T A I N T E D (NGS #8)

By Ineryss

3.6M 100K 30.5K

Brandish Eireen Varquez is one of the wealthiest clans of the Delafuentes, the "alpha" female of her generati... More

Tainted
P R O L O G U E
1st Tainted
2nd Tainted
3rd Tainted
4th Tainted
5th Tainted
6th Tainted
7th Tainted
8th Tainted
9th Tainted
10th Tainted
12th Tainted
13th Tainted
14th Tainted
15th Tainted
16th Tainted
17th Tainted
18th Tainted
19th Tainted
20th Tainted
21st Tainted
22nd Tainted
23rd Tainted
24th Tainted
25th Tainted
26th Tainted
27th Tainted
28th Tainted
29th Tainted
30th Tainted
31st Tainted
32nd Tainted
33rd Tainted
34th Tainted
35th Tainted
36th Tainted
37th Tainted
38th Tainted
39th Tainted
40th Tainted
41st Tainted
42nd Tainted
43rd Tainted
44th Tainted
45th Tainted
46th Tainted
47th Tainted
48th Tainted
49th Tainted
50th Tainted
E P I L O G U E

11th Tainted

55.8K 1.7K 275
By Ineryss

Tainted

False Judgements

"Akala ko ba you don't like having one?" tanong ko nang bumalik kami sa kotse.

Pumasok siya sa driver's seat habang dumeritso naman ako sa front seat. He started the engine of my car and started driving. Nanunuya ko naman siyang nginitian habang tinitingnan sa kanyang wrist ang small glyphs tattoo niya. It looks good on him.

"I just said I'm not into it but I didn't say I don't like having it..." Sabay lingon sa akin.

Humagalpak ako ng tawa. What a lame excuse! And he thinks I'll buy that?

"Did you change your mind, Asiel? Do you want this marriage to work out? You looked like you're smitten..." sabi ko sa senswal na boses para tuksuhin siya.

Nagkasalubong ang kanyang kilay. Binasa niya ang labi at kalaunan ay humagalpak din.

"If I am smitten then I'd rather tattoo your name on my skin, Brandy. Don't be so full of yourself..." he said with a cunning smile on his lips.

The cold air lingered on my skin but it's bearable since I'm not wearing my leather jacket. Bumaba pa ang kanyang tingin sa may parteng dibdib lalo na't medyo expose ang tattoo. Umangat ang kanyang kilay at ibinalik ang tingin sa kalsada.

I tilted my head so I can see his clearer expression. Seryoso na itong muli.

"Hmm... Or you're just feigning ignorance to cover your real feelings... Pwede ka namang magconfess, Asiel. I'll reject you nicely, don't worry..." I licked my lowerlip with a sensual smile.

He chuckled and shook his head. Nagkatinginan kami dahil sa muli niyang paglingon. I smirked at him. He tore his eyes off while smiling.

Naging tahimik din naman kami ilang minutong makalipas. I am not in the mood to go home yet. Mukhang balak niya nang umuwi lalo na't pamilyar na ang daang tinatahak namin.

"I'm hungry..." I showed him my hungry face.

Nilingon niya ako saglit at tumango.

"Sa bahay na. Ipagluluto kita," he said unconsciously, without realizing it too much.

Ngumisi ako roon. "I don't want a homemade food, Asiel... Gusto ko ng red velvet macaroon," I said.

"Ah..." Nagkasalubong ang kanyang kilay at tiningnan ang mga nadadaanan namin.

Sarado na ang iilan lalo na't halos disoras na rin ng gabi.

"Wala kana bang ibang gusto?" tanong niya, siguro ay napagtantong hindi kami makakabili ng ganoon sa ganitong oras.

Umiling ako. He licked his lip in a problematic way. Humalukipkip ako habang iniisip kung paano makakakain noon.

After realizing Grand Uncle Rico then I took my phone out and called him for a video call right away.

Ilang minuto niya pa nasagot ang tawag. His eyes were sleepy and he seems resting.

"Yes, Princess?" he asked and fixed his disheveled hair.

"Grand Uncle I'm hungry. Wala nang open na Malls dito. Gusto ko rin sanang bumili ng damit," reklamo ko.

Sa gilid ng aking mga mata ay nakikita ko ang paglingon ni Asiel sa akin.

"Hmm. I'll contact one of my friends if he can open his own Mall and let you in. Wait..."

Tumango ako sa kalmadong paraan habang tinitingnan siyang sinusuot ang kanyang eyeglass at kinukuha ang isang cellphone. I watched him dialed something and put the screen on his ear.

"Hello? Yes... Rick! I have a favor... Can you open your Mall at this hour? My grand niece wants to buy something... Yes... Thanks." Sabay baba at tingin sa akin.

"Just buy anything you want. Ako na ang bahalang magbabayad," he said.

I smiled. "Thanks Grand Uncle Rico. You're the best..."

Umayos siya ng upo sa kama at sumandal sa headboard.

"By the way, why aren't you resting? Hindi ka ba napagod sa byahe?"

"Actually nagpatattoo ako. Kasama ko ang fiance ko, Grand Uncle." I showed Asiel on the camera. Lumingon siya saglit pero ibinalik din sa kalsada ang tingin.

Muli kong ibinalik sa front cam at nakitang nag-aangat na ng kilay si Grand Uncle.

"Thought you're planning to crash your wedding. But oh well, that's great. We'll support you if you change your mind. Seems like he's taking care of you very well..." ani Grand Uncle.

Tumawa ako. "We both agreed we'll destroy this marriage, Grand Uncle." Sabay lingon kay Asiel na seryoso lamang ang tingin sa kalsada, ang ekspresyon ay madilim na.

"Nasa inyo ang desisyon. As long as he's good to you then I don't have a problem with that..."

Ngumisi lamang ako. Alam kong naririnig ni Asiel ang usapan. Nagpaalam din naman ako kay Grand Uncle lalo na't mukhang pagod siya para makapagpahinga ito saka kami nagtungo sa Makati lalo na't naroon ang tinutukoy na Mall ni Grand Uncle.

It was one of the biggest Mall in Makati. Kaya noong bumaba kami ni Asiel ay sinalubong agad ako ng iilang saleslady.

"Are you Miss Brandy, Ma'am?" magalang nitong tanong.

I nodded while Asiel was silent beside me. Ngumiti ang babae sa akin at iginiya na ako papasok habang bumuntot naman ang iilan pang saleslady.

Masyadong tahimik ang Mall at buong parte ay nakabukas ang ilaw. Parang buong Mall talaga ang pinabuksan ni Grand Uncle so I can freely do everything I want.

"I want a box of red velvet macaroons," sabi ko na ikinatango agad ng isang saleslady at nagpaalam na umalis muna.

Dinala ko naman si Asiel sa kanilang Department Store para mamili ng damit. Pinagtuturo ko lang at isa isa iyong kinukuha ng saleslady.

"Damn spoiled," I heard him whispered when I stop on the mirror to watch myself.

"What?" I asked curiously since I didn't hear him.

Umiling siya at binasa ang labi, iniwas rin ang tingin habang hindi pa rin nagbabago ang seryosong ekspresyon. I let it pass and started choosing clothes again.

Noong magsawa sa mga damit ay umupo na lamang ako sa footwear area para mamili ng killer heels and shoes. Pinagtuturo ko lang ang aking gusto at hinayaan ang mga saleslady na yumuko sa aking harap at isukat iyon sa akin.

"You can also choose whatever you like, Asiel," I said after choosing three pairs of heels.

Umiling siya bilang pagtanggi. Umangat ang aking kilay. What's wrong with him? Kanina pa 'yang ekspresyon niya, ah? Para siyang may ikinakagalit na ewan. After the shopping and getting my red velvet macaroons ay lumabas din naman kami. Asiel offered to bring all the paperbags lalo na't ang mga saleslady sana ang magdadala noon para ilagay sa backseat ng aking kotse.

Sinimulan kong buksan ang box ng red velvet macaroons saka kumuha ng isa nang nasa front seat na ako. Asiel started the engine. Nilingon ko ang nakalinyang mga saleslady para panoorin ang aming pag-alis. Kumaway sila kaya ngumiti ako ng kaonti at itinuon din ang tingin sa aking hawak na isang piraso ng red velvet.

"You want?" Ibinigay ko ang box but he shook his head a bit.

Kinagatan ko ang red velvet at ibinalik sa kandungan ang box.

"Hmm! The best!" I muttered nang kumalat agad ang lasa noon sa aking bibig at parang ice cream na unti-unting natutunaw.

Hindi umimik si Asiel. Nanatili siyang tahimik. He looked like he's in deep thoughts since magkasalubong pa ang kanyang kilay. Hindi ko siya dinisturbo at itinuon lamang ang atensyon sa red velvet.

Ganyan naman talaga siya. He's mysterious. I couldn't read his mind. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa kanyang isipan. Mahirap ding hulaan ang kanyang ikinakairita o ang rason ng kanyang ekspresyong ipinapakita. He knows how to blow an air on you without seeing the reason why he's so cold, like the wind.

Thinking about it more, we will always be a mismatch. He doesn't like the things I like and I don't like the things he likes. We'll end up killing each other's mood. We don't share the same world. Kung magkakasundo man, may isang mundo ang kailangang isakripisyo para iwanan iyon at tumawid sa panibagong mundo. And I am not ready with that kind of change.

If Asiel wants me in his life then he needs to kill the fire first.

"Saan kita ihahatid?" he asked coldly.

"Sa bahay niyo na ako matutulog," I said after closing the box. Isang red velvet lamang ang nakaya kong kainin at naumay rin.

Naroon pa naman ang iilan kong gamit sa kanyang kuwarto kaya wala ring problema. Plus I also bought new pair of underwear lalo na't plano kong sa kanila magpaumaga.

Pagkarating sa kanilang bahay ay dinala niya ang aking mga gamit sa kanyang kuwarto. Tahimik niyang inilapag iyon sa kama habang ako naman ay nakaupo roon, kuryoso siyang pinapanood dahil sa pagiging tahimik.

"Did I do something offending on you that you looked so irritated?" Tumawa ako at ipinatong ang hita sa isa kong hita.

He licked his lip and glance at me. "Nakakagulat at mukhang may pakialam ka sa nararamdaman ng iba."

Kumurap ako. He smirked without humor on it and turned his back.

"Sa guest room ako matutulog. If you need anything then just call me," malamig niyang tugon.

"Asiel," I called right away.

Tumigil siya at huminto. Ang ulo niya lamang ang lumingon para bigyan ako ng kaonting atensyon. I smiled.

"Goodnight..."

Tumango siya at naglakad din paalis. Ngumiwi ako. Why is he so snob? I really don't understand him.

Hindi ko nalang iyon hinayaang mamalagi sa aking isipan at naghalfbath na. Natulog din naman agad ako nang walang iniisip at nagising lamang kinaumagahan dahil sa sumisilip na liwanag sa kanyang kuwarto.

Unti-unti akong dumilat. Nakakulob ako at nakatakip sa kalahati ng hubad kong katawan ang puting sheet. I blink twice and yawned.

Inisip ko agad ang plano sa umaga habang nagsusuot ng inner bikini at bathrobe lalo na't gusto kong maligo sa pool pagkatapos ng breakfast. I should invite Asiel. Speaking of...

Pagkababa, siya agad ang hinanap ko habang nasa hagdan pa ako. Nahanap ko siya sa countertop, nakahilig doon habang may kausap sa telepono at masyado na namang seryoso. Seriously? Hindi pa rin ba humuhupa ang kalamigan niya?

Nakita niya ang aking pagbaba. His eyes lingered on me for a bit ngunit agaran niya ring binawi at pinasadahan ng haplos ang kanyang buhok. He's wearing a black sleeveless shirt and denim shorts. Why is he so hot when he's cold at the same time? I don't really get him.

Ibinaba niya ang tawag. Nagtungo naman ako sa kanya.

"Gusto kong mangabayo mamaya," sabi ko sabay halukipkip sa kanyang harap.

"Nakahanda na ang agahan mo," aniya at may balak ng umalis sa aking harapan.

Kunot noo ko siyang sinundan ng tingin.

"I'll swim after having my breakfast," I informed him immediately.

"Hindi naman aalis ang swimming pool. Go there after your breakfast," he answered coldly, patungo na sa pinto at may balak lumabas.

Umismid ako sa pagiging sarkastiko niya.

"Asiel!" tawag ko sa inis lalo na't umiinit na ang aking ulo sa kanyang inaasta.

Tumigil siya sa may pinto. One glance and I found his eyes right away.

"Hmm?" his head tilted.

"Swim with me later," I demand.

I saw him snorted. Ang gilid ng kanyang labi ay umangat dahil sa sarkastikong ngisi na bumalandra roon.

"You can swim without me, Brandy," malamig niyang sabi ngunit naglalaro ang nakakalokong ngiti sa labi.

"Iyon ang gusto ko," matigas kong sabi.

Ibinulsa niya ang kamay at muling niyakap ng iritasyon ang mukha kaya mabilis iyong sumeryoso.

"Hindi iyon ang gusto ko." Sabay talikod na ikinalaglag ng aking panga.

Huh? What the hell? What's wrong with him?! Maayos naman kami kagabi, ah? Ba't parang ang ilap ilap niya bigla? Masyado siyang malamig!

Iritado akong nagmartsa patungong pool area para doon ipahatid ang aking agahan. Sa sobrang galit ay padabog kong ibinagsak ang aking pwet sa upuan. I saw Asiel petting the horse. Nilingon niya ako kaya iritado akong umirap. Damn you!

"Nag-away ba kayo ni Sir Asiel, Miss Brandy?" tanong ng Ginang nang tuluyang inilapag sa round table ang tray.

"Ganyan ba talaga siya? Bigla nalang nagiging cold? Or he's born being cold?" I asked with irritation.

Ngumiti ang Ginang at sumulyap sa kinaroroonan ni Asiel. Bumaba ang aking tingin sa aking breakfast. Ito iyong agahan ko noong unang araw ko rito.

"Mabait si Sir Asiel, Ma'am..." aniya habang inaayos ang mesa.

Humalukipkip ako at sumulyap ng dahan dahan sa kanya. Mukhang naramdaman niyang nakatingin ako kaya muli siyang tumingin sa akin. I watched him intensely. He equalled it with a cold stare. Ilang minuto ang aming titigan hanggang binawi ko rin at ibinalik sa Ginang na ngumingiti na sa akin.

"Magkakabati rin po kayo. Baka konting suyo lang..." suhestyon niya na ipinagsalubong ng aking kilay.

What's that shit? Suyo? Ako susuyov? Hell no. Anong rason para suyuin siya? And I don't think I did something wrong to offend him. Wala naman akong ginagawa sa kanya.

"Bahala siya," sabi ko sa matabang na tinig at ginalaw ang aking pagkain.

Nanatili ang tingin ng Ginang sa akin. Kuryuso niya akong tiningnan.

"May sasabihin ka pa?" I asked since she looked like she wants to say something.

Umiling siya ngunit may sinabi.

"Ayoko lang masaktan si Sir Asiel pagdating ng panahon..." makahulugan niyang sabi at yumuko para magpaalam. "Tawagin niyo lang po ako..."

Ang balak na sumubo ay naantala dahil sa huli niyang sinabi. Pinanood ko itong umalis. Anong tinutukoy niya? Obviously, Asiel agreed with my plans. We're both mutual that be both don't like the marriage. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit siya masasaktan sa isang desisyon na parehas naming sinang-ayunan.

Nawalan ako ng ganang galawin ang pagkain dahil mas may naisip na iba pang dahilan sa sinabi ng Ginang. Hindi kaya ay lumiko na ang isip ni Asiel? What if he wants this marriage to work out? Natawa ako sa kahibangang iyon at nasapo ang noo. Is he digging for his own grave? What is he thinking?

Muli kong nilingon si Asiel. I looked at him curiously. Lumingon siya pabalik habang abala sa pagsusuklay ng buhok ng kabayong nakatali. Nang muli kaming magkatinginan ay bumuntong siya ng hininga at itinigil ang ginagawa.

Pinanood ko siyang iwanan ang kabayo at nakapamulsang naglakad patungo sa akin. I swallowed watching him walk. Ngumuso ako at kinagat ang labi habang ibinabalik ng dahan dahan ang tingin sa harap.

Does he wants our marriage to work-out? But he knows it is not my plan! Alam niyang makakasama lamang ako sa kanyang kalusugan kung sakaling lumiko ang kanyang isip at sumalungat sa akin. There's no way I'll join his plan.

"You want something?" he asked coldly nang makarating siya sa aking gilid.

Tiningala ko siya habang magkasalubong ang aking kilay at sinasamaan siya ng tingin. He sighed and licked his lip.

"Ano 'yon?" tanong niya, na nababasa niya ang aking ekspresyon.

"Do you want the marriage to work out?" I said directly, without beating around the bush.

Medyo gulat sa aking tanong ngunit mabilis niya ring na compose ang sarili. Tiningnan niya ang mesa.

"Hindi mo ginalaw ang breakfast mo," aniya na ikinairap ko.

"Nakakawalang gana kumain," I said annoyingly.

Namaywang siya sa aking harapan. Ilang sigundong katahimikan ang nanaig sa aming pagitan. Nasa harap ang aking tingin habang ramdam ko ang mga mata niya sa akin.

"You wanna swim, right?" he asked calmly.

Tiningnan ko siya sa tahimik na paraan. Nanatili ang kanyang tingin at hinila ang kanyang shirt sa likuran hanggang bumalandra ang topless niyang katawan sa akin.

Tumalikod siya para hubarin ang kanyang shorts. Pinanood ko siyang maghubad hanggang tanging boxers na lamang ang suot at nauna sa pool. Pinanood ko siyang umahon kalaunan. Sinuklay niya ang basang buhok paatras at hinilamos ang mukha. He tilted his head when our eyes met, tila ba hinahamon niya ako sa kanyang titig na pumunta na rin doon at samahan siya.

Umirap ako at tumayo. Kinalas ko ang pagkakaribbon ng aking bathrobe. Tiningnan niya akong gawin iyon. Hinawi ko iyon hanggang malaglag ang bathrobe sa aking inuupuan, revealing my two piece redwood bikini with strings on each side.

Asiel licked his lip slowly while watching me walk. Nang makarating sa pool ay dahan dahan akong bumaba. Lumangoy siya palapit sa akin at inilahad ang kamay. Ibinigay ko sa kanya ang aking palad hanggang maingat niya akong inalalayan.

Humawak agad ako sa magkabila niyang balikat nang inihulog ko ang aking sarili sa kanya. Hinawakan niya ako sa magkabilang baywang para ibalanse ang aking sarili.

Mabilis na yumakap sa aking katawan ang lamig ng tubig ngunit dahil tirik ang araw ay nababalanse iyon ng maigi. Nagsimula kaming lumangoy at sumisid sa mas malalim. Nauna akong umahon at sinuklay paatras ang mga buhok saka rin sumunod si Asiel. He brushed his hair backwards and poke his other ear habang ang isang mata ay nakapikit.

"You are not answering my question. Did I heat the nail on the head?" Ngumisi ako lalo na't pakiramdam ko ay iyon din ang nagpapabagabag sa kanya.

Kung hindi man iyon ang problema, then I don't know what's bugging his mind. Iyon lamang ang naiisip ko sa cryptic na sinabi ng Ginang. Masasaktan talaga siya kung sakaling nagkaroon siya ng pakiramdam para sa akin.

But there's this foreign feeling... Namamalagi iyon sa likod ng aking isipan at ayaw ko lamang bisitahin dahil ayoko pang komprontahin. I want to ignore the thought of it because I'm not even sure yet.

Nag-iwas siya ng tingin at pinasadahan ng haplos ang basang buhok. The ray of the sun made his features looked vividly hot on my eyes. Marahan akong tumawa at lumapit sa kanya.

Ibinalik niya ang mga mata sa akin sabay basa ng labi lalo na't masyado nang malapit ang aming mukha sa isa't isa. I put my hand on his shoulder for a support.

"Do you want this marriage, Asiel?" I asked softly while tracing the side of his jaw using my pointing finger.

His adams apple moved. His jaw clenched. His eyes were intense and dark. Nanatili siyang walang imik ngunit nang hapitin niya ang aking baywang ay nagulat ako sa pag kakadikit ng aming katawan.

"We'll see about that..." paos niyang sabi habang may ipinaparating ang kanyang paninitig.

Nagkasalubong ang aking kilay sa pagkalito. Tumitig ako sa kanyang mga mata, nagbabaka-sakaling makakuha ng sagot doon at maliwanagan sa kanyang pagkatao. But the more I stare at him, the more I realize he's very mysterious.

"Kung gusto mo edi..." I said halfheartedly.

Humagalpak siya sa aking lintanya. Kinagat niya ang labi habang nagkakasalubong pa rin ang aking kilay, nalilito sa nangyayari at sa aking sinasabi.

"You seem like losing your mind while I'm trying my best to hold my sanity huh..." Ngumisi siya.

Mabilis akong natauhan at agarang umismid. Imbes na lumayo ay ipinulupot ko ang kamay sa kanyang leeg.

"Edi masasaktan ka talaga. Kasi hindi ko gusto," I reasoned after his false judgements about me while clinging on him.

Continue Reading

You'll Also Like

347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
155K 2.8K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
930K 31.9K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.