Love You Out Loud (UniCocoTya...

By sun_flowershine

2.2K 226 41

UniCocoTyang AU "Okay, then let's make a deal. Let's both court her. Kung sino unang sagutin, panalo. Kung s... More

Just skip this
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16

Chapter 9

52 7 6
By sun_flowershine

Coleen's POV

"Coco!" Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Frances. Nakaupo na ito kasama si Ate Nile at Ate Lara, may kaniya-kaniya ng pagkain sa harapan nila. Agad namang hinanap ng mga mata ko si Gabb at mukhang wala pa ito.

Lunch na ngayon at tulad ng usapan ay sabay sabay kaming kakain.

"Ayan na si Gabb." Saad ni Ate Lara at tumayo para salubungin ito. Halos sabay pa kaming naglakad ni Gabb papalapit sa kanila.

"Tara. Upo ka na." Dagdag nito at hinila patabi sa kaniya.

"Ehem." I cleared my throat. Nakita ko kasi na sa kabilang side itatabi ni Ate Lara si Gabb at malayo ito sa akin. Napatingin sa akin si Ate Lara at mukha namang na-gets niya ang gusto kong iparating.

"Ahh, dito ka na lang pala, sa tabi ni Nile. Ilalagay ko pala 'yung bag ko rito, baka gusto ring kumain." Pagdadahilan nito at mahinang tumawa.

Dahil kay Ate Nile ako malapit ay doon na niya hinila si Gabb. Muli siyang tumingin sa akin at ngumiti kaya tinanguan ko ito.

Lalayo mo pa sa akin ah. Sabi na ngang akin 'yan.

Nang makaupo si Gabb ay saka na ako umupo sa tabi niya. Inayos ko ang bag ko at tinignan siya.

"Are you going to buy?" I asked. Nang lumingon siya sa akin ay binigyan ko ito ng ngiti. She nodded her head.

"Tara, libre kita." Tumayo ako at hinawakan ang pulso niya.

"Hala, hindi na." She shyly muttered. Nakatingala ito sa akin dahil nakaupo pa rin siya.

"Sige na, bawi ko na 'to sa'yo kahapon kasi sinamahan mo 'ko." Pagpupumilit ko.

"Ako din, Coco! Libre mo. Kasama din akong nagdala sa'yo sa clinic." Singit naman ni Frances. I shifted my gaze at her.

"Ha?" Saad ko na parang hindi narinig ang sinabi niya.

"Ako din kako..."

"Harurut!" I jokingly uttered. Napasimangot naman ito at ngumuso. "Oo na! Bili kita ng tubig." Agad na kumunot ang noo niya.

"Tubig lang?! Ang kuripot mo naman. Baka mamaya tubig lang din ililibre mo kay Gabb, ha!" She countered back. I rolled my eyes at her.

"Tubig lang deserve mo!" And I stuck out my tongue. "Tara na, Gabb." Hinila ko na patayo si Gabb at naglakad na papunta sa mga food stalls.

"Anong gusto mo?" Malambing kong tanong. Naglalakad na kami ngayon habang pumipili ng mabibilihan.

Baka ako gusto mo. Pwede mo naman akong angkinin.

"You don't have to, Coco." Then she giggled.

Tinignan ko siya at hindi pa rin inaalis ang mga ngiti ko. "Please?" At bahagyang nagpa-cute.

Baka sakaling gumana 'yung charm ko sa kaniya. Baka lang naman.

"Baka hindi ako makatulog kapag hindi ako nakabawi sa'yo." Sabi ko pa rito.

Muli siyang tumawa nang mahina. "Hindi mo naman kailangang tanawin na utang na loob 'yon. You're my friend and I really wanted to accompany you that time."

I gave her puppy eyes. "Please, Gabb." I pleaded.

Mukha namang gumana ang pagpapa-cute ko dahil natatawa siyang umiling. Ilang saglit pa ay pumayag na ito.

Bumili na kami ng pagkain namin at dahil naawa ako kay Frances ay dinamay ko na siya.

-

Amy's POV

Binuksan ko ang water bottle na hawak ko at saka ito ininom. Pagtapos ng paguusap namin ni Gabb ay tinawagan ko na lang ang dalawa kong kaibigan para sabay sabay na kaming kumain. At ang ending, dito rin ako sa food court napunta.

Kanina ko pa nililibot ang mga mata ko pero hindi ko pa rin matanaw si Gabb. Dito kaya talaga sila kumain?

"Grabe, ang init!" Reklamo ni Klaire pagdating nilang dalawa ni Miho at may mga hawak ng pagkain. Pag upo nilang dalawa ay tinuon agad ni Miho ang atensyon niya sa akin.

"Tuloy mo nga 'yung kwento mo, ano nangyari nung nagkita kayo?" Tanong nito.

Sumandal naman ako sa upuan at napahalukipkip. "Ayun nga!" Pagsisimula ko.

"Yayayain sana niya akong sumama sa kaniya dahil may lunch siya with her friends, pero dahil may hiya naman ako kahit papaano, I said 'no'." Tahimik lang na nakikinig ang dalawa kong kaibigan habang kumakain.

"Pero I grabbed that opportunity para sana yayain siya next time. Kinuha ko pa nga 'yung phone number but then, she said na 'sabihan mo lang ako ah, para masabihan ko rin si Yzabel'." Ginaya ko pa kung paano niya sinabi 'yon.

Napatigil ako nang tumawa ang dalawa kong kaibigan.

"Oh my G!" Malakas na saad ni Miho. Tuloy tuloy lang ito sa pagtawa.

"Akala ko pa naman date niyong dalawa!" Dagdag pa ni Klaire. Dahil sa reaksyon ng mga 'to ay napasimangot ako.

Kaya ayokong nagkukwento sa dalawang 'to. 'Yung istorya na lang yata ng buhay ko ang nakakapagpasaya sa kanila.

Mukha ba akong komedyante?

Yumuko na lang ako at huminga nang malalim.

"Hindi kaya si Yzabel ang gusto niya?" Muling saad ni Miho nang maka-recover sila sa pagtawa.

Mabilis akong umiling at tinignan siya. "Hindi, ang akala niya kasi lunch nating lahat na magkakasama." Matamlay kong sagot. Napabuntong hininga na naman ako nang maalala ko 'yung paguusap namin kanina.

Para akong na-busted dahil do'n. Ngayon ko lang narealize na ito na ba 'yung way niya para iparating sa akin na hindi niya ako bet?

"Huy! 'Wag ka ngang malungkot dyan." Nabaling ulit ang atensyon ko sa kanila dahil nagsalita si Klaire. "Isipin mo na lang na way mo din 'yan to get closer to her. You have her number, right?" She asked. Tumango naman ako bilang sagot.

"Then use that para makapagusap kayo. Kilalanin mo siya at ipakilala mo rin 'yung sarili mo sa kaniya. 'Yung ikaw." At tinuro niya ako. "Don't make any impressions. Ipakita mo kung sino talaga si Amy."

Ngayon ko lang napagtatanto kung gaano ako kaharot noong unang meet namin. They are right. Tama din ang sinabi ni Yzabel. I don't want Gabb to think that I'm so into her. Kailangan maging chill lang ako. Ayoko naman na layuan niya ako bigla kung patuloy kong gagawin ang gano'n.

Siguro dapat kong laruin nang tama ang larong 'to.

I shook my head.

Gano'n na nga yata talaga ako kaseryosong i-pursue siya.

"Is that Coleen?" Bumalik ako sa aking wisyo dahil sa sinabi ni Miho.

"Teka, si ano 'yung kasama niya ah." Dagdag pa ni Klaire. Kung saan-saan ko binaling ang ulo ko para mahanap ang tinutukoy nila.

"Oo, si Pinlac." Sagot naman ni Miho. "Amy, 'di ba si Coleen 'yung bago mong housemate?" Pagkatanong ni Miho no'n ay tumingin siya sa akin.

"Ah, oo." Sagot ko lang at tinitigan si Coleen na ngayo'y nakangiti habang kausap ang kasama nito. I wrinkled my eyebrows when Coleen playfully hits the arm of the girl she was with.

Napangiti akong umiiling nang mapansin ko ang pagiging pabebe nito.

Hindi kaya ito 'yung crush niya? Kung titignan pa lang kasi sa mga ngiti ni Coco, mukhang kinikilig pa ito. Pero bagay naman sila. And in all fairness, ang ganda ng crush niya. Hindi ako nagkamali ng hinala.

"Kumusta naman kayo?" Bumalik ang tingin ko kay Miho nang magtanong siya. Marahan akong tumango.

"Okay naman. Ang bait nga niya eh and magkasundo naman kami." I honestly answered.

Nakita ko ang pagtango ni Klaire bilang pagsangayon. "True, sabi nga nila mabait 'yang si Coleen. Kaya din siguro ang daming nagkakagusto sa kaniya. Swerte mo Amanda na siya ang naging housemate mo." Saad pa nito. Narinig ko ang mahinang tawa ni Miho.

"Nako, baka pati ikaw Amy ma-fall diyan ah." Nakangisi nitong tugon.

Biglang kumunot ang noo ko sa sinabi niya kaya agad akong umiling. "Imposible, loyal ako kay Gabb." Sagot ko at tumingin ulit kay Coleen.

Ako? Mafo-fall kay Coco? Malabo. Parang mas masaya siyang maging kaibigan kesa maging jowa.

-

"Hi." 'Yun ang bungad sa akin ni Coleen nang makapasok ako sa bahay.

Binigyan ko ito ng ngiti at tumango. "Hello. Good mood?" Bati ko pabalik.

Umusad ito nang bahagya at saka ako tumabi sa kaniya. Nadatnan ko kasi itong nakaupo sa sala habang nanonood ng T.V.

"Palagi naman eh." Sagot nito. A smile flashed on my face instantly.

"Hulaan ko, crush mo no?" I guessed. Mas lumawak na naman ang ngiti niya.

Iba talaga epekto sa kaniya ng crush niya. Sobrang naggo-glow 'yung mukha niya kapag binabanggit.

"Magkasama kami kanina eh." Saad nito at saka inayos ang throw pillow na nakapatong sa kaniyang hita.

"Alam ko, nakita ko nga kayo eh." I responded.

She raised both of her eyebrows. "Really?" Pagninigurado nito.

"Oo. Nakita ko kung paano ka magpabebe sa kaniya." Then I smirked. Para naman itong nahiya at napatawa nang mahina, pabiro niya pa akong hinampas sa aking braso.

"Ayan! Ganiyan." Malakas kong saad at tinuro siya. "Ganiyan ka sa kaniya. Hinahampas hampas mo pa kunyari." Natatawa kong saad.

"Baliw! Nilibre ko lang naman siya kanina para sana makabawi sa ginawa niya sa akin kahapon." Pagpapaliwanag nito. Tumigil ako sa pagtawa at mas naging seryoso.

"Pero hindi nga, bagay kayo." Sabi ko rito at napansin ko ang pamumula ng kaniyang pisngi. "Ang ganda niyong tignan eh. Pati nga ako kinilig." Tinaas ko ang dalawa kong bilakat saka kunwaring nanginig.

Tumawa naman ito nang malakas at umiling. "Puro ka kalokohan, Amy!"

"Cute niyo nga! I want to meet her." Pagpapatuloy ko.

"'Wag na! Baka agawan mo pa ako." She jokingly replied.

Napatawa ako sa sinabi nito. "Hoy, hindi 'no! Maganda 'yung crush mo pero hindi ko siya type. Iba 'yung type ko. BSID student lang naman." Then I flipped my hair.

"Hala! Baka kilala niya 'yan ah. Interior desiging din course niya eh." She responded in surprise

"Weh?" Gulat ko ring saad. Lumapit ako nang bahagya rito. "Uy, sabihin mo naman ilakad niya ako sa crush ko!" At saka ko hinawakan ang braso niya.

She chuckled. "Sure! Pakilala kita sa kaniya tapos ipapalakad kita do'n sa crush mo." Binigyan ako nito ng matamis na ngiti.

Wala naman sigurong masama kung hihingi ako ng tulong. Kahit konting tulong man lang.

-

Hi! Check out my newest Oneshot Story of UniCoco! I already published it!

Thank you! 🌻💛

Continue Reading

You'll Also Like

8.7K 272 17
AshMatt fanfic
40.1K 1.4K 99
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
11.5M 336K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...
153K 5K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...