Make You Stay (Book 2 of You...

By coralunaa

30.8K 1.2K 230

Kasabay ng pag-usad ng panahon ay ang pagkatuto ni Claudine. Kasabay ng pagyabong ng mga puno ay ang kanyang... More

Make You Stay
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas

Kabanata 17

555 32 9
By coralunaa

Kinahapunan, niyaya ako ni Esme na maligo sa dagat. She said she'll tour me around the island if I want but I refused. Sa susunod na araw na siguro. Sapat na sa aking makapaglakad-lakad lang sa dalampasigan. Kaya iyon ang ginawa namin.

"Don't you have friends here?" I asked Esme.

Papalubog na naman ang araw. The reflection of the gradient sky, that transitions from red to orange to yellow, looked majestic. 

Yumuko ako at tiningnan ang aking tsinelas na halos lumubog sa buhangin. We were slowly walking. Enjoying the crippling of waves and the laughters of children.

"Meron naman. Mangilan-ngilan nga lang. Na-aawkward sila sa'kin, eh. Hindi ko alam kung bakit. Pero may manliligaw ako rito." siya naman ngayon ang narinig kong humagikhik.

Ngumiti ako. Kumislap naman ang kayumangging mata ni Esmeralda.

"Must be the reason why you chose to stay here?" panghuhula ko.

Nilapitan ako lalo ni Esme. Nilingon ko siya kaya nakita ko ang kanyang kindat.

"Oo, eh. Huwag mong sabihin kay kuya, ah." 

Inilagay ko ang aking dalawang kamay sa likuran. I shut my eyes briefly when the salty wind brushed my face.

"Bakit ko naman sasabihin? We're not close, you know." 

Nginisihan niya lang ako. 

"Speaking of, pumunta kaya tayo sa court?"

"Huh?"

"Nagbabasketball kase yun si kuya pag ganitong oras. Tara?" 

"Huwag na Esme-"

"Nandoon iyong manliligaw ko, Dindin. Please?" she looked at me using puppy eyes.

Umirap ako at nagpahila nalang din sa kanya. Maraming bumati sa'min habang papalapit kami sa court na sinasabi niya. 

Naglakad kami sa ilalim ng mga kahoy hanggang sa marating namin ang isang basketball court. Open iyon. Ang sahig ay sementado. May mahahabang benches na gawa sa kahoy sa gilid. Ang nagsisilbing bubong ng court ay ang mga dahon ng naglalakihang kahoy na nakapaligid. 

Hindi paman kami lubusang nakakalapit ay naghiyawang bigla ang mga kalalakihan. Nilingon kami ng mga babaeng naroon at nag-umpisa silang magbulungan. I suddenly felt uncomfortable. Pero dahil na-master ko naman ang art of deadma ay hindi ko nalang sila pinansin.

"Siya iyong tinutukoy ko kahapon!" 

"Guwapaha jud diay mga choi."

May iilang sumipol. They were all smiles but they didn't get even a small smile from me. 

"Tumigil nga kayo. Masyadong hayok sa mga magaganda." si Esme.

"Wew. Pakilala mo naman kami, Esme."

Hindi ko alam kung natigil ang laro nila pagdating namin o talagang tapos na silang maglaro. The boys are sweaty. May ilan pa akong nakitang walang pang-itaas. Halos lahat sila ay lumapit sa'min. Nahagip naman ng mga mata ko si Vince. Nasa kabilang bench siya, nakaupo. Umiinom ng tubig. Matalim ang tingin sa'min. Or sa'kin?

Iniwas ko ang aking tingin at naupo nalang sa tabi ni Esme. Sa bench na kinauupuan namin ay may iilang babae. I am aware of their stares but I didn't care.

"Anong pangalan mo, binibini?" 

I crossed my legs. Nag-angat ako ng tingin at halos ngumiwi ako nang makita ang lalaki. He was very sweaty. And his smell is not pleasing at all.

Sabi na nga bang hindi magandang ideya ang pagpunta rito.

"Dindin huwag mo nalang pansinin." bulong ni Esme. 

Her eyes were somewhere. When I traced her line of vision, nakita ko ang isang matipunong lalaki. Must be her manliligaw. Naka-jersey at pawisan din kagaya ng ibang manlalaro.

"Binibini?" 

Nag-umpisa na akong mainis pero hindi ko iyon ipinakita. This is not my place. Kailangan kong makisalamuha, kahit papaano.

"Claudine." tipid kong sagot.

"Yown! Claudine daw mga choi!" the guy shouted.

Umawang nang bahagya ang labi ko at nag-init ang aking pisngi. Kailangan ba talagang i-broadcast? Ganoon ka big deal?

"Paspasi Ron!" 

Nagpakilala sa'kin ang mga lalaking naroon. They wanted to shake my hands but I refused. Hindi ko ma-take ang langis nila, ano. 

"Ouch. Pain. Maldita jud diay." reklamo nung isang tinanggihan ko.

Binalewala ko siya. I am not trying to look like a saint here, tho.

"Puno mog singot. Panarapo daw anay mo. Mga walay uwaw!" kantiyaw nung isang ginang na naroon din pala.

"Dindin..."

"Hmm?" binalingan ko si Esme.

She's blushing. I don't know why.

"Dito ka lang muna. Kakausapin ko lang." 

Kumunot ang noo ko.

"Iiwan mo ako rito?" mariin kong tanong.

Kinagat niya ang kanyang labi at tumango. Hala. Langhiya.

"Masyadong obvious kay kuya kung isasama pa kita." 

Nilingon ko si Vince at nakita kong may katabi na siyang babae ngayon. The girl was slightly damping a white towel on his neck. Mukhang hindi niya ito pinapansin. Titig na titig siya sa direksyon namin ni Esme. He didn't even flinch when I caught him staring. Sa halip ay lalo lang dumilim ang mata niya.

"Ano? Mas obvious kung ikaw lang, Esme." 

Mukha siyang hindi mapakali. 

"Eeeh. Sa'yo naman titig na titig si kuya. Hindi niya ako mapapansin. Please?" 

This is ridiculous. 

"Paano pag nagtanong?" 

"Edi... sabihin mo may binili lang. Please, Dindin. Miss ko na, eh." halos magmakaawa siya.

Napailing ako kay Esme. Nababaliw na siya. Parang ako noon kay Blue. Tsk. 

"Balikan mo ako rito, ah?" 

Umaliwalas ang mukha niya at bigla akong niyakap. 

"Yes. Thanks Dindin."

Iniwan nga ako ni Esme roon. Hindi ko alam kung ano ang gagawin kaya nakipag-usap nalang ako sa mga lalaki. 

"Uh, you're have an boyfriend?" 

"Like sweet partner in..."

"Crime?"

"Love oy mga bugo jud."

I suppressed a laugh. Sinabi ko na sa kanilang magtagalog nalang pero nagta-try hard parin mag-english. Ayan tuloy.

"I don't have any." 

Namutla iyong lalaking kausap ko at agad na nilingon ang mga kasama. Some of them were sitting on the same bench now.

"Lisoda sad ani mga choi, uy. Unsa ragud nang wako ka gets?"

"Bulok. Anaa nalang nga naglibog ka."

Ang lalakas ng boses nila kaya kahit na nagbubulungan ay dinig na dinig ko.

"Naglilibog ako sa'yo, binibini." nagkamot sa ulo iyong lalaki. Gino ata ang pangalan?

But wait, what?! Libog? Tama ba ang rinig ko? The hell?! Minamanyak ba nila ako?!

"Tigilan niyo na." isang malamig na boses ang narinig ko.

Nag-angat ako ng tingin at nakitang nasa harapan ko na pala si Vince. Wearing gray shirt, black and white jersey shorts, black shoes and cold expression. Nakatali na naman ang kanyang buhok. Ang pawis ay tila napunasan nang lahat ng kanyang girlfriend.

Sinenyasan niya iyong mga lalaki.

Why is he here? Magtatanong ba siya tungkol kay Esme?

"Padaplin ta mga choi. Way mo sukol kang master."

"Off limits. Matic na mga choi!"

Nagtawanan muna sila bago umalis. Nakahinga naman ako ng maluwag.

"Hi Vince." I acknowledged him.

Tinapunan niya lang ako ng tingin at agad din namang nag-iwas ng mata. Suplado.

Naupo siya sa aking tabi, a meter away. Nanuot naman sa ilong ko ang bango niya. His scent is way far from that of his friends.

"Why are you here?" his tone indicated how unpleasing it is for him to see me here.

Akala ko ba okay na kami? Bakit nagsusungit na naman ang isang 'to?

"Sinamahan ko lang si Esme." 

Kumunot ang kanyang noo at parang may naalala nang mabanggit ko ang pangalan ng kapatid. Nilingon niya ako.

"Asan siya?" 

Oops. Sana pala hindi ko nalang binanggit!

"May binili lang." kalmado kong sagot.

Itinuon ko ang aking mata sa harapan. Ang mga lalaking kausap ko kanina ay naglalaro na ngayon. Palingon-lingon sila sa banda namin. 

Ang babae naman ni Vince ay nasa kabilang bench kasama iyong mga babaeng katabi ko kanina rito. Masama ang tingin nila sa'kin. Gets ko na agad kung bakit.

"Sigurado ka?" 

Kinabahan na ako ng konti. Nakakaloka si Esme. Kung bakit kase hindi nalang magsabing may manliligaw. Hindi naman na sana siya bata.

"You don't trust me?" panghahamon ko.

He pressed his lips. Nag-iwas na naman siya ng tingin at hindi na ako sinagot. Buti nalang hindi na siya nagtanong pa tungkol kay Esmeralda!

"Hindi ka na sana nagpunta pa rito." mahina man ay hindi iyon nakalagpas sa tenga ko.

My eyes widened and my ego immediately got bruised. 

The hell? Ganoon ba ako kahiya-hiya para sa kanya?

"Bakit? Hindi naman kita ginugulo, ah?"

"Hindi nga. Pero iyong mga kaibigan ko, binubulabog mo. Look at your clothes. Napakaiksi. Naaakit sila sa'yo at gustong-gusto mo naman." umigting ang panga niya.

Ha? What the fuck?

"Nahihibang ka na ba? Do you really think I am seducing someone here?!" tumaas ang boses ko.

Sinulyapan niya ako ng isang beses. Napatingin din tuloy ako sa suot ko. I am wearing Esme's red cropped top and black high waisted shorts. Sweetheart ang neckline ng top ni Esme kaya medyo sumisilip ang cleavage ko.

"You should choose better clothes next time." pangangaral niya pa.

Napakurap-kurap ako sa lalaki. Seryoso ba siya?

"I am not Esme, Vince. You can't just order me like that. Besides, hindi ko damit 'to. This is your sister's. Alam mo naman yun, hindi ba?" halos pandilatan ko siya.

Tinawag siya nung babae niya pero hindi niya ito pinansin. His mood got sour as soon as he saw me, huh? Ano ba talagang problema niya sa'kin? Pinlastik niya lang ba ako kanina?

"Esmeralda is shorter than me kaya natural na mas maikli sa'kin ang mga damit niya, Vince." I said in a matter-of-factly.

"Still. Marami namang mas disenteng damit si Esmeralda. Sana iyon ang pinili mo."

Oh, wow. This man is unbelievable. Mabuti at hindi pa siya nilayasan ni Esme gayong ganito naman pala siya ka OA.

"What? You want me to roam around the island wearing long skirt and longsleeves, Vince? Gusto mo ba akong itulad sa babae mo?" sinulyapan ko ang babae. 

Nakamahabang palda ito at t-shirt. Wala ring ka-kulay-kulay ang mukha. 

Ano ba namang taste yan? Gusto niya ba ng babaeng mukhang kasali sa kulto? Seriously?

"Hindi mo ba nakita ang tingin nila sa'yo? Pinagpipyestahan nila ang hita at dibdib mo, Miss."

"Hindi ko kasalanan kung nagkaganoon, Vince. Ano ba namang mindset yan? Ah sa bagay, katulad ka nila mag-isip kaya ganyan ka. Were you seduced, as well? Hmm, Vince?" panunuya ko.

Lalong dumilim ang ekspresyon niya. Naibsan ang inis ko. Bigla ay natripan ko nang inisin siya lalo. Hmm. Does he find me attractive? Hot?

"I already told you. Iba ang intensyon ko sa kanila. Don't compare me to them." pagsusungit niya.

"How so?" nag-angat ako ng kilay.

"Hindi kita type." rekta niyang sagot.

Napangiwi ako. Yun naman pala. Bakit siya ganyan kung maka-asta, kung ganon?

"Bumalik ka na nga lang sa babae mo kung naiirita ka sa'kin." pananaboy ko.

"She's not my girl." 

Pakealam ko naman.

Hindi ko na siya sinagot. Pinagbalingan ko nalang ang balut vendor. Naka-bike siya. Kulubot na ang kayumangging balat. He was busy refilling his bottle of vinegar.

"Who are you looking at?"

Pinaningkitan ko ng mata si Vince.

"Si Manong balut vendor." nakakaloka. Bakit ba tanong siya ng tanong?!

Natahimik siya saglit. 

"Don't fucking tell me gusto mo rin akong punahin sa pagtingin kay Manong?" halos bugahan ko siya. He's being unreasonable!

His lips parted. Agaran siyang umiling. Sumulyap siya sa'kin at maya-maya pa ay bumuntonghininga.

"You want balut?" naging mahinahon bigla ang boses niya.

"Wala akong pera." at hindi rin ako kumakain ng ganyan.

Tumango si Vince at tumayo. Nagulat ako nang lapitan niya si Manong. Namangha pa ako saglit nang mag-iba ang ekspresyon niya habang kinakausap ang matanda. 

He was smiling as the vendor hands him a plastic of balut. Inabutan din siya ng chicharon. Dumukot siya ng pera sa bulsa ng kanyang jersey shorts para ibigay kay Manong.

Napamaang ako nang mapagtanto ang ginawa niya. Para sa akin ba iyon? Wala akong sinabing gusto ko, ah!

"Dindin!" 

Halos atakehin ako sa puso nang umupo si Esme sa tabi ko. She was all smiles pero napawi iyon nang makita ang kuya niya na papalapit sa'min.

"Nagtanong ba? Nagduda?" she sounded nervous.

Bago pa ako makasagot ay tuluyan na kaming nalapitan ni Vince.

"Saan ka galing Esme?"

Pinanood ko lang silang dalawa. Vince looked like a stiff strict father. Napakaboring niya talaga. Overprotective pa.

"A-Ah diyan lang kuya. Bumili lang. Oh? Para saan yang balut?" 

Ako naman ang tinapunan ng tingin ni Vince ngayon. Like he thinks I can explain why he did buy balut. 

Ay naku, ha. Hindi kita inutusan Vince. Huwag mo akong matitigan ng ganyan.

"I don't eat balut." sabi ko.

Nag-angat siya ng kilay.

"I know. Yung chicharon yung iyo, Miss." 

Bahagyang umawang ang labi ko. Huh? Paano niya nalamang naglaway ako sa chicharon?!



Continue Reading

You'll Also Like

761K 37.6K 23
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
720K 25.8K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
1M 31.6K 53
Lorelei Sandoval is an accounting student who hates law. She always failed in this subject, but one day she learns to love what she hates when she me...
7.4M 202K 42
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...