The Other de Luna

By talonggest

153 8 0

Sonata, a woman grew up in a farm in La Union, came back in Manila for her dreams after postponing it for a l... More

The Other de Luna
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5

Kabanata 1

8 1 0
By talonggest

ISANG buntong hininga ang aking pinakawalan matapos kong ilapag ang pang walong basket ng ubas na aking pinitas para sa araw na iyon. Tinanggal ko ang salakot na aking suot sa aking ulo at ipinaypay ito habang ang asul na long sleeve kong suot ay ipinunas ko sa aking noo na mayroong pawis na namumuo.

"Panay ang trabaho natin ah. May pamilyang binubuhay?" Biro saakin ni Timoteo na kararating lang. Gaya ko ay pawisan din ito at sa palagay ko ay namitas din ng mga prutas.

"Oo, tatlo ang anak. Pare-parehas pang nasa kolehiyo."

Sakay ko sa biro niya na tinawanan namin parehas. Parati ako nitong inaasar kapag nakikita niya akong panay ang aking pagtatrabaho sa taniman. Para naman daw mapaghihirap ako kapag hindi ako nagtrabaho ng ilang oras man lang.

Si Timoteo ay ang matalik kong kaibigan dito sa La Union. Mula pagkabata ay magkaibigan na kami dahil bukod sa taga-La Union talaga ang kanyang mga magulang ay matagal na ring trabahador ang mga ito sa taniman ng mga de Luna. Kung ako ay dito na lumaki, si Timoteo ay baka rito na sa taniman mismo ipinanganak.

Napadpad lang naman ako rito sa La Union nang hilingin ko kay daddy noong bata pa ako na gusto ko ng payapang lugar. At totoo, dinala niya ako sa lugar kung saan kapayapaan ng kalooban ang namuno saakin. Dito nga iyon, sa La Union.

"Kahit nga hindi ka na magtrabaho at panuorin lamang kami ay may kakainin kapa rin pagtapos."

Naiiling akong natawa sa kanya habang pinagmamasdan ang malawak na taniman ng ubas sa aking harap. Kung makapagsalita ang isang ito ay tila hindi doble kumayod. Samantalang isang kapatid na lamang ang nag-aaral na nasa kolehiyo na rin. Nakapagtapos din siya ng pag-aaral sa kursong BS Agricultural Engineering na ngayon ay nagtuturo na sa isa mga unibersidad dito sa La Union. Tapos kapag wala itong pasok ay nandito sa taniman at umeextra.

Pinalalayas ko na nga minsan, biro ko ay mayaman na siya. Seryoso naman parating sumasagot na hindi pa raw. Tinatawanan ko lang ang loko. Nakikita ko naman na maayos na ang kanilang buhay kumpara sa buhay na naabutan ko sa kanila.

Dinadama ko ang simoy ng hangin na nagsisimula ng lumamig dahil ang paglubog ng araw ay maaaring mangyari na sa loob lamang ng isang oras.

"Hindi naman saakin ito." Sagot ko sa kanya.

Totoo naman iyon. Ang taniman na ito ay hindi saakin. Pati na rin ang sumunod na mga taniman na nakapaligid saamin ay hindi saakin. Kung hindi sa aking ama na si Santiago de Luna. Siya naman ang mayaman dito, hindi ako. Nagkataon lang na anak niya ako pero I wouldn't claim this as mine. Si daddy ang nagbigay buhay sa De Luna Farmlands. Syempre pati na rin ang masisipag na mga trabahador dito ni daddy.

"Pero ikaw na ang namamahala nito. Ikaw na nga ang nag-aalaga ng mga pananim natin. Baka hinihintay lang ni señor Santiago ang lisensya mo upang tuluyan ng ilipat sa pangalan mo ang produksyon dito."

Hindi ko pinansin ang opinyon na iyon ni Timoteo dahil wala naman akong interes na saakin mapunta ang farmland na ito. Ni hindi sumagi sa isip ko na ikokonsidera ako ni daddy na ibigay saakin ang taniman. Sila lamang, ang mga kasama namin dito ang nagsasabi saakin na ganoon daw ang plano ni daddy. Pero wala naman akong narinig at muli, wala akong interes. Ayoko ng gulo.

Nakapagtapos ako ng BS Agriculture dito rin sa La Union, ngunit hindi ako rito unang kumuha ng kurso na iyon. Sa Maynila sana ako magtatapos ng aking kolehiyo upang diretso ako sa pagkuha ng lisensya, pero dahil sa mga hindi inaasahan na pangyayari ay bumalik ako rito sa La Union at dito na nagtapos.

Overdue na nga raw ako sa edad na 27 sa pagkuha ng lisensya ko, asar saakin ng mga tao rito. Dahil si Timoteo ay agad kumuha ng lisensya pagkagraduate. Hindi ko naman alintana ang edad ko. Masaya naman ako na yung naaral ko ng apat na taon tungkol sa mga pananim ay nagamit ko pagkagraduate ko. Wala namang nasayang.

Limang taon na mula ng makagraduate ako ay hindi ko na magawang bumalik ng Maynila. Safe to say, hindi ko na binalak na bumalik doon. Kaya kahit ang pagkuha ko ng lisensya ay ipinagpaliban ko na. Ayoko na nga sana, ngunit si daddy ay mapilit. Kaya sa huli ay pumayag na rin ako.

Narinig ko ang buntong hininga ni Timoteo dahilan para ituon ko ang paningin ko sakanya. Singkit ang kanyang mata habang nakatingin din sa pinagmamasdan ko kanina.

"Narinig ko kina nanay na luluwas ka raw ng Maynila ngayong linggo." Tumango ako at nginitian ang isang trabahador na naglapag ng basket ng ubas. Nagpaalam din ito agad at iniwan kaming dalawa. "Akala ko ba ay ayaw mo ng bumalik sa Maynila?"

"Gusto ni daddy na ituloy ko ang pagkuha ng lisensya ko."

"Hindi ka talaga sinukuan ni señor."

Ang mga pangarap ko ay inihinto ko na matapos ng mga nangyari, pero si papa ay tila ayaw akong sukuan. Taon-taon ay kinukulit ako nitong kumuha ng lisensya. Gaya ng sabi ko, pinagbigyan ko na ang aking ama. Sandali lang naman iyon. Pagtapos kong kumuha ng exam ay babalik din agad ako rito sa La Union.

"Gaano ka naman katagal doon?"

"Anim na buwan." Buntong hininga kong sagot. Sa loob ng anim na buwan, hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari. Sa limang taon ay nagtago ako sa La Union upang kontrolin ang mga pwedeng mangyari. Pero sa mga susunod na buwan, sa tingin ko ay hindi ko na naman magiging hawak ang mga mangyayari. Maliit lamang ang ka-Maynilaan. Isa pa, maliit lang din ang aming pamilya.

"Matagal-tagal din ang anim na buwan." Natatawang saad nito dahilan para matawa na rin ako. Sinuntok ko ang braso nito. "Mabilis lang iyon. Hindi mo mamamalayan, pasado na ako sa board exam ko." Advance kong pag-iisip.

"Dapat lang! Matagal na nga dapat iyan. Kaya ipasa mo yan ng walang pawis na tutulo dyan sa noo mo, ha! Maghihintay kaming lahat dito."

Imbis na makaramdam ng pressure ay tila mas naexcite ako na kumuha ng lisensya. Ayoko ring lagyan ng puwang ang pressure sa sarili ko. Hindi makakatulong iyon, hanggang kayang iwasan ay hindi ko ilalagay sa alanganing sitwasyon ang sarili ko sa pagkuha ng lisensya ko.

"Nanay, pupwede ba akong kumuha?" Napalingon ako sa maliit na boses ng batang lalaki na nakadungaw sa may isang basket ng ubas. Nangiti ako at nilapitan ito.

Malaki ang basket kaya natatakpan ang bata. Pero dahil kita ko ang mata ay nakilala namin iyon agad ni Timoteo. "Alikabok!" Pilyong tawag ng aking kaibigan dahilan para sipain ko ang likod ng kanyang binti.

"Dustin ang pangalan ko kuya Timoteo, hindi alikabok." Umikot ang mga mata ng bata at akmang kukuha na ng buhatin siya ni Timoteo. "Hindi pa pumapayag ang nanay mo. Kaya ka nananaba." Muling tukso nito.

Ikinuha ki naman ng isang lingkis ng ubas si Dustin at inabot ito sa kanya. "Iuwi mo sa inyo at ibigay kay tita mo, ha? Sige na. Magdidilim na. Ihahatid ka ng kuya Timoteo mo."

Sabay sumimangot ang dalawa at sabay nagsalita. "Ayoko pang umuwi." Humalakhak ako at kinamot ang aking kilay. "Osige, tulungan na lang ninyo ako na ipasok itong mga ubas."

Ibinaba ni Timoteo si Dustin at hinayaan na lang itong sumunod-sunod saamin habang pinapasok sa storage room ang mga prutas.

"Umuwi kana lang, alikabok. Hindi ka naman tumutulong." Muling asar ni Timoteo sa bata na patuloy na nakasunod. Tinignan niya ito at bahagyang itinagilid ang ulo habang kinakain ang ubas na ibinigay ko kanina. "Hindi ko naman mabubuhat iyan, kuya. Kaya mo na yan."

Natawa ako sa sagot ni Dustin. Talagang nagpunta ata rito ang bata para surahin si Timoteo. "Inuubos mo lang ang mga ubas dito!"

"Naiinggit ka lang, kuya. Kasi ikaw pagbabayarin ka ni nanay." Sabi nito at muking pumitas ng ubas sa basket na nakalapag. Hinayaan ko naman ito dahil hindi naman malaking kabawasan iyon sa isusupply namin sa mga customers namin.

Nanay ang tawag saakin ni Dustin. Iniwan ito ng tunay niyang ina kay Winona, ang kaibigan din namin ni Timoteo. Kapatid ni Winona ang nanay ni Dustin kaya sakanya naiwan ang bata.

Halos kaming tatlo ang nag-alaga kay Dustin ngunit mas ako ang nag-alaga dahil si Winona ay nagsimula noon mag-aral si kolehiyo habang si Timoteo naman ay nagsisimula noon sa bago niyang trabaho. Habang ako ay bagong graduate at dito na rin agad sa farmland nagtrabaho at marami naman kaming kasama dito. Kaya sa limang taon, ako ang nakalakihang tawaging nanay nito.

Matapos namin ipasok ang mga basket ay nagpaalam na silang dalawa at umuwi na. Binigyan ko pa uli ng isang lingkis ng ubas si Dustin dahil ayaw umuwi nito at gustong matulog saakin. Kaso ay hindi ako pumayag dahil mag-aayos ako ng mga gamit ko.

Maliit na bahay lamang ang tinitirahan ko rito. Ako lang mag-isa dahil ako lang naman ang mag-isa sa buhay. Hindi naman talagang nag-iisa, pero ganoon na rin dahil wala naman akong pamilya na matatawag na saakin.

Medyo malayo ang kinatatayuan ng aking bahay kumpara sa mga bahay rito. Gusto ko kasi ay tahimik. Pero natatanaw naman dito ang bahay nina manang Sevilla, ang nag-alaga at nagpalaki saakin dito sa La Union.

"Tan-tan! Nasa telepono ang daddy mo. Hinahanap ka." Nasa teresa niya ito habang hawak ang telepono na iniaabot saakin. Agad akong tumakbo papalapit doon at kinuha iyon. "Bakit daw po?" Kumibit balikat lang ito at nagpaalam na papasok na.

"Daddy?"

"Kanina pa ako tumatawag sayo. Mag aalas sais na ay nasa labas ka pa?"

Isinandal ko sa mababang pader na may mahabang upuan ang aking pang-upo sa teresa nina manang Sevilla at nakakrus ang isa kong kamay sa dibdib habang ang isa ay nakatukod sa telepono na nasa aking tainga.

"Galing po ako sa taniman. Sumama po akong mamitas ng mga ubas." Narinig ko ang kanyang buntong hininga sa kabilang linya. "Hindi ba ang sabi ko sayo ay hayaan mo ng ang mga trabahador natin ang gumawa ng trabaho na iyan?"

"Tinignan ko rin ang kondisyon ng mga prutas. Bago umalis ay kailangan kong masiguro na magiging maganda ang mga bunga. Anim na buwan akong mawawala dito, daddy."

Dahan-dahan kong paliwanag. Magagalit na naman ito dahil ayaw na niyang gawin ko ang mga gawain na yon. Kaso ay hindi ko naman kayang iwasan. Ito ang nakalakihan ko at parating hinahanap ng katawan ko. Bukod doon, nagiging busy ako nawawalan ako ng oras upang mag-isip ng mga kung anu-ano.

"Fine, fine, fine. As if mapipigilan kita sa ginagawa mo at may magagawa ang galit ko sayo. Alam mo naman na gusto ko lang ay maging maayos at masaya ka."

Parang hinaplos ang puso ko sa narinig ko kay daddy. Buong buhay ko ay hindi ko ito nakakasama dahil ang pamilya niya ay nasa Maynila. Kahit ganoon ay sinikap nito na hindi ako pabayaan. Ang sustento nito saakin ay hindi natigil. Pati ang pagtawag saakin ay hindi rin niya nakakaligtaan. Kahit malayo ay pinaramdam saakin ni daddy na mahal na mahal niya ako. Kaya kahit papaano ay hindi ko magawang magtanong sakanya ng kahit na ano.

"Anyway, magtutungo kami ng ninong Lukas mo dyan bukas ng umaga sa La Union." Tumingin ako sa kawalan at tumango.

"Bakit daw ho?"

"Gusto ng ninong mo na personal na makapitas at makapamili ng mga guapple na iuuwi niya rito sa Maynila. Hindi ba't nabanggit namin noong nakaraan na magsasagawa sila ng bagong produkto ng wine at nabanggit mo ang tungkol sa guapple. Interesado ang ninong mo at ang gusto ay pumunta dyan agad-agad."

Bukod sa ubas ay kilala rin ang La Union sa prutas na guapple. Ito ay isang bayabas na kasing lakas ng mansanas kaya guapple ang tawag dito. Ginagawa rin itong wine dito sa La Union. Nabanggit ko ito kay ninong Lukas noong nakaraang buwan na bumisita siya at ang sabi niya ay pag-uusapan nila.

"Ilang araw ho kayo rito?"

"Hindi kami magtatagal, anak. Alam mo namang busy ang daddy mo rito sa Maynila."

Tumango akong muli kahit hindi naman niya nakikita. Kung ang taniman ay nasa La Union, ang opisina naman nito ay nasa Maynila. Dahil nasa Maynila din naman ang sentro ng malalaking sinusuplayan ng De Luna Farmlands, at isa na nga ang Razon Wine and Liquor.

"Okay po, daddy. Walang problema. Bukas ho ay ako ang sasama sa inyo."

Matapos kong magpaalam saaking ama ay agad na rin akong umuwi sa aking bahay dahil gusto ko na ring magpahinga.

Cabin house ang style ng aking bahay. Gawa ito sa malalaking kahoy na mayroon lamang isang palapag. Ang maliit na teresa ay nahaharangan lamang ng naglalakihang kahoy ay bukas ang entrada nito. Pagpasok pa lamang sa aking maliit na teresa ay sasalubong na ang pintuan kong gawa sa salamin at ang dalawang bintana na pinagitnaan ang pintuan. Mga salamin na hindi mo masisilip ang loob ngunit kung nasa loob na bahagi ka ay makikita mo ang nasa labas.

Pagpasok ay kama agad ang sumalubong saakin. Ang pader na katapat nitong two glass door ko ay ang closet ko na nakaukit sa mismong bahay. Sa gawing kaliwa sa dulong bahagi ay banyo at ang katapat na pintuan sa kana ay daan papunta sa kusina.

Tila extended na kahon lamang ang parte ng kusina. Tanging refrigerator, maliit na bilog na lamesang kahoy, lababo at cabinet sa itaas nito, at four burner gas range na mayroon na ring oven sa baba nito.

Sa tapat ng aking kama ay ang telebisyon na nakadikit din sa pader. Sa gilid sa may paglabas ng banyo ay ang maliit na side table na mayroong lamp shade. Sa tapat ng bintana sa kaliwa ay ang office table ko.

Walang receiving area ang maliit kong bahay dahil hindi ako nagpapapunta ng kahit sino rito. Para saakin ay ito ang naging safe haven ko mula ng makabalik ako mula sa Maynila limang taon ang nakalipas. Tanging si Dustin lang ang nakakalabas masok dito. Kahit sina manang Sevilla ay hindi pa nakakpasok sa maliit kong bahay.

Nagpalit lamang ako ng silk na nighties na pantulog ko matapos maligo. Ngayon ay Martes na at sa Biyernes ang siyang luwas ko sa Maynila. Dapat ay nextweek pa ngunit mayroon pa akong mga dapat asikasuhin bago magsimula ang review ko sa pinasukan ko.

Inuna ko ng iginayak ang mga damit na dadalhin ko pati ang mga personal hygiene ko. Sa damit at gamit ko lang ang dami ko ng dala paluwas, paano kapag bumili pa ako ng mga pasalubong para sakanila. Ayoko namang umuwi ng Maynila na sarili at gamit ko lang dala. Bukod doon ay gusto ko ring bigyan ng gawang La Union si Callisto.

She's been asking me when will I go back there and she wants me to buy her guapple jam and jelly. Namimiss na raw niya ito at gusto niyang ipatikim mula kay Shiloh.

Pabagsak kong hiniga ang aking katawan saaking malambot na kama at pumikit. Bahagya akong napangiti nang maalala ko na si Shiloh ang nagpakilala sa kapatid ng jam and jelly na gawa sa guapple.

Siguradong-sigurado siya na magugustuhan iyon ng batang babae dahil mahilig daw ito sa kahit na anong jam at jelly. Hindi nga siya nagkamali dahil kilalang-kilala nga nito ang nakababatang kapatid.

Ang bahagyang ngiti ay nauwi sa iginawad kong lungkot. Iniisip na kung gagawin ko ba uli kung paano ko ibinigay sa kanya iyon ay magbibigay ba siya kahit konting interes muli? O baka hindi na. Hindi ako sigurado kung totoo ang mga nababasa ko. Na ang isip ay nakakalimot, ngunit ang puso ay hindi.

——

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...