Pandemic Love (A Covid-19 Ser...

Dvoenia द्वारा

922 39 5

[ Light Story ] Sa isang barangay ng Davao City nakatira ang 20 years old na babae na si Freja Zenneth Crusp... अधिक

- P R O L O G U E -
- C H A P T E R O N E -
- C H A P T E R T H R E E -
- C H A P T E R F O U R -
- C H A P T E R S I X -
- C H A P T E R S E V E N -
- C H A P T E R E I G H T -
- C H A P T E R N I N E -
- C H A P T E R T E N -

- C H A P T E R F I V E -

42 3 0
Dvoenia द्वारा

Pandemic Love

C H A P T E R   F I V E

"Freja..."

"Freja!!"

Huwag mong pansinin self. Nagpapapansin lang yan dahil sobrang ganda mo.


"Zenneth!"

"Cruspero!"


Self tatagal mo ang sarili mong hindi pansinin ang gwapong nilalang na nagpapansin sa'yo.


"Freeejaaa!"

"Freeeyyyhaaa!"

Napatakip nalang ako sa tenga ko dahil sa kakulitan ni Rico. Hindi ko alam na may ganitong side pala siya. Ilang araw na niya akong kinukulit dahil sa tanong niyang: sino si Kuya Drew at bakit sinabihan ko siya ng gwapo. Dapat daw siya lang ang gwapo sa paningin ko. Imbyerna! Pati messenger ko ni-ransack!

"Frejaaaa! Sabihin mo na kasi sa akin!"

"Frejaaaa naman eh!"

Grabeee! Sobrang kulit niya talaga! I can't take this anymore!


"Fine! Ganito nalang. Sabihin mo nalang kung sino ang mas gwapo sa amin nung 'Drew' na yun." sabi niya, he said the Drew with a disgust.


"S'yempre si Drew." maikling sagot ko. S'yempre 'yung kuya ko ang mas gwapo! Kuya ko 'yun eh! Blood is thicker than water ika-nga nila. Tsaka ang daming nagsasabi na magkamukha kaming dalawa. Kaya kung gwapo siya, maganda naman ako.

"What?!" hindi makapaniwalang sabi niya. Napatingin ako sa paligid namin at nakita kong nakatingin sa amin ang ibang tao. Nandito kasi ako ngayon sa labas ng bahay dahil sa kakulitan ni Rico. Kung hindi raw ako lalabas pupuntahan niya ako sa bahay! Syempre natakot si sok. Baka mapatay ako ng magulang ko. Strict parents ko eh.

"Ba't ka ba sumisigaw diyan?" naiinis na sabi ko sa kanya. Dala siguro to ng red days. Tss.

"S'yempre! Sinong hindi sisigaw, kung ang babaeng gusto mo ay may sinasabihan na ibang lalaki na gwapo? Dapat ako lang yun! Ako lang!" sabi pa niya at may pahampas-hampas pa sa dibdib niya. Buang jud! Bawal na bang mag appreciate ng gwapo ngayon?

Tinapik-tapik ko ang balikat niya--yun lang naabot ng cute kong kamay eh---"Sana okay ka lang."

"Okay naman talaga ako. Its just....." then he sighed.

"Its just what?" I ask.

"Nevemind. But anyways, manliligaw parin ako sayo. At magiging akin ka. At sisiguraduhin kong ako lang ang magiging gwapo sa paningin mo. Remember that Langga." sabi niya at umalis sa harapan ko, nakita ko pa siyang sumipa ng bato kaya napailing nalang ako sa kanya. Mukhang nagpalit kami ng ugali. Ako yung nagiging mature siya yung naging isip-bata! Tss 'di mabuti.

Pumasok nalang ulit ako sa bahay dahil sobrang sakit ng puson ko. Four days na akong ganito gawwd! Padapa akong humiga sa kama ko, mukhang itutulog ko 'tong sakit ng puson ko.

'Tiis-tiis lang Frejang magandaaa! Maganda ka kaya kaya mo yan! Padayon sa pag-uswag!'

Ang ganda na sana ng tulog ko kaso nasira 'yun dahil ginising ako ni Mama. Kaasar!

"Prayaa anaak! Gising na!"

"Ma, mamaya na pleaaaaaseee!"

"Hindi! Ngayon na!" pamimilit pa ni Mama.

"Mama naman eh!" I whined more.

"Uno! Paihapon pa ko nimo? Dos!......."

"Oo na! Oo na! Babangon na." kaagad na akong umalis sa kama ko para lumabas. Kahit sobrang sakit pa nung puson ko.

Pagkalabas ko nagulat ako sa nakita ko.....

"What the hell are you doing here!?" nagulantang na sabi ko kay Rico na prenteng nakaupo sa upuan namin.

Agad namang kinurot ni Mama ang tagiliran ko kaya napangiwi ako sa sakit.

"Ganyan ka ba bumati ng bisita? At isa pa, manliligaw mo pa! Praya ha, umayos ka!" sabi ni Mama, nakita ko namang tumawa si Rico kaya sinamaan ko siya ng tingin. Napansin niya yatang nakakamatay ang tingin ko kaya agad siyang napaayos ng upo.

"'Di ko alam na may manliligaw ka pala. Kung hindi palang sinabi nitong si Gwapo, 'di pa namin malalaman ng papa mo." sabi ni mama. Napakamot nalang ako sa buhok kong walang suklay. Pinaupo ako ni mama sa tabi ni Rico, kahit na ayoko ay naupo parin ako dun. Ang sama kasi makatingin ni mama sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?" pabulong na tanong ko sa kay Rico.

"Ahm. Binisita ka?" 'di pa siguradong sabi niya. Kaya napasimangot ako sa kanya. Natawa siya sa reaction ko kaya lalo kong sinamaan siya ng tingin.

"Nabalitaan ko kasing masakit ang puson mo kaya binisita na kita. Dinalhan din kita ng Mcdo, at fruits." sabi niya at ngumiti sa akin. Tanging ina lang! Sobrang gwapo niya ngumiti!

Pinanliitan ko siya ng mga mata. Saan naman niya nabalitaan yun? Magsasalita na sana ako kung di lang dumating si Papa. Binaba ni papa yung softdrinks niyang dala at dalawang box ng pizza. Wow biglaang nagkapera ang mga magulang ko!

"Mayaman yata kayo ngayon? May pa pizza si Mayor eh." komento ko habang hindi inaalis ang paningin sa pizza.

"Naglabas ng kayamanan si Madame eh! 'Yaan mo na! Minsan lang maging galante eh!" nakangiting sabi niya.

Kinuha ko nalang yung nakabalot na Mcdo at binuksan kung anong laman non. Nakita kong may chicken fillet ala king----tumingin ako sa kanya dahil alam niya paborito ko, pero tinaasan lang ako ng kilay----Mcfloat at large fries sheemss. Agad ko ng nilantakan yun dahil nagke-crave ako ng Mcdo eh.

"Kumain ka din ng pizza. Akin lang 'tong Mcdo, bigay mo to eh." sabi ko habang binubuksan ang box ng pizza at nakita kong Pepperoni ito, naglaway na naman ako dahil paborito ko rin itooooo!

Kumuha naman siya ng slice ng pizza at nakangiting kumain. Napansin kong naka-uniform pa siya.

"Duty mo pa?" tanong ko sa kanya para naman may pag-uusapan naman kami dito ang panget naman kung tatahimik lang kami dito. Dapat maging hospitable ako to our guest.

"Hindi na. Tapos na duty ko ngayon."

Napatingin ako sa labas ng bahay at nakita kong madilim na. Napatingin agad ako sa orasan na nakasabit sa ding-ding at nanlaki ang mata ko ng matantong 11:30 na! Ang haba pala ng tinulog ko! Tapos nagalit pa ako kay Mama!

"'Di ka ba pagod? Dapat ganitong oras nagpapahinga ka na!" may halong inis na sabi ko sa kanya.

"Eh Nanliligaw pa ako eh." napanga-nga nalang ako sa sagot niya.

"May bukas pa!" sabi ko naman sa kanya.

"~~ May bukas pa......ang iyong buhay.....~~" pag-kanta niya. In fairness maganda ang baritonong boses niya.

"Rico seryoso." agad naman siyang sumeryoso nang makitang seryoso ako.

"Langga, hayaan mo na ako." malambing na sabi niya kasabay ng pag hawak sa kamay ko. Tss chansing!

Siningkitan ko lalo siya ng mata. "Fine. Basta maya-maya umuwi ka na para makapag-pahinga ka pa." at pasimple ko ding hinawakan ang kamay niya. Mas nagmumukhang babae pa 'yong kamay niya kesa sa akin dahil sobrang lambot ng kamay niya!

"Concern ka ba?" nakakalukong tanong niya.

Nabigla ako sa sinabi niya kaya hindi agad ako nakasagot sa kanya.

"Okay lang maging concern ka sa akin. Mas mabuti nga yun eh." After he said that he chuckled. Ah! Heaven.

Napatingin ako sa paligid namin at napansin kong wala na sina mama at papa.

"Asa." mahinang sabi ko at kumain nalang ulit. Siya naman ay napapailing habang ngumingiti kaya iniirapan ko pag mag-tagpo ang mata namin.

Tahimik lang niya akong pinapanood habang inuubos ko yung pizza. Ako ang nakaubos sa isang box habang siya naman sa isa. Pwede na kaming maging magka-FOBU-----Food Buddy---- Malakas din pala siyang kumain, nag-agawan pa nga kami sa fries na large. Sabi pa niya sana limang large fries nalang yung in-order niya, sabi ko naman sa kanya na sa susunod nalang he he.

Nang mag 12 midnight na ay nagpapaalam na siya para umalis. Hinatid ko lang siya sa may gate at nakita kong nandoon sina Mama at Papa. Nagmano siya kina Mama at nagpaalam na aalis na siya. Babalik lang daw siya dito. Pagkatos nun ay pina-chika ako nina Mama about kay Rico, syempre dahil red days ko hindi ko chinika at pumasok nalang sa kwarto dahil nagsimula na namang sumakit puson ko. At nakatulugan ko na nga ang sakit.

I woke up late. I look to our wall clock and its past 12 in the afternoon right now. Bumangon na ako at inayos ang higaan. Then lumabas para kumain dahil nagugutom na ako. Pagkatapos ay naghugas ng pinggan at naligo na. Feel ko kasing gumala ngayon eh. Dali dali na akong lumabas ng bahay at nagsuot ng mask, hinayaan kong nakalugay ang medyo mahabang kulot na buhok ko dahil masyado pa itong basa. Pagkadating ko sa tambayan ay umupo agad ako sa tabi ni Mommy.

"Masakit parin ba puson mo?" tanong ni Mommy.

"Medyo nalang 'my." medyo nanghihina kong sagot.

"Uminom ka ng madaming tubig, tignan mo oh ang putla putla mo na." sabi niya ngumiti lang ako sa kanya ng tipid. Dahil parang hindi ko kayang magsalita ng magsalita. Nakikinig lang ako sa mga bagong chismis na nasasagap nila. Tumatawa pag may sinabi silang nakakatawa.

Natigil lang ang pagchichika nila ng magtakbuhan na naman ang mga tao dahil nandiyan na naman ang police mobile. Tss parang hindi na sila nasanay na palaging nandito ang mga pulis na nagbabantay. Kanya kanya sila ng mura, ng ma-ticketan dahil walang suot na mask.

Dito naman sa side namin ay tahimik dahil kaming lahat ay naka-mask even Joy-joy. I think she already learned her lesson hahaha.

Nakita namin sila Rico kasama pa niya ang apat na kasamahan na patingin-tingin sa mga tao. Mukhang chine-check nila kung nakasuot ba ng face-mask o hindi.

Napatingin sa gawi namin si Rico at ng magtagpo ang paningin namin ay kumunot ang nuo niya. Siguro nagtataka siya kung bakit lumabas ako eh masakit ang puson ko. Sinenyasan niya akong lumapit sa kanya at sobrang bilis at malakas makatulak sa akin sina Kulot at Joy-joy. Inaasar pa nila ako na tinatawag na daw ako ng Prince charming ko. S'yempre kinilig ako........... Slight he he.

Dahan-dahan lang ang pag-lapit sa kanya, hindi sa nagpapa-bebe ako sa kanya, kundi dahil masakit talaga puson ko tapos tinulak pa ako ng mga walang hiyang kaibigan ko.

"Ba't lumabas ka na?" tanong niya nung nakalapit ako sa kanya. Ang galing lang dahil nakilala niya ako kahit naka mask na ako.

"Nabo-bore na ako sa bahay. At feel ko ding lumabas ngayon." sabi ko sa kanya.

"Sina Tita at Tito pala nasaan?" tanong niya at luminga linga pa na tila hinahanap sina Mama at Papa.

Napasimangot ako sa tanong kahit hindi niya ako kita dahil sa mask na suot ko.

"Alam mo namang mahilig maki-chismis si Mama dun sa kabila, tapos si Papa naman ay may trabaho." sabi ko sa kanya, minsan ko na din kasing nabanggit sa kanya na parati akong naiiwan sa bahay kaya lumalabas din ako.

Tumango naman siya. "May gusto ka bang kainin? Any cravings?" tanong niya ulit. Kaya umiling ako sa kanya. Cravings? Ano ako buntis?

"'Di ko feel kumain eh." sagot ko sa kanya. Tumango naman ulit siya at nagpaalam na sasamahan na muna niya ang kasamahan niya tapos babalik lang. Bumalik naman ako sa upuan ko ng umalis na si Rico para pumunta sa ibang part pa ng lugar namin ng naglalakad lang. Nakita kong lumiko sila papunta sa ilalim ng tulay, may mga bahay pa kasi sa gilid na sapa.

"Hoy Praya!" tawag ni Kulot sa akin.

"Hmm?"

"Tanong mo sa pulis mo kung sino yung kasama niya!" kinikilig na sabi ni Kulot, pati Joy-joy kinikilig din.

Tumango-tango lang ako sa kanila at sinabing 'mamaya' dahil wala talaga akong ganang magsalita ngayon.

May time talaga na pagka-red days ko na, minsan tatahimik ako, minsan sobrang ingay ko, minsan sobrang takaw ko, minsan naman wala akong gana ikain pero kadalasan akong masungit. Kahit hindi ako ina-ano sinusungitan ko. Ewan ko lang kung bakit ganun pag dinudugo ang mga babae. Para na ring buntis kung umasta.

Makalipas pa ang ilang sandali ay nakita ko ng lumabas na sa paglilikuan sila Rico. Nagmistula silang F4, syempre Daoming Si si Rico.

"Ayan na sila Praaay! Huhuhuhu Baka naman eheeem!" pagpaparinig ni Joy-joy. Napairap nalang ako.

"Mamaya na. Itatanong ko kay Rico sa chat." mahinang sabi ko sa kanya. Naiintindihan din naman niya kaagad ang pinaparating kong 'Wag ako ngayon' dahil sa red days.

Sumenyas ulit si Rico na babalik pagkadating niya sa harapan ng tindahan ni Mommy, tumango naman ako bilang pag-sang-ayon sa kanya. Maya-maya pa'y bumalik ito kasama ulit ang kasamahan niya ngunit may dala na itong gitara ang beatbox. Tinaasan ko ng kilay sina Rico ng pumwesto sila. Nagtataka kong tinignan si Rico pero kinindatan niya lang ako kaya umirap ako sa kanya. Sina Kulot naman at mommy ay pasimple akong kinu-kurot sa bewang ko. Pinaghahampas ko tuloy ang mga kamay nila.

Binaba ni Rico ang black na mask niya. "Para sayo to Freja." nakangiting sabi niya kaya paimpit na kinilig sina Mommy, Kulot, Joy-joy, Tita at Ate Dors pero syempre lalong lalo na si ako. Buti naka-mask ako 'di kita ang malaki kong ngiti.

Nagsimula namang mag beatbox at mag-strum ng guitar ang dalawang pulis at kumanta si Rico.

( Playing : Puhon by TJ Monterde )

Bisan lagig
Ikapilahon
Ikaw gihapon ang akoang pilion
Apan lagi
Dili sayon
Ning mahigugma sa usa ka bitoon
Sukad pa sa'kong kagahapon
Ikaw lang gihapon
Dili pa panahon
Maghulat ko sa puhon
Kung kanus-a pwede na tang duha
Sa daplin magpahiyom
Unsa ba'y imong gahom?
Nga sa mata nimo mawala man ang tanang
Kasakit ko inday
Kana'y tinud-anay
Ako na lang ka bi

Pinaghahampas na ako nila Mommy at Kulot dahil sa kilig. Sobrang manly ng boses ni Rico na kahit yung mga taong dumadaan ay napapagigil at nakikinig sa pag-kanta ni Rico. Ang isang kasamahan naman ni Rico ay nagsesecond voice while the other are playing the guitar and the beatbox.

Ngano man ni
Lahi ra lagi
Nga di man gyud unta ko ingon ani
Bisag lisod
Kanimo ra gyud
Kung aha ni adto na, wa gyud ko masayod
Kung asa na ni padulong
Ang lawod andam kong langoyon
Dili pa panahon
Maghulat ko sa puhon
Kung kanus-a pwede na tang duha
Sa daplin magpahiyom
Unsa ba'y imong gahom?
Nga sa mata nimo mawala man ang tanang
Kasakit ko inday
Kanay tinud-anay

"Sana all! Haranahan!"

"Unta tanan!"

"Unsaon?!"

Naririnig kong sigaw galing sa audience na nahinto sa lahat ng ginawa nila para lang panoorin ang performance nila Rico.

Pero sa imo manghinaot
Bisag kahibaw kong lisod kay kang makab-ot
Ikanta na lamang sa kanunay
Kay basin pa diay

Kahit sina Kulot ay nakikanta na. Tumahimik lang sila ng dahan-dahan lumapit sa akin si Rico at may kinuhang kung ano sa likod niya at napatakip ako sa bibig kahit naka-mask pa ako. Tatlong roses na puti kasi ang kinuha niya. With emotion pa siyang kumanta bago nilahad ang bulaklak sa akin.

Dili pa panahon
Maghulat ko sa puhon
Kung kanus-a pwede na tang duha
Dili pa panahon
Maghulat ko sa puhon
Kung kanus-a pwede na tang duha
Sa daplin magpahiyom
Unsa ba'y imong gahom?
Nga sa mata nimo mawala man ang tanang
Dili pa panahon
Maghulat ko sa puhon
Kung kanus-a pwede na tang duha
Sa daplin magpahiyom
Unsa ba'y imong gahom?
Nga sa mata nimo mawala man ang tanang
Kasakit ko inday
Kana'y tinud-anay
Ako na lang ka bi

Pagtatapos niya sa kanta. Kaagad namang nagkanchawan ang mga tao sa paligid. Kahit na sina Kulot, Mommy at Joy-joy ay pinaghahampas ulit ako, sila pa yung malalaki ang boses. Napatawa ako sa mga taong nanunuod dahil may social distancing paring nangyayari.

Tumayo ako sa harapan ni Rico pero di masyadong malapit.

 
"Nagustuhan mo ba?" mahinang sabi niya ng nakangiti. Tumango naman ako, 'di ako makapag-salita dahil sa kilig.

"Magsalita ka naman." parang kinakabahan pa siya ng hindi makakuha ng feedback galing sa akin.

 
"S-sorry. Sobrang kinilig lang ako kaya... I'm once again speeches." sabi ko sa kanya, lalong lumaki yung ngiti niya at tumingin siya sa mga kasamahan niya at sinabing 'SUCCESS!' with matching hand gesture pa. Napatawa naman ako sa ginawa niya.

First time itong nangyari sa akin kaya sobrang na overwhelm lang ako. Kahit may mga naging ex-boyfriends ako, pero 'di nila ako niligawan ng ganito. Sa ginawa ni Rico ngayon feeling ko sobrang special kong tao para sa kanya. To be honest pangarap kong hinaharanahan ng isang lalaki. Sino namang hindi diba?

 
Nang gabing yun, natulog ako ng may ngiti sa mga labi.

Nagising ako dahil sa isang mainit na nakakakiliti humahaplos sa braso. Napadilat ako ng mata at nakita kong ang aso kong ito na si Cypher. Napatingin ako sa orasan at 7:46 na ng umaga.

"Ang aga mo akong ginising ah? Buti good mood ako, kundi mahinaikan jud charrot he he." kinarga ko si Cypher at hiniga sa kama at natulog ulit.

'Di pa nag dadalawang minuto ng bumukas ang pintuan ng kwarto.

"Ay wow! Cypher inutusan kitang gisingin amo mo pero ang ginawa mo tinabihan mo pang matulog. Hahaha" narinig kong sabi ni Papa. Binuksan ko ang mata ko para tignan si Papa.

"Gising na mahal na Prinsesa at may naghihintay sa'yong bisita." birong sabi ni Papa. Kaagad naman akong bumangon at tumingin sa salamin para tignan kong may muta ba ako o panis na laway. Fortunately wala naman. Lumabas na kaming dalawa ni Cypher at sinuklay ko ang buhok ko gamit lang ang kamay ko.

 
Nakita ko naman si Rico na nakaupo at mukhang naghihintay. Nakita kong may nakalagay na breakfast sa lamesita namin.

"Good morning." nakangiting bati niya sa akin.

"Good morning too." sabi ko at sumenyas na 'wait lang' at lumabas ako ng bahay para makapaghilamos at makapagmumog ng bibig. Nakakahiya namang humarap ako sa kanya ng hindi nanghihilamos man lang.

 
Bumalik ulit ako sa loob at umupos sa tabi niya.

"Ang aga mo yatang bumisita?" mahinang sabi ko.

"Gusto kitang makasama mag-breakfast." napangiti ulit ako dahil sa effort niya.

Ang pagkain sa lamesita ay puros paborito ko pang-breakfast. May plain rice, fried rice, Tocino, boiled eggs at hotdogs na maliliit. May drinks din na Fresh milk at Chuckie.

"Ahh. Niluto ko yan para sayo." napalingon ako sa kanya.

"T-talaga?" hindi makapaniwalang sabi ko.

Tumango-tango naman siya at ipinamagyayabang sa akin ang niluto niya.

"Dinala mo dito? Nag-abala ka pa." nahihiyang sabi ko.

"Hindi ko yan dinala dito." sabi niya habang inaayos ang mga pagkain kahit maayos naman ito.

"Huh? Edi pano mo naluto to kung ganun?" nagtatakang tanong ko.

"Dito ako nagluto." nagmamalaking sabi niya at napaawang naman ang bibig ko.

"D-dito ka nagluto?" tumango siya sa tanong ko. "Pinayagan ka?" tumango ulit siya. "Marunong kang magluto na gamit lang ang kahoy?" tanong ko ulit na nagpatawa sa kanya at kasabay nun ay ang pagtango niya.

"W-wow..... I didn't expect that." mahinang sabi ko still in daze.

"Well, I'm a boy scout way back in Elementary up to high-school." sabi niya, walang bakas na pagmamayabang dun.

Nakatingin parin ako sa kanya ng hindi makapaniwala. Napatawa ulit siya at ginulo ang magulo ko ng buhok.

"Kumain na tayo." napakurap ako sa sinabi niya at tumikhim. Lumabas muna ako para ayain sina Mama at Papa na mag-breakfast pero tapos na raw sila kanina pa.

Nagsimula na kaming kumain ni Rico at nag-uusap kami habang ngumunguya. Tinanong ko rin siya kung saan siya natutong magluto, according to him sa mommy niya siya natuto. Tinuruan raw siya nito way back when he was a teenager. And take note 'As a punishment' raw yun. Dahil mahilig daw itong mag cutting classes at makipag-basag ulo. Akala ko matino itong si Rico kahit nag-aaral pa, hindi pala HAHAHAHAHA.

"Nagbunga naman yung punishment ni Mommy. Anytime pwede kitang paglutuan." sabi niya.

Nagpatuloy ulit kami sa pag-uusap. Andami ko ng nalalaman sa kanya at ganun din siya sa akin. Ng mag alas-nueve na ay umalis na siya para mag-duty.

Ako naman ay niligpit ang pinagkainan namin. Bagay nga kaming magka-FOBO dahil naubos namin lahat. Taob ang kaldero!

Nakichismis muna sandali sina Mama at sa akin bago sila umalis----si Mama sa labas, si Papa naman para mag-trabaho---- sabi pa nila botong-boto raw sila kay Rico. Napangiti naman ako sa sinabi nilang dalawa.

Lumipas ang araw at Pasko na! Pero joke lang dahil ilang months nalang at December na pero ganun parin ang routine namin ni Rico. Maaga siya dito sa bahay para sabay kaming mag-breakfast tapos magdu-duty na siya pagka-patak ng alas-diez.

Sa araw na iyon ay 'di na ako lumabas ng bahay. Dahil linggo yun. It means its laba-laba day. Pagod ako pagkatapos kong maglaba kaya nakatulog kaagad ako sa kwarto.

Gabi na ng magising ako dahil sa maingay na pagtatahol ni Cypher. 'Yun pala may dalang aso si Papa at pinakain nila yun. According to him, sumakay daw ng trycicle ito ng Tito Alex ko na kapatid ni Papa. At kinuha naman ni Papa para pakainin dahil nagugutom ito. Hindi kasi pwedeng iuwi ni Tito dahil allergic sa aso ang anak nito na si Xander. Ang aso na inuwi ni papa ay Askal lang, 'di katulad kay Cypher na may breeding.

Pinangalanan ko ang aso na 'Kehati' dahil wala lang. Feel ko bagay lang sa kanya ang pangalang yun. Ang kulay ni Kehati ay parang red na pagka-brown. Ewan, may ganun bang kulay? Yung malapit na maging pula ang pagka-brown niya?

Masaya ko naman itong binalita kay kuya. Kahit pahirapan sa signal doon sa Maragusan----masyado kasing bukid dun-----masaya din si kuya sa binalita ko at sinabing uuwi siya dito next-month para ma-meet ang bagong aso na si Kehati.

Masaya akong lumabas sa bahay para maki-chismis ulit----kahit walang nasasagap na chismis-----last ko na kasing labas to dahil mag-rereview na ako para sa upcoming exams namin.

"Gusto mo tulungan kita?" tanong ni Rico habang nag-rereview ako. Nagvi-video call kami ngayon.

"Hindi wag na, kaya ko na 'to." sabi ko habang nagsusulat at hindi siya tinignan. "Isa pa, busy ka sa work mo." sabi ko at sinulyapan siya at kinindatan siya. Napatawa nalang siya sa ginawa ko.

3rd year college na kasi ako ngayon, taking up Psychology as my degree program. I'm studying in UM also known as University of Mindanao here in Davao.

Minsan ko na ring natanong kay Rico kung saan siya nag college at besss mayayamanin! Sa ADDU-----also known as Ateneo De Davao University--- siya nag-aaral! Sanaol di'ba! Nung una gusto niya sa John Paul mag-aral but he changed his mind.

Ako naman hindi sana ako sa UM mag-aaral, dapat talaga sa HCDC---- Holy Child Davao College----- kaso hindi pumayag si kuya and I don't know why. Dapat din daw ay sumunod ako sa yapak niya psh. Actually 'yun nga ang nangyari except in Senior High School. Dahil gagraduate na siya ng time na yung bago nagsimula ang Senior High.

Pareho kaming nag-aaral sa Elementary, High school then college. Mag-kamukha raw kasi kami kaya dapat same din daw kami ng papasukan. Tinanong ko siya kung anong connect sinabi niya lang na i-connect ko lang daw. May pagka-baliw din ang kuya ko.

Matiwasay kong natapos ang exams ko at makakahinga na nga ako ng maluwag. 'Di kasi ako makakatulog pag meron pa akong di nari-review or di pa nagagawa. At nagbunga naman yun, dahil lumabas na ang results ng exams ko at puros matataas naman ito. Sana pasok pa din ako sa honor.

Kinagabihan dahil may load ako, matagal akong natulog. Sinulit ko na dahil minsanan lang ako magkaroon ng worth 100 pesos na load. Tawang-tawa lang ako sa mga pinanood kong Vlogs. Nang makaramdan ng call of nature ay pinause ko muna to bago tinignan ang oras. Ala-una na pala at malapit ng mag-alas-dos ng madaling araw.

Dali dali na akong lumabas para makapag-CR tapos ay naghugas ng paa ng nakarinig ako ng nagtatakbuhang mga tao.

"SIGE TUMAKBO KAYO! ILANG BESES NA KAYONG PINAGSABIHAN NGUNIT LUMALABAG PARIN KAYO SA CURFEW!"

Sumilip ako sa may kural namin, 'di naman halata na naninilip ako dahil maraming halaman na tanim si Mama. Nakita ko ang mga lalaking naka-motor, naka black shorts or pants, then black jackets at naka-helmet. Nakita ko din na may dala silang parang baril. Agad-agad silang bumaba sa mga motor nila at hinahabol 'yung nagtatakbuhan kanina. Nakita kong tinutok ng isang lalaki ang dala-dala niyang baril at pinapaputok ito! Narinig kong napasigaw ng 'Aray' ito. Ang isang lalaki naman ay nilatigo ang naabutang hinahabol. Ang isa naman ay nakita ko pang pumasok sa isang bahay. Sobrang kinakabahan ako sa nasaksihan ko, tulog na lahat ng kapit-bahay namin tapos heto ako at naka-witness sa pangyayaring ito.

"Kita na kayong lahat sa Camera!" narinig kong sabi ng isang lalaki sa nahuli nila. May camera kasing nakadikit sa helmet.

Nakita ko ang isang lalaki naman na papasok sa daanan papasok dito sa amin. Mas lalo akong kinabahan ng huminto sa harapan ko kahit may kural at puno ito ng halaman. Nagkunwari naman akong chinecheck ang nilabhan kong sapatos kaya nakatayo lang din ako. Kahit nakasuot siya ng helmet wari koy nakatingin siya sa akin. Matapos ang ilang sandali ay umalis na siya kaya nakahinga ako ng maluwag, at maya't-maya na rin ay umalis na silang lahat.

Agad lumabas sila Mama at Papa sa bahay, nakita ko din ang isa naming kapit-bahay na sumilip din sa labas ng bahay nila while me! Napaupo ako dahil nanginginig ang paa ko dahil sa nangyari. Lumabas sila Papa para puntahin ang mga nasa labas. Ako naman ay lumabas din pero hanggang sa labas lang ng gate, may upuan naman kasi dun kaya umupo ako habang tinatanaw sila. Kahit medyo malayo ay naririnig ko parin ang mga sinasabi nila dahil sobrang tahimik ng paligid.

"'Yan kasi, hindi pa kayo umuwi. Naabutan tuloy kayo ng curfew." sabi ni Papa dun sa mga binata at nagfi-feeling binata.

"Grabe 'kol! Pinasok talaga kami sa bahay nila Dodong!" sabi ng isang lalaki.

"Si Junnel naman ay binaril ng airsoft! Sobrang dami niyang tama ng bala sa likod!" sabi naman ng isa pang lalaki.

"Si Kentoy naman ay nilatigo." sabi ng isa pang lalaki. Ang dami naman nilang lalaki! Kahit sobrang familiar sila sa akin hindi ko alam ang mga pangalan nila.

"Si Kentoy?" tanong ni Mama.

"Oo 'teh! Hindi ko na nabilang kung ilang beses siyang nilatigo!" sabi ng naunang lalaki.

"Asan na siya ngayon?" tanong naman ni Papa.

"Ewan kung asan na siya."

"Eh kayo? Nabaril ba kayo or nilatigo?" tanong ulit ni Mama.

"Ako 'teh, nabaril ako sa braso ng airsoft! Sobrang hapdi nga eh. Si Jomarie naman nilatigo at binaril." sagot nung isa at ipinakita kay mama 'yung tama niya.

"Siya ba yung sumigaw kanina ng malakas?" tanong ni Papa, tumango naman ito. Maya-maya pa ay may lumapit na lalaki na medyo nahihirapang maglakad.

"Oh 'eto na pala si Kentoy Oh!"

"Kentoy ilang beses kang nilatigo kanina?" nag-alalang tanong ni Mama.

"Pito." nahihirapang sabi pa niya.

P-pito? God ang dami naman! I bet sobrang sakit pa nun.

Nakita kong tinuro-turo ng lalaki ang mga pasa niya na nakuha niya dahil sa pag-latigo sa kanya. Napasinghap nalang ako ng makita ko ito. Kahit nasa malayo ako ay klarong-klaro pa din ang pasa niya sa magkabilang paa niya at sa likod ng tuhod niya, meron din sa batok niya! God kung ako ang natamaan niyan siguradong nahimatay na ako!  Buti nalang hindi nakakamatay ang bala at latigo, nakakasakit lang.

Patuloy padin sila sa pag-uusap at ng matapos ay pumasok ulit ako sa bahay. Narinig ko pang nag-uusap sila Mama habang papasok na dito.

"Sigurado akong mga Tanod ang may gawa nito."


_____________
🐇

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

නසරාණියා H&P Sisters द्वारा

कथेतर साहित्य

191K 20.3K 56
"කේතු දන්නවද මම කේතුට කොච්චරක් ආදරෙයි කියල ?" "හැමතිස්සෙම වචනෙන් නොකිව්වත් සර්ගෙ ඇස් මගේ ඇස් එක්ක පැටලෙනකොට ඒ දිලිසෙන ඇස්වලින් මට පේනවා සර් මට කොච්...
21.5K 690 28
Unicode ငယ်ကိုအရမ်းမုန်းတာပဲလားမမမုန်း သဲငယ် ငါ့ဘဝမှာမင်းကိုအမုန်းဆုံးပဲ တစ်သက်လုံးမုန်းန...
16.5K 2.5K 19
ආදරේ කියන්නෙ හුත්තක්. එච්චරයි __සිතුම් ආකාෂ් ෆ්‍රනෑන්ඩෝ
13.6K 1.2K 86
" දන්නවද අභී..! එයා හරියට වැස්සක් වගේ...!" " වැස්සක් !?...'' '' ඔව් වැස්සක්...එයාගෙ ආදරෙත් හරියට වැස්සක් වගේ...කාලයක් මාව ඒ වැස්සෙන් තෙම්මලා....එයා ය...