Their Chasing Souls

By issawandablue

14K 898 151

"I love how my life works, that is, until you chased me." Normality is her thing. She's dreaming of a simple... More

Their Chasing Souls
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 03 - 1
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 8: New friend
Chapter 9: After Party
Chapter 10: Midnight
Chapter 11: Birthday Party
Chapter 12: Catfight
Chapter 13: Tryout
Chapter 14: Test of Patience
Chapter 15: Luna
Authors Note
Chapter 16
Chapter 17: Glimpse of the past
Chapter 18: Proyekto
Chapter 19: Tadhana
Chapter 20: Naked
Chapter 21: The Return
Chapter 22: True friend?
Chapter 23: The meeting
Extra chapter: Meeting the Perez
Chapter 24: Unknown past
Chapter 25: Unexpected Reunion
Chapter 26: Photos
Chapter 27: Freshmen trip - Part One
Chapter 28: Freshmen trip - Part Two
Chapter 29: Freshmen trip - Part Three
Chapter 30: Freshmen trip - Part Four
Chapter 31: Freshmen Trip - Part Five
Chapter 32: Last day
Chapter 33: Encounter
Chapter 34: Another ecounter
Chapter 36: The Visit
Chapter 37: Unexpected Gift
Chapter 38: Courage
Chapter 39: An Almost
Chapter 40: Misinterpret
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Extra Chapter
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Author's Note (01)

Chapter 35: The Shadow

127 12 1
By issawandablue

Yna's POV

NAGPUNTA nga sila Luna at Gabby sa bahay para mag-sleepover. Puro panonood ng movies, pagkain, board games at chikahan ang ginawa namin buong gabi.

Panay ang kulit ni Gabby, natutuwa ako sa karakter niya. Madaldal pero mabait. Siya yata ang lalaking bersyon ni Luna.

Naikwento rin ni Luna na nasabi niya kay Gabby ang tungkol sa amin ni Zeke. Pero kahit naman raw hindi ikwento ni Luna ay updated sa lahat ng bagay si Gabby. Mapagkakatiwalaan naman raw namin siya at sang-ayon naman ako sa sinabi niya. Kaibigan ko na rin si Gabby at napakabait nito sa'kin.

Pagkatapos namin magsaya ay napagpasyahan na naming matulog na. Nasa guest room si Gabby at si Luna naman ay matutulog sa kwarto ko.

Imbes na matulog ay hindi ko magawang ipikit kahit saglit ang mga mata ko. Paano'y panay ang kwento at tanong ni Luna. Naikwento ko tuloy lahat ng pangyayari noong nasa camp kami, maliban sa mga nakilala kong kahina-hinalang mga tao.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila maalis sa isip ko. Binabagabag ako ng pagkakakilanlan nila lalo na yung taong nagligtas sa'kin na isang kasamahan rin nila. Batid kong kilala niya ako sa paraan ng kanyang pagsasalita. Pamilyar rin ang kanyang boses pero hindi ko talaga maalala saan ko 'yon narinig.

Patuloy ang mga tanong ni Luna. Nakakapagod pero nakakaaliw ang mga hirit niya. Talagang maaaliw ka kapag siya na ang nagsasalita. At dahil sa pangungulit nito ay naikwento ko na rin sa kanya ang pag-amin ni Ely. Pati na rin yung mga nangyari nung mga nakaraang linggo

"Omgggg! Ibig sabihin sinabi niya talagang may gusto siya sayo?"

"Paulit-ulit?"

"Isa pa, gusto ko ulit marinig." aniya at inalog-alog pa ang katawan ko.

"Wow abusado?" tinapik ko ang kamay niyang nakahawak sa balikat ko.

"Napakadamot ah. Nako! Team Ely talaga ako noon pa man!"

"Anong noon pa man?" Nagtataka kong tanong.

"Gaga, matagal ko nang alam na may gusto siya sayo. Actually lahat kami. Ikaw lang 'tong slow."

"Kami? Bilib na talaga ako sa imahinasyon mo."

"Alam mo, sagutin mo na kaya si Ely?"

"Ha? Nanliligaw ba siya?" Nasapo ni Luna ang noo niya.

"Hindi nga? Seryoso?"

"Na?"

"Hindi pa ba siya nanliligaw?" Umiling naman ako. "Kung sa bagay, kailangan pa ba no'n?"

"Ha? Ano akala mo sa'kin easy to get? Oo na agad gano'n?!"

"Eh di ba gusto mo naman siya?" Hindi ako nakasagot. Pero mukhang tanga naman akong napa-isip sa tanong ni Luna.

Bakit ba ako napapa-isip? Mali. Hindi ko dapat iniisip.

"Matulog na tayo." agad akong tumagilid at tinalikuran si Luna.

"Ay affected? Nagtatanong lang naman." Umusog pa siya sa tabi ko at bumulong sa tainga ko. "So gusto mo na nga?" hindi pa rin ako sumagot. Naramdaman ko naman siyang napaupo sa kama at narinig ko pa itong pumalakpak.

"Finally! Thank you Lord! Nakamove-on na ang kaibigan kong martyr." malakas niyang sigaw dahilan para ako naman ang bumangon at naupo.

"Napakaingay mo. Natutulog na ang mga tao. Hindi soundproof 'tong kwarto ko. Baka marinig ka ni Kuya."

Tumayo si Luna at nagsuot ng tsinelas. Iginala niya ang sarili sa buong kwarto. Nagpunta siya sa may bookshelf at kumuha ng kung anu-anong libro. "Alam mo, ang manhid mo rin girl no? Sinabi na nga sayo, ayaw mo pa rin maniwala? Kailan ka pa maniniwala?"

"H-Hindi ko alam."

"Kung kailan wala na siya? Kung kailan susuko na gano'n? Aba wag kang pabebe teh. Gusto mo di ba? Hindi mo nga masagot tanong ko kung gusto mo siya. Silence means-"

"No!" bigla nalang niya ako binato ng hindi kakapalang libro. "Para sa'n 'yon?!"

"Para matauhan ka! Loka-loka ka talaga. Obvious na nga eh itatanggi pa! Nako subukan mo talagang sabihin na si Zeke pa rin at tsi-tsinelasin kita." aniya at nagpameywang, napanguso naman ako.

"Eh sa ayaw ko."

"Ayaw mo sa kanya o ayaw mo amining gusto mo na siya? Alin sa dalawa?

"Y-Yung una."

"Ayaw mo kasi? Takot ka! Kasi nasanay ka na nagbabangayan kayo noon. Nasanay ka na puro sakit ng ulo ang ibinibigay niya sayo noon pero ngayon ay kilig na. Nasanay ka na si Zeke lang gusto mo. Ayaw mo tanggapin sa sarili mo na nahuhulog ka na sa kanya. Hindi matanggap ng pride mo na nagkakagusto ka na sa pinakakinaiinisan mong tao."

Agad akong nahiga, nagtaklob ng kumot at nagtakip ng dalawang tainga. Ayoko marinig 'yung mga sinasabi at sasabihin pa ni Luna. Naiinis ako at hindi ko alam kung bakit.

Gusto ko na ba talaga 'yung kumag? Pero paano nangyari 'yon? Iyon na yata ang pinaka-imposbleng bagay na pwedeng mangyari sa tanang buhay ko.

Naramdaman ko naman ang pagsalampak ni Luna sa kama ko at inuga-uga niya ito. "Oy, tumayo ka. Hindi pa'ko tapos." Hindi ko siya pinakinggan at nanatili ako sa posisyon ko. Pero bigla nalang pumatong si Luna at niyakap ang buong katawan ko. Pilit niyang tinatanggal ang blanketsa katawan ko. "Gising Georgina. Hindi ako aalis dito hangga't hindi ka tatayo diyan." mabilis akong tumayo dahilan para mahulog siya sa kama.

"Butiki ka ba?!" inis kong singhal

"Ang sakit ah! Tulungan mo'ko." iniabot niya ang kamay niya kaya hinila ko agad siya. "Ang sakit ng baywang ko huhu."

"Baliw ka kasi."

"Grabe ka pala mainlove, mapanakit!"

"I-Inlove?"

"Ay hindi. Crush lang 'yan! Pengeng kape, naistress ako sa'yo!" aniya at nahiga sa kama. Napangiwi naman ako at nagpunta sa kusina para magtimpla ng kape.

Hindi maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Luna. Parang lagi niyang nababasa ang isip ko. Kahit hindi pa man ako nagsasabi ay may alam na agad siya.

May gusto na ba talaga ako sa kanya?

Pagkatpos magtimpla ay mabilis akong umakyat sa kwarto. Nadatnan ko si Luna na nakatingin sa photo album sa may shelf. "Kape!" masaya niyang sinalubong ang mainit na kape at agad na humigop rito. "Ang the best na pangpawala ng stress. Nakatikim rin ng brewed coffee. Sawa na sikumura ko sa 3 -in-1." kahit na mainit ay mabilis niyang ininom ang kape na halos mangalahati na ang baso niya. Napadighay siya at natawa nalang kami pareho.

Humigop rin ako nang mainit-init pang kape. Naupo ako sa kama at natatawang tinitignan si Luna na napapaso ang dila.

Napalakas yata ang tawa ko at nilingon niya ako.

"Tawang-tawa?" Aniya at ngumiwi. "Sayang at wala si Viel."

"Nag out of town raw sila eh."

"Masyado naman yata siyang busy. Simula nung nagcollege tayo minsan ko nalang siya nakakasama."

"Hayaan mo na. Importante naman ang mga nilalakad niya eh."

"Kung sa bagay. Siya nga pala, Wala ka bang picture ni tita?"

"Meron. Hawak mo na nga yung album eh."

'Hindi hinde. Yung kabataan niya."

"Wala yata. Bakit?"

"Wala naman. Gusto ko lang makita kung magkamukha kayo nung dalaga pa siya. Hindi kasi kayo magkamukha. Parehong maganda pero malayo ang mga mukha."

"Eh kasi nga mana raw ako kay daddy."

"Hmm konti. Pero hindi pa rin eh."

"Ampon ako gano'n?" Natatawang sabi ko.

"Pwede pwede." aniya at hinimas- himas ang baba. Tinapunan ko siya ng unan. "Joke lang!"

"Hindi kasi nakakatawa 'yung joke mo."

Mabilis niyang inubos ang kape at sakto namang kumatok si manang sa pintuan. Nagdala siya ng midnight snacks sa amin. Sinbukan raw niyang katukin ang guest room pero mukhang tulog na raw si Gabby.

Kinain namin ang carbonara habang nanonood ng tv. Maya-maya pa ay sabay rin kaming inantok. Mahigit isang oras rin kaming nanood.

"Grabe ala una na pala." wika ni Luna at nahiga sa kama. "Ang cute naman ng teddy bear na'to. Payakap." agad ko namang kinuha sa kanya 'yon. "Ay oh territorial. Parang teddy bear lang eh. Pero mukha siyang aso bestie."

"Tsh. Baka bumaho sa higpit ng yakap mo."

"Grabe ka naman! Wala naman akong putok noh. Si Gabby meron!"

"Eh mas malinis pa nga 'yon sayo eh." natatawa kong sabi at ngumuso naman siya.

"Siguro may nagbigay niyan kaya ayaw mo ipahiram. Si Ely ba?"

"Kaina ka pa Ely nang Ely. Aah, crush mo siguro 'yon?"

"Asa! Iba ang type ko."

"Tipong Gio gano'n?

"Yaaaaak." nandidiri niyang wika. Nagpagewang-gewang pa siya at parang diring-diri sa nasabi ko. "Yna, naman. Sa lahat pa ng tao bakit siya pa? Like, eeeeeeew. Oo gwapo ang pinsan mo pero napakaingay niya. Chismoso, hindi gentleman at higit sa lahat maarte. Kung maarte si Ely, mas maarte si Gio. Kaya please lang. Don't say bad words."

"Grabe ka naman sa pinsan ko. Hindi halatang bagay kayo no?"

"Hindi talaga." Pagdidiin niya.

"Kung sa bagay. Ipagsama nga lang kayo parang nagsasabong na. Sayang, bet ko pa naman kayo."

"Yak talaga. Ok na ako sa pagiging bestfriend mo. Wag mo nang pangarapin maging cousin-in-law ako. Matutong makuntento."

"Oo na. Andaming sinasabi. Urong ka." wika ko at pinatay ang ilaw bago nahiga sa kama. Niyakap ko yung teddy bear na bigay ni Zeke nung birthday ko.

Mabuti pa talaga si Zeke, nagbigay ng birthday gift. Eh yung iba naman diyan, nakalimutan yata.

"Bestie. Tulog ka na ba?" bulong ni Luna.

"Bakit?" tanong ko pero pareho nang nakapikit ang nga mata.

"Bakit ayaw mo kay Ely? Kung tutuusin ay nasa kanya na lahat. Mayaman, gwapo, matalino, may natatago rin namang bait at pinapangarap ng marami. Higit sa lahat, mahal ka."

"Wala siyang sinabing mahal niya ako. Magkaiba ang mahal sa gusto lang."

Naramdaman ko naman na tumagilid siya at bahagyang humarap sa'kin. "Eeeeh? Ganyan ka ba talaga kamanhid? Ganyan ba nagawa ni Zeke sa'yo? Nakalimutan mo nang makaramdam para sa iba? Naku bestie iwasan mo 'yan baka magsisi ka."

"Luna, wala pa kasi akong balak makipagrelasyon o kaya isipin ang lovelife ko pagkatapos nung kay Zeke."

"Kahit magpaligaw ayaw mo?"

"Ewan ko."

"Aaaaissh. Ang labo mo kaibigan, halata namang gusto mo siya. Gusto mo na siya. May nararamdaman ka sa kanya pero ayaw mo aminin sa sarili mo. Nung kinukwento mo kanina yung tungkol sa camp at sa mga ginagawa niyo ni Zeke, ang normal lang reaksyon mo. Pero nung binabanggit mo na si Ely, may spark ang mata mo bestie. Kumikinang!

"Matulog ka na nga."

"Okay bestie. Pero pag-isipan mo ang mga sinabi ko ah. Sweet dreams."

Mabuti nalang at nakatulog na si Luna. Pero naiinis ako dahil ako naman ang hindi makatulog nang dahil sa mga sinabi niya.

Maya-maya pa ay nakarinig ako ng kaluskos sa may balkonahe. Narinig ko rin ang pagtahol ni Matcha at Mocha. Agad akong sumilip sa may balcony at may nahagip ng mata ko ang isang anino. Lalapitan ko na sana pero bigla itong nawala. Mabilis akong bumalik sa kama at inalog-alog si Luna. "Luna, gising."

"Hmmm?"

"Luna." tinawag ko ulit siya pero umungol lang ito. "Luna, may tao."

"Bestie naman eh. Inaantok na'ko. Naalimpungatan ka lang."

"Hindi. Luna, sigurado ako sa nakita ko."

Napabangon naman siya. "Yna naman eh. Panira ka ng panaginip. Asan ba?"

"Wala na. Pero nakita ko talaga may tao."

"Alam mo matulog ka na. Epekto 'yan ng kape. Guni-guni mo lang-"

Hindi niya naituloy ang saabihin nang biglang may narinig kaming ingay na parang bahing sa may balcony ng kwarto ko. "M-May tao Luna."

Hawak-kamay kaming naglakad ni Luna papunta sa may balkonahe. Dahan-dahan kong hinawi ang kurtina pero wala kaming nakita.

"Arf arf!" napatingin kami sa sahig at nakita namin si Matcha na tahol nang tahol.

"Ano ba 'yan Matcha! Aatakihin kami sayo." Nasapo ni Luna ang noo at kinarga ang aso sa bisig niya. "Yna, si Matcha lang pala 'yon. Mababahing talaga 'to sa labas. Mahamugan ba naman."

"Luna hindi eh. Kasi anino ng tao ang nakita ko kanina."

"Sigurado ka?"

"Oo. At ang pinagtataka ko ay bakit nakabukas ang pinto papuntang balcony. Nakalabas pa tuloy si Matcha sa kwarto ko."

"Lagi bang nakasara ang glass door?"

"Hindi. May pagkakataong nakakalimutan ko. Madalas kasi akong nag-aaral sa balkonahe kaya minsan nakakalimutan kong isara. Pero sigurado akong isinara ko 'yon kanina."

"Eh baka nakalimutan mo talaga. Malay mo naman. Tara na't pumasok na tayo. Bukas nalang natin kulitin si kuya guard at nang makapagtanong tayo nang matino." pumasok kami sa kwarto ko ay napagpasyahang matulog na.

Unang nakatulog si Luna pero hindi pa rin ako mapakali sa nakita ko kanina. Gustuhin ko mang matulog ay hindi ako dinadalaw ng antok.





New Character's POV

Kakarating ko lang sa mansyon nang madatnan ko si Aries na balisang- balisa. "Anong ginagawa mo Aries?" nagtatakang tanong ko. Hindi niya ako pinansin at patuloy lang siya sa pabalil-balik niyang lakad.

"Nakatunog ang mga pulis. Nagpakita na siya." Paliwanag ni Lyra. Biglang nagkuyom ang mga kamay ko. "Relax. Save that fist. Buhay pa siya."

"Wala akong pakialam. Eh ano'ng pinoproblema niyo ngayon?"

"Ang kapatid mo. Bigla siyang nawala nang magkagulo kanina. Hanggang ngayon ay hindi pa siya bumabalik." mahinahong sabi ni Lyra pero pareho kaming napalingon kay Aries nang suntukin niya ang pader. "Ano ba Aries?! Calm down."

Malalim ang buntong-hinigang pinakawalan ni Aries at naglakad papalabas ng kwarto.

Muli kong nilingon si Lyra. "Tinawagan niyo na ba?"

Umiling siya. "Hindi siya sumasagot."

Nagulat kami pareho nang biglang nabasag ang salamin ng bintana sa isang bahagi ng kwarto!

Agad akong napabunot ng baril at gayon din si Lyra. Biglang pumasok si Aries at naglabas rin ng baril.

"Ooh. You boys are holding guns– oh my bad. I mean you boys finally know how to hold real guns. This is exciting!" wika ni Lyra habang ngumuguya ng bubble gum.

"Shut up!" sabay namin sabi ni Aries.

Medyo madilim sa loob ng kwarto dahil sa nakasarang ilaw at tanging liwanag lang ng buwan ang naaninag namin. Agad kong nilapitan ang bahagi ng kwarto kung saan may nabasag na salamin at laking gulat ko nang bigilang may magkalas ng baril sa gilid ko at itinutok 'yon sa ulo ko.

Hindi ako lumingon pero bigla siyang tumawa nang malakas.

Agad ko siyang tinadyakan. "Gago ka ba?!"

"Ang sakit ah. Leo, easy baby bro. Miss me?" aniya at aakmang yayakapin ako pero agad ko siyang binalibag dahilan para mapadapa siya sa sahig. Idiniin ko ang pagkakahawak sa kamay niya sa likod dahilan para ito mapadaing. Narining ko naman ang buntong -hiningang pinakawalan ni Lyra at Aries. Lumapit rin sila sa amin. "I give up!" aniya at hinampas hampas ang sahig.

Binitiwan ko siya at marahan naman siyang tumayo saka pinagpagan ang kanyang damit.

"Bakit ba diyan ka dumaan? Magnanakaw ka ba at hindi na uso ang pumasok ka sa pinto?!" inis na tanong ni Lyra. "Kailangan lagi kang may grand entrance eh no?"

"Kung pumasok ako sa pinto eh di hindi na surprise 'yon. Surprise!" Natatawang sagot ng kapatid ko. Gusto ko siyang suntukin pero buti nalang at inunahan ako ni Aries. Malakas na suntok ang pinakawalan nito.

"What the f*ck are you doing Hydrus?! Kanina ka pa namin hinahanap!" galit na galit si Aries agad na kwinelyuhan ito. Kamuntikang susuntukin na sana niya ulit ang kapatid ko pero pinigilan niya ang sariling gawin 'yon.

"Chill bro. May sinundan lang ako."

"At sino naman ang napakahalagang tao na 'yan para sundan mo?!" inis na singhal ni Lyra.

"Ex?"

"What?! At nagtanong ka pa talaga, hindi ka sigurado?!" susugurin na sana ito ni Lyra nang pigilan siya ni Aries.

"E-Ex nga-" sinuntok na naman siya ni Aries. "Bro naman. Abuso? Masakit na ah!" aniya habang hinihimas-himas ang bahagi ng mukha na natamaan ng suntok.

"Asan ka ba talaga kasi nagpunta?" naiinis namg tanong ni Aries sa kanya.

"Magsalita ka nalang kasi!" sigaw ni Lyra.

"May sinundan nga ang kulit niyo naman. Chill ka lang Lyra babes." Achooo!"

"Pay for the window glass. It's made in Italy." wika ni Aries bago naupo sa sofa.

"Naman oh, parang salamin lang puro suntok na ang inabot ko sayo. Magkano ba?! Nang matahimik na kayo."

"Ask my secretary."

"Tch." tumayo si Hydrus at kumuha ng tubig sa ref samantalang nakatingin lang kami sa kanya. "Wag niyo na akong tignan. Namasyal lang naman ako. Wala namang masama ro'n. Achoo! A-achooo!"

Hinagis ko sa kanya ang panyo ko at agad naman niyang sinalo 'to. "Ano bang ginawa mo at saan ka ba nagsususuot?"

"May sinundan nga ako. Let's say dating kakilala. Nacurious lang ako kaya ko siya sinundan. Achoo! Hindi ko naman alam na napakaraming aso sa bahay nila! Natrigger tuloy ang allergy ko! Achoo!"

"Mukhang napakaimportante naman sayo ng taong 'yon para iwan kami sa misyon Hydrus." wika ni Aries.

"Hmm. Importante."

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...