Closing Entries (Accounting S...

By xxialej

82K 3.3K 875

Accounting Series Five (COMPLETED) "Closing entries is one of the most important cycles in accounting. It aim... More

Closing Entries
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Wakas
Author's Note
Accounting Series Preorder

Kabanata 25

3.2K 130 118
By xxialej

Hindi ko na nagawa pang makapagpaalam sa iba pa naming kaibigan. Si Terrence na ang gumawa ng alibi na kesyo inaantok na ako at kailangan ko nang magpahinga. Kasunod na nagpaalam ay sina Jolo at Zaia na bumalik sa loob na tila ba walang nangyaring pagtatalo sa pagitan nilang dalawa roon sa labas.

They don't have the freaking idea that I overheard them fighting. Alam kong masama iyong ginawa ko kanina pero hindi ko rin naman sinasadya. Lumabas lang ako para sana ay itapon 'yong mga basurang kinalat namin kanina.

Umiyak ako nang umiyak sa loob ng kotse at hinayaan lang ako ni Terrence sa gano'ng sitwasyon. Hindi siya nagsasalita ngunit panay ang sulyap at pakikiramdam niya sa'kin. I know he has a lot of things to say but he chose not to speak.

Hindi rin naman nagtagal ang biyahe at kaagad kaming nakarating sa bahay. Gamit ang nanghihinang kamay ay kinalas ko ang seatbelt.

After that, I looked at him and gave him an exhausted smile. "Salamat sa paghatid, Terrence. Pasensiya na naabala pa kita."

His brows furrowed and immediately shook his head. "Kahit kailan ay hindi ka naging abala sa'kin, Trisha."

Marahan akong tumango at hindi na sumagot pa. Namayani ang katahimikan sa pagitan ng naming dalawa. Ang mga mata ko'y nanatiling nakatuon sa harapan at gano'n din siya.

His both arms were resting on the steering wheels when he spoke again. "Magpahinga ka na. Sabay na ulit tayo bukas papuntang simbahan. Susunduin kita."

"You don't have to,"

Terrence heaved a sigh as he went back his gaze at me.

"I insist, Trish," he replied with full conviction.

Masiyado akong pagod para makipagtalo pa kaya tumango na lang ako. Bumaba ako ng kotse at isang beses pang muling nagpasalamat sa kaniya. Tumalikod na ako at akmang papasok na sa loob ng bahay nang tawagin niya ang aking pangalan.

Tumigil ako sa paglalakad ngunit hindi nanatiling nakatalikod.

"I just want to say that you don't have to feel guilty. You don't have to feel sorry for coming back. Hindi naman si Jolo ang dahilan kung bakit ka bumalik, kundi para sa kasal ni Kean at Shaeynna. Ni hindi mo rin naman sila ginugulo kaya sa tingin ko ay wala ka namang kasalanan. It's their fight to fix. It was Jolo and his feelings are the real problem here. . ." he explained and it somehow helped me.

Hindi na niya ako hinintay pang sumagot at narinig ko na lang ang tunog ng sasakyang papalayo.

Somehow, his words really did a great help to tame my raging thoughts. I wouldn't deny the fact that he got a point. However, I still couldn't stop myself from thinking that it was all my fault.

Okay naman kasi si Zaia at Jolo noong wala ako. Sigurado akong maayos ang relasyon nila at kung hindi lang sana ako bumalik ay tiyak na maayos pa rin sila hanggang ngayon.

Hindi sana umiiyak si Zaia ngayon, hindi sana siya nasasaktan.

Sa hindi mabilang na pagkakataon ay muli akong nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Napalingon tuloy sa akin si Eloisa na kasama ko sa table.

"Okay ka lang? Pansin ko lang na kanina ka pa sa simbahan na parang wala sa sarili. May problema ba?"

Umiling ako at tipid na ngumiti. "Wala naman. May mga iniisip lang."

Naningkit ang mga mata niya at pinasadahan ng tingin ang buong mukha ko, kapagkuwan ay ngumuso.

"Kailan nga ba ang balik mo ng Korea?"

"Bukas."

"Agad-agad?!" bulalas niya dahilan para mapalingon sa amin ang nasa kabilang lamesa.

"Uh-huh. . ." I smiled.

Nasa reception na kasi kami. Maayos namang naitawid ang kasal. Laking pasasalamat ko dahil hindi nagtatagpo o nagkakalapit ang landas namin ni Jolo. Hindi rin naman niya 'ko tinatapunan ng tingin kaya ayos lang. Abala siya sa pag-aasikaso ng pagkain at buong venue.

Kung mayroon man akong labis na hinahangaan sa kaniya noon ay iyon ay ang passion at dedication niya sa pagluluto.

Hindi ko rin tinatapunan ng tingin si Zaia kahit na alam at ramdam ko na kanina pa ito sumusulyap sa gawi ko. Wala akong ideya kung galit ba siya sa'kin o ano. . . basta ang alam ko sa sarili ko na wala akong ginagawa na kahit anong masama sa kaniya o sa relasyon nila.

My chest was full of delighteness because my friends finally tied their knots, however there's a part of me that felt so suffocated with this place. Lalo na noong mabawasan na ang mga bisita at magsama-sama kaming lahat sa isang table at nagsimula na namang pag-usapan ang kasal.

Kaya bago pa mapunta sa akin ang usapan at dumako ang atensyon sa akin ng lahat ay pasimple akong nagpaalam kay Shae na pupunta lang sa restroom.

"Oh saan ka?" muling tanong ni Terrence nang makita niya 'kong tumayo.

Maging si Jolo ay nakita ko ang pag-angat ng tingin sa akin ngunit hindi rin iyon nagtagal. Binalik niya ang atensyon kay Zaia at pinagpatuloy ang kanilang pag-uusap.

"Restroom lang," sagot ko kahit na ang totoo ay patungo talaga ako sa likod ng restaurant kung nasaan ko nakita kanina ang maliit na hardin. Luminga-linga ako sa paligid at nang may makitang maliit na bench ay umupo ako ro'n.

Hindi ko napigilan ang sarili kong mapangiti nang mapagtantong perpekto ang pagkakalagay ng upuan. Mula kasi rito ay tanaw na tanaw ko pag-aagaw ng liwanag at dilim. Ang unti-unting paglubog ng araw, maging ang marahang pagsupil ng bituin at buwan sa kalangitan.

Humampas ang malamig na simoy ng hangin dahilan para bahagya akong mapayakap sa aking sarili. Ngunit halos mapatalon ako sa kinauupuan ako nang may maramdamang malambot na telang dumampi at bumalot sa aking balikat.

Umawang ang aking labi at mukhang tangang tumitig sa itim na coat na ipinatong ni Jolo bilang panangga sa hangin.

"Baka malamigan ka," he told me.

Sa sobrang pagkabigla ay hindi agad ako nakapag-react lalo na nang umupo ito sa aking tabi. Humalimuyak sa ilong ko ang matapang na amoy ng kaniyang pabango at hindi ko maiwasang mapangiti nang mapait sa aking isipan.

Even his favorite perfume has changed.

"Bakit ka nandito? Baka hanapin ka ni Zaia," mahinang ani ko kasabay ng pag-iwas ng tingin.

Baka kapag nalaman niyang lumapit at nakipag-usapan ka sa akin ay mag-away na naman kayong dalawa. Gusto ko sanang sabihin ngunit pinigilan ko ang sarili.

Umarko ang kaniyang kilay sa akin. "Eh ikaw? Anong ginagawa mo rito? Ayaw mo ba ro'n sa loob? Dapat nagsasaya ka ngayon kasama sina Elo kasi bukas na ang alis mo, 'di ba?"

Tumango ako.

"Kailan ang balik mo?"

"Ewan ko. I was planning to stay there for good. Pumayag na rin naman sina Nanay na sumunod sila ro'n."

Nalaglag ang panga niya, kumurap-kurap, ngunit kalaunan ay dahan-dahang tumango.

"I see. Mag-i-ingat ka ro'n ha?" aniya kaya naman hindi maiwasang mag-init ang sulok ng dalawang mata ko.

This is it. Siguro ito na talaga ang tamang panahon upang malinaw at mapag-usapan ang tungkol sa aming dalawa. Kung hindi ko pa ito gagawin ngayon, baka kahit kailan ay hindi na mangyari pa.

A deafening silence filled between us but I took that as a chance to say the words that've been bugging inside my heart and mind for a long time.

I need to set this feeling freely.

I finally need to set him free.

"Jolo, I'm sorry." I swallowed the lump on my throat as I heard my voice crack. "I'm sorry if I let you go just like that. If I became too selfish. If I left you when you needed me the most. . ."

May isang butil ng luha na pumatak sa aking mga mata at hanggang sa nasundan pa iyon ng marami. Patuloy ang pag-agos ng mga ito nang humarap ako sa kaniya upang maramdaman niya ang sensiridad ko.

"I-I'm so sorry if I didn't trust you enough."

Suminghap siya at tiim-bagang na iniwas ang paningin sa akin.

"Nagsisisi ako sa naging desisyon ko kahit alam kong iyon naman ang tamang gawin noong mga panahong iyon. Pero gusto ko ring malaman mo na sa kabila ng mga pagsisisi ko, masaya pa rin ako kung nasaan ka man ngayon. Masaya ako dahil kahit sa kabila ng mga nangyari sa'yo at sa relasyon natin, ipinagpatuloy mo pa rin ang mga pangarap mo. . ." My tears kept on streaming down my face.

"Wala na 'yon. Hindi naman kita kailangang patawarin dahil kahit kailan naman ay hindi ako nagtanim ng galit sa'yo," mahina ngunit sapat na upang marinig ko.

Nanatili ang tingin niya sa kalangitan gamit ang mga matang punung-puno ng napakaraming emosyon.

"Nadismaya? Oo. Nasaktan? Oo. . . pero kahit kailan ay hindi ako nagalit." He took a quick glance at me then sighed.

Tumuwid siya ng pagkakaupo, pinagsalikop ang mga kamay bago muling nagpatuloy sa pagsasalita.

"Sa dinami-rami ng mga taong nakapaligid sa'kin ay bukod tanging sa'yo lang ako kumuha ng lakas. Na sa tuwing kasama kita pakiramdam ko ay may pag-asa pa ang buhay ko. Kaya nga kahit maraming tao ang nagsasabi sa'kin ng kung anu-ano ay hindi ko 'yon pinakinggan kasi alam kong may Trisha ako. . ."

"May Trisha ako na naniniwala sa kaya kong gawin. May Trisha ako na hinding-hindi susuko sa akin." He then laughed bitterly. "Kaya nga noong umalis ka, sobra-sobrang nasaktan ako. Hindi ko alam kung paano ako babangon at magsisimula ulit. . . kasi 'yong kaisa-isang taong naniniwala sa'kin, iniwan na rin ako."

Ang mga salita niya ay tila mga karayom na tumutusok sa aking puso. Labis-labis akong kinakain ng pagsisisi, panghihinayang at sakit. Ang hirap-hirap huminga. Ang hirap-hirap magsalita. Kaya naman wala akong ibang nagawa kundi ang takpan ang mukha ko gamit ang palad at doon umiyak nang umiyak habang pinapakinggan ang mga sinasabi niya.

At mas lalo pa akong nadurog nang marinig ko ang unti-unting pagkabasag ng boses niya. "Sinabi ko sa'yo noon hindi ko kailangan ng pera, Trish, dahil ang tanging hiling ko lang sa'yo noon ay manatili ka sa tabi ko. Kasi ikaw na lang 'yong pinaghahawakan ko. Noong mga panahon na 'yon, ikaw na lang ang mayroon ako."

"I-I'm sorry, Jolo. I'm so sorry. Masiyado akong nagpadala sa emosyon ko, masiyado akong naging mabilis sa pagdedesisyon–"

"Okay na 'yon, Trisha. Sa ngayon naman ay okay na okay na 'ko. Ang mahalaga ay marami tayong natutunan at isa pa, kung hindi dahil sa nangyari sa atin ay hindi ko makikilala si Zaia. . ."

This time, I saw how his eyes twinkled when he mentioned his girlfriend's name. Ngunit imbis na masaktan sa nakitang iyon ay sumilay din ang maliit ngunit pagod na ngisi sa aking labi.

"Do you really love her that much?" I asked carefully.

"Sobra." Lumingon siya sa akin at nakangiting tumango. "Aaminin ko na nitong bumalik ka ay naguluhan ako sa nararamdaman ko pero kagabi, noong nagtalo kami ni Zai at nakita ko kung paano siya umiyak at masaktan, doon ako natauhan. Napakarami kong napagtanto."

"Na baka kaya muli tayong pinagtagpo ay hindi dahil para magkabalikan ngunit para sa closure?" muli kong tanong.

"Closure. . ." pag-uulit niya at sabay naming tiningala ang madilim nang kalangitan na minsang naging paborito naming tanawin na dalawa.

As I stared at the man I once loved before, I felt nothing but lightness in my heart. Pakiramdam ko sa loob ng ilang taon ay ngayon lang muli ako naramdaman ng ganitong klaseng ginhawa at gaan sa dibdib.

Siguro ay iyon nga talaga ang kapalaran naming dalawa. Pareho kaming pinagtagpo pero sa huli'y hindi rin naman pala kami ang itinakda para sa isa't isa. Na baka kaya nahihirapan akong umusad sa aking buhay ay dahil kailangan ko munang humingi ng kapatawaran sa kaniya. Kailangan ko munang alisin ang pagsisisi sa dibdib ko. At higit sa lahat, kailangan ko na talaga siyang tuluyang palayain.

Na minsan ay kailangan din nating tanggapin ang katotohanan na may mga tao sa buhay natin na dumadarating at umaalis. Hindi lahat ay nananatili. Na mayroong mga taong darating upang baguhin ang ilang paniniwala natin sa mga bagay-bagay.

"Ingatan mo siya, Zaia. He deserves the world. He deserves all the happiness. . ."

Tumango siya at buong-pusong ngumiti sa akin.

"Makakaasa ka, Trisha. Ikaw din, ha? Sana ay mahanap 'yong taong magpapasaya sa'yo. Napakabuti mong tao kaya deserve mo rin ang lahat ng kabutihan sa mundong 'to."

I chuckled. "Salamat." Muli kong nilingon si Jolo na ngayo'y abot langit ang ngiti sa akin.

Tinapik ko ang kaniyang balikat at nagbibirong pinanlisikan siya ng mga mata. "Ayusin mo, Jolo. Ikaw din! Alagaan mo si Zaia! Kapag nabalitaan kong gumawa ka ng kalokohan, hindi ako magdadalawang isip na sunugin 'tong restaurant mo."

He gasped as his eyes widened at me. "Grabe ka naman sa'kin! Pangit ng ugali mo! Ganiyan ba kapag nakapunta na sa Korea?"

Zaia and I laughed at what he had said. Siyempre nagbibiro lang ako 'no! Hinding-hindi ko gagawin 'yon. Ilang saglit pa kaming nag-usap bago nila naisipang bumalik na sa loob. May maliit na ngiti sa labi ko silang pinagmamasdan habang naglalakad sila pabalik sa loob ng restaurant na magkahawak ang mga kamay.

Oo, tanggap ko na.

Tanggap ko na hanggang dito na lamang talaga.

Na kailangan na naming isara ang librong minsang kaming dalawa ang naging paksa.

Imbis na bumalik sa loob ay nanatili ako sa bench. Doon ko ibinuhos ang mga luha na hindi ko alam kung alam kung para saan. Siguro ay sa labis na saya o pagkamangha dahil sa loob ng dalawang taon, pakiramdam ko ay ngayon lang ako tuluyang nakalaya.

"Tama na ang pag-iyak, lalo kang pumapangit. . ." A familiar voice uttered.

Sumimangot ako at mabilis na pinunasan ang basang pisngi gamit ang mga palad. Pagkatapos noon ay saka ko tiningala at sinamaan ng tingin si Terrence na pangisi-ngisi lang sa harapan ko.

"Ano na naman? Kita mong nagse-senti 'yong tao, distorbo ka rin eh 'no?" asik ko dahilan para tumawa siya nang malakas.

Binasa niya ang pang-ibabang labi bago ipinasok ang dalawang kamay sa bulsa ng kaniyang pantalon. "Well, nag-aalala lang naman ako sa'yo dahil baka kung ano na ang nangyari. But I guess, everything turns out fine?"

"Sus! Ang sabihin mo tsismoso ka lang! Hindi ka na makapaghintay na chumika sa akin kaya ikaw na mismo ang lumapit. Para-paraan ka rin, eh." Tumayo na ako at pinagpagan ang dress na suot ko.

Nang ibalik ko ang tingin sa kaniya ay naroon pa rin ang nalolokong ngisi sa kaniyang labi dahilan para sa mas lalo akong mainis. Umirap ako at nilampasan siya. Babalik na lang ako sa loob kaysa makipag-usap sa asungot na 'to!

"Trisha. . ." he called me.

Tumigil ako sa paglalakad ngunit hindi siya hinarap. Ramdam ko ang yabag nito papalapit sa direksyon ko.

"I have a preposition to make. I mean, let's have a deal," aniya at atentibo akong nakinig. "Kung dumating tayo sa edad na 35 at wala pa rin tayong karelasyon o asawa, tayo na lang dalawa."

Mabilis akong humarap sa kaniya at pinagkrus ang dalawang braso sa dibdib. I scoffed in disbelief. "Huh! No deal!" I shouted and marched towards inside the reception, leaving him dumbfounded there.

Kagaya nga ng plano ay kinabukasan matapos ang kasal ay lumipad na ako pabalik sa Korea upang ipagpatuloy ang buhay na nakasanayan na roon. Hindi kagaya noon, ngayon ay totoong masasabi ko na masaya na ako.

At sa mga sumunod pa ngang buwan ay nabalitaan ko na engaged na si Jolo at Zaia. Of course I was so shocked at first but I was genuinely for them! Mas mauuna lang ikasal si Eloisa at Reyster pero ayos lang 'yon.

Maybe a happy ending doesn't always need a happily ever after. Maybe a happy ending doesn't include someone special. Maybe sometimes a happy ending means. . . you finally move on and you finally learn to love yourself again. Happiness means you. Just you and yourself.

I was happy living alone. . .

But fate played with me for the second time around because at the age of 32, I finally found a man who I can spend my life with. This is not just about the deal he offered me but we really developed our feelings for each other.

Terrence Adrian Vidal left his life in the Philippines and lives with me here in Korea. We have no plans on getting married yet but soon, I know, we'll get there. I promise.

Just like in accounting, I now finally closed the book of transaction and this time, I am ready to start a fresh and new beginning again.

Yes, Jolo and I permanently closed the entries. Our entries. 

Continue Reading

You'll Also Like

1.5K 424 22
HEAVENLY BODIES SERIES #1 What happens when the daughter of a well-known doctor meets a rich boy who has a rare disease that has no cure? When their...
602K 25K 46
Heartbreakers Series #5: Tavian Giovanni Romero Si Frida Louisse Suarez ay dati nang estudyante ng Torrero University pero dahil sa isang pangyayari...
3.1M 119K 34
Tadhana (Self-published)
7.7K 431 27
an epistolary | kalyca and eros. Seems like everyone was hit by cupid's bow and arrow but not for Kalyca who thinks that being in love is an act of...