Chapter 3A: Flashback
Si Cherry ay ang lagi niyang katunggali sa may palaro / quiz bee sa kanilang school. Siya din ang kanilang class valedictorian at siya lamang ang salutatorian.
Batid niya na mas magaling at matalino siya sa kay Cherry subalit dahil sa kakulangan ng suporta sa kanyang pag aaral ay naging 2nd place na lamang siya after Cherry.
Mas marami naging award si Ed subalit natalo siya sa mga extra cocurricular activities niya na isang malaking factor sa pagconsider nito noong high school. Tanggap niya naman ito dahil sa sitwasyon ng kanilang pamilya.
Lagi silang magkalaban sa mga Quiz bee sa lahat ng subjects. Ginagawa ni Ed ay sumasali ito sa lahat ng patimpalak noong high school para sa premyo. Malaking bagay ang mga premyo na natatanggap niya sa mga patimpalak dahil ito din dati ang nagiging dagdag suporta sa kanyang pag aaral.
Ipinapadala din siya sa mga mga eskewalahan upang maging kanilang representative.
Dito siya nakakakuha ng experience at maibsan o makalimutan ang problema sa kanyang pamilya.
Si Ed ang panganay sa dalawang magkapatid. Meron siyang nakababatang kapatid na babae, si Eva. Limang taon ang agwat ni Ed at Eva. Grade 2 pa lamang si Eva ng iniwan sila ng kanilang ama at sumama sa sa ibang babae samantalang si Ed ay grade 6.
Namasukan si Aling Virgie sa pamilya ng tyahin ni Ben bilang isang stay in na kasambahay doon sa kabilang probinsiya. Ito ay sa tulong ng matalik nitong kaibigan ni si Aling Vicky, ang nanay ni Ben. At dahil na din sa walang magbabantay kay Eva noon ay napagdesisyunan niya na ipaampon na muna si Eva sa nakababata niyang kapatid para kahit papano ay makapagpatuloy ito ng pag aaral ganun din si Ed. Sa Baguio nakatira ang kanilang tyahin na si Mellie na umampon kay Eva.
Ang kanyang tiyahin ay kahit papano nakaangat sa buhay subalit hindi daw kakayanin na ampunin silang dalawa dahil na din sa asawa ng kanilang tiyahin na si Tiyo Jess.
Wala din magawa si Ed kahit labag sa kalooban niya ito. Si Ed at Eva ay close bilang magkapatid at napakaprotective ni Ed kay Eva. Mas inuuna niya si Eva sa lahat ng bagay. Sa tuwing mananalo siya sa mga patimpalak sa school ay lagi niya itong binibilhan ng regalo o pasalubong.
Naging isang kamulatan ang pagkakataon sa sila ay magkahiwalay. Isa ito sa naging pundasyon niya at motibasyon na magsumikap sa buhay.
Namuhay mag isa si Ed dahil pinangako niya sa kanyang ina na kaya niyang mabuhay mag isa. Inihabilin din ni Aling Virgie si Ed sa matalik nitong kaibigan na si Aling Vicky na nanay ni Ben. Nakaaangat na sa buhay sila Ben dahil na din ang kanyang ama ay nasa ibang bansa nagtatrabaho bilang isang Engineer.
Simula pa din noong bata ay matalik na magkaibigan na sina Ben at Ed kaya di na rin iba si Ed sa pamilya nila Ben at aling Vicky.
Nabuhay mag isa si Ed at nagpatuloy pa din ng kanyang pag aaral. Sa isang Private high school nagaaral si Ben samantalang si Ed ay sa public lamang. Laging kasali sa gulo si Ben sa kanilang school. Second year pa lamang ito ay naging maimpluwensiya at nabarkada sa isang fraternity. Si Ben ang nag iisang anak nila aling Vicky at Mang Philip kaya spoilEd at sunod sa luho si Ben.
Nang malaman nila aling Vicky na si Ben ay member na ng isang kilabot na fraternity sa kanyang eskewulahan ay agad itong trinansfer sa public highschool upang makaiwas sa mga naging barkada nito doon sa private high school.
Humingi si Aling Vicky ng tulong kay Ed na subaybayan maigi si Ben sa public school. Kapalit nito ay ang tulong din mula sa pamilya ni Ben na suportahan ang kanyang pangangailangan para mabuhay at sa kanyang pag aaral.
Bilib na bilib si Aling Vicky kay Ed dahil alam niya na napakatalino nito at dahil lamang sa kahirapan kaya di lumalabas ang tunay na galing.
Hanga din ito sa pagiging street smart ni Ed at maaga din nagmature sa buhay.
YOU ARE READING
Finding Ex
RomanceIsang buwan na lang mula ngayon ay ikakasal na si Ed sa kanyang kasintahan na si Tin pero isang panaginip ang maglalagay sa alanganin ng kanilang kasal ni Tin.
