Chapter 1: First Dream
"You may kiss the bride" – ika ng pari kina Ed at sa kanyang bride.
Nang papaharap na siya sa kanyang bride para ito ay biglang may nagring na cellphone.
Kinapa-kapa ni Ed ang kanyang bulsa upang icheck kung sa kanyang cellphone ba yung nagriring.
Wala siya makapa at ang sumunod niyang ginawa ay tinanong niya ang kanyang bride kung sa kanya ba yun at sumagot naman ito na wala siyang dalang cellphone.
"Father may tumatawag po yata sa inyo?" – baling ni Ed sa pari.
Chineck naman ni Father ung kanyang bulsa at nakumpirma niya na hindi din ito sa kanya?
Tumingin silang tatlo sa mga taong nakaupo subalit wala din umamin sa kanila.
"Kung kanino man po iyong tawag na iyon pakisagot at pakisabi na kasal na po kami at di na umabot yung pagtutol niya!" – sigaw ni Ed.
"Father, pwede na po baing ituloy yung paghalik ko sa asawa ko?" Dagdag ni Ed.
Subalit patuloy pa din nagriring yung cellphone. Nainis na si Ed dahil nga kiss na lang ang kulang sa seremoniya ng kasal nila.
Biglang nahulog na si Ed sa kanyang higaan dahil sa makailang ulit itong umikot ikot sa kanyang asar sa pagring ng cellphone. Dun niya napagtanto na sa kanyang cellphone yung nagriring at panaginip lang pala yung kasal na iyon.
Siguro kaya siya nanaginip na ikakasal na siya ay isang buwan na lang din naman ay ikakasal na din siya sa kanyang kasintahan na si Tin.
Dalian niyang kinapa ang kanyang cellphone at nakita niya na si Ben pala ang tumatawag sa kanya. Sinagot niya ito ng labag sa kanyang kalooban pero wala na din siyang nagawa.
Si Ben ang kanyang kababata at matalik na kaibigan simula pa lamang ng mga bata sila dahil magkaibigan din ang kanilang mga nanay.
Ben
" Pare good morning! Pasensiya na pare ikaw na lang ang malalapitan ko emergency lang. tumirik ang kotse ko. Mukhang baterya pare!"
Ed
"Siraulo ka talaga pare oh! Ang aga aga mo naman mambuwisit! Ang ganda ganda na ng panaginip ko eh!"
Dahan Dahan minulat ni Ed ang kanyang mga mata para silipin kung anong oras na. Pagkita niya sa kanyang cellphone ay 4:30 na ng umaga.
Ed
Pucha naman pare san ka na naman ba lupalop ng gimikan?
Ben
Pare pasensiya na talaga. Di ko naman din ito ginusto at ikaw na lang talaga huling baraha ko eh. Sige na pare ako bahala sayo.
Ang Pamilya ni Ben ang tumulong sa kanya makapagtapos ng kanyang pagaaral dahil lumaki sa hirap si Ed.
Upang mabayaran ni Ed ang utang na loob niya sa pamilya ni Ben ay tinutulungan niya ito sa mga projects at assignments nito mula pa noong bata pa sila. Di mapagkakaila na bata pa lang ay may angking galing na si Ed at masasabing matalino siya dahil lagi siyang nasa top ng kanyang klase. Kaya niya sanang maging valedictorian subalit may mga pagkakataong di siya makapagsubmit ng mga projects dahil nga kulang sa pangtustos ang kanyang pamilya para suportahan ang kanyang pagaaral.
Di na naman siya makatanggi sa lahat na hingin na tulong ni Ben dahil malalim na din ang utang na loob niya sa pamilya ni Ben at dahil dito ay nakasanayan na ni Ben na laging humingi ng tulong kay Ed lalo na sa mga gipit moments nito. Si Ben ay spoiled mula sa kanyang mga magulang at lahat ng luho ay naibibigay dito. Mabait naman si Ben at sa mga nakukuha niyang grasya mula sa kanyang mga magulang ay lagi niyang shineshare ito kay Ed kaya di na din makatanggi si Ed paghumihingi ng tulong si Ben sa kanya dahil hindi din siya nito tinatanggihan pag siya naman ang humihingi kay Ben.
Ed
Nasaan ka ba ngayon at masundo na kita. Di ka ba papasok mamaya at gumimick ka na naman?
Ben
Pare nandito ako sa may Q Ave, dito sa Klasmeyts. Naalala mo sinama na kita dito dati.
Ed
Sige pare magbihis lang ako at pupunta na ako jan.
Wala na ding nagawa si Ed kundi ang magbihis at puntahan si Ben para tulungan. Nakalimutan na din niya ang kanyang panaginip dahil kay Ben. Inistart na din niya ang kanyang kotse dala ang pangseries ng baterya.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nakapagtapos si Ed ng kolehiyo at ngayon ay isa nang ganap ng Engineer. Malaking kontribusyon sa kanyang pagtatapos ang tulong mula kay Ben.
Naninirahan ito malapit sa kanilang opisina at nakapagpundar na din ito ng kanyang kotse sa tulong na din ng kanyang kasintahan na si Tin na pinsan din ni Ben.
Pagdating ni Ed sa Klasmeyt ay nakita niya agad ang sasakyan ni Ben at dali dali niya itong pinuntahan.
Ed
Pare kamusta, iba ka talaga. Taas kamay ko sayo. Ilang buhay na naman ang sinira mo jan.
Ben
Anong sinira, pare tumulong lang ako sa nangangailangan. Ano ka ba? Ikaw kasi ayaw mo ako samahan Edi sana di nakita nagigising.
Ed
Siraulo ka. Kahit gustuhin mo man pare iba na sitwasyon ngayon. Alam mo naman isang buwan na lang ay ikakasal na ako. Ayoko na gumawa ng kung ano man na ikakagalit ni Tin. Alam mo naman yung pinsan mo, matapang pa yun kay Lapu Lapu at di mag aalinlangan yun na patayin ako.
Ben
Jan ako bilib sayo pare eh. Anlaki na ng pinagbago mo. Pinagpalit mo na talaga ako kay Tin.
Napaandar na ni Ed ang kotse ni Ben.
Ed
Kaya nadadamay kotse mo sa mga pinaggagawa mo eh.
Ben
Grabe ka naman, Salamat ha! Sumunod ka sa akin ha.
Ed
Naku pre sabi ko sayo di nga ako pwede?
Ben
Andami mo ng sinasabi jan, basta sumunod ka na lang. Ano ba iniisip mo?
Ed
Naku pare may pasok pa tayo mamaya. At pag nalaman ni Tin na magkasama na naman tayo lalo na pag nalaman na dito pa tayo nanggaling eh alam mo na ang susunod na mangyayari. Ok lang sana kung ikaw lang ang aawayin eh. Hindi eh, aawayin ako nun kasama na buong pagkatao ko.
Ben
Wag ka mag alala pre alam mo naman na di kita ipapahamak eh. Ako bahala sayo. Kakain lang tayo jan sa may paresan para mabayaran ko naman atraso ko sayo. Kung gusto mo ipagtake out mo na din si Tin para di ka awayin.
Biglang pinaandar ni Ben ang kanyang kotse at wala na naman nagawa si Ed kundi sundan ito.
Dumating na sila sa paresan at kumaen na sila dito. Umorder na din si Ben ng para kay Tin at Kay Steph. Si Steph ay nobya ni Ben at isa din Engineer na best friend ni Tin.
Silang apat ay magkakaklase sa kolehiyo at ngayon ay nagtatrabaho sa Construction firm ng pamilya ni Ben.
Tumingin si Ed sa kanyang relo. Nakita niya na masiyado pang maaga para pumasok siya sa opisina at doon na lang hintayin si Tin. Alanganin na din kung matutulog paulit siya paguwi kaya napagdesisyunan niya na sunduin na lang niya si Tin.
Ed
Ate pakidagdagan na din ng dalawa pang order ng pares take out at samahan nyo na din po ng wanton soup.
Isinama na din ni Ed sa pag take out ang mga magulang ni Tin para sa kanilang almusal dahil paborito ito ng mga magulang ni Tin. Lagi niya itong dinadalhan ng pares sa tuwing bibisita siya dito.
Sobrang close ni Ed sa mga magulang ni Tin dahil sa pitong taon na relasyon nila eh sila na din ang nagsilbing mga magulang nito. Ang kanyang ama ay iniwanan sila at sumama sa ibang babae noong grade 6 pa lamang siya. Ang kanyang ina naman ay namasukan sa kapatid ng mama ni Ben bilang kasambahay para mapagpatuloy nila Ed at Eva ang kanilang pag aaral.
Nakatatak na kay Ed ang araw na iyun kung saan ay mas pinili ng kanyang ama na sumama sa ibang babae kaysa ilakad siya sa kanyang Graduation noong elementarya pa lang sila. Nakakuha ng Salutatorian award si Ed. Siya sana ang valedictorian subalit dahil kapos sa mga projects at di pagsama nito sa field trip eh naungusan siya ng kanyang kaklase.
Simula ng araw na iyon ay naging desidido si Ed na pag siya ay mag aasawa at magkakaanak ay di niya gagawin ang ginawa ng kanyang ama. Alam niya ang sakit na iniwan nito sa kanya at ayaw niyang sapitin din iyon ng kanyang magiging mga anak.
Iaabot na ng tindera ng pares ang bill sa knila at agad itong kinuha ni Ben. Akmang bubunot na ng wallet si Ed para bayaran nag bill nila ay agad itong pinigilan ni Ben.
Ben
Pare di ba sinabi ko naman sayo na ako ang bahala.
Ed
Yung kinaen natin oo pare kaso mas marami pa yung takeout order ko kesa sa kinain natin.
Ben
Pare ano ka ba? Magtatampo ako sayo niyan pagginawa mo yan. Ayaw mo na yata akong kasama pare eh! Isave mo na lang yan pare sa bachelor party natin.
Ed
Gago! Alam mo naman na imposible yan at kahit gusto ko eh di pepwede. Parang di mo kilala si Tin. At sigurado ako na malalaman niya ito. Matinik na imbestigador yun kaya alam mo na mangyayari sa atin pagnagkamali ka ng sagot sa kanya.
Ben
Pare, wag ka mag alala, sasaluhin ko lahat ng bala ni Tin para sayo. Never naman kitang nilaglag sa kanya eh.
Ed
Oh siya tara na. Usapan natin yan pare ha. Ayusin mo pagsagot mo kay Tin. Binabalaan kita pare.
Ben
Pare trust me. I will never let you down. Salamat at I love you pare.
Naghiwalay na nga sila ng landas ni Ben. Umuwi muna si Ed para magbihis at didiretso na siya kina Tin para ihatid ung mga takeout order niya para sa mga magulang ni Tin at sunduin si Tin at ihatid sa opisina.
Pinark niya agad ang kanyang kotse pagdating sa harap ng bahay nila Tin at agad itong pumasok dala ng pagkain ng makita niyang bukas ang gate at nagkakape na si Mang Boy.
Agad nagtungo si Ed kay Mang Boy na nakaupo sa terrace ng bahay nila para magmano ito.
Ed
Good morning po Tito Boy. Ang aga nyo po ah.
Mang Boy
God bless you paborito kong anak! Oh napabisita ka, may atraso ka ba kay Tin?
Di sanay si Mang Boy na makita na sinusundo ni Ed si Tin dahil nagagalit si Tin kapag sinusundo siya nito. Limang minutong drive lang ang apartment ni Ed mula sa kanilang opisina samantalang 30 minutes drive ang bahay nila Tin mula sa kanilang opisina. Si Tin ay praktikal na tao. Nag aaway lagi sila pag sinusundo nito si Tin dahil sayang ang panggasolina niya kung susunduin pa niya ito. Nagkasundo sila na ung masesave ni Ed sa gasolina kung araw araw niyang susunduin si Tin ay isesave na lang nila para sa kasal at sa future nila.
Ed
Naku wala po. Si Pareng Ben po kasi tinawagan ako kanina para magpaseries ng kotse niya. As usual, gumimick na naman paborito nyong pamangkin at ayun tumirik kotse niya. Buti naman at inilibre niya ako ng pares. Eh naalala ko na paborito nyo yan kaya isinama ko n din sa take out order ko. Maaga pa naman po kaya inihatid ko na din po iyan at sunduin na din po si Tin.
Mang Boy
Kaw ha, isang buwan na lang naman at ibibigay ko na sa iyo ang anak ko di mo pa mahintay.
Napakamot na lang ng ulo si Ed.
Ed
Naku po, tama po kayo ng bahagya jan pero syempre kelangan ko din muna kayong unahin.
Sabay nagtawanan si Ed at Mang Boy.
Agad namang niyaya ni Mang Boy si Ed sa loob ng bahay para ibigay ang dalang pagkain nito sa asawa niya na si Aling Rhea.
Agad din nagtungo si Ed kay Aling Rhea para batiin ito at magmano.
Ed
Good morning po Tita Rhea. May dala po akong pagkain. Alam ko pong paborito nyo po ito ni Tito Boy.
Aling Rhea
God bless you anak at good morning din! Ang aga mo yata! Anong masamang hangin ang nagdala sayo dito. At wag mo na din kaming tawaging Tito Boy at Tita Rhea. Tawagin mo na kaming mommy at daddy simula ngayon. Isang buwan na lang naman ay ikakasal na kayo ni Tin. Practicin mo na ngayon para masanay ka na.
Napangiti si Ed sa sinabi ni Aling Rhea.
Ed
Kayo po talaga palabiro kayo Tita Rhea. Kaya po lab na lab ko po kayo eh. Sana namana ni Tin yan. Lagi nyo po akong napapatawa.
Aling Rhea
Hoy Edgardo! Anong nagbibiro? Sino nagsabing nagbibiro ako? At mukha ba akong nagbibiro?
Ed
Oo nga po sino ba nagsabing nagbibiro kayo? Eto po talaga si Tito Boy este Daddy Boy oh! Di po nagbibiro ang Mommy Rhea ko.
Nagkatawanan na lang sila sa may kusina.
Mang Boy
O siya sweetheart eh ihain mon a yan at makapagalmusal na tayo.
Ed
Dalawa lang po iyan Mommy Rhea at Daddy Boy. Para sa inyo lang po iyan. Wala po si Tin jan.
Aling Rhea
Anong wala? Teka, naguguluhan ako. Naku Edgardo, kaya na ba ng muscle mo si Tin? Alam mo namang magwawala iyon pagnalaman niyang wala kang dala para sa kanya. Bahala ka ha, winawarningan kita! parang di mo naman kilala yun!
Chineck ni Aling Rhea ang dala na pagkain ni Ed at napatunayan niya ngang dalawang order lang iyon at may kasama pang wanton soup.
Ed
Iniwan ko po sa kotse ung para kay Tin. Gagantihan ko lang po siya. Ako po bahala. Papakasalan pa din naman niya ako kahit maasar sa akin yun eh.
Aling Rhea
O siya ikaw bahala basta wag mo ako sisihin na di kita binalaan ha. Malamang tulog pa iyon. Ikaw na ang gumising para makapasok na kayo.
Ed
Wag po kayo mag alala Tita Rhea este Mommy Rhea po pala, kilala ko na po anak nyo. Di din niya po matitiis.
Agad na nagtungo si Ed sa kwarto ni Tin. Tiwala naman ang mga magulang ni Tin kay Ed dahil ilang beses na nilang napatunayan kay Ed ang hangarin nito kay Tin. Tiwala na sila kay Ed na kahit dito na siya natutulog minsan sa tuwing nalalasing ito kainuman si Mang Boy at buong kamaganakan nila.
Pag bukas ng pinto ni Ed sa kwarto ni Tin ay nakita niyang mahimbing ang tulog nito.
Agad niyang kinuha ang cellphone nito at kinuhaan si Tin habang nakangangang natutulog.
Palapit na siya kay Tin para gisingin ito. Nang papalapit na siya dito ay nakita niya and Bluetooth speaker na niregalo niya kay Tin noong nakaraang Pasko.
Agad niyang kinonek sa cellphone niya at itinapat sa tenga ni Tin.
"Aaah, I feel good!" ito yung kanta na pinatugtog niya ng malakas.
Napatalon si Tin at napasigaw ng malakas dahil sa ginawa ni Ed. Napamura din siya ng malakas at dinig na dinig nila Mang Boy at Aling Rhea ang mura ni Tin kay Ed. Bihira si Tin magmura dahil napalaki ng maayos nila Mang Boy at Aling Rhea ito. Alam lang nila na siguradong galit si Tin pag nagmumura ito.
Tawanan ng malakas sina Aling Rhea at Mang boy sa kusina sa ginawa ni Ed.
Tin
Punyeta ka naman Edgardo, ang aga aga mong mambuwisit.
Binato ng mga unan ni Tin si Ed sa inis nito.
Pinakita naman ni Ed ung picture ni Tin na nakanganga habang natutulog
Pinatugtog muli ni Ed ung kanta at sinayawan pa niya ito at ginaya ni Ed ito habang inaasar si Tin.
Ed
"Ahhh! I feel Good!"
Agad tumingin sa salamin si Tin para makita niya ang kanyang hitsura.
Tin
Burahin mo yan, sinasabi ko sayo! At wag mo yang ipopost sa Facebook kundi talagang sinasabi ko sayo pagsisisihan mo yan.
Ed
Oo nga no, thank you for your suggestion! Wag ka mag alala di kita itatag. ImaMy Day ko lang. haha
Tin
Pag ginawa mo yan, magisa kang maglakad sa altar.
Agad naalala ni Tin na bakit nasa bahay nila si Ed. Kabilinbilinan niya na wag niyang susunduin ito dahil nagtitipid nga sila sa kanilang kasal.
Tin
Teka anong ginagawa mo dito? Di ba sinabi ko na sa iyo na magtipid ka dahil baka may unexpected tayong gastos sa kasal natin!
Tumingin ito sa orasan nila at nakita niyang mag 6:10 pa lang ng umaga. Normally ang alarm niya ay 6:30. 45 minutes ang nilalaan niyang paghahanda pagpasok ng opisina kasabay na ang almusal kasabay ng kanyang mga magulang.
Ed
Eh maaga ako nagising eh. Joke lang! Si Pareng Ben kasi eh ginising ako!
Binato muli ni Tin si Ed sabay masama na ang tingin kay Ed dahil ayaw niyang maririnig na magkasama sila ni Ben dahil simula pa lang nung college sila alam na ni Tin ang kilatis ng bituka ni Ben at kung anong pagkaplayboy nito.
Tin
Halika nga dito! Lumapit ka nga dito!
Ayaw lumapit ni Ed kay Tin kasi alam na niya ang gagawin ni Tin.
Dahil ayaw lumapit ni Ed kay Tin, ang ginawa ni Tin ay agad niyang inayos ang kanyang suot para maemphasize ang kanyang dibdib at itinaas ang kanyang short pants at ipinakita niya ang kanyang mapuputing legs kay Ed.
Tila nahypnotize si Ed sa ginawa ni Tin kasabay ang pagsesexy talk ay di na namalayan ni Ed na halos magkalapit na ang kanilang mga labi. Agad niyang binugahan ng kanyang hininga si Ed. Sabay ang lakas ng tawa nito.
Nadinig ito nila Mang Boy at Aling Rhea sa kusina.
Mang Boy
Alam mo nagmana talaga sayo anak mo. Parehas kayong baliw. Kanina lang galit na galit kay Ed ngayon sobrang lakas ng tawa. Kawawa naman si Ed.
Aling Rhea
Hoy Crispulo, umayos ka jan ha, ang aga aga eh.
Tumawa ng malakas si Mang Boy dahil gayang gaya ni Aling Rhea ang ugali ni Tin na iyon.
Dahil doon ay nahimasmasan si Ed at agarang kinuha ang unan ni Tin at pinalo nito sa kanya.
Ed
Grabe yun kala ko di na ako mabubuhay! Ano ba meron jan sa bunganga mo at ganun ung amoy ng bibig mo? Ano ba ulam nyo kagabi? Patay na daga?
Biglang naalala ni Tin yung tanong niya kanina na bakit nasa bahay nila si Ed ng kay aga aga.
Agad niyang piningot si Ed at di niya ito binitawan hanggang di umaamin si Ed kung bakit sila magkasama ni Ben.
Tin
Bakit nga kayo magkasama ni Ben aber? Di ba kabilinbilinan ko sayo na wag kang sasama sa kanya ha? At saan na naman kayo galing?
Kaharap ni Tin si Ed habang sinasabi niya ito at biglang nagtakip ng ilong si Ed dahil sa amoy ng bunganga ni Tin.
Pingot pingot pa din ni Tin si Ed at di niya ito bibitawan hanggang di umaamin si Ed.
Bago tanggalin ni Ed ung kamay niya na nakatakip sa ilong niya ay huminga ito ng malalim at pinigil ang kanyang paghinga para di maamoy ang bunganga ni Tin.
Tin
Tangalin mo yang kamay mo jan?
Ano? Naginom na naman kayo ha? Di mo ba alam na may pasok pa tayo at marami pa tayong projects ngayong araw? Nakuha mo pang maginom?
Di pa din humihinga si Ed.
Tin
Ah ayaw mo sumagot ha!
Itinuro ni Ed ang kanyang malobong bibig.
Tin
Ah ganon, ayaw mo talagang umamin ha!
Lalong piningot ni Tin si Ed at di ito natinag. Pigil pa din ito sa paghinga.
Agad niyang itinutok ang mukha ni Ed sa kanyang dibdib sabay biglang suntok sa tiyan.
Duon ay bumigay si Ed at kusang sinubsob ang mukha niya sa dibdib ni Tin.
Pagksaubsob ni Ed sa dibdib niya ay agad niyang kinuha ang dalawang tenga nito at harapan niya muling kinausap.
Tin
At nakuha mo pang manantsing ha! Kapal talaga ng mukha mo! Di ka ba talaga aamin?
Huminga agad ng malalim si Ed at muli niyang pinigil ang kanyang paghinga habang nakatingin sa dibdib ni Tin.
Napansin agad iyon ni Tin at bigla niyang binitawan si Ed.
Nagdrama dramahan ito at biglang tumahimik.
Napansin ni Ed na umiiyak na pala ito.
Ed
Uy ano ka ba? Di ka ba masaya na nandito ako? Para sorpresahin ka? Kala ko pa naman mapapasaya ko na araw mo tapos ngayon iiyak iyak ka jan.
Di pa rin umiimik si Tin at nagpupunas na ito ng luha niya.
Ed
Babe? Ano ka ba? Ok, sasagutin ko na mga tanong mo pero ang gusto ko magkaharap tayo. Isang buwan na lang ikakasal na tayo oh. Di ba ang usapan natin pag may di pagkakaunawaan ay kelangan magusap. O hayan katulad ngayon dapat ang pag uusap ay mata sa mata, ngipin sa ngipin, labi sa labi pero wag muna ngayon. Mata sa mata na lang muna.
Binato ng unan ni Tin si Ed habang matawa tawa sa sinabi ni Ed.
Pagkakita ni Tin sa Teddy Bear na regalo ni Ed kinuha niya ito at sinusuntok suntok ito at akma nan yang sisirain.
Agad itong pinigil ni Ed.
Ed
Hoy ano ka ba? Di ko pa bayad yan, sisirain mo na? o game seryoso na. Sasagutin ko lahat ng tanong mo pag umayos ka na ng upo.
Hinila ni Ed si Tin para maiupo ito ng maayos.
Nakailang hila si Ed kay Tin pero sa tuwing uupo ito ay lagi itong bumabalik sa pagkakahiga.
Tiningnan ni Ed ang oras at di nila namamalayan na 6:25 na pala.
Ed
Hoy ano kaba 6:25 na, umayos ka na at malelate na tayo.
Agad umupo ng maayos si Tin.
Tin
O sige, bakit nga kayo magkasama ni Ben? Ibuka mo nga yang bibig mo?
Nagtaka si Ben kung bakit pinapabuka ni Tin ang bibig niya.
Agad inamoy ni Tin kung may bahid amoy alak ang hininga niya katunayan na hindi nga sila magkasama ni Ben ng buong gabi at di ito tumakas kagabi pagkatapos ng video call nilang dalawa.
Nang nakumpirma ni Tin na walang amoy alak ang hininga ni Ed ay agad nito muling binugahan ng hininga niya si Ed.
Ed
O siya para mabilis, tinawagan ako ni Ben kaninang 4:30, humihingi ng tulong dahil ayaw magstart ng kotse niya. So ayun tinulungan ko tapos nagyaya kumaen, bayad niya daw sa abala niya ngayon sa akin.
Tin
San kayo kumaen?
Ed
Jan sa Retiro.
Tin
Uy ang sarap naman? Nag take out ka para sa akin?
Ed
Ay sorry wala akong dalang cash nun eh kaya sina Mommy Rhea at Daddy Boy na lang yung natakeoutan ko.
Napangiti agad si Tin sa narinig niya.
Tin
Ano nga ulit, pakiulit?
Ed
Alin?
Tin
Ung sinabi mo?
Ed
Alin dun?
Tin
Lahat?
Ed
Anong lahat? As in from the top?
Tin
Joke lang, ano kaba? Ung mommy at daddy na part lang
Ed
Ah yun ba, pagabot ko kasi ng pares kina mama mo eh sabi niya from now on daw eh Mommy Rhea na daw ang itawag ko sa kanya at Daddy Boy naman sa papa mo.
Tin
Talaga? How sweet naman? I love it! Ulitin mo nga ulit?
Ed
Ang alin? Ah yun ba, pag abot ko ng pares sa mama mo...
Biglang cinut ni Tin si Ed. Sabay tapik niya sa noo ni Ed.
Tin
Hindi yan, ung pagtawag mo kay Mama ng Mommy Rhea at kay papa ng Daddy Boy
Ed
Yun lang pala eh, Daddy Rhea at Mommy Boy
Napansin ni Tin na baliktad ung pangalan sabay binatukan ulit ni Tin si Ed sa noo habang tumatawa ng malakas.
Ed
Aray! Ang sakit nun ah! Suntukin kita jan eh!
Tin
O sige nga! Nakakalimutan mo nasa teritoryo kita ah!
Ed
Ay oo nga pala no, o sige batukan mo pa ako isa pa please!
Akmang babatukan na ulit niya si Ed pero biglang umatras ito para makaiwas
Ed
Uto uto ka talaga! Haha.
Tin
Ah ganon uto uto pala, o sige, lumayas ka na dito sa amin at wag ka ng babalik!
Ed
Ikaw naman ang bilis magtampo, sa bagay oo nga tama ako, mabilis ka talaga magtampo, di ko alam kung gaano kadami ung pagkatao jan sa katawan mo. Sa bilis ng mood swing mo!
Tin
O ano na tatapusin ba natin paliwanag mo?
Ed
Eh ikaw eh ang dami mong sinasabi?
Tin
Anong ako? Bakit parang kasalanan ko?
Ed
O sige, ano nga pala ulit tanong mo?
Tin
Bakit kayo magkasama ni Ben?
Ed
Ah di ba sabi ko kanina na tinawagan niya ako kanina para humingi ng tulong!
Tin
Ah tinawagan ka niya? So patingin nga ng cellphone mo? Tingnan ko ung call logs?
Kumpiyensang ipinakita ni Ed ang cellphone niya kay Tin at pinakita ung call logs.
Tin
Teka di ko makita, ako hahawak
Ed
Sus alam ko na yan, o anong di makita? Di ba call logs lang naman hinihingi mo? O hayan 4:33AM tumawag siya.
Tin
Eh yung messages? Baka may text ung mga babaeng kasama nyo kagabi? Malay ko ba kung setup nyo lang dalawa yan. Alam ko na karakas nyong dalawa. Sindikato kayong dalawa eh!
Ed
My God! Bakit di ka pag apply ng NBI, For sure hired ka agad dun at mabilis kang mapopromote. Ang galing mong mag imbestiga. Grabe.
Tin
At bakit, may dapat ba akong imbestigahan?
Ed
Hay naku, bilisan mo na at anong oras na!
Tin
O sige, ano na kadugtong nun, sabi mo tinawagan ka ni Ben
Ed
So ayun nga tinawagan niya ako 4:33AM, ang ganda ganda nga ng panaginip ko
Tin
Ano panaginip mo? Ako dapat yan ha?
Ed
Ayun nasa harap na ako ng altar at nagsabi na si Father ng You may kiss the bride
Tin
So sino yung bride? Ako ba?
Ed
Yun nga nung pahalik na ako biglang tumawag si pareng Ben kaya di ko na nakita kung sino ung bride.
Biglang bumitaw si Tin kay Ed.
Tin
Ay ganun di ako, sige na lumabas ka na, kakasuhan na lang kita ng rape total naman di pala ako ung nasa panaginip mo eh
Ed
Di ko nga nakita kasi nga tumawag nga si pareng Ben at for sure ikaw yun. Kung gusto mo ngayon din eh magpakasal na tayo kahit kay Mayor or kung sino man judge na pwede eh,
Tin
Talaga? Sige ba? Ganun mo ba ako kaLove?
Ed
Hindi, ayaw ko lang makasuhan ng rape!
Biglang sinampal ni Tin si Ed
Tin
Sabi ko na di mo talaga ako mahal eh. Itigil na natin yung kasal, irerefund ko na lang lahat nung mga nagastos na natin sa mga coordinators natin at syempre gaya ng usapan wala kang matatanggap.
Bayad mo yun sa sakit ng di mo pagpapakasal sa akin at pagpapaasa na makasal tayo.
Ed
Andami mong drama eh ikaw itong magpapatigil ng kasal tapos ako pa din may kasalanan.
Grabe ka talaga? Di ko talaga alam kung ano yung pinasok ko! Nababaliw na ako sayo!
Ang layo na ng narating ng usapan natin, maligo ka na nga at malelate na tayo! Marami pa tayong on site visit. Mapapagalitan tayo ng papa ni Ben at mga clients.
Sabay tingin ni Tin sa orasan niya.
Tin
Ay shit, naku 6:40 na!
Biglang kinuha ni Tin ung twalya niya at bumiretso agad sa banyo.
Humiga muna sandali si Ed sa kama ni Tin. Pinlano niya masilayan si Tin paglabas nito sa banyo dahil sa pagkakatanda niya eh walang dalang pamalit na damit si Tin nung pumasok sa banyo para maligo.
Iniisip niya na makakaisa siya at masisilayan na niya sa wakas ang magandang katawan ni Tin bago pa man sila ikasal.
Sa pitong taon nilang relasyon ay hindi pa nakikita ni Ed ang katawan nito dahil sa respeto nito sa kanya at yun din ang napagkasunduan nilang dalawa.
Sa tagal ni Tin ay nakaidlip na si Ed dahil na din sa kulang ang kanyang tulog at ginising na lang siya ni Tin na nakabihis na.
Tin
Hoy gumising ka na jan? Napakasama mo talaga?
Naging palaisipan kay Ed kung ano ang pinagsasabi ni Tin sa kanya. Wala siyang kamalay malay kung saan na naman galing ang hugot ni Tin.
Ed
Ha? Ano na naman pinagsasabi mo jan? Magbiro ka na sa lasing ha wag lang sa bagong gising.
Tin
Bakit sina Mama at Papa lang may Pares? Napakasama mo talaga.
Napangiti na lang ito.
Ed
Teka anong oras na?
Pilit niyang ibahin ang usapan kaya tumingin siya sa kanyang orasan. Nakita niya ay 7:30 na at nagmadali dahil malelate na sila sa kanialng pagpasok.
Nagmadali si Ed na ayusin ang kanyang sarili at hinila si Tin palabas ng bahay.
Nakita sila ng Mama at Papa ni Tin.
Aling Rhea
Hoy kayong dalawa bilisan nyo at malelate na kayo!
Ed
Opo nga po eh. Antagal po kasi ni Tin.
Tin
Teka susubo muna ako ng pares! Nakakainis ka kasi di mo man lang ako binilan. Sila pa talaga inuna mo kesa sakin. Sila ba papakasalan mo?
Pangiti ngiti lang si Ed habang hila hila si Tin at nagmamadaling lumabas.
Nagpaalam na din sila sa Mama at Papa ni Tin.
Pinagbuksan agad ni Ed ng pinto si Tin. Pagkabukas niya ng pinto ay agad siyang umikot papasok sa driver's seat at inistart ung kotse.
Napansin ni Ed na bukas pa yung pinto sa passenger seat.
Itinuro ni Ed ung pinto at sineniyasan si Tin na isara ito para makaalis na sila ngunit patay malisiya si Tin at di tinitingnan si Ed. Dagdag pa sa pang aasar niya kay Ed ay ibinaba niya ang Sun visor ng kotse ni Ed para magsalamin at maglip stick.
Ed
Hay naku, di ko talaga alam kung anong merong topak ka? Mas gusto mo pa malate tayo kesa sa lip stick mo.
Napangiting aso si Tin dahil tagumpay ang kanyang pang aasar kay Ed.
Walang nagawa si Ed kundi bumaba ng kanyang kotse at umikot para isara lang ang pinto ng kotse at makaalis na.
Blagabag – nilakasan niya ang pagsara ng pinto sa asar niya at para mabingi din si Tin sa loob.
Tin
Kawawa naman yung pinto, siguro kung nakakaganti lang yung pinto baka sinapak ka na!
Makaraan ang ilang minute simula nung umalis sila sa bahay ni la Tin ay biglang tumawa ng malakas si Ed.
Di alam ni Tin kung ano yung dahilan.
Nakailang tingin na siya sa salamin para malaman niya kung may mali ba sa itsura niya baka yun ung dahilan ng pagtawa ni Ed.
Wala namang mali sa kanyang lip stick.
Paulit ulit na tumingin si Tin kay Ed dahil di pa din siya tumitigil sa pagtawa niya at habang papatagal ng patagal eh lumalakas ang pagtawa nito.
Naasar na siya kay Ed.
Tin
Hoy lalake ano na namang kalokohan yang ginawa mo jan? Sinasabi ko sayo, alam mo naman kung pano ako magalit!
Tumingin tingin pa din si Tin sa paligid at sa loob ng kotse, wala naman siyang napansin. Lalong nagagalit si Tin. Nabaligtad na ang sitwasyon. Kung kanina eh siya ung nag aasar, ngayon ay siya naman ang napipikon sa di malamang dahilan.
Tin
Hoy Edgardo tumigil ka na jan at di na ako natutuwa. Kung di ka pa titigil jan, bubuksan ko ang bintana ng kotse mo at sisigaw ako ng rape.
Napatingin si Ed kay Tin at napailing siya sa kanyang narinig.
Ed
Talaga ba? Kaya mong gawin yun at ipahamak ako!
Tin
Talaga kaya kong gawin yun! Kaya kung di mo sasabihin kung bakit ka tumatawa eh alam mo na mangyayari sayo.
Dahan dahan ibinababa ni Tin ang salamin ng kotse habang nagvovocalization siya sa kanyang pagsigaw.
Ed
Pang ilang personality mo yan? Grabe, iniisip ko pag nakasal na tayo, habang buhay akong ganito. Hay what a life!
Tin
Ah talaga ba? Pwede naman natin itigil ang kasal eh sabihin mo lang.
Ed
Ganun ba talaga kadali sabihin yun? Ginagawa mong panakot yun?
Tin
Hoy hindi kita tinatakot! Sinasabi ko lang kung ayaw mo na eh wag na natin ituloy. Kung hindi ka na masaya eh pwede naman. Sabihin mo lang.
Ed
Ako wag mo maganyan ganyan ha. Di mo ako matatakot. Paulit ulit na nating pinag uusapan yan na di magandang biro yan.
Tin
Sino nagsabi na nagbibiro ako?
Ed
Ah talaga? Gusto mo ba?
Tin
Wag mo ibalik sa akin ang tanong, ikaw makakapagdesisyon niyan. Ngayon sabihin mo, gusto mo ba?
Di sumasagot si Ed. Pilit binabalewala ang mga naririnig niya kay Tin.
Tin
Hoy ano, gusto mo ba? Pag di nagsalita jan eh baba na ako at ititigil na natin ung kasal.
Tumingin si Ed kay Tin habang umiiling.
Tin
Hoy wag ka makailing iling jan. ano sagot?
Nakita ni Tin na patingin tingin si Ed sa kanya kaya ang ginawa niya ay dahan dahan niyang itinataas ang kanyang skirt.
Napabuntung hininga na lang si Ed pero napapatitig sa legs ni Tin habang napapangiti ng palihim.
Tin
Ano tinitingin tingin mo jan? Kaw din, pag tinigil mo ung kasal eh di mo to matitikman.
Ed
Ano sa tingin mo sa akin makukuha mo sa ganyan? Kung gusto ko lang marami ako matitikman na ganyan kaya wag mo ipagyabang yan
Tin
Ah talaga ba? Siguro kagabi nung kasama mo si Ben eh eto pinaggagawa nyo? Tumitikim kayo ng iba? Mga salawahan! Wag mo ako kausapin ng buong araw ha!
Ed
Sabi ko na nga eh babalik sa ganito na naman eh! Sinabi ko na sayo na nagpatulong nga si Ben sa kotse niya kaya siya tumawag kanina at tinulungan ko yung tao. Alam mo naman na di ko siya matatanggihan dahil alam mo naman istorya ng buhay ko. Wag mo ako itulad kay Ben dahil simula nung nagmahal ako eh balewala na sa akin ang ibang babae at isang babae lang ang mahal ko at siya lang ang gusto kong makatikim sa akin
Tin
Wow ha, napakaswerte naman nung babae nay un. Siguro sobrang ganda niya at sobrang baet. Perfect siguro siya at meron siya nito.
Binuksan ni Tin ang suot niyang pang itaas na polo at binilog bilog yung kanyang dibdib habang pinapakita kay Ed.
Napatitig ng matagal si Ed sa ginawa ni Tin at natulala.
Bigla na lang inarangkada ni Ed ung kotse dahil nahimasmsan siya sa busina ng kotse sa kanyang likuran.
Go na pala yung stop light.
Tin
Ano tinitingin tingin mo jan? Ngayon magdesisyon ka kung kung gusto mo pa ako mapakasalan?
Ed
Sino ba nagsabi na ititigil na yung kasal? Eto nga o may pasalubong ako sa iyo?
Kinuha ni Ed ang pares sa likuran bahagi ng kotse habang nakared yung stoplight.
Binuksan niya ito ng bahagya para mapaamoy niya kay Tin ung pares niyang dala.
Tin
Wow, ang sarap naman niyan. Para kanino naman yan?
Sineseduce ni Tin si Ed gamit ang sexy voice niya habang nagbu-beautiful eyes siya kay Ed.
Ed
Syempre sa babaeng papakasalan ko.
Pilit kinukuha ni Tin yung pares kay Ed.
Si Ed naman ay ayaw ibigay ito kay Tin.
Tin
Akin na yan? Gutom na gutom na ako please?
Napadaan sila sa isang motel.
Nginunuso ni Ed yung motel.
Tin
Ano ibig sabihin niyan? Naku hindi pwede, di ako ganung klaseng babae no? Virgin pa kaya to? At sa mapapang asawa ko lang ito maibibigay at excuse me di ito pang motel no? pang Maldives ito noh!
Ed
Wow ha, ganun din naman yun, sa akin din mapupunta yan, pwede ba kahit downpayment muna?
Tin
Haha, hindi pepwede. Isang buwan na lang naman eh mapapasaiyo na din naman yan eh. Yun eh kung gusto mo pa din magpakasal sa akin.
Sineseduce pa din ni Tin si Ed. Akala niya maasar si Ed. Hawak pa din ni Ed ang alas niyang pares dahil gutom na gutom na si Tin.
Ed
Sa bagay tama ka jan. kaya ihanda mo na yan. Sinasabi ko sayo, magroroyal rumble tayong dalawa.
Tin
Yuck! Kadiri ka, ang maniac maniac mo! Alam ko naman na yan lang habol mo sa akin eh!
Ed
Excuse me! Andaming nagkakandarapa sa akin noh at naglalaway. Kung haliparot lang ako eh malamang general na ranko ko sa experience na sinasabi mo. Syempre gusto ko sa mahal ko lang din gagawin yun. Im not into cheap sex noh? I want making love ung sa taong mahal mo lang!
Tin
Wow, napakasweet! parang totoo!
Ed
Edi wag ka maniwala. Basta ako may pares!
Tin
sige na please, mahihimatay na ako sa gutom! Akin na yan!
Pilit inaagaw ni Tin yung pares kay Ed.
Ed
Hoy tumigil ka nga nag dadrive ako at baka maaksidente pa tayo!
Tin
sige na please ibigay mo na yan sa akin!
Ed
Sige na umayos ka muna ng upo mo at ibibigay ko ito!
Bigla umayos ng upo si Tin at sinunod si Ed dahil desperada na siya sa pares.
Ed
Isa pang condition, gawin mo ulit yung ginawa mo kanina
Tin
Alin dun?
Nginuso ulit ni Ed ung dibdib ni Tin
Tin
Napakamaniac mo talaga!
Ed
Maniac? So pag ako maniac pero pag sayo normal lang? Conservative? Napaka haliparot.
Tin
Sige na please! O sige na nga pero sandali lang ha baka malamigan eh.
Bigla ibinukas ni Tin yung suot niya ulit at biglang ibinuka yung legs niya.
Naapakan ni Ed ung brake ng kanyang kotse. Buti na lang malayo ung sasakyan sa likod at muntikan na bumangga sa kanila dahil sa biglang pagpreno ni Ed.
Duon na kumuha ng oportunidad si Tin na kunin yung pares.
Dinaanan sila ng kotse na muntikan bumangga sa kanila at minura mura.
Nagsorry naman si Ed.
Ed
Tingnan mo kalokohan mo! Muntikan pa tayo mabangga!
Tin
Wag mo ako sisihin. Kung ibinigay mo ng maayos yung pares eh wala tayong magiging problema. Napakamaniac mo kasi!
Ed
Wow ha! You're welcome!
Binuksan na ni Tin yung pares at tinikman.
Tin
Wow thank you my Hubby. I love you so much at napaka thoughtful mo talaga. Thank you and I love you!
Ed
Pucha yan lang pala magpapaamo sayo. Hay naku araw araw kitang bibilihan niyan. Almusal Tanghalian at hapunan pati midnight snack mo yan na din para tahimik ang mundo ko.
Dumating na sila sa kanilang opisina at kapwa naging busy.
Dumating si Ben after lunch na dahil sa puyat niya sa gimmick niya kagabi.
Pagdating ni Ben ay nilapitan agad siya ni Tin para usisain kung totoo ba yung istorya ni Ed sa kanya.
Si Ed naman ay nagsite visit.
Nagtugma naman ang kanilang kwento at paliwanag kaya tumahimik na din ang kalooban ni Tin.
Nakabalik si Ed ng opisina mga 6PM na pero hinihintay pa din siya ni Tin para ihatid siya nito pauwi.
Natapos ang araw na iyon sa lagi nilang pagvivideo call.
Lagi nagvivideo call silang dalawa bago matulog upang masiguro ni Tin na hindi na lalabas pa si Ed.
Nung unang mga taon nila bilang magkarelasyon ay lagi tumatakas si Ed after video call kaya naging mahigpit na si Tin simula nung sila ay naengage. Lagi itong nagrerequest ng video call na pinapakita ni Ed ang buong apartment niya. Ito ang naging condition ni Tin nung nagpropose si Ed sa kanya.