumaling siya sa gawi ko. Nasa bench ulit ako kung saan kami kumain kahapon at kung saan ko siya palaging hinihintay, sa loob ng school nila.

Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin. Nagtaas siya ng isang kilay. Tumayo naman ako at ngumiti tapos kumaway.

"Hi!"

Lumapit siya at para na namang sasabog ang puso ko sa sobrang bilis dahil sa titig niya. There's just really something in his eyes that makes me nervous all the time. It's like a tornado coming to me, dangerous and scary.

But I'm not scared. I can't explain it. I feel like... it's new. It's a new feeling. I can't name it. It's very foreign to me.

"You're here again," Leandros said nang nakalapit.

"Ah, oo! Uh... sorry wala akong dala ngayon..."

Uminit ang pisngi ko. I didn’t bring anything so I had no reason to come here but I’m still here! What am I going to do here? Ibibigay ang mga libro ko sa kanya? Nakakahiya!

I saw his lips rose for a smile but immediately disappeared. "You don't have to bake for me all the time. It's fine."

Nag angat ako ng tingin sa kanya at iyon na naman ang seryoso niyang mga mata. Feeling ko tuloy galit pa rin siya sa akin pero kabaliktaran naman iyon ng pagsasalita niya. Hindi na siya masungit at mabait nalang ngayon. Gusto kong ngumiti pero pinigilan ko.

Maybe that's how his eyes really are. Seryoso at malamig kahit hindi naman siya galit sayo. Titig na titig pa kaya naman kinakabahan pa ako lalo.

"Uh... aalis ka na ba? N-Nakita ko ang sundo mo sa labas..." kinagat ko ang labi ko.

Sana wag muna siyang umalis! Pero paalis na siya kanina. Kung ganon... aalis na siya?

"Ikaw? Aalis ka na ba?" balik niyang tanong sa akin.

"Hindi pa. P-Pumunta lang ako rito para sayo..." pag amin ko at halos umapoy ang pisngi ko sa kahihiyan! "P-Pero kung aalis ka na, ayos lang naman. Nandyan na rin naman ang sundo ko..." pilit akong ngumiti.

His lips rose a bit. Mas lalo pang uminit ang pisngi ko. Gusto kong yumuko at magpakain nalang sa lupa dahil sa sobrang kahihiyan! Wala pa nga, ang dami dami ko na agad kahihiyan!

"Okay, then... Let's sit there," anya at tinuro ang bench sa likod ko.

"H-Huh? Bakit? Hindi ka pa ba aalis?"

"Pinapa alis mo na ako?" tumingin siya sa akin.

"H-Hindi! Uh... ibig kong sabihin... baka lang hinahanap ka na ng driver niyo..."

Again, his lips rose for a smile. Ngayon hindi na ako namamalikmata!

"Don't worry about it. Let's sit..." hinawakan niya ang pulsuhan ko.

Nagulat ako. Napatingin ako roon ng ilang sandali at pagkatapos sa kanya. Pero bago ko pa siya matignan ng mabuti ay hinila na niya ako papunta sa bench. I couldn't do anything but sit next to him. Walang kasing bilis ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko sasabog na iyon! Especially now that he's holding my wrist!

"Do you have homeworks?" Leandros asked.

"M-Meron..." I can't stop trembling!

"I have too. I'm doing my homeworks here. Sabay na tayong gumawa..."

What?

I watched him take out his notebooks. Dahil roon ay kinuha ko na rin ang bag ko at nilabas ang mga notebooks na may mga assignments. Muntik ko nang makalimutan ang notebook na may assignments dahil sa sobrang taranta. Mabuti nalang hindi niya naman nahalata ang pagmamadali ko.

"Are you sure you're going to do it here? Magiging komportable ka ba?" nag aalala kong tanong.

"Nope. How about you? Are you uncomfortable here?"

Umiling ako agad. "Hindi! Uh... ayos lang dito. Makakapag sulat naman ako ng maayos..."

Kahit na hindi dahil bench iyon. Yuyuko pa ako para magsulat!

"Let's move there," Leandros said and pointed to the stone table and chairs in the distance.

Napatingin ako sa kanya dahil mukhang napansin niya na hindi ako komportable. Kinuha niya ang mga notebooks at bag niya at nagulat ako nang pati ang sa akin, kinuha niya!

"Ako na dyan!" sabi ko.

He didn’t speak and just carried my belongings to the stone table. Without saying a word he left and I was almost stunned by where I am standing. Agad rin naman akong sumunod para naman hindi ako magmukhang tanga. Umiling iling ako para hindi mag isip ng kung ano ano.

"Salamat..." I said as I sat down and he put my things on the table.

"Can I see your assignments?"

Nagulat na naman ako. Nagdalawang isip pa ako nung una kung ibibigay ko ba sa kanya o tatanggi nalang. I don't know why I suddenly thought of my writing. My handwriting is not that good! Baka pagtawanan niya iyon dahil pangit! Nakakahiya!

But since he was waiting I couldn't do anything but nod and hand him a notebook of mine with an assignment.  Tinignan niya iyon. Nakakunot ang kanyang noo at seryoso habang binabasa ang nilalaman ng notebook ko. Ni hindi ko alam kung naiintindihan niya ba iyon dahil sobrang pangit ng handwriting ko. Si ate Johan pinagtatawanan iyon!

"I'll help you with this."

"H-Huh?" nagulat na naman ako. "Hindi na! Kaya ko naman na yan, Leandros. Tsaka kaunti lang yan..."

"Call me Lee."

Lee?

Hindi agad ako nakapag salita sa gulat. Lee? Isn't that what his close friends call him? Why would he want me to call him that too? Pakiramdam ko mali ang tawagin siya ng ganon dahil hindi naman ako malapit sa kanya.

Pero hindi naman ako pwedeng tumanggi. That's a big deal to me but it doesn't seem like a big deal to him so I won't prolong it. I just nodded and smiled.

"Lee..." I said it, almost a whisper.

Tumingin siya sa akin. His brown eyes bore into me and I can't stop my heart for beating so fast and hard again. Nag iwas ako ng tingin dahil hindi ko siya kayang tagalan. May kung ano sa kanyang mga mata na natutuwa dahil tinawag ko siya sa ganon at mas lalo pa noong pinapabilis ang tibok ng puso ko.

"How about you? What should I call you?" he asked with a small smile on his lips.

Gusto kong titigan iyon sa pagkamangha. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti ng ganito!

"Uh... kahit saan ka komportable..." sabi ko habang nakatitig sa kanyang labi.

"Mmm? Then... I can call you... Mina?"

My heart pounded even more when he mentioned my nickname. Nag angat ako ng tingin sa kanya. Pakiramdam ko sasabog na ang pisngi ko sa sobrang pag iinit! Gusto kong mangiti pero sobrang pigil na pigil ko ang sarili ko.

"Oo naman..." sabi ko.

"Okay, then, Mina, I'll help you with your assignments."

"Hindi naman na kailangan. Kaya ko na yan tsaka may gagawin ka rin. Mag kanya kanya nalang tayo..."

He stared at me for a moment before he nodded. "Okay. Just tell me when there's something you don't understand."

Tumango ako at ngumiti. Nagsimula na kaming gumawa ng mga assignments. Paminsan minsan akong sumusulyap kay Lee pero kapag tumitingin siya sa akin ay nag iiwas agad ako ng tingin. Nakakahiya! Palagi niya akong nahuhuli na nakatingin sa kanya!

"What course will you take in college?" Lee suddenly asked later.

"Culinary. I've been planning that for a long time. Ikaw?"

"Architecture..."

Oh! He wants to be an architect? Nakakamangha naman.

"Business ang mga Agravante. Buti hindi ka nila pinipilit sa business?"

"Hindi nila ako pinipilit. It's fine for them. Nandyan naman si Issa, Lorie at Eli para mamahala sa mga kumpanya namin. Sila kasi sigurado nang business ang kukunin nila."

"Ikaw? Ayaw mo sa business?"

"Ayoko. I can't find any interest in business. Sa pagbabake at pagluluto lang talaga..."

"That's good. You should choose your dreams."

Tumango ako at ngumiti. Gumagawa pa rin kami ng assignments.

"Ikaw? Architecture ba talaga ang gusto mo?" tanong ko.

"Yes. Matagal ko nang gusto ang architecture. Mahilig akong magdrawing at magdesign."

"Ang galing! Anong mga dinodrawing mo?" interesado kong tanong at tumingin sa kanya.

He also looked at me and stared at me for a moment before answering.

"Buildings and houses... I can also draw people and nature..."

Namangha ako.

"Wow! So you can draw me?"

The edge of his lips rose. Uminit ang pisngi ko nang napagtanto ang sinabi.

"Yes. Why? You want me to draw you?"

"Uh... hindi naman. Tinatanong ko lang. Like... you know... a person... kaya mo palang magdrawing ng isang tao... ang galing..."

He chuckled.

Napatitig ako sa kanya sa sobrang pagkakatigil. Did he just laughed?

"Ikaw? Do you draw? I'm sure you can draw?" tumingin siya sa akin, may ngiti pa sa labi.

Hindi agad ako nakasagot sa sobrang pagkakatigil at gulat sa kanyang ngiti. Hindi ko na alam ang itsura ko ngayon dahil sobra na akong namamangha sa lahat ng ginagawa niya. Kahit ang ngiti ay nagpapamangha sa akin!

"Ah, oo. Pero yung mga basic lang. Hindi ako marunong magdrawing nung katulad ng sayo..."

Tumango siya. "You want me to teach you?"

"Ah, hindi na! Nakakahiya naman. Tsaka mahirap akong turuan kaya wag na..."

"You sure?"

Tumango ako.

"Mmm, okay. Eh, ikaw? Can you teach me how to bake?"

Nagulat ako. Bake? He wants me to teach him how to bake? Tama ba ang pagkakarinig ko?

"Bakit naman? Gusto mo na ring magbake?" biro ko at ngumiti.

"I just want to learn how."

Tumango tango ako. "Pwede naman kitang turuan. Pero hindi ko alam kung saan. Wala tayong paglulutuan..."

Hindi naman pwede sa amin at mas lalong hindi pwede sa kanila.

"Maybe soon. You can teach me, right?" he said.

Soon? Kailan naman iyon?

"Oo naman..." ngumiti ako.

"Okay. That's a deal, then?"

"Deal..."

We continued doing our assignments and I still couldn’t help but glance at him constantly. I can't help it. Lalo na kapag nakakunot ang kanyang noo at halatang sobrang seryoso sa ginagawa. Hindi ko mapigilan ang mapangiti.

Madalang nalang ngayon makakita ng isang lalaking sobrang seryoso sa kanyang pag aaral kaya naman hindi ko mapigilang humanga at magalingan kay Lee. Halata naman na seryoso siya sa ginagawa at talagang pursigido. Sigurado akong kapag nag college na siya makukuha niya ang gusto niyang kurso. Sigurado akong makakapasa siya. He's a Hidalgo anyway. And a Hidalgo never fails.

Nagkaroon na naman ako ng napaka gandang araw pagkatapos noon. Habang nakahiga sa kama ay hindi ko mapigilang ngumiti habang inaalala ang ginawa namin ni Lee kanina. At hinayaan niya akong tawagin ko siyang Lee!

Hindi pa rin ako makapaniwala. Sa sobrang galit ng mga Hidalgo sa akin ay hindi talaga ako makapaniwala.

Mas lalo akong napangiti. I really can feel it. I'm happy. Very happy!

Continue Reading

You'll Also Like

372K 19.5K 31
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
15.3M 435K 73
"𝐖𝐡𝐞𝐫𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐡𝐞𝐥𝐥 𝐡𝐚𝐯𝐞 𝐲𝐨𝐮 𝐛𝐞𝐞𝐧 𝐚𝐥𝐥 𝐦𝐲 𝐥𝐢𝐟𝐞?" "𝐍𝐨𝐭 𝐢𝐧 𝐡𝐞𝐚𝐯𝐞𝐧, 𝐭𝐡𝐚𝐭'𝐬 𝐟𝐨𝐫 𝐬𝐮𝐫𝐞." Nothing in life...
33K 907 52
Play The Set #4 Leolita Dimagiba, kahit ilang bagyo pa ang dumating sa buhay niya, katulad ng apelyido nito, hindi siya magigiba. For years, she beca...
1M 32.4K 42
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...