One Night, One Lie (GLS#2)

By jonaxx

111M 2.3M 891K

It was wrong to be near her. No. He shouldn't be near her. Nilalabanan ni Brandon ang kanyang sarili dahil us... More

One Night, One Lie
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Epilogue
Notes
SELF PUBLISHING!

Kabanata 40

1.5M 37.2K 20.2K
By jonaxx

Kabanata 40

Magdurusa Ka

Hindi ako nakatulog. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko, umiyak, dilat, tunganga, at sinasabunutan ko na ang sarili ko. That was a blow to me. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa kanyang ginawa.

Sampal iyon para sa akin. Napatunayan niya ngayon kung gaano ako kabaliw sa kanya. Iritadong iritado ako sa puntong nanghihina na ako. It was so stupid of me to kneel. He's a big asshole!

"Dalawa lang 'yan, A. Alis o manatili. Pili." Isip ko at mariing pinikit ang mga mata.

Ilang oras na ang nakalipas at dilat parin ako habang iniisip kung aalis na ba ako o hindi. Kung aalis ako dahil sa kahihiyang natamo, babalik na ako sa normal kong buhay at mababalewala ang paghihingi ko ng tawad kay Madame. Pag mananatili ako, I will probably lose myself in this situation.

I know my worth and I know my place in this world. Kahit na anong ganti ni Brandon sa akin ay mananatili ang pananaw ko sa aking sarili. Kahit na anong diin niya sa akin sa kasalanang ito, maaaring tama siya at nasaktan ko siya, mananatiling ako parin ito. I will never lose myself over this. But how will I know that I'm still that same woman? If I make it out of this, if I finish this, still that same fierce woman.

Tinanghali ako ng gising. Puyat parin ako. Nang dumilat ako ay imbes na magmadali ako dahil tinanghali na ay nanatili ako sa kama.

Mahirap umalis doon lalo na kung maiisip mong haharapin mo si Brandon sa araw na ito. Si Brandon na pinaluhod ako kagabi at maaaring pinagtatawanan ako ngayon!

Ginagap ko ang aking kumot at tumunganga pa muna bago tinulak ang sarili na pumuntang banyo para makaligo at makapag bihis.

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako sa kwarto. Wala nang tao sa sala o sa kusina ngunit nakakita ako ng isang pinggan na nakakulob at may pagkain roong nakahanda. I don't know if it was Brandon's food or the food he cooked for me. Pwede ba iyon? Galit siya sa akin pero pinagluto niya ako?

Lumunok ako at nakaramdam ng matinding gutom. It is 9 in the morning at late na late na ako. Isasakripisyo ko na lang ang sahod ko kesa naman pumasok akong sabog. I'm not sure if I'm ready to face Brandon anyway.

Kinain ko iyong nakahandang bacon. Pagkatapos kumain ay nag toothbrush ulit ako at tiningnan ang pintuan ng bahay. Hindi ko kayang lumabas. Lumalamig ang sikmura ko tuwing naiisip na haharapin ko si Brandon. Paano ko siya haharapin? Hindi ko alam.

Bayolente akong lumunok nang nakarating sa bukana ng opisina. Damn it! Makakaya ko ba ito?

Dire diretso ang lakad ko patungo sa aking swivel chair at nilapag ang mga gamit ko sa gilid. Naroon parin sa cabinet ang mga papel na iniwan ko kagabi at nag simula na naman ako sa pagso-sort ng mga files.

Narinig kong pumihit ang pintuan ng opisina ni Brandon at nakita ko ring lumingon doon ang mga ilang empleyadong kapitbahay ko lang ang mesa. Kumunot ang noo nila. Sa kanilang lahat yata ay ako lang ang hindi lumingon sapagkat parang hinahabol ng aso ang lintik kong puso.

Sa gilid ng aking mga mata, nakikita ko siyang nakatayo roon at nakapamaywang.

"I want coffee, please." Parang sa hangin niya iyon sinabi.

Tumikhim ako at napagtantong ako nga pala ang sekretarya kaya dapat ay ako ang magsilbi sa kanya sa mga ganong kailangan.

Hindi na ako umo-o at dumiretso na ako sa water dispenser sa malayo. Narinig kong sinarado ni Brandon ang kanyang pintuan kaya nilingon ko iyon. Nagtinginan ang mga dating empleyado roon at may isa pang sumipol.

"Kanina pa badtrip si Boss Gwapo." Halakhak ng isang middle-aged woman.

Ngumuso ako at kumuha ng instant coffee. Pinunit ko ang gilid at binuhos ko sa cup. Pinapakinggan ko ang mga usap usapan nila.

"Masama siguro ang gising? Lagi naman 'yong galit simula nong bumalik dito." Sabi nong mas bata.

"Mas galit siya kanina." Sabi naman nong isa.

Hindi na rin nila dinagdagan dahil nagtrabaho na sila. Galit? Galit parin siya? Sa akin? Pagkatapos ng ginawa niya sa akin kagabi ay hindi parin siya nakuntento? Hanggang saan pa ba ito? Hanggang kailan ko pagbabayaran iyong kasinungalingan ko sa gabing iyon? Hanggang kailan ko pagbabayaran ang pagkakasaksak niya? I know I'm at fault here but I just can't help it.

Nilagay ko sa platito iyong cup at dumiretso na sa kanyang pintuan. Isang katok at pinihit ko ang door handle.

Namataan kong nakatiim bagang siyang nakatingin sa papel nasa harap niya. Tumikhim ako at naramdaman ko ang titig niya sa akin. Hindi ko siya matignan. Gumagapang na naman ang init sa pisngi ko at gusto kong bigwasan ang sarili ko. Avon, stop feeling awkward!

Nanginig ang kamay ko habang hinahawakan ang cup at dahan dahang naglakad patungo sa kanya. Kumunot ang noo niya at bumalik sa papel na binabasa.

Nilapag ko ang tasa nang nakalapit na ako ng husto. "Coffee lang ba, Brandon?" Tanong ko, kahit di makatingin sa kanya.

"Yes. Just coffee." Mahinahon at malambing niyang sinabi tsaka humugot ng malalim na hininga.

Tumango ako at tinalikuran siya. Bago pa ako nakapaglakad palayo ay tinawag niya ako.

"Avon..."

Nilingon ko siya pero hindi ako makatingin sa kanya. Nanghihina ako. Umiinit ang pisngi ko at halo halo ang emosyon na nararamdaman ko. This was the man who made me kneel... Aurora Veronica Rama Pascual on bended knees? I'm a fucking laughingstock to my cousins.

"Uh, are you... done with the files?" Tanong niya.

Kumibot ang labi ko at tumingala ng bahagya para maiwasan ang kanyang mga mata. "Hindi pa. Do you need it now?" Hindi ko na naiwasan ang kanyang mga mata.

Para akong nanlulumo at nanliliit nang nakita ko ang mapanuring mga mata niya. Hindi ko matagalan ang pag titig roon.

"No... Nagtatanong lang ako." Maagap niyang sagot.

Tumango ako at tinalikuran siyang muli. Umalis na kaagad ako sa opisina niya at nagsimula ulit sa gawain. Huminga ako ng malalim at tumunganga ng saglit bago ginawa iyon.

Ilang beses siyang lumabas habang nag a-arrange ako ng mga files. Ibang iba sa unang araw ko kung saan halos nagkulong siya sa silid na iyon.

Gabi na at nasa pang 500 pa ako. Umalis na ang mga empleyadong kasama ko dapat. Tumunog na rin ang pintuan ni Brandon, aalis na rin siya. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang kanyang anino. Nakalabas na siya sa opisina.

Ako naman ay nanatiling nakaupo, nagkalat ang maalikabok na mga files sa aking mesa at halos antukin na sa ginagawang pag aalphabetize non. This was better. I would want this escape from that freaking villa. Ayaw kong maabutan si Brandon sa villa niya kaya mas mabuting narito na lang ako at nagtatrabaho.

"Hindi ka pa ba uuwi?" Halos mapatalon ako sa tanong niya. Ni sa panaginip ko hindi ko naiisip na magtatanong siya niyan.

"Hindi ko pa tapos to." Sabi ko.

Suminghap siya at naglakad patungo sa pintuan. Noong una akala ko maghihintay siya sa akin. Pero nong lumabas na siya sa pintuan, napagtanto kong gaga ako para isiping maghihintay siya.

Ilang sandali pa akong tumunganga bago ginawa ulit ang gawain. Nahuhulog na ang mata ko kahit na alas syete pa naman. Siguro dahil sa pagpupuyat ko kagabi.

Saglit lang naman. Pwede naman sigurong umidlip kahit saglit. Nilapag ko ang pisngi ko sa mga files at pumikit ng ilang sandali. Bumukas ulit ang pintuan ng opisina at halos mapatalon ako.

"Oy, ma'am! Nandito pala kayo?" Halos murahin ko ang inosenteng mukha ni Jose nang dumating siya na may dalang mop.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kaagad.

"Part time ko 'to, ma'am. Pinag ma-mop ako dito tuwing gabi. Ayos lang din, kita na 'yan at konti lang namang trabaho ito."

"Wala bang maintenance dito?" Ginala ko ang paningin ko sa mga gilid ng buong opisina.

"Meron naman kaso di sila umaabot ng overtime kaya ako na ang bahala." Ngisi ni Jose at nagsimula siyang mag mop.

Gusto kong magmura. Makakatulog na sana ako kahit saglit, dumating pa si Jose at ginising ang huwisyo ko. Ngayon ay wala ng bahid na antok ang aking mata.

"Ano 'yan, ma'am?" Tanong ni Jose nang nakitang abala ako sa mga ginagawa.

"Ay, mga files para kay Brandon, Jose." Sagot ko.

Ilang sandali pa siyang naglinis bago lumapit muli sa akin. Amoy na amoy ko ang pawis niya pero hindi ko na siya sinaway. Naaawa din kasi ako sa kanya kahit paano. He must be the breadwinner of their family to want to earn that much.

"Bakit ka nga pala nag sekretarya na lang ma'am imbes na mag manager?" Tanong niya, nakikiusyuso.

Nakuha pa niyang tingnan ang mga papel na nasa mesa ko. Isang daan na lang at matatapos na ako. At leastm, diba?

"Kasi 'yon ang gusto ni Madame Diana. Tsaka ayos lang din sakin. May atraso ako sa kanya, e." At kay Brandon.

Binitiwan niya ang kanyang mop at pinagtitingnan ang mga files na nasa harap ko.

"Marunong ako nito, ma'am. Alphabetical order?" Nagtaas siya ng kilay nang may nakitang mga post it akong nilagay sa bawat letra.

Tumango ako. "Talaga, Jose? Tulungan mo nga ako." Sabi ko.

"Sige, ba!"

Lumapit siya sa akin at kinuha ang iilang papel. Nakita kong maayos magtrabaho si Jose sa mga papel. Nakukuha niya kung saan ilalagay ang tamang alpabeto at kahit mahirap ay ginagawa niya ang lahat. Nakakunot na ang noo niya habang nilalagay sa tamang lalagyan ang huling trentang pirasong papel. Tumulong din ako.

"Sana pala nag apply kang mag sekretarya, Jose." Tawa ko.

Tumawa rin siya. Napawi ang tawa ko nang bumukas ang pintuan ng opisina at namataan ko ang supot na dala ni Brandon na kaagad niyang nilagay sa likod niya.

Tumikhim siya. Madilim ang kanyang mga mata. Nilingon din siya ni Jose.

"Sir!" Bati ni Jose at ngumisi pa ito. "Magandang gabi."

"What are you doing here, Jose?" Tanong ni Brandon sa matigas na boses.

Kinuha ko ang mga papel sa kamay ni Jose. Mamaya ay pagalitan pa siya ni Brandon kasi tinutulungan niya ako.

"Naglinis po, sir. Tsaka tinulungan ko na rin si Ma'am Avon sa gawain niya. Malapit na nga kaming matapos, e." halakhak ni Jose.

Kitang kita ko ang nag alab na galit sa mga mata ni Brandon. Pinanood ko lang siya habang mariin na tinitigan si Jose.

"Tapos ka na bang maglinis?"

"Opo." Litong sagot ni Jose nang nahimigan ang galit kay Brandon.

"Then... leave." Sabi niya.

Sa utos na iyon ay nagkukumahog na umalis si Jose. Kumaway lamang siya sa akin, halatang takot na baka ano pang sabihin ni Brandon sa kanya.

Kumunot ang noo ko kay Brandon. "That was rude. Tinutulungan ako nong tao-"

"That was your work. Bakit ka nagpapatulong sa ibang tao?" Galit niyang sinabi.

Tiim bagang akong tumayo. Nanghihina dahil ayan na naman siya at galit sa akin. Pagkatapos niya akong ipahiya kahapon ay heto na naman ngayon!

"Then, I'm sorry. I'm just so damn tired. Kailangan ko ng tulong!" Pinagtaasan ko siyang boses. "Kahapon ka pa, ha! Kung galit ka sa akin, edi parusahan mo ako! Pero hindi ako nangangako sayong mananatili akong tahimik!" Sigaw ko.

Napaawang ang bibig niya at unti unti siyang yumuko. Umigting ang kanyang bagang. Sa anggulong nakikita ko sa kanya ay nadedepina ang bagang niyang perpekto ang hubog at ang tangos ng kanyang ilong. Unti unti niyang nilapag ang supot na may lamang itim na dalawang itim na styro.

"You could've just ask me to help you out!" Sigaw niya.

"Ask you? You're my freaking boss! Anong klaseng sekretarya ang magpapatulong sa boss niya sa simpleng gawain?"

"Why would you ask another man, then? Kung simple lang naman pala iyang trabaho mo?" Iritado siya at kitang kita ko iyon.

Namilog ang mata ko. I know where this is getting. Parang kagabi lang ay pinahiya niya ako, ininsulto, ngunit ngayon ay nagwawala siya para lang doon. Gusto kong mangiti pero hindi ko ginawa. Now, Brandon. I got you.

"Are you jealous? After you insulted me last night! Andyan na ako sa harap mo, nakahain, binitin mo pa ako at ngayon magagalit ka dahil lang sa tinulungan ako ni Jose?"

Hindi siya nakapagsalita. Nanatili siyang galit.

"Ano kayang mangyayari sayo kung naghahalikan kami ni Jose dito nong nahuli mo kami, ano? Pag lumuhod siya sa harap ko, hinuhubaran ako-"

"Shut up, Aurora Veronica!" Sigaw ni Brandon sa akin, halos manggalaiti.

"Then you're damn jealous!" Sigaw ko sa kanya pabalik.

"I'm not." Aniya, nag iiwas ng tingin.

"Then what's your anger all about?" Nagtaas ako ng kilay.

"I'm not angry! I'm not jealous." Tumingin siya sa dalang supot. Huminga siya ng malalim. "I... brought you dinner." Mahinahon niyang sinabi.

"No, thanks." Sabi ko at agad dinampot ang aking bag tsaka nilagpasan siya.

Brandon Rockwell, baliw ka! Pagkatapos mo akong insultuhin kagabi ay manunuyo ka ngayon? Pwes, magdurusa ka ngayon at sisiguraduhin ko iyon.

Continue Reading

You'll Also Like

3.2M 88.1K 21
Ang fangirl na si Pamela, paanong makikipag-agawan ng lupa sa car racer idol niyang si River Avilla? Ipaglalaban niya ba ang karapatan ng pamilya nil...
26.1M 1.2M 43
Josefa Hanabella Valiente is the ugly girl of Altagracia. She is often bullied because of her ugly looks. Binansagan siyang ng maraming pangit na pan...
7.3M 184K 29
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
62.8M 1.4M 55
Nakakabagot ang buhay. Lalo na pag papasok ka nang school, kakain, humiga sa pera, maligo sa puri, mamili ng babae, at matulog. Paulit-ulit lahat ara...