Kabanata 25

3.1K 130 118
                                    

Hindi ko na nagawa pang makapagpaalam sa iba pa naming kaibigan. Si Terrence na ang gumawa ng alibi na kesyo inaantok na ako at kailangan ko nang magpahinga. Kasunod na nagpaalam ay sina Jolo at Zaia na bumalik sa loob na tila ba walang nangyaring pagtatalo sa pagitan nilang dalawa roon sa labas.

They don't have the freaking idea that I overheard them fighting. Alam kong masama iyong ginawa ko kanina pero hindi ko rin naman sinasadya. Lumabas lang ako para sana ay itapon 'yong mga basurang kinalat namin kanina.

Umiyak ako nang umiyak sa loob ng kotse at hinayaan lang ako ni Terrence sa gano'ng sitwasyon. Hindi siya nagsasalita ngunit panay ang sulyap at pakikiramdam niya sa'kin. I know he has a lot of things to say but he chose not to speak.

Hindi rin naman nagtagal ang biyahe at kaagad kaming nakarating sa bahay. Gamit ang nanghihinang kamay ay kinalas ko ang seatbelt.

After that, I looked at him and gave him an exhausted smile. "Salamat sa paghatid, Terrence. Pasensiya na naabala pa kita."

His brows furrowed and immediately shook his head. "Kahit kailan ay hindi ka naging abala sa'kin, Trisha."

Marahan akong tumango at hindi na sumagot pa. Namayani ang katahimikan sa pagitan ng naming dalawa. Ang mga mata ko'y nanatiling nakatuon sa harapan at gano'n din siya.

His both arms were resting on the steering wheels when he spoke again. "Magpahinga ka na. Sabay na ulit tayo bukas papuntang simbahan. Susunduin kita."

"You don't have to,"

Terrence heaved a sigh as he went back his gaze at me.

"I insist, Trish," he replied with full conviction.

Masiyado akong pagod para makipagtalo pa kaya tumango na lang ako. Bumaba ako ng kotse at isang beses pang muling nagpasalamat sa kaniya. Tumalikod na ako at akmang papasok na sa loob ng bahay nang tawagin niya ang aking pangalan.

Tumigil ako sa paglalakad ngunit hindi nanatiling nakatalikod.

"I just want to say that you don't have to feel guilty. You don't have to feel sorry for coming back. Hindi naman si Jolo ang dahilan kung bakit ka bumalik, kundi para sa kasal ni Kean at Shaeynna. Ni hindi mo rin naman sila ginugulo kaya sa tingin ko ay wala ka namang kasalanan. It's their fight to fix. It was Jolo and his feelings are the real problem here. . ." he explained and it somehow helped me.

Hindi na niya ako hinintay pang sumagot at narinig ko na lang ang tunog ng sasakyang papalayo.

Somehow, his words really did a great help to tame my raging thoughts. I wouldn't deny the fact that he got a point. However, I still couldn't stop myself from thinking that it was all my fault.

Okay naman kasi si Zaia at Jolo noong wala ako. Sigurado akong maayos ang relasyon nila at kung hindi lang sana ako bumalik ay tiyak na maayos pa rin sila hanggang ngayon.

Hindi sana umiiyak si Zaia ngayon, hindi sana siya nasasaktan.

Sa hindi mabilang na pagkakataon ay muli akong nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Napalingon tuloy sa akin si Eloisa na kasama ko sa table.

"Okay ka lang? Pansin ko lang na kanina ka pa sa simbahan na parang wala sa sarili. May problema ba?"

Umiling ako at tipid na ngumiti. "Wala naman. May mga iniisip lang."

Naningkit ang mga mata niya at pinasadahan ng tingin ang buong mukha ko, kapagkuwan ay ngumuso.

"Kailan nga ba ang balik mo ng Korea?"

"Bukas."

"Agad-agad?!" bulalas niya dahilan para mapalingon sa amin ang nasa kabilang lamesa.

Closing Entries (Accounting Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon