The Prodigious Empress

By ShanzalNight

27.9K 1.9K 212

"Kneel before your Empress." For she is not like other Empresses of other kingdoms. She's powerful, she's wi... More

Prologue
1 The Prodigious Empress
2 The Prodigious Empress
3 The Prodigious Empress
4 The Prodigious Empress
5 The Prodigious Empress
6 The Prodigious Empress
7 The Prodigious Empress
8 The Prodigious Empress
9 The Prodigious Empress
10 The Prodigious Empress
11 The Prodigious Empress
12 The Prodigious Empress
13 Th Prodigious Empress
14 The Prodigious Empress
15 The Prodigious Empress
16 The Prodigious Empress
17 The Prodigious Empress
18 The Prodigious Empress
19 The Prodigious Empress
Author's Note
20 The Prodigious Empress
22 The Prodigious Empress
23 The Prodigious Empress

21 The Prodigious Empress

828 64 3
By ShanzalNight

Inis na bumaba si James mula sa itaas na palapag. Napansin ng lahat ang mabigat nitong mga yapak kaya natahimik ang kaninang puno ng paguusap na misa dahil sa kong ano anong kwento ng matanda.

"Kai, paalisin mo na ang mga kawal ngayon din. tapos na ang palabas sa bahay na ito." aniya saka nag lakad palabas ng tahanan ng hindi lumulingon.

Mabilis naman na tumayo at sumunod si Kai sa binata ng nalilito.

"Ginoo sandali, hindi pa natin nahuhuli ang magnanaka." paghahabol ni Kai sa binata ngunit mas lalo lamang ito na inis dahil sakaniyang sinabi.

Nilingon niya ito ng may nanlilisik na mata.

"Sundin mo ang iniutos ko Kai at wag ng maraming tanong. Alamin mo rin ang ginagawa ni Grace tuwing umaalis siya sa bahay at kong ano ang relasyon nila ni binibining Abigor." sunod sunod na utos nito saka mabilis na umalis sa harap ng punong kawal na naiinis, iniwan nitong nalilito ang huli.

"Anong nangyari doon?" Bulong na lamang nito sa sarili habang pinapanood ang papalayong pigura ng binata.

"Punong kawal sulat mula sa ministro para sa iyo." wika ng isang kawal na biglang sumulpot mula sa kaniyang likod.

Agad naman tinanggap ni Kai ang sulat ngunit hindi niya agad ito binuksan.

"Sundin ang aking utos." buo ang boses na wika nito na nag paayos sa tayo ng kawal na agad lumuhod ng isang tuhod sa sahig at yumuko sa binata tanda na nakikinig ito at handang sumunod sa kaniyang iuutos.

"E atras ang mga kawal sa utos ng ginoong James Adams." utos nito.

"Masusunod." ani naman ng kawal saka tumayo at akmang tatalikod na ito ngunit pinigilan siya ni Kai.

"Hanapin mo si Luwe at papuntahin siya sa akin." wika nito na agad ikinatango ng kawal.

Umalis na ito ng hindi na nagsalita ang ginoo at ilang minuto lamang ang lumipas ng tumalon mula sa itaas ng palapag ang isang binata na kamukha ni Kai ngunit mas payat lamang ito at nakadamit ng itim.

"Anong ipaglilingkod ko sayo kapatid." walang emosyon na ani nito na nag paaliwalas sa mukha ni Kai.

Sa tuwing nakikita niya ang maayos na mukha ng kapatid ay napapanatag siya.

"Luwe mag kalap ka ng impormasyon patungkol kay Grace kong anong ginagawa nito o kong saan ito pumupunta tuwing lalabas siya sa bahay ng ministro. Alamin mo rin ang kaugnayan nila ng kapatid ni ginoong Ceil na si Abigor." napakunot ang noo ng binatang si Luwe ng marinig ang iniutos ng kaniyang kapatid.

"Nalaman na ba ng ginoo na isang ahas ang kaniyang iniirog?" tanong nito na agad namang ikinailing ni Kai.

"Naghihinala na siya at malaki ang tulong ni binibining Abigor para mataohan ito."

"Abigor? Ang bagong dating sa nayon na nakabelo?" tanong naman nito na tinanguan lamang ni Kai bilang tugon.

'Isang masaklap na katutohanan na kahit isang dayo ay nakikita na ginagamit lamang ang batang Adams ng iniirog nito.' Isip ni Kai.

"Kapatid hindi ako maaring magkamali ngunit kagabi nakita ko ang pigura nito na pumasok sa tahanan ng ministro, sinundan ko ito ng pumasok siya ngunit agad din itong nag laho na parang bula. Kahit saan ko ito hanapin ay hindi ko na siya nakita." Ani ni Luwe na agad kumuha sa interes ng binata.

"Sigurado kang si Abigor yong nakita mo?"

"Sigurado ako kapatid dahil nakita ko siya kanina noong nag tatalo kayo at parihong pariho sila ng pigura at paraan ng pag galaw ng nanloob kagabi." 

"Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin ito Luwe? Siya ang hinahanap nating magnanakaw at nag usap na sila ni ginoong James." balisang ani ni Kai ngunit agad ring umaliwalas ang mukha nito ng maalala ang mukha ni James at ang utos nito. Mukhang hindi rin naman masama ang ginawa ng binibining Abigor.

"Ipagpaumanhin mo kapatid ko ngunit kapatid siya ni ginoong Ceil na ipinag utos sa akin ng ministro na bantayan kaya hindi ko siya maaring galawin kahit na manloob pa ito sa bahay ng ministro." paliwanag nito na nagpatango naman kay Kai bilang pagsang ayon sa kapatid.

"Kapatid may isang iuulat pa ako." wika nito nang hindi na muli nag salita si Kai dahilan para  tumaas ang kilay nito. Hindi ito nag salita kaya pinagpatuloy na lamang ni Luwe ang kaniyang sasabihin.

"Napatay ng mga mamatay-tao ang ikatlong Heneral kahapon at kagabi ay iniutos ni ginoong James na maging ikatlong heneral si ginoong Aziz na siyang nakakatandang kapatid ni binibining Grace."

"Ano?!" Gulat na tanong ni Kai ng malaman na patay na ang ikatlong heneral ngunit mas nagulat siya ng malaman na agad pinaupo sa pwesto ni ginoong James si Aziz na kapatid ni Grace.

Kahit na sakop ng ministro ang nayon ng Nia ay walang kapangyarihan ang ministro lalo na ang anak nito na paupoin sa pwesto ng heneral ang sino man dahil ito ay ginagawad ng hari sa mga kawal ng kaharian na kaniyang nakikitang karapat dapat. Malaking kasalanan ito sa palasyo kapag nalaman ng hari ang ginawa ni James.

Nanlalamig na sa takot si Kai sa isiping paparosahan ang matandang ministro at si James dahil sa pagkabulag nito sa pag-ibig.

"Luwe saan mo nakalap ang impormasyong ito?" tanong ni Kai saka mahigpit na hinawakan ang balikat ng kapatid dahil sa hindi na ito mapakali.

"Nag mula ang impormasyon na ito sa sulat ni ginoong Hanzel Adams."

"Ang ikaapat na heneral?" hindi makapaniwala na tanong nito na ikinatango lamang ng kaniyang kapatid.

"Kong ganon ay alam din ito ng ministro o di kaya nang---." hindi na nito natuloy ang sasabihin dahil agad itong napatingin sa sulat na kaniyang hawak na nagusot niya na dahil sa pagkakakuyom ng kaniyang kamao.

"Nang hari." pagtutuloy naman ni Luwe sakaniyang naputol na sinabi at sinundan ang tingin ng kapatid.

Mag kasama ngayon ang hari at ang ministro maging ang apat na heneral ng Giza. Tanging ang ikatlong heneral lamang ang hindi nakapunta sa palasyo dahil nagkasakit ang limang asawa nito ng sabay dahil sa labis na takot sa digmaan ngunit namatay na ito kahapon lamang.

Isang indikasyon na nakapasok na sa loob ng kaharian ang mga taga Minzo.

Mukhang plinano na ang pagpatay sa ikatlong heneral ngunit bakit nagawa ni James na paupoin agad ang kapatid ni Grace kahit na labag ito sa utos ng palasyo. Ito ang iniisip ng mag kapatid.

Hindi nila alam ngunit hindi maganda ang pakiramdam nila sa pagkaluklok ni Aziz Knight bilang ikatlong heneral kahit sabihin pa natin na anak ito ng ikalimang heneral na si Arnold Knight.

"Basahin mo na ang sulat ng ministro kapatid. Gagawin ko naman ang utos mo." wika ni Luwe bago kinuha ang kamay ni James sakaniyang balikat.

Yumuko siya muna dito bago ito tumalikod at tumalon sa itaas ng bubong ng tahanan saka nag laho. 

---

Sa kabilang banda...

Tatlong oras ang layo ng distansya ng dalawang nayon ng Altas at Nia sakay ang kabayo at kalahating araw naman pagnakayapak

Nasa nayon ng Nia na ngayon si Zein at nagpapanggap na mangangalakal sa ilalim ng pangalan ni Ceil upang mangalap ng impormasyon. 

Nakaupo siya sa nag iisang bukas na kainan sa bayan at kumakain kasama ang ilang kawal ni Ceil na katulad niya ay nag babalatkayo din.

Pasilip-silip siya sa labas ng bintana habang hinihintay na dumating ang kanilang pagkain.

"Ginoong Zein ibang iba ang nayon na ito sa nayon ng Altas. Parang ito ang nayon na sunod sa nayon ng Kuro na disyerto na dahil sa takot na baka sila ay masalakay ng mga taga Minzo." wika nito na parang kaswal lamang na nag uusap ngunit paraan nila ito upang makakuha ng impormasyon dahil may nakikinig sakanila mula sa kabilang upoan.

Dahil sa sinabi ng kawal ay hindi sumagot si Zein ngunit ang taong nakaupo sakaniyang likoran ang sumagot sa sinabi nito.

"Iyon ay dahil hindi katulad ng Altas ang Nia kahit sabihin pa natin na isa lamang ang namumuno sa dalawang nayon." Wika ng matanda na midyo may kalasingan na mula sa likoran ni Zein.

Napatingin sakaniya ang limang tao kabilang na doon zi Zein dahil sa sinabi nito.

Sure enough ay kumagat ito sakanilang bitag.

"Paano mo nasabi iyon ginoo?" magalang na tanong ng isa pang kawal.

"Nako wag mo akong tawagin na ginoo. Isa lamang akong lasinggero na eunuch at wala ng amo." wika nito na puno ng kalungkotan saka hinarap ang mga nagtatanong na tingin ng limang kalalakihan na bago lamang sa paningin ng matandang eunuch.

"Hindi kayo taga rito?" tanong nito.

"Hindi po tatang. Mula kami sa nayon ng Altas. Mangangalakal kami na nag mula sa Emperyo ng kanluran. Gumagalaw kami ayon sa utos ng aming panginoon na si Ceil." ditalyadong wika ng isang kawal sa tabi ni Zein ng walang tinatago sa matanda.

Dahil wala din naman silbing mag sinungaling ukol dito dahil mas mapapadali ang kanilang pangangalap ng impormasyon pagnalaman nito na mula sila sa emperyo at hindi sa ibang kaharian.

Nagulohan man ang matanda ngunit naalala nito ang salitang Kanlurang Emperyo at ang pangalan ng binatang si Ceil. Ngunit hindi niya gaanong natandaan kong saan niya ito narinig.

"Kanlurang emperyo..." bulong ng matanda ng nakakunot noo.

Uminom ito ng alak habang iniisip ang sinabi ng binata, naalala nito bigla ang pag-uusap ng ikatlong heneral kasama ang ika-apat at ikalimang heneral isang linggo na ang nakakaraan bago mag tungo ang dalawang heneral patungong palasyo.

Naalala nito ang emperyo ng kanlura ang pinakamakapangyarihan na kaharian sa kasaysayan at sa buong mundo at ito din ang nag iisang kaharian na sakop ang buong Kanlurang daigdig. Ito rin ang kaharian na nangangalaga ng kapayapaan at balanse ng mundo.

At ang pangalang Ceil. Hindi ba iyon ang pangalan ng nag iisang mangangalakal na nag tutostos sa pangangailangan ng kaharian ng Giza?

Biglang naibuga ng matanda ang kaniyang inumin dahilan para mabasa ang binatang kawal na nag pakilala ng kanilang kataohan kanina. Napangiwi ito ngunit agad ding dumilim ang mukha nito dahil sa baho ng laway at iniinom ng matanda.

"Ama ng mundong makasalanan patawad!" gulat na bulalas ng matanda at agad na tumayo saka bumagsak sa sahig at yumuko ng paulit ulit bilang paghingi ng tawad.

"Matanda tumayo ka hindi ka naman nakapatay para humingi ng patawad sa ganyang paraan." Pagpapatayo ni Zein sa matanda saka inalis ang tingin nito dito.  Ito ang unang pagkakataong nag salita siya at sa paraan ng pagsasalita nito ay nahalata ng matanda na ito ang may mataas na katungkolan sa kanilang lima.

Tinulongan naman ng dalawang kawal ang matanda na maupo sa harap ng binatang si Zein.

Nang makita nitong bahagyang nanginginig ang matanda ay napaisip ito muli sa sinabi ni Klent sakaniya.

'Ganon na ba siya ka nakakatakot?' Isip ni Zein. Hindi naman siya naging marahas ngunit nahintatakotan na siya ng matanda.

"A-ano po ang kailangan niyo sa matandang eunuch. Wala po kayong makukuha sakin. Naubos ko na ang buong pera ko sa pag-inom. Wala na akong bahay na uuwian wala na akong amo na pinagsisilbihan kaya wala na akong perang maibibigay." nanginginig na wika nito na ikina iling ni Zein.

Pakiramdam ng binata ay para siyang halimaw na may limang ulo sa mata ng matanda.

"Hindi ka namin sasaktan tanda kaya tumahan ka, mag tatanong lamang kami sa iyo dahil simula ngayon ay makakapagbigay na rin ng kalakal ang panginoong Ceil sa nayon ng Nia dahil na balanse na namin ang pangangailangan sa nayon ng Altas. Tulad ng sinabi ng kasama ko kanina ay simpling mangangalakal lamang kami mula sa Kanlurang Emperyo na gumagalaw sa utos ng aming panginoong Ceil at hindi kami magdadala ng panustos dito hanggat hindi namin nasisigurong ligtas ang nayon na ito." Napakahabang paliwanag ni Zein na nagpagulo sa isip ng matanda ngunit ang mahinahon na boses ng binata ang nag pakalma dito.

Ilang minuto din silang hindi nag salita hanggang sa dumating ang pagkain.

"Paumanhin mga ginoo, kulang kami sa sangkap kaya maliit lamang ang putahing maihahain namin sa inyo." Wika ng lalaking nag bibigay ng pagkain.

Hindi naman sumagot si Zein at nanatiling nakatingin sa matanda.

Umalis din naman agad ang lalaki at doon na napabuntong hininga ang matandang eunuch. "Wala akong alam sa totoo lang dahil palagi akong nasa tabi ng ikatlong heneral at nagsisilbi sa mga asawa nito sa loob ng bahay pero handa akong sagotin ang mga katanungan na itatanong niyo. Marami din namang impormasyon ang pumapasok sa makapal na pader ng tahanan ng ikatlong heneral." wika nito ng nakayuko kaya hindi niya nakita ang nanlalaking mata na pagkatinginan ng limang binata maging si Zein.

Hindi nila inaasahan na isang malapit na tagasilbi pala ito ng namayapang ikatlong heneral.

'oh tadhana nga naman.'

"Mula pagkabinata ko ay kasama ko na ang heneral. Noong hindi pa siya heneral at isang anak lamang ng mayamang angkan ng Jones ay payapa ang pamumuhay ng aking amo. Ngunit noong umibig ito sa una niyang asawa na anak ng isang sundalo sa capitolyo ay pinasok nito ang mundo ng digmaan. Malaki ang binayad ng angkan ng heneral na kalahating kayamanan nito ang nawala upang paboran lamang siya ng kamahalan at maging heneral nang mauwi niya ang magandang dilag na sa huli ay kanyang naging unang asawa." Biglang pag kwekwento  ng matanda ng hindi mag salita ang mga binata, tahimik lamang na nakinig ang lima dahil hindi din naman nila alam kong paano sisimulan mag tanong.

"Noon hindi kinaya ng heneral ang makipaglaban at mag insayo kaya bumili na lamang siya ng isang daan na mandirigma sa unang heneral na si Lendol Lei upang maprotektahan ang bayan ng Nia. Isang sekreto na tanging ako at ang dalawang heneral lamang ang nakaka alam."

"Dahil sa madalas na pag-uusap ng dalawang heneral ukol sa pagiinsayo ng mga hukbo ay nakilala nito ang ikalawang asawa niya na kapatid ng unang heneral. Noong pumasok ito sa tahanan ay hindi naging payapa ang bahay ng heneral dahil isa itong masamang babae. Palagi nitong minamaliit at kinakawawa ang unang asawa ng heneral maging ang ikatlo, ikaapat at ikalimang asawa nito ay hindi na nakalampas sa hasik ng babaing iyon." naiiling pa ito ng maalala na kamuntikan ng mamatay ang ikalimang asawa ng heneral noong unang pasok nito sa tahanan dahil sa delekadong laro ng ikalawang asawa ng heneral.

"Dahil dito ay hindi na nakatiis ang unang asawa ng heneral at plinano nila kasama ang tatlong asawa nito na patayin ang kapatid ng unang heneral ng Giza. Nag tagumpay sila ngunit nalaman ito ng unang heneral at doon nag simulang magkalaman ang relasyon ng dalawang heneral." Mahabang pagkwekwento nito na hindi naintindihan ni Zein.

"Hindi naman koniktado ang iyong kwenento sa mga nangyayari ngayon sa kaharian tatang." irap na wika ni Zein ngunit mabilis na umiling ang matanda habang tumingin tingin sa paligid.

"Malaki ang koneksyon nito sa nangyayari sa kaharian lalo na sa ikatlong heneral ngayon." aniya ng pabulong na nag pataas sa kilay ng mga binata.

"At sa paanong paraan mo naman nasasabi iyon?' tanong ng isang kawal habang si Zein ay dismiyadong napasandal sa upoan. Akala niya pa naman ay makakakuha na siya ng impormasyon patungkol sa kong ano talagang nangyari sa ikatlong heneral ngunit mukhang may saltik ata ang matanda.

Ilang ulit na napailing ang matanda.

"Hindi na ako lasing at mas lalong hindi ako baliw. Alam kong may koneksyon sa unang heneral ang nangyari sa ikatlong heneral maging sa kaharian dahil noong ikalawang araw ay may dumating na sulat mula sa unang heneral na ako mismo ang nag hatid sa ikatlong heneral." muli ay nakuha ng matanda ang atensyon ni Zein.

"Anong sulat?" agad na tanong nito kaya agad namang kinuha ng matanda ang bahagyang nasunog na sulat mula sa kaniyang madumi na kasuotan.

"kahapon noong nabasa ito ng heneral ay agad niya itong sinunog ngunit naagapan ko ito bago paman ito matupok ng apoy dahil pakiramdam ko ay napakaimportante nito para sunogin, hindi din naman ako marunong mag basa kaya tinago ko iyan at hindi pinaalam nino man. Habang ang heneral, ang kawawang heneral. Pumunta ito sa tahanan kong saan nakalatay ang kaniyang mga asawa na biglang nagkasakit noon sa hindi malamang dahilan. Doon siya namalagi ng huling araw niya hanggang sa pagsapit ng dapit hapon ng biglang sumiklab ang digmaan. Hindi magaling makipaglaban ang heneral at ang mga kawal na binili niya sa unang heneral ay biglang nag laho kaya walang laban ito na napaslang maging ang mga alipin at ang mga kaawa-awang may sakit na asawa nito ay hindi pinalampas ng mga walang puso." biglang tumulo ang luha mula sa mata ng matanda na parang nakikita parin ang madugong naganap kahapon sa kaniyang harapan.

"Isa akong duwag. tumakbo ako. Iniwan ko sila at nag pakalasing. Nag damit ako ng basahan at winaldas ang perang ibinigay sa akin ng heneral. Napakawalang kwenta kong katulong. Hindi ko sila nailigtas, ang heneral. Binigo ko siya." habang tumatagal ang sinasabi nito ay mas lalong humihina ang boses nito habang walang tigil sa pagtulo ang kaniyang mga luha.

Sa isipan nito ay naalala niya ang mabait na mayamang binata na buong puso niyang sinundan hanggang sa mag asawa at pinanood ang kaniyang magkamatay.

Ni hindi niya manlang ito hinarangan noong tumagos ang espada sa katawan ng heneral.

Naalala ng matanda ang huling tingin ng heneral na binigay sakaniya.

Ang tingin ng pamamaalam at pagkabahala. Hanggang sa huling sandali nito ay nagawa pa niyang mag salita kahit hindi rinig ng tinga ay dinig ito ng puso ng matanda. 'Tumakbo kana, Lolo Wei.'

'Lolo Wei.' ito ang tawag sakaniya ng ikatlong heneral kahit na mayaman ito o kahit na nag karoon ito ng katungkolan ay hindi nawala ang pagrespeto nito sa matandang eunuch na nag palaki sakaniya.

Ang batang pinanood niyang lumaki, hanggang sa huling hininga ay pinanood niya lamang.

Napakawalang kwenta niya.

Bigla nitong unompog ang malakas ang kaniyang ulo sa misa dahilan para magulat ang lima. Sunod sunod niya itong ginawa na parang wala itong sakit na nararamdaman.

Nababaliaw na ito unti-unti nang nag halo ang dugo at luha ng matanda.

"Sasamahan kita Andy." kagatlabing wika ng matanda habang nakikita ng kaniyang mata ang masayang mukha ng batang heneral hanggang sa pagtanda nito at sa huling sandali. Bakit ngaba siya naduwag noong gabing iyon. Hindi niya nagawang lumapit o mag lakas loob man lang na mamatay kasama ang heneral na pinag silbihan niya mula pagkabata.

Ito ang tumatakbong katanongan sa isip ng matanda kasama ang magandang ala-ala nila ng heneral na may busikal na puso.

"Pigilan niyo siya at igapos." Utos ni Zein ngunit huli na sila dahil sa huling pag umpog nito ng kaniyang ulo ay agad itong natumba kasama ang misa at pagkain dahilan para lumikha ito ng nakakagimbal na tunog ng pagkabasag.

Lumabas mula sa kusina ang mag-asawang may ari ng kainan kasama ang kaniyang dalagang anak upang alamin kong ano ang nangyari. Nang makita nila ang patay na matanda lalo na ang nag kalat nitong dugo na nag halo sa pagkaing nakakalat ay hindi na mapigilan ng dalawang babae ang hindi sumigaw at mahimatay.

Napapikit na lamang si Zein at umiwas ng tingin sa nakakaawang matanda na nag halo na ang dugo at luha ngunit may nakapaskit na kaunting ngiti  sakaniyang mga labi.

Nangilabot ang apat na binata.

Napatingin si Zein sa sulat na nasa kaniyang kamay.

'Ikamusta mo ako sa maganda kong kapatid, Andy Jones.' Walang pangalan o signatura ng nag sulat ngunit sigurado ang matandang eunuch na nag mula ito sa unang heneral.

'Isa rin bang traidor ang unang heneral?' tanong ni Zain sakaniyang isipan.

Pinalinis ni Zein ang lugar habang binabayaran ang  nasirang kagamitan at agad na pinalibing ang matanda sa tabi ng heneral at ng ibang alipin bilang pamamaalam.

Mabilis naman nitong inutosan ang taohan mula sa labas ng kainan na iulat ang kaniyang nalaman kay panginuong Ceil patungkol sa sitwasyon ng nayon ng Nia lalo na ang nangyari sa ikatlong heneral gamit ang kalapati.

"Ginoong Zein, napalipad ko na po ang kalapati." Wika ng isang kawal na biglang sumulpot mula sa kong saan at mahinang bumubulong sa labas ng bintana sa tabi ni Zein.

Patingin tingin silang pariho sa paligid para hindi halatang nag uusap kahit sabihin na walang katao-tao ang bawat eskeneta ng nayon. Taliwas sa matao at buhay na buhay na nayon ng Altas.

"Mabuti, puntahan mo ang bahay ng ikatlong heneral at mag imbestiga. Lahat ng kahina-hinala ay kunin mo wag kag mag iwan ng bakas. Kapag may nakakita sayo ay taposin mo agad." utos muli ni Zein na parang inuulit lang ang mahigpit na utos ni Ceil sakaniya kanina noong paalis pa lamang siya sa nayon ng Altas.

Agad na tumango ang lalaki saka sumipol.

Mula sa itaas ng bubong ay nagsigalawan ang nasa sampo na mga taong nakaitim at tumalon ng walang ingay sa itaas ng bubong patungo sa bahay ng ikatlong heneral.

Agad din namang umalis ang kawal na kausap ni Zein kaya umayos na ito ng upo at tinignan ang mga kawal.

"Umalis na tayo." utos niya at sabay silang lima na tumayo.

---

Mag tatanghalian na noong bumaba si Abigor na nababakas ang pagod sa kaniyang mukha.

Mag isa niyang nilinis ang ikatlong palapag kaya natagalan siya sa pagbaba.

Unang bumungad sa dalaga noong makarating siya sa unang palapag ng bahay ay si Klent na natutulog sa recliner ng balkunahi.

Pinulot ng dalaga ang isang patay na ipis sa tabi ng hagdan at pinitik ito papunta sa binatang natutulog na agad namang nagising ng makaamoy ng malansa.

Bigla itong napatayo habang tinatapik tapik ang kaniyang damit ng makita ang patay na ipis sakaniyang dibdib.

"At nagawa mo pang matulog riyan." irap na wika ni Abigor.

Doon lamang napansin ng binata na nakababa na pala ang dalaga at nababalot ito ng alikabok.

"Nag lilinis ka?" gulat na tanong nito na nag pataas sa kilay ng dalaga ngunit hindi niya na sinagot ang binata at inirapan na lamang ito.

Tuloyan na siyang bumaba sa hagdan at nag lakad papunta sa salas kasunod ang binata na may ngiting aso habang pinapaypayan ang sarili.

"Nasaan si tandang Lucio?" tanong ng dalaga.

"Ewan ko." sagot ng binata.

"Si Jewel?" tanong ulit nito.

"Ewan ko din." sagot ulit nito na nag pakunot sa noo ng dalaga.

"Ang mga bata?" tanong niya sabay tigil sa paglalakad.

"Aba ewan ko." hindi na napigilan ni Abigor at sinipa ang binata sa likoran ng kaniyang tuhod na hindi nito inaasahan.

Pabagsak itong lumuhod sa harap ng dalaga at hindi nito napigilan na mapadaing.

"Kapag tinatanong kita umayos ka ng sagot." walang emosyon na wika ng dalaga na ikinalaki ng mata ni Klent na parang may naalala ito unti-unti ay nabakas ang takot sakaniyang mata na nag pangiti sa dalaga.

'Takot din naman pala e.' isip nito saka tumalikod.

Mula sa labas ng tahanan ay pumasok si tandang Lucio kasama ang tatlong bata at dalawang dalaga na nakadamit ng katulong katulad ni Mary.

Napataas ng kilay si Abigor. Ang tanda na nag gegemik pa. Iyan ang nasa isip ng dalaga ng makita ang dalawang dalagang katulong.

"Oh bumaba kana pala, ano pinag usapan nyo ng batang iyon? Bakit bumaba iyon ng galit na galit?" tanong ng matanda.

Nag kibit balikat si Abigor. "Sinabi ko lang naman ang totoo at binalaan ko siya patungkol sa ahas kong kapatid. Hindi ko inaasahan na tanga pala ang anak ng ministro." walang preno na sabi ng dalaga na ikinatawa ng matanda.

"Talagang nakakabulag ang pag-ibig. Ewan ko ba kong bakit walang nakuha na kaunting utak ang mga anak ng ministro." naiiling na wika nito na nag pakunot sa noo ni Abigor.

Pakiramdam niya ay namali siya ng dinig.

"Mga? Isa lang ang anak ng ministro hindi ba?" tanong ng dalaga ngunit tinawanan lamang siya ng matanda.

"Hala mga bata pumunta kayo kila Jewel at Shasha at tulongan silang mag tanim sa bakuran. Habang kayong dalawa mag simula na kayong mag ayos ng gamit linisin niyo ang lahat ayoko ng may natitirang alikabok at ilabas nyo narin ang mga misa't upoan na naka ambak sa likoran ng bahay." utos ng matanda para maiwan silang dalawa ng dalaga na mag usap.

Agad din naman sumunod ang lahat leaving him and Abigor alone.

Biglang napaisip ang dalaga.

Pakiramdam niya ay may nalimutan siya.

Napatingin ang dalaga sakaniyang katawan sa kaniyang paa at sa kaniyang kamay habang inaalala kong anong nalimotan niya at bakit pakiramdam niya ay may kulang sakaniya.

"Hoy Alienor."tawag ni tanda ngunit hindi siya pinansin ng dalaga dahil patuloy itong nag iinspect sa sarili.

"Anong nangyari sayo? May kulang ba? May nawala ba sayo? Nanakawan ka?" Sunod sunod na tanong ng matanda na nag patigas sa katawan ng dalaga.

Nanakawan.

Nakawan.

Nakaw.

Si Crimson at ang libro!

Continue Reading

You'll Also Like

785K 30.8K 9
She has to die to travel from the past to the future. This is all for the handsome guy with attitude problems whose arrogance is incomparable, yet he...
Socorro By Binibining Mia

Historical Fiction

1.1M 69.9K 27
De Avila Series #1 "Wattys 2022 Grand Prize Winner" Known as the most stubborn and troublemaker daughter of the De Avila family, nothing stops Socorr...
48.7K 355 5
Ashleigh Sharalyn Macalinton is a college student that transmigrated to the body of a weakest daughter of a powerful and a heartless Duke. She didn't...
4.7M 190K 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapa...