Eukrania Academy

By xyourwriterx

1.4K 100 2

Si Alvira Trinity Hawthorne ay isang Outcast; ibig sabihin, wala siyang taglay na kapangyarihan, mahika o anu... More

Prologue
CHAPTER 1: The Start
CHAPTER 2: Diverse Powers
CHAPTER 3: Rare Magic
CHAPTER 4: The Upper Class
CHAPTER 5: Stay Longer
CHAPTER 6: Intruders
CHAPTER 7: A New Member
CHAPTER 8: Taste Of Longing
CHAPTER 9: Saved
CHAPTER 10: Archer Of Desire
CHAPTER 11: Festival Of Magic (Part One)
CHAPTER 12: Festival Of Magic (Part Two)
CHAPTER 13: Festival Of Magic (Part Three)
CHAPTER 14: Festival Of Magic (Part Four)
CHAPTER 15: Festival Of Magic (Part Five)
CHAPTER 16: Festival Of Magic (Part Six)
CHAPTER 17: Festival Of Magic (Part Seven)
CHAPTER 18: Festival Of Magic (Part Eight)
CHAPTER 19: A Night To Remember?
CHAPTER 20: The Favor
CHAPTER 21: To Keep
CHAPTER 22: The Training
CHAPTER 23: Cogito Ergo Sum
CHAPTER 24: A Trip
CHAPTER 26: Aztrakhan District
CHAPTER 27: An Unofficial Date
CHAPTER 28: Troubled Mind
CHAPTER 29: A Challenge
CHAPTER 30: The Eanverness Forest
Chapter 31: The Betrayal

CHAPTER 25: An Attack

38 2 0
By xyourwriterx

Parami nang parami ang halimaw sa harapan namin, at hindi na magkamayaw sila George sa paglaban sa mga ito. Saan ba kasi ito nanggagaling? Ito talaga ang pinakaayaw ko sa lahat, iyong tutunganga ka lang at maghihintay na humupa ang gulo dahil wala ka namang magawa. I feel useless and I hate it.

"Just stay here beside me."

"I will protect you."

Hindi na bago sa akin ang mga salitang iyon, pero may naramdaman akong iba sa paraan niya ng pagsabi nito. Para bang may takot. Parang may pangamba. Seryoso naman siya, pero bakit I felt a lot of emotions by the way he said those words.

Inilagay niya ako sa kanyang likuran, at nagsimula na siyang lumaban. He manipulated these dark creatures using his magic. He made these monsters explode themselves. But doing it once was not good enough, as the number of these creatures continuously increased. Marami na silang napatay na halimaw, pero tila wala pa ito sa kalahati ng bilang ng mga nabubuhay. Sino ba ang gumagawa nito?

Hindi na ako nakatiis at kumuha ako ng kahoy sa isang tabi. Kailangan kong gumawa ng paraan para makatulong sa grupo. Hindi pwedeng wala akong gagawin, habang sila ay nagpapakahirap sa pakikipaglaban.

May naaninag ako sa likod ng puno sa di kalayuan. Pakiramdam ko may taong kumokontrol sa mga halimaw na ito, at siya iyon. Marahan akong tumakbo papunta sa direksyon niya, at mukhang natunugan niya ang kilos ko, kaya dali-dali siyang umalis doon. Binato ko ang hawak kong kahoy papunta sa kanya, at natamaan ko siya. Pero nang makarating ako sa kinaroroonan niya, wala na siya. Tila ba nag-teleport siya. Napansin ko na nawala na rin ang mga halimaw. Tama nga ako ng hinala, may taong kumokontrol sa mga ito.

"Alvira, are you okay?" George asked worriedly.

"Yes, I am okay."

"It suddenly stopped," Alice said confusedly.

"May taong nasa likod nito. Nakita ko siya kanina rito, pero bigla siyang nawala," paliwanag ko.

"Diba sinabi ko na manatili ka lang sa tabi ko? Paano kung may ginawa iyon sa'yo, may laban ka ba? Ang tigas ng ulo mo," Tyrone said furiously.

"Pasensya na. Gusto ko lang naman tumulong," I apologized.

"Tyrone, she saved us this time. We should, at least, thank her, right?" Erica said.

"Thank you, Alvira. We are all exhausted. Our magic seemed exhausted, too. Hindi namin alam kung hanggang kailan ang itatagal nito," Miguel said.

I just smiled.

"Next time, matuto kang sumunod sa nakaaangat sa'yo. Don't think na magkakapantay-pantay tayo rito," Tyrone said coldly. Tumalikod siya sa amin at naglakad palayo.

"Don't mind him. Nag-aalala lang iyon. He's our team captain kaya kargo niya tayong lahat kahit pa nasa labas tayo ng academy. He feels responsible for all of us," Alice said.

"Yes, Alice. I understand. And I am so sorry guys, gusto ko lang din talaga makatulong."

"Naiintindihan kita, Alvira. Naiintindihan ka namin. Malaki ang naitulong mo ngayon. You should be proud of yourself kasi we are so proud of you," George said.

"Thank you," I smiled.

We decided to call it a day. Nagpahinga muna kaming lahat. It has been a tiring day for all of us. Mula sa pagbiyahe, mountain hiking, hanggang sa pakikipaglaban sa mga halimaw, nakakapagod talaga.

Hindi ako makatulog nang maayos, kaya naisipan kong pumunta muna sa isang tabi. Tanaw ko ang bayan mula rito. Mga sasakyang umaandar. Mga taong naglalakad. Napakagandang pagmasdan.

Sa tuwing makakaramdam ako ng kalungkutan, lagi kong kinukuwestyon ang aking sarili. Tama ba ang direksyon na tinatahak ko? Tama ba na nandito ako? Tama pa ba ang mga pinaggagawa ko? Pakiramdam ko kasi, may mga taong hindi natutuwa sa mga ginagawa ko, at isa na roon ang aming team captain.

Nalulungkot lang ako dahil ginagawa ko naman ang lahat ng makakaya ko para kahit papaano ay makatulong naman ako sa grupo, para hindi ako maging pabigat. Pero bakit parang ang hirap-hirap niyang intindihin ako? Para ba sa kanya, hindi ako karapat-dapat sa grupong ito? Hindi ba ako nararapat sa mundo nila? Hindi ko maiwasang mag-overthink ng mga bagay-bagay. Dati kasi, ayaw kong manatili rito sa academy. Nakakatakot lang kasi unti-unti na akong nasasanay, unti-unti ko nang nagugustuhan ang mundo nila, kasama sila. Kaso ipinapamukha talaga sa akin ng mundo nila kung gaano ako kababa, kung gaano ako kahina. Isang outcast.

Isinantabi ko muna ang mga iniisip ko, at pumikit. Huminga ako nang malalim, at nilanghap ang sariwang hangin. Gusto kong sumigaw, kaso nakakahiya. May mga kasama ako, at ayaw kong isipin nila na may dinadala akong problema.

"Can't sleep? Aren't you tired?" isang malamig na boses ang gumising sa diwa ko. Hindi ako sumagot. Hinayaan ko lang siyang umupo sa tabi ko.

Binalot ng katahimikan ang paligid, tanging ang paghampas ng dahon at sanga ng puno ang maririnig mo. "Sorry about what I said earlier. I didn't mean to offend you."

I looked at him, and he's very serious. "I am okay. Don't worry, I totally understand you. I should know my place. I am sorry, again, team captain. And I promise that I will never disobey your command." I said firmly. "I should go. I have to rest. Is it okay with you, team captain?"

He looked at me, then I left him alone.

~°~

Nagising ako sa mabangong amoy ng nilulutong pagkain nila George. Maya-maya'y tinawag na nila ako para kumain. Gumawa ulit sila ng bonfire dahil medyo malamig na rito sa tuktok ng bundok. Nag-usap kami habang kumakain na parang wala lang nangyari kanina. Kinalimutan agad nila ang hindi magandang pangyayaring iyon, at masasabi ko namang tama ito dahil hindi rin naman makabubuti sa amin kung magpapaapekto kami rito. There's still a lot of good things to be looking forward to.

"Alvira, anong nararamdaman mo ngayong naging magkakaibigan tayo?" Erica randomly asked. "I just want to hear your thoughts."

I looked at each one of them, and I smiled.

"Uhm. Sa totoo lang, sanay talaga akong mapag-isa. Sa school namin, wala akong maituturing na tunay na kaibigan kasi ayaw ko ring ma-attach sa kanila, though I consider them as friends. But I preferred to be alone. I loved to be alone," I said. "I had my dark past with my ex-bestfriend, and I do not want to experience that again. Kaya noong dumating ako sa academy niyo, I really wanted to keep a distance from you guys. I know that you were aware with that, right?"

They just nodded. Nakikinig silang lahat sa kwento ko, at makikita mo sa mga mata nila ang sincerity sa pakikinig, maging ang team captain namin.

"It's unexpected, but it's the best feeling. Being friends with you feels like forever. I am comfortable with your company. I love to be around with amazing people like you. You did not judge me. You did not look down on me just because I am an outcast, and I am truly grateful for your existence," I continued. "But the saddest part is that it is only temporary. We have different worlds. I am here because of a purpose. Once I am done here, we will all be facing our own lives and we will be taking different paths. Pero as long as kasama ko kayo, I will cherish every moment with you guys because you are all the best. I will never regret being friends with you even for a short time, and I will keep you in my heart forever."

Hindi ko maiwasang maluha dahil sa emosyon na mayroon ako ngayon.

"Ano ba, Alvira. Pinapaiyak mo naman ako eh," ani Alice na nagpupunas ng luha.

"Goodness, I am crying like a baby," Erica's reaction has always been so priceless.

They hugged me.

"Kahit bumalik pa sa dati ang mga buhay natin, ituturing ka pa rin naming kaibigan, Alvira. Isa kang tunay na kaibigan," Miguel said.

"We will visit you in your town, so don't worry," sabi ni Erica.

I just laughed. "Promise 'yan ah."

"Bakit ang advance niyo namang mag-isip, matagal pa 'yun. Marami pa tayong pagdadaanan," ani George.

Sumang-ayon kami sa kanya, at nagtawanan na lamang kami. Nakatutuwa lang kasi sa kabila ng hindi magandang nangyari kanina, naging masaya pa rin kami sa outing na ito. It's true that whatever you do and wherever you are, you have to find the beauty and happiness in everything. With them, I am able to find genuine happiness.

Makalipas ang ilang oras, nagpahinga na ulit kami. Pero bago kami natulog, nag-star gazing muna kami. Napakagandang pagmasdan ng mga bituin sa kalangitan. Nakadadagdag pa sa magandang pakiramdam na ito ang presensya ng mga taong mahalaga sa akin.

Nang magising kami dahil sa napakalamig na temperatura, napagdesisyunan na rin naming umalis dito sa bundok. Tinatawag itong Great Mountain of Ancestors sapagkat ito ay nabuo at binuo sa pamamagitan ng pinagsamang kapangyarihan ng mga sinaunang tao. Pero bago kami tuluyang bumaba ay nagkape muna kami. Sabi ng iba, mas mahirap daw umakyat sa bundok kaysa bumaba rito, at iyong iba naman sinasabi na mas madaling umakyat kaysa bumaba, pero para sa akin, mas mahirap bumaba lalo na kung masyadong masukal at pabulusok ang daan. Nakakatakot. Kailangan talaga ng dobleng ingat.

Matapos ang mahigit sa kalahating oras na pagbaba, nakasakay na rin kami sa van. Si George ang unang nagdrive kagaya noong una. Napansin ko naman na hindi na tumabi sa akin si Tyrone, which was really good for me. Nasa unahan siya katabi ni George. Si Alice na ang katabi ko ngayon, at sina Erica at Miguel naman ang magkatabi sa harapan namin. Naging smooth ang biyahe namin. Nakakaidlip ako habang nakaharap sa bintana.

Subalit, nagising ang buong diwa ko nang biglang huminto ang sinasakyan namin. Nagulat kaming lahat sa malakas na impact nito. Halos masubsob ako sa harapan ko. Anong nangyari?

"We are under attack," Alice said.

Agad na pinalibutan ni George ang buong sasakyan ng lupa na kumorteng shield. Napakalaking tulong talaga ng magic niya. Kung wala siya, malamang may mga galos na kami. Nakakabilib na napakabilis niyang kumilos sa mga ganitong sitwasyon. Para bang naka-set na ang system niya sa pagdepensa sa buong grupo.

Maingat kaming lumabas ng sasakyan. Wala kaming laban kung mananatili kami sa loob. Paglabas namin, nakita namin ang grupo ng kabataan na mukhang kasing edad lang din namin, at lima silang lahat. Dalawang lalaki at tatlong babae. Hindi sila pangkaraniwan. Batid kong malalakas sila. At may nararamdaman akong kakaiba sa kanila.

"Sino kayo?" mahinahong tanong ni Miguel. Ngumisi lamang sila. Hindi sinagot ang tanong ni Miguel. Ang creepy na part pa ay iyong sabay-sabay silang ngumisi. Lahat sila ay tumingin sa direksyon ko. Tumindig ang mga balahibo ko.

"May kasama pala kayong outcast," sabi ng lalaking nasa gitna nila. Mukhang siya ang leader ng grupo nila. "Hindi siya nababagay dito. Dapat siyang patayin."

Sa sinabi niyang iyon, sina George at Tyrone ay pumunta sa harapan namin na tila pinoprotektahan kami. "Dadaan muna kayo sa amin bago niyo siya mahawakan," ani George. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan. Napakaseryoso niya.

"Well, if that's what you want, we will give it to you."

Naglabas siya ng apoy gamit ang mga kamay niya, at pinapunta niya ito sa direksyon namin. Sinangga naman ito agad ni George na gumawa ng malaking pader sa harap namin. Ang isang babae naman ay nag-teleport papunta sa direksyon ni Erica, at sinipa ito sa tuhod. Natumba si Erica sa sahig na agad namang inalalayan ni Miguel.

"Alvira, ito gamitin mo," inabutan ako ni Alice ng isang kutsilyo. "Gamitin mo ang natutunan mo sa mga naging training mo para maprotektahan ang iyong sarili."

I nodded. "Salamat."

Ang isang lalaki ay nag-anyong ibon. Lumipad ito sa ere, at maya-maya'y naging isang tigre na sumugod kay Alice. Gumulong si Alice sa lupa para ilagan ito. Umiwas din ako. He could shift into any animals' form. Biglang umulan nang malakas. Kagagawan ito 'nung isang babae na nasa likuran nila. She could manipulate the weather. Napatingin ako sa isa pang babae, ngumiti siya sa akin.

"You don't belong here. You have to die," she entered my mind through her voice. Napahawak ako sa aking ulo. Sumasakit ito sa bawat salitang binibigkas niya sa aking utak.

"Alvira, are you alright?" Erica asked.

"Y-Yes. I am fine."

Ayaw kong matuon sa akin ang kanilang atensyon. Hindi nila kailangan mag-alala sa akin sa mga oras na ito dahil buhay naming lahat ang nakataya rito, hindi lang ang sa akin. At times like this, we need to be more focused.

"I am just asking this once, and I will not be repeating myself, do you really want to continue this?" Tyrone said as cold as ever.

The leader just smirked and gave an insulting smile. "Why? Are you afraid of us?" They stared at each other.

"No, asshole. He's just giving you a chance to live," Erica said.

"Please stop. We could talk about this. Hindi naman kailangang dumanak ang dugo rito para maunawaan natin na walang saysay ang labanang ito," I asked politely. 

"Aba. May lakas ng loob ka pa talagang magbigay ng sentimyento mo. We don't need a fucking lecture from a trash like you, Outcast," the girl, who could enter minds and say whatever she wants, said.

"Hoy! Mag-ingat-ingat ka sa mga binibitiwan mong salita. Hindi mo pa siya lubusang kilala, at hindi niyo pa kilala kung sino ang mga binabangga niyo," iritang sabi ni Alice. Ngayon ko lang din nakita ang ganitong side niya. Nakakapanibago, pero natutuwa ako dahil nagawa niya akong ipagtanggol.

"We don't have to know who you guys are, because as what I observed, you are all weak," the girl who could teleport said.

Sa sobrang inis ni Erica, susugurin na sana niya ang babaeng umatake sa kanya kanina, pero pinigilan siya ni Miguel. Hindi makatutulong kung magpapadala kami sa mga sinasabi nila. Hindi rin makatutulong kung magpapadala kami sa mga emosyon namin. 

"One last chance," George said, full of confidence.

Humalakhak lang sila, at iyon na nga ang hudyat na wala nang pag-asang maayos pa ito. George used his magic to attack them, while Miguel controlled the things around us using his telekinetic power to also attack the enemies. Erica used her support magic, and with her magic, George and Miguel were able to gain more energy, hence their magic was at a really good condition. 

Alice fought with the girl who could teleport. Tinatapatan niya ang bilis ng kalaban niya, at syempre ginagamitan niya ito ng strategies at calculations sa utak niya. It is one of the perks of having an enhanced mind, skills, and ability. I just stood there waiting for a chance to fight. The enemy manipulated the weather, so it rained hard. This was kind of a disadvantage for George because the soil might get sticky and not stable. Mahirap ding magfocus kasi naaapektuhan ang mga mata namin dahil sa napakalakas na ulan. 

Iyong isang lalaki naman ay nag-shift sa isang form ng kabayo, at mabilis siyang pumunta sa direksyon ko. Pero mabilis din naman akong umilag. Gumulong ako sa lupa para magawa iyon. Nadaplisan ko rin siya ng kutsilyo sa bandang tagiliran niya. Hindi niya iyon ininda. Maya-maya'y naging leon naman siya, at mabilis na umatake sa akin. Pero bago pa man siya makarating sa akin ay tumilapon na siya palayo dahil sa angking lakas ni Tyrone. 

"Thank you," I said. 

"Dito ka lang sa tabi ko," he said.

Tumango na lamang ako. This time, kailangan ko na talagang makinig sa kanya. A ball of fire was heading to our direction, but through Tyrone's magic, it vanished in the thin air. Ngayon, magkaharap ang team captain namin at ang leader nila. Mariin silang nagtitigan sa isa't isa. Walang kumukurap. 

"So, it's true that there is a student in Aurelius District who is possessing a cursed magic," the leader said. "That's impressive."

Tyrone was ready to attack, but then I held his hand. "Please control yourself. Don't let your magic kill him," I said worrying that he might not be able to control himself and his magic itself. He looked at me in the eye and he smiled and he nodded. 

Naglabas siya ng dark power sa katawan niya, at pinalibutan nito ang lahat ng kalaban namin. It seemed like a black smoke surrounding them. Pero imbes na pahintuin ang mga kalaban, tila inabsorb pa nila ang energy na nanggaling kay Tyrone. Ang kaninang kulay pulang apoy ng kalaban ay naging kulay itim na. Pati ang tubig ulan ay naging kulay itim. Tila ba ang mga kapangyarihan nila ay kabilang sa dark magic type.

"That was a wrong move, yet a beneficial move on our part," the leader laughed. 

"What happened? It seems like they consumed some of Tyrone's magic energy," ani Erica.

"Something's off here," nagtatakang sabi ni Alice. Nag-form silang lahat ng bilog, at pinalibutan nila ang kanilang leader. Tila ibinibigay nilang lahat ang kanilang magic energy sa kanya. Ang fireball sa kamay niya ay patuloy ding lumalaki. Wala na kaming kawala rito. Handa na siyang umatake. Pero napansin ko rin na tila napapalibutan kaming lahat ng isang blue shield or boundary, pati ang mga kalaban. Bago pa man niya ma-release ang napakalaking fireball na ginagawa niya, everything went black.

To be continued...






Continue Reading

You'll Also Like

177K 12.8K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...