The Pieces Of The Mafia's Hea...

By StelliferousVirago

38.3K 1.1K 131

They always say follow your heart, but what if your heart is shattered into million pieces... which piece do... More

Prologue
ᕕ( ᐛ )ᕗ
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Characters ᕕ( ᐛ )ᕗ
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41

Chapter 7

1K 31 4
By StelliferousVirago

Chapter 7: The friendly geek

--- ᕕ( ᐛ )ᕗ

Seraphina's POV

"Kelan natin pla-planuhin yung project natin para bukas?"

"Sa room nalang tayo ni Minzee after class"

"Okay lang sakin, pero may detention ka pa mamaya diba Seri?"

"Alam ko naman at hindi mo na kailangan ipaalala pa"

Kinawayan naman ako nina Minzee at Hannah bago sumabay sa paglalakad nila Willow at Sharlenne

Binigyan pa ako ng masamang tingin ni Willow bago sila nagpatuloy sa paglalakad, bigla ko tuloy naalala yung nangyari kanina sa canteen

Her reaction was priceless

Nakita ko naman sina Yugen at Lincoln na palabas na rin ng classroom habang kasabay si Nico na parang antok na antok

Nagpaalam muna ako sa kanila bago pinuntahan si Parker na hinihintay ako sa labas ng classroom

"We still have three hours of detention"

"Jeez will you stop saying the things that that's so obvious"

Hindi ko na napigilang mainis pero kahit nagtataka siya sa sinabi ko ay sinabayan niya pa rin ako sa paglalakad

Sabay kaming sumakay ng elevator at ilang lakad lang ang ginawa namin bago namin marating ang detention room at doon bumungad sa akin ang librarian na nakilala ko kanina, Sir Theo? If I am not mistaken

"Oh! Iha, hindi ba't ikaw yung nasa library kanina? Anong ginawa mo at nadetention ka? Ke-bago bago mo pa naman"

"As far as I know you don't need to state your reasons on why you're here at detention"

Sagot ko at inabot ang detention slip ko at ganun din si Parker, bahagyang natawa pa sa akin yung matanda

"Oh sya, mamayang 6pm pa kayo maaaring umuwi"

Tuloy tuloy kami na pumasok ng detention room kung saan naabutan namin ang isa pang estudyante na may takip ng bimpo sa mukha at mukang natutulog

Pumili ako nang uupuan ko at tumabi naman sa akin si Parker, may ilang hakbang nga lang ang layo namin sa isat isa at ganun din sa iba pang bangkuan

Nang mapansin nung lalaki na hindi sya nag-iisa ay tinanggal nya ang bimpo sa mukha nya at nilibot ang kanyang mga paningin kung saan nakita nya kami

Nagtaka naman ako nang bigla syang ngumiti nang pagka laki laki

Why do I keep running into weirdos

"Oy! Kaklase ko kayo diba?! Kayo yung mga bagong estudyante!"

Masigla nyang sabi at nagulat naman ako ng bigla nyang binuhat yung bangkuan nya at itinabi sa akin pagkatapos ay umupo, halos wala nang pagitan ang layo ng mga bangkuan namin

Balak ko sanang lumayo ng konti pero napansin kong buhat buhat na rin ni Parker yung bangkuan at itinabi rin sa upuan ko kaya ang ending nasa magkabilang gilid ko sila

Seriously?

"Ako nga pala si Lex Jake Forbes, pero pwede nyo nalang ako tawagin na Lex. Nakita ko nga pala kayo kanina!"

Yes thanks to your eyes

"Ano nga palang pangalan mo?"

Sasagot na sana ako ng magsalita tong isa ko pang katabi

"Why did you ask?"

Masungit na tanong ni Parker kaya bahagyang napalunok tong isa

"Kasi magkaklase tayo diba? Kaya dapat alam ko mga pangalan nyo"

Medyo nahihiya nyang sagot

"We've introduced ourselves earlier, so you should know my name"

I boredly answered

"Ay oo nga pala, kung hindi ako nagkakamali ikaw si Seraphina"

Sabi nya at nginitian ako

"Aden Connor Parker"

Biglaang sabat nitong katabi ko kaya naputol ang pagtitig sakin nitong si Lex, nginitian din naman niya tong isa pagkatapos magpakilala pero isang masamang tingin lang ang isinukli niya.

"Bakit nga pala kayo nadetention?"

"Cutting classes"

Sabi nitong isa

"Binuhusan kasi ako ng pintura and also cutting classes"

Sagot ko naman

"Pintura? Bakit ka naman binuhusan ng-- teka! Ikaw ba yung nasa hallway kaninang umaga? Yung binuhusan ni Riley ng pinturang kulay black?"

Detailed pa talaga

"Tsk"

"Natatawa nga ako kasi na-misinterpret niya yata yung welcoming prank na ginagawa ng mga old students. Ako na humihingi ng sorry para sa kaniya"

"You know Riley?"

Tanong nitong katabi ko

"Oo, isang taon na mula nung lumipat sya dito sa Kalopsia Lunette. Naging kaklase ko sya last year. Mukha syang maarte pero maarte naman talaga sya. Lagi syang kasama ni Ami, hindi ko nga alam kung mag bestfriend ba sila o ano kasi lagi nyang tinuturing na sunod-sunuran si Ami"

Ami?

"Ang totoo nga eh, isa sya sa mga sikat dito sa Kalopsia Lunette, oo puro sikat ang nag-aaral dito sa Kalopsia pero isa sya doon. Dahil anak sya ng sikat na CEO ng Greta Corporation, bukod doon ay magaling sya pagdating sa fence fighting at archery. At sinasabi rin nila na maganda sya-- na hindi ko naman mahanap kung saang banda-- pero no offense. Sya rin yung tinuturing nilang role model dito sa Kalopsia Lunette lalo na sa shs-- sa hindi ko malamang dahilan-- at ayun nga, ipinagmamalaki din sya ng Kalopsia Lunette bukod kay Austin Balme-roun pagdating sa Sports"

Hindi ko alam ang isasagot ko dahil sa mga narinig ko

Seriously? Ilang taon lang kaming hindi nagkita at ganito na ang maririnig kong tungkol sa kanya?

"Nga pala, ako naman nadetention ako kasi natulog ako sa klase, nakakapagtaka nga lang na tayo lang yung napunta dito sa detention. Sabagay okay na toh kesa naman masuspended tulad ng mga nanggulo kanina sa canteen kanina, biruin mo first day of school suspension agad"

Nagkwento pa sya ng ilang bagay tungkol dito sa Kalopsia Lunette pati na rin tungkol sa mga sikat na nag-aaral dito at syempre hindi mawawala ang Balme-roun Siblings

"Alam mo bang idol ko si Easton Balme-roun?! Bukod kasi sa parehas kaming gwapo ay parehas kaming magaling na actor, balak ko ngang sumali sa theater club eh. Malay mo maging sikat akong actor balang araw, gusto mo bigyan na kita ng autograph ngayon pa lang?"

Madami pa syang sinabi pero lunod ang isip ko sa pagiisip ng madaming bagay

Paanong naging anak si Riley ng CEO ng Greta Corporation? Eh ang pagkakakilala ko sa kanya ay secretary lang ang tatay nya sa isang company?

Nevermind, I will probably know the answer. There's no secret you can hide from me

Nang pumatak na ang 6pm ay pinalabas na kami ni Sir Theo

"Adrien sabay na tayong pumunta ng boys dorm"

"It's Aden and no thanks, I still have to take Seraphina to the girls dorm"

"Nukz ang gentleman, Sana all. Pero pre, magtagalog din tayo minsan ah dahil nano-nose blood na ako sayo pero sige kita kits nalang bukas!"

Sabi nya at kinawayan kami bago tuluyang umalis

Nang maihatid na ako ni Parker sa dorm ay akala ko ay aalis na sya

"Seraphina, about earlier--"

"Return to your dorm, Parker"

Putol ko sa sinasabi nya

Mukhang alam ko naman na kung ano ang sasabihin nya, ang ayoko lang ay ang marinig ito mula sa kanya

Kaya wala syang nagawa kung hindi ang umalis nalang, nagbilin pa sya na susunduin nya ako bukas sa tapat ng girls dorm

Pinanindigan nya talaga yung pagiging bodyguard ko

Nang makaakyat ako sa floor kung nasaan ang mga kwarto namin nila Hannah ay dumeretso agad ako sa kwarto ni Minzee sa halip na sa kwarto ko

Kumatok muna ako bago pumasok kung saan naabutan ko silang gumagawa na nang project

"Seri naisipan nga pala namin na kumanta nalang tayo para sa presentation bukas"

Inilapag ko naman ang bag ko sa sahig at umupo sa kama ni Minzee

"Tsk, hindi nyo man lang ako hinintay"

Inis na sabi ko

"Para saan nga ulit tong project na ito?"

"Para sa pagpapakita ng talents natin... yata?"

Bakit parang hindi sila sigurado?

"I'll play some instruments"

"Marunong kang tumugtog ng instrument Seri?"

"Kakasabi ko lang diba? I think I'll play my ukulele"

"Ukulele yung gagamitin mo?"

"Ay hindi, gagamitin kong tambol iyang mga ulo nyo"

Umupo nalang din ako sa sahig at hindi na sila pinansin

Some of my luggages are with Parker, including my ukulele. I know I brought it with me, but Parker suggested to bring it with him. Nakalimutan ko nga lang kunin

I sighed, this is such a burden.

"Sandali lang may pupuntahan lang ako"

Paalam ko sa kanila at hindi ko na hinintay ang mga sagot nila at mabilis na lumabas ng kwarto at tinahak ang daan papuntang boys dorm, I need to get that stupid ukulele.

Pero nang malapit na ako sa main door nito ay agad din ako napatigil, hindi ko nga pala alam kung anong number ng dorm nya. Tsk

At isa pa may rule atang bawal ang mga babae sa boys dorm and vice versa, I tried to call him but I remembered that my phone's deadbatt

I knew it, it's just a nuisance.

Why did I even go here without thinking? I can get the ukulele tomorrow

*Tick* *tock*

I'm gonna go back without my ukulele, I'll have them think of an alternative way to practice without an accompaniment

"Sigurado ka bang hindi papalpak toh?"

*Tick* *tock*

"Oo, dahil kung hindi tayo magtatagumpay ay paniguradong hindi na tayo sisikitan ng araw"

*Tick* *Tock*

What's that?

Napalingon ako nang may naririnig akong nag-uusap, I know it's not my thing to mess around with others business but something's not feels right.

Sinundan ko kung saan nangangaling ang mga hindi pamilyar na boses hanggang sa narating ko ang likuran ng boys dorm kung saan may naririnig akong dalawang lalaki na naguusap

Malaki at malawak itong boys dorm kagaya ng girls dorm pero kahit ganun rinig ko pa din ang mga boses na nanggagaling sa likod dahil sobrang tahimik ngayong gabi

Mabilis akong nagtago sa dilim at nakinig lang sa kanila

What the hell are they doing at this hour? Sa tagong lugar pa talaga

*Tick* *tock*

"Kilala mo naman si boss, kapag nagalit yun kayang kaya nyang pumatay kaya dapat magtagumpay itong plano!"

"Hinaan mo ang boses mo! Baka may makarinig sa atin"

*Tick* *tock*

Maya maya ay naging tahimik na muli ang paligid at ilang yapak ng paa nalang ang tanging narinig ko at mga kuliglig

Kaya napagdesisyunan kong sumilip at doon ko nakita ang isang lalaking naka-hoodie kaya hindi ko makita ang mukha nya at bukod din sa madilim. Teka nasaan na yung kasama nya?

*Tick* *Tock*

At parang may kinakalikot sya sa sahig kaya lumapit ako ng kaunti para maaninag ko ito at salamat nalang dahil may poste dito

*Tick* *tock*

At doon lang rumehistro sa utak ko kung ano ang bagay na iyun

Time bomb....






---
Please vote, comment and share
Oh diba parang Facebook post lang? Beke nemen, don't be shy. Votes and comments are very appreciated ᕕ( ᐛ )

Continue Reading

You'll Also Like

5.5M 276K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...
21K 435 36
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
611K 15.5K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...