The Curse

By sweet_aria

328K 13K 3.1K

[AGREZOR SERIES #2] More

The Curse
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35

Chapter 34

13.1K 392 124
By sweet_aria

Chapter 34

"He bought groceries, brought the kids to school, and yesterday, cooked you dinner?" Dumampot si Georgina ng nachos at pumasada ang dila sa ibabang labi dahil sa bahid ng dip doon. Patuloy siya sa pagnguya, pinapanood ako.

Tumango ako. Katatapos ko lang ikuwento sa kanila ang mga nangyari sa nagdaang mga araw. Ipinatong ni Phoebe ang braso sa balikat ko, ngumisi siya.

"3-2," she said. "Paano ba 'yan, Georgie? Lumalamang na si Rogue."

Pumangalumbaba si Georgina, at bumaling kay Phoebe na nagsalin ng alak sa shot glass. Georgina was already tipsy. Her eyes started to close intermittently after the second bottle.

Usapan namin na isang bote lang ang uubusin namin, hanggang sa hindi namin namalayan na nakakatatlo na kami.

"Hindi pa tapos ang laban. Look, Ragna told him to stop courting her, but did he stop?" Ininom ni Georgina ang tagay at malakas na inilapag ang shot glass sa table. "I think we better get ready for his next moves."

"'Tong si Georgie, 'di mo malaman kung sino talagang manok. Kanino ka ba talaga?" natatawang komento ni Maxine.

"Lito na rin ako, Maxine!" Natawa rin si Georgina. "I-cheer ko sila pareho, tapos akin ang talo. Malay mo, ako pala ang magbibigay kulay sa mundo niya."

Napailing ako. Ako naman ang uminom.

"Payag ka ba matitikman ko si Rogue if ever na siya ang talo?" tanong sa akin ni Georgina.

My smile faded, and I focused my eyes on her.

"Char lang, sis! 'Di ka naman mabiro. Alam mo namang ibang lahi gusto ko," pagbawi niya at lumapit sa akin saka ako hinalikan sa pisngi. Lasing na nga! "Totoong kaibigan ako, hindi ahas. Pero gusto ko na rin ng ahas at matuklaw. 'Di mo ba miss?"

I pinched her waist making her pull away from me quickly.

"Aray, Ragna!" angal niya.

Napuno ng tawanan ang mesa at bumalik na siya sa upuan niya.

"I have foreign friends. You don't need to download dating apps again."

Napalingon ang lahat kay Phoebe. She smiled widely, waiting for Georgina's reaction.

Nanlaki ang mga mata ni Georgina. "May irereto ka?"

"Ayaw mo ba?"

"Syempre, gusto!"

"Gusto nang mapasukan ng ahas ang butas," makalokohang sabi ni Claudine. "Ikaw ba, Ragna, anong favorite sex position mo?"

"Clau!" Humagalpak ulit ng tawa si Maxine.

Tumayo ako, hindi pinansin ang tanong ni Claudine. "Excuse me, I need to check on the twins."

"'Ba 'yan! KJ, sis!"

Inilapit ko ang mga labi sa tenga ni Phoebe. "Bantayan n'yo ang dalawang 'yan. May mga tama na."

She nodded her head.

I went into Halona's room, but my daughter wasn't here. Lumipat ako sa kwarto ni Rainer, at nakayakap si Halona sa kuya niya habang nanunuod ng TV. Nilingon nila ako at parehong ngumiti. I glanced at the digital clock on the bedside table as I sat on the bed.

"Why are you still wide awake?"

Inabot ni Halona ang kamay ko, pinaglaruan ito. "Mommy, can we finish watching the movie po?"

"It is nine forty-five—"

A knock at the door interrupted my sentence. Bumukas ang pinto at sumilip si Rogue.

Nagtama ang mga mata namin bago siya tuluyang pumasok. "Halona texted me to sleep over."

My eyes roamed over his body. He was wearing a black T-shirt, chinos, and a pair of white sneakers. Simple lang pero hindi pa rin maitago ang kakisigan ng katawan. Tumagal ang tingin ko sa biceps niya bago muling umangat sa mukha niya.

May dala siyang bag na sigurado akong damit ang laman. Tumayo na ako, hindi mahalikan ang dalawa dahil sa iniinom naming alak ng girls.

"All right, make sure that you'll go to sleep after the movie. Good night!" Nginitian ko si Rogue at nilagpasan siya.

Malapit na ako sa hagdan nang haklitin niya ang bewang ko at iniikot ako paharap.

Naiilang kong iniwas ang tingin sa kanya. "What are you doing, Rogue? I need to go back to the garden."

Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok sa mukha ko at hinawakan ang kulot sa dulo nito.

"You curled your hair. Did you go on a date with the doctor?"

Muli akong napatingin sa kanya. Nakakunot ang noo niya, titig na titig sa mukha ko.

"What?" Natawa ako, mahina siyang itinulak pero mas humigpit ang yakap niya sa bewang ko. "Phoebe played with Halona's hair and mine while we're waiting for the girls."

Matagal na naghinang ang mga mata namin.

"Let go of me. It's hot in here and I wanna get some fresh air."

Doon niya ako binitawan pero gumapang naman ang kamay niya sa kamay ko. Hinila niya ako pababa, at ako ay nagtataka sa ikinikilos niya.

"Rogue?"

"He's here. I won't let him score a point with you."

Hindi ako nakapagsalita hanggang sa nakarating kami sa garden. Bumitaw ako sa kamay niya nang dumako ang tingin ng mga kaibigan ko rito at ni Justice na mukhang kadarating lang.

Lumapit sa amin si Justice at inilahad sa akin ang dala niyang mga pulang rosas.

Nagdalawang-isip akong tanggapin ito pero ayoko naman siyang ipahiya sa harap ng mga kaibigan ko. "Thanks, Justice!" Kinuha ko ang bulaklak sa kanya.

Bumalik siya sa upuan sa gitna nina Georgina at Maxine. Rogue sat next to me, obviously watching Justice's every move.

"You still remember that I curl my hair whenever I go on dates," I almost said in a whisper, stealing his attention.

Nilingon lang niya ako. Napakaseryoso ng mga mata niya. "I couldn't forget details of you. But it's obvious that you did forget me."

"Even I can't choose between Rogue and Justice," Claudine slurred. Tumingin siya sa akin pero biglang napatayo nang may nakita siya sa likuran ko. "Aegeus Agrezor?"

Napalingon kami sa tinitingnan niya. Tumayo ako at si Rogue dahil sa dumating.

Aegeus wrapped his arm around Amity's waist. "Good evening," he greeted. "Sorry for the unannounced visit. Amity just wants to see Halona."

"It's pretty late, Aegeus." Lumipat ang tingin ni Rogue kay Amity. "Are you okay?"

Tumango si Amity. "Yes, Kuya."

Lumapit si Rogue sa dalawa. Niyakap niya si Amity at ngumiti lang si Aegeus.

"You sure?"

Amity nodded again before turning her head to me. Bumeso siya sa akin at bumalik sa tabi ni Aegeus. Dinampot ko ang phone sa mesa at tinawagan si Halona.

"Mommy?" she answered.

"Your Tita Amity is here. Come down here for a second. She wants to see you."

"All right, Mom."

Pagkatapos kong makipag-usap kay Halona ay ipinakilala na ni Phoebe sina Aegeus at Amity sa mga kaibigan namin.

"Okay na sa akin na hindi Agrezor maging jowa, nakaka-nose bleed sila!" angal ni Maxine habang pinakikinggang mag-usap sina Aegeus at Amity.

Napangiti si Amity sa biro ni Maxine. "Marunong silang mag-Tagalog." Sumandal siya sa dibdib ni Aegeus. Hinaplos naman ni Aegeus ang hubad niyang mga balikat. Nakasuot lang kasi siya ng itim na square neck tank top at puting shorts. "Especially Aegeus and Dash. Nag-aral ulit si Aegeus ng Filipino bago naging President ng Hasse."

"Kaya ka siguro nagustuhan ni Aegeus. Ang ganda ng accent mo, Ma'am Amity."

Aegeus shook his head and kissed Amity's hair. "Her heart, eyes, and intelligence attract me." Inilapit niya ang bibig sa tenga ni Amity, may ibinulong siya rito.

Halata ang kilig ng mga kaibigan namin dahil sa dalawa.

Napatingin kami kay Halona na patakbong lumapit kay Amity. Humalik siya sa pisngi nito at kay Aegeus. Saglit silang nag-usap bago bumalik sa loob ng bahay si Halona.

"Ang sweet nila. Ayokong mainggit pero naol si Amity!" gigil na sabi ni Maxine.

"Sobrang ganda tapos ang sarap pa ng boyfriend, 'no?" Ininom ni Georgina ang shot niya. "Si Ragna at Amity, no'ng nagpaulan ng blessings, nag-swimming ata."

"Tingnan mo kung paano hawakan ni President, parang mamahaling porcelain na mababasag anytime. Maingat din kaya si Aegeus sa kama?" bulong ni Claudine kay Phoebe na narinig ko.

"Ihatid na kita sa inyo, Clau. Mukhang gusto mong madiligan ngayon. Kanina pa kayo ni Georgina na pinepeste ang kainosentehan namin."

"Engineer, baka kapag nakakita ka ng—"

Tinakpan ni Phoebe ang bibig ni Claudine. Napatingin sa kanila ang lahat, "Maybe, we should play a game," she said. "Nakakita na ako. Siguradong mas malaki pa sa jowa mo," bulong niya kay Claudine na narinig ko pa rin. Pinakawalan niya ito.

Nang lumingon siya sa akin ay napalunok siya. Nagtatanong ko siyang tinitigan.

"'Never Have I Ever' game" Claudine suggested. Makalokohan ang tingin niya kay Phoebe.

Sumang-ayon ang lahat maliban kay Rogue na ramdam kong kanina pa ako pinapanood.

"Rogue?" tanong ni Claudine.

"I'll join."

"Cool!" Tumayo si Claudine, inilibot ang tingin sa amin. "Georgie, 'lika gawa tayong 15 questions."

Lumayo sila sa amin. Napailing si Phoebe sa tabi ko, nanatili ang tingin ko sa kanya.

"Don't look at me like that, honey."

"Make sure that you didn't do something crazy," I warned.

Hindi siya sumagot. Iniwas niya ang tingin sa akin at doon pa lang ay alam ko na. May kalokohan nga siyang ginawa.

"Nag-search kami sa Google. Pwede siyang per category. But since 15 questions lang, 3 questions each category ang inihanda namin," paliwanag ni Georgina pagbalik sa table. "We didn't copy the questions, but we'll use the same five categories. Dating, dirty, funny, crazy, and I wish you hadn't told me never have I ever questions."

Georgina and Claudine explained us the mechanics. Kapag nagawa na namin ang tanong na sasabihin ng dalawa ay kailangan naming uminom ng alak.

"Malinaw naman ang mechanics sa lahat, so pwede na tayong mag-start. Let's have the funny category first." Tumayo si Claudine sa unahan at hinigit si Georgina na may ibinubulong kay Phoebe.

Natawa naman si Georgina dahil sa atat na si Claudine.

"Okay, first question," Georgina started. "Never have I ever stabbed a classmate with a pencil."

Uminom sina Georgina at Claudine, napuno ng tawanan ang mesa. Sumunod na tanong ay kung may nahalikan na kaklase noong elementary at panghuli ay nag-cutting.

Sabay na napainom ang dalawang Agrezor sa second question at sa pangatlo ay halos lahat maliban kay Drea at Amity. Hanggang sa dalawang categories na lang ang natitira, dating at dirty.

Naramdaman kong dumapo ang kamay ni Rogue sa likod ko. Nilingon ko siya na seryosong nakatingin kay Justice.

"Okay, dating na," excited na sabi ni Georgina. "Never have I ever French kissed someone in public."

Uminom ang lahat maliban kay Drea. Nag-init ang pisngi ko nang naalala ang mga halik sa akin ni Rogue noon. Tatlong tanong sa dating ay uminom kami ni Rogue.

"Never have I ever had sex in a car."

Nagkatinginan kami ni Rogue. Napalunok ako at nanginginig ang kamay na inabot ang shot glass.

Ako, siya, si Amity, Aegeus, Justice, at Claudine ang uminom.

"Nag-sex kayo sa kotse noon?" bulong ni Phoebe sa tenga ko.

Hindi ako sumagot. Mariin akong napapikit nang mahina niya akong kinurot sa hita. Nagkwento ako sa kanya noon tungkol sa amin ni Rogue pero hindi ko idinetalye kung saan namin ginawa ang mga iyon.

"Never have I ever kissed or made out with a colleague or co-worker and was almost caught in the act."

Naalala ko ang aksidenteng halik na nangyari sa amin ni Justice. Uminom sina Aegeus, Amity, Rogue, Phoebe, Claudine, at Georgina, bago ako sumunod.

Aegeus chuckled and Amity propped her chin on his chest as they apparently remembered something. Natawa ang mga kasama namin nang hampasin niya ang dibdib ni Aegeus.

Huling question na pero pinatagal pa ni Georgina. Ngumisi si Claudine at nilingon si Phoebe.

"Never have I ever let an acquaintance finger fuck me, and for the guys, never have I ever finger fucked an acquaintance."

Nagkatinginan ulit kami ni Rogue at sabay uminom. Naalala ko ang unang beses na may nangyari sa amin. Uminom din si Aegeus at Justice, at mas ikinagulat ko si Phoebe.

I rose from my seat and glanced meaningfully at Phoebe. Nakuha naman niya ang ibig kong sabihin.

Paalis na ako nang bigla akong natisod dahil napigtal ang tsinelas ko. Mabilis na may lumapit sa akin at hinawakan ako sa magkabilang bewang bago pa ako bumagsak sa lupa.

"3-3!" anunsyo ni Georgina.

May humawak sa braso ko at inagaw ako kay Justice. Akmang aambahan siya ni Justice, halata ang inis sa mukha dahil sa ikinilos ni Rogue, pero pumagitna na ako.

"Ayoko ng gulo." Pinalipat-lipat ko ang tingin sa kanila bago ko sila iniwan. Nagsuot ako ng pambahay na tsinelas at dumeretso sa kusina. Saglit lang ay pumasok na si Phoebe.

"Start," I said.

"Ken Clemente."

"The model?"

Tumango siya. Ikinuwento niya sa akin ang pangungulit ng lalaki na nakilala niya sa isang social event. Tuesday ng gabi nang muntik na raw may mangyari sa kanila.

"Ang tagal mong iningatan tapos kay Mr. Clemente ka lang pala bibigay?"

"Masarap." Sumandal siya sa table at napapikit. "Kaya pala grabe siyang habul-habulin ng mga babae."

Natawa ako. Pinagsabihan ko na lang siya at pinag-usapan namin ang mga plano niya.

Palabas kami ng kusina nang mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko. "Thank you, honey."

We stopped at the base of the stairs and I faced her again. "Nasa tamang edad ka na. Basta mag-iingat ka lang, ha? You know how much I love you, Phoebe."

Tears filled her eyes but she still managed to smile.

"I love you, Ragna."

"I love you more." Pinunasan ko ang luha niya bago ko siya tuluyang binitawan.

"Magpapahangin muna ako," paalam niya.

"Sure."

Lumabas siya ng bahay. Patalikod na ako nang biglang pumasok si Rogue. Umakyat ako sa hagdan at siya ay nakasunod lang sa akin.

Pagpasok sa kwarto ay dumeretso ako sa kama. Sumandal naman siya sa pinto, pinanonood ako.

"You mad at me?" he started.

Nagtama ang mga mata namin. Lumapit siya sa akin at itinuon ang mga kamay sa magkabilang gilid ko. Napatingala ako, hindi rin maialis ang tingin sa mukha niya. Salamat sa alak dahil sa lakas ng loob ko ngayon.

Umiling ako. "You're asking because you made out with a co-worker? Or is it because you want to fight with Justice?"

"Both." Hinawakan niya ang baba ko saka hinaplos ang pisngi ko.

"Justice and I accidentally kissed once," I confessed.

Nabitawan niya ako. Akmang lalayo siya pero agad kong ipinulupot ang mga kamay sa batok niya.

"You mad?" I asked, caressing his nape. Bumaba ang tingin ko sa mga labi niya. Napapikit ako nang pumasok sa isip ko kung paano niya ako halikan at angkinin noon.

Ganoon din ba siya sa ibang babae?

Tumayo ako at biglang pinagbaliktad ang pwesto namin. I pushed him onto the bed and inched my face forward, studying his face.

"Ragna, stop," he warned, almost in a whisper. "Aren't you scared?"

Umiling ako, hindi na makontrol ang sarili.

His Adam's apple moved as he swallowed slowly.

"Answer me, Rogue."

Ilalapit ko pa sana ang mukha nang bigla niyang pinagbaliktad ulit ang pwesto namin. Nagtaasan ang balahibo ko nang ilapit niya ang mga labi sa punong tenga ko.

"That's an accident, but yes, I can't stop being jealous." Marahan niyang kinagat ang tenga ko. "Call it a night, Ragna. Or else you'll regret it tomorrow."

Hinalikan niya ang ulo ko at mabilis na bumangon.

"Good night!"

Tanghali na kaming nagising. Nagluluto kami ni Phoebe habang nagkukwentuhan naman sila Claudine sa dining table, at hindi mawala sa isip ko ang mga nangyari kagabi. Umuwi sina Amity at Aegeus pati si Justice nang hindi ko alam, dahil nakatulog agad ako sa kwarto paglabas ni Rogue kagabi.

Kaya nang pumasok na si Rogue at ang kambal sa kusina ay mas lalo akong natahimik.

Pag-alis ng mga kaibigan namin ay naligo agad ako at nagbihis dahil katulad ng napag-usapan namin ni Mrs. Agrezor ay dadalhin ko sa kanya ang kambal.

Ipinarada ni Rogue ang sasakyan malapit sa kulay violet na kotse. Naunang lumabas ng sasakyan sina Phoebe at ang kambal. Naiwan kami at napatingin ako sa phone niya na nagsimulang tumunog, pero hindi niya pinansin.

Bumitaw siya sa manibela at hinarap ako. Nagtama ang paningin namin. Inilapit niya ang sarili sa akin at tinanggal ang seatbelt ko. Tumama ang mainit niyang hininga sa tenga ko na nagpaalala ulit ng iniakto ko kagabi.

"Hangover? Let me make you a fruit juice in the kitchen."

His phone rang again. Nilingon niya ako at tumama ang matangos niyang ilong sa pisngi ko. Nagwawala ang dibdib ko dahil sa lapit namin sa isa't-isa. Napapikit ako nang marahan niya akong hinalikan sa pisngi.

"Let's go."

Doon lang ako natauhan at pinagbuksan niya ako ng pinto. Gumapang ang kamay niya sa bewang ko.

Papasok na sana kami sa bahay nang biglang may bumusina. Pumarada ang kulay pulang sasakyan sa tabi ng Mercedez niya at lumabas dito ang isang magandang babae.

"Ava?" he muttered under his breath.

"Rogue!" The woman ran toward us and hugged him excitedly.

Agad lumayo si Rogue sa babae. Confusion etched on her face, and she turned her face to me.

"What are you doing here?"

Pumasada ang tingin ng babae sa kabuuan ko. "Is that how you treat me after everything that's happened between us?"

Para akong nabingi sa narinig. Hinarap niya ulit si Rogue.

"Ava, we ended it a long time ago."

"I didn't accept it, Rogue. I'll text you the address of the hotel I'm staying at. I'll wait for you tonight." Muli akong tiningnan ng babae bago sumakay sa kotse niya at pabagsak na isinara ang pinto.

Continue Reading

You'll Also Like

113K 5.6K 41
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...
1.3M 54.8K 56
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
27.4M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
29.1M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...