"π‘΄π’š 𝑭𝒂𝒃𝒍𝒆𝒔" 3 (π™²πš˜πš–...

By air-styper

3.3K 522 34

πšƒπš‘πš’πšœ πš’πšœ πš–πš’ πšπš‘πš’πš›πš πšπšŠπš‹πš•πšŽ πš‹πš˜πš˜πš” πšŠπš—πš πš’πš πš’πšœ πšŽπš—πšπš’πšπš•πšŽπš "π™Όπš’ π™΅πšŠπš‹πš•πšŽπšœ" 3. πšƒ... More

π™Έπ™½πšƒπšπ™Ύπ™³πš„π™²πšƒπ™Έπ™Ύπ™½
21πš‚πšƒ 𝙡𝙰𝙱𝙻𝙴: πšƒπ™°π™Άπ™°π™»π™Ύπ™Ά
21πš‚πšƒ 𝙡𝙰𝙱𝙻𝙴: π™΄π™½π™Άπ™»π™Έπš‚π™·
22𝙽𝙳 𝙡𝙰𝙱𝙻𝙴: πšƒπ™°π™Άπ™°π™»π™Ύπ™Ά
22𝙽𝙳 𝙡𝙰𝙱𝙻𝙴: π™΄π™½π™Άπ™»π™Έπš‚π™·
23πšπ™³ 𝙡𝙰𝙱𝙻𝙴: πšƒπ™°π™Άπ™°π™»π™Ύπ™Ά
23πšπ™³ 𝙡𝙰𝙱𝙻𝙴: π™΄π™½π™Άπ™»π™Έπš‚π™·
24πšƒπ™· 𝙡𝙰𝙱𝙻𝙴: πšƒπ™°π™Άπ™°π™»π™Ύπ™Ά
24πšƒπ™· 𝙡𝙰𝙱𝙻𝙴: π™΄π™½π™Άπ™»π™Έπš‚π™·
25πšƒπ™· 𝙡𝙰𝙱𝙻𝙴: π™΄π™½π™Άπ™»π™Έπš‚π™·
26πšƒπ™· 𝙡𝙰𝙱𝙻𝙴: πšƒπ™°π™Άπ™°π™»π™Ύπ™Ά
26πšƒπ™· 𝙡𝙰𝙱𝙻𝙴: π™΄π™½π™Άπ™»π™Έπš‚π™·
27πšƒπ™· 𝙡𝙰𝙱𝙻𝙴: πšƒπ™°π™Άπ™°π™»π™Ύπ™Ά
27πšƒπ™· 𝙡𝙰𝙱𝙻𝙴: π™΄π™½π™Άπ™»π™Έπš‚π™·
28πšƒπ™· 𝙡𝙰𝙱𝙻𝙴: πšƒπ™°π™Άπ™°π™»π™Ύπ™Ά
28πšƒπ™· 𝙡𝙰𝙱𝙻𝙴: π™΄π™½π™Άπ™»π™Έπš‚π™·
29πšƒπ™· 𝙡𝙰𝙱𝙻𝙴: πšƒπ™°π™Άπ™°π™»π™Ύπ™Ά
29πšƒπ™· 𝙡𝙰𝙱𝙻𝙴: π™΄π™½π™Άπ™»π™Έπš‚π™·
30πšƒπ™· 𝙡𝙰𝙱𝙻𝙴: πšƒπ™°π™Άπ™°π™»π™Ύπ™Ά
30πšƒπ™· 𝙡𝙰𝙱𝙻𝙴: π™΄π™½π™Άπ™»π™Έπš‚π™·
𝙴𝙽𝙳 𝙾𝙡 πšƒπ™·π™Έπšπ™³ 𝙱𝙾𝙾𝙺
π™°πš„πšƒπ™·π™Ύπš'πš‚ π™½π™Ύπšƒπ™΄

25πšƒπ™· 𝙡𝙰𝙱𝙻𝙴: πšƒπ™°π™Άπ™°π™»π™Ύπ™Ά

76 23 0
By air-styper

"Ang Kwento tungkol kina Napigsa at Nasirib"

Noong unang panahon, may dalawang binatang napadpad sa isla ng Agtintinnulong na kanilang pinangalanan.

Silang dalawa ay magkapatid at silang dalawa lang talaga ang tao doon.

Silang dalawa ay hindi magkaayos dahil sa pinagbibintangan nila ang isa't-isa kung bakit sila napunta sa islang iyon.

Sila ay aksidenteng napunta roon sa isla dahil tinangay sila ng higanteng daluyong bunga ng masamang panahon.

Dahil sa daluyon, hindi nila nakontrol ang kanilang bangka hanggang sa bumangga sila sa mga malalaking bato habang papunta sila doon sa isla.

Noong nakapunta na sila sa isla ay sirang-sira na ang kanilang bangka kaya naman wala na silang gagamitin para bumalik sa kanilang lugar.

Tinignan nilang dalawa kung nasaan na sila pero walang nakalagay na larawan ang islang ito.

Kaya naman, pinangalanan na lamang nila itong Isla ng Agtintinnulong dahil ito ang kanilang apelyido at silang dalawa ang unang nakapunta sa islang ito.

Pagkatapos non ay pinalibutan sila ng mga buhay na bato.

Oo, buhay na bato at anumang bagay na nakakalat sa isla.

Dahil dito ay tumakbo sila sa Isla at natakot hanggang sa nalaman nila na ang lahat ng mga bagay doon ay mababait na nilalang.

Ang ikinatatakot lang nila ay baka may mababangis na hayop doon.

Naisipan nina Napigsa at Nasirib na tumira muna doon sa Isla ng Agtintinnulong.

Ang una nilang naisip ay ang gumawa sila ng kanilang bahay sa isla.

Ngunit dahil sa hindi sila magkaayos at magkasundo na dalawa ay naisip nilang kanya-kanya silang gumawa ng kanilang bahay.

Linagyan nila ng linya ang buhangin, ibig sabihin, may sarili na silang pagitan.

Pati ang buhangin ay nagtaka sa linya ng kanyang mukha.

Si Napigsa ay sa kabila at si Nasirib rin sa ibang kabila.

Nag-usap nga silang dalawa na hindi sila lalampas sa linya sa buhangin dahil mayroon na silang pagitan.

Sumang-ayon sila sa isa't-isa at wala sa kanila ang lumabag sa pamamagitan ng paglampas sa linya.

Ito nga ang kanilang ginawa dahil hindi nga sila magkaayos.

Bago sila gumawa ng kanilang bahay ay naghanap muna sila ng makakain dahil hindi pa sila nag-umagahan.

Si Napigsa ay naghanap sa kagubatan ng pagkain. Pero imbes na maghanap siya ay ang puno ng saging na mismo ang nagbigay sa kanya ng kanyang bunga sa pamamagitan ng paghulog ng mga bunga nito.

Masaya si Napigsa dahil imbes na maghanap siya ay mismong ang puno ng saging na ang nagbigay sa kanya.

Nagpasalamat naman si Napigsa dahil sa saging. Dahil dito ay lumakas nanaman ang kanyang katawan.

Napatanong ang puno ng saging kung bakit parang hindi sila magkaayos ni Nasirib.

Ang sinabi naman ni Napigsa ay labas siya sa sitwasyon nilang dalawa kaya naman hindi na nakialam ang puno ng saging sa kanila.

Pero, sinabi ng saging sa kanya na pwede ulit siya magbigay ng kanyang bunga kung pupunta ulit siya doon sa kanya.

Labis nga ulit na nagpasalamat si Napigsa. Dahil dito sa kanyang saging ay lumakas siya at pwede na siyang magtayo ng kanyang bahay.

Sa kabilang banda, si Nasirib ay naghanap din ng kanyang makakain sa kagubatan.

Nakita niya ang isla na sagana ng mga prutas at gulay at marami ring mga hayop na maamo.

Habang siya ay lumalakad at nagmamasid sa kagubatan ay nagulat siya sa isang species ng ibon.

Nagulat siya dahil binigyan siya ng abuyo o isang wildchicken ng kanyang mga itlog.

Hindi tinanggap ni Nasirib ang itlog dahil gusto niyang dumami sila.

Pero ibinigay pa rin ng Abuyo ang kanyang mga itlog kay Nasirib kaya naman tinanggap nalang niya ang kanyang mga itlog.

Sinabi ng Abuyo na walang embryo ang kaniyang itlog na ibinigay sa kanya dahil ang mga may embryo na kanyang itlog ay kasalukuyang na sa kanyang pugad.

Nagpasalamat nga si Nasirib kay Abuyo dahil sa pamimigay ng kanyang itlog.

Lumabas si Nasirib sa kagubatan at pumunta sa lugar kung saan niya itatayo ang kanyang bahay.

Nang nakapunta na siya roon ay nakita na niya ang kanyang kapatid na si Napigsa na inuumpisan nang itinatayo ang kanyang bahay.

Habang nagtatayo si Napigsa ng kanyang bahay ay nagluto muna ng pinakuluang itlog si Nasirib na ibinigay ng Abuyo.

Kinuha ni Nasirib ang kaldero mula sa nasira nilang bangka at pagkatapos ay linagyan niya ang kaldero ng tubig-alat.

Tapos, sinimulan na ni Nasirib ang paggawa ng apoy gamit ang kanyang nahanap na flint at steel mula sa gubat ng Agtintinnulong.

Agad siyang nakagawa ng apoy sa pamamagitan ng dalawang batong iyon at agad niyang pinaapoy ang mga tuyong-tuyong mga kahoy na kinuha niya rin mula sa gubat.

Hindi natakot ang mga tuyong kahoy na masunog ngunit masaya pa nga sila dahil sa wakas ay mayroon na rin silang silbi.

Sa oras na iyon ay pinakuluan niya ang mga itlog at malalipas ang ilang mga minuto ay naglaho ang tubig at naging asin.

Sakto namang naluto na ang mga itlog.

Naisipan niyang kunin ang mga asin para pampalasa sa itlog.

Nasarapan nga si Nasirib sa mga itlog na may asin at siya ay nabusog.

Pero naramdaman niyang uhaw na uhaw na siya kaya naman naisipan niyang kumuha ng bunga ng makapuno para uminom ng katas nito.

Dahil mabait ang mga puno ng makapuno ay sila na mismo ang nagbigay ng kanilang bunga sa pamamagitan ng paghulog ng kanilang bunga sa pamamagitan ng paggiling.

Dahil dito ay sobrang nagpapasalamat si Nasirib dahil sa kanilang mga bunga.

Kinuha niya ang kanyang bolo sa kanilang sirang bangka at hiniwa ang bunga nito.

Pagkatapos niyang nahiwa sa dalawa ay nakita niya ang kumikislap na katas nito kaya naman hindi na rin siya nakapaghintay na inumin ito.

Nang pagkatapos niyang inumin ang katas o tubig ng makapuno ay dito siya sobrang na-refreshed.

Pati ang kanyang utak ay narefreshed kaya naman pwede na niyang umpisahan ang paggawa ng kanyang sariling bahay na kanyang titirhan kapag gabi na gamit ang kanyang talino.

Inumpisahan na nga ni Nasirib ang paggawa ng kanyang bahay.

Sa kabilang banda naman ay hindi matapos-tapos ni Napigsa ang paggawa ng kanyang bahay dahil sa hindi planado ang kanyang ginagawa.

Oo, malakas nga siya at ginagawa ang lahat para mabuhat lahat ng malalaking mga kahoy ngunit kahit anong gawin niya ay hindi siya makapagtatayo ng kanyang bahay kung hindi planado.

Malakas nga siya ngunit hindi niya alam magpatayo ng kanyang sariling bahay.

Kaya naman, tinawanan na lamang siya ni Nasirib dahil mali ang pwestong pinagkakabitan na kahoy ni Napigsa para itayo ang kanyang bahay.

Totoo namang mali dahil halatang hindi na alam ni Napigsa ang kanyang ginagawa para ipatayo ang kanyang bahay.

Hindi alam magplano ni Napigsa para itayo ang kanyang bahay at umaasa na lang siya sa sarili niyang lakas.

Kaya naman, kahit ganon ay ipinagpatuloy pa rin ni Napigsa ang pagpapatayo ng kanyang bahay ngunit agad rin naman itong bumabagsak.

Kay Nasirib naman, plinaplano na niya ang pagtatayo ng kanyang sariling bahay.

Halatang marunong magplano ng bahay si Nasirib dahil siya ay matalino.

Makalipas ang isang oras ay nakagawa na siya ng isang blueprint na iginuhit niya sa buhangin.

Ang plano ni Nasirib ay gagawa siya ng isang tree house at itatayo niya ito taas ng puno ng Mangga.

Ang kulang nalang ay ang pagpapatayo nito.

Dahil sa laki ng tree house na plinano ni Nasirib ay kailangan niya ng malalaking kahoy para maipatayo ito.

Kumuha nga siya ng mga malalaking kahoy sa kagubatan hanggang sa inilagay niya ito malapit sa pagpapatayuan niya ng kanyang bahay.

Inumpisahan niyang iakyat ang mga malalaking kahoy sa taas ng puno ng Mangga ngunit hindi niya ito kaya dahil hindi sapat ang kanyang lakas para buhatin paitaas ang mga malalaking kahoy.

Tinawanan na lamang siya ni Napigsa dahil nagpapakahirap siyang iakyat ang mga kahoy sa taas ng puno.

Ipinilit ni Nasirib ang kanyang sarili na itaas ang mga kahoy ngunit hindi niya ito kaya hanggang ito ay napagod.

Dahil dito ay naisip na lamang ni Nasirib na magpatayo sa baba ng puno ngunit naisip niyang mapanganib dahil hindi niya alam kung may mababangis na hayop sa gabi.

Lumipas nga ang oras hanggang malapit ng lumubog ang araw ay bigo silang magtayo ng kani-kanilang mga bahay.

Kaya naman, biglang nagbabala ang puno ng Mangga sa kanila.

Na kung hindi pa sila makapagtatayo ng kanilang bahay hanggang gumabi ay pwede silang kainin ng mapanganib na hayop at tuwing gabi lang lumalabas, ito ay ang mga Leopards.

Sila ay mga nocturnal at iginugugol nila ang pangangaso kapag gabi at sa umaga daw sila natutulog.

Kahit narinig iyon ng dalawang magkapatid ay hindi pa rin sila nagtulungan at inisip pa rin nila ang pagtatayo ng kanilang bahay.

Hanggang sa dumating na ang oras ng madilim na gabi.

Para hindi madiliman ang magkapatid sa isla ay kinuha nila ng kanilang mga lampara sa kanilang sirang bangka at ipinagpatuloy ang kanilang pagtatayo ng kanilang bahay.

Agad namang tumahol ng nakakatakot ang mga Leopards at agad nilang inatake sina Nasirib at Napigsa.

Dahil dito ay natakot silang dalawa at mabilis silang umakyat sa puno ng Mangga dahil sa sobrang takot.

Dahil sa nangyari ay takot na takot ang dalawa sa itaas ng puno ng Mangga at nanginginig.

Habang ang mga Leopards naman ay naghihintay lamang sa baba ng Mangga na umuungol at parang galit na galit na parang gutom.

Walang nagawa ang magkapatid at nagyakapan sila sa sobrang takot.

Kumalas din naman sila agad dahil nalaman nilang binata na sila.

Napansin ng Puno ng Mangga na hindi sila makapagtatayo ng bahay kung hindi sila magtutulungan.

Naisip ng Puno ng Mangga na ang isang binata ay matalino ngunit hindi niya kayang buhatin paitaas ang mga kahoy kaya hindi siya makagawa ng kanyang sariling tree house.

Ang isa naman ay may lakas nga siya ngunit hindi niya alam magplano para ipatayo ang kanyang bahay kaya hindi niya kayang magtayo ng kanyang sariling bahay.

Kaya naman nakialam na ang Puno ng Mangga sa kanila.

"Mga binata, ano kaya kung magtulungan kayong dalawa?"

"Kaya ko na pong mag-isa dahil malakas ako," sabi ni Napigsa.

"Ako rin, kaya ko na. Tsaka matalino naman ako," sabi ni Nasirib.

"Magkaano-ano kayo?"

"Magkapatid po kami pero sa ngayon hindi kami magkaayos at magkasundo," sabi ni Nasirib.

"Tama!" sabi ni Napigsa.

"Ano kasi ang nangyari?"

"Kasalanan ni Napigsa kung bakit ako napunta ngayon dito dahil tinawagan niya akong maglayag kami kung saan-saan!"

"Anong kasalanan! Kasalanan mo Nasirib dahil ginusto mo. Tsaka, pumayag ka para mag-explore ng mga animal species sa mga isla. Okey lang naman sa akin kahit ayaw mo. Pumayag ka naman."

"Sabi mo naman kasi na ligtas ngayon eh. Hindi pala."

"Basta kasalanan mo na iyan, dahil pumayag ka. Hindi ko naman alam na mangyayari ito eh."

"Basta kasalanan mo ang nangyayari sa atin ngayon! Paano kung magalit ang ating mga magulang sa nangyayari ngayon!"

"Wait! Teka lang. Hay naku! Iyan lang ang pinag-aawayan ninyo. Tama na iyan, kayong dalawa ay maaaring walang kasalanan sa isa't-isa. Ikaw si Napigsa diba?"

"Opo."

"Sa inyo ba ang bangka?"

"Oo."

"Ikaw Napigsa, nagpaalam ka ba sa inyong magulang na kunin ang bangkang iyan?"

"Oo, nagpaalam kami ng aming magulang bago kami tumungtong dito. Kaya alam nila at hindi nila kami mapapagalitan. Pero sa bangka, oo," sabi ni Napigsa.

"Hmm, ganon naman pala. Hindi kayo mapapagalitan dahil pwede niyo namang ayusin ulit ang bangka dahil madami namang kahoy dito sa isla. Tsaka, wala talaga kayong kasalanan sa isa't-isa at saka hindi niyo ginusto ang mga nangyari. Ano kaya kung magbati na kayo, pinagbibintangan niyo lang ang isa't-isa para hindi kayo magkaayos."

"Hmm, sige na nga," sabi ni Nasirib.

"Hmm, okey," sabi naman ni Napigsa.

"Sa totoo lang kapatid, totoo talagang ang liit-liit lang ang ating pinag-aawayang dalawa."

"Oo nga eh, Nasirib. Tama ka. Mabuti nandito ang puno ng Mangga. Kung hindi dahil sa kanya ay nag-aaway pa rin tayo hanggang ngayon."

"Wala iyon. Mabuti naman magkaayos na kayo."

Sa gabing iyon ay nagkaayos na ang dalawang magkapatid dahil sa hindi pagkakaayos.

Matapos iyon ay nagkwentuhan silang tatlo hanggang nakatulog sina Napigsa at Nasirib.

Kinaumagahan, nagsimula ng nagtulungan ang dalawang magkapatid para magtayo ng bahay sa taas ng puno ng Mangga.

Ang mga Leopards sa oras na iyon ay bumalik na sa kanilang lungga at natulog.

Kaya naman wala na silang ipinag-aalala sa oras na iyon.

Ginamit ni Nasirib ang kanyang talino at ginamit rin ni Napigsa ang kanyang lakas para magtayo ng tree house.

Nagtulungan silang dalawa hanggang matapos ang treehouse na ayon sa plano ni Nasirib sa kanyang blueprint.

Hindi rin ito mabubuo kung hindi ginamit ni Napigsa ang kanyang lakas para buhatin paitaas ang mga malalaking kahoy at saka itali ang mga malalaking kahoy para makabuo ng tree house.

Makalipas ang maraming oras ay nabuo na ang kanilang treehouse.

Dahil sa kanilang pagtutulungan ay mayroon na silang pwedeng tirahang dalawa sa taas ng puno ng Mangga.

Naging masaya rin sa kanila ang puno ng Mangga, mga puno ng Makapuno at iba pa dahil natapos nila ang treehouse ng may pagtutulungan.

Pagkatapos nilang matapos ang treehouse ay sinubukan rin nilang ayusin ang kanilang bangka.

"Nasirib, paano kung gagamitin natin ang mga kahoy at magsasalita na ang ating bangka?"

"Napigsa, hindi mo ba alam na noon pa ay nagsasalita na ang mga iyan?"

"Ano?!"

"Hindi ka kasi naniniwala sa akin, Napigsa."

Nasorpresa nga si Napigsa dahil nagsasalita pa ang mga kahoy ng bangka noon pa.

Pagkatapos non ay inayos nila ang kanilang sirang bangka.

Dahil sa kanilang pagtutulungan ay naging maayos ang kanilang bangka at bumalik ang dati nitong sigla.

Nang magtanghali ay nagutom ang dalawa sa sobrang pagod ngunit hindi na ito naging problema ng dalawa dahil sila na mismo ang magbibigay sa kanila ng kanilang pagkain.

Naisip ng dalawa na hindi na nila tuloy gustong umuwi dahil napakasayang mamuhay dito at hindi na problema ang pagkain.

Pero kailangan na nilang umuwi bukas dahil baka nag-aalala na ang kanilang magulang sa kanila.

Makalipas ulit ang maraming oras na pamamasyal ng dalawa sa islang iyon ay napagod nanaman sila at pagkatapos binigyan nanaman sila ng mga puno ng kanilang pwedeng kaining prutas.

Nang gabi na ay hindi na sila matatakot sa mga Leopards dahil mayroon na silang treehouse.

Linagyan nila ng lampasa sa loob ng treehouse na magsisilbing ilaw.

Unang beses pala nila itong tirhan na parang nasa sa kanilang bahay kaya naman hindi nila ito pinalampas.

Nang mag-umaga na ay naging masigla silang gumising dahil napasarap ang kanilang tulog kagabi.

Ngayong umaga nga ay uuwi na sila papunta sa kanilang bahay.

Nagpaalam nga sina Napigsa at Nasirib sa isla na pinangalanan nilang Agtintinnulong.

"Paalam, sa inyong lahat. Maraming salamat sa lahat ng mga pagkain," sabi ni Napigsa.

"Paalam! Mamimiss ko kayo. Marami akong nadiskobreng species ng mga hayop sa islang ito. Pati na rin ang species ng mga halaman at puno. Tsaka, maraming salamat rin sa mga meryenda at pagkain."

Ganon din ang sinabi ng lahat ng mga buhay at hindi buhay, tulog man o hindi na nilalang sa isla.

Pero bago sila sumakay ay binigyan muna sila puno ng Mangga ng kanyang mga bunga, pati rin ang puno ng Makapuno at saka puno ng Saging.

Hindi rin nagpahuli ang Abuyo o wild chicken sa pamamagitan pamimigay nito ng maraming itlog.

Pagkatapos non ay nagpasalamat ulit sila hanggang sila ay nagsimulang naglayag patungo sa kanilang bahay.

Nang sinulyapan ulit ng dalawang magkapatid ang isla ay bigla itong naglaho na parang bula.

Noong nakapunta na sila sa kanilang bahay ay sobrang saya ng kanilang magulang dahil nagbalik ang kanilang nawawalang mga anak.

Humingi rin sila ng patawad tungkol sa kanilang pagkawala at pinatawad din naman sila ng kanilang mga magulang.

Pagkatapos non ay ikwinento ng dalawang magkapatid ang tungkol sa kakaibang islang kanilang napuntahan.

Hindi alam ng magkapatid na mas nauna pala ang kanilang mga magulang na pumunta doon sa kakaibang islang iyon kaysa sa kanila.

Kaya pala nagsasalita rin ang mga kahoy sa bangka dahil ginawa rin ito ng kanilang mga magulang.

Kinausap ng kanilang magulang ang mga kahoy sa bangka na huwag silang mag-uusap kapag mayroong tao kabilang ang kanilang anak dahil mag-papanic sila.

Pero napansin na nito ni Nasirib noon pa at sinasabi niya kay Napigsa ngunit hindi ito naniniwala sa kanya.

Alam rin ng kanilang magulang na maglalaho ang isla kapag aalis sila sa islang iyon kaya naman wala ito sa kanilang mapa at hindi na rin nila ito pinangalanan.

Sinabi ng kanilang mga magulang na maglalaho ang isla at saka lilitaw ito sa ibang lugar.

Pero sinabi ng kanilang mga anak na pinangalanan na nila ang islang ito na isla ng Agtintinnulong na kinuha nila sa kanilang apelyido hindi lang sa apelyido ng dalawang magkapatid ngunit dahil din sa silang pamilya lang ang mga pamilyang nakatungtong sa kakaibang islang iyon.

Wakas...

Petsang Inumpisahan at Tinapos:
June 6, 2021

Kaunting Kaalaman:

Ito ay mga salitang Ilocano na naisalin sa Tagalog.

Napigsa: malakas

Nasirib: matalino

Agtintinnulong: nagtutulungan

Abuyo: ligaw na manok, wild chicken o mountain chicken.

Continue Reading

You'll Also Like

906K 30.9K 110
When Grace returns home from college, it doesn't go like she thought it would. With her past still haunting her everyday choices, she discovers a sid...
5.6M 149K 31
Mia Gibson and Hunter James were always meant to be. But dating the star quarterback that was destined to be in the NFL was not easy. Especially when...
275K 13.5K 61
My name is Alex Cruz, I'm a omega, so I'm just a punching bag to my pack. But Emma, Queen of werewolves Sam, queen of dragons Winter, queen of vampi...
45.4K 1.4K 33
Haruno Sakura finds herself falsely accused of murder and unwillingly became an Akatsuki member. Seeking justice for herself, she accepts Sasuke's 'c...