I am the Tutor of Mr. Arrogan...

By SheWritesLove26

120K 1.8K 154

"I used to be confident, then you came and it's gone." Rio Jed Nolasco only knows one place to stay- at the t... More

I am the Tutor of Mr. Arrogant
-Prologue-
Lesson Number One -Miss Rank Number One-
Lesson Number Two -A Match Made in Heaven or in Hell?-
Lesson Number Three -Lesson Plan-
Lesson Number Four -Teach him to be patient.-
Lesson Number Five -Teach him to be helpful.-
Lesson Number Seven -Scrambled Feelings-
Lesson Number Eight -Teach Mr. Arrogant to be thankful.-
Lesson Number Eight - 2
Lesson Number Nine -She's Special-
Lesson Number Ten -A Night With Mister Arrogant-
Lesson Number Ten - 2
Lesson Number Eleven -The Crazy Fans-
Lesson Number Twelve -Accident and Goodbye-
Lesson Number Thirteen -Friends or Foes?-
Lesson Number Fourteen -Teach him to persevere.-
Lesson Number Sixteen -Learn to forgive.-
Lesson Number Sixteen-2
Lesson Number Seventeen -The Greatest Lesson-
Lesson Number Seventeen - 2
Lesson Number Eighteen
Lesson Number Eighteen- 2
Lesson Number Nineteen
Lesson Number Nineteen -2
Lesson Number Nineteen- 3
Lesson Number Twenty
Lesson Number Twenty One
Lesson Number Twenty One -2
Lesson Number Twenty Two
Lesson Number Twenty Two - 2
Lesson Number Twenty three
-Epilogue-
Bonus Chapter

Lesson Number Six -Teach him to be generous.-

4.3K 83 2
By SheWritesLove26

Lesson Number Six

-Teach him to be generous.-

"KUNG may laser beam lang ang mga mata mo ay kanina pa natunaw si Monica." Napakurap si Rio sa narinig at nilingon ang katabi niya at kung ngumiti ito ay parang wala ng bukas. 

"Tell me, Baby boy, attracted ka ba sa kanya? Sabagay, hindi kita masisisi. Ang ganda naman kasi ng batang iyan." 

Muling tiningnan ni Rio si Monica na nakangiti na nakikipag-usap sa isa pang members ng student council. Hindi niya maitatanggi na maganda ang ngiti nito. Pero siya? Attracted? Malabong mangyari.  

"Hindi ko alam kung bakit member ka ng student council." Naisagot na lang ni Rio at tumingin na lang sa Student Council president na nag-eexplain sa unahan.  

"You know what, Baby boy, it is not wrong to open your heart to someone who is worth it." Tuya ng katabi niya. 

"Hindi kita maintindihan, Ate Meg." Umiiling na sabi ni Rio at pilit na ifinofocus ang attention sa S. C. president pero hindi yata maiwasan ng mga mata niya na hindi sulyapan si Monica. Kailangan na yata niyang magpatingin sa optalmologist at hindi na niya makontrol ang mga mata niya. 

"Ang sinasabi ko lang, try mo minsan na buksan ang puso mo nang magka-girlfriend ka naman." Nang-aasar pang sabi nito. 

"Ate Megumi." Rio said in an undertone. "Hindi ba matatapos ang issue na iyan?" naiinis na sagot ni Rio. Ano bang klaseng topak mayroon ang pinsan niya ngayon at bigla na lang nitong naisipan na buksan ang topic na pilit niyang iniiwasan? At kung kailan naman council meeting saka naman nito napagtripan na i-discuss iyon. 

"Matatapos naman, kapag nakapag-uwi ka na ng girlfriend sa bahay." Ngiting-ngiti na sabi ni Megumi. 

"Tss. Pagbuhulin ko kaya kayo ni Lolo! Kung makapamilit ka na magka-girlfriend na ako wagas samantalang ikaw ay walang boyfriend." 

"Hindi pa naman ako obligado na magka-boyfriend samantalang ikaw, kailangan nang magka-girlfriend." At ngumiti lang lalo ng mapang-asar si Megumi. Tiningnan na lamang ni Rio nang masama ang nababaliw na niyang pinsan. 

"Ate Megumi, tara na." May lumapit na babae kay Megumi. Tumayo na ito at ginulo-gulo ang buhok ni Rio. Tapos na pala ang council meeting, hindi na niya namalayan, paano kasi kakulitan na tinubuan ng tao ang pinsan niya. "Paano, Baby boy, mauna na kami ni Shaina. Balitaan mo na lang kami kapag may girlfriend ka na." pagkatapos ay hinalikan siya nito sa pisngi. 

... ♥...

"TAPOS na ang meeting, bakit hindi ka pa tumatayo?" tanong ni Rio kay Monica. Nakalabas na ang lahat ng council members pero mukhang walang balak umalis si Monica. 

"May tinatapos lang ako," sagot ni Monica na hindi man lang tumitingin sa kanya. 

"Lunch time na, hindi ka pa ba nagugutom?" nagulat si Rio sa naging tanong niya. Pero may magagawa pa ba siya, natanong na niya, eh, alangan naman na bawiin pa niya. 

UMILING-ILING lang si Monica. Sa totoo lang ay nagugutom na rin siya pero hindi siya makakapaglunch dahil mauubos na ang allowance niya. Hindi kasi siya nakauwi noong weekend sa Batangas dahil masiyado siyang busy sa training at sa pagtututor niya, hindi tuloy siya nakahingi ng pera. Nakausap na rin niya ang Papa niya at sinabing sa makalawa pa ito makakapagpadala ng pera.

"Hindi ako nagugutom." Aniya pero tinraidor lamang siya ng kanyang sikmura. Lumikha ito ng ingay.

"Iyan ba ang hindi gutom?"  asik sa kanya ni Rio. Saglit niya itong tiningan. Salubong na naman ang mga kilay nito.

Hindi naman sumagot si Monica, sa halip ay binuklat-buklat lang niya ang mga folders na hawak niya. 

...♥...

"WAG KA nang magkunwari na busy ka!" kinuha ni Rio ang folders at ang ilan pang gamit ni Monica na nasa table. 

"Alam mo ba na namumutla ka na?"  

Nakakunot lang ang noo ni Monica na nakatingin na kay Rio. Si Rio naman, nakakunot din. Nagtitigan sila, nagsukatan ng tingin.  

Pero naunang nag-iwas ng tingin si Rio. Taena! Parang... parang... Malaking kasalanan nga yata ang tumingin sa mga mata ni Monica... parang nanghihigop ang mga titig nito. Parang wala ng iba pang puwedeng gawin kung hindi ang titigan na lang iyon.  

What the friggin' fudge! Kailangan na nga niya ng optalmologist.

"Paano na lang ang league kung magkasakit ka dahil hindi ka kumakain sa oras?" malamig na boses na sabi ni Rio at saka siya naunang naglakad... hindi na niya muling sinulyapan si Monica, baka lumala pa ang problema niya sa mata. 

...♥...

SUMUNOD naman si Monica, wala naman kasi siyang choice, dala dala ni Rio ang lahat ng gamit niya, pati nga ang shoulder bag niya. 

Kailan pa naging gentleman ang freak na iyon? 

"Tell me, Freak, end of the world na ba? O sinapian ka ng kung anumang engkanto?" 

Nang-aasar na sabi ni Monica kay Rio habang kumakain sila ng lunch sa cafeteria ng Bridgerton International Academy. Tiningnan pa niya ito mula ulo hanggang paa saka tinitigan ang mukha nitong nakabusangot. Halatang pikon na pikon na sa pang-aasar niya. 

"Teka, baka naman hindi ka si Airy Arrogant Freak... baka Alien ka." Umiling iling pa si Monica. "Oo nga, hindi ka si Freak..." eksaherada niyang sabi.

"Tss. Kumain ka na nga lang," malamig na sagot ni Rio saka pinagpatuloy ang pagkain at hindi na lang pinansin ang pambubwisit niya.  Killjoy! Natutuwa pa naman siyang pag-trip-an ito.

"Ayoko ng lalamya-lamyang training partner kaya kumain ka nang madami."  

Magrereklamo pa sana si Monica pero hindi na niya nagawang magsalita... sinubuan kasi siya ni Freak. 

Natulala na lang si Monica sa ginawa ni Rio. Pilit na pinuproseso ng utak niya ang nangyari... baka naman guni-guni lang niya iyon. Imposible naman kasi na subuan siya ni Freak, 'di ba?  

Mortal enemy sila! 

Pero bakit... 

Bakit biglang bumilis ang tibok ng puso niya? 

What the friggin' freakin' fudge! 

"Mukha kang tanga! Nakanganga pa habang may laman ang bibig." Ibinaba ni Rio ang kubyertos sa mesa. Tapos na pala itong kumain samantalang tulala pa rin si Monica. 

"Hoy, parrot! Bilisan mo, may klase pa tayo."  

...♥...

"HINDI KO gusto na makasama ka. Hindi ko gusto na ikaw ang tutor ko but being with you opened my eyes to the things I never knew existed."  

It had been three days. Tatlong araw mula nang sabihin sa kanya ng hangin na tinubuan ng tao ang mga katagang iyon. At hanggang ngayon ay hindi pa rin ma-digest ng tama ng utak niya kung ano ba'ng ibig sabihin ni Airy Arrogant Freak.  

Matalino naman siya, hindi ba? Bakit itong bagay na ito ay hindi niya makuha? Nagiging slow na ba ang utak niya? 

...♥...

SINAPIAN ba ng engkanto itong si Freak? Kanina pa  napapansin ni Monica na iba ang kinikilos ni Rio. O baka naman biglang nagkaroon ng himala— malabong mangyari iyon. Baka naman doppelganger lang iyong kasama niya ngayon at dinukot ng mga aliens ang totoong Rio Jed Nolasco.  

Ano ba itong mga pinagsasasabi ko? Walang kuwenta! 

Kung  sabagay, naninibago si Monica sa mga ginagawa ni Rio.

Una! Pinagdala niya ako ng gamit. 

Pangalawa! Niyaya niya akong maglunch. 

Pangatlo! Sinubuan niya ako ng pagkain.  

Pang-apat!.... 

"You're idling, Nicz."  

"Huh?" 

"Wala! Kanina ka pa tulala." Sagot lang ni Rio at binalikan ang mga problem sets na sinasagutan nito. Ni hindi man lang ito nagrereklamo samantalang kinuha pa niya  sa reviewer ng Resa at CPAR ang mga problems doon. Ang hirap kaya niyon. 

Pang-apat! Kanina pa niya ako tinatawag na Nicz...

Noong tinanong niya naman kung bakit iyon ang tawag sa kanya ay ito lang naging sagot nito. 

"Masiyadong mahaba ang Monica. At saka para unique. Ako lang ang puwedeng tumawag sa iyo niyon. Wala ng iba." 

Hindi talaga ito si Rio Jed Nolasco. Swear! Na-engkanto talaga ang freakazoid na ito.  Biglang bumait.  

"Tapos na!" sabi ni Rio at inabot sa kanya iyong mga sinagutan nito. Dati rati ay sisigawan siya nito pagkatapos nitong magsagot at magrereklamo nang maraming marami saka padabog na aalis. 

Samantalang ngayon ay marahan itong magsalita. Binigay nga lang nito sa kanya iyong notebook nito. Walang sigaw. Walang reklamo. 

"Diyan ka muna. May pupuntahan lang ako. Wag kang aalis." Tumayo na si Rio at humakbang papalayo sa kanya.

Saan naman kaya pupunta iyong freak na iyon? Bahala siya. 

Tapos  na rin niyang i-check lahat ng answers nito. At lahat ng sagot nito ay tama. Matalino naman talaga si Rio Jed Nolasco, eh. Tinamaan lang ng katamaran noong mga nagdaang linggo. 

Matapos ang limang minuto ay bumalik ito na may dalang sandwich at milk tea. Inabot lang nito kay Monica ang mga iyon bago muling umupo sa tapat niya.

"Nicz..." he said in an undertone. Napahinto siya sa pagkagat sa sandwich at napatingin sa binata. Ang seryoso lang ng mukha nito. Madalas naman niya na makita na seryoso ito... iyong seryosong galit. Pero this time ay iba— iba ang pagkaseryoso nito. 

"Hindi ko gusto na makasama ka...." 

"I know! You said as much. Ako rin naman, e, hindi ko gusto na kasama ka," pagpuputol niya sa sasabihin nito. Paniguradong mambubuwisit na naman ito. Akala pa naman niya ay bumabait na talaga ito. Joke lang pala.

"Puwede bang patapusin mo muna ako?"

 Ayan na nga! Sumigaw na! Fine! Tatahimik muna. 

"Hindi ko gusto na ikaw ang tutor ko but—" this time ay hindi na siya tumingin sa kay Rio, tinitigan niya ito nang may nanlilisik na tingin. 

"Being with you opened my eyes to the things I never knew existed."  

...♥...

"MASIYADO yatang malalim ang iniisip mo, baka malunod ka." 

"Anak ng chicharong baboy na lumalangoy," nagulantang si Monica nang may baritonong boses na bigla na lang nagsalita sa likuran niya. Sapo ang dibdib na medyo mabilis ang pintig dala ng pagkagulat ay lumingon siya para makita kung sino ang nagsalita. 

 May lahi ka ba'ng mushroom at bigla ka na lang sumusulpot o hobby mo lang talaga ang manggulat ng tao?" Nakataas ang kilay na tanong niya sa dumating. Hindi niya mabasa ang ekspresyon sa mukha nito. Parang napakalalim ng pagkatao nito.  

"Hindi ko hobby ang manggulat mas gusto ko ang maglaro." Sagot naman ni Spade na may kakaibang ngiti sa labi.  

"Ha?" Naguguluhan namang tugon ni Nica. Ano ba talagang gustong mangyari ng lalaking ito? O may gusto ba itong ipahiwatig? 

"Analyze your cards thoroughly before making a decision because one wrong bet will lead you to your loss." 

"What on earth are you talking about, Spade? Alam mo, hindi ko na talaga maintindihan ang takbo ng utak mo. Try mo minsan magpacheck up baka kasi kinulang ka na sa turnilyo." 

But Spade only chuckled at her as a response. Ms. Rank Number One might be intelligent but in this game she is dim-witted. 

"I study my cards so you must do the same. How much are you going to value your cards? You have to win, Ms. Rank Number One because the most important to you might be at stake." And with that, Spade left with a smirk and Monica was left there standing with a big question mark written all over her face. 

Continue Reading

You'll Also Like

4.5K 774 40
Blinded with selfishness, the simple life of Haisley Guttierez turned upside down as she was kidnap in exchange for a man's career.
76.2K 3.3K 45
Sa dinami-dami ng nangyari, bumalik siya para magbaka-sakali. Ang nasayang na sandali, maulit pa kaya muli? 💕
955K 19.7K 60
Gaano ba kahirap maging batang ina? Ano ba ang mararamdaman mo lalo na kung natatakot ka dahil ang pamilyang dapat nasa tabi mo para gabayan ka ay wa...
20.4K 561 29
Mahirap talagang tanggapin na ang kaisa-isang lalaki sa buhay mo ay mawawala sa 'yo. Lalo na't matagal mo na siyang nakasama. Hindi mo nalang namalay...