Sweetest Downfall (#1)

Door Imbaaaaah

1.1M 3.6K 129

Miguel Sebastian Arevalo will never fall in love. That's for sure. Sigurado siya na hindi iikot ang kanyang b... Meer

Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4

Chapter 2

33K 628 11
Door Imbaaaaah

Hindi ako nagsayang ng oras. Hinabol ko si Miggy at niyakap sya mula sa likuran. "Please, don't go. Okay lang sa akin kung wag tayong magpansinan pag maraming tao. Okay lang talaga sa akin, Miggy. Wag mo lang gawin ito.." pagmamakaawa ko. Wala na akong pakealam kung magmukha na akong desperada.

Pinilit nyang hawiin ang kamay ko na nakayakap sa kanya. Ngunit hinigpitan ko pa lalo ang yakap. "Aaliyah, don't do this. Wag mo din gawin yan sa sarili mo.."

"Hindi.. alam ko na kahit konti ay may nararamdaman ka. Hayaan mo lang ako, Miggy. I'm sorry, but I'm desperate. Desperada na talaga ako. Gagawin ko lahat ng gusto mo."

Ilang buntong hininga ang pinakawalan nya bago ako sagutin. "Alright." Aniya. "Pero wala akong maipapangako na kahit ano sayo. Don't expect too much.."

Tinanggal ko ang yakap ko sakanya. Pumunta ako sa harapan nya at tumango sa kanyang sinabi. "Okay lang. Pangako, lalapit lang ako pag sinabi mo."

Hinawakan nya ang pisngi ko. Pinunasan ang mga luha na dumaloy sa pisngi ko. "You don't deserve me." Marahan nyang sabi. "Masasaktan ka lang sa akin, Aaliyah."

Umiling ako, hinawakan ang mga kamay nyang nasa pisngi ko. "Kaya ko. Kaya kong magtiis. Matagal na kitang gusto, Miggy. And I want this.. so much." Pag amin ko.

Matagal ko ng gustong sabihin kay Miggy ang tungkol sa nararamdaman ko. Kaya naman hindi ko na palalampasin ang pagkakataon na ito ngayon. Lahat ng pangaral sa akin ni Mama ay nawala na lang na parang bula. Nakalimutan ko na lahat dahil kay Miggy.

Hindi ko pa rin matukoy kung gaano nga ba kalalim ang nararamdaman ko. Pero gusto ko ito. Kahit na mahirapan ako ay gugustuhin ko pa ring makasama ang taong gusto at pinipili ng puso ko.

"Come on, pumasok na tayo." Aya nya sa akin. Tinanggal nya ang mga kamay nya na nasa pisngi ko bago maunang maglakad.

Tahimik lang akong sumunod sa kanya. Hindi ako sumabay, nasa likod nya ako. Wala naman kasi syang sinabi na sabay kaming maglakad.

Unang pumasok ng room si Miggy. Nagpalipas muna ako ng ilang sandali bago na din pumasok. Ayaw ko naman na may makahalata sa amin. Dumiretso na lang ako sa tabi ni Mia. Nanliliit ang mga mata nya habang tinitignan ako. Umupo ako sa tabi nya. Hindi pinansin ang mapanuri nyang tingin.

"Bakit maga yang mata mo?" Tanong nya.

Yumuko ako. "Napuwing ako."

"You're not a good liar, Iyah." aniya. "Lumapit ka kay Miggy kanina. Anong nangyari? Nag usap kayo? Kinain ba nya yung cake? Umalis na ako kanina dahil akala ko ay okay ka na kasama sila. Pero mukhang pinaiyak ka naman ata-"

Nag angat ako ng tingin. Nilingon ko sya at umiling. "Mabait sila. Tsaka, kinain ni Miggy yung cake." Pagsisinungaling ko. Ang totoo naman ay hindi ko alam kung nasaan ba yung cake o kung kinain ba nila o tinapon yun.

"Talaga? Kinain nya? Teka nga.. tatawagin ko-"

"Mia.. please." Pakiusap ko. Alam ko na tatawagin nya si Miggy. Kaya naman pinigilan ko sya.

"Sinungaling ka, Iyah. May nangyaring hindi maganda." May tono ng iritasyon sa kanyang boses. "Kung nag usap kayo, bakit hindi ka nya pinapansin? Kung nag usap kayo, bakit inaakbayan nya si Bea ngayon?"

Sinubukan kong wag magulat sa sinabi ni Mia. Pero gusto kong lumingon, para makita kung totoo ba ang sinabi niya. Ngunit hindi ko na ata kailangan pang gawin yun dahil narinig ko ang hiyawan ng mga kaibigan ni Miggy.

"Whoa, Miggy and Bea! Malamang bukas ay mababalita na naman ang paghahalikan nyong dalawa."

Gusto kong umiyak ulit. Pinigilan ko lang ang sarili ko. Don't expect too much, Iyah. Ginusto ko naman ito, eh. Hiningi ko ito kay Miggy. Kaya dapat kayanin ko.

Pero...

Bakit kailangan ipamukha pa nya ito ng harap harapan? Bakit kailangan pa nya akong itago sa lahat? Bakit pag ibang babae ay ayos lang makasama sya sa maraming tao?

"Mia.." tawag ko. Lumingon sya sa akin. "Pangit ba ako?"

"Huh?" Kunot noong tanong nya. "Maganda ka, Iyah. Effortless nga yang ganda mo, eh. Kahit na walang make up, maganda ka pa rin." Ngumiti ako ng tipid sa sinabi nya. Nag ayos ako ng upo.

Sa buong maghapon ay si Miggy lang ang iniisip ko. Hanggang sa mag uwian na ay sya at si Bea lang ang nasa isip ko. Sabay silang umalis. Sumakay pa si Bea sa kotse ni Miggy. Sa kotseng yun... bumuntong hininga ako. Pinagpatuloy na lang ang paglalagay ng ibang libro ko sa locker.

"Iyah, hindi nga pala kita maisasabay sa pag uwi. Si mommy kasi, eh. May utos." Ani Mia.

Isinara ko na ang locker ko at tinignan sya. "Ano ka ba.. okay lang yun." Ngiti ko.

"Sorry talaga." Aniya.

Inayos ko ang bag ko at natawa sa sinabi nya. "Wag ka ngang magsorry." Sabi ko.

Naglakad na kami sa hallway. Konti na lang ang mga estudyante dahil malapit ng gumabi. Sa gate ang tuloy ko, si Mia naman ay sa parking lot.

"Mag ingat ka." Aniya bago kami maghiwalay. Tumango na lang ako at kinawayan sya.

Habang nag aabang ako ng jeep ay may biglang tumabi sa akin. "Hi miss.. pwedeng makisabay?" Nilingon ko ang nagsalita. Mukhang pamilyar ang boses.

Nanlaki ang mga mata ko paglingon ko pa lang sa nagsalita. "Jed?" Di makapaniwalang sabi ko.

Ngumisi sya. "Aaliyah Romero.."

"Ikaw nga si Jed?" Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na sya nga ang kaharap ko.

"Oo nga! I'm Jed Herrera. Ano, mas lalo ba akong naging gwapo?" Tawa nya.

"Jed!" Sa sobrang saya ko ay niyakap ko sya kahit nandito kami sa gilid ng daan.

Umuwi na sya! Umuwi na si Jed.

Isa sya sa pinakamatalik kong kaibigan. Malamang, matutuwa si Mia pag nalaman nya na umuwi na ang lalaking ito. Noong third year high school kasi kami ay nag migrate ang pamilya nya sa Australia.

"Whoa! You really missed me, huh?" Tawa nya ng maghiwalay kami sa yakap.

"Ikaw kasi eh! Kailan ka pa nakauwi?" Hindi pa rin maalis sa labi ko ang ngiti.

"Kahapon lang. Pagdating ko dito, kayo agad ni Mia ang naisip ko."

"Di mo man lang sinabi na uuwi ka." Tampo ko. Inayos ang pagkakatayo.

"Para surprise. Saan nga pala si Mia?" Tanong nya.

"Nauna ng umalis."

Tumango sya. "Okay. So, dinner? Treat ko!" Nakangiti nyang tanong. Lumitaw tuloy ang dimples nya.

"Sure!" Sabi ko.

Kaya naman tumungo kami sa pinakamalapit na kainan. Ang dami naming naging kwentuhan. Ang tagalndin kasi naming hindi nagkia, eh. Kinwento pa nya sa akin ang buhay nya sa Australia. Sinabi din nya na nandito lang sila para sa bakasyon. Aalis din sila sa susunod na buwan.

"Ikaw, Iyah. May nanliligaw na ba sayo?" Bigla nyang tanong.

Natigilan ako sa pagtawa. Naalala ko na naman si Miggy. "Wala.." sagot ko na lang. Yun naman talaga dapat ang sagot, diba? Hindi ko naman alam kung ano nga ba talaga kami ni Miggy ngayon.

"Sa ganda mong yan? I'm sure marami ang pumipila sayo." Biro nya.

"Naku, Jed. Wag mo nga akong bolahin. Baka ikaw nga dyan. Baka marami ka ng pinaiyak na babae sa Australia."

Umiling sya habang nanlalaki ang mga mata. "Hindi, ah! Alam mo namang hopeless romantic ako nung high school pa lang tayo."

Ngumisi na lang ako at nagkwentuhan pa kami sa ibang bagay. Nang lumalim na ang gabi ay inalok na nya ako na ihatid. Dahil sa oras na din ay pumayag na ako.

"Kamusta na nga pala si Tita?" Tanong nya habang nasa byahe kami.

"Ayos naman." Sagot ko.

Tumango sya. "Bukas nga pala, babalik ako sa school nyo. Susunduin ko kayo ni Mia. Punta tayo sa amin."

"Sige.."

Inalok ko syang pumasok sa bahay pagdating namin. Kaya lang ay tumanggi sya. Ang sabi nya ay susunod na lang daw. Pagpasok ko ng bahay ay tumungo na agad ako sa kwarto ko. Si mama ay tulog na. Nagbihis muna ako ng pantulog bago humiga sa aking kama.

Kinuha ko ang cellphone ko nang tumunog ito. May dalawang mensahe akong natanggap. Parehong unknown number.

Unknown number:

Hey, Iyah. It's Jed. See you tomorrow. Sweet dreams! :)

Napangiti ako. Oo nga pala, binigay ko ang number ko sa kanya bago kami maghiwalay. Sinave ko muna ang number nya bago magreply.

Ako:

Okay, Jed. See you! Goodnight :)

Matapos kong magreply ay ang pangalawang mensahe naman ang binuksan ko. Galing din sa unknown number.

Unknown number:

Goodnight. Save my number. Miguel Sebastian Arevalo.

Hindi natanggal ang tingin ko mensahe nya. Sa simpleng text lang nya ay nagagawa nyang patibukin ng mabilis ang puso ko. Unti unti  akong napangiti habang nakatitig pa rin sa aking cellphone.

**
-Kerbs

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

92.4K 1.3K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
1.6K 127 29
COMPLETED! √ Vale Samson, a girl who just wanted to protect her heart from the pain that love can cause her. A girl who wants to feel loved for the...
28.1K 1.8K 84
Natalia Rivera Guinness is an 18-year-old girl who has a lovely family that loves her like a princess. Her lover, Lucas James Santiago, cheated on he...
25.6M 909K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...