ALICE { o n g o i n g ...}

By purpleangel23

841K 12.2K 2K

A girl who stranded in the world of unknown; she will discover that this world was different from where she c... More

PROLOGUE
Chapter 1: It is still a Once upon a time
Chapter 2 : The Truth
Chapter 3 : Pagtakas
Chapter 4 : NO TRESPASSING
Chapter 5 : Where am I
Chapter 6 : Helping hand
Chapter 7 : What?
Chapter 8 : Dark Spell
Chapter 9 : Sha magic...
Chapter 10 : Metru Nui
Chapter 11 : Waiting for you
Chapter 12 : Omegas
Chapter 13 : Leprechaun
Chapter 14 : Blood
Chapter 15 : Fairies
Chapter 16 : Sphinx
Chapter 17 : Nokama
Chapter 18 : Counting Dance
Chapter 19 : Hurts
Chapter 20 : Dark Cave
Chapter 22 : Water Sprite
Chapter 23 : Invisible Cloth
Chapter 24 : Nightmare Jar
Chapter 25 : Little Punishment
Chapter 26 : Telepathy
Chapter 27 : Goblin and Dark Raven
Chapter 28 : Crystal Eye
Chapter 29 : Cyclops
Chapter 30 : Sylph
Chapter 31 : Jealous
Chapter 32 : Totema Famfight
Chapter 33 : Revenge of the Wolf Part 1
Chapter 34 : Revenge of the Wolf part 2
Chapter 35 : Revenge of the Wolf Part 3
Chapter 36 : Black Witch and the Labyrinth Mansion
Chapter 37 : Elitist (Grand Witch)
Chapter 38: Shadow Reaper
Chapter 39 : Cerberus
Chapter 40 : Red Mist
Chapter 41: Maiden Warriors and the Damah Desert
Chapter 42 : Cronos Game 1
Chapter 43 : Cronos Game 2
Chapter 44 : Cronos Game 3
Chapter 45 : Pegasus Necklace
Chapter 46 : Sanctuary Grave
Chapter 47 : Dim Ghost Ship
Chapter 48 : Nation of Spirits
Chapter 49 : Princess Morbuzakh
Chapter 50 : Gargoyles
Chapter 51 : Trust and Acceptance
Chapter 52 : No Mana Zone
Chapter 53 : Kitty Punch
Chapter 54 : I'm not yet ready
Chapter 55 : Mortal World
Chapter 56 : Steps to Hope
Chapter 57: Steps to Hope I
Chapter 58 : Steps to Hope II
CHAPTER 59 : STEP TO HOPE III

Chapter 21 : Morbuzakh

14.5K 159 13
By purpleangel23

ALICE P.O.V.

Inalapit ng Morbuzakh ang kanyang hawak na lampara sa aming mga mukha “Sino ba kayo?”

Lumapit si Clyde at nagpakilala “Pasensya na po kung naabala namin kayo, ako po si Clyde Ault ang Alcolyte” tumingin sa kanya ang Morbuzakh mula sa baba hanggang taas na parang nangingilatis

Muli niyang tinignan si Clyde sa kanyang mga mata “isa kang Lycan” Panu niya nalaman na isa siyang Lycan


“O-opo isa akong Lycan” tumungo ang Morbuzakh at ngumiti sa kanya

Lumingon ang Morbuzakh sa kanyang likod para bang may tinitignan siya sa loob ng bahay, narinig namin siyang tumawa ng mahina, agad naman siyang tumingin sa amin at nabaling ang kanyang atensyon kay Prince Azera “Err… Sino ka naman?” sa pagmamatyag ko sa Morbuzakh parang may kakaiba sa kanya

Lumapit si Prince Azera at yumuko sa Morbuzakh “Amm… ako po si Prince Azera Wright”

Nagiba ang reaction ng Morbuzakh para bang nagtataka, lumingon siya na naman sa kanyang likod parang may kinakausap siya “Azera, kilala niyo ba si Azera ---” pagtingin namin sa kanyang likod wala naman siyang kinakausap, lumingon ulit siya sa amin “---hindi ko pa naririnig ang pangalang yan, isa kang Prince?”


“Y-yes, I’m the Third Prince, son of King and Queen Nokama”

Ngumiti siya kay Prince Azera at humawak siya sa kanyang maputing mahabang balbas, sinusuklay niya ito ng kanyang kamay habang nakatitig kay Prince Azera at bigla naman siyang sumimangot “The Naughty boy, The Flirt, The---” hindi na itinuloy ng Morbuzakh ang kanyang sasabihin dahil nagsalita si Prince Azera


“A-aah…p-pumunta po kami dito para po makahingi sa inyo ng tulong, G-ginoong Ducan the Morbuzakh” Tarantang sinabi ni Prince Azera

Lumingon ulit siya sa kanyang likod “Err… The Morbuzakh---” suminghot siya na parang baboy at nagulat kami ng sumigaw siya“---Morbuzakh!!” Nagtinginan kaming lahat sa inaasal ng Morbuzakh, tumingin siya ulit sa amin at umiling siya “---Err… Morbuzakh is not here”

Nagbuntong hininga si Prince Azera at umiling na parang nadismaya “He’s useless, naglakad lang tayo sa kwebang madilim para sa wala”

Tumingin sa kanya ng seryoso ang Morbuzakh, nilapit niya ang kanyang mukha kay Prince Azera na ikinagulat ng Prince “Useless? Wala akong pakielam kung naglakad ka sa dilim ng magdamag para hanapin ako---” nilapit niya lalo ang mukha niya kay Prince Azera “---have some respect” tumingin siya sa aming lahat at ginalaw niya ang ulo na nagsenyas na pumasok na kami

Mukhang mahihirapan kaming makipagusap sa kanya

Sa pagpasok namin sa kanyang tirahan, bumungad sa amin ang napakagulong gamit, maraming nakakalat na mga bote, mga aklat at marami din siyang iba’t ibang sculpture na nakadisplay sa paligid

Ang nagbigay pansin sa akin ay isang magandang babaeng sculpture na gawa sa kahoy


“Dito pala tinatago ng Amang Hari at Inang Reyna ang Morbuzakh”--Prince Azera

Inilapag ng Morbuzakh ang kanyang hawak na lampara at sa pagkataas niya ng kamay lumipad papunta sa kanya ang isang mahabang tungkod na may batong dilaw sa taas nito “pasensya na at magulo ang bahay ko, meron kasi akong pinagaaralan at hindi ko pa natatapos ngayon---” natapilok siya sa nakatumbang bote “---Argh! Nakakainis!” sinipa niya ito, akala ko tatama ito sa pader pero bigla itong humito at lumutang, nakita kong dahan dahan ibinaba ng Morbuzakh ang bote sa isang lugar, meron siyang ability magpagalaw ng bagay, meron siyang psychokinesis o telekinesis

Humarap siya sa amin “Ano ba kailangan niyo?”


“pumunta po kami dito para sa portal” sabi ni Clyde

Nanlaki ang mata ng Morbuzakh “Wala… wala akong alam sa portal bumalik nalang kayo sa ibang araw o kaya huwag na kayong bumalik” tinataboy kami ng Morbuzakh


“P-pero k-kayo po ang Morbuzakh imposible pong hindi niyo alam ang portal” sabi ni Montblanc

Napahinto ang Morbuzakh, tumalikod siya sa amin na para bang may kinakausap siya “Shut it!! I know! I know!---” tumingin ako sa paligid pero wala talaga siyang kinakausap, nakadrugs ba siya “---alam ko ginagawa ko!” patuloy lang siya sa pagsasalita na parang may kaaway


“Sino ba kinakausap niya?” tanong sa amin ni Sha, nagtinginan kami at nagkibit balikat

Humarap sa amin si Prince Azera “bakit ba tungkol sa portal ang gusto niyong malaman? hindi niyo ba alam na ipinagbabawal gamitin ang portal at saka wala ng portal”

Ou nga pala, hindi pa pala alam ni Prince Azera ang dahilan kung bakit kailangan namin kausapin ang Morbuzakh


“Mali ang iniisip mo na wala ng portal, hanggat may Morbuzakh may portal” paliwanag ni Clyde      


“ok! sabihin na nating ganun nga, pero hindi na ipinahihintulot na gamitin ang portal”


“Alam ko, pinagusapan na namin yan ng Haring Nokama, kaya nga ako ang naging partner mo, Sa missiong hanapin kung nasaan pa ang mga ibang Morbuzakh pati narin ang Hari at Reyna ng Morbuzakh kapalit sa paggamit ng portal”

Yun pala ang mission nila ang mahanap ang angkan ng Morbuzakh


“Argh! Si Amang Hari talaga!... Bakit mo naman gagamitin ang portal? Bakit ka pupunta sa mundo ng mga mortal? Hindi mo ba alam na delikado ang gagawin mo”


“Hindi ako ang gagamit…” nakita kong nagiba ang mukha ni Clyde, may bahid siya ng kalungkutan sa mukha


“A-ako ang gagamit” napatingin si Prince Azera sa sinabi ko


“Alice?...---” nagiba ang tono ng boses ni Prince Azera “---P-pero bakit?... bakit ka pupunta sa mundo ng mga mortal”


“D-dahil sa mundo ng mortal ako nabibilang”


“Third Prince, si Alice ay isang mortal, naligaw lang siya dito sa mundo natin, humingi siya ng tulong sa amin para makabalik siya sa mundo nila” paliwanag ni Montblanc

Nakita kong may halong pagtataka si Prince Azera sa kanyang mukha

Nabaling ang atensyon naming lahat sa pagsigaw ng Morbuzakh “Tumigil kayo!!---” lumapit siya sa amin“---Hindi ko kayo matutulungan! Ang portal ay matagal ng nawasak, kasabay sa pagwasak ng angkan ng Morbuzakh, at nagbigay ng sumpa sa aming mga Morbuzakh, dahil sa portal nagsimula ang pagkakaroon ng ganib at walang pusong nilalang para lang masakop ang dalawang mundo!!” bigla siyang sumigaw sa kanyang likod “Shut up!!---” naglakad siya papunta sa harap ng isang kahoy na para bang kinakausap niya ito “---No! hindi ako nagkakamali!!” humarap siya ulit sa amin “--- nakalimutan nila kung paano gamitin sa tama ang kinilang mga kapangyarihan!! In the beginning… She was wise… and good… and strong but when she discovered the other world naging sakim at makasarili siya!!” sino naman kaya tinutukoy niya?... umupo siya sa isang malaking bato at kinakausap parin ang kahoy “---ayoko ng maulit ang mga nangyari noon… I can’t, hindi ko na kaya, wala na akong lakas, sapat na kapangyarihan at tapang para buksan muli ang portal” iisipin mong baliw siya, pero… kaya siguro siya nagkakaganyan dahil hindi parin niya makalimutan ang nakaraan

Nilapitan ko siya at lumuhod “G-ginoong Morbuzakh”

Nagulat siya sa ginawa ko “A-ah D-ducan nalang ang itawag mo sa akin”

Ngumiti ako sa kanya “Ginoong Ducan, ako po si Alice, Sorry po kung mapangahas po akong mortal na pumunta sa harap niyo at kausapin ang makapangyarihan tulad niyo, Nagmamakaawa po akong buksan mo muli ang portal, kayo lang po ang makakatulong sa akin, huwag po kayong mawalan ng pagasa… A-alam ko pong kaya niyo, naniniwala po ako sa kakahayan niyo ---” tinignan ko ang kausap niyang kahoy at ang Morbuzakh “---sino po sa inyong dalawa ang namamahala?”


“a-ako, a-ako ang namamahala” agad na sinabi ng Morbuzakh

Hinawakan ko ang kamay niya “kung ganun po, tutulungan ko po kayo na labanan ang takot niyo at kapag nagawa ko yon matutulungan niyo na po ako na makauwi sa mundo ko”

Tinignan niya ako sa mga mata, napansin kong matino na siya ngayon kesa kanina “Oh! my dear, hindi mo na kailangan gawin yon---” hinigpitan niya ang pagkakahawak sa aking kamay “---you remind me someone” tumingin siya sa sculpture na magandang babae na kinina kong tinignan “--- the Queen Morbuzakh…” siya pala ang Queen Morbuzakh ang ganda pala niya “---hindi ako mangangako pero gagawin ko ang aking makakaya, sumama ka sa akin”

Dinala kami sa isang malaking silid, pagkapasok dito makikita mo ang isang elevated na salamin, may mga simbolo at nakasulat ito sa itaas na hindi ko maitindahan, sa sobrang luma nagfefade na ang mga ito

Sa paglapit namin dito, hindi pala ito ordinaryong salamin dahil hindi ko makita ang reflection ko dito, para bang merong ibang mundo sa loob ng salamin  


“ito ang dating portal na ginagamit ng mga taga Nokama, matagal na itong nawalan ng connection papunta sa mundo ng mga mortal kaya gagawin ko ang lahat para maibalik ang connection---”  pinagmamasdan ng Morbuzakh ang paligid “---sa tinagal tagal kong namalagi dito sa kweba, ngayon lang ulit ako nakadalaw sa silid na ito”


“handa ka na ba Alice---” tumungo ako sa ako sa Morbuzakh “---pagkatapos kong banggitin ang aking ritual at kapag nakita mo na ang lugar sa loob ng portal huwag kana magdalawang isip, pumasok ka agad sa portal” pumusisyon na siya sa harap ng portal“--- pero Alice kapag hindi mo pa nakikita ang lugar sa loob ng portal huwag kang papasok may posibilidad na mapunta ka sa ibang lugar at hindi mismo sa mundo ng mga mortal” tumungo ako sa kanya

Heto na ko, makakauwi na ako sa amin


“Alice!!!---” lumingon ako “---magiingat ka!” sigaw sa akin ni Sha, ngumiti ako sa kanilang dalawa ni Montblanc, nakita ko si Prince Azera nakatingin lang siya sa akin pero alam kong nalulungkot siya na aalis ako, nakita ko naman si Clyde na nakatalikod at nakasandal sa isang tabi, hindi niya ba ako titignan sa huling pagkakataon?


Narinig ko ng naguumpisa na ang Morbuzakh sa kanyang ritual para buksan ang portal itinaas niya ang kanyang tungkod at nagliwanag ang batong dilaw na dahilan na pagilaw din ng mga simbolo sa itaas ng salamin pero habang tumatagal nakikita kong nahihirapan na ang Morbuzakh

Hinawakan ko siya sa kanyang kamay pinaramdam ko sa kanya na kaya niya mabuksan muli ang portal hanggang sa may usok na umiikot mula sa salamin


“Alice!! titigan mo lang ang portal dadalin ka nito kung saan ka mismo gustong pumunta” sinunod ko naman ang sinabi ng Morbuzakh

Habang nakatingin ako sa portal unti unti akong nakakita ng isang lugar “Nakikita ko na! pero malabo pa ito hindi ko masyadong maaninag kung anong lugar ang nakikita ko”

Naramdaman ko ang pwersa na ibinigay ng Morbuzakh mula sa portal “bilisan mo Alice! isipin mo ito maiigi kapag nakita mo na, pumasok ka agad” 

Tinitigan ko ito ng maigi at inisip na makabalik sa mundo ko hanggang sa nakita ko na ng malinaw ang lugar

Sandali alam ko kung anong lugar ang nakikita ko, dito kami unang nagkita ni Nathan, tama! dito kami magkikita!

Pero bakit ganoon ayaw gumalaw ang katawan ko parang may pumipigil sa akin at sinasabi ng utak ko na huwag akong tumuloy


“Alice!! bilisan mo hindi ko na kaya!!!” sigaw ng Morbuzakh

Sa pagtakbo ko papunta sa portal, bigla akong napahinto dahil nag iba ang lugar sa portal naging itim ang paligid nito at may isang babaeng nakatayo hindi ko maaninag ang kanyang mukha pero alam kong nakangiti siya

May binabanggit siya sa akin


Akin ka

Paulit ulit niya itong sinasabi, bigla akong nasilaw sa isang liwanag, hindi ko naiwasang mapapikit at magtakip ng aking mata, kasabay nito ang pagkabingi ko, para bang may kung anong nakakabinging tunog sa aking tenga hanggang sa nakaramdam ako ng hapdi sa aking katawan at pananakit ng ulo

Pagkatapos non…hindi ko na alam ang nagyari… nawalan na ako ng malay…

====

AUTHOR’S P.O.V. 


“Aaaaaaaaaaaaaaaahhh!!!”

Umeko ang sigaw ng isang babae sa madilim na kagubatan

Wala siyang tigil sa pagtakbo dahil may mga nilalang na gusto siyang patayin hindi hadlang sa kanya ang madapa at masugat basta ang kanyang iniisip ay makatakas sa mga humahabol sa kanya

Pero sadyang mabibilis ang mga ito, napahinto ang babae sa pagtakbo ng may bumaba sa mula sa itaas at humarang sa kanyang dadaanan

Bahid sa babae ang sobrang pagkatakot, naisipan niya muling tumakas pero huli na ang lahat, pinalilibutan na siya ng mga humahabol sa kanya  


“Wala ka ng tatakbuhan” agad siyang hinawakan ng lalaking humarang sa kanya kanina


“Bitawan mo ako!!! mababang uri ng bampira!!”

Nainis ang lalaki, hindi siya nagdalawang isip na saktan ang babae pero mabilis na umiwas ang babae at sa pagiwas niya napunit ang kanyang damit mula sa kanyang likod

Nakita ng mga bampira ang marka, simbolo ng pagiging maharlika


“Iiwas ka pa, wala ka ng matatakbuhan! Babaeng Morbuzakh!”

Puwersahan nilang hiniga ang babae, unti unting humaba ang mga kuko ng bampira at itinapat niya ito sa puso ng babaeng morbuzakh

Isasagawa na sana ng bampira ang kanyang pagpaslang sa babae ng biglang….


“Awoooouuuuh!!!!”

Nakarinig sila ng alulong dahil doon nataranta sila at naglabasan ang kanilang mga pangil

Tumahimik ang paligid… ilang sandali may sumigaw na isang kasamahan ng mga bampira, umalingasaw ang amoy na metal at amoy sunog sa paligid

Hanggang sa isa isa ng nababawasan ang kasamahan ng bampira, hindi nagtagal isang bampira nalang ang natira

Yung lalaking gustong kuhanin ang puso ng babaeng morbuzakh, hinahanap niya ang pumapaslang sa kanyang kasamahan

Nang biglang may lumabas sa kanyang harapan, kinagat siya nito sa kanyang braso at hinagis niya sa nakausling kahoy na nagkitil sa buhay ng bampira

Isang lobo ang nagligtas sa babaeng morbuzakh, habang papalapit siya sa babae unti unti siyang nagbago ng anyo at tuluyan na naging tao


“Ayos ka lang ba?” tanong ng lalaki sa babaeng morbuzakh

Hindi na siya nakapagsalita at nawalan ng malay 

++++++

Sana magustuhan ninyo ang Chap. na ito!

COMMENT/VOTE po kayo 

salamat sa pagbabasa!!

Godbless! ^__^V

Continue Reading

You'll Also Like

172K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...