Every Beat of Heart (Agravant...

By jhelly_star

32.4K 861 45

[COMPLETED] Michelle Agravante, the softest and the kindest girl of all the Agravantes is deeply in pain afte... More

AUTHOR'S NOTE
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
WAKAS

KABANATA 6

756 20 0
By jhelly_star

Kabanata 6

Cookies

--

Hindi mapakali ang puso ko sa sobrang saya. Leandros accepted the cupcakes I gave him! At ako pa ang gumawa noon! Hindi ako makapaniwala. Buong akala ko tatanggihan na naman niya ako at susungitan dahil hindi naging maganda ang huli naming pag uusap pero siguro gaya ni Seb, may mabait rin siyang puso.

Hindi mawala ang ngiti ko habang nandito kami sa isang coffee shop ni Luna. Hindi mawala sa isip ko na tinanggap ni Leandros ang bigay ko. Tinanggap niya talaga iyon!

"Maybe he'll just throw it away?" Panirang sinabi ni Luna.

Ngumuso ako. "Hindi naman siguro..."

Umirap siya. "He was rude the last time you talked so how did he become nice to you right away? At malamig pa rin ang trato niya sayo, noh. Wag ka munang umasa!"

Mas lalo akong ngumuso. Tama naman siya pero baka hindi naman ganon si Leandros. Baka inuwi niya sa kanila ang cupcakes tapos kinain niya. Seb is kind so I'm sure he's kind too.

"But I just want to know, why would you want to see that man all the time?" Luna asked.

Hindi ako nakasagot. I can't say my reason because somehow... I'm guilty.

Nagtaas siya ng isang kilay sa akin.

"Because you see Sebastian in him?"

"N-No. I just want to be friends with him..." I said softly.

"Gosh! I already know you, Michelle Morganna. I know your moves. Alam ko rin kung kailan ka nagsisinungaling kaya wag ka nang magsikreto sa akin! Itong ginagawa mo, it's all because he looks like Sebastian, right?"

Hindi ako nakasagot. Nagbaba lang ako ng tingin.

"It's not that I'm stopping you but they're different, Mina. They're so different! Sa mata palang, alam mo nang magkaiba silang dalawa. Kaya sana naman hindi tulad ng iniisip ko ang iniisip mo!" Pinandilatan niya ako.

Sa mga sinabi niya'y bahagya akong nasaktan. Parang pinamukha lang ulit sa akin na wala na nga si Sebastian. I know they are different. I will never forget that. Seb is different and Leandros is different. Leandros will never be like Seb.

Pero magkamukha sila. Parehong pareho sila. I couldn’t help myself and I always wanted to see him. Iyon lang ang paraan para hindi ko na ma-miss si Seb. At para maging masaya ulit ako. Kahit pa mabait si Seb at masungit si Leandros.

Kinabukasan bumalik ulit ako sa school nila Luna. Alam ko paulit ulit nalang pero dahil tinanggap ni Leandros ang cupcakes na binigay ko sa kanya'y mas lalo akong ginanahang pumunta. Masaya at excited ako habang naghihintay kay Luna. I'm a little guilty that I'm just coming here for Leandros and not for her but I know she understands me. Babawi nalang ako sa susunod.

"Hi, Michelle!" Bati ng nga nakakakilala sa akin. Binabati ko lang rin sila pabalik.

Pumasok ulit ako sa school nila at naghintay kay Luna sa isang bench na nandoon. It was just near the gate so I could see the students coming out.

"Michelle!" Lumapit sa akin sina Gabrielle na palabas na sana ng gate pero nakita ako.

"Hello!" I smiled at them.

"You're here again. Lalabas ulit kayo ni Lunara?" Nakangiti niyang tanong at tumabi sa akin.

"Ah, hindi. Hinihintay ko lang talaga si Luna at... may gusto rin akong makita..." medyo nahihiya kong sinabi.

"Sino? Iyong lalaking kamukha ng ex boyfriend mo?" Si Kleah na ngumisi.

Nagulat ako. Hindi ko alam na alam nila ang tungkol sa amin ni Seb noon. But he never became my boyfriend. We're just... maybe... MU?

"Ex boyfriend? Sebastian Hidalgo?" Si Rena.

Tumikhim ako. Hindi ako komportable na pag usapan si Seb. Lalo na sa kanila. Hindi ko alam na may alam pala sila tungkol sa akin. Siguro ganon lang talaga kami ka-close ni Seb noon na nag assume na silang kami na.

"Kakambal ni Lee si Sebastian. They're both Hidalgo and he doesn't keep it a secret," Kaira said.

Lee? Leandros?

"Why do you want to see him, Michelle?" Gabrielle asked.

Hindi ako nakasagot roon. Aside from the fact that I’m not really comfortable, parang ayoko ring sabihin sa kanila.

"Siguro kasi kamukha niya si Sebastian," humalakhak si Kleah.

Kinagat ko ang labi ko at bahagyang napayuko. Hindi ko alam kung bakit sila natawa pero guilty ako.

"Halika na. Kailangan ko nang umuwi," anyaya ni Rena kina Gabrielle.

"Oh! Okay. Michelle..."

Nag angat ako ng tingin kay Gabrielle. She smiled and I forced a smile too.

"Uuwi na kami. Bye!"

"Bye..."

Umalis sila habang nagtatawanan. I looked down at my hands. I didn’t feel comfortable. Especially since they didn’t hesitate to mention Sebastian’s name in front of me. Alam pala nilang may namamagitan sa amin ni Seb noon pero hindi sila nag alinlangang...

I feel like they don’t care about my feelings. But what can I expect? Luna is the only friend they want. They are just nice to me because I'm an Agravante. Alam ko iyon dahil marami na akong nakilalang ganyang mga tao. Yung gusto lang ako dahil kilala ang pamilya ko. Naisip ko tuloy kung hindi ba ako isang Agravante, paano nila ako itatrato?

But that doesn't matter anymore. Nakakalungkot lang na handa na sana akong ituring sila bilang tunay kong mga kaibigan pero ganito... Pakiramdam ko ayoko na. Siguro ayos na sa akin si Luna.

"Mina... ano ba itong ginagawa mo? Sinabi ko na sayo na magkaiba sila!" Pinandilatan ako ni Luna.

"Alam ko naman iyon. Gusto ko lang... makipag kaibigan sa kanya?"

Umirap siya. Ngumuso ako.

"Is it forbidden to make friends now?"

"Basta siguraduhin mo lang na kaibigan lang ang habol mo dyan. Dahil uulitin ko sayo, magkaiba sila! Hindi si Sebastian ang lalaking iyon, ayaw kitang masaktan."

Ngumiti ako at niyakap ang kaibigan. Palagi nalang siyang concern sa akin. Masaya talaga ako na siya ang naging kaibigan ko. Tsaka alam ko naman ang sinasabi niya. Of course I know that Sebastian and Leandros are different. I just really... want to see Leandros and be friends with him. That's all.

I saw Leandros not far from us. Dumaan lang siya sa harap ng gate at mukhang hindi pa uuwi. May mga dala siyang mga folder at mga libro, mukhang dadalhin niya ang mga iyon sa kung saan.

Luna knew immediately what I was going to do so she just shook her head and let me go. Smiling, I went to Leandros and followed him. Kinakabahan ako at naghahanap pa ng tsempo para kausapin siya nang huminto siya at humarap sa akin dahilan para matigilan ako!

I stopped walking and my eyes widened as I looked at him. Kumalabog ang puso ko. Parang hindi naman siya nagulat na nakita niya ako at walang emosyon lang ang kanyang mga mata. Deretso agad ang paningin niya sa akin!

"H-Hi!" Bati ko kahit may kaunting gulat pa rin.

"What are you doing here?" He asked seriously.

"Uh... g-gusto ulit sana kitang makausap. K-Kung pwede..."

He didn't speak. I was even more nervous at his unchanging expression. He accepted what I gave him yesterday but he still doesn’t seem to lose his temper with me! Nakaramdam ako ng takot.

Bumaba ang mga mata niya sa katawan ko. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at napalunok ako. I tried to smile to hide my nervousness but it was definitely obvious on my face!

"Uh... y-you accepted the cupcakes I gave you yesterday... D-Did you eat them?" I feel so stupid for asking that.

Hindi pa rin siya nagsalita kaya naghanap ako ng mga bagong sasabihin. Hindi ko alam kung naramdaman niya ba ako kaya siya huminto kanina o baka may nakalimutan lang siya at babalik na sana pero nakita ako. Pero sasamantalahin ko na ito para makausap siya. I want to be friends with him. Alam kong makapal na ang mukha ko pero... gusto ko ulit maging maayos ang trato sa akin ng mga Hidalgo. Ayoko nang hayaan nalang ang galit nila sa akin na manatili.

"Salamat nga pala sa... pagtanggap ng cupcakes. Ako ang nagbake noon at kung kinain mo man... sana nasarapan ka. Uh... mahilig ka ba sa sweets?"

It's too late to ask that, Michelle! You already gave him cupcakes!

"May babalikan pa ako sa building ko. Is that all we're going to talk about?" He finally spoke, but his voice was very cold.

Dahil roon ay nataranta ako bigla.

"Uh... I'm sorry. I just want to know if you enjoyed the cupcakes. Baka kasi hindi masarap, nakakahiya sayo--"

"It's sweet," he cut me off.

Natigilan ako at napakurap kurap. Gusto kong ngumuso dahil sweet naman talaga ang mga cupcakes pero... sige. Ayos nang sinabi niya sa akin kung anong lasa.

"Ganon ba? Kung ganon... mahilig ka sa mga sweets?" Nakangiti kong tanong.

The wind blew my hair as I stared at him. I just noticed that their school has more trees than our school. There are many benches to sit on at malawak rin ang mga daanan. Ganito rin sa Georgina University pero mas marami talagang puno rito.

"Why are you asking me these questions?" Kunot noo niyang tanong.

Kinabahan ako dahil baka maging iritado siya sa akin.

"G-Gusto ko lang malaman kasi... gusto kong makipag kaibigan sayo. Marami akong gustong malaman sa isang tao kapag gusto ko siyang maging kaibigan kaya..."

"Hindi ako mahilig sa sweets pero kumakain ako. Now, are we done?"

Pakiramdam ko gusto na niya agad akong paalisin. Pero naiintindihan ko naman. Maliit akong ngumiti at tumango sa kanya.

"Thank you for answering and... uh... sorry for the inconvenience..."

Naglakad siya palapit at halos mahigit ko ang aking hininga. His eyes were very serious as he walked towards me. Akala ko sa akin na siya lalapit nang lagpasan niya ako. Naamoy ko ang mabango niyang amoy, hindi ko alam kung pabango o natural na niyang amoy iyon pero... sobrang bango.

Sebastian suddenly entered my mind. They don't smell the same but he also smells good. I love his scent, it's like a drug on my nose. I sighed sadly. I miss him again.

Nilingon ko si Leandros na papalayo na ngayon sa akin. I sighed again as I watched him walk away. I stayed where I was for a while as I watched him move farther and farther away.

Luna keeps telling me that they are different. Yes, they are different. But I still can't help but think that they are the same. That he is... Sebastian.

That night I decided to bake again. But this time, I will bake cookies. Leandros said he doesn't like sweets but he does eat so I thought of giving him something again.

I love to bake here at home. I don't know why I fell in love with it but all I can remember is that I always watched cooking and baking on Youtube back then and then I liked it. I realized to myself that I want to be like them too. And I actually plan to take culinary in college. I know Mom and Dad won't stop me because first of all, Issa, Lorie and Eli are there to manage our companies. Pwede rin si ate pero ang alam ko gusto niyang kumanta. But I don't know. Masyado niya pang ine-enjoy ang buhay niya ngayon kaya hindi ko pa alam sa kanya.

I finished making cookies eleven that night. Muli ay nilagay ko iyon sa isang box at nilagay rin sa ref. Nakangiti akong nagligo at humiga sa kama ko pagkatapos ng lahat ng iyon. I'm tired but it's okay. Ang isipin na tatanggapin niya ang ginawa ko ay parang winawala na rin ang pagod ko.

"Kanino mo ba binibigay iyan at bakit palagi nalang?" Si ate Johan nang nakita na naman ang dala kong box.

Umirap ako at sumakay sa sasakyan namin. Sumakay rin siya at sinarado na ang pintuan. Papasok na kami sa school. Iiwan ko ito sa sasakyan tulad ng ginawa ko nung isang araw hanggang sa mag uwian na at pupunta na ako sa school nila Luna.

"Sa mga kaibigan ko nga, ate..." sabi ko.

Her eyes narrowed at me. "Who are your friends?"

"Si Luna..."

"Uh-huh?" Nagtaas siya ng isang kilay.

"Oo nga," natawa ako.

"I notice that you always go to their school. Sinong pinupuntahan mo roon? Your boyfriend?"

"What? No. Wala akong boyfriend, ate..."

"Bakit palagi kang nandoon?"

Ang daming tanong. Hindi ko na napigilan at humarap na rin ako sa kanya.

"Ikaw? Bakit palagi kang wala kapag hapon at gabi? Sinong pinupuntahan mo sa... oh, wait... nakalimutan ko kung saan."

Nanlaki ang mga mata niya. I smirked.

"Kanino mo nalaman yan?"

"Sa driver! Nagtanong ako."

"Chismosa ka, ah! Wala akong pinupuntahan!"

"Talaga? Bakit sabi rin ng driver lalaki daw?"

"Mina! Wala sinabi. Lumalabas lang kami palagi ng mga kaibigan ko, okay? At bakit sa akin napunta ang usapan? Wag mo ngang ibahin! Sino ang pinupuntahan mo sa school nila Luna, huh?"

Ngumuso ako at umirap. "Wala rin, ate..."

Nanliit ang mga mata niya. "Ibig sabihin ba nito maayos ka na?"

Hindi ako nakasagot. Natigilan ako.

"Have you moved on from what happened to your ex boyfriend?"

"Hindi ko siya naging boyfriend..."

"MU, then?"

Tss. Umirap ulit ako. "I don't want to talk about this anymore, ate. Let's just... shut up."

"Gusto lang naman kitang kamustahin!"

"Yes, I'm fine. Don't worry about me anymore..."

"Mabuti naman..."

Natahimik na rin siya kalaunan. Pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang lalaking pinupuntahan niya daw sa... nakalimutan ko talaga kung saang lugar yung sinabi nung driver. Basta sa isang lugar malapit lang rito. Sino kaya iyon? At bakit palagi niyang pinupuntahan? Tss. Mapaglihim talaga itong si ate. Hindi ko na inalam at hinayaan nalang siya.

"Mina, sa sabado sa amin, ah," inakbayan ako ni Lorie.

Nilingon ko siya at sinarado ang locker ko.

"Sa bahay niyo? Hindi ba nandoon si..."

"Okay, I know you hate her but she won't be there, don't worry. Pina alis ko."

"What?" Gulat kong tanong.

"May bahay siya, hindi ko alam kung bakit punta pa siya nang punta sa amin. Basta sa sabado doon tayo," she smiled.

Dahan dahan akong tumango sa kanya at sabay na kaming nagtungo sa cafeteria. I hate that girl pero nung sinabi ni Lorie na pina alis niya nagulat ako. But I just shrugged. Sanay na ako sa ugali ni Lorie.

Maayos ang mga grades ko, kahit sobrang daming nangyayari, naaalagaan ko pa rin iyon at hindi napapabayaan. For me education is still more important than anything else.

I smiled when I saw Leandros coming out of the gate. I got up from the bench and ran towards him. Luna isn't here yet and this is the first time na nauna si Leandros kesa sa kanya. Baka may inutos na naman ang teacher sa kanya.

"Hi!" Bati ko nang nakarating na ako sa harapan niya.

Natigil siya sa paglalakad. Kabado ako pero mas excited akong ibigay sa kanya ang cookies na gawa ko.

Maraming students ang lumalabas pero medyo malayo naman kami sa kanila. May ibang nakita ako at nagbulungan pero hindi ko na pinansin.

"Para sayo!" I immediately handed the box to him.

Tinignan niya iyon tapos balik sa akin. I smiled sweetly. Sana tanggapin niya. Kabado pa rin ako sa malamig niyang mga mata pero sana tanggapin niya pa rin.

"What's that?" He asked. Hindi kasi kita ang loob.

"Uh... cookies! Gusto mo ba ng mga ganito?" Umaasa kong tanong.

He sighed. He took the box and I can't help but smile even more! Abot tenga na yata ang ngiti ko dahil sa sobrang saya. Tinanggap niya ulit!

"Thank you!" Sabi ko.

Kumunot ang noo niya. "Shouldn't I be the one to say thank you?"

Natigilan ako at pilit na tumawa. "Ah... t-thank you lang sa... pagtanggap..."

Uminit ang pisngi ko sa kahihiyan. Bakit nga ba ako yung nagpasalamat? was just thankful that he accepted the cookies! Bawal ba iyon?

Kinagat ko ang labi ko at bahagyang yumuko. Nakakahiya!

"Thanks for this," Leandros said.

Nag angat ako ng tingin sa kanya at agad siyang nag iwas ng tingin. Pero hindi nakatakas sa mga mata ko iyon! Naglakad siya at nilagpasan ako. Natitigilan naman akong nanatili sa kinatatayuan ko.

He smiled! I saw that! Bahagya siyang natawa sa katangahan ko!

Nilingon ko si Leandros na palabas na ngayon ng gate dala dala ang box na bigay ko sa kanya. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pagngiti.

He smiled!

Continue Reading

You'll Also Like

378K 19.8K 31
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
9K 412 45
[COMPLETED] Loreleil Agravante is a very well-known girl that's why everybody is very interested with her. But she hates it. She hates being asked ab...
352 80 43
A girl who grew up knowing only her name. Finding herself, searching for her parents. Came back to the cursed mansion, facing the queen. Dark memo...