That Nerd (Completed)

By DairyQUEENIE

397K 9.3K 218

* I Don't believe in Fairytales,BUT i do believe in Happy Endings. - Allaine Vesconde Ā© 2014 More

Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24 (Lara's POV)
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41 (Aichee's Pov)
42
43
44
Epilogue
DairyQUEENIE's Note
DairyQUEENIE's Note

45 (FINALE)

9.6K 223 10
By DairyQUEENIE

-

 Aichee’s POV

  Napalingon ako ng tawagin ang section nila Allaine, napangiti ako ng Makita ko siyang nakangiti at nakapila habang naglalakad kasunod ng mga kaklase niya patungo sa stage.

“Lara Abaca…” nakangiting naglakad si Lara sa Stage upang kamayan ang mga Guro na nagsilbing pangalawa naming magulang sa buong Apat na taon sa High school, Inabot niya ang diploma,nakangiting humarap sa mga manonood, at hinintay ang paglapit ng mga Magulang niya upang isabit ang medalyang matatanggap niya.

“Congrats.” Bulong ko kay Kyle, halata sa kanya na sobrang proud siya sa Girlfriend niya,Top 1 eh. Proud din naman ako kay Allaine, alam ko naman na sinubukan niyang mapunta sa spot na meron si Lara pero siguro, nakaapekto sa kanya ‘yung nagyari sa’min dati. Proud pa din ako dahil Top 2 siya sa klase nila.

 At nagtataka ba kayo kung ano ang meron ngayon? Eto lang naman ang pinaka espesyal na araw para sa aming Seniors, ang aming ‘Graduation’ day.

Nagpalakpakan ang mga kapwa naming estudyante,ganun na din ang mga magulang namin ng tuluyan ng maisabit ang medalya kay Lara.

“She did it.” Nakangiting saad ni Kyle habang pumapalakpak, Tumingin sa kanya si Lara at pinakita ‘yung medal na suot niya, nag ‘ok’ sign naman si Kyle sa kanya.

 Ilang pangalan pa ang tinawag, nagkatinginan kami ni Allaine. I mouthed ‘good luck’ saka ako nag salute sa kanya. Lumawak ang ngiti ko ng kawayan niya ako. ‘Vesconde’, kaya nasa dulo siya ng pila ng mga Girls.

“4-B Top 2, Allaine Vesconde—“

Hindi natapos ng dean ‘yung pagsasalita ng bigla akong tumayo habang pumapalakpak, natatawa si Allaine habang naglalakad papunta sa stage habang nakatingin sa’kin. Kahit sila Paolo at Kyle ay natatawa na, maging ang mga Teacher’s at Dean ay pare-pareha ng reaksiyon.

“Congrat’s,Baby! I’m so proud of You!” sigaw ko pa.

“YIIIIIIIIIIIIIEHHH!” Nagtilian ‘yung mga babaeng Seniors, nakangiti naman sa’kin ‘yung mga Teacher pati na din si Dean.

“You have a very proud Boyfriend there.” Natatawang saad ni Dean. “Okay, may we call on Mr. & Mrs. Vesconde…”  dahan-dahan akong umupo ng Makita kong ngiting-ngiti sa’kin ‘yung Parents ni Allaine habang paakyat sila ng Stage, napa face palm ako. Nawala sa isip ko na Graduation nga pala ito at malamang nandito din ang Parents niya! Ngayon pa ako nahiya,eh naipag sigawan ko na!

 Muli akong sumulyap kay Allaine, matamis ang ngiti niya habang hawak ‘yung nakasabit na medal sa leeg niya, inangat niya ‘yung paningin niya at deretso siyang tumingin sa’kin. Sinuklian ko ng matamis na matamis na ngiti ang ngiti niya. Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa makababa siya ng stage at makaupo sa upuan niya.

 Lumipas pa ang oras, maya’t-maya ako sumusulyap kay Allaine. Napapangiti nalang ako, ang ganda-ganda niya kahit wala siyang make-up. Nakalugay lang ang buhok niya at tanging ‘yung pang couple stuff ang suot niyang accessories. Napaka simple niya, napapaisip na naman tuloy ako. Kaylan niya kaya ako sasagutin? Hindi naman sa nagmamadali ako, sa katunayan nga eh kahit nangliligaw pa lang ako, parang kami na din. Sadyang panakaw lang ‘yung kiss ko.

Muli na naman akong napangiti ng maalala ko ‘yung nangyari kanina…

<>FLASHBACK<>

 “T-teka! Saan ba tayo pupunta? Baka hanapin tayo dun!” alalang tanong niya habang hinihila ko siya sa kung saan. Naka toga na kami at hinihintay nalang namin na mag simula ang seremonyas.

“Saglit lang ‘to.” Nakangiting saad ko, ngumiti din naman siya at hinayaan na akong hilahin siya hanggang sa makarating kami sa likod ng Building ng Seniors. Isinandal ko siya sa wall saka ko hinarang ‘yung magkabilang braso ko sa gilid niya.

“What are we doing here?” tanong niya habang nakatingala sa’kin. Ngumiti ulit ako saka ko hinawakan ‘yung pisngi niya.

“I love you..” malambing na sabi ko, magsasalita pa sana siya pero agad kong siniil ng halik ang labi niya.

<>END OF FLASHBACK<>

 Matapos nun ay bumalik na kami at saktong magsisimula na ‘yung Graduation.

“Our This batch’ Valedictorian,” tinapik ako ni Kyle at Paolo, muli akong sumulyap kay Allaine. Pinapalakas niya kasi ang loob ko sa tuwing nginingitian niya ako. “Aichee Park..” masigabong palakpakan ang sumalubong sa’kin ng tumayo ako at naglakad patungo sa Stage, nakipag kamay muna ako kay Dean bago ako humarap sa students para magbigay ng kaunting speech.

“Good afternoon,My dear Co-Seniors!” muli na naman silang nagpalakpakan. Huminga ako ng malalim saka nagpatuloy. “4 years ago,halos lahat tayo ay sabay-sabay ng tumuntong sa University na ito.Nakakilala tayo ng mga bagong kaibigan, bagong guro at bagong kaaway.” Natatawang saad ko. “Habang tumatagal,mas nakikilala natin kung sino ang totoo sa hindi,kung sino ang dapat at hindi dapat katakutan. Naranasan din nating maghirap dahil sa mga terror nating guro na talaga namang manginginig ka sa takot kapag nasa loob ka ng klase niya,pero kapag nasa labas ay para nalang natin silang barkada.It’s our for own good,anyway.See? Graduate na tayo!” muli silang nagpalakpakan.

“lumipas ang ilan pang taon, mas nakikilala natin ang bawat isa,sabi nila,Third year ang pinaka masayang Year sa Highschool dahil dun mo unang mararanasan ang Junior Prom kung saan maaari mong makilala ang dapat ay para sa’yo at Fourth year naman ang pinaka malungkot kasi mararamdaman daw natin na ito na ang huling taon natin para masabi mong ‘bata’ pa tayo dahil kahit anong pilit natin, darating at darating tayo sa puntong mahihiwalay tayo sa mga taong naging totoo sa’tin,mahihiwalay tayo sa mga taong natutunan na nating mahalin,mahihiwalay tayo sa mga taong nagsilbing pangalawang magulang natin..” sumulyap ako sa mga Guro, nakangiti sila pero halata sa mata nila ang kalungkutan. “..At mahihiwalay tayo sa isang samahan,samahan na nag-umpisa sa asaran,kulitan at damayan..Ang Nabuo nating ‘Barkada.’” Sumulyap ako kay Paolo at Kyle, alam ko naman na hindi kami maghihiwa-hiwalay pero nakakalungkot pa din isipin na hindi na kami isang Highschool student na pwedeng gawin ang gusto naming gawin dahil hindi ganun kadali ang College. Muli akong huminga ng malalim saka sumulyap kay Allaine. Alam kong proud din siya sa’kin, nginitian ko siya.Ngumiti din siya na lalong nagpalakas ng loob ko.

“At syempre, mawawala ba naman ‘yung ‘Love’ na una mong mararanasan sa High school? Pero hindi maiiwasan ang masaktan at makasakit ka, pero para sa’kin. Hindi naman tatatag ang isang relasyon kung walang pagsubok na darating. Gawin nating inspirasyon ang mga taong nagpaparamdam ng pagmamahal sa atin.” Napakagat ako sa labi ko, “I would like to thank my Parents..” tumingin ako sa pwesto ni Mommy at Daddy, nakangiti sila sa’kin. “Thank you,Mom,Dad. For giving me this beautiful life, for supporting in my any decisions, Thank you for the Love, thank you guys, for everything. Kung wala po kayo,wala din ako dito ngayon. Kung hindi po dahil sa inyo,hindi ko po makakamit ‘to. Sobrang thankful ako at kayo ang ibinigay na magulang sa’kin ni God. I really love you Both,Mommy,Daddy.” Nakita kong nagpupunas ng luha si Mommy. Si Daddy ay proud na nakatingin sa’kin. “At siyempre, Sa ating mga Guro. Ma’am,Sir. Maraming salamat po bilang tumayong pangalawa naming magulang,maraming salamat po sa pag-intindi sa kakulitan naming students,salamat po sa pag tuturo ng mabuti. Maraming salamat po sa apat na taong pagtuturo. Habambuhay po naming dadalhin ang utang na loob namin sa inyo. Salamat po sa disiplina, Salamat po,Dean, sa pangalawang tahanan na ibinigay niyo sa’min. Thank you.” Nagtanguan naman sila, muli akong ngumiti at tumingin sa huling taong pasasalamatan ko.

“And lastly..” lumunok pa ako ng ilang beses bago muling magsalita. “I would like to thank this beautiful lady—“

“Kyaaaahhh!”

“OMG! Kinikilig ako!!”

“Look oh,namumula si Allaine!”

“Grabe! Nakakakilig!”

 Napangiti na naman ako, hinintay ko munang humupa ang tilian bago ako muling magsalita.

“Thank you for giving me strength everytime I feel so weak,thank you for understanding,thank you for your Love,thank you for being My Inspiration, thank you for the Second chance that you gave to me. Thank you Baby,for being there when I needed you the most.Baby, no matter what happened, you will always be My number 1,You’ll always be My other half. I love You so much,Allaine.” Sincere at deretsong saad ko habang nakatingin sa kanya, nakangiti siya sa’kin pero mula dito sa kinatatayuan ko ay nakita ko kung paanong tumulo ang luha niya.

“Again, Congratulations to us and See you on College!” pagtatapos ko. Nag bow pa ako saka ako muling humarap sa mga Teacher at sa mga dean. Muli akong nakipag kamay sa kanila bago ako bumaba at bumalik sa upuan ko.

 Huminga ako ng malalim. Is this the end? No. kasi, nagsisimula pa lang ang love story namin ni Allaine, nagsisimula pa lang..

Makalipas ang ilan pang oras ay natapos din ang seremonyas. Maraming lumapit sa’kin para batiin ako, maraming nagbigay ng regalo at maraming nag pasalamat.

 Luminga-linga ako ng mapansin kong wala si Allaine, pati ang Magulang niya ay wala. Bigla akong nakaramdam ng kaba

“Kyle, nakita mo ba si Allaine?” tanong ko habang lumilinga.

“Nakita ko siyang lumabas.” Turo ni Kyle sa entrance. Tumango ako saka ko siya tinapik sa balikat.

“Thanks.” Agad akong naglakad palabas, ngunit nagtaka ako ng hindi ko pa din siya Makita pero nandon si Paolo.

“Paolo, si Allaine? Nakita mo ba?” agad na tanong ko. Tinuro niya ‘yung pa-liko malapit sa Open field

“Dun ko siya nakitang naglakad,eh.” Aniya, tinapik ko lang siya sa balikat saka ako pumunta sa tinuro ni Paolo, ngunit laking dismaya ko ng hindi si Allaine ang Makita ko.

“Bro! Congrat’s!” nakipag fist bump pa sa’kin si Mico habang nakangiti. Nginitian ko din siya

“Thanks.” Luminga-linga ako, “Nakita mo ba si Allaine?” tanong ko. Tila nag-isip pa siya bago magsalita.

“Nakita ko siyang pumunta dun” turo niya papunta naman sa Garden, napakunot ang noo ko saka ko tinapik sa balikat ni Mico

“Sige,Thanks!” agad akong naglakad patungo sa Garden, may mangilan-ngilan pang estudyante dun, nag-uumpisa na ding buksan lahat ng ilaw dahil dumidilim na.

“Kuya Aichee!” nakangiting salubong sa’kin ni Sky kasama si Spencer.

“Congrat’s,Kuya!”- si Spencer.

“Thanks!” tumingin ako kay Sky, “Nasa’n Ate mo?” medyo hinihingal na tanong ko, nagkatinginan sila ni Spencer saka muling tumingin sa’kin.

“Nakita namin siya dun kanina eh.” Sabay pang sabi nila habang nakaturo sa pa-liko kung saan ‘yung Gym. Tumango ako.

“Puntahan ko lang.” sabi ko saka ako nag-umpisang maglakad.

“Congrat’s sa’tin!” salubong sa’kin nung Kambal, ka-team ko sa Varsity.

“Yeah.” Ngiting sagot ko. “Nandito ba si Allaine?”

“Nandon!” sabay-sabay pa nilang tinuro ‘yung patungo sa Cafeteria, napanguso ako. Mukhang trip ako ng Baby ko,ah.

“Sige,una na ‘ko!” paalam ko sa kanila

“Good luck,Bro!” sigaw pa nila at tumango nalang ako, pag dating ko sa Cafeteria.Hindi si Allaine ang naabutan ko kundi ang Parents ko at Parents niya.

“Baby! Congrat’s! Proud na Proud kami ng Daddy mo sa’yo!” sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap at halik sa pisngi.

“Thanks,Mom.”

“Congrat’s,Son!” niyakap din ako ni Dad.

“Thank you,Dad.”

“Congrat’s,Hijo.” Napalunok pa ako ng yakapin ako sandali nung Mommy ni Allaine.

“Congrat’s.” nakipag kamay pa ako sa Daddy ni Allaine.

“Thank you po,Tito,Tita.” Ngiting saad ko. Muli akong bumaling sa kanila. “hmm,hinahanap ko po kasi si Allaine, nakita niyo po ba siya?” tanong ko,nagkatinginan naman silang apat saka ngumiti.

“Pumunta dun” sabay-sabay pa nilang tinuro ‘yung daan patungo sa Building ng Seniors, napakagat ako sa labi ko para mapigilan ang pag ngiti. Anong trip mo,Baby?

“Salamat po, susundan ko lang.” paalam ko sa kanila saka muling naglakad. Sa baba ng building ay nakasalubong ko si Liza, nakangiti siyang sinalubong ako at may inabot sa’king isang maliit at kulay asul na papel, sticky note?

“A-ano ‘to?” takang tanong ko, tinapik niya naman ako sa balikat habang nakangiti.

“Congrat’s, and…Good luck” ngiti niya pa saka naglakad paalis, kunot noo kong tinignan ‘yung binigay niya at hindi nga ako nagkamali, may nakasulat. At hindi din ako pwedeng magkamali, sulat kamay ‘to ni Allaine.

~ You’re looking for me,aren’t you? =) Let’s play Hide and Seek, what do you think? You want to find me? 10 steps, forward.~

Nakangiti kong sinunod ‘yung nakasulat sa note,nagbilang ako sa isip ko hanggang 10. Saktong tumigil ako sa harap mismo ng wall kung saan may nakadikit na namang color blue sticky note, agad kong kinuha ‘yun at binasa.

~Ooops! Dead end! =p Try again,Nerd! 5 steps,Left.~

Napangiti na naman ako, puro kalokohan, lagot ka sa’kin kapag nakita kita at hindi ko talaga titigilan ‘yang labi mo!

 Tulad kanina ay sinunod ko ‘yung nakasulat sa note,pero hagdan na ang nadatnan ko pataas sa mga Rooms. Sa hawakan ng Hagdan,may nakadikit na namang Sticky note na agad kong kinuha.

~awww…You’re late =( But wait! I’m here at the Laboratory Room, Faster Mr.Park! I’m waiting.. =)~

Agad kong inakyat ‘yung hagdan, nasa 2nd floor ang laboratory pero bago ka makapunta dun ay madadaanan mo muna ‘yung Room ng Student Council,Room ng mga manunulat at ang mini Library kung tawagin namin. Nasa dulo ‘yung Laboratory Room pero pag dating ko dun ay naka Lock at sa pinto ay may Naka dikit na Sticky note.

~ Akala ko pa naman,mahihintay kita. Bakit ang tagal mo?! >_< Nainip ako kaya pumunta nalang ako sa Room. ~

 Imbis na mainis ay natawa pa ako, Nae-excite na akong Makita siya, gusto ko na siyang mahawakan! Gusto ko na siyang Yakapin ng sobrang higpit! Kaya naman tinakbo ko na ‘yung 3rd floor kung nasaan ‘yung room namin. Nanginginig na ‘yung kamay ko ng buksan ko ‘yung pinto, but I found No one! Where is She? Muli kong binasa ‘yung note, Aish! Room pala nila! Kaya agad akong naglakad patungo sa room nila. Dahan-dahan kong binuksan ‘yun at nadatnan ko ang nagtatawanang si Lara at Alice.

 Sabay pa silang napatingin sa’kin.

“Oh? Nandito na pala ang Prinsipe ni Allaine.” Saad ni Lara, naglakad sila palapit sa’kin.

“Where’s Allaine?” tanong ko, nagkatinginan sila saka ngumiti.

“You’re so lucky to have Her.” Ngiting saad ni Alice. Nginitian ko naman siya.

“oh siya! Kawawa ka naman, kanina ka pa paikot-ikot!” natatawang saad ni Lara saka niya inabot sa’kin ‘yung isang sticky note.

~ Masarap siguro mag star gazing ngayon, Ano sa tingin mo? Pero mas masarap siguro gawin ‘yun kapag kasama kita,diba? =) Rooftop.~

Napangiti na naman ako, tss. Yari talaga sa’kin ‘yang labi mo!

“Good luck!!!” tumitili pang sigaw ni Lara at Alice, napa-iling nalang ako. Kasabwat kayong lahat,ah?

 Sa hagdan paakyat sa Rooftop, bawat steps ay may naka dikit na Sticky note. Bawat hakbang ko ay tumitigil ako para kunin at basahin kung ano man ang nakasulat dun.

~ Sobrang inis ako sa’yo nung una kitang Makita,Hindi ka kasi marunong mag sorry!Naka sakit kana nga,ang suplado mo pa.~

 Bigla kong naalala ‘yung una naming pagkikita, sa totoo lang, natigilan ako nun kasi hindi ko alam ang dapat kong sabihin kaya bigla akong tumalikod. That’s rude,I know! Pero ‘yun lang ang alam kong paraan para maka-iwas.

~ Pinag bintangan mo pa akong kumuha ng itlog mo, Huhu! Ang bad mo sa’kin nung time na ‘yun!~

Natawa ako bigla, naalala ko din ‘yung araw na ‘yun! Nag sigawan pa kami sa loob ng Cafeteria. Pero bilib ako sa kanya kasi talagang palaban siya.

~ Sabi sa’kin ni Sky “The more you hate, the more you love” daw. Hindi ako naniniwala don noon,pero bigla nalang tumibok ang puso ko na parang abnormal sa tuwing makikita kita.~

~ Hanggang sa tuluyan ng lumala ‘yung nararamdaman ko, ayaw kong tanggapin nung una kasi, magkaaway tayo,diba?~

~ Nakumpirma ko sa sarili ko na totoo ang nararamdaman ko sa’yo nung unang beses na magkasama ang section natin sa Gym. Bigla ko nalang naramdaman na, dapat kitang alagaan.~

 Bawat hakbang,lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Bawat nababasa ko sa note, tila nagpapabalik sa ala-ala nung mga panahong hindi pa kami komportable sa isa’t-isa.

~ Kinulit na kita ng kinulit hanggang sa magsawa ka at tuluyan ng bumigay sa kakulitan ko. =) ~

~ Alam mo ba na sobrang saya ko nung mga panahong palagi na kitang nakakasama?~

~ ‘Yung panahong ako na ‘yung sandalan mo~

~ ‘Yung panahong ngumingiti ka na sa harap ko.~

~ ‘Yung panahong nagsasabi ka na sa’kin ng mga problema mo~

~ At nung panahong…Tinanong mo ako kung pwede mo ba ako maging Girlfriend?~

 Muli kong inalala ‘yung gabing ‘yun. Sobrang biglaan, hindi ko din inakala na aamin ako agad, pero totoo na ‘yung nararamdaman ko nun, talagang mahal ko na siya.

Napatingala ako, 10 more steps..

~ Sobrang Mahal kita,Aichee. Na kahit paulit-ulit mo pa akong saktan, paulit-ulit din kitang iintindihin.~

~ Sana Forever na tayo.~

~ Sana, Ikaw na at Ako. ~

~ Sana hindi mawala ang pag mamahal mo sa’kin pag tungtong natin ng College.~

~ Sana maging matatag tayo para sa isa’t-isa ~

~ Sana Ikaw ang makasama ko sa hirap at ginhawa ~

~ Sana, Ikaw na ‘yung lalaking makakasama ko sa Dream wedding ko.~

~ Sana Kahit tumagal tayo, walang mag bago sa nararamdaman mo para sa’kin.~

~ Sana ‘wag kang sumuko sa ugaling meron ako..

Huminga ako ng malalim bago ako humakbang pa ng isa, Last.

~ At sana, lahat ng ‘SANA’ ko ay matupad, kasama ka. =) I love you so much! I’m here inside, come in!~

 Hindi ko namalayan na nangingilid na ang luha ko, napalunok pa ako ng ilang beses bago ko buksan ‘yung pinto ng Rooftop. Agad sumalubong sa’kin ang napakalakas na hangin at sobrang dilim na paligid. Pumasok ako sa loob saka ko sinara ‘yung pinto.

“Allaine?” tawag ko, wala akong Makita at tanging ang buwan lang ang nagbibigay liwanag. Naglakad pa ako ng ilang hakbang bago ko mapansin ang isang sticky note na naman na nakadikit mismo sa sahig, yumuko ako saka ko kinuha iyon, kinuha ko pa ‘yung Cellphone ko para mabasa ko ‘yung nakasulat.

~ Malapit na ‘ko sa’yo. =) 5 steps, then Look down.~

Agad kong sinunod ‘yung nakasulat sa note

1

2

3

4

5

 Saktong sa Railings ako huminto, napahawak ako dun saka ako tumingin sa ibaba, at tulyan ng tumulo ang luha ko ng Makita ko kung anong nandon

 Mga kandila na tinauban ng baso at nag po-form ito ng Napakalaking Y E S

Napahawak ako sa labi ko, ilang beses pa akong nag buga ng hininga bago ako muling tumingin sa ibaba. Ang Ganda! Ako dapat gumagawa nito,eh. Ako dapat.

Napatingin ako sa kaliwa, nahagip ng mata ko ang nag-iisang sticky note na nakadikit sa railings, agad kong kinuha ‘yon.

~ Now…turn around.~

 Nanginginig ang buo kong katawan, muli akong huminga ng malalim bago ako dahan-dahang humarap sa kanya, at doon. Nakangiti siyang nakatayo malapit sa’kin. Naka white dress, at may hawak na isang Rose.

 Napangiti ako at patakbong yumakap sa kanya. Mahigpit ko siyang niyakap. Sinubsob ko ‘yung mukha ko sa leeg niya saka ko paulit-ulit na hinaplos ‘yung buhok niya.

“T-thank y-you.. Thank you..thank you, baby.” Paulit-ulit na saad ko. Napahagikgik naman siya.

“Di pa nga tapos,eh.” Natatawang saad niya. Humiwalay ako sa yakap saka ko hinawakan ‘yung magkabilang pisngi niya.

“M-meron pa?” sumisinghot na tanong ko, para na akong bakla sa harap niya. Nakangiti naman siyang tumango saka siya tatlong beses na pumalakpak.

Biglang nagliwanag ‘yung buong rooftop kasabay ng pagbukas ng pinto. Napabitaw ako sa pisngi ni Allaine saka ako napatingin sa mga taong magkakasunod na pumasok,

Si Lara,Kyle,Paolo,Liza,Mico,Alice,Spencer,Sky, ‘Yung Varsity Players, at Mas nagulat ako ng pinaka huling pumasok ay ang Parents namin.

 Nakangiti silang nakatingin sa’kin at sabay-sabay na kumanta.

“Anong ligaya ang nadarama? Sa tuwing ika’y kasama na, puso ay walang pangamba….”

 Naglakad si Allaine palapit sa kanila saka naki-kanta at humarap sa’kin.

“Habambuhay…Ikaw at Ako ang magkasama…Sa hirap at ginhawa..” nakangiting kanta ni Allaine, hindi ko na naman napigilan ang pag-iyak ko. Para na akong bata na humahagulgol sa harap nila, agad akong nilapitan ni Allaine saka niya hinawakan ang magkabilang pisngi ko at siya na ang nagpunas ng luha ko.

“Sumpa ko’y Ikaw lang walang iba,Pangako ko ito…Habambuhay..” pagtatapos niya sa kanta. Nakangiti na ako habang patuloy pa din sa pag luha.

“T-this is t-too much..” pautal-utal na saad ko, huminga ako ng malalim saka tumingin kay Allaine at sa iba. “Kinasabwat mo pa sila,ah? Effort.” Ngiting saad ko. Muli akong bumuga ng hangin saka ko hinawakan ang magkabilang kamay ni Allaine. “Mahal na mahal kita, mahal na mahal…” malambing na sabi ko. Ngumiti naman siya sa’kin

“Mas mahal kita ng higit pa sa sobra!” masiglang sabi niya. Natawa ako saka ko kinurot ‘yung ilong niya.

“Next time, hayaan mo nang Ako ang gumawa nito sa’yo. Ako ‘yung lalaki,eh.” Naka pout pa na sabi ko. Nagtawanan naman sila

“Hayaan mo na,Aichee! Minsan lang ‘yan!” tumatawang saad ni Lara.

“Thank you!” sabi ko sa kanila. Tumango naman sila saka ako muling humarap kay Allaine.

“Thank you so much for this, grabeng Graduation Gift ‘to. Nasurpresa ako ng sobra.” Tumatawang saad ko. Hinalikan ko siya sa noo “Pangako..” hinalikan ko siya sa ilong “Tutuparin ko lahat ng SANA mo” tumitig ako sa kanya saka ako ngumiti. “Na tayo ang magkasama.” Saka ko siniil ng halik ang labi niya. Napapikit ko. Ramdam na ramdam ko ‘yung pagmamahalan namin sa isa’t-isa,sana..sana hindi na matapos ‘to.

“ehem.” Bigla akong napahiwalay kay Allaine, napatingin kami sa Parents namin, nagkibit balikat sila saka ngumiti.

“So.. When’s the wedding?” tanong ng daddy ni Allaine na nag pagulat sa’min.

Napatingin kami sa mga kaibigan namin at tila kinikilig pa sila, hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Allaine.

“After College.” Ngiting sagot ko, tinaasan naman ako ng kilay ng Parents namin. “P-pero, g-gusto ko po paghandaan na ang Engagement namin..” tumingin ako kay Allaine saka ko hinigpitan ang hawak ko sa kamay niya. “This week.” Dugtong ko dahilan para mag singhapan sila.

Continue Reading

You'll Also Like

7.3K 169 22
Prayne Asheville Kingsley. She have everything. Family, friends, beauty, money, and a possessive fiance. Sobrang ganda ng buhay niya at parang Prinse...
22.8K 1.2K 30
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
361K 24.3K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
2.6K 205 16
Akira Shane Keylon and Klint Ashton Fazier open a new story of their lives. Halinat ating tunghayan.