Wanting Her Back

By heavendelle

38.9K 1.1K 141

Living a normal life is what Dayana "Yna" Guiterez wanted. Unfortunately, she is the only daughter of the Gui... More

Wanting Her Back
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
Author's Note

Chapter 22

1K 39 6
By heavendelle

CHAPTER 22





Kanina pa ako pagulong-gulong dito sa kama. Hindi ako makatulog. Hindi mawala sa isipan ko ang sinabi ni Kenzo kanina.

What really happened 6 years ago?

Maski ako hindi na alam. Marami ng pumapasok na kung ano sa isipan ko. Kung kasalanan man ng magulang ko, hindi pa rin makatarungan kung paano nakipaghiwalay si Kenzo. What he did is unforgettable. Bakit kailangan pa gano'n? Bakit kailangan pang masali si Jessa?

Goddamn it! Ginulo ko ang buhok ko at tumayo. I need to drink some cold water. Kailangan kong mahimasmasan. Pumunta ako sa kusina at kumuha ng tubig sa ref. I then sat in the dinning chair at nilalaro ang baso gamit ang mga daliri ko.

"You can't sleep?"

Halos mapatalon ako sa gulat nang may nagsalita sa likoran ko. Hindi ko ito sinagot at nagmasid lang kung ano ang gagawin niya. Kumuha rin siya ng tubig sa ref at umupo sa upuang nasa harapan ko.

Walang nagsasalita sa'min. Inaamin ko, hindi ako comfortable na nandito siya ngayon. Ala-una na ng umaga kaya akala ko natutulog na siya.

I heard him sighed. "I'm sorry. I'm sorry, Yna."

"For what?"

He looked at me. "For what I said earlier."

Mas lalo akong nagulohan sa sinabi nito.

"Kenzo..."

"I'm sorry for saying you're selfish. Forget it. You're not like that. I should understand you. Alam kong nasaktan ka sa ginawa ko." Bahagya itong tumingin sa'kin kaya nasuri ko ang mukha niya at nakitang namumula na naman ang mga mata nito. "But believe me, baby, nasaktan din ako."

Biglang may kirot akong naramdaman nang marinig ang boses niya. I don't understand myself. Gusto kong malaman ang totoo pero may pumipigil sa'kin. I don't know what to answer. Wala akong masagot sa sinabi nito. All I did is to look at him.

"I don't want you to hate your parents, Yna. I don't really want what I did 6 years ago, but I have no other choice. We need your parent's money that day, Yna." Wika niya.

Akala ko ay magpapatuloy ito sa pagsasalita ngunit wala akong narinig pa mula sa kaniya. Nakatungo lang ang ulo nito at nakipagtitigan sa baso na nasa harapan niya.

I sighed. "Continue. I want to hear it."

Gulat itong napatingin sa'kin at pinahid ang luhang tumulo sa mata niya. "Oh, damn! You'll hear me out?"

Maybe this is what I need. Kailangan kong malaman kung ano ang sasabihin niya para sa ikakatahimik ng utak ko. Besides, wala naman sigurong mawawala sa'kin.

I nodded. "Yes, but I can't promise you anything, Kenzo. Hindi ko masasabing mawawala ang galit ko sa'yo agad."

"Hearing me out is enough for me, Yna. Ako na ang bahalang gumawa ng paraan para mawala ang galit na meron ka sa'kin."

Parang natunaw ang puso ko sa sinabi nito. Uminom siya ng tubig at huminga ng malalim saka nagsimulang nagkwento.

"6 years ago, umuwi akong nakita sila Mama na umiiyak. Alam mong may sakit si Papa diba?" He asked.

Tumango ako sa kaniya. May sakit ang Papa niya kaya hindi nila ito masyadong nakakasama. Noong pinakilala niya ako sa Papa nito ay nasa hospital kami nun dahil sa sakit nito.

"Tinanong ko si Mama at sinabi niyang lumalala na ang sakit ni Papa kaya kailangan ng operahan. Wala kaming pera, Yna. Wala kaming sapat na pera para ipagamot si Papa. Pumasok ako nun kinabukasan sa University na wala sa sarili. Habang nasa klase ay bigla nalang may dumating sa room at sinabing may naghahanap sa'kin at pinapunta ako sa principal office. Pagpunta ko dun ay nakita ko ang magulang mo."

Tumigil ito at tinitigan ako. "Kung gaano ako nasaktan dahil sa lumalalang sakit ni Papa ay ganoon din ako kasaya nang makita ang magulang mo, Yna. Akala ko handa mo na akong ipakilala sa kanila. Akala ko hindi na natin kailangang magtago at pinakilala mo na ako sa magulang mo. But I was wrong, sobrang mali ako sa inisip ko."

He begun to cry. May dumadaloy ng mga luha sa pisngi nito at maski ako ay hindi maiwasang maging emosyonal.

"Bigla akong sinampal ng Mama mo. Sinabi niyang anong klase akong lalaki at pinatulan ko ang isang katulad mo. Hindi raw nababagay ang isang katulad ko sa'yo. Noong tinawag ko siyang Tita ay sobrang nagalit ito sa'kin. Sinabi niyang wala akong karapatang tawagin siya ng gano'n. Pinamukha nila sa'kin na hindi ako nababagay sa'yo. Na hindi kita kayang buhayin at wala kang mapapala sa'kin. Hanggang sa sinabi ng Mama mong hiwalayan kita."

Pagak itong tumawa at pinunasan ang luha niya.

"Sobrang nasaktan ako sa narinig ko mula sa magulang mo, Yna. Hindi ko kayang gawin ang pinapagawa nila. Fuck, baby, I can't do it. Iniisip ko palang na maghiwalay tayo, sobrang nasasaktan na ako. Pinakausapan ko sila. Sinabi kong magsusumikap ako para sa'yo. Para bumagay ang isang katulad ko sa'yo, pero hindi sila nakinig."

Nakatingin at nakikinig lang ako sa mga sinasabi nito.

"Pinilit nila akong hiwalayan kita. Tinakot nila akong papalayasin ka nila kapag hindi ko ginawa ang gusto nila. I cried, baby. Umiyak at lumuhod ako sa harapan ng mga magulang mo. Nagmakaawa akong tanggapin nila ako para sa'yo. Iling ako ng iling kapag pinipilit nila akong makipaghiwalay sa'yo. Hanggang sa binanggit nila si Papa." Lumunok siya. "Alam mo namang bukod sayo, ang mga magulang ko ang kahinaan ko, Yna. Natigilan ako nang sinabi nilang sila na ang bahala sa operasyon ni Papa. Sila na ang magbabayad sa lahat ng perang magagastos namin at bibigyan din nila kami ng sobrang pera para makapagsimula ulit. Yna... Naisip ko si Papa, alam kong nahihirapan na siyang lumaban sa sakit niya. Ayoko siyang mawala, Yna."

"K-Kaya pumayag ka." I stated. Tumango siya at pagak na tumawa.

"I'm sorry, baby. I'm so sorry kung pumayag ako. I don't have a choice. We really need your parents that time. Ayokong mawala si Papa, Yna. Alam kong sobrang masasaktan si Mama at ayoko nun. Hindi ko kayang makitang iiyak si Mama kapag ano ang nangyari kay Papa. I'm really sorry kung pumayag ako. Trust me, baby, hindi ko gusto. Hinding-hindi ko gusto."

Kinuha niya ang baso niya at nilagok ang lahat ng tubig na nando'n.

"Bago sila umalis, sinabi ng Papa mo na ilalayo ka nila sa'kin at huwag na akong magtangkang hanapin ka. Gusto kong bawiin ang sinabi ko no'n, pero wala na akong lakas. Pagkatapos nun hindi na kita masyadong kinakausap." Aniya.

"Bakit hindi mo ako kinausap? Alam mong miss na miss kita sa mga panahon na 'yun, Kenzo."

"What do you expect me to do? Wala na akong mukhang maihaharap sa'yo. Kapag naririnig ko ang boses mo, naiiyak ako. Iniisip kong napakaduwag ko dahil sa ginawa ko. Natatakot ako na baka kamuhian mo ako at ayoko nun. Nahihiya na akong makita ka no'n, Yna. Ayokong maiba ang tingin mo sa'kin. Ayokong isipin mo na pinagpalit kita sa pera."

"Pero bakit gano'n? Bakit nasali pa si Jessa?"

Natigilan ito sa naging tanong ko bago bumuntong hininga. "After weeks, nalaman ng parents mo na hindi pa rin ako nakikipaghiwalay sayo. Iyon lang ang naisip kong paraan para pumayag ka agad na makipaghiwalay sa'kin."

"Kenzo. Hindi mo alam kung gaano ako nasaktan sa ginawa mo. Hindi ko inaakala---"

"I know, baby. That was the dumbest thing that I did. Ayokong makita kang umiiyak kaya lumabas agad ako sa lugar na 'yun dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili kong lapitan ka."

Biglang namuo ang katahimik sa'min. Walang nagsasalita at tanging pagsinghot lang namin ang maririnig sa kusina.

"After days, naging okay si Papa. Tinupad ng magulang mo ang sinabi nila at naging maayos ang operasyon ni Papa. Ang alam ni Mama ay inutang ko sa mga kaklase ko ang perang ginamit, pero si Ate... Hindi naniwala si Ate Kim."

Pilit itong ngumiti sa'kin.

"Tinanong niya sa'kin kung ano ang totoo kaya sinabi ko ang lahat kay Ate. Sinabi kong mga magulang mo ang gumastos sa operasyon ni Papa. She slapped me hard. Sinabi niyang bakit ko nagawa 'yun sayo. Sinabi niyang hindi lang relasyon natin ang sinira ko, kundi pati ang tiwala mo."

"Kenzo..."

"Kaya nagpursigi ako, Yna. Gusto kong patunayan sa magulang mo na may maipagmamalaki ako sa'yo. Sinabi ko sa sarili kong kapag nagkita tayo, magiging proud ka sa'kin. Ipagmamalaki mo ako, madadala sa mamahaling restaurant, at mabibigay ang gusto mo. Ikaw ang naging inspirasyon ko, Yna."

Nakatingin lang ako dito.

"Hinanap kita noong natanggap na ako sa Hye Gloo. Biglang binanggit ni Jake sa'kin ang pangalan mo, sumaya ako at pumunta agad sa Rill Shine kinabukasan. Gusto kong masigurado kung ikaw ba ang tinutukoy niya." Pagpapatuloy nito.

Bigla itong tumayo at lumapit sa'kin. Tinitigan ako nito sa mata bago hinawakan ang kamay ko.

"I waited for this day, Yna." Hinalikan nito ang kamay ko. "I'll make it with you. I promised."











Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
184K 4K 57
[PUBLISHED UNDER IMMAC PPH] 𝐖𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆: 𝐑𝟏𝟖+ | 𝐌𝐀𝐓𝐔𝐑𝐄 This story is not suitable for young audiences below 18. Read at your own risk. Fo...
1M 35.2K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
484K 18K 40
Tereesa is in trouble. Dahil sa kaniyang pagtakas mula sa sariling engagement party, siya ngayon ay pinaghahanap ng kaniyang buong angkan. In order...